Moonlight War (Gazellian Seri...

By VentreCanard

4.9M 341K 135K

Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia... More

Moonlight War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 30

75.2K 6.4K 3.1K
By VentreCanard

Chapter 30

Sumpa

Nang sandaling tuluyan na siyang naglaho at dinalang muli pabalik sa Emperyo ng Parsua Sartorias, naiwan akong nakatitig sa puno na ngayo'y may bahid ng kanyang dugo.

Akala ko'y may luhang muling papatak mula sa aking mga mata, ngunit tila nagawang panindigan ng sarili kong damdamin ang aking matinding emosyon sa kanya.

Na sa halip na sakit, pighati... matinding galit na ang nangibabaw at matinding panlalamig. Sa sobrang pagod umayaw na ang sa sarili kong katawan sa aking mga luha.

Sa kabila ng mga lasong nagkukubli sa akin, ang ihip ng hangin ay hindi nagpapigil upang ipadama sa akin ang kanyang buong presensiya.

Hindi ko na alam kung ilang minuto o oras na akong nakatayo roon habang nakatitig sa puno. Noo'y ang bawat ganda ng puno ay kaya kong bigyan ng mahabang deskripsyon, mula sa maliliit na detalye nito at maging sa paraan ng pakikisalamuha nito sa paligid.

Ngunit ngayo'y pakiramdam ko'y may malaking parte ang siyang nawala sa akin, tila natuto ang puso kong tumanggap ng katotohanan at hindi na maghanap ng ganda sa ibang bagay.

Tila may malaking parte sa pagiging diyosa ko ang nawala o tamang sabihin na nagmulat sa akin sa katotohanan, na hindi lahat obra maestra... hindi lahat may dalang ganda o kaya'y kasiyahan.

Sa tindi ng katahimikan, ang siyang tanging naririnig ko ay ang maliliit na butil na patak ng aking dugo na siyang yumayakap na rin sa bakas ng dugong iniwan niya sa kabuuan ng aking katawan.

Hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang kanyang mga bisig at ang kanyang pangil na bumaon sa aking balat.

Ang marahang paglandas ng aming magkahalong dugo mula sa aking mga balat patungo sa sahig na may guhit na simbolo ang siyang unti-unting bumubuhay sa puno.

Kumuyom ang aking dalawang kamay habang mariin nakatuon ang aking atensyon sa puno. Kung ang bulwagang ito'y nasaksihan ang pag-iisa ng dating hari at reyna, ngayo'y nagkaroon ito ng pagkakataong makasaksi ng paghihiwalay.

Gamit ang ilang butil ng dugo mula sa sahig, inihalo ko iyon sa aking gintong laso dahilan kung bakit nagsama ang mga kulay nito. Ang maliit na hibla ng gintong laso na ngayo'y naging pula na may kasamang pagniningning ay pinahaba ko at unti-unti kong ibinalot sa aking kahubaran.

Ang dating puti at gintong kasuotan ko'y napalitan ng pula na tila may mga diyamante.

Kasabay nang pagyakap ng ibang kulay sa aking katawan na hindi ordinary sa isang diyosa, ay ang unti-unting pag-iinit ng aking katawan at pag-ikot ng aking mundo.

Ang ritwal na ito'y hindi lang upang malaman ang kinalalagyan ng mga relikya, kundi inihanda ko na rin ang sarili kong patayin ang dating si Leticia.

Si Leticia... na mahal na mahal siya.

Ang pinaghalong dugo namin na hindi dulot ng mainit na pag-iisa'y isang malaking kasangkapan, hindi lang para sa aking misyon, kundi pati na rin bilang representasyon ng aking nararamdaman.

Na kahit sa tadhana'y nakasaad na maghalo iyon... pumatak at yumakap ang aking dugo sa kanya na may matinding galit at pagkasuklam.

Muli ko nang inangat ang aking kamay upang tanggalin ang mga laso na siyang nagtago sa amin ni Dastan mula sa mga mata ng manunuod. Habang ginagawa ko iyon, unti-unting nagkakaroon ng mga sanga, dahon at maging bulaklak ang punong ngayo'y nagsisimula nang mabuhay.

Habang tinatanggal ko ang kapangyarihan ko sa paligid, ilang punyal ang kusang lumipad patungo puno at tumama sa iba't ibang sanga nito.

Apat na punyal.

Hindi na ako nahirapan isipin kung bakit apat na punyal iyon. Ang unang punyal ay sa relikya nina Adam at Lily, ikalawa'y ang kina Kalla at Finn, ikatlo ay kina Naha at Evan at ang huling punyal na higit na nagniningning ay sa akin.

Sa relikyang... sa akin lamang.

Kasabay nang tuluyang pagsabog ng tila pinagsama-samang laso sa paligid na siyang matagal na nagkubli sa akin, itinapat ko na ang aking kamay sa apat na punyal na magtuturo sa amin ng daan.

"L-Leticia..." may bahid ng pagtataka ang boses ni Nikos.

Nang lumingon ako sa kanya habang nakaangat pa rin ang kamay ko, maging si Rosh ay mariin na rin ang titig sa akin, ang kanyang atensyon sa kanyang plauta'y wala na, kundi natuon na sa akin.

"Ano ang nangyari sa loob? I felt his presence." Ani ni Rosh.

Sasagot pa sana ako nang maramdaman ko na kusang gumalaw ang mga punyal sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting tumutok sa akin ang mga patalim nito.

"What's going on?" naalarmang sabi ni Rosh.

"Ano ang ginagawa mo?" tanong ni Nikos.

Hindi ko magawang makapagsalita. Hindi ko inuutusan ang mga punyal na umangat at humarap sa akin. Ngunit hindi ko iyon isinalita at sinubukan ko pa rin kontrolin ang mga punyal, ngunit bigla na lang nanlaki ang mga mata ko nang sabay ang mga iyon gumalaw patungo sa akin.

"L-Leticia!"

Nakita ko ang sabay na pagkilos nina Nikos at Rosh upang sagipitin ako mula sa mga punyal, ngunit huli na sila sa kanilang nais gawin.

Sunud-sunod na tumagos sa katawan ko ang apat na punyal.

"L-Leticia!" sabay nilang sigaw sa akin.

Nangangatal ang mga kamay kong napasapo sa dibdib ko, kasabay nang pag-atras ng mga paa ko upang kumuha ng balanse, inaasahan ko na ang matinding sakit at pagtakas ng aking kamalayan nang sandaling tumagos sa akin ang mga punyal, ngunit lumipas ang ilang minuto'y banayad pa rin ang aking paghinga.

Pinagmasdan ko ang aking dalawang palad, inaasahan ko nang napupuno iyon ng sarili kong dugo, ngunit wala man lang akong nakita.

Kumunot ang noo ko. "Ano ang nangyari?"

Sina Rosh at Nikos ay kapwa na natigil sa kanilang pagtayo at muling napatulala sa akin.

"Pumasok sa katawan mo ang mga punyal..."

"Ang mga punyal na gagabay sa atin." Dagdag ni Nikos.

Nang sandaling sabihin nila iyon, tila umikot ang mundo ko at nagsunud-sunod nagpakita ang aking mga nakaraan na unti-unting lumalabo at napapalitan na lamang ng mga lugar.

Lugar na siyang aming tatahakin.

Wala sa sarili kong sinapo ang noo ko, natauhan na si Rosh at lumapit siya sa akin upang alalayan.

"N-Nagawa mo, Leticia... ipinakita sa 'yo ng puno ang siyang kailangan mo, kapalit ng pagbibigay mo sa kanya ng muling buhay."

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat, Rosh..."

Pinili ko ang sarili kong tumayo sa aking sariling mga paa habang iniinda ang matinding sakit ng aking ulo. Ito siguro ang siyang magiging epekto sa akin.

"Panghihina..." napahinga nang maluwag si Rosh.

"Akala ko'y mawawalan ka ng alaala, Leticia. Kami'y lubos na nangamba habang hinihintay ka namin matapos sa ritwal." Sabi ni Nikos.

"Siguro nga'y malakas akong diyosa." Biro ko sa kanila.

"But I really felt his..." nag-aalinlangan ang kanyang mga mata.

"Sino—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang muling umikot ang paningin ko.

Sabay akma sasambutin ako nina Nikos at Rosh na sabay rin nagkatinginan ng makahulugan na tila may sarili silang usapan na hindi ko maiintindihan.

"You're different now... isang maiksing ritwal lang iyon ngunit tila marami nang nagbago."

Tipid kong binigyan ng ngiti sina Rosh at Nikos. "Alam na natin ang daan. Iyon ang higit na mahalaga."

Lumingon ako sa paligid upang makita ang matandang babaylan, ngunit hindi ko na siya makita. Nais ko pa naman sa kanyang magpasalamat dahil hinayaan niyang gamitin ko ang puno na siyang pinangangalagaan niya.

Aanyayahan ko na sana sina Rosh at Nikos na lumabas nang kusa iyong nabuksan at iniluwa niyon sina Hua at Divina na magkahawak ang kamay.

Namilog ang mga mata ni Divina at bumitaw siya agad mula kay Hua nang makita niya ang kabuuan ko.

"Wow! I like your dress, Goddess of the Moon! It's beautiful! Shinning red! Like a queen!"

Ngumiti ako sa kanya. Marahan akong yumuko at tumungo sa kanya upang magtama ang aming mga mata. "Salamat, Divina..."

Nang sabihin ko iyon, isa-isa kong sinalubong ang mga mata nina Nikos, Rosh at Hua. Kailangan na namin ipagpatuloy ang paglalakbay.

"King Dastan will fall in love with you again—" nang marinig ko ang pangalang iyon, napahawak ako sa dibdib ko na tila anumang segundo ay sasabog iyon, wala sa sarili akong napahawak sa balikat ni Rosh.

Sinubukan kong isipin muli ang pangalan iyon sa utak ko, pero tila papatayin ako ng sarili kong puso kung sakaling magtangka ako.

Mabilis binuhat ni Nikos si Divina at pinatigil ang munting prinsesa sa kanyang anumang sasabihin. "I'll tell you something interesting, Divina..." makahulugang nasagutan ng titig sina Rosh, Hua at Nikos.

"We'll go ahead." Ani ni Nikos.

"Grandfather Nikos! I am still talking with the Goddess of the Moon!"

"I will tell you a secret! Your boyfriend might hear it. It's confidential."

Pinagkrus ni Hua ang kanyang braso habang nakatitig sa amin ni Rosh. "The effect..."

"Sinubukan namin hindi pansinin ni Nikos..." usal ni Rosh.

Sa pagkakataong ito'y iba na ang paraan ng pagtitig nila sa akin. Ang kanilang mga mata'y may halo na ng kalituhan at pagtataka. Tila may nais silang itanong sa akin na hindi nila kayang isasalita.

"Ano? Sino---" hindi ko na muli itinuloy isipin ang imahe o maging ang pangalang narinig ko mula kay Divina, dahil tila ang kaunting detalye ng estrangherong iyon ay nais akong kitilin.

"You will kill yourself, Leticia... bakit ganyang paraan ang pinili mo?" nanghihinang tanong sa akin ni Rosh.

Kumunot ang noo ko sa narinig sa kanya. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Dapat ay ibinahagi mo sa amin ang nangyayari, Leticia... hindi mo dapat sinarili ang lahat at pinaparusahan ang iyong sarili."

Mas lalo kong hindi maintindihan ang mga salitang naririnig sa kanila. "Malinaw sa inyo ang misyong ito at ibinabahagi ko sa inyo, kailangan natin kolektahin ang mga susi, buksan ang kweba at gamitin iyon sa nagbabadyang gera..."

Hindi nagsalita ang dalawa at hinayaan nila akong ipaliwanag sa kanila ang lahat ng nalalaman ko. Tila pinagtatakhan nila kung natatandaan ko pa ba ang mga iyon o hindi.

"Ako'y nangakong magiging reyna..."

Nakita ko ang saglit na pagliwanag ng mga mata ni Rosh ng sabihin ko iyon. "Kasama si—"

"Katulad ng diyosa mula sa kasaysayan. Bubuo akong muli ng pitong matataas na posisyon at ibabalik ang kaayusan ng Nemetio Spiran."

Umawang ang bibig ni Rosh sa sinabi ko na parang hindi niya nalalaman ang plano ko sa simula pa lang.

"L-Leticia..."

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa inyo. Bakit tila balisa kayong lahat? Hindi ba kayo masayang nagtagumpay ako sa ritwal?"

Nauna na akong maglakad sa kanila at nagawa kong dumaan sa gitna nilang dalawa. Sabay silang lumingon sa akin na walang mahanap na mga salitang isasagot sa akin.

"Tayo na..." anyaya ko.

Umaasa ako na sana'y madali na lamang ituturo sa akin ng mga punyal ang direksyon ng bawat relikya, ngunit paano kung sa bawat relikya'y may nakatago ring istorya?

Paano kung bago iyon napasakamay nina Adam, Lily, Kalla, Finn, Evan at Naha ay may mga kwento rin nabuo at hanggang ngayon ay konektado sa kanila? May pag-asa pa ba kaming makaabot sa digmaan?

Hindi malayong mangyari ang siyang iniisip ko, dahil ang bawat parte ng Nemetio Spiran ay may kaakibat na mga istorya... mga istroya na inakala ng lahat ay mababaon na ng panahon, ngunit hanggang ngayon ay konektado pa rin sa kasalukuyan.

Muling kumuyom ang mga kamao ko. Kung saanman ako dalhin ng mga punyal na ito, buo ang loob kong lumaban, buo ang loob kong tapusin ang paparating na digmaan, buo ang loob kong akuin ang posisyon ng dating pinakamalakas na diyosa.

Itatama ko ang pagkakamali niya.

Ang pag-ibig... ang pagmamahal niya sa isang bampira ang siyang sumira ng kaayusan ng mundong ito.

Hindi ako susunod sa yapak niya at ipinapangako kong hindi na pag-ibig ang siyang sisira sa maraming buhay. Ang maling pagmamahal na iyon ang naging dahilan ng sunud-sunod na kamatayan mula sa iba't ibang lahi.

Pagmamahal na kahinaan lamang.

Nang sandaling may imahe ng nakatalikod na lalaking saglit na gumuhit sa aking isipan, muling kumirot ang dibdib ko. Mas dumiin ang pagkakakuyom ng aking kamao.

Si Ambronicus Clamberge III ang posibleng estrangherong gumagambala sa akin, ang unang bampirang nanakit sa diyosang katulad ko.

Ang kanyang alaala ang siyang gumagambala sa akin upang hindi ako magtagumpay.

Wala nang diyosang iibig sa isang bampira. Isinusumpa ko.

Nang sandaling kusang nabuksan ang pintuan ng kubo, ramdam kong nakasunod na rin sa akin sina Rosh at Hua. Akala ko'y sa karwahe na ang sunod naming destinasyon, ngunit natigil ang aking mga paa sa paghakbang.

Sina Nikos at Divina na nasal abas na rin ay natigilan sa pagkukulitan at natulala na rin sa bagay na nakapagpatigil sa aking paglalakad.

Isang lagusan.

Inihanda ko na ang aking mga punyal kung may pag-atake man na maganap, ngunit ang kalaban na siyang inaakala namin ay isang pamilyar na mukha pala.

Sa kabila ng kayumangging balabal niya at talukbong sa kanyang mukha, madali ko siyang nakilala.

Si Rosh ang siyang unang bumati sa kanya. "Caleb!"

Ngunit hindi sa kanya nagtungo ang atensyon ng prinsipe ng Sartorias, kundi sa akin. Saka ko lamang napansin ang pamilyar na puting ibon sa kanyang balikat.

"We're late, Kalla..."

Continue Reading

You'll Also Like

28.5K 1.1K 40
Many people always complaining about the sun. Kesyo ang init daw ng sikat ng araw, masusunog ang balat nila, pagpapawisan sila at mabubura ang mga ma...
3.9K 183 32
"I love you even the darkest clouds come upon us." ***** Both were raised by abusive parents and found peace in each other's arms. Jude and Caeli wer...
4.7M 102K 32
Kingdom University Series, spinoff || Mahirap turuan ang puso na magmahal, lalo na kung sa simula ay wala ka namang feelings para sa kanya.
7th Unit By Ann Lee

Teen Fiction

6.4M 142K 42
Standalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got...