She's The Boss // Seulrene

By caBAEgee

122K 3.6K 749

Kailangan ko lang ng isang rason para manatili sa piling mo pero binigyan mo ko ng dahilan para lumayo at pil... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Chapter Forty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-one
Chapter Sixty-two
Chapter Sixty-three
Chapter Sixty-four
Chapter Sixty-five
Chapter Sixty-six
Chapter Sixty-seven
Chapter Sixty-eight
Chapter Sixty-nine
Chapter Seventy
Chapter Seventy-one
Chapter Seventy-three
Chapter Seventy-four
Chapter Seventy-five
BOOK 2

Chapter Seventy-two

1K 42 15
By caBAEgee

JENNIE'S POV

It's already the fifth day.. Irene, pang limang araw na. Hindi ko alam kung ano yung nakita mo dun but I'm sure na hindi ka magkakaganyan kung wala kang nakita na magttrigger sayo..

Baka nga nakita mo pa kung paano namatay sina Chen at Chanyeol.. Kung paano sinalo ni Suho yung bala para maligtas ka.. Hindi ko alam ang buong istorya pero sana gumising ka na...

Wala rin akong kahit anong idea bakit never kang binisita dito ni Seulgi pamula non. Tatawag lang siya para tanungin kung okay ka ba o nagising ka na ba, pero hindi siya mismo ang pumunta dito. Hindi ko na rin ineexpect na bibisita ang Cosmos dito dahil sa nalaman nila.

Sina Wendy, Yeri at Joy sa kani-kanilang bahay na umuuwi dahil masyado na raw mabigat ang nararamdaman nila dito... Lalo na, hindi pa sila nakakatanggap ng valid explanation galing sayo kahit na sinubukan kong ipaliwanag sa kanila.

Ilang araw ka nang hindi pumapasok.. Pero wala namang problema yon, bago pa mangyari lahat to, alam kong naayos mo na lahat ng kailangan kaya naghihintay nalang tayo magmarcha pare pareho... Next week na yon, naging ganito pa.

Iba sana yung saya kung buong El Maximus nandon, syempre galante si Seulgi kaya may pa-trip to kung saan man niya gustuhin dahil Summa Cum Laude ang girlfriend niya.. Pero since di na sila buo, di na rin buo yung saya. 

Ibang iba na.. Nakakapanibago.

Ayaw kitang sisihin dahil nangako ako na iintindihin kita... Pero hindi ko maiwasan minsan isipin na 'kung hindi mo kaya ginawa yon, hindi kaya mangyayari lahat ng to? Hindi kaya mamamatay sina Chanyeol ng ganun ganun lang? Masaya parin kaya tayo ngayon?' pero still... Si Taehyung ang puno't dulo ng lahat ng to.

Pero yung galit ng Cosmos sayo, hindi ko alam kung kelan mawawala yun. Parang nawalan na rin sila ng kapatid dahil sa nangyari.

Araw araw kitang binabantayan dito sa kwarto mo... Parang dito na nga ako nakatira. Laging umaalis si tita para pumunta sa court... Of course kasama si Seulgi.

Namumutla ka na... Namamayat ka na rin. Limang araw ka nang walang kain.

Kung alam kaya ni Seulgi na nagkakaganito ka, pupuntahan ka na kaya niya? Galit kaya siya? Pero ang hindi ko maintindihan... She begged to make you happy... Dahil yun daw yung bagay na hindi na niya magagawa.

I know you love her so damn much... Pero hindi natin masisisi ang nararamdaman niya.. Nawalan siya.

And si BoA... I'm sure alam na nila ang ginawa mo. I know BoA, once is enough.. No more chances. Ganun siya kaya nag aalala 'ko para sayo.

Agad akong napalingon nang bumukas ang pinto ng kwarto mo at pumasok si tita.

"How's the case tita?" Matipid siyang ngumiti at umupo sa tabi mo.

"So far.. Okay naman. Since yung law firm ni Seulgi humahawak nung kaso.. Hindi niya hinahayaang magkaron ng butas, para siguradong kulong na sila Taehyung. I think... Life imprisonment ang ihahatol sa kanila kung papalarin."

That's too much but he deserved it. Sa lahat ng ginawa niya, dapat lang sa kanila yun.

"How is she?" Tanong niya habang inaayos ang buhok mo.

"Ganun parin tita." Tumango siya.

"Tita... May nabanggit na ba sayo si Seulgi? Bakit hindi niya pa pinupuntahan si Irene dito?" Malungkot siyang tumingin sakin bago bumaling ulit kay Irene.

"Meron... Bago niya mapagdesisyunang tapusin ang lahat between her and Taehyung, meron na siyang plano. Actually pwede na naming hulihin si Taehyung nung araw na na-kumpleto na namin ang evidence, pero sabi niya... Kung gagawin namin ang ganung paraan, baka magkandaleche leche lang lahat dahil marumi gumalaw sina Taehyung..." Napahinto siya at bumuntong hininga bago magpatuloy. "Alam niyang napaka risky ang gagawin nila.. Pero kung hindi sila susugal, wala si Taehyung sa kinalalagyan niya ngayon and... She did it, para rin kay Irene."

H-hindi ko parin maintindihan..

"What do you mean tita? A-anong para kay Irene?" Naguguluhan ako..

"She told me everything.. Nung araw na pumunta siya dito, sinabi niya sakin lahat na... Narinig niya kayong na uusap ni Irene at dun niya nalaman."

A-alam na niya non? But.. She still acts the same around us. Lalo na kay Irene.

"Nag sorry ako sa kanya non.. Ilang beses kase hindi ko akalaing magagawa ni Irene yon but then she told me na she also heard Irene's reason kaya hindi niya magawang magalit kay Irene. Taehyung lied to her kaya niya nagawa yon, matalino si Seulgi kaya alam niyang hindi gagawin ni Irene yon kung alam niya ang totoo."

Now I understand... Kung bakit hindi siya galit tulad nila Jongin. Tulad ni Suho... Alam niya ang lahat.

"Sinabi niya sakin ang buong plano niya.. Ginawa niya yon para kung dumating man ang mga pulis, wala nang takas si Taehyung. Pero di namin akalaing pupunta si Irene don nung araw na yon. Nagulat nalang ako, pagpasok namin don, nakita kong duguan na sila, si Taehyung may tama ng baril pero mukhang inakala ni Irene na si Seulgi ang tinamaan dahil sa dugo sa damit niya... Humingi siya ng pabor... Na pagkatapos non, ilayo ko muna si Irene sa kanya dahil kailangan niyang mag isip. Alam niya ang consequences ng ginawa nila. Kaya.. Pinili niyang ilayo muna si Irene sa kanila dahil ayaw niyang harapin niya ang galit nila."

It all makes sense now... Hindi ko alam kung paano niya nagawa lahat ng to nang wala kaming kaalam alam.

"I'm very thankful kay Seulgi... After all the things na nalaman niya, ginagawa parin niya to para kay Irene... For both of them, yun ang sabi niya kanina.. Her decision is not just about her and Irene... Icoconsider na niya lahat. Nasira sila pareho.. I don't know kung ano talaga ang gagawin niya, ang sabi niya lang... It's for the best kahit na mahirap, kailangan niyang gawin."

Ano ba talagang plano mo Seulgi? Anong balak mo para sa inyong dalawa?

"S-Seulgi..." Agad kaming napatayo nang marinig namin siyang magsalita hanggang sa tuluyan na siyang nabasag at umiyak..

"M-mom si Seulgi..."

Shit I think... She heard it all..

IRENE'S POV

"J-Joohyun..." 

Sinusubukan kong bumangon pero sa bawat galaw ko, sumasakt ang ulo ko. But.. kailangan kong puntahan si Seulgi... B-baka kung ano nang nangyare sa kanya.. sa kanila.. 

"Irene huwag ka muna masyadong gumalaw..." Hindi ko pinansin si Jennie tuluyan nang tumayo para magbihis. Kailangan kong makita si Seulgi ngayon...

"Joohyun hindi ka pwedeng pumunta don." Agad akong napalingon sa kanila. 

"Mom.. anong sinasabi mo? Umalis tayo don ng hindi sila kasama kahapon! Gusto kong malaman kung ano nang lagay nila!"

"It's been five days Joohyun..." Malungkot na sagot niya.. "Yes Irene... it's been five days mula nung mangyari yon." Dagdag pa ni Jennie.

F-five days? Anong nangyari sakin? Ano nang nangyari sa kanila sa limang araw na yon? Bakit ganon ako katagal nawalan ng malay?!

"Joohyun huwag ka muna masyadong mag isip... it's because of the shock kaya ka nawalan ng malay. And Seulgi... they're okay, huwag ka masyadong mag alala."

"Mom okay?! Sa pagkakaalala ko umalis tayo don ng may mga tama sila sa katawan! Pwede ba? Mom, Jennie, huwag na kayong magsinungaling sakin! Huwag niyo nang subukang pagaanin ang loob ko dahil hinding hindi mangyayari yon kung sa inyo na mismo nanggaling na hindi niyo alam kung anong susunod na gagawin ni Seulgi! H-hindi niyo alam.... H-hindi rin natin alam kung mahal pa niya ko..." Agad kong naramdaman ang paglapit nila para yakapin ako. 

H-hindi naman ako tanga para hindi maintindihan lahat ng sinabi niyo... Lahat to... pinlano niya. Ngayon ko lang naiintindihan lahat ng sinabi niya sa Tagaytay... It all makes sense now.. Dahil alam na niya lahat. K-kahit na anlaki ng kasalanan ko sa kanya.. ginawa niya parin to para sakin.. Sobrang tanga mo Irene! Sobrang tanga mo putangina!

"M-mom... let me see her.." Kung kailangan kong mag makaawa gagawin ko. I know I don't deserve you anymore but I'm willing to sacrifice everything now... para mabawi yung mga bagay na nawala dahil sakin.

"You can't Irene..." Nagtataka akong tumingin kay Jennie. B-bakit hindi??

"Ayaw ni Seulgi na pumunta ka muna don.." 

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kaya napaiwas siya ng tingin at agad na pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi niya.

"Ayaw niyang harapin mo ang galit nila... A-ayaw niyang harapin mo ang masasakit na salitang isusumbat sayo ng Cosmos dahil... Chanyeol and Chen died." Tiim bagang niyang sagot. T-they died..

Hindi pwedeng nandito lang ako... G-gagawin ko kung ano man ang kailangan para mapatawad nila ko.. K-kasalanan ko to, kailangan ko silang harapin. A-ayoko nang maging duwag dahil nung huling beses na ginawa ko yon.. ganito ang nangyari.

"Pupuntahan ko sila..." Mariin kong sabi.

"What? Joohyun please... ito yung gusto ni Seulgi pansamantala. Huwag kang magdesisyon ng bigla bigla."

"Mom.. Hindi ko kayang maghintay nalang dito hanggang sa humupa ang galit nila... Kasalanan ko to.. Kailangan kong makausap si Seulgi. I want to explain kahit na... alam na niya lahat. Please mom... Jennie." 

Pareho silang napabuntong hininga hanggang sa tumango na si mom kay Jennie... 

"I'll take you to Seulgi but... please Irene kung ano mang mangyari, try to forget all the pain and be happy because that's what Seulgi wants. After all the things that happened.. yun lang ang hiniling niya, ang maging masaya ka." 

Pero sasaya lang ako... kapag kasama siya...

"Go now Joohyun.. puntahan mo yung gustong puntahan ng puso mo."

Hindi na ko nagsayang ng oras at tumakbo papalabas. Agad na pinaandar ni Jennie ang kotse nang makasakay kami.

Hindi ko maintindihan kung ano bang dapat kong maramdaman. Alam kong pagdating ko don... hindi na ko welcome tulad ng dati. Wala na yung pagkakaibigang nabuo ko kasama sila. Hindi ko rin alam kung anong una kong sasabihin sayo basta ang alam ko lang... kailangan kitang makausap. Kailangan kong humingi ng tawad sa mga nagawa ko kahit hindi na mababalik non ang buhay ni Chen at Chanyeol. 

Gusto kitang makita pero natatakot ako... natatakot akong marinig mula sayo na galit ka, na ayaw mo na kong makita. Hindi ko pa nahahanda ang sarili ko para don baby...

"Nandito na tayo Irene.." Agad akong tumingin sa labas. Hindi ko na napansin ang buong biyahe dahil sa mga bagay na nasa isip ko. "Hihintayin nalang kita dito.." Matipid siyang ngumiti. Tumango nalang ako at tuluyan nang lumabas.

Kada yapak ng paa ko.. malakas na tibok ng puso ang nararamdaman ko.

Nangiginig ang kamay ko habang dahan dahan kong inaangat yon para pindutin ang nasa pinkataas na button... P, ang Penthouse. Kada palit ng number habang paakyat ang elevator, parang gusto ko nang umurong. Hindi ko hinanda ang sarili ko sa anumang pwedeng mangyare o anumang pwede niyang sabihin pero kailangan kong harapin.

Bahagya akong napatalon nang tumunog ang elevator sabay ang pagbukas nito...

(play: The One That Got Away by Brielle Von Hugel)

Ikaw agad ang bumungad sakin.. Mukhang hindi mo pa napapansin ang presensya ko dahil nakatungo ka lang kaharap ang sandamakmak na mga papel. Tahimik ang paligid.. wala akong marinig na kahit anong ingay kahit sa kwarto nila. Parang ikaw lang ang tao dito.

Dahan dahan akong naglakad papalapit hanggang sa bigla kong narinig ang mahinang hikbi mula sayo.

"S-Seulgi..."

Agad kang napatigil at mabilis na pinunasan ang luha sa pisngi bago tuluyang tumingin sakin. I-ilang araw ka na bang umiiyak? B-bakit sobrang namamaga ang mata mo?

"Gising ka na pala... Are you okay?" Napayukom ang kamao ko nang sabihin niya yon..Bakit ako parin ang inaalala mo kahit ikaw ang mas nahihirapan sa'ting dalawa?

"Wala na bang masakit sayo? Hindi ka ba-"

"Seulgi stop it!" Sigaw ko at hinayaan ang luha kong tuluyang bumagsak. 

"What-"

"Bakit ako parin ang inaalala mo? B-bakit ganyan ka parin sakin kahit alam mo na kung anong ginawa ko? B-bakit mo ginawa yon Seulgi... Bakit?" Hindi siya sumagot at iniwas lang ang tingin. Tuluyan na ring bumagsak ang luha niya.

"B-because that was the only way Irene.. that was the only way I know para mawala na si Taehyung sa buhay mo. Ayokong nakikita araw araw na di ka mapakali, balisa o lunod sa kakaisip. A-ayokong nahihirapan ka.."

Ako na naman...

"P-pano ka?"

"H-huh?"

"K-kung laging ako ang inisip mo paano ka? Seulgi.. sobrang dami mo nang ginawa para sakin.. hindi ko na deserve lahat yon. At tong ginawa mo para sakin.. sa tingin mo ba deserve ko parin yon? N-nawalan ka ng kaibigan dahil sakin.."

"Pinili naming gawin yon Irene.. nandiyan ka man o wala ganun parin ang gagawin namin kaya huwag mong sisihin ang sarili mo."

"Damn it Seulgi! Hindi mababaril si Suho kung hindi niya ko pinrotektahan... H-hindi magagalit ng ganon si Taehyung kung hindi dahil sakin.. kaya don't tell me na wala akong kasalanan don dahil obviously.. ako ang may kasalanan ng lahat."

Wala nang nagsalita saming dalawa... tanging hikbi at iyak lang ang maririnig.

"M-mahal mo pa ba ko?" Hindi ko alam bakit ko pa tinanong yan.. natatakot ako sa pwedeng isagot niya... Pero may part sakin na gusto ko paring malaman dahil gusto kong makasigurong ako pa rin... dahil sa'kin..

Siya lang ang siguradong mamahalin ko.

Sa bawat segundong lumilipas na wala hindi niya sinasagot ang tanong ko... mas bumibigat ang pakramdam ko..

Kung mahal mo pa ko.. Hindi ka aabutin ng ganyang katagal para sagutin ang tanong ko. B-bakit nagtatagal ka... Ganun na ba kahirap para sayo na sagutin yan ngayon?

"Mahal kita..." 

"Pero hindi na tayo nakakabuti para sa isa't isa."

Akala ko mabubunutan na ko ng tinik dahil nasagot na ang tanong ko pero parang may kung anong mabigat ang bumagsak sakin nang sabihin niya yon.

"A-anong ibig mong sabihin? Seulgi d-don't..."

"L-let's end everything between us.." Parang nawalan ako ng tamang salita na dapat isagot sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko... B-baby hindi ko kaya..

"W-what? You're kidding... Seulgi hindi ka nakakatawa." 

"Hindi ako nagbibiro Irene... nasisira na tayong dalawa. Hindi tayo maaayos ng magkasama... Let's fix ourselves separately."

Nanginginig kong hinawakan ang mukha niya.. Agad niyang hinawakan yon at dahan dahang binaba.

"S-Seulgi hindi ko kaya.."

"K-kailangan mong kayanin Irene.. Para sa'ting dalawa to." Paulit ulit akong umiling.

"A-akala ko ba hanggang dulo? Bakit ganito Seulgi? Ayoko ng ganito... Seulgi... S-sabi mo ayaw mong umalis ako, a-ayaw mong iwan kita diba? Bakit..." Mariin akong pumikit hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa magkabilang pisngi ko.

"Listen... wala akong pinagsisihan sa mga desisyon ko mula nung nakilala kita. For the first time, naging masaya 'ko ng totoo... and that's because of you. You make me feel things I never felt before. We will live separately for ourselves.. please don't ever blame yourself, wala kang pagkukulang.. you're more than enough baby... I'm ending everything... for us to have a better version of ourselves. Please promise me na magiging masaya ka kahit wala ako... Please baby?" Hindi ko alam kung paano magsasalta dahil hindi ko na mapigilang hindi mapahagulgol dahil sa mga sinabi niya.

She's already saying goodbye... Ito na yung kinakakatakutan ko, tong araw na to.

"P-pano ako sasaya ng wala ka? You're my happiness... k-kung maghihiwalay tayo hindi ko alam kung pano pa ko magiging masaya."

"You will be happy... kahit na wala ako alam kong magiging masaya ka. G-graduation niyo na next week diba? You should be happy baby.. you achieved the highest award. I-I'm proud of you..."

H-hindi madaling maging masaya kung nasanay na kong lagi kang nandiyan...

"I-ito ba talaga ang gusto mo? Ang maghiwalay tayo?" Malungkot siyang nguiti at dahan dahan tumango.

"Because it's the best way para mabuo ulit tayo. Promise me you'll be okay... don't blame yourself sa mga nangyari. Please be happy Irene."

"K-kung yun ang gusto mo.. I will."

Mahirap kang bitawan Seulgi... Alam kong hindi magiging madali sakin na magsimula ulit ng wala ka... pero kung ito talaga ang gusto mo.. kahit na mahirap gagawin ko.

Mahigpit ko siyang niyakap at ibinaon ang mukha sa leeg niya. God knows how much I love your scent... I'll miss this.

"Ma-mimiss kita..." Bulong ko.

Bahagya siyang tumawa habang hinahagod ang buhok at likod ko. Hindi parin siya tumitigil sa pag iyak.

"Mas ma-mimiss kita baby... Can't wait to call you Dr. Bae."

Akala ko kasama parin kita kapag dumating yung panahong yon...

"Promise me na when we meet again.. you already found yourself.. you're happy and with someone na sigurado kang maaalagaan ka hanggang huling hininga. I want the best for you Irene.."

I can promise the first two.. but I can't imagine myself with someone else aside from you... Dahil ikaw lang alam kong para sakin.

"Seulgi..."

"Hmm?"

"Don't hurt yourself ever again.. kase, w-wala na ko sa tabi mo para gamutin yung sugat mo. H-hindi na kita maaalagaan tuwing mapapasabak ka sa away. H-huwag ka nang magpapaka-Cardo Dalisay ah, hindi na kita mapapagalitan tuwing uuwi kang halos di makalakad ng maayos. I-if you really want to fix yourself... Try to live peacefully." 

Basang basa na yung damit niya ng luha ko... iniisip ko palang na hindi ko na siya makakasama.. hindi ko napipigilang umiyak.

"If that's what you want.. I will baby.."

Unti unti akong humiwalay ata tumingin sa kanya... "If this is really the end.. C-can I kiss you for the last time?"

Hindi na siya sumagot at dahan dahang lumapit. Napapikit nalang ako hanggang sa naramdaman ko na ang malambot niyang labi.. I'll miss this so damn much!

I'll miss everything about her...

Dahan dahan siyang humiwalay at pinagdikit ang noo namin habang nakapikit...

"Maybe in another lifetime... tayo na hanggang dulo."

I smiled at the thought...

"Can't wait for that another lifetime to come..."

Kung dumating man yung araw na yon, sisiguraduhin kong ikaw na ang makakasama ko...

"I guess this is a goodbye?" Malungkot siyang ngumiti. Unti unti na kong humiwalay...

"I think so.. Goodbye Seulgi."

"Goodbye Irene."

Nagsimula na kong maglakad palayo sa kanya.. At sa bawat hakbang na ginagawa ko.. Muling tumulo ang luha ko.

Napatakip nalang ako sa bibig ko para pigilang lumabas ang bawat hikbi.. A-ayoko nang marinig mo kong umiwak because you want me to be happy...

I'll try to be happy... Without you.

Agad akong sumakay sa elevator... At parang binasag ang puso ko nang makita ko siyang tuluyang bumagsak sa sahig at umiyak.

Pinigilan ko na ang sarili kong tumakbo para yakapin siya... Dahil ito ang gusto niya. Hanggang sa tuluyan nang nagsara...

Tapos na talaga tayo.. W-wala na...

Agad akong sinalubong ni Jennie na di nagdalawang isip na yakapin ako nang makita akong umiiyak.

"Shh... It will be fine.. Everything will be fine.."

"She ended everything Jen.. W-wala na kami..." Muli na naman akong humagulgol..

"Everything happens for a reason Irene... Kung kayo talaga ang itinadhana, trust me kahit gaano pa katagal, you will meet again."

K-kahit gaano pa katagal.. I will wait for you. I'm sorry pero hindi ko mapapangakong makakahanap pa ko ng iba na mamahalin ko tulad mo...

I'm sorry baby... I-ikaw lang talaga ang gusto ko...

~~~~~~~~~~
Sabay sabay tayong kumanta..

In aNoThEr LIfEeEeEE~
I wOulD bE uR gUuUuuRl~

Continue Reading

You'll Also Like

107K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
382K 12.7K 58
Heiress Series #1 Date Started: January 5,2019 Date Finished: May 14,2020 Highest Achieved #21 Fantasy ♥️👏
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
53.5K 2K 54
what if i said i'm falling for you?