I'm Courting Mr. Cold

By fizz_chae07

400K 5.5K 1.2K

Ito'y isang kwento tungkol sa isang engot na babae na naghahabol sa isang cold guy na si Jin Ren. Halos lahat... More

Prologue
CHAPTER I - Love at First Sight
CHAPTER II - Stay Away From Me
CHAPTER III - My Favor or His Condition?
CHAPTER IV - Yes or No?
CHAPTER V - Meeting His Family
CHAPTER VI - Fizz Lopez
CHAPTER VII - Getting To Know Him
CHAPTER VIII - Reminiscing His Past
CHAPTER IX - Meeting the Cassanova
CHAPTER X - Meeting the Cassanova (Part II)
CHAPTER XI - Cookies, My First Move
CHAPTER XII - Dream Come True
CHAPTER XIII - He's Acting Weird
CHAPTER XIV - Date
CHAPTER XV - Real Date
CHAPTER XVI - Walang Sikreto Ang Di Nabubuko
CHAPTER XVII - Devil Beside Me
CHAPTER XVIII - Missing
CHAPTER XIX - Scandal
CHAPTER XX - He Hates Me
CHAPTER XXI - Now, He Hates Me More
CHAPTER XXII - Jealous
CHAPTER XXIII - Reasons Behind My Action
CHAPTER XXIV - The Culprit
CHAPTER XXV - Mixed Emotions
CHAPTER XXVI - Confession
CHAPTER XXVII - The Spies
CHAPTER XXVIII - Dinner
CHAPTER XXIX - We're Locked?
CHAPTER XXX - Library
CHAPTER XXXI - My Mission Impossible
CHAPTER XXXII - Lunch Box and Chopsticks
CHAPTER XXXIII - She's in Danger!
CHAPTER XXXIV - My Hero
Discussion
CHAPTER XXXV - Grocery Store
CHAPTER XXXVI - Trip ko Siya
CHAPTER XXXVII - Bipolar
CHAPTER XXXVIII - Trip Niya Ako
CHAPTER XXXIX - What A Wonderful Day
CHAPTER XL - Two Days Before His Birthday
CHAPTER XLI - Weird
CHAPTER XLII - Unexpected Visitor
CHAPTER XLIII - Birthday Present
CHAPTER XLIV - Pick-up Lines
CHAPTER XLVI - New Mission
CHAPTER XLVII -Trip to Terra Cota
Chapter XLVIII - Destiny
CHAPTER XLIX - Salamat
CHAPTER L - I'm Stupid
CHAPTER LI - Reconciliation
CHAPTER LII - Final Review
CHAPTER LIII - Sinasagot na kita!
Chapter LIV - I'll Be There For You (Part I)
Chapter LV - I'll Be There For You (Part II)
CHAPTER LVI - 1st Lunch Date as a Couple
CHAPTER LVII - Date Under The Moon
Chapter LVIII (Part 1)
CHAPTER LVIII (Part 2)
Chapter LVIX - School Festival Day 1
Chapter LVXX
CHapter LVXXI
Chapter LVXXII

CHAPTER XLV - Siguro

4.9K 93 41
By fizz_chae07

**CHAPTER XLV**

**YURI’s POV**

(Sabado ng hapon. Kinabukasan matapos yung Pick-up lines scene)

“Yuri, ija!!!”salubong sa akin ni tita Jane nang makapasok na ako sa bahay nila sabay niyakap pa ako. Andito ako ngayon for the review. Tapos mamayang alas sais naman, yayain kong mag-sine si Jin Ren ko.

Yeah, yeah. Alam ko na medyo nayayamot pa ako dahil dun sa inasta niya kagabi. Pero alam niyo naman ako… hinding-hindi ko kayang tiisin na magalit na lamang sa kanya. At saka sayang naman tong ticket na binigay sa akin ni Heina kung di namin magagamit di ba? ngayon pa naman to naka-schedule!

Tama nga kayo, si Heina ang nagbigay ng ticket na ito sa akin. Ewan ko nga kung bakit may ticket for two siya eh.

Pero ang sabi niya eh binili niya raw to para sa amin talaga nina Jin Ren ko. Bale belated birthday gift na rin daw niya para sa mahal ko. Pero ewan ko na lang kung totoo ba yung mga sinabi niya.

hahay.. tong best friend ko. pansin ko lang parang nagiging mataguin na siya sa akin. Hindi na siya gaanong nagbabahagi ng mga kwento niya sa akin. Haayyy… kelangan ko talagang kausapin ng masinsinan yun kahit minsan.

“Naku, magrereview ba kayo ng anak ko?”tanong sa akin ni tita nang kumalas na sa pagkakayakap.

“Ah, opo! Nasaan na nga po pala siya?”tanong ko pa, kaso may biglang sumingit sa usapan namin nina tita. At walang iba kundi sino pa? eh yung walang galang na bubwit na kapatid ng mahal ko na si Maxine!><

“Mom, granny is looking for you! she’s in the garden.”sabi pa niya sa mama niya tapos agad naman siyang napatingin sa akin at nag-roll eyes ba naman daw! Ang supla-suplada talaga! May pa-english-english pa siyang nalalaman!Tch!><

“Alright! I’ll be there in a minute!”sagot ni tita sa kanya, tapos muling ibinalin ni tita ang atensyon niya sa akin sabay sabing,”Naku ija, andun pa siya sa kwarto niya. puntahan mo na lamang siya dun.”

“Maxine, lead her to your brother’s room.”utos naman ni tita kay bubwit! Si bubwit naman, nagkibit-balikat lang tapos nun asar siyang pumayag na ihatid ako dun sa kwarto ng kuya niya. naku, tong batang to!

At heto nga kami ngayon, naglalakad na papunta sa kwarto ng mahal ko. Ang laki talaga ng bahay nila. Ang dami na naming nadaanang mga silid pero hanggang ngayon hindi pa kami humahantong sa kwarto ng mahal ko.

Ang totoo niyan eh nakapasok na ko dati sa kwarrto ng mahala ko, nung inalalayan ko siya nung lasing na lasing siya. Kaya lang nakalimutan ko na, sa dami ba naman  ng mga silid nila dito eh magagawa ko pang tandaan!HAHA

“I really hate you!”out of nowhere na sabi nitong tour guide ko ay este ni Maxine pala!

She hates me? Eh mas ayaw ko naman sa kanya noh! HAHAHA. De joke lang! hindi naman sa ayaw ko sa kanya, nakakapikon lang talaga yung pagiging maldita't suplada niya.

“At bakit naman daw?”tanong ko pa sa kanya habang patuloy pa ring nakasunod sa likuran niya.

“Because you’re so stupid!”diretso niyang sagot sabay hinto sa paglalakad tsaka hinarap ako nang nakapameywang pa.

Grabe tong batang to, daig pa niya ang isang matanda! Kung makapagsalita siya parang alam na alam niya ang lahat. At ano raw yun? Stupid daw kamo ako? Errrrr  >____<

“A-ano? Ako? Stupid? Di no!”depensa ko pa.

“Yes you are! Because if you’re not. You shouldn’t be here, asking my brother to tutor you!”sagot pa niya.

Aba! Sumosobra na tong batang to huh! Pero may point din naman siya eh.

“May mga bagay lang talaga na hindi ko alam kaya ako nagpapaturo.”sagot ko naman.

nakuuu! Ano ba naman tong gulong pinasukan ko! pati sa bata eh nakikipagtalo ako.

Patience Yuri… patience… kelangan mong magpasensya. Mas matanda ka sa kanya kaya kelangan mo siyang intindihin.

“Whatever!”sagot niya tsaka inirapan ako’t nagsimula na namang maglakad.

Pareho kaming natahimik at tanging mga tunog ng mga yapak na lamang namin ang naririnig namin. Ilang saglit pa eh huminto kami sa tapat ng isang silid.

Mukhang eto na yata yung kwarto ni Jin Ren ko.

Tumingin sa akin si bubwit tsaka binigyan ako ng “here-we-are-look”.

Bago pa man siya tuluyang naglakad palayo sa akin eh sinabihan ko siya ng,”Salamat!” kaso, napakasuplada talaga. Ni hindi man lang lumingon dun sa sinabi ko!

hay, pano kaya ako magugustuhan nung batang yun!?-____-

Ano ba naman yan Yuri! Pati si Maxine ngayoin eh pinoproblema mo na? ni hindi pa nga nahuhulog sayo ang mahal mo tapos ngayon pinoproblema mo na kung pano ka magugustuhan nung bubwit na yun!?><

Di bale na nga!

Kakatok na sana ako sa pinto nang bigla naman itong bumukas at bumungad sa akin ang napakamaliwanag na anyo ng mahal ko!

KYAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!

Ang gwapo-gwapo talaga niya! shet! Hinding-hindi talaga ako magsasawang mamangha sa kagwapuhan niya.

Bagong ligo yata siya, eh kasi naman basa pa ang buhok niya.

“A-anong ginagawa mo dito?”gulat na tanong ng mahal ko.

Ayeeh! Ang cute talaga ng facial reaction niya. HAHAHA

“Ah-eh- sa-sabi kasi ni tita. Pu-puntahan daw kita.”nauutal kong sagot naman.

ano ba yan! Grabe talaga ang epekto niya sa akin. Nabubulol tuloy ako.

“Tch! Tara na sa study room!”sabi pa niya tsaka nauna nang maglakad papuntang study room. ako naman nakasunod lang din sa kanya.

Nang makarating na kami sa study room eh agad naman kaming nagsimula sa business namin.

-----------********-----------

“Eeeeeh! Tara na kasi! Pumayag ka nang manood tayo ng sine! Sayang naman tong ticket oh, kung di natin magagamit!”pilit na kinukumbinsi kong pumayag na sumama etong si Jin Ren ko.

pano ba naman kasi, ang arte-arte! Ayaw akong samahang manood ng sine. Tapos naman na sana yung review namin for the day! Tsaka ang ganda pa naman ng palabas, “SUDDENLY IT’S MAGIC”.

WAAAAAAAAAAH!!! Crush na crush ko pa naman tong si Mario Maurer! Kaya gustong-gusto ko talaga itong panoorin.

Pero wala pa ring tatalo sa nararamdaman ko para kay Jin Ren Lopez. Number 1 pa rin talaga siya sa puso ko! WAHAHAHA

“Ayoko nga sabi! Eh sino bang may sabing bumili ka ng dalawang ticket?”nagmamatigas na sabi niya.

“Di ko binili to! bigay to ni Heina. Belated birthday gift niya raw para sayo.”sagot ko pa.

“Eh sa akin naman pala yan eh, akin na. itatapon ko na lang para di ka masayangan kung di man natin magamit.”sagot pa niya saka inagaw ang mga ticket sa kamay ko.

Nakuu! Nagbibiro ba siya? Itatapon niya lang yung mga ticket na yun? eh mas sayang noh! Ang mahal-mahal pa naman nun.><

“Pssh! Kung itatapon mo lang naman din edi ibigay mo na lang sa akin!”sagot ko naman sa kanya saka binawi yung mga ticket at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya.

“At san ka pupunta?” pahabol na tanong niya.

“AALIS NA! MANONOOD PA KO NG SINE KASAMA SI FIZZ!”sigaw ko pa sa kanya.

Bago pa ko tuluyang makalabas ng bahay nila eh narinig ko pang sumigaw si Jin Ren ko ng,”Hoy, Engot!” pero di ko na siya nilingon at umalis na ako ng tuluyan.

ARRRRRRRRRGH!!! >___________________<

At heto nga ako ngayon! Mag-isang nakaupo dito sa loob ng sinehan. Kung nagtataka kayo bakit di ko kasama si Fizz, eh malamang di ko alam ang number niya eh pano ko naman siya makokontak! Tapos nalaman ko pa talagang hindi na pala siya nakatira dun sa bahay nina Jin Ren ko kundi dun na sa bago niyang condo, na ewan ko naman kung saan. Hayyyyy!!!!

15 minutes pa, bago magsisimula yung palabas, kaya naman lumabas na muna ako ng sinehan para bumili ng maiinom at popcorn.

“Isang bucket po ng popcorn!”sabi ko dun sa tindera. Nagbayad na ako tsaka kinuha yung popcorn.

Sa kabilang stall naman eh bumili ako ng large icecapade. Matapos kong bumili eh pumasok na ulit ako sa loob ng sinehan.

Pagdating ko sa upuan ko eh may naaninag akong isang tao na nakaupo dun sa kaninang bakanteng upuan sa tabi ng upuan ko. Di ko na lamang pinansin kung sino man iyon, dahil saktong pinatay na yung mga ilaw sa loob ng sinehan. Waring magsisimula na yata ang palabas. Tsaka ano ba namang pake ko kung may nakupo dun sa tabi ko? Eh di ko naman pagmamay-ari ang sinehan! HAHAHA

Nagsimula na nga ang palabas at wow!!! Ang ganda-ganda talaga ni Pimchanok Lerwisetpibol, yung bidang babae dun sa isang movie ni Mario Maurer na “Crazy Little Thing Called Love”. Pang model talaga ang kagandahan niya! grabe lang!

“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!”hiyaw nung mga kababaihan dito sa loob ng sinehan nang lumitaw na sa higanteng screen ang napakagwapong crush ko na si MARIO MAURER! Pati ako di ko na napigilang di tumili nang makita siya. Kaya ayun, parang baliw rin akong tumili.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"hiyaw ko pa.

Mukhang na-annoyed yata yung katabi ko dahil sa lakas ng pagkakatili ko, kaya naman yumuko ako sa kanya’t nagpasensya.

Halos lumaglag panga ko sa taong nakita ko.

What the---

JIN REN KO????

anong ginagawa niya dito?!

SHEEET!!! (o////////////O)

Nakakahiya! Nakakahiya yung gianwa ko kanina. Parang baliw ako sa pagtitili kanina tapos siya pala yung katabi ko?!

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!

“J-jin Ren ko?” gulat na tanong ko.

“Pssh! Baliw ka talaga!”yun lang ang sinabi niya tapos ibinalin na niya ang mga tingin niya dun sa movie. Ako naman eh di ko na matanggal ang mga tingin ko sa kanya.

Seryoso! Bakit siya andito? Akala ko ba ayaw niyang manood?!

“Pwede ba, andun yung palabas oh. Wag ako ang titigan mo!” parang naiilang niyang sabi sa akin. Pero matigas nga yata talaga ang ulo ko’t di ko siya pinakinggan. Napako na talaga ang mga tingin ko sa kanya.

AYEEEEEEEEEEEHH!!! Kinikilig na naman ako.

Ano ba yan! Pangarap ko rin to noh, ang makasama siyang manood ng sine. KYAAAAAAAAAAAAH!!! Another dream come true na naman to!

“Sa screen ka tumingin.”utos niya sa akin.

Di na naman ako nakinig sa kanya at nakatingin pa rin sa kanya.

“Dun sabi eh.”sabi niya sabay hinawakan ang mukha ko’t sapilitang iniharap ito sa screen. Pero makulit talaga ako kaya muli na naman akong humarap sa kanya. Tapos iniharap na naman niya ang mukha ko sa screen hanggang sa sumuko na ako at nanood na lamang ng palabas.

Minsan eh napapatingin ako sa kanya at ilang beses ko rin siyang nahuling nakatingin sa akin. Tapos agad naman siyang mag-iiwas ng tingin kapagka mahuli ko siya. HAHAHAHA

**REN’s POV**

“Ahmm chocolate, strawberry, vanilla, cookies and cream, at mango flavor po yung akin.”sabi ni engot dun sa waiter.

Andito kami ngayon sa isang ice cream parlor. Nagyaya kasing kumain ng ice cream tong si engot! Pero libre ko raw sabi niya! ang daya talaga, isip bata pa!

“Ang takaw mo! Ikaw magbayad niyang mga inorder mo!”sabi ko pa sa kanya. Nag-pout lang siya sabay sabing,”Eeeh, libre mo na kasi ako.”

HAHAHA, nakakatawa itsura niya. para talaga siyang bata.

Sa totoo lang, nang sinabi niya kaninang si Fizz ang kasama niyang manood ng sine eh parang ewan naman akong agad na sumunod sa kanya doon sa sinehan. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero parang ayaw na ayaw ko na lumabas siya kasama yung Fizz na yun. Naiirita ako at nabubweset kapagka napipicture-out ko silang dalawa na magkasama! >__________<

Ewan ko, di ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Selfish na kung selfish! Basta ang alam ko, gusto ko sa akin lang nakatuon ang atensyon niya dahil para siyang electric fan. Gusto ko sa akin lang siya laging nakatutok.

“Engot ka! ayoko nga!”sabi ko pa. pero syempre biro lang yun. Ni wala ngang kalahati yung gastos ko ngayon kung ililibre ko siya kung ikukumpara dun sa ginastos niya nung birthday ko eh.

“Greedy!”sabi pa niya sabay binelatan ako. HAHA, isip bata!

Ilang saglit pa eh dumating na rin ang mga order namin. At ayun, di na nga nakapaghintay si engot at agad na niyang sinimulan ang pagkain nung mga ice cream niya.

“Baka mabulunan ka.”pagpapaalala ko sa kanya. Di naman siya sumagot at patuloy lang sa pagkain. Nagsimula na rin akong kumain.

"Teka nga Jin Ren ko, bakit mo nga pala ako sinundan dun sa sinehan?" nagtataka niyang tanong habang puno pa ng ice cream yung bibig niya.

"Hindi kita sinundan, nagkataon lang talaga na parehong palabas ang napanood natin at parehong sinehan din ang napasukan natin." depensa ko pa. Pero ang totoo naman talaga eh alam kong dun sa sinehan na yun pumasok si engot!

Nagtaka pa nga ako nung una eh, dahil nakita ko siyang nakaupo dun sa 7th row ng sinehan ng mag-isa lamang! Akala ko ba kasama niyang manonood ng sine yung si Fizz?!

Pero mas mabuti na rin yung di niya kasama ang gagong yun! Tch!>____<

Kaya ayun, nung nakita ko siyang lumabas ng sinehan para bumili ata eh umpo na ako dun sa tabi ng upuan niya, buti na lamang talaga't bakante ito.

"Di nga?! Parang imposible naman talaga ata yun? Wag mong sabihing nagselos ka nng sinabi kong si Fizz na lamang yng yayayain kong manood nang sine kaya mo ko sinundan?!"pag-aassume pa niya.

Muntik naman akong mabulunan dun sa sinabi ni engot!

A-ano? ako? nagseselos? nagbibiro ba siya?!

Pero di nga? Oo, nainis ako kanina nang sabihin niyang si Fizz na lamang ang dadalhin niya para manood ng sine. Teka, selos ba ang tawag dun?

ARRRRRRGH!!!!!!!!

"Excuse me!"pagpapaalam ko pa kay engot! di ko kasi alam kung anong sasabihin sa kanya eh.

Umalis na ako dn sa table namin tsaka pumasok sa loob ng men's room.

Naghilamos ako ng mukha tsaka sinampala-sampal pa ito.

"ARGHHH!!! What's wrong with yo Ren?" tanong ko pa sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Huminga ako ng malalim tsaka lumabas na ng CR.

Sa di kalayuan eh nadatnan ko si Yuri na masayang nakikipag-usap dun sa isang lalake na ewan kung sino. At nakaupo pa talaga siya dun sa upuan ko huh!?

Nakita kong panay ang pagtawa ni engot habang kinakausap ang lalakeng iyon!

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at agad akong lumapit sa kanila. Without any word eh kumuha ako ng isang buong libong piso sa wallet ko tsaka nilapag sa mesa at agad na hinila si engot palabas ng ice cream parlor.

Narinig ko pa si engot na nagsabi ng,"Teka yng ice cream ko! Sayang, di ko pa natapos kainin!" pero di ako nakinig sa kanya at marahas siyang hinila at dinala papasok sa kotse ko.

Binabawi ko na ang sinabi ko.

Siguro nga di lang ako kay Fizz naiinis tuwing nakikita kong magkasama sila ni engot. Pati na rin sa iba pang mga lalake. Ayokong may ibang lalakeng lumalapit sa kanya.

Siguro nga nagseselos ako, kaya ako nagiging selfish! kaya ko ginagawa ang mga wirdong bagay gaya neto!

dahil siguro nga....

siguro nga GUSTO ko na si YURI HAN.

-----------

fizz_chae07

Continue Reading

You'll Also Like

8.1K 108 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
1.5M 47.1K 72
"Yasmine Zehra Marquez" She's lovely and sweet She's intelligent and very passionate She's beyond beautiful She's rich and elegant She's my neighbo...
1M 81.6K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
1.3M 58.4K 56
Autumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beaut...