Chapter 34

261 14 0
                                    

Hot Point Of View

Dahil Ilang araw ako absent. Bumawi naman ako. 1 week ako pumasok. 1 week din ako active sa mga activities. 1 week din ako na school at bahay lang. Walang gala-gala. Ngayon ay nasa gitna ako ng kama. naka indian sit. Tinitignan ko si Cold. Busy sya sa paglilinis ng kuwarto namin

"Nakaka hilo naman itong si Cold. Palakad-lakad" mahina kong sabi

Napa tingin sa akin si Cold marahil narinig nya na nagsalita ako

"Uhm bakit?" Walang paki alam na sabi ko

"Wala" sabi ni Cold

Nagpatuloy lang sya sa paglilinis. Ako nag-iisip kung papano kakausapin si Cold

"Anong sasabihin ko?" Tanong ko sa sarili ko

Naka tingin lang ako kay Cold na naglilinis at nag-aayos ng gamit namin

"Hindi ko naman pwedeng komprontahin kung ano ang sinabi nya sa dalawang pervert na si Britany at Jasmine. Baka sabihin interesado ako"

Tumingin sa akin si Cold. Wala naman dahilan pero syempre para hindi halata na tinitingnan ko sya

"Bakit? May itatanong ka?" Dahilan na sabi ko

Baliktad yata. Di ba dapat si Cold ang magsabi sa akin nyan at hindi ako pero sa bagay inunahan ko na sya. Dahilan ko lang iyon para hindi nya mapansin na naka tingin ako sa kanya

"Wala naman" sabay smile sa akin

Nagsmile sya sa akin pagkatapos ay patuloy lang sya sa ginagawa nya

"Haiiisssttt" buntong hininga ko

Yumuko ako na parang problemado

"Kainis hindi ko masabi" inis na sabi ko

Tumayo ako tsaka nagpaalam kay Cold. Na hindi ko naman ginagawa. Ewan ko ba kung bakit. Kaya binalewala ko na lang

"Lalabas lang ako" paalam ko

"Sige" pagpayag ni Cold

Lumabas muna ako para magpahangin tsaka naka boxer short lang ako at naka sando. Hindi rin ako lalayo. Marahil dito lang ako sa tapat ng pintuan namin. Sa may bandang hall way. Yung parang biranda kasi kita mo yung ibaba nito kapag sumilip ka sa ibaba tsaka kahit naka sandal ang puwet ko. Na parang naka upo ay kita pa rin ang ibaba nito

"Uy! Hot anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Dean

Nakita ko si Dean na lumabas ng kuwarto nila

"Naglilinis si Cold ng kuwarto  kaya nandito ako" sagot ko

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Napansin ko kasi na naka boxer short lang sya tsaka naka sampay sa balikat nya ang sando at mukhang bagong gising

"Uy! Bakit ka ganyan maka tingin sa akin" pagtatakang sabi nya sa akin

Hindi ko tinigilan ang pagtingin sa kanya. Naghinala sya sa akin. Kaya tinakpan nya ang katawan at mga hita nya

"Huwag mong sabihin na pinagnanasahan mo ang katawan ko" hinala nya na sabi

Lumayo ito sa akin habang tinatakpan ang mga katawan nya. Nagsmile ako ng nakaka loko

Kung pagtripan ko kaya sya hehehe...pero huwag na. Ano kayang magandang gawin? Hmmm??? Alam ko na hahaha...pagkakataon ko na ito tuksuhin sya kay Dylan kasi tinutukso nya ako kay Cold

Cold and HotWhere stories live. Discover now