Extinction: The Curse Of Time

By ladymystea

7.5K 1.4K 3.2K

Thousand of years became hundreds-that was the curse bestowed by their dreams to coexist with humans. In thi... More

Extinction: The Curse of Time
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX

Chapter IX

201 60 145
By ladymystea

Chapter IX: Reckless

***

Why would I let someone decide how far I can go just to reach this goal?  In case he will interrupt me, I will not hesitate to kill him. Tinitigan ko ang paghakbang niya patalikod.

"You can't lie." He added, grinning.

"Anong kailangan mo?"

"Nothing in particular. I'm just a bit curious. You're a reckless... vampire." Binulong lang nito ang huling salita.

May ilan din kasing estudyante ang nasa labas ng paaralan. I stared at him. Hindi ko talaga siya kilala. Hindi ko rin matandaan kung nagkita na ba kami dati para malaman niyang bampira ako. But what caught me was his eyes. Gano'n rin ang kulay ng mga mata ko kapag hindi ako nakasuot ng contact lenses. I tried to sniff his blood to make sure. So, he is a vampire then.

"Kung gano'n. Huwag mo ng balakin na pakielaman ako." I answered. Nilagpasan ko siya. Wala akong oras para sa katulad niya.

"Are you not under VMC?"

Huminto ako sa tanong niya. I turned around to examine him. His brunette hair has a slight curl at the edges that covers his brows. His gazes were cold that matches his eyes' amber shape and color. The ebony underneath his eyes was also obvious. He was standing confidently while his hands were in his pocket.

"Anong alam mo sa VMC?" I asked.

He shrugged. Ako naman ngayon ang nilagpasan niya. Kung ang akala niya ay epektibo ang ganiyang taktika sa 'kin, nagkakamali siya.

Humiwalay ako ng dinaanan. Babalik ako sa disciplinary office para mahinto na ang kaguluhang nasangkutan ko. Una pa lang malakas na ang kutob ko na ang dalawang binanggit niya ang may pakana ng lahat. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang mandamay ng iba kung ako naman ang gusto nilang ipahamak. 

Pagkarating ko sa opisina ay mukhang ako na lang ang hinihintay nila. Nakatingin lang sa lapag si Ares habang taas noo ang dalawang babae na walang magawang matino sa buhay.

"Take your sit, Miss Bonavich."

Sinunod ko ang sinabi niya. Umupo ako sa nag-iisang upuan na pinapalibutan nilang lima. Nakaharap ako sa lalakeng may kaunting kulubot sa mukha na siyang nag-utos upang umupo ako.

"Kasali ka ba sa isang pinagbabawal na samahan dito sa paaralan?" Unang tanong niya.

"No," I answered.

"Ikaw ba ang may gawa ng mga pasa ni Miss Vega?"

"No."

"Ikaw ba ang nag-utos para ipabugbug siya?"

"No."

"Liar!" Sigaw ng isa sa kanila.

"Quiet, Miss Cabbot. Mind your manners," suway ng matanda sa kaniya.

Muling nagkaroon ng katahimikan sa paligid. Dumaplis ang mata ko sa babaeng sumigaw kanina. Pinaupo nila ako sa kabilang pwesto at nagsimulang kausapin naman si Ares.

"Miss Ares Vega, huwag kang matakot na magsabi ng totoo dahil hindi namin hinahayaan na may mangyaring karahasan sa aming mga estudyante."

"O-opo," she answered, stuttering in fear.

"Kilala mo ba ang gumawa sayo ng pasang natamo mo?"

"O-opo."

"Sino ang gumawa sayo niyan?"

"S-sina G-giselle at M-maveys po." She immediately put her hands on her lips.

Tumayo rin agad ang dalawang babae na nasa kaliwang parte ng silid na ito. Exactly. Sila nga talaga ang mga babaeng 'yon. Hindi ako nagkamali.

"Sa tingin mo bakit nila ginawa ang bagay na 'yan sayo?" Hindi makapaniwalang tanong sa kaniya nung matandang lalake.

"Libangan na po nila ang pagbuhusan ako ng galit simula pa lang ng pasukan." Mangiyak-iyak siyang muli habang tinatakpan ang bibig.

Ayaw ba niyang magsabi ng totoo at talagang pinipigilan pa ang sarili? Tama naman ang ginagawa niya, e.

"What are you saying, Ares?!" Giselle shouted.

"You stupid—" agad na itinulak ni Giselle si Maveys dahil sa sinabi.

"Quiet! Miss Cabbot and Topaz, remain here and get your punishment for what you did. We don't tolerate such behavior. I need to talk to your parents as well para malaman nila ang kalokohan na ginagawa niyo sa paaralan." May awtoridad niyang utos sa kanila.

I looked at their raging faces, grinning. Matagal niyo na pa lang pinagtitripan si Ares. Mabuti at ako ang idinawit niyo sa kalokohang 'to. Nakuha niyo na ang nararapat sa iniyo. Isa rin pala kayong halimaw sa mundong 'to.

Akmang kakausapin ko sana si Ares pagkatapos ng naganap na diskusyon nang tumakbo siya papalabas ng office.

"You can go, Miss Bonavich. Sorry for the interruption," the man apologized.

I turned my back. Iniwan ko na sila do'n. Umaangal pa sina Giselle at Maveys na inaawat ni Miss Pagan. Paglabas ko ay bumungad sa 'kin si Lothaire. Kumunot ang noo kong tinignan siya.

"You are really a reckless living creature." Sa bawat salitang binigkas niya ay may diin na tono. "Sa tingin mo ba ay natulungan mo siya sa ginawa mo?" Dagdag pa niya habang nakasandal sa pader ng office.

"At sa tingin mo ba ay ikinaganda ng buhay mo ang pakielaman ako?" Sumbat ko sa kaniya.

"Maybe," he shrugged. "Mas lalo lang siyang pag-iinitan nila Giselle." Pagbabalik niya.

Hindi ko siya pinansin at naglakad ako paalis. Hindi ko na kasalanan kung pag-initan ulit nila siya. Dapat matuto na siyang lumaban para sa sarili niya. Sapagkat makakatanggap naman sina Giselle at Maveys ng parusa. At isa pa, nasa mga nagbabantay na 'yan ng unibersidad na 'to.

"Stop following me." Sabi ko nang mapansin na kanina pa siya sumusunod sa 'kin.

"No, I'm not. Nakalimutan mo na ba agad? I'm your class representative. Basically, papunta tayo sa iisang classroom." He explained.

Hindi ko ulit siya pinansin at binilisan na lang ang lakad. Wala ba siyang magawa sa buhay kaya lagi niya akong pinapakielaman?

Nakatingin silang lahat sa 'kin nang makapasok ako sa loob ng silid. Kinuha ko ang bag. Nasira na rin naman ang araw ko kaya aalis na lang ako. 

"Where are you going?" Sabat ni Lothaire na humarang sa daanan ko.

"I'm ditching class." Walang ganang sagot ko sa kaniya bago lagpasan.

Bigla lang sumagi sa isip ko kanina na ako ang dahilan kung bakit nagkasakit si Ledger. Ngunit hindi ko alam kung anong dapat kong ibigay sa kaniya. I just remembered that Assie brought some medicines when she had headache one time. Malamang sa pharmacy na lang ako bibili.

Ilang kanto mula sa unibersidad ay ang pamilihan ng lugar. Naghanap ako ng pharmacy sa lugar. Bumili ako ng ilang gamot at pati na rin prutas para ibigay sa kaniya.

Sobrang pokus ako kakaisip ng maaring sabihin kay Miss Quillana mamaya dahil sa ginawa kong hindi pagpasok sa dalawa kong klase. Hindi ko man lang napansin na nasa Coldwell Subdivision na pala kami. Nagbayad na ako sa driver bago bumaba. 

"Ano pong kailangan niyo, ma'am? Ngayon ko lang ata kayo nakita rito." Tanong ng isang tagabantay sa malaking kulay itim na gate.

"Saan po dito ang bahay ni Ledger?" Tanong ko.

"Ano pong apelyido niya?"

Humigpit ang hawak ko sa paper bag. Damn! Tanging pangalan niya lang ang alam ko. Sinasabi ko na nga ba at maling pinuntahan ko pa siya rito. I was about to leave when the guard called me.

"Ma'am, si Sir Ledger Spencer po ba?"

"I don't know," I answered honestly.

"Siya lang naman ang may pangalang Ledger dito." Napakamot pa siya sa batok. "Sa ikapitong bahay po ang kanila. Dito po kayo dumaan. Magbilang kayo simula dito sa kanan," he instructed, pointing those said directions.

I just nodded. Sinunod ko ang sinabi niya. Nagbilang ako hanggang sa makatapat ako sa ikapitong bahay. It was a huge house. Malaki rin ang gate nila pero kitang-kita ang bahay nila sa loob.

Hindi nakakandado ang gate nila kaya binuksan ko 'yon. I turned my gaze to check the whole place. Marami silang bulaklak sa paligid gaya kanila Miss Quilliana at mero'n pang kung ano-anong palamuti sa paligid. Nang makatayo ako sa pintuan nilang malaki bigla akong nahiya sa kaniya. Did I really accused him for being greedy? Should I apologize and thank him instead?

Kumatok ako sa pinto bago buksan 'yon. It was unlocked. Nakapasok ako agad.

"Ledger?" Tawag ko sa kaniya.

"Ledger??" Mas nilakasan ko pa nang kaunti dahilan upang umalingaw-ngaw ang boses ko sa loob ng bahay.

Nang walang sumasagot ay dumiretso ako sa itaas. I checked every room to search for him. May ilang naka lock na kwarto hanggang sa makarating ako sa dulo ng pasilyo. Sigurado akong nandito na siya. Kung wala man, baka hindi siya umuwi—

"What the?!" I was surprised when I saw him.

I rushed at him right away. He was lying in the cold floor and still wearing his uniform. Sobrang init at pawis ang katawan niya. What should I do?! Damn it!

"Huwag kang mamatay." I began to panic. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya.

Kung sakali man na mamatay siya ay ako ang pagkakamalan na suspek. Hindi ko alam ang gagawin ko—

"Don't slap me," nanghihinang bulong niya.

"Bakit ka ba nasa sahig?"

"Nawalan lang ako ng malay. Pero okay lang ako," mahinang sagot niya.

Pinilit niyang tumayo pero alam kong mawawalan lang siya ng balanse. Inalalayan ko siya upang mapahiga sa kama. Sa kakapalan ng mukha niya ay inutusan niya pa akong kumuha ng damit niya sa isang silid na nasa loob din lang nitong kwarto. Sobrang dami niyang damit na nandito at hindi ako makapili ng kukunin ko.

Lumabas ako ng kwarto pagkabigay sa kaniya ng damit. Iniwan ko na rin sa kaniya 'yung binili kong mga prutas at gamot.

Pwede na akong umalis at iwan siya kaso... This damn vampire trait keeps me from leaving. I feel responsible for making him sick. I'm really such a reckless vampire. Who cares? Argh.

"Bakit ka nga pala nag-abalang pumunta dito?" He said, walking down the stairs.

Magaling na ba siya? Okay na ba siya? Baka mamaya takbuhin ko pa siya para saluhin dahil mahuhulog siya.

"Hindi ka na sana nagsayang ng oras. Kaya ko naman ang sarili ko." Dagdag pa niya.

Really? Sinong may sabing kaya niya? Dahil kung gano'n man... Bakit ko siya kailangang takbuhin mula sa inuupuan ko hanggang sa hagdan nila? He's a real clumsy human. He can't even take care of himself.

"Are you sure?" Walang ganang sumbat ko sa kaniya habang nakasandal ang sarili niya sa likod ko.

"Paano mo—"

"Shh. You're imagining things," pigil ko sa kaniya. I can hear his massive breath in my neck. His heart was also racing excessively quickly, possibly due to his nervousness.

I was carrying him at my back when the door suddenly opens.

"Ledger?" Hindi makapaniwalang sambit ng taong iniluwa ng pinto.

Continue Reading

You'll Also Like

84.1K 2.5K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
64.3K 2.9K 39
A fresh set of characters, more vicious villains, new set of cases, same logical main characters and the same brilliant criminal mastermind. Now that...
8.5K 848 91
It was because of a mystery call when Jan Astria Cuevo, just a typical college student... who is fond of playing mystery games, met a man named Stygi...
4.9K 773 27
A serpent demigoddess. A maligno-slayer. And a young santelmo. If you're experiencing problematic encounters with mythical creatures, Klab Maharlika...