(Yours Series # 1) Irrefutabl...

By beeyotch

3.5M 150K 91.8K

(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off t... More

About The Story
Chapter 01
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Final Chapter

Chapter 02

221K 9.6K 5K
By beeyotch

#IrrefutablyYours Chapter 02

Just my freaking luck!

At talaga namang sa lahat ng lugar sa Pilipinas at sa petsa sa kalendaryo, talagang pareho pa kami ng napili!

Para siguro akong bata na naka-kunot ang noo at naka-cross arms habang nagpapaliwanag iyong tour guide sa amin. Bakit ba? Masama ang loob ko! Tagal-tagal kong inimagine kung ano ang itsura ng naka-talo sa akin sa boards tapos...

Ang gwapo.

Unfair.

Matalino na, gwapo pa.

Ano ba namang buhay 'to.

"May tanong po ba kayo, Ma'am?" the guide asked.

Mabilis akong umiling. "No po."

"Tara na po sa tutulugan niyo," he said and my forehead creased a little dahil sa pananalita niya, para bang ibig sabihin niya na same kami nitong si T1 ng pagse-stay-an.

"Wait po," I said. "Kaming dalawa..." sabi ko habang tinuturo kaming dalawa ni T1. "Sa... parehong lugar magse-stay?"

The guide nodded. "Yes po. Pero separate room naman po. May problem po ba?"

Bago pa man ako maka-sagot ay napa-tingin ako kay T1. His brow was slightly arched na para bang amused siya sa akin. Kapal ng mukha! Palibasa alam niya siguro na gwapo at matalino siya.

I scoffed.

Daming gwapong doctor, uy! 'Wag masyadong feeling!

"Nothing," I just said.

Tahimik ako habang papunta kami sa lodge kung saan ako magse-stay. 'Di bale, ilang araw lang naman 'to. I just needed to ignore T1. Pagkatapos nito, balik Manila at balik trabaho na ako. Magkaiba naman kami ng hospital. Malaki naman ang possibility na hindi na kami magtagpo ever.

Pagdating namin sa lodge, nagkulong agad ako sa kwarto. Gusto ko sanang matulog na dahil sabi ay maaga ang start ng tour bukas... kaya lang ay na-bore agad ako sa kwarto... At saka gutom na ako.

Pagbaba ko, naghanap ako ng makakain kaya lang ay wala na iyong babae kanina. I saw T1 minding his own business habang kumakain. I frowned. Buti pa siya naka-bili agad ng pagkain. Bakit ang swerte niya? Bakit ang malas ko? In all aspects of life ba 'to? Siguro may magandang jowa din 'to. Nasa kanya na talaga ang lahat.

I was about to turn around and just sleep my hunger away nang biglang tumunog ang tiyan ko. Agad siyang napa-tingin sa akin. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa panic.

"Di kita pinapanood!" was my initial reaction.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "I didn't ask?"

"Mukha ka kasing feelingero."

"May ginawa ba ako sa 'yo? Bakit parang ang lalim ng galit mo sa akin?" nagtatakang tanong niya. I just pursed my lips together and glared at him. Ano namang sasabihin ko? Badtrip ako sa kanya dahil natalo niya ako sa boards? I mean, hindi naman ako badtrip talaga dahil doon. Masaya na ako na top 2 ako. Nabaling lang sa kanya iyong pagka-badtrip ko dahil sa reaction ni Mommy.

"Wala."

"Sure ka?"

"Oo nga."

"Okay..." sabi niya. "Gusto mong pagkain?"

Umiling ako. "No, thanks," I said pero iyong cooperative kong tiyan, ang lakas ng tunog! Ano ba 'yan! Nakaka-sira ng image!

"Share na tayo. 'Di ko naman 'to mauubos," he said, pointing at his food na mukhang kaka-simula pa lang.

I didn't want to be an illogical person. Mukha akong tanga kung magagalit ako sa kanya just because he scored higher in an exam. Pinaghirapan naman niya 'yun. Hindi niya kasalanan na malaki akong disappointment sa paningin ng nanay ko.

"Okay ka lang ba?" he asked when I stared into nothingness for a while.

"Ha? Yeah," I replied with an awkward smile. "Thanks for sharing your food pala... Sorry kung attitude ako kanina. Masama lang pakiramdam ko."

He just nodded. Suplado naman.

Tahimik akong kumain. Binabagalan ko lang dahil nakaka-hiya naman kung marami akong kakainin e pagkain niya 'to. Tapos bigla siyang naghikab.

"Ay, sorry. Inaantok ka na ba?" I asked kasi baka gusto niya ng umalis tapos naka-harang ako rito.

"No, it's okay. Tapusin mo na 'yan."

"Ha? Okay lang. Alis ka na."

Umiling siya. "Hintayin na kita. Malungkot kumain mag-isa," simple niya lang sabi tapos ay napa-hikab ulit siya. Mukhang antuk na antok na 'to. Galing kaya siya ng duty? Weird naman kung tatanungin ko... 'Di niya naman alam na alam ko kung sino siya.

I just nodded and then proceeded to eating. Mas binilisan ko ang pagkain. I was about to fix the table dahil naki-kain na nga ako, pero tinulungan niya pa rin ako. We were quiet as we cleaned after ourselves. Pagkatapos, naggoodnight lang siya at dumiretso na sa kwarto niya.

Maybe he wasn't so bad.

* * *

"Morning," I greeted nang makita ko na nasa baba na siya. He's sitting and quietly sipping his coffee.

"Morning," he greeted back. I looked around to see if nandun na iyong si kuya tour guide, but he wasn't around yet. Awkward naman.

I took a seat and enjoyed my own cup of coffee. Napa-tingin na naman ako sa kanya. He's wearing a brown khaki shorts, white shirt, what looked like walking shoes, and black baseball cap. Same lang pala kami. Naka-comfortable walking attire lang din ako. Wala naman akong balak kumuha ng magagandang picture ko rito. I really just wanted to unwind. Sobrang toxic ng schedule ko, e. Saka who knows kung kailan ako makakapagbakasyon ulit? Hassle pa naman ng hospital life.

Maya-maya, dumating na si kuya guide.

"Good morning!" he greeted. Well, at least merong high energy sa amin ngayon. "Brief ko lang po kayo sa mga mangyayari ngayon."

"Wala na bang iba?" I asked kasi nagsa-start na siya magbrief e literal na kami lang ni T1 ang nandito.

"Yes, Ma'am. Kayong dalawa lang sa tour na 'to."

Oh, freak.

Napa-tingin ako kay T1 na medyo naka-kunot ang noo. I smiled at him. Baka iniiisip niya na ayoko siyang kasama—hindi naman sa ganon! Weird lang for me!

Kuya guide proceeded on briefing us sa mga ganap today. Medyo na-excite ako dahil sobrang dream destination ko ang Batanes! 'Di ko masyadong nakita kagabi kasi madilim na nang maka-rating kami.

Sabi ni kuya, sa North Batan kami for today. Bukas iyong sa South tapos sa ibang island naman. Sobrang packed naman ng sched namin! Buti hindi masyadong mainit kung hindi toasted ako pagbalik ng Manila!

Paglabas namin, sumakay kami sa tricycle. Si kuya guide iyong driver.

Ano ba 'yan.

Ang bango.

"Sorry, masikip ba?" he asked as he adjusted. Ang lapad kasi ng balikat niya. Naiimagine ko na. Sure na sure ako kinikilig iyong mga interns sa taong 'to. Baka nga pati mga residents kinikilig din, e!

"Hindi, ayos lang," I replied as I tried to make myself comfortable.

Kalma lang, Niles. Lalaki lang 'yan. Maraming gwapong doctor, remember? Marami nga lang ding assholes, pero kung gwapo lang ang usapan, pagka-dami-dami sa ospital.

Una kaming naka-rating sa boulder beach.

"Mahilig ba kayo manood ng sunrise?" tanong ni kuya.

"Medyo, kuya. Lagi kong naaabutan, e," pabirong sabi ko kasi totoo naman. Kapag nagrereview ako dati, inaabutan ko talaga iyong pagsikat ng araw. Lalo na nung nasa medschool pa ako. Legit naman kasi na araw-araw may quiz at exam. Akala mo mamamatay mga prof kapag walang exam o quiz, e. Kahit nga may bagsak ako, wala na akong paki kasi kailangan ko ng magmove on para sa susunod na exam.

"Grabe naman, Ma'am. Ano po ba trabaho niyo?"

"Sa hospital po," sagot ko na lang. Napa-tingin sa akin si T1. Curious na siguro siya sa 'kin. Hah! Dapat lang! Ako nga ilang buwang na-obsess sa kakaisip kung sino siya, e. Be fair at ma-curious naman siya sa akin kahit sandali!

"Doctor po?"

Tumango na lang ako. Mas lalong kumunot ang noo ni T1. Mabuti na lang at papasikat na ang araw kaya doon na lang ako nagfocus. Wow... ang ganda!

"Gusto niyong magpicture, Ma'am?" tanong ni kuya.

"Hindi na po. Okay na ako rito," sagot ko habang naka-ngiti at naka-tingin sa pagsikat ng araw. Ewan ko ba. Hindi ako mahilig sa picture. I was more of living in the moment. Malinaw naman ang memory ko. Maaalala ko lahat 'to.

"Ikaw, sir? Picture?"

"Hindi na, kuya," sagot niya rin.

Huh. I guess pareho kaming hindi fan ng pictures.

Nang sumikat na ang araw, naglakad-lakad lang ako sa mga batu-bato. Grabe iyong lakas ng hampas ng alon, e! Medyo scary! Paano na kaya kapag nag island tour kami? Diyos ko! Baka mamatay ako sa sobrang hilo kapag nasa gitna na kami ng tubig!

Nang lumipat na kami papunta sa simbahan ng Basco, mabilis akong pumasok sa loob. I knelt and silently prayed. Alam kong sobrang blessed ko dahil sa lahat ng nangyari sa akin. I thanked God para sa good health ng family ko at dahil hindi sila na-aksidente. Pinagpasalamat ko rin iyong sa trabaho ko at iyong sa boards. Sana magtuluy-tuloy.

Ay. At saka love life! Gusto ko na ng love life! Sabi ni Daddy 'wag muna akong magjowa habang nag-aaral, ako naman si tanga, sumunod! Ayan ngayon na doctor na ako, walang magtangkang lumapit kasi natatakot ata sa akin! 'Di naman ako nangangagat, grabe! Libreng consultation pa nga kung jowa ko!

Unfair!

Nang matapos akong magdasal, nakita ko na nagdadasal pa rin si T1.

"Sorry natagalan," he said paglabas niya ng simbahan.

"Okay lang, ano ba," I replied.

Might as we be... friends? Ilang araw pa kami rito.

"San ka nagta-trabaho?" he asked.

"St. Matthew's," I replied.

"Residency?"

"Yeah," sagot ko. "Ikaw ba?"

"Dun din."

Iyon lang ang sinabi niya. Ni hindi niya sinabi na top 1 siya sa boards. In fairness...

Wala lang. Nakaka-tuwa. Marami kasi akong kilala na mga doctor na ang laki ng ulo. Alam mo 'yun? Naging doctor lang akala mo e regalo na ng Diyos sa kababaihan. Nakaka-stress. 'Di na nga gwapo, manloloko pa. Marami kaya akong kilala lalo na iyong mga nasa cardio at neuro. Mas okay iyong mga lalaki sa pedia.

"Nileen, 'di ba?"

"Niles na lang," sagot ko. "Ikaw?" tanong ko kahit kunwari hindi ko alam na siya si Marcus Isaiah Nicolas na top 1 ng Physician Licensure Exam.

"Marcus," he replied.

"Picture naman d'yan!" sabi bigla ni kuya.

"Wag na—" sabi ko.

"Remembrance lang ba," sabi ni kuya guide. "May mga boyfriend at girlfriend ba kayo?"

"Wala," sabay naming sagot. Agad akong napa-tingin sa kanya. Walang jowa 'tong lalaking 'to? Ang weird! Kasi sure ako pinag-aagawan at pinagnanasaan ang ganitong mukha at katawan sa ospital!

Napa-ngisi si kuya. "Talaga nga naman... Destiny na ba ito?" sabi niya bago kami pilit pinagtabi at kinuhanan ng picture. 


***

This story is already finished on Patreon x

Continue Reading

You'll Also Like

15.1M 586K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
9.5K 698 11
Ang sabi ni Jelena, galit siya kay Magnus. Ang sabi ni Magnus, galit din daw siya kay Jelena. Ang sabi ng mga taga-Roseville, tuwing magkikita ang d...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...