1

156 7 0
                                    

"Sapphire Light Veralde." bulong ko sabay hanap ng pangalan sa bulletin board at napangisi sa nakita.

Napasuntok ako sa ere. Tangina, bagong lalaki na naman ang gift sakin!

"Congrats Light!" sigaw ng mga lalaki. Sila pa ang naunang pumuri sakin!

Kinindatan ko naman sila at napahagikgik ng makitang namula ang ilan. Hindi na nakakagulat ang naging resulta. Malamang ako na naman ang nanguna.

"What is the result?" si Unice iyon, bagot ang mukha dahil kanina pa sila naghihintay sakin. Sa kabila ang building nila pero dahil sa inip napaakyat na sila.

"See it for yourself." I said boastfully.

"Nanguna ako!" si Thania iyon na may lalaking kasama. Nakapulupot ang braso nito sa bewang ng kaibigan ko.

"First din ako." sabay naming sabi ni Unice. Napangiwi si Thania at napahagikgik ng hinalikan siya ng kalampungan nito sa leeg.

"Thania!" I stop her. "Nasa school ka wala ka sa Roma."

Umirap ito at hinagkan lamang ang kasama. Napatingin ang ilan samin at sabay kaming napamura ni Unice ng makita si Prof Ramos na parating!

"What the hell is going on here Dela Merced!"

Agad akong napaayos ng tayo. Isusumbong na naman ako nito kay Tatay!

"O." si Thania na umarteng nagulat. "Ang ganda talaga ng umaga ko tuwing nakikita kita, Sir."

"Tigilan mo ako Dela Merced! Anong iskandalo na naman itong dala mo sa palapag namin?"

"Bad mood ka naman, Sir. Nag-away kayo ni Misis? Sabi ko naman sa inyo e hintayin niyo na akong grumaduate."

Unice and I could not hide our laughter when we saw the dismay in Prof. Ramo's face. Kinuha niya ang libro at umaktong ipupukpok iyon kay Thania pero mabilis naman na nakatakbo ang kaibigan ko hila ang lalaki niya.

"I will wait for your proposal, Prof. I'm always ready for you. " Laughing, Thania shouted that.

"Shut it, Dela Merced! Mahal na mahal ko ang Misis ko! "pikong sigaw ni Prof sa kaibigan kong nakatakbo na.

"What?! Go back to all your rooms!" si Prof sa mga taong nakimarites kanina. Agad naman silang nagsipasok.

Naiwan kami ni Unice. Nang napatingin sakin si Prof ay agad akong tumalikod para hilain ang kaibigan pero laging gulat ko ng wala na ito sa tabi ko! Patay na!

"And where are you going, Miss Veralde?"

"Hehehe, tatakas."

He glares at me. "To my faculty now!"

"Tito!" maktol ko at napanguso dahil mas lalong sumama ang tingin nito sakin.

"Mag-uusap tayo." siya na ang naunang tumalikod.

Napapadyak ako sa inis. Malas! Tatangkain ko sanang tumakas.

"I can see you," he said. Napapadyak ako saka parang zombie'ng sumunod sa kanya.

"Umayos kang maglakad, Liwanag!"

Rinig ko ang tawa ng nadadaan naming estudyante. Nagsi silip sila sa kanilang bintana.

"Aye aye, Sir." hagikgik kong sabi at umakto pang sumasaludo.

Pikong piko na si Prof Ramos nang makarating kami sa faculty. Hinulot pa niya ang noo na para bang inis-stress ko siya. Without permission, I sat in the visitor's chair at tinaas ang paa sa kaharap na upuan.

"Sit decently, woman." He hissed.

I leered my eyes and arranged myself. Buti nalang naka-p.e. kami ngayon kung hindi mas badrtip ito lalo sakin.

BARYO 1: The Brat (On-GOING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt