Chapter 16

307 20 0
                                    

Cold Point Of View

Pumayag naman ako. Dahil dagdag kita na. Malaki pa silang magtip tsaka makaka agaw attention ako kay Hot

"Sige pero last song na ito" hirit ko sa kanila

Pumayag naman ang mga ito kasi napa kinggan na nila ang voice ko. Sinabihan ko sila Tim kung ano ang tutugtugin ko. Bago pa ako kumanta ay nagsalita muna ako

"Dinededicate ko itong kanta para sayo. Hindi ko na babanggitin kung sino ka. Alam mo na ikaw ang tinutukoy ko" habang naka tingin kay Hot

"Ayiiiihhh" sigaw ng mga tao

Lahat ay palinga-linga. Hindi nila malaman kung sino ang tinutukoy ko. Si Hot naman ay parang nahihiya. Nagblush ito tsaka parang hindi alam ang gagawin. Palinga-linga. Kakausapin si fire at kakalikutin ang cellphnone para hindi mahalata na sya ang tinutukoy ko

"Sana magustuhan mo"

Lumapit si fire kay Hot parang tinutukso sya ito ng pasimple lang. Pagkatapos ay kumanta na ako

Kahit Kailan Song
By : South Boarder

Nagtatanong ang isip
'di raw maitindihan kung ano ang nararamdaman

Lahat ay tahimik. Lahat ay nakikinig lang. Dinadama nila ang pagkanta ko. Marahil nadadama nila ang pagfeel ko sa song

Dapat mong malaman
Sa puso ko'y
Ikaw lamang ang nag-iisa

Pasimple akong tumitingin kay Hot habang hindi sya tumitingin sa akin

Pangangamba dapat ko bang isipin walang hanggan
Asahan mo na

Minsan naman ay nagkaka salubong kami ng tingin ni Hot. Umiiwas sya ng titig sa akin at kahit ganon ay kinikilig ako pero hindi ko magawa kasi kumakanta ako

Kahit kailan 'di kita iiwan
Kahit kailan 'di kita pababayaan
Kahit kailan, kahit kailan

Lalo akong ginaganahan. Feeling ko na papansin ako ni Hot. Feeling ko nagugustuhan nyang kinakantahan ko sya. Sa tingin ko ay bagay sa kanya itong kanta. Ang nais kong iparating ang aking damdamin para sa kanya

Bulong ng 'yong damdamin
Pag-ibig na walang haggan
Ang siyang nais kong makamtan

Ngayon ay nagka titigan kami. Gusto kong sabihin lahat ng nararamdaman ko sayo Hot. Pero parang sa pagbulong ko na lang sa hangin maibabatid at marahil sa panaginip ko na lang makakamtan ang pag-ibig mo

Ngayon ay narito ako
Handang umibig sa iyo
Na walang katapusan

Hindi ko maalis ang pagkakatitig ko sa kanya. Marahil sa kanya ako kumukuha ng lakas ng loob. Hanggang magtama ang aming mga mata. Sa pagkakataon na iyon ay tinitigan ko lang sya at hindi inalis ang pagkakatitig. Si Hot naman ay naka titig na rin sa akin tsaka sumabay sa pagkanta ko. Marahil alam nya ang song. Kaya natutuwa ako. Higit sa lahat ay napapa ngiti

Pangangamba dapat bang isipin walang hanggan
Asahan mo na

Alisin mo ang pangangamba mo Hot para sa akin. Kung tayo ay isipin mo na walang hanggan at asaha mo na

Kahit kailan 'di kita iiwan
Kahit kailan 'di kita pababayaan
Kahit kailan, kahit kailan

Lahat ng lyrics ay parang gusto kong sabihin sayo pero hindi ko magawa

Kung ikaw ay mawawala sa piling ko 'di na alam kakayanin pa kayang umibig pang muli

Para akong mababaliw sa Lyrics tsaka ang taas pa nito. Kaya lalo kong ginalingan at pinifeel ang kanta

Cold and HotWhere stories live. Discover now