BARYO 1: The Brat (On-GOING)

By itimnabituin

2.4K 109 3

S Matapos mamatay ang ina ni Sapphire Light Veralde, ang kilalang spoiled brat ng baryo, ay naging magulo na... More

___
0
1
2
3
4
5
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26

6

96 4 0
By itimnabituin

Maingat kaming naupo sa sofa. May luha parin sa mga mata ko sa mga sandaling iyon at namumula parin ang mukha. Nagpakuha si Vaughn ng maiinom at matalim kaming tinapunan ng tingin.

"Sorry na nga." masuyong sabi ni Unice."Hindi naman namin sinadya e."

"Hindi? Nakailang beses na bang hindi niyo sinadyang gawin ito?"

Malamig parin ang boses niya. Napayuko naman kami at nagsibulungan pa ng galit si Daddy at humagikhik.

"Tumigil kayo! Ilang beses ng nangyari ito. The last time we encountered this was when Thania was locked by three men in a room!"

Nang malapag ng isang babae ang aming inumin agad itong umalis, muntik pa itong nabuwal dahil nanginginig din ito sa takot.

"Tapos uulit na naman kayo? Nasaan ang mga utak niyo?!"

"Okey lang sakin na magliwaliw kayo. Kumuha ng ilang lalaki o kahit na ano pa, susuportahan ko kayo dahil doon kayo masaya pero kung nilalagay niyo lang din sa panganib ang buhay niyo, pwes huwag nalang."

"Lagi niyo nalang akong pinag-aalala! Hindi pa nga nag-iinit ang pwet ko sa office may nangyari na naman! Jusko mamamatay ako sa kunsumisyon sa inyong tatlo!"

Nilaro ko ang daliri at hindi na nagsalita pa dahil tama nga siya. Ilang beses na kaming napahamak dahil sa ginagawa naming ganito pero umuulit parin kami.

"Hindi ko na kayo papapasukin sa bar ko! At sa kahit na anong bar!"

"Vaughn."apela naming tatlo. Umiling kami at pinakiusapan gamit ang mata na huwag niyang gawin iyon.

"Kung kinakailangan gawin ko ito para mailagay kayo sa ligtas gagawin ko." seryoso siya at determinado. "Starting today, you are banned from any kind of bar, and I will inform Miss Santiago that she will always deny you a room in the hotel Roma."

"Please." I said, pleading. "Huwag pati hotel Roma, Vaughn."

"No. I know you'll always find a way to look for another place, and I'm warning the three of you, don't make me mad," he warned ruthlessly.

Nagbuntong kami. Wala talaga kaming takas.

"Fine." we said.

"Sorry na, Vaughn." Si Unice, na nagpupunas ng luha.

"Hindi na muna kami uulit." si Thania na agad na sinapok ni Unice dahil nadulas na naman ang gaga.

Napangiwi ako. Tanginang babae ito, pahamak!

"Sorry na, Babe." si Thania na nakangusong lumapit kay Vaughn. Kinawit nito ang braso kay Vaughn na masungit parin.

Lumapit narin ako para suyuin ang moody naming kaibigan. Even though Vaughn is busy managing his business, he always finds a way to look for us and keep us safe. Kahit na nakakabadtrip talaga kami madalas. And we appreciate that kindness from him. Kaya nga natatakot kami sa tuwing galit siya dahil alam naming iiyak na ito agad dahil sa pag-aalala.

"Huwag na pati hotel Roma, Vaughn." pagbabakasakali ko.

"No. You cannot change my mind anymore."

"Sige na."

"Mamili kayo, ipapabanned ko kayo sa dalawang iyon o ipapabanned ko kayo sa buong Cagayan?"

"Vaughn!"

"Choose!"

Napasimangot kaming tatlo. "Gagawin mo talaga samin iyon? Magagawa mo samin iyon, Vaughn?" madrama kong tanong.

"Gagawin ko iyon para sa kaligtasan niyong tatlo." pinal ng sabi at sumuko na nga kaming tatlo.

Takot na takot akong umuwi samin. Natatakot akong baka kung anong magawa ni Tatay. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa tarangkahan ng makitang naroon na si Tatay na tumakbo agad patungo sakin.

"Anak." nag-alalang aniya at niyakap ako.

Nangilid agad ang luha sa mga mata ko dahil sa mahigpit niyang yakap at nang makitang pati ang mga trabahante namin ay nag-aalala ding nakatingin sakin.

Alam na nila.

"Sorry Tay. Hindi ko po-"

"Nasabi na lahat ni Mr. Rivera sakin. Ayos lang anak, ang mahalaga ayos kana ngayon."

"N-nasabi?" dismayadong sabi. Sa lahat ng makakapagsabi 'non siya pa talaga.

"Oo. Sinabi niya na nakita ka niyang nawalan ng malay sa labas ng paaralan niyo kaya inuwi ka na muna niya sa kanila. Inalagaan ka ni Mr. Rivera buong magdamag. Nagalala ito na baka napagod ka sa taniman kahapon kaya hindi ka na niya nagawang gisingin pa para makapagpahinga ka roon at kanina lang niya napagbigay alam sakin ang buong nangyari."

Napanganga ako sa narinig. Nagawa ko pang kalasin ang yakap at nagtatakang tiningala si Tatay.

"A-anong sabi niyo?"

"Hindi ako galit anak-"

"Hindi iyon." umiling ako. "Anong nawalan ng malay, Tay? Ako? Nawalan ng malay?"

"Oo." si Tatay at hinaplos ako sa pisngi. "Pinagalala mo ako anak. Pasalamat talaga akong naroon si Mr. Rivera."

I couldn't find a word to explain what I'm feeling right now. Buong akala ko sinabi nito ang nangyari kay Tatay pero nagsinungaling siya at pinagtakpan pa talaga ako. On the other hand, I feel more guilty that I accused him awhile ago. I'm guilty of lying and especially of flirting with him.

Kaya naman ng papasok na kami sa bahay ay wala parin akong imik. Wala akong mausal na salita dahil sa labis na pagsisising nadama.

"Pupunta akong taniman." sabi ko kay Tatay, iyon agad ang pumasok sa isipan ko.

Nagulat si Tatay. "Kailangan mo munang magpahinga ngayon. Bukas nalang siguro."

"Ayos na po ako. Magpapalit lang ako at tutungo na sa taniman."

"Anak." Tatay expressed concern.

I smiled to assure him that I'm really okay now.

"Kaya ko, Tay. Parang hindi niyo naman ako kilala." biro ko pa at tuluyan na siyang tinalikuran.

Matagal ako sa kwarto. Sinamantala ko na iyon para makapagnilay at maayos ang sarili. Nang maayos na ako ay agad na akong bumaba. Hinigpitan ko ang tali ng buhok ko.

"Sa tingin ko kailangan niya po munang magpahinga." rinig kong boses.

Pababa na ako ng hagdan. Lumakas at nagiging malinaw narin sakin ang boses.

"Iyon rin ang sabi ko ngunit matigas ang ulo ng batang iyon. Gusto talagang magtungo sa taniman ngayon."

Parang umurong ang apak ko ng makita kung sino ang kausap ni Tatay. Tatalikod na sana ako ng napalingon na sila sakin. Pag-alala agad ang nakita ko sa mata ni Kurt ngunit dahil sa matinding kahihiyan ay napaiwas agad ko ng tingin.

Why do have to protect me! You don't owe me anything! 

"Tutulak na ako, Tay."

"Sakin kana sumakay. Doon rin ang tungo ko." si Kurt.

Hinalikan ko si Tatay sa pisngi na para bang walang narinig. Hindi na kailangan! Kinokonsensiya mo lang ako lalo e!

"Sumabay kana anak. Sa taniman din ang tungo ni Mr. Rivera."

"Hindi na. Kaya ko naman."

"Sumabay kana. Baka mapano ka pa."

"Huwag na."

"Sapphire, sumabay kana."

Nagbuntong hininga ako saka tumango na. Gustong gusto ko talagang tumanggi pero baka kapag magtagal pa kami dito ay baka makahalata na si Tatay. Tahimik kaming lumabas ng bahay ni Kurt at ganon din katahimik noong nasa sasakyan na kami.

"Maayos ka bang nakauwi?"

Binaba ko ang binata at hindi siya sinagot. Pinikit ko ang aking mata ng dumampi sa balat ko ang malamig na hangin.

"Does Vaughn count as your boyfriend or your friend? I saw it on CCTV, siya ang sumundo sayo. "

"May kasama rin siyang dalawang babae."

Tinikom ko lalo ang bibig at inabala ko nalang ang sarili sa pagkaway sa mga hardinerong kumakaway sakin tuwing nadadaan sila ng sasakyan namin. Rinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

"Sapphire, pansinin mo naman ako, o." pakiusap niya.

Nabitin ang kamay ko sa ere sa boses niyang iyon. Kinurap ko ang mata ko at nilingon siya. Gumalaw ang labi nito at klaro ang malungkot na malungkot nitong mata kahit na nakatuon ang atensyon niya sa daan.

"Pasensiya na."

"Why did you lie?"

Napahigpit ang kapit niya sa manibela.

"Bakit ka nagsinungaling para pagtakpan ako?"

"Hindi kita pinagtakpan." nahiharapan niyang sagot at nilingon ako.

"Then why did you lie? Why did you not tell them the truth? "

"I want to protect your name."

"By choosing to ruin your name? You don't have any obligation to me, Mr. Rivera."

"Kurt, it's Kurt...Sapphire," he said huskily.

"Kurt then." I sighed and nodded, but then again, that doesn't make him feel at ease. "May pangalan kang prinoprotektahan-"

"I don't care." His jaws clenched. "If ruining me makes your name safe, then I'll be ruined happily."

"Kaya sinuntok mo?! Hindi ka mo ba naisip na baka makakasuhan ka?" sabi ko saka dinilaan ang labi. "Bago ka pa nagtungo dito madumi na ang pangalan ko. Madami na akong eskandalong nagawa kaya dapat hinayaan mo nalang iyon!"

Napakurap siya sa sigaw kong iyon at nagdilim ang mga mata. Napamura ako ng malakas ng bigla nalang nitong tinigil ang sasakyan. Pinaghalong gulat at galit ang aking nararamdaman ngayon.

"Hinayaan?" He repeated my word. "Hinayaan ko nalang ang ginawa niya sayo?"

"Oo! Tutal ayos naman ako at lagi naman nangyayari iyon sakin-"

"Shut it, Sapphire Light!" Hindi iyon sigaw pero madiin. Sinuntok niya ang manibela at napatalon ako sa kinauupuan dahil sa ginawa niya.

He was surrounded by a dark aura that made me feel worried and at the same time afraid. Kurt let out a cold sarcastic laugh, which made me gulp my own saliva!

"Ni hindi nga ako makatulog matapos kang nakita sa kalagayang ganon tapos sasabihin mong sanay kang nangyayari iyon sayo? At hayaan?" umiling siya at mariin na pinikit ang mata. "Muntikan ka ng napahamak, Sapiro...at muntik mo narin akong nabaliw."

Kinagat ko ang labi ko at hindi makakapa ng isasagot.

"P-pero sana..hindi mo na siya sinuntok pa." nagawa kong iusal.

Kurt's jaw clenched as he diverted his attention and he clicked something to bring down the window on his side. Pumasok ang hangin at nilipad konti ang buhok niya.

"Are you worried that he might end up in jail?"

"What?" My mouth parted.

"Are you worried that Joshua might end up in jail?"

"Bakit naman ako mag-aalala?"

He looks at me. "Na baka mabulok sa kulungan ang crush mo kung magpapatuloy pa ako."

Hindi ako nakasagot. Disappointment was in his eyes, but I saw more pain in them. Pero agad din itong nawala!

"Ano? Ayaw mong ilaban ko ang kaso dahil baka mabulok sa kulungan ang inhinyero mong sinisinta, iyon ba?"

"Hindi sa ayaw ko-"

"You are questioning what I did to him even though you know that he deserves that."

"Yes, he deserves that, but you shouldn't lay your finger on him. You shouldn't put shame on yourself because of me!"

He smirks darkly. "Why can't you just admit that you are protecting him from me? You are worried."

"I am not protecting him! And why would I be worried? "

"Because I can't see other reasons for you to question me." finishing the argument. "I am not a bit happy...about watching you... argue with me because of someone else."

Tinitigan ko lamang siya at wala ng maisip na isasagot pa. Mas lalo tuloy siyang ngumisi na para bang tama siya at nanalo na sa argumento.

"Magsalita ka, ipagtanggol mo siya muli sakin." utos niya at ngumisi. "Sige ipagtanggol mo. Crush mo e."

Nag-away sila ni Chloe at kung tama ang narinig ko maaaring mabaliktad ang nangyari. Si Kurt ang idedemanda dahil sa panununtok nito bigla at maililigtas si Joshua sa kasalang nagawa. There's no evidence shown that he drugged me and attempted to rape me because there's no CCTV inside of any VIP room in Vaughn's bar! We pleaded with Vaughn not to put one in for our privacy! Dahil nga lagi kaming naroon at may mga kagagahang ginagawa kaya sinunod niya kami!

Kung ang tanging meron lang ay ang kusang loob kong pagpasok sa loob, matatalo kami!

"He's the vice mayor's son. Ang sinuntok mo ay anak ng bise mayor, Kurt." sabi ko sa kabila ng madaming iniisip. "Sa tingin mo may laban ka?"

"You should ask that question to them. Sa tingin mo may laban sila...sakin?" then he smirks.

My mouth parted at muntikan na akong mapatili dahil sa ang gwapo niya buti nalang nakapagpigil ako. Ngumuso ako!

"Ayaw ko lang na baka ikaw ang kasuhan Kurt. Sinuntok mo siya bigla...tama si Chloe, I entered the room voluntarily and there's no evidence to prove that he attempted to rape me."

Gumalaw ang labi ko. He shook his head in full arrogance. Kinilatis ako ng mga mata niya at ilang beses na tumango.

"Sinasabi mo na baka mababaliktad ako, Sapiro?"

Tumango ako at doon na nga kumawala ang malakas niyang tawa. Mayabang iyon!

May nakakatawa ba?

"Natatakot ka na baka ako ang ipakulong ng inhinyerong crush mo? Napakababa naman ng tingin mo sakin." gumalaw ang panga niya at lumitaw ang mapaglarong ngisi nito.

"You shouldn't underestimate me. Watch and see. I will prove to you what I can do. Ang muling pagkikita niyo ay sa kulungan na." He said before starting the engine.

@itimnabituin

Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 262K 68
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
26.8M 799K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
13.5K 1.5K 9
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
3M 77K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...