In a REALationSHIT (Trese Ser...

Oleh chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH Lebih Banyak

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [16]

96.2K 2.7K 347
Oleh chiXnita

-16-

NAPAPANGIWI AKO habang tinitingnan si Angel sa ginagawa niya sa saging. Isinusubo niya ito pero hindi naman kinakain. Dinidilaan niya lang ang dulo nito at muling ipapasok sa bunganga niya. May papikit-pikit pa ang bruha at bumubulong ng, "Hmm. Sarap talaga!"

Lumunok ako. "God! Angel, stop doing that. Gross!"

Nandito kami sa bahay. Kauuwi lang namin ni Grant kahapon. Nasa opisina na siya ngayon. Nalaman ni Angel na nakauwi na kami kaya sumugod agad dito. Knowing her, makikitsismis lang ang babaeng 'to.

"Stop doing what? Licking, sipping and sucking this delicious banana?" Muling akong napangiwi sa sinabi niya at napailing na lang nung kinagat na niya. "Bakit naman ako titigil kung mas masarap kainin ang saging kung didilaan muna?"

"Hindi naman mag-iiba ang lasa niyan. Kung gusto mong kumain, kumain ka nang maayos, hindi ganyan."

"Oh, c'mon, Xhai. Walang basagan ng trip." Muli niyang dinilaan ang dulo na may kagat na at muling isinubo. Ipinaikot-ikot niya pa ito sa loob ng bibig. Kaya naman tumayo na ako at pumunta sa sala. Baka maisipan pa niyang muling kumuha ng saging sa mesa. Mauubusan na kami ng stock sa kusina. Kinikilabutan din ako sa ginagawa niya.

Sumalampak ako ng upo sa sofa. Ipinatong ko ang mga paa doon at niyakap ang tuhod. Hindi tuloy mawala sa isip ko ang nangyari nung last night namin.

May nangyari sa'min ni Grant.

Iyon ang gusto ko. Ginusto ko 'yon. Kaya ko nga sinimulan. Gusto kong magkaroon ng improvement sa pagitan namin bago matapos ang bakasyon na 'yon. Kaso hindi ko alam kung may nagbago ba. Kasi gano'n pa rin. May nangyari. Ilang ulit pa nga, eh. Pero never lumabas sa bibig niya ang gusto kong marinig. Hindi niya sinabi sa 'kin na mahal niya ako.

Naguguluhan na kasi ako, eh. Wala ba talaga? Ako lang ba ang nagbibigay ng kahuluguhan sa mga ikinikilos niya nitong huli? Masyado ba talaga akong umaasa? Na mahal niya rin ako?

"So, okay na talaga kayo ni Grant?" Napalingon ako kay Angel na kakaupo lang din sa tabi ko. Mabuti na lang wala na siyang hawak na saging, kung hindi kukutusan ko na talaga siya.

"Sinabi ko na sa 'yo. Magiging okay din ang lahat." Tapos na ang bakasyon namin, akala ko balik na ulit sa dati. Hindi na ako papansinin ni Grant. Pero gano'n pa rin naman ang turing niya sa 'kin. Baby pa rin ang tawag niya sa akin. Is it a good sign? Eh, ba't ako natatakot?

"Okay na, Gel. Wala ng problema. Kilala mo naman si Grant. Mabait siya. Sweet. Naging cold and harsh lang naman siya simula no'ng nangyari iyon kay ate. Though, hindi naman talaga niya ako napapansin noon pa kahit na barkada tayo dahil kay Xy. Pero okay na ngayon."

"Paano ka nakakasigurong hindi ka ulit niya gagaguhin?" Ipinatong niya ang ulo sa sofa at tumingin sa fluorescent na parang steering wheel ang design at kulay gild ang ilaw.

"Kasasabi ko lang na kilala mo si Grant." Nginitian ko siya pero bumulong-bulong lang siya na hindi ko maintindihan. "Ano'ng sinasabi mo diyan?"

"Wala! Ano'ng nangyari sa inyo sa Trese?" Ibinalik niya ang tingin sa 'kin.

"W-wala ah!" Naalarma ako sa tanong niya. Kahit na marami naman talagang nangyari. Muntikan pa ngang mapahamak si Grant. Pero ayaw niyang may makaalam na kahit sino sa bagay na 'yon. Kaya nga bumalik agad siya sa Isla de Carpio para asikasuhin ang insidente. "A-ano namang mangyayari?" Kabado ako. Kainis talaga ang babaeng 'to. Ang galing manghuli.

"Sigurado ka? Eh, bakit pinagpapawisan ka diyan at mukhang natataranta?" Bumungisngis pa siya at hinagis-hagis sa ere ang throw pillow. "May patap-tap ka pa ng mga daliri sa tuhod." Humalakhak na siya at tiningnan ako nang nakakaloka.

"W-What? Wala nga kasi. Tumigil ka nga." Pinandilatan ko siya.

"Weah? Ano ba'ng iniisip mo sa tinutukoy kong nangyari?" Hindi pa rin nawawala ang nakakairitang ngisi niya.

"H-ha?"

Inilapit niya ang mukha sa akin at pinitik ako sa noo. Napangiwi ako, napahawak sa noo ko. "Alam mo namang wala kang maitatago sa 'kin. So, ano? Ilang rounds?"

"Angel!" Inagaw ko ang hawak niyang unan at ihinampas sa kanya. Kaso, nakaiwas agad siya. Mag-aaral na talaga ako ng mga action stunts.

Tumigil siya sa pagtawa at hinapit ako palapit sa kanya. "Alam ko namang mahal mo talaga si Grant." Kumunot ang noo ko. Nasaan na 'yong "gago" bago ang pangalan ni Grant? "At kahit na kaladkarin kita palayo sa kanya... babalik at babalik ka pa rin. Matigas ang ulo mo, eh. Pero alam ko namang sa kanya ka lang sasaya, kahit na ayoko talaga na kayong dalawa. Pero ano'ng magagawa ko 'di ba?" Kailan kaya mawawala ang pagiging prangka niya? "Pero sana naman sa oras na saktan ka ulit niya. Isipin mo naman ang sarili mo, hindi 'yong puro na lang siya."

Napaangat ang tingin ko kay Angel. Seryoso ang aura at gano'n din sa sinabi niya. Kinagat ko ang labi dahil wala akong maisagot. Sandaling katahimikan ang bumalot sa 'min bago niya tinap ang ulo ko at ngumiti. "Ano'ng nangyari no'ng pumunta si Brix sa Trese?"

"Ha?" Napaawang ang bibig ko. "P-pumunta si Brix sa Trese?" Unti-unting kumukunot ang noo ko.

Kumunot din ang noo niya. "Hindi mo alam?" Napahawak siya sa baba at sandaling nag-isip. "Hindi natuloy ang lokong 'yon? Pero desidido siya no'ng nagkita kami."

Nalaglag na talaga ang panga ko. Hindi ko na nga iniisip si Brix sa isa sa mga taong posibleng humalik sa 'kin nung birthday ko. Pero pumunta siya sa Trese? Nalilito na ako.

Hindi kaya siya si Silver? Pero imposible. Napakaimposible. Ano ba'ng iniisip ko?

"Hayaan mo na nga ang torpeng 'yon. Masasapak ko lang 'yon kapag nagkita ulit kami. Akala ko nagbago na, torpe pa rin pala." Inabot niya ang maliit na black paper bag na dala niya kanina. "Ibigay mo nga 'to sa kanya."

"Ha?"

"Kailan ka pa naging slow? Ibigay mo 'to kay Brix."

Hindi ko inaabot ang paper bag. Tiningnan ko lang. "B-bakit ako? Ikaw na lang, Gel. Ang sabi mo sasapakin mo pa siya kapag nagkita kayo."

"Ikaw ang masasapak ko ngayon. Ibibigay mo ito o hindi—"

Kinuha ko agad ang paper bag. "Sabi ko nga, ibibigay ko. Ano ba 'to?" Binuklat ko ang laman at napag-alaman kong cellphone 'yon ni Brix. "Bakit sira-sira na 'to?"

"Eh, gago ang gagong 'yon, eh," nagkibit-balikat siya.

"Sira na rin ito. Bakit ibibigay ko pa?" kunot-noong tanong ko. Inabot ko ulit iyong paper bag sa kanya. "'Wag na!"

"Tangina, Xhai! Slow ka na nga talaga." Hinimas niya ang noo niya at pinitik ulit ang noo ko. Arg! Nakakarami na ang bruhang 'to. "Kailan ba kayo huling nagkita ni Brix?"

Napaisip ako kung kelan nga ba. "T-tatlo or apat na araw yata bago ang birthday ko." Napalunok ako. 'Yon kasi ang araw na hinatid niya ako. 'Yon din ang araw na sinuntok niya si Grant. 'Di ko alam kung nagkaayos na sila. Matagal na rin pala kaming hindi nagkikita.

"See? Matagal na. Kahit na hindi mo sabihin kung bakit hindi siya pumunta ng birthday mo, alam ko na kung ano'ng nangyari. 'Tapos nagbakasyon pa kayo ni Grant. At ngayon ayaw mong magpakita sa kanya? Wala ka ba talagang pakialam sa nararamdaman ng ibang taong malapit sa 'yo maliban kay Grant, ha?"

Ibinuka ko ang bibig para magtanong kung paano niya nalaman pero nagsalita na ulit siya. "I have my ways!" Oo nga naman. Si Angel 'to, eh. "Pero kahit na ano pa mang nangyari, hindi mo dapat iniiwasan si Brix, Xhai. Hindi lang ako ang best friend mo dito, sa pagkakaalam ko best friend mo rin siya. December 21 na ngayon at kelan ang huling kita n'yo? Tatlong araw bago ang birthday mo? Eh, 'di December 3 pa 'yon."

Gustuhin ko mang sumingit sa mga sinasabi niya, kaso hindi niya ako hinayaan. Ang daldal talaga ng babaeng 'to. Naiinis lang lalo ako kasi lahat ng sinasabi niya'y totoo. Sinasampal ako ng mga salita niya.

"'Wag mo rin akong pahirapan." Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ako ang kinukulit ng taong iyon, eh. Kamusta na si Xhai? Ano'ng balita sa kanya? Nakakausap mo ba siya? Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko? Tawagan mo ulit, Gel. Tangina. Araw-araw 'yon sa condo ko, eh. Kulang na lang sabihan kong magdala ng foods. Tatawag na talaga ako ng MMA para ipabugbog kahit na marunong naman akong mambugbog.

"Kung hindi ko lang alam na patay na patay sa 'yo si Brix baka isipin kong may pagnanasa ang gagong iyon sa 'kin. Kaya ikaw, makonsensiya ka namang babae ka. Oo, kinokonsensiya kita. Alam mo kung bakit nasira ang cellphone na 'yan? Dahil hindi mo sinasagot ang tawag niya."

"A-Ano—"

"Oh, ano? Nakokonsensiya ka na? Dapat lang. Simula bata tayo palaging nandiyan si Brix para sa 'yo. Kaso, si Grant palagi ang inaalala mo. Naku—"

"God, Gel! Makikipagkita na nga ako, okay? Ang daldal mo!" asik ko sa kanya.

Humalakhak siya kaya hindi ko na alam kung seryoso ba talaga siya sa mga sinabi niya. Baliw talaga. "Good!" Tumayo na siya at inayos ang buhok. "Magaling pa rin pala akong mang-blackmail." Pinandilatan ko siya pero naglakad na siya malapit sa main door.

"Hoy bruha! Saan ka pupunta?"

"May meeting pa kami ng Sexy Chicks." Pumihit siya paharap sa 'kin at ngumiti. "Hindi ka ba talaga sasali sa grupo namin?"

Close ko naman ang ibang members nila, Sexy Chicks, maliban lang kay Caleigh at Vlaire. Hindi ko alam kung bakit, pero once na makita nila ako, nararamdaman kong hindi nila ako gusto. Aside from that, wala na akong masasabi sa dalawa pa nilang myembro, sina Irish at Denice. Lalo na ang leader ng grupo na si Keziah.

"Alam mo ang sagot diyan, Gel. Still no! Baka mapatay lang ako nina Vlaire at Caleigh kapag sumali ako," sagot ko.

"Tama ka. Galit talaga sa 'yo ang dalawang 'yon." Tumawa pa siya. Nang-aasar talaga. "At alam ko kung bakit."

"Bakit?" Curious na tanong ko.

"Secret. Bawal ipagsabi 'pag hindi member ng Sexy Chicks." Binelatan niya ako. Gusto niya talagang sumali ako.

"Best friend mo ako!" Pangba-blackmail ko.

"Kaibigan ko rin sila." Hindi na niya ako pinasagot at isinarado na ang pinto.

"Madaya ka talaga kahit kailan, bruha ka!" sigaw ko dahil alam kong maririnig niya pa ako. Tumunog ang cellphone ko sa bulsa. May text siya.

('Wag mong kalimutang makipagkita kay Brix. #Nangongonsensiya.)

Hindi na ako nagreply. Lintek na babaeng 'yon. Pati sa text may hashtag. Akala mo magtetrending. Hahanapan ko talaga ng lalaking magpapatino ang lukaret na 'yon. Napasulyap ako sa paper bag na binigay niya. Hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga.

_..._..._

"WHERE ARE you?" tanong ko nang sagutin ni Grant ang tawag ko.

"Office." Napahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko.

"Kumain ka na ba? Gusto mo dalhan kita ng lunch?" Muli ko siyang sinulyapan dito sa malayo. Nakasakay ako sa taxi at pasakay naman siya sa kanyang kotse.

"No need. May meeting kami ngayon. Kumain na rin ako. Kumain ka na ba?" Nakapasok na siya sa loob. Kaya hindi ko na makita kung ano'ng ginagawa niya. Tinted kasi ang salamin ng pulang kotse niya.

"H-Hindi pa, eh. Pero kakain na rin ako. Sabay na lang tayo mamayang dinner? Diyan lang ba sa office ang meeting n'yo? Hanggang anong oras 'yan?" Umandar na ang sasakyan niya at hindi ko alam kung saan siya pupunta.

"I don't know. I'll call you later, Heather." Hindi na niya ako pinasagot. He ended the call. Natulala ako sa hawak na cellphone. Pumikit at nagpakawala nang malalim na hininga.

I realized one thing. Don't ask if you already knew the answer. You'd be hurt if he lied.

Bumaling ako sa driver na katabi ko. Kanina pa siya nakatingin sa 'kin. "Pakisundan po." Tinuro ko ang sasakyan ni Grant. Pinilit ko pa ring ngumiti kahit na may idea na ako kung saan siya pupunta. Kahit na alam kong masasaktan lang ako, gusto ko pa ring makasiguro.

Nagsinungaling siya dahil ayaw niya akong masaktan. Pero mas gusto ko pang masaktan magsabi lang siya ng katotohanan.

Tama nga ang kutob ko nang huminto siya sa tapat ng isang safe house. Pinahinto ko na si manong dahil makakahalata na si Grant kapag lumapit pa kami. Mahigit isang oras din ang byahe namin. Malayo rin kasi ang lugar na ito sa lungsod.

"Salamat po." Inabot ko kay manong ang bayad kahit na hindi ko na binilang kung magkano. Agad akong lumabas ng taxi.

"Miss sukli mo at ayos ka lang?" tanong ni manong. Napansin niya siguro ang pamumutla ko. Tiningnan ko lang siya at tinanguan. Hindi ko na magawa ang mag-fake ng ngiti. Hindi ko na siya sinagot. Naglakad ako papalapit sa safe house nang hindi kinukuha ang sukli.

Nang makalapit ako sa safe house, tiningnan ko ang taas ng gate. Paano ko makakalimutan ang lugar na ito, eh pagmamay-ari namin ito?

Nakapasok na si Grant sa loob matapos niyang kausapin ang guard na pinatulog ni Angel. Akala ko ba ipinatalsik ni Grant lahat ng mga bantay dito at pinalitan ng bago? Iyon ang sabi ni Brix.

Pumwesto ako sa likod ng punong acacia. Hindi namin kasi ako makakapasok sa loob. Dahil hanggang ngayon grounded pa rin akong makita si ate. Umupo ako sa may ugat dahil wala namang bench dito. Walang ibang tao. Sobrang tahimik ng paligid na ihip ng hangin, kalaskas ng mga dahon ng puno sa paligid at huni ng ibon lang ang tanging maririnig.

Tumunog ang tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain. Umalis na rin ang taxi na sinakyan ko. Paano ako makakauwi nito? Arg! Kahit kailan ang tanga ko.

Kinuha ko ang cellphone sa pouch na dala para sana tawagan si Angel kaso nagbago agad ang isip ko. May meeting pala sila at siguradong sermon lang ang matatanggap ko.

11:57 AM ang nakalagay sa screen ng cellphone. Huling kain ko no'ng pumunta si Gel sa bahay, quarter to seven yata iyon. Kaya ko pa namang tiisin ang hindi kumain.

You can handle it, Heather.

2:13 PM na nang muli akong tumingin sa cellphone. Ilang oras na pala ang lumipas. Ngayon damang-dama ko na ang gutom. Tumayo ako saglit para sumilip sa gate pero nandoon pa rin ang pulang kotse at security. Muli akong umupo nang mangalay. Isinandal ko na lang ang ulo sa katawan ng puno at pumikit.

Don't think negative, Heather.

4:49 PM. Malapit na akong malowbat dahil sa kakakontak sa cellphone ni Grant na out of reach naman. Dumagdag pa itong unknown number na kanina pa tumatawag. Ayokong sagutin. Naglalakad-lakad lang ako paikot sa puno. Pilit na pinapakalma ang sarili.

Don't cry, Heather.

6:07 PM. Kahit na paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na 'wag umiyak hindi ko pa rin napigilan ang pagpatak ng aking luha. Agad ko iyong pinunasan. Napahawak ako sa labi dahil natutuyo na ito, binasa ko na lang gamit ng dila ko.

Hindi ko naman sila nakikita pero isipin ko pa lang na magkasama sina Ate Xyrene at Grant, nakakapunit ng puso.

Muling tumunog ang cellphone ko. Akala ko tawag mula sa number na hindi ko kilala pero text lang mula kay Angel.

(Where are you? You need to text me back, Xhaiden!)

Seryoso siya kapag Xhaiden ang tawag niya sa 'kin. Hindi ako sumagot. Kaya naman ilang saglit lang ay tumatawag na siya. Agad ko namang kinansel ang tawag at in-off. Malolowbat na ako.

Don't quit, Heather.

7:16 PM. Madilim na. Konting liwanag lang ang nagmumula sa street lights sa paligid. Malamig na rin ang ihip ng hangin. Binuksan ko ang cellphone. Magta-type na sana ako para i-text si Grant kung anong oras siya uuwi kaso bumungad sa 'kin ang sandamakmak na messages mula kay Angel at sa unknown number. Hindi ko na pinansin ang mga mensahe ni Gel pero binasa ko ang text ng unregistered number.

(Stop waiting. Please.)

Kumunot ang aking noo. Tumunog ang cellphone ko. Bigla akong kinabahan. Nagdadalawang-isip kung sasagutin ko ba at 6% na lang ang aking baterya. Sinagot ko rin ng pang-pitong ring na.

"H-Hello?" Ang hina ng boses ko't namamalat dahil sa pagpipigil umiyak. Walang sumagot kaya lalong kumunot ang aking noo. "Are you a prank caller or—"

"Finally, you answered it!" Napatayo ako bigla. Kilala ko ang boses niya.

"B-Brix?"

Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "Where are you, Xhai?"

"H-Home." Muli akong napasandal sa puno at pumikit. I hate lying.

"Really?"

Kinagat ko ang labi at tinatap ang mga daliri sa tiyan ko. "Y-Yes. W-Where are you?" Gusto kong batukan ang sarili dahil wala akong maisip na itanong kaya naman ginaya ko na lang siya.

Muli siyang bumuntong-hininga. "I'm here, standing behind you more than seven hours already, watching you crying and waiting for him while I'm waiting for you to answer me."

Dinaga dibdib ko. Awtomatikong napatingin ako sa bandang likuran. Nakita ko ang isang kotseng hindi ko na malaman kung ano'ng kulay dahil madilim. May nakasandal ditong lalaki, may hawak na cellphone habang ang isang kamay nasa bulsa ng pants niya. Nabitiwan ko ang hawak na cellphone at natulala.

Yeah, it's him. Brix.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

127K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
8.1M 523K 59
Cardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 1) *** "Whatever it takes..." I was as good as dead that night. But strangely, I woke up the next day without an...
36.5K 342 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
31.4K 971 15
THAT SUMMER WITH A GHOST SERIES #3