Moonlight War (Gazellian Seri...

By VentreCanard

4.9M 341K 135K

Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia... More

Moonlight War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 31

76.2K 6.8K 3.8K
By VentreCanard

A/N When I started book two of this trilogy, I thought I only got few readers. Konti lang kasi ang comments, pero keri lang para hindi mahirap mag-mute. Haha. But when I reached half of the chapters, I was too stunned by how readers react. Ang daming affected at sobrang gigil! 

And I am so happy! Try to answer the question at the last part, let me read your guesses. Haha.

Try to hear the background music I'd picked for this chapter. 


Chapter 31

Unang mensahe

Nanatiling magkatitigan ang mga mata namin ni Caleb. Hind ko magawang mabasa ang kanyang ekspresyon.

Ano ang ginagawa ng isa sa mga prinsipe ng Sartorias sa lugar na ito? Lalo na sa ganitong sitwasyon, na ang kanilang emperyo'y nahahrap sa nagbabadyang pinakamalaking digmaan.

Sa ilalim ng kanyang balabal ay may kinuha siyang tela na nakabalot. Inilapit niya iyon sa ibong kaanyuan ni Kalla at kinuha iyon ng kanyang tuka.

Lumipad papalayo ang puting ibon at nagtungo iyon sa likuran ng mga puno ng kagubatan. Hindi tumagal ng ilang minuto'y bumalik na si Kalla na nasa kanyang totoong kaanyuan.

"Kalla..."

Pormal na yumuko si Kalla kay Rosh bilang pagbati sa prinsipe. "Rosh..."

"Uncle Caleb! Y-You're back!" malakas na sigaw ni Divina na siyang pumutol sa nabubuong tensyon sa aming lahat.

Inakala kong ngiti ang siyang isasalubong ni Caleb kay Divina na tumalon na mula kay Nikos at nakabuka na ang mga braso upang yakapin ang kanyang tiyuhin, ngunit napaatras si Caleb ng makita ang munting prinsesa.

"W-Who is she?"

Maging si Kalla ay nakatulala rin kay Divina. Napamasahe sa kanyang noo si Rosh nang makita niyang kinagat na ni Divina ang kanyang labi na nagpipigil na sa kanyang pag-iyak.

Galing si Divina sa hinaharap. Nasisiguro kong kasama lamang kanina nina Kalla at Caleb ang Divina sa pangkasalukuyan.

"You don't love me anymore, Uncle Caleb? Hindi ko naman sinasadya. Pinagalitan ako ng marami ni Papa. Inaway nila ako ng sabay ni Mama—"

Kunot na kunot ang noo ni Caleb sa harap ni Divina, habang si Kalla ay mukhang nagsisimula nang maintindihan ang siyang nangyayari, si Rosh naman ay may parehong reaksyon ni Caleb.

Bago pa man tuluyang sabihin ni Divina ang dahilan ng pag-iyak niya ay agad na akong lumapit sa kanya, binuhat at niyakap.

Hindi niya maaaring sabihin ang nangyari sa hinaharap.

"What is happening?" tanong ni Caleb na nalilito pa rin.

"She's from the future." Sagot ni Rosh.

Ngayon ay mas nangibabaw ang malakas na pag-iyak ni Divina. "Uncle Caleb hates me... hindi ko naman sinasadya..."

"Shhh..." pagpapatahan ko kay Divina.

Nanatili pa rin naguguluhan si Caleb habang ang mga mata'y nasa likuran ni Divina na umiiyak.

"Caleb." Muling tawag sa kanya ni Rosh.

Doon natauhan ang prinsipe ng Sartorias at nagmadali siyang lumapit sa akin upang buhatin si Divina.

"I'm sorry. I don't hate you, Divina. Who told you? I was just confused."

Pulang-pula ang ilong ni Divina habang nakatitig kay Caleb, ang dalawang kamay ng munting prinsesa'y nakapatong sa mga balikat ng prinsipe habang panay ang kanyang pagsinok dahil sa tindi ng pag-iyak.

Nang mas mapagmasdan ni Caleb ang munting prinsesa ng prinsipe ng mga nyebe, gumuhit ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Si sutil nga..."

Lalong humikbi si Divina. "I will tell this to King Das--" hindi ko na nagawang marinig ang sunod sa sinabi ni Divina nang bigla na namang kumirot ang dibdib ko.

Si Kalla ang siyang unang naalarma at nakalapit sa akin, bago si Rosh. Nakita ko kung paano nagtama ang mga mata nina Kalla at Caleb bago muling itinuon sa akin ni Kalla ang kanyang atensyon.

"I'm sorry... I didn't know..." ani ni Rosh.

Akala ko ay ako ang siyang kinakausap niya ngunit na kay Kalla ang kanyang mga mata.

Kinagat ni Kalla ang kanyang pang-ibabang labi. "Nahuli kami, Rosh..."

"May hindi ba ako nalalaman?" tanong ko.

Lahat sila ay napatitig sa akin. Ako na mismo ang nagtanggal ng mga kamay nina Rosh at Kalla mula sa akin nang mabilis kong Nabawi ang aking lakas.

"May magagawa ba tayo?" tanong ni Caleb.

Umiling si Kalla. "We could have stopped it. Wala sa atin ang maaaring makapagbigay ng lunas kundi ang kanyang sarili lamang."

Mariin napapikit si Caleb.

"Ano ang nangyayari?" ulit ko.

Ngunit wala sa kanila ang nagtangkang sumagot sa akin. Muling nabalot ng katahimikan ang buong paligid, inakala ko pang mas tatagal iyon nang si Rosh ang magpasyang basagin iyon.

"Paano kayo nakarating dito? It's not Lily. Nasisiguro kong kung ang kapangyarihan niya ang gamit n'yo... narito siya at..." sabay tumango sina Kalla at Caleb, tipid silang sumulyap sa akin.

"Naha made a painting... itinugma niya iyon mula sa isa sa mga larawan sa loob galleriya ni Amang Hari. Ito ang siyang ginamit naming lagusan." Sagot ni Caleb.

Tumaas ang kilay ni Rosh bago lumingon kay Nikos. "May nagawa na siyang tama."

"Aunt Naha's always right!" dagdag ni Divina.

"Supporter." Matabang na sabi ni Rosh.

"Ano ang dahilan ng inyong pagpunta rito?" hindi na naman makapagsalita si Caleb o Kalla sa akin.

Si Caleb ay lumingon muli kay Rosh. "Hanggang saan ang kanyang naala—"

"I don't know. Scattered. Shuffled. Isang layunin, ngunit wala na ang ibang ipinaglalaban."

Huminga ako ng malalim. "Kung hindi n'yo ako nais isali sa inyong usapan, ako'y magtutungo na sa karwahe at doon na lamang maghihintay."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila dahil nilampasan ko na silang lahat at nagtungo ako sa kagubatan.

Simula nang matapos ako sa ritwal, alam ko sa sarili kong may bagay na importanteng siyang nawala sa akin, ngunit bakit hindi ko iyon hinahanap-hanap?

Ang pakiramdam ko'y magaan ngayon at positibo sa paglalakbay na ito.

Kung anuman ang nawalang iyon... maaaring iyon ang siyang isinakripisyo ko sa ritwal, sakripisyong gusto kong mawala... sakripisyong ngayo'y makakatulong sa akin upang magpatuloy.

Wala sa sarili akong tumigil sa paglalakad.

Sa pusod ng kagubatan na tanging ingay lang ng hanging yumayakap sa mga puno at matataas na damo ang siyang aking naririnig, nag-angat ang aking mga mata sa kalangitan na ngayo'y nasasabugan ng mga ulap, ang mga iyon ay tila may buhay na nakikipaglaro sa buwan, dahilan kung bakit ang liwanag na iginagawad nito sa kabuuan ng kagubatan ay tila sumasayaw.

Sa sandaling mahanap ko na ang mga susi, magagawa ko nang mabuksan ang kweba at angkinin ang kapangyarihang inaasam-asam ng lahat.

Walang sinuman ang siyang maaaring humawak niyon, kundi isang diyosa lamang. Dahil nasisiguro ko na sa sandaling may ibang nilalang ang humawak niyon, panibagong uri na naman ng kasakiman ang mamayani sa mundong ito.

Ipinikit ko ang aking mga mata nang mas lumakas ang ihip ng hangin. Ibinuka ko ang aking mga braso at inangat ko ang aking mukha, kahit nakatakip ang talukap ng aking mga mata tila nakikita ko pa rin ang buwan na unti-unting sumisilip sa ulap.

Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang maramdaman ko ang sinag ng buwan na tumama sa aking mukha. "Magbabalik ako sa buwan... tanaw ang mundong ito. Payapa, masaya... malayo sa sakit."

Nang makarating na ako sa karwahe at sumakay roon, hinintay ko na lamang dumating sina Rosh, Nikos, Hua at Divina. Ngunit nang sandaling magbukas ang karwahe ay si Kalla ang sumalubong sa akin.

Hindi siya nagsalita. Kusa siyang pumasok sa loob ng karwahe at piniling umupo sa aking harapan.

"L-Leticia..."

Hinawakan niya ang aking mga kamay. "Kalla..." tawag ko na may bahid ng pagtataka.

Huminga siya ng malalim at tila nahihirapan kung magsasalita ba siya sa akin o hindi.

"Ilang beses din akong nag-isip na sumuko, ngunit lumaban ako. Ipinaglaban ko siya... inaamin ko, masakit silang magmahal, na handa ka nilang saktan dahil mahal na mahal ka niya..." tumawa siya ng pagak. "Hindi ko magawang ipaliwanag... ngunit ang pagmamahal ng mga Gazellian ay wagas."

"It's just that he's a King... with flaws."

Nang sabihin niya iyon, bigla na namang tila sasabog ang dibdib ko at maging ang ulo ko'y biglang umikot. Inagaw ko nang marahas ang mga kamay ko mula kay Kalla.

"Tumigil ka."

Pinagsalikop ni Kalla ang mga kamay niya na nakapatong sa kanyang mga hita. Yumuko siya sa akin.

"Patawad..."

"Kung anuman ang dahilan n'yo ni Caleb ng pagsunod rito, hindi ko na nais marinig pa iyon. Nakauusad na kami sa paglalakbay, Kalla. Hindi ko na dapat pang isipin ang ibang bagay dahil ang misyon ko ang higit na mahalaga."

Nakikita ko sa kanyang mga mata na may nais siyang sabihin, ngunit nirespeto niya ang siyang kagustuhan ko.

"Hihintayin ko ang pagbabalik mo sa Parsua Sartorias, Mahal na Reyna." Mas ibinaba ni Kalla ang kanyang ulo sa akin habang nanatili akong tuwid na nakaupo sa kanyang harapan.

Bumaba na siya sa karwahe, ngunit ang bawat kilos niya ay may bakas ng pag-aalinlangan. Akala ko'y tuluyan na siyang aalis, ngunit humarap siyang muli sa karwahe.

"Si Caleb ay mananatili at tutulong sa paglalakbay na ito. Ingatan mo sana ang iyong sarili, Diyosa ng Buwan. Marami kaming naghihintay sa 'yo sa Sartorias."

"Salamat..."

Nang sabihin ko iyon ay muli siyang yumuko sa akin bago tumalikod at pinong naglakad patungo sa kanyang pinanggalingan. Eksaktong makakasalubong niya sina Rosh, Hua, Nikos, Caleb at Divina.

Nakita ko ang pag-iling niya sa lahat.

"Mag-ingat ka, Kalla." Ani ni Caleb.

"Kayo rin..."

Nang makarating na ang grupo sa karwahe. Piniling muli nina Nikos at Hua ang manatili sa labas. Ngayon ay sina Caleb, Rosh at Divina ang siyang kasama ko sa loob.

"Isn't she pretty with the red dress?" natutuwang tanong ni Divina kina Rosh at Caleb.

Sabay tumango ang dalawang prinsipe. "I want a red dress too!"

"Wala akong dala. Hindi mo sa akin sinabi Divina na gusto mo mag-change outfit." Sagot sa kanya ni Caleb.

Ngumiti ako kasabay nang pagliliwanag ng aking kanang kamay. Inangat ko ang aking hintuturo at inihampas ko iyon sa hangin patungo kay Divina.

Agad nagbago ang kulay ng kanyang kasuotan, kawangis ng sa akin.

"Wow! We are twinny, Goddess of the Moon!" tumayo na si Divina mula sa kanyang upuan at nagawa niyang umikot sa gitna namin.

"Yes. Twinny." Pumapalakpak na sabi ni Caleb.

Ngumiwi si Rosh. "You can understand her words?"

Ngumisi si Caleb. "I am familiar with human words."

"You're friends with Naha?"

Tumaas ang kilay ni Caleb. "I'm a regular visitor of human world, brad."

Lalong kumunot ang noo ni Rosh. "Brad?"

Nagkibit balikat si Caleb bago sumandal sa kanyang upuan. "Tawagan iyon sa mundo ng mga tao ng mga lalaki sa isa't isa. It can be, bro... p're. What else, Divina?"

"'Tol..." mabilis na sagot ni Divina.

"Talino talaga ng sutil namin! Kaya love na love ka ni Uncle Caleb." Nanggigil na si Caleb kay Divina, kinalong niya nang muli ang munting prinsesa at pinupog niya ng halik sa pisingi.

Tawa nang tawa si Divina nang kilitiin siya ni Caleb matapos halik-halikan. "Nikikiliti mo 'ko! Ayaw na ni Divina!"

Napuno ng harutan nina Caleb at Divina ang loob ng karwahe. Tila nakahinga ng maluwag si Rosh nang makitang may mas nakaagaw na ng atensyon ni Divina mula sa kanya.

"By the way, Uncle Caleb..."

"Yes?"

Sumulyap si Divina kay Rosh na nakapangalumbaba na at nakatitig sa labas. Ngunit naramdaman ni Rosh ang titig sa kanya ng prinsesa kaya saglit silang nagkatitigan.

Mahinang humagikhik si Divina na may namumulang pisngi. Nasapo na ni Rosh ang kanyang noo, bago siya muling tumanaw sa labas.

Hindi ko man marinig ang ibinubulong ni Divina kay Caleb, alam kong tungkol iyon kay Rosh.

"Really?" eksaheradong suminghap si Caleb na tila na-eskandalo.

"Yes." May pagtangong sabi ni Divina.

"Dalaga na pala ang baby naming sutil." Nang sabihin iyon ni Caleb, hinawakan ni Divina ang dulo ng kanyang buhok at pinaikot-ikot niya iyon sa kanyang daliri na tila nahihiya.

Iritadong lumingon si Rosh kay Caleb at salubong na salubong ang kanyang kilay. Hindi iyon nakikita ni Divina dahil nanatili siyang nakatalikod sa harapan ng ikalawang prinsipe ng Deltora.

Pinagkrus ko ang aking mga hita at mga braso habang nakasandal sa aking upuan. Hindi na mawala ang ngiti sa aking mga labi.

Ang gaan ng pakiramdam ko... at malaya akong nakakangiti sa mga naririnig at nakikita ko.

Sana'y hanggang sa matapos ang paglalakbay na ito'y maging banayad na ang tibok ng puso ko.

"Bakit hindi mo naman sinabi sa akin, Rosh, na girlfriend mo na si Divina?" tila uusok na ang ilong ni Rosh sa sinabing iyon ni Caleb.

"Huwag mong gatungan, Gazellian!" sigaw niya.

Ngumuso si Caleb. "Divina, he's denying you."

"No. He's just shy..."

Napahilamos sa kanyang sarili si Rosh. Mariin niyang pinagkrus ang kanyang mga hita at braso katulad ng sa akin at tumanaw siyang muli sa labas.

"Mag-tiyuhin nga kayo." Usal ni Rosh.

Akala ko'y biruan pa rin ang siyang maririnig ko sa mga sumunod na oras, ngunit nang marinig ko ang singhap ni Divina...

Alam kong nagsisimula nang muli ang pangalawang parte ng aming paglalakbay.

Ang kanilang mga mata'y nakatuon ngayon sa akin. Sa tapat ng dibdib kong nagliliwanag.

"Ang unang punyal..." usal ni Caleb.

Ang unang punyal na magbibigay ng direksyon. 

Unti-unti iyong lumalabas sa dibdib ko na ang talim ay nakatutok sa akin. Habol ko ang aking paghinga habang ang aking mga mata'y hindi umaalis doon.

Akala ko'y mananatili iyon sa ere ngunit sabay kaming nanlaki ang mga mata nang mabilis nawala si Divina sa kanyang upuan at hawakan ang punyal mula sa dibdib ko.

"Divina!" sabay humawak sa kanya sina Rosh at Caleb ngunit ay enerhiyang nagtulak sa kanila papalayo sa prinsesa.

Sa halip ng kulay ng dugo ay ginto ang siyang nagniningning sa mata ni Divina. "S-She's possessed..." nangangatal na sabi ni Caleb.

Umiling ako. "Hindi..." si Divina ang susi. Sa kanyang manggagaling ang mga mensahe ng bawat punyal.

Bumuka ang mga labi ng munting prinsesa.

Usok na nakapupuwing

Sa lugar ng unang pag-ibig

Unang sumpang sinambit

Binhing iniwang may sakit

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 87.3K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
2.9M 61.7K 22
Over Series, Book οΌƒ1 || Breakups are one of the things that Lei dreads, may it be a romantic relationship or friendship. So when her first boyfriend...
123K 1.9K 29
𝑫𝒆𝒍 π‘­π’–π’†π’ˆπ’ 𝑩𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓𝒔 π‘Ίπ’†π’“π’Šπ’†π’” #02[LΙͺΙ΄α΄„α΄ΚŸΙ΄ Dα΄‡ΚŸ Fα΄œα΄‡Ι’α΄] Maaari nga bang matutunan ang pagmamahal? Maturuan ang puso na magmahal ng iba...
87.4K 2.8K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...