Cold and Hot

By nebirc

26.6K 1.3K 205

Si Cold ay isang drummer ng isang banda. Tumutugtog sya sa isang bar. Gwapo. 5'11 ang height at mala model an... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Author's Note
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chaptet 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86 First Part
Chapter 86 Second Part
Chapter 86 Third Part

Chapter 9

413 19 0
By nebirc

Cold Point Of View

Hinawakan ko sya sa braso tsaka hinila si Hot papuntang lobby ng dorm kung nasaan naglalagi ang land lady namin. Wala syang nagawa sa akin. Nagpahila na lang ito sa akin hanggang maka rating kami sa harap ng land lady namin sa may lobby ng dorm

"Ngayon nandito na tayo sa lobby. Sabihin mo na. Di ba nagrereklamo ka?" Matapang na sabi ko

Hindi agad sya naka pagsalita marahil na bigla si Hot sa akin. Hindi sya maka paniwala

"Ano na naman ba ang reklamo nyo? Parang hindi na matapos tapos ang pagrereklamo nyo sa akin. Araw-araw na lang may reklamo kayo" pagrereklamo ng land lady

Nagrereklamo na ang land lady namin marahil naririndi na sya sa mga reklamo ng mga ka dorm mate namin. Pagkatapos ay magrereklamo din kami

"Ano ba ang reklamo nyong dalawa?" Pagtatanong ng land lady namin

Hindi kami naka sagot dahil sa pagrereklamo nya bago sya magtanong sa amin pero na pansin ng land lady namin ang sugat sa may gilid ng labi ko

"Cold ano yan sa may gilid ng labi mo?" Pagtatakang tanong ng land lady namin

Hindi agad ako sumagot. Tinignan ko muna si Hot at fire. Sumenyas si fire na huwag kong sasabihin at si Hot naman ay umiwas ng tingin na parang walang ngyaring sinuntok nya ako

Sabihin ko na lang ang totoo. Ramdam ko naman na mapapaalis ako dito ng dahil kay Hot. Nanahimik ang aking mundo ng wala sya pero eto nandito sya parang ginugulo ang buhay ko. Pagkatapos ay mapapa alis pa ako sa dorm ko. Sa kuwarto ko. Pero Okay lang sa akin atleast kahit ilang araw or 1 week ay naka sama at nakikita ko sya araw-araw ay kontento na ako. Sige sasabihin ko na

Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit ang land lady namin

"Ay! Naku bawal yan dito sa dorm. Baka sabihin ng ibang ka dorm mate nyo ay hinayaan at pinapayagan ko kayo na magsuntukan dito at pwede kayong dalawa mapa alis dito sa dorm ko"sabi ng land lady namin

Magsasalita na sana ako ng biglang sumingit si fire

"Hindi tita. Tumama sa pinto ang bibig ni Cold pagbukas nya kanina bago bumaba dito" palusot ni fire

"Hindi-----" putol kong sabi

Pinutol ni Hot ang sasabihin ko kaya natahimik ako

"Hindi po nagkaka mali si fire. I mean tama. Tumama nga ang bibig ni Cold sa pinto pagbukas nya ng pinto" pagsang ayon naman ni Hot kay fire

Anong gusto palabasin ng mga ito? Lalo na si Hot? Ano sya nagpapaka anghel sa harap ng land lady namin. Hindi bagay sa kanya. Kung ako sa kanya ilabas na lang nya ang sungay at buntot nya. Isama pa nya ang malaking tinidor nya. Bahala sya naka pagdesisyon na ako. Sasabihin ko ang totoo.

"Hindi totoo yan. Sinuntok talaga ako ni Hot" pagsusumbong ko

Napa tingin ang land lady sa aming tatlo

"Saglit lang po" sabi ni Hot sa land lady namin

hinila ako ni Hot papalabas ng lobby ng dorm.

"Hot saan kayo pupunta?" Sigaw ni fire

Hindi namin pinansin pa si fire. Nasa labas na kami ng lobby tsaka dinala ko sya sa may side ng dorm namin. Yung hindi ka kita ng front desk. Sinapak ako ni Hot pero hindi ako gumanti

Fire Point Of View

Habang nag-aantay ako kila Hot at Cold na bumalik ay hindi ko alam or wala akong ka
malay-malay na nagsusuntukan na si Hot at Cold.

"Ano na kaya nangyari sa dalawa?" Pag-aalalang sabi ko

"Hindi ko alam. Bakit mo ba tinatanong?" Sabi ni tita

Tita ko ang land lady nila Cold and Hot. Ang tita ko ang may-ari ng dorm na tinutuluyan nila

"Nag-aalala na ako sa dalawa" concern na sabi ko

"Dalawa lang naman yan ang pwede nilang gawin. Baka nag-uusap na iyon para magkasundo Or baka naman nagsusuntukan" hinala na sabi ni tita

Napa isip ako sa sinabi ni tita sa akin

"Tama si tita pwedeng pinag-uusapan nila para magkasundo" kalma kong imahinasyong sabi

Napa isip ako at napa imagine ako

"or pwede rin naman maaggsssuuunnntttuuukkaan" Mabagal na sabi ko at mapangahas na imahinasyon

Hindi maka paniwala sa naiinamagine ko

"Omg!!! Huwag naman. Kawawa naman si Cold. Kanina pa sya sinasapak ni Hot" naawang sabi ko

Muli ay napa isip ako

"Hindi naman siguro. Marahil nagtatalo lang iyon or pinag-uusapan ng maigi nila. Hindi naman siguro hahantong na magsuntukan ulit sila" pagpapaniwala sa sarili

Pinapaniwala ko ang sarili tsaka pinapakalma ang sarili...

Cold Point Of View

Nasa labas na kami ng lobby. Sa may side lang kami ng dorm

"Ano bang problema mo?" Asar na sabi ko

"Bakit mo sinabi na sinapak kita" pakiki pagtalo sa akin ni Hot

"Bakit hindi ba totoo? Tsaka kaya nga may sugat ako sa gilid ng labi ko" sabay turo sa labi ko

"Gusto mo rin akong idamay sa pag-alis mo dito sa dorm" paghinala ni Hot

Napag tanto ko ang sinabi nya. Pero hindi ko intensyon iyon. Ang gusto ko lang ay sabihin ang totoo na reklamo nya sa akin. Para tuluyan na akong mapa alis dito sa dorm. Dahil doon sya masaya at gusto kong maging komportable sya

"Oo sinadya kong sabihin iyon. Para hindi lang ako ang mapapa talsik dito sa dorm kasama ka na rin" desperadong sabi ko kay Hot

Hindi ko talaga gusto sabihin iyon kay Hot. Napilitan lang ako dahil sinasagad nya ako.

"Sira ulo ka pala eh..." sabay sapak nya sa akin

Sinapak nya ako ulit dahil pikon na pikon na ito sa akin. Kahit ako ay napipikon na rin sa kanya pero hindi pa rin ako gumanti sa kanya

"Isa pang sapak mo sa akin at talagang papatulan na kita" pikon na sabi ko

Dahil sa galit nya kinumos nya ulit ang damit ko

"Umalis ka na sa dorm na ito" pikon na pikon na sabi ni Hot

"Hahaha...nyahahaha..." hagalpak kong tawa

Kinumos pa nya lalo ang aking damit tsaka hinaltak papalapit sa kanya. Malapit na ang aming mukha

"Anong tinatawa-tawa mo?" Galit nitong sabi

Biglang nagbago ang aking facial reaksyon ng aking mukha. Naging poker face ito.

"Para sabihin ko sayo wala kang karapatan na paalisin ako. Nakiki tulog ka lang sa kuwarto ko" maangas kong sabi

"Eto ang sayo" sabay sapak nya sa akin

Sinapak nya ako ulit pero sa pagkakataon na iyon ay gumanti na ako kay Hot. Sinapak ko na rin sya

"Akala mo hindi ko gagawin ang sinabi ko sayo. Akala mo hindi kita papatulan" sabay sapak kay Hot

Nagsuntukan na nga kami ni Hot. Pareha kaming ayaw sumuko

Fire Point Of View

Nasa lobby pa rin ako. Kasama si tita na nasa front desk nya. Inaantay na maka balik si Hot at Cold

"Nasaan na ba yun? palinga-linga kong tingin

Tinatanaw ko sa labas si Hot at Cold baka bumalik na

"Bakit ang tagal nilang bumalik?" Naiinip na sabi

Inaantay ko sila na bumalik pero wala pa rin sila. Nag-aalala na ako baka kung ano na ang nangyari sa dalawa

"Titignan ko na muna sila. Baka kung ano nangyari sa dalawa" paalam ko kay tita

"Kung ako sayo. Hayaan mo muna sila. Paniguradong naglalabas ng sama ng loob ang dalawa" pagpigil sa akin ni tita

"Sama ng loob? Ang ibig mo pong sabihin tita nagsasapakan na ang dalawa?" Pagkokompirma ko

"Oo. Panigurado yun. Nagsuntukan na ang dalawa. Tanga lang? Hindi magets? Tsaka Ano ba ang pagkakaintindi mo sa sama ng loob? Yung pagpoops ba?" Sabi ni tita

Dahil naka patong ang braso ko sa desk nya ay para bang nahulog sa pagkaka patong kasi sa sinabi ni tita

Grabe naman toh si tita tanga agad? Pwede namang hindi ko agad na gets tsaka di ba bawal kaharasan or suntukan bakit parang pumapayag sya at kung may iniinom ako or may kinakain ako ngayon paniguradong nasamid na ako or naibuga ko na sa kanya

"Na gets ko agad. Kaya nga nag-aalala na ako" palusot ko

"Hayaan mo muna sila. Pagbalik ng dalawa i'm sure okay na sila" sure na sabi ni tita

Hindi ako mapa kali. Nag-aalala na ako sa kanilang dalawa. Papalabas na ako ng lobby ng biglang dumating si Dean

"Nakita mo si Hot at Cold?" Tanong ko kay Dean

"Oo. Nagtatalo. Nagsusuntukan sa labas" sabi ni Dean

Lalabas na sana ako ng biglang nagsalita si Dean. Hindi natuloy ang paglabas ko

"Ano problema ng dalawa? Bakit nag-aaway yun? Hindi pa rin ba sila magkasundo?" curious na sabi ni Dean

"Hindi pa. Inayos pa lang nila" sabi ko

"Ah! Ganun ba sila mag-ayos? Nagsusuntukan" hindi maka paniwalang sabi ni Dean

"Huh? Kaya pala hindi ako mapa kali. Shit!! Sabi ko na nga ba. Hindi mapigilan ni Hot ang init ng ulo tsaka siguro hindi na napigilan ni Cold ang pagtitimpi kay Hot kaya gumanti na sya" nag-aalalang sabi ko

Bigla naman dumating si Dylan galing sa kuwarto nila ni Dean

"Okay na ba sila Cold at Hot?" Tanong ni Dylan

Lahat ba ng tao dito yan ba ang itatanong kung okay na sila Hot and Cold? Tsaka kung alam ko dapat nasa kuwarto na sila. Umiinom ng alak. Nagmumusic. Nagbobonding at nag-eenjoy tsaka kung alam ko agad-agad kong sinagot ang tanong nila

"Hindi pa. Kung gusto mo awatin mo sila. Pumagitna ka para ikaw ang maging punching bag ni Hot at ni Cold" sarkastic na sabi ni Dean

Natawa ako sa sinabi ni Dean. Hindi ko kasi mapigilan

"Hehehe...pagpasensyahan mo na itong si Dean mapagbiro lang yan" palusot ni Dylan

Ano meron sa kanilang dalawa? Parang hindi rin sila magkasundo ah! Or sadyang ganyan lang silang dalawa? Ay! Ewan bakit ko ba sila pinag iintindi? Dapat sila Hot at Cold ang inaalala ko

"Sige na dito na muna ako. Pupuntahan ko na sila Hot at Cold baka nagpapatayan na iyon" paalam ko sa kanila tita, Dean at Dylan

Papalabas na ako ng lobby ng makita ko si Hot papasok ng lobby

"Hindi na siguro. Nanjan na pala sya" sabi ko

Ng maka rating sa amin si Hot ay binati na muna ni Hot si Dean at Dylan na parang hindi naki pag-away kay Cold

"Hi!!! Dean. Hi!!! Dylan" bati ni Hot na puro pasa sa mukha

"Oh! Hello. Yung mukha mo" pagtatakang bati ni Dean

"Hello! Puro pasa" Hindi maka paniwalang bati ni Dylan

Wala akong paki alam sa mga sinasabi nila. Pagkatapos ay nagpasalamat si Hot kay tita

"Thanks nga pala tita. So dito na po kami. Akyat na po kami ni fire. Punta na po kami sa kuwarto" pagasalamat ko

"Mukhang okay na sila. Mukhang nagkasundo na sila. Wala ng problem. Yun nga lang puro pasa ang mukha nila" sabi ni tita kay fire

agad na itong nag-aya sa kuwarto nila si Hot.

Cold Point Of View

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na umalis ka na sa kuwarto at sa dorm na ito. Hindi mo ba ma gets ang sinasabi ko? Tanga ka ba" sabay sapak sa akin ni Hot

"Wala kang karapatan na paalisin ako dito sa dorm. Kung tutuusin ay ako ang may karapatan dahil nauna ako sayo sa dorm na ito. Nakiki tulog ka lang sa kuwarto ko. Ayan ang tatandaan mo" sabay sapak ko naman kay Hot

Napatigil sya sa pagsapak sa akin ng marinig nya ang sinabi ko. Naka amba na lang ito sa akin at walang masabi

"Bakit hindi ka maka sagot? Bakit hindi ka gumanti ng suntok?" Pagtatakang sabi ko

"Buwiset ka. Buwiset ka sa buhay ko" sabay tulak sa akin

Yun na lang ang tangi nyang nasabi sa akin. Ako naman ay walang lumalabas na salita sa aking bibig marahil ayoko ng masaktan ang kanya damdamin. Titigan at iwasan ng tingin kaming dalawa. Hinihingal tsaka pagod ang aming nadarama sa pag-away namin. Tila walang gustong magsalita sa amin. Hindi nagtagal ay umalis na si Hot dahil alam nya na walang patutunguhan ang pagtatalo namin. Nauna na itong tumungo sa lobby kung nasaan si fire at ang land lady namin. Naiwan naman akong nag-iisang naka upo sa may tabi ng daan

"Maka pasok na nga rin" sabi ko sa sarili ko
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ngayon ay nasa kuwarto na kami ni Hot tsaka ni Fire at ako. Hindi ko na sila naabutan pa sa lobby. Walang gustong magsalita sa amin ni Hot. Wala rin kaming pansinan. Halata namin na akward si fire at halata rin nya na may tensyon sa aming dalawa ni Hot

"Ahm? Guys baka gusto nyo kumain" aya ni fire

Nagsalita at nag-aya si fire para mawala ang tensyon na namamagitan sa amin ni Hot

"Nope. Wala akong ganang kumain" sagot ni Hot

"Kayo na lang. Busog ako" sagot naman ni Cold

Kinuha ko ang towel na naka sabit para magshower pero ng papasok na ako ng bath room ay hindi namin alam na magkakasabay kaming pumasok sa bathroom ni Hot. Nagkatinginan kami ni Hot. Malapit kami sa isa't-isa pati katawan at mukha

"Uy!!! Bati na sila" tuwang sabi ni fire

Doon lang kami na tauhan ni Hot

"Please excuse me. Papasok ako sa bath room" asar na pag-excuse ni Hot

"Ako ang nauna. Kaya ako ang mauunang pumasok" sabi ko naman

Ayaw maniwala ni Hot na ako ang mauunang pumasok sa bath room upang magshower

"Ako ang hindi naka harang sa pinto at ikaw naman ay nasa harap ng pinto ng bath room" pagpuna ni Hot

"Alam ko pero ako ang unang naka hawak sa doorknob" pagpuna ko naman

"Uy!!! Ang sweet naka hawak kamay sila" panunukso ni fire sa amin

Napa tingin kami sa kamay namin. Naka patong ang kamay ni Hot sa kamay ko. Pareha namin inalis ang kamay namin sa door knob. Pagkatapos ay pareha namin ibinalik ng mabilisan ang kamay namin sa door knob pero ako pa rin ang naunang naka hawak sa door knob

"Alis jan ako ang mauunang magshower" pagpapaalis ni Hot

"Ayoko. Ako ang mauunang magshower sayo" pagpupumilit ko

Inalis ni Hot ang pagkakahawak ko sa door knob. Tapos sya naman ang humawak sa door knob ng bath room

"Sinong may sabi sayo na ikaw ang mauunang pumasok sa bath room at magshower" sabi ni Hot

"Sarili ko. alangan naman ang land lady natin. Kaya paraan. Alis at papasok na ako. Nanlalagkit na ako. Kanina pa ako gustong magshower" pamimilosopo ko

Inalis ko ang pagkakahawak nya sa door knob at ako naman ang humawak sa door knob ng bath room. Hanggang sa nag-agawan kami ni Hot sa door knob ng bath room tsaka sa pagpasok ng bath room para magshower

"Para walang away. Para hindi kayo magtalo. Pareha na lang kayo pumasok ng bath room. Sabay na kayo magshower" naka ngiting pagsuggest at tuwang sabi ni fire

"Hindi" malakas at sabay namin sabi ni Hot

"Ayoko. Baka kung ano pa ang gawin sa akin ng gay na ito" malisyoso at pagtatanggi ni Hot

"Kung ikaw lang ang makaka sabay ko magshower. Huwag na lang. Ayokong maka sabay ang isang malisyosong tulad mo na magshower sa bath room" diretsahang sabi ko

Dahil ayaw namin magpaawat etong si fire ay hindi rin magpaawat sa pang aasar sa amin

"Alam nyo para kayong magjowa na may L.Q" pang aasar ni fire sa amin

Napa hinto kami sa aming ginagawa. Nagkaka tinginan tapos ay iiwas tsaka na realize din namin na parang ganun nga kami

"Sige na mauna ka na" pag-uubaya ko

Humiga na lang ako sa kama

Dean Point Of View

Naiwan kami ni Dylan sa lobby. Naka sandal ako sa desk ng lobby habang si Dylan naman ay naka tayo

"Ano pang inaantay mo?" Tanong ni Dylan sa akin

"Ng mawala kang parang bula" pagbibiro ko

Naka peace sign ako sa kanya baka kasi mapikon sa akin

"Huh?" Pagtatakang sabi ni Dylan

Napa iling na lang ako. Pagkatapos ay nagsalita ako ng mahina lang

"Kahit kailan ang slow ng taong ito. Sa slow land ba sya naka tira" mahina kong sabi

"May sinasabi ka? Kung meron kang sinasabi yung maririning ko. Hindi yung para kang bumubulong sa hangin" parang ng hahamon ng away na sabi ni Dylan

Tumayo ako ng maayos

"Panget" sabi ko sa kanya

Ang totoo cute si Dylan. Bumagay sa kanya ang buhok nya na may kulay green tsaka style ng buhok nya na pang korean

"Hindi ko marinig ang sinasabi mo" sabi ni Dylan

"Ang tanga naman nito" sabi ko sabay lapit sa kanya

Lumapit ako kay Dylan tsaka umakbay sa kanya

"Ang sabi ko paano mo maririnig or maiintindihan ang sinasabi ko eh...naka earphone ka" sabay alis ng earphone sa tnga nya

"Ah!!! pero yung una mong sinabi ano ba yun?" Tanong nya sa akin

Nagsmile ako sa kanya na parang ng aasar lang

"Ah!!! Yun ba? Ang sabi ko magrereklamo din ako at ikaw ang irereklamo ko" pag bibiro ko sa kanya

"Akala ko ba okay tayo? Bakit magrereklamo ka? At ano naman ang irereklamo mo sa akin?" pagtatakang sabi ni Dylan

Tinanong ko ang land lady namin

"Madam pwede ko ba itong ireklamo ng ilegal alien itong si Dylan?" Tanong ko sa land lady sabay kindat

Naki ride on naman ang land lady namin

"Oo pwede mukha naman syang alien. Hindi naman sya mukhang koreano"

Tinignan pa sya ng land lady namin mula ulo mukhang paa. Ay! Mali. Hanggang paa pala

"Buhok check. Mukhang bunot tsaka parang wig. Pananamit check na check. Malaki sa kanya na parang tanga at baka yung face nya parang ginaya lang sa tao. Hindi bagay sa kanya. Feeling ko nagdidiguise lang sya" panlalait ng land lady namin na pagbibiro

"Gusto mo itry tanggalin madame" pag-uudyok ko

"Sige gusto ko yan. Bilis try natin" tuwang sabi ng land lady namin

"Huh? Ayoko nga" pag-aayaw ni Dylan

Sinabihan ko sya na maririnig pa rin ng land lady namin

"Sige ka mas hihigpitan ka ni madame"

"Ayoko nga" hindi pagsang ayon ni Dylan

"Madame ayaw ni Dylan" pagsusumbong ko

Biglang nawala ang tuwa at pagka excited ng land lady namin. Naging seryoso tsaka naging poker face

"Ayaw mo? Okay madali ako kausap pero hindi ka na dito sa dorm ko. Pwede ka ng maghanap" sabay ngiti

"Madam naman" sabi na lang ni Dylan

"Madam nagrereklamo oh! Ayaw yata" pagsusumbong ko

Dahil sa nagsumbong ako tsaka naka tingin ng masama si madam

"Eto na nga oh! Lalapit na" sabi ni Dylan sabay lapit nya kay madam

Bago pa sya maka lapit kay madame ay sinimulan ko ng ipitin ang leeg nya tsaka hinawakan ang butas ng ilong nya at hinila ang dalawang butas ng ilong ni Dylan. tinanggal ang kunyaring pagdidiguise ni Dylan

"Aaarrraaayyy...." nasaktang sabi ni Dylan

"Sige po. Dito na po ako madam. Mauna na po akong pumunta sa kuwarto" paalam ko

Pagkatapos ko gawin iyon ay nagpaalam na ako sa land lady namin tsaka nagmadaling umakyat sa hagdan at pumunta sa kuwarto namin. Naiwan si Dylan sa lobby na mag-aantay sa gagawin din ni Madam

"Joke lang. Hehehe...hindi ko naman talaga gagawin dahil naki ride on lang ako kay Dean" rinig ko na sabi ng land lady namin na naka peace sign si madam

Narinig kong sumigaw si Dylan at asar na asar

"Deeeeaaaannnn...." sigaw ni Dylan

Continue Reading

You'll Also Like

312K 18.6K 40
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
314K 21.9K 158
Tรกc phแบฉm: Toร n thแบฟ giแป›i ฤ‘แปu ฤ‘ang ฤ‘แปฃi ngฦฐแปi ฤ‘แป™ng tรขm. Tรกc giแบฃ: Tแป‘ Tรขy Ngฦฐแปi gรต: Mia cแปงa bแบกn nรจ Beta: Hoa Hoa cแปงa bแบกn ฤ‘รขy ร lร  truyแป‡n nร y gรต nhanh quรก...
26.2K 731 14
Kurt Lawrence Bautista & Chester Lapaz fanfiction (BL version)
276K 7.9K 135
"๐‘ป๐’‰๐’†๐’“๐’†'๐’” ๐’“๐’†๐’‚๐’๐’๐’š ๐’๐’ ๐’˜๐’‚๐’š ๐’๐’‡ ๐’˜๐’Š๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’‡ ๐’Š๐’ ๐’•๐’‰๐’†๐’Š๐’“ ๐’†๐’š๐’†๐’” ๐’š๐’๐’–'๐’๐’ ๐’‚๐’๐’˜๐’‚๐’š๐’” ๐’ƒ๐’† ๐’‚ ๐’…๐’–๐’Ž๐’ƒ ๐’ƒ๐’๐’๐’๐’…๐’†."