Twisted Fate

By fuckoffxxcc

13.8K 358 26

Dev's heart sank as she watched the girl she liked, her eyes filled with a sense of finality. She knew that... More

Introduction of Characters
1
2
3
Cast 2
4
5
6
7
CHAPTER 7.5
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
Cast or Characters 3
23
24
25
26
27
28
29
30
31

8

224 12 0
By fuckoffxxcc

THIRD PERSON'S POV

Ilang sandali pa ay may narinig silang pagbusina ng sasakyan sa labas kaya agad silang lahat ng lumabas para tignan kung sino ito. Pagkalabas nila ng gate ay agad nilang nakita ang naka-upong Arriana sa kandungan ni John at naghahalikan kaya nagulat sila lalo na si Dev. Pumasok ulit si Dev sa loob at iniwan ang mga kaibigan sa labas.

*knock-knock*

Katok ni Dale sa pinto ng kotse ni John para makuha ang atensyon ng dalawa.

"Ahh-Hi dude" bati ni John na may ngiting nakakaloko sa mga labi niya, agad naman na umalis si Arria sa kandungan ni John at lumabas sa kotse ng makitang may mga audience na pala sila.

"Sarap ba?" tanong ni Dian habang nakangiti ng pang-aasar.

"Pwede na" biro sa kanya ni Arria at kumindat pa kaya natawa naman ang mga kaibigan nila.

"So John thank you sa paghatid, bye" saad ni Arria at nagpaalam na.

"No problem Arria basta ikaw, bye" paalam ni John at kumindat kay Arria bago paharurutin ang sasakyan.

Pumasok na sina Arria sa loob ng bahay at bumungad sa kanila ang isang Dev sa bar counter na seryosong nag-uusap sa telepono sa ibang lenggwahe.

" Ja mormor, jag åker dit imorgon, ja hej, älskar dig också " saad nito tsaka binaba na ang tawag. { Kung mali naman po ang pagkakatranslate ko sisihin niyo si google translator, sorry ulit} (Opo Lola, pupunta po ako jan bukas, opo bye po, loveyoutoo po- in Swedish language)

"Sinong kausap mo?" tanong ni Rom, nagkibit balikat lang si Dev at nagsimula ng mag mix ng drinks.

"Inumin niyo" maikling saad nito bago ibigay ang mga mix drinks na ginawa niya sa kaibigan, kinuha naman ng mga kaibigan niya ang ginawa nito at ininom ng walang alinlangan.

"Da best ka talaga Dev" saad ni Dale habang nilalagok ulit ang bagong gawang inumin ni Dev.

"Beb" tawag ni Arria kay Dev na ngayon ay gumagawa ulit ng bagong drinks.

"Anong sayo?" tanong ni Dev na hindi parin nakatingin kay Arria.

"Uhmm-Margarita nalang sa akin" sagot ni Arria kaya tumango lang si Dev at nag-umpisa ng gumawa ng margarita para kay Arria.

"Here" saad ni Dev ng matapos niya itong gawin at inabot kay Arria, kinuha naman ito ni Arria pero di na binitawan ang kamay ni Dev na nakahawak sa baso.

"Galit ka ba?" tanong ni Arria.

"Ba't naman ako magagalit?" balik na tanong ni Dev

"Ewan ko sayo, ang cold kasi ng pagtrato mo sa akin" malungkot na saad ni Arria kaya napabuntong hininga nalang si Dev.

"Okay lang ako, napagod lang ata ako kasi kanina pa ako gumagawa ng mga drinks nila" paliwanag ni Dev pero di parin kumbinsido si Arria kaya hinila na niya ito palabas sa counter.

"Tama na kasi yan, mamaya malasing na ang kasama natin na di pa tayo naglalaro" saad ni Arria habang hila-hila si Dev papunta sa mga kaibigan nila na nakaupo sa carpet ng sala.

"Buti naman pumunta na kayo, kala namin magiging kj na naman kayo" natatawang biro ni Dale sa dalawa, natawa naman si Arria habang si Dev naman ay umiling lang.

"So ano ba ang lalaruin natin?" tanong ni Arria bago paupuin sa carpet at umupo sa kandungan ni Dev.

"Lasing ka ba girl?" tanong ni Dian kay Arria, umiling naman ito.

"Gagi hindi, di ba pwedeng maging clingy kay Dev, miss ko na kaya siya eh" natatawang saad ni Arria at siniksik pa ang katawan kay Dev.

"Truth or Dare tayo!?" suhestiyon niyo Dale.

"Ano ba yan napaka isip bata naman yang lalaruin natin" reklamo ni Dzane.

"Di kaya, mag truth or Dare tayo pero with a twist, ang hindi magagawa ang dare o di masasagot ang question ay iinom pero syempre ang mga dare at mga question natin ay dapat intense, example" paliwanag ni Dale at pina-ikot ang bote na lumanding naman ang ulo kay Dev.

"So Dev truth or dare" tanong ni Dale

"Dare" sagot ni Dev kaya naman ngumiti si Dale ng malademonyo.

"Ibody shot mo si Dian" saad nito nabigla naman sina Rom, Kiya at Arria sa dare ni Dale.

"What!?" sigaw nilang tatlo.

"Sure" maikling sagot ni Dev bago paalisin si Arria sa kandungan at kumuha ng isang baso ng inumin bago lumapit kay Dian.

"Gagawin mo talaga Dev!?" tanong ni Kiya tumango naman si Dev.

"Okay lang yan Ki, masmalala pa yung ginagawa namin kapag kaming apat ang magbonding" bulong sa kanya ni Dzane kaya napatango lang si Kiya.

Para di masyadong mabigla ang kasama nila ay ang ginawa ni Dev ay nilagyan niya ng lemon ang bibig ni Dian at inumin naman sa collarbone niya, lumapit ito kay Dian at agad na ininom ang inuming nakalagay sa nito, sinipsip niya pa ito bago kainin ang lemon na kagat-kagat ni Dian.

"Done" saad nito tsaka kumindat pa kay Dian, natawa naman ang isa.

"Fuck" mahinang usal ng tatlo ng masaksihan ang ginawa ng kaibigan nila.

"Myghad oa niya ha, di na tayo bata tsaka buti nga sa collarbone lang paano pa kaya kung sa puson ni Dian yun eh nahimatay na kayo." natatawang saad ni Dale na sinabayan din nina Dzane, Dian at Dev.

"Paikotin mo na Dev" saad ni Dian kaya pinaikot naman ito ni Dev at tumama ang ulo ng bote kay Rom.

"Truth or Dare Meme?" tanong ni Dev

"Truth" sagot ni Rom

"Ay wala weak" bulong ni Dale kaya siniko siya ni Dzane.

"Wh-" di na natapos ni Dev ang sasabihin niya ng sumabat si Dian.

"Sino ang gusto mong halikan sa kasama natin ngayon?" tanong ni Dian bigla namang namula si Rom.

"Ahhmm kung magpapass ako ano ang consequences?" tanong ni Dian

"Iinom ka tapos gagawin mo ang dare na sasabihin namin" nakangising sabat ni Dale.

"Devie" tanging sabi ni Rom

"What?" tanong ni Kiya dahil di nila maintindihan ang sinaad ni Rom.

"Ang sabi ko si Devie ang gusto kong halikan" mabilis na saad ni Rom pero na intidihan ng lahat kaya napatingin sila kay Dev na nakatingin rin kay Rom.

"Tomboy ka ba?" biglang tanong ni Arria.

"Ops bawal magtanong, hintayin niyo tumapat ulit ang ulo ng bote kay Rom bago niyo tanungin" saad naman ni Dev at ngumiti lang kay Rom na nahihiyang nakayuko. Pinaikot na ni Arria ang bote at tumama ito kay Dzane.

"Do the shotgun sa taong katabi mo imbis na vape o smoke ang gagamitin eto nalang beer, mamili ka Kiya o Dian?" nakangising saad ni Dev.

"Fvck" usal naman ni Dzane, tinignan niya muna si Kiya at si Dian.

"Bilisan mong mamili" asar ni Dale.

"F*ck tumahimik kayo, Dian" mabilis na saad ni Dzane bago inumin ang alak at pinasa ito kay Dian sa paraan ng paghalik.

"Ooohhh wala weak din" natatawang saad ni Dale at sumang-ayon naman sakanya si Dev, nagtaka naman ang tatlong babae sa narinig nila kay Dale.

"Humanda kayo sa akin Dale at Dev" inis na saad ni Dzane pagkatapos niyang gawin ang dare at pinaikot ang bote.

"Uwu I'm scared" tukso naman ni Dale at tumawa naman ulit si Dev pero napatahimik nalang bigla ng tumapat ang bote kay Dev, napangisi naman si Dzane.

"F*ck ba't ako ulit" reklamo nito.

"Hubarin mo ang shirt mo tapos sumayaw ka ng sexy dance sa gitna namin habang sumasayaw ka ay dahan-dahan mong ibuhos sa katawan mo ang alak" nakangising saad ni Dzane.

"Bawi!" sigaw ni Dian at nag-apir kay Dzane.

"What!? F*ck ang lagkit kayo nun" reklamo ni Dev

"Ay wala ang weak!!" asar sa kanya ni Dale kaya nakakuha siya ng masamang tingin kay Dev.

"Humanda ka sakin mamaya" bulong ni Dev kay Dale kaya napatahimik ito bigla. Hinubad ni Dale ang tshirt niya kaya tumambad sa kanila ang itim na sports bra nito at bakat na bakat din ang 6 pack abs ni Dev.

"Woohhh!! Ang hot mo naman!??" sigaw ni Dzane na hawak ang tshirt ni Dev at pina ikot-ikot ito sa ere

Sina Kiya, Arria at Rom naman ay nakatingin lang sa kabaliwan na ginagawa ng kaibigan nila. Sinimulan ng sumayaw ni Dev ng sexy dance kaya napatulala na ang tatlong babae lalo na nung dahan-dahang ibuhos ni Dev ang alak sa katawan niya.

'Ba't ang ingit bigla?' bigla sabi sa isip nilang tatlo habang nakatingin parin kay Dev na nakaharap ngayon kina Dzane, bigla naman nakaramdam ng siko si Kiya.

"Laway niyo tumutulo" saad ni Dian sa tatlo kaya napapunas sila ng bibig nila pero nung wala naman silang naramdamang basa ay pinukulan nila ng masamang tingin si Dian na tawang-tawang sa reaksyon nila.

"Tama na yan mamaya bago pa may dumugong ilong dito" saad ni Dian na pinipigilan na ang tawa.

Umupo naman na si Dev at pinaikot ang bote. Iba't ibang dare at tanong ang mga ginawa nila. Meron dare na tatalon si Dale mula sa 2nd floor papunta sa pool ng nakahubad, ang paglap dance ni Dian kay Rom, ang paghalik ni Rom kay Dev, 10 minutes in heaven nina Dzane at Kiya pero puro usap lang ang ginawa nila, yung lalagyan ng takip sa mata si Arria at iikot tapos lalapit sa kaibigan at bibigyan ito ng french kiss at ang taong nafrench kiss niya ay si Dev, ang pagtwerk ni Kiya sa harap nila, nakaboxer shorts lang ang dalawang lalaki ng 30 min, pagdila ng tenga ni Dian na kambal niya ang may gawa at kung ano pa. Tuloy-tuloy lang ang laro nila hanggang sa malasing na sila at nakatulog maliban kay Dzane at Dev na mataas ang alcohol tolerance at sila ang nagbubuhat sa kasama pabalik sa mga kwarto nila.

"Dev ako na ang bahala kina Dian at Dale" saad ni Dzane tumango naman si Dev at pinasan na ang tulog ng Arria.

Binuhat niya ito at sa sariling kwarto, ng malapag na ay inayos niya ang pagkakahig nito bago lagyan ng kumot at hinalikan sa noo at umalis na. Sunod niyang binuhat si Kiya, ng mabuhat ay agad naman sumiksik si Kiya sa leeg niya at kinagat ito bigla kaya bigla nalang napamura si Dev. Nang makarating na sila sa kwarto ni Kiya ay nadatnan niya si Dian sa kama ni Kiya na tulog narin, nilapag niya si Kiya sa tabi nito at inayos ang pagkakahiga ng dalawa bago lagyan ng kumot.

"Goodnight" bulong ni Dev bago halikan ang mga noo ng kaibigan. Pagkalabas niya sa kwarto ay agad sumalubong sa kanya si Dzane na buhat-buhat si Rom.

"Sa room ko mo siya dalhin Dzay" saad ni Dev tumango naman si Dzane at pumanhik na sa kwarto ni Dev habang buhat buhat parin si Rom. Nang makapasok sila ay agad na bumungad sa kanila si Dale na natutulog sa lapag katabi ang sofa bed. Nang mailapag na ni Dzane si Rom ay umalis ito at humiga na sa sofa bed at agad na nakatulog sa pagod. Lumapit naman si Dev kay Rom at inayos ang pagkakahiga nito, lalagyan na niya sana ng kumot si Rom ng bigla siyang hilahin ni Rom papalapit kaya ang ending ay tumama ang labi ni Dev sa labi ni Rom.

'SHIT!' sigaw ni Dev sa isipan niya at lalayo na sana ng gumalaw ang labi ni Rom kaya lalo itong nagulat.

'ANAK NG!' nakatulala parin si Dev at hindi na namalayan na bumitaw na pala si Rom sa kanya. Nang matauhan si Dev ay agad itong pumunta sa cr at nang hilamos ng mukha niya paulit-ulit.

'FUCK!FUCK!FUCK!?' yan ang paulit-ulit naman na sigaw ni Dev sa utak niya, ng makarecover na siya ay naligo ito at nagbihis bago humiga sa kama. Pipikit na sana siya ng maramdaman niya may kumapit sa bewang niya kaya napatingin ito kay Rom na tulog na tulog na nakayakap na sakanya. Di nalang ito initindi ni Dev at natulog narin.

~~~~
"Huhuhu ate!! Gusto ko ng laruan!" sigaw ng bata babaeng habang nagmamaktol ito sa loob ng kotse.

"No uuwi na tayo, gabi na oh" pagtanggi sa kanya ng babae na katabi niya.

"Huhuhu PERO ATE!!??" umiiyak ng reklamo ng bata.

"Von pag wag wag okay, wag ng pilitin tsaka promise bukas bibilhan kita ng maraming maraming toys" saad ng babae kaya tumigil sa pag-iyak ang bata at tumingin sa kanya.

"TALAGA?!" masayang tanong ng bata.

"Talagang talaga" saad ng babae.

"Promise?!" tanong ng bata sabay lahad ng maliit niyang hinliliit sa babae.

"Promise!" sagot ng babae at ginawa nila ang promise handshake. Habang ginagawa ang handshake nila ay nakita ng babae ang isang malaking truck na papunta sa direksyon nila kaya ang ginawa niya ay hinila niya ang batang babae at ginawa niyang shield ang kanyang katawan para di mapuruhan ang katawan ng batang babae.

"VON!"
~~~~~
Nagising nalang bigla si Dev ng hingal na hingal at namamawis.

"Fuck" mahinang turan nito bago tumayo at bumaba papunta sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos ay bumalik ulit ito sa kwarto at binuksan ang sliding door bago lumabas papunta sa veranda ng kwarto.

Umupo ito sa sofa na nakadisplay sa balcony bago sindihan ang singarilyong nakalagay sa pants niya. Sa bawat labas ng usok sa kanyang bunganga ay parang lumalabas din ang bigat na nararamdaman niya.

Napatingin ito sa langit at doon binuga ang usok bago mapabuntong hininga.

"Ate I'm sorry" mahinang usal nito at di na napigilan ang kanyang sarili na lumuha. Patuloy lang siya sa paghithit hanggang sa makaubos na siya ng apat na stick bago lamunin ng dilim.

Kinabukasan--••

Naunang magising si Dian sa lahat kaya naisipan niyang puntahan ang kwarto ni Dev para tignan kung gising narin ang mga tao dun. Pagkabukas niya ng pinto ay agad ng bumungad sa kanya ang kapatid na tulog sa lapag, si Dzane na nakangangang natutulog sa sofa bed at Rom na mahimbing na natutulog sa kama ni Dev.

'Asan si Dev' tanong nito sa sarili bago libutin ang paningin ang at may nakitang tao sa veranda. Pumasok siya at pumunta sa veranda, bumungad sa kanya ang natutulog ni Dev nakasandal ang ulo sa sofa. Di naman nawala sa pansin niya ang isang kaha ng sigarilyo sa kamay nito, meron ding nakakalat na sigarilyo sa sahig at mga upos nito. Biglang nalang napailing si Dian at napabuntong hininga.

"Dev, gising na" gising nito kay Dev habang mahinang ginagalaw ang balikat nito.

"hmmm" rinig niyang sagot ni Dev.

"Gumising ka na bago pa makita nina Kiya at Arria yang mga sigarilyong nakakalat sa sahig" saad nito at umalis na para magluto sa baba.

Dahan-dahan namang napamulat si Dev ng kanyang mata. Nang maka-adjust ito sa liwanag ay nag-unat ito at tumayo para linisin ang mga sigarilyong nagkalat sa sahig. Nang matapos yun ay agad siyang pumasok sa kanyang kwarto at ginawa ang kanyang morning routine na hindi nagigising ang mga kaibigan. Pagakatapos niyang gawin yun ay bumaba na siya para tulungan si Dian sa pagluluto.

"Akala ko ba tumigil ka na?" yan agad ang bumungad na tanong kay Dev ng makarating ito sa kusina.

"Di ko kaya yun nalang kasi ang nagpapagaan ng loob ko" saad ni Dev, napailing naman si Dian.

"Kung ako sayo titigil na ako-" di na natapos ang sasabihin ni Dian ng may magsalita sa likod nila.

"Titigil ang alin?" tanong ni Kiya habang hawak-hawak ulo pababa sa hagdan.

"Here" saad ni Dev sabay bigay ng gamot kay Kiya at tubig, kinuha naman agad ito ng kaibigan tsaka ininom.

"Thanks, so ano nga ang ititigil?" patuloy na tanong nito.

"Ahmm- ano kasi" di naman nakapag salita si Dev ng maayos dahil kinakabahan ito lalo pa nung taasan siya ng kilay ni Kiya.

"Ano nga?" naiinip na tanong ni Kiya.

"Tigilan na ang pagpupuyat kasi nakakasama sakanya" saad ni Dian.

"Bakit? saan ka ba napuyat?" tanong ni Kiya.

"Naabutan ko kasi siyang natutulog sa balcony ng kwarto niya, sa sofa" sagot ni Dian

"Di sa nagpupuyat ako di lang talaga ako makatulog "rason ni Dev kaya napataas ang isang kilay ni Kiya.

"At bakit naman di ka makatulog?" tanong niya ulit, napakamot naman si Dev sa batok niya bago sumagot.

"Ano kasi- Ang lakas humilik ni Dale tapos malikot pang matulog ang katabi ko" paliwanag ni Dev.

"Sino ba ang katabi mo?" di na napigilan ni Kiya na magtanong ulit.

"Rom" maikling sagot ni Dev pero rinig ni Kiya.

"Tss" tanging saad ni Kiya bago lagpasan si Dev.

'Ehhh!? Ano na naman ba ang nagawa ko?' tanong nalang ni Dev sa sarili bago sundan si Kiya sa mesa, narinig niya lang tumawa si Dian sa tabi kaya pinukulan niya ito ng masamang tingin.

Continue Reading

You'll Also Like

262K 25.6K 62
Ryan and Aaruhi The story of two innocent hearts and their pious love. The story of one sided love. The story of heartbreak. The story of longing a...
1.5M 132K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
3.6M 291K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
1.4M 34.8K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...