Strangers Got Married

By _marialyn

72 0 0

There was a woman who's run away always from her father. Month by month, she lives and travels to different c... More

Author's Note
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Chapter 1

14 0 0
By _marialyn


Chapter 1

Run away again

15 years had passed..

Sinamaan ko ng tingin ang mga lalaking inutusan ni Dad para kunin na naman ako. Takteng buhay 'to! You always pissed me off, Dad.

Nasa gilid kami ng kalsada at pinagtitinginan ng mga taong dumadaan sa gilid namin. Paano ako natunton? Medyo malayo na nga ako eh.

Patalikod akong naglakad at dahan-dahang hinakbang ang mga paa habang inililibot ang paningin, bakit ba wala pang dumadaan na taxi dito?

"I'm tired, leave me alone." Madiin kong saad sa kanila. Pawang ang iba sa kanila ay lumilingon sa paligid habang nakapamulsa, ang iba ay nakatingin sakin.

"Miss, come on. You don't have to run if you'll come with us. Don't worry, we'll not hurt you." Saad ng lalaking nangunguna sa pagkuha sakin. Seryoso ba 'to sa sinabi niya?

Napahinga ako ng malalim nang walang epekto ang sinabi ko sa kanila.

Napairap ako at tumigil sa paglalakad. I want to be alone..

"Gosh, are you kidding me? Ofcourse i know that but i won't come with you."

Sabay takbo papalapit sa taxi na namataan ko kanina lang at sumakay. Sigurado naman akong ganito pa din ang mangyayari, paulit-ulit.

"Let's go."

Tinignan kong muli ang mga lalaking yon at napakunot ang noo nang tinignan lang nila ang sasakyang sinasakyan kong papaalis na. Hindi ba nila ako susundan?



"Keep the change."

Bumaba na 'ko at hindi na nilingon ang taxi na papaalis. Hindi man lang ako sinundan ng mga lalaking 'yon, kung hindi naman pala nila ako susundan eh di sana hindi nalang ako nag-taxi at naglakad na lang.

In-inform nila sana ako, di ba?

Nilibot ko ang paningin ko kung nasaan ako. Ang konti na ng tao dito sa Park kapag gabi, bilang na lang yata ang mga taong nandito. Wala na yata sa bente.

Napaisip ako kung ilang bansa na ba ang napuntahan ko para lang makapagtago kay Dad at ngayon lang ako namataan.. hindi ko na mabilang.

Huminga ako ng malalim habang dinadama ang medyo malakas na hangin. Bakit ba ayaw mo pa 'kong hayaan, Dad? I'm not a kid anymore, i already know what i have to do.

Umupo na muna ako sa bench na namataan ko nang sumakit ang ulo ko. Hay.. nakakapagod.

"Saan ako tutuloy?" Bulong ko.

Tinapik-tapik ko ng mahina ang inuupuan kong bench habang lumilingon baka sakaling may makitang kakilala.

Ngayon na lang ulit ako bumalik dito sa U.S magmula nang umalis ako 2 years ago sa bahay namin. Medyo malayo-layo yata ang bahay namin mula dito sa park na pinuntahan ko kaya ayos lang at malayo-layo din ang lokasyon ko kanina mula sa bahay pero natunton pa din ako. Oo nga naman, sa ibang bansa nakakapagpadala nga siya ng mga tauhan niya, dito pa kaya sa malapit na lugar lang mula sa bahay namin?

"Shit.." Meron nga akong nakilala.. mga lalaki pero alam kong inutusan ni Dad 'to. Hindi nga ako hinabol kanina ng mga lalaking 'yon pero ngayon may nakakita na naman sakin. Ano 'yon? Medyo kakaunti sila.

Tumayo ako at pinatunog ang mga daliri ko. Habol ng habol.

"Oh, come on. You shits!" Sinamaan ko ito ng tingin pero hindi sila nagpatinag.

If my Dad knows someone and he's/she's with me no matter what happen, and if he/she let me to do what i want.. maybe i can talk to my Dad and make a deal.

Mahina kong kinagat ang dila ko.

Come near me and i will give you a black eye.

"Come with us or we'll drag you by ourself?" Hay.. Sino tinakot mo? Mga halamang nasa tabi ko?

Alam kong nagtatrabaho 'to kay Dad para buhayin ang sarili o baka may pamilya na silang dapat buhayin.

At ang trabaho nila ang hanapin at dalhin ako patungo sa bahay namin. May pwersa man o wala. Masyadong ingat na ingat si Dad sakin at nagpapasalamat naman ako don.

"Tsk. Oh, you are able to argue on me, boy?"

Napangisi ako nang sumama ang tingin niya sakin. Well..

"Drag this young girl. Now." What the---

Pumeywang ako at pinilig ang ulo. Inilahad ang kamay tapat sa dibdib ko at ginalaw ang hintuturo, "What are you waiting for?"

Aamba sanang lalapit ang mga 'to nang huminto sila at nakatingin sa likuran ko.

Ano? Lilinlangin nila 'ko? Bakit ako magpapauto at lilingon? Ano ako, tao?

"This is easy." Lumiit ang mata ko nang sabihin nang isa sa kanila 'yon at may lumapit na sakin na isang lalaki.

Mahinahon akong nakatayo dito habang hinihintay siyang makalapit. Nang isang hakbang na lang ay mahahawakan niya na ako, siniko ko ang mukha nitong may ngisi pa at malapit sakin. Napalakas yata pero hinawakan ko pa din ang kamay niya na nakalahad pa din sakin, nang matyempuhang nakatayo na ito nang maayos habang hawak ko ang kamay niya ay ang kanang kamay ko ang pinangsuntok ko sa mukha niya.

"Damn!"

Malakas ko itong tinulak at hinila ang buhok ng dalawang lalaking lumapit din sakin. At dahil may kamay naman sila, hinawakan ng isa ang pulsuhan ko, ang isang naman ay ang bewang ko.

Mabilis kong binitawan ang buhok nila at umikot, nang makawala sa pagkakahawak ng dalawa ay sinipa ko ang isa sa tagiliran.

"Shit!"

Siniko ang tyan ng isa pa at dalawang beses itong sinuntok.

Pinagbibigyan lang yata ako nitong mga 'to dahil babae ako eh.

Mabilis kong hinawakan ang damit ng lalaking sinipa ko at sinampal ito.

Hahakbang pa sana ako patagilid nang bahagyang tumabingi ang ulo ko ng dalawang beses, pakanan at pakaliwa.

"What are you doing?!"

Awang ang labing napatingin ako sa lalaking nanampal sakin ng dalawang beses. Nanlaki ang mata niya nang ngumisi ako.

"Ain't cool." Ilang beses ko itong siniko sa panga at sinipa ang iniingatan niya.

"Shit!"

"Watch your moves, young girl.."

Bumuga ako ng hangin at hinawakan ang pisngi ko. Napapikit sa sakit at lumingon sa nagsalita habang ang ibang lalaki ay tumatayo mula sa pagkakabagsak.

"They are newbies."

Nagkibit-balikat ako, "Then?"

"Get her."

Isa, dalawa, tatlo, apat.. na lalaki ang papalapit sakin.

Palihim akong napalunok nang makita ang braso at katawan ng isa sa kanila.

"She's just a girl.."

Napalingon ako sa nagsalita. 'Yong lalaking tinuhod ko ang kinaiingatan ay nasa harapan ko pala, nakatukod ang isang tuhod sa lupa.

"You are wrong.. I'm not just a girl, boy."

Mabilis kong inapakan ang likuran ng nakaluhod ang isang tuhod at sinipa ang isang lalaki sa mukha na papalapit sakin.

Nang makaapak sa lupa ay mabilis kong hinila ang manggas ng lalaking sinipa ko. Sinuntok at tinulak sa isang lalaking napahinto.

"Aray!"

Muntikan na akong masubsob sa lupa nang may tumulak sakin. Yung lalaking tinignan ko ang braso kanina, may ngisi na ngayon sa labi niya.

Mabilis akong tumayo at pinanghapit ang paa sa isang lalaki sa paa niya upang bumagsak ito. Tumakbo sa lalaking malaki ang braso, sinalag ang mabibigat niyang dalawang kamay.

"Brad!"

Brad pala ah.

Nang hindi ko naiwasan ang isang kamay niya at halos bumagsak ako sa sahig. Nalasahan ko na ang dugo sa gilid ng labi ko, hula ko ay namumula na din ang pisngi ko.

Nahagip ng mata ko ang suot na sinturon ng isa sa kanila na tinutulungang makatayo ang ibang kasamahan niya. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya at hinila ang sinturon niyang nakalambitin pa, hindi ko pinansin ang pagdaing at pag-ikot niya at basta na lang na pinilipit ko ang isang braso niya hanggang sa sumigaw siya sa sakit at mapaupo.

"Hoy, Brad!" Sigaw ko. Nanliliit ang mata sa inis nang maalala ang ginawa niya sakin.

Tatlo na ang nakatayo sa kaninang nakahandusay sa sahig na newbies, halos nakaharang sila sa dinadaanan ko papunta sa Brad na 'yon.

"Can you stop?" Saad ng isa na sumusuray pang napahawak sa katabi niya.

Umiling ako at mabilis na tinakbo ang pagitan namin, hinawakan ang batok at tinuhod ang mukha sabay buhat sa kanya at hinagis sa isang lalaking nakahiga pa sa lupa.

Lumapit pa ako sa dalawa at isa-isang sinalag ang mga paparating na suntok. 'Yong iba ay tumatama sa braso at tyan ko na palihim ko namang ininda.

Gamit ang sinturon na pinaikot-ikot ko sa kamao ko ay mahina akong tumalon at sinuntok ang isa. Hindi pa siya nagpaawat dahil hinawakan niya ang dulo ng damit ko, mabilis ko siyang hinila patayo nang malapit na kami bumagsak.

Dalawang kamay ang gamit na binagsak ko ang katawan niya sa lalaking nakatayo. Pinag-untog ang dalawa ng ilang beses hanggang sa magsawa ako.

Hinihingal na lumingon ako kay Brad. Nasa isang tabi lang ngayon ang isa na nakausap ko kanina, pinapanood kami.

Nakatalikod si Brad kaya malaya kong tinakbo ang pagitan namin habang mabilis na tinatanggal ang sinturong nakapalibot sa kamao ko.

"Yah!"

Ginamit ko iyong pangsakal sa leeg niya pero nasiko niya ako. Habang hinahabol pa niya ang hininga niya ay mabilis akong tumayo, pilit kinukuha ang dalawang kamay niya na itatali ko sa likod niya.

"Gagawin kitang lechon!"

"Go away!"

Dahil sa inis na nararamdaman ay hinead bang ko ito ng ilang beses.

"Ang tigas ng ulo mo!"

Nang tuluyang matali ay doon naman ako sinuntok ng isa sa mga nakatayo na.

Dahan-dahan akong tumayo at natawa sa nakita.

"Hindi niyo matatanggal 'yan, mga pare." Saad ko gamit ang tagalog.

Pilit nilang tinatanggal ang sinturon na nakatali kay Brad.

"Do you know the word lechon?"

"You!"

"Stop saying those words that we don't understand!"

Umakto akong parang nalulungkot sa harapan nila.

"Alam mo 'yong Lechon? Ayan, 'yung nangyari sa inyo ngayon.. tinuruan ko kayo ng Lechon."

Napahalakhak ako sa nakitang emosyon sa mukha nila. Hindi maipaliwanag.

"Pero kung gusto niyo.. turuan ko din kayo kung paano magluto ng Lechon."

Umiling-iling ako at tumigil na sa pagtawa. Inayos ang damit ko at tinitignan silang nakatayo na lang walang ginagawa.

"Hay.. makauwi na nga."

Lilingon na sana ako sa likuran ko dahil na din may tinitignan sila nang biglang may nagtakip sakin sa ilong ng isang panyo. Shit! Nagpupumiglas ako nang nagpumiglas pero hindi ko na kinaya, unti-unting nanghina na ang katawan ko.

"S-Shit.." bulong ko pa bago dumilim ang paligid ko.



Aray. Ang sakit ng kawatan ko.

Kanina pa ako gising pero hindi ko pa dinidilat ang mga mata ko. Gosh! Puwersahan talaga ang pagpunta sakin dito?! Letse!

"Yulimiara Marelaño!"

Ayoko. Ayokong dumilat kung puro sagutan ang mangyayari, Dad. Nasa bahay na pala ako, anong oras na kaya? At grabe, bakit sa sahig ako nakahiga? May upuan namin kami okaya sa couch pero bakit dito? Sakit sa likod. Ang arte ko pa naman.

"I told you to not disobey me and what did you do in 2 years?!"

Napapikit ako ng mariin nang sumigaw ulit siya. Gusto ko na lang matulog, pagod ako.

"Yulimiara, don't pretend that you're still asleep!"

Pretend.. i can pretend that i'm still sleeping but i don't do pretend that i'm happy when in fact.. my love ones make me unhappy.

"Really, Dad? When i was a kid, you told me if i already in 20s you wouldn't control me anymore! What did you do in 2 years also, Dad?"

Sumagot ako.. na naman. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko habang siya ay nakatayo sa harapan ko. Umayos ako ng upo at nilibot ang paningin sa tahanan na'to, walang pinagbago ganon pa rin katulad ng dati kung paano ito nakaayos. Pero yung sigla ng bahay na'to nawala nang umalis ako, nung nagkasagutan kami ni Dad at nung wala na akong naririnig mula kay Dad sa tungkol kina Mom at Kuya.

"I can't leave you in this house, Dad, but.. i already did."

Ginalaw-galaw ko ang mga paa ko nang maramdaman kong namamanhid 'to. Kumunot ang noo ko sa nangyari dito, anong nangyari? Binalibag yata ako nung mga lalaking yun eh. Nakita naman siguro nila ang katawan ko, di ba?

"Sometimes, you control me. Do i need to please you to stop?"

Do we need someone who can stop you?

Inabot ko ang paa ko at minasa-masahe ito. Naka-jeans ako kaya parang hindi masyadong namamasahe ang paa ko at namamanhid pa din, ang dalawang pares ng flat shoes ko at hoodie kong suot kanina ay nasa couch, at ang damit ko namang suot ngayon ay gusot na.

"I promise to your mom but i'm not controlling you, Yulimiara." aniya.

Si mom na naman?

"I promise." Aniya.

"Nakakainis. Hindi mo ho ako kinokontrol? Pangako kay Mom? Really?" Sarcastic ang huling salitang binitawan ko.

"Yulimiara.." Mapupungay ang mga matang iginawad niya sakin. "Please, understand me."

Yeah, yeah whatever you say.

Nang hindi ako sumagot ay tumahimik ang pagitan namin ng saglitan. Ayoko ng sagutan, seryoso.

"If you want to eat, then eat. May sugat ka pa sa mukha, Manang?" Tawag niya kay Manang.

"Yes?"

"Paki-asikaso si Yuli, matutulog na 'ko." May accent pa rin pala talaga ang pagtatagalog niya habang nagsasalita.

Napatingin sakin si Manang at tinuro ang kitchen, "May nakahandang pagkain na nasa ref." Hindi namin iisiping kasambahay lang si Manang dahil pamilya na rin namin yan, ang pagsasalita niya samin? Ayos lang.

Tumayo ako at medyo iika-ikang naglakad patungo sa kitchen.

Tinignan ko lang ang pagkaing nandito sa loob ng ref at kumuha lang ng isang basong gatas. Masyadong malalim na ang gabi kaya magga-gatas nalang ako, nawalan ako ng ganang kumain ngayong gabi. Ang sakit ng panga ko.

Umakyat kaagad ako sa ikalawang palapag ng bahay namin nang makalabas sa kitchen habang nararamdaman ang titig nila Manang at Dad sa likod ko. Hindi pa pala umaakyat si Dad. Hindi ako lumingon o kumaway, dere-deretsong umakyat at nagtungo sa kwarto ko habang iniinom ang isang basong gatas.

Hindi ko na kinuha ang gamit ko sa baba dahil na din sa antok. Pagsalubong ng lamig ng kwarto ko ang bumungad sakin, nakakamiss.

Inilapag ko ang basong walang laman na sa table malapit sa kama ko at humiga.

"Nasa bahay na ako.. ulit." Tinapunan ko ang buong katawan ko ng kumot at pumikit.

I'm tired, i need to rest even a little bit.



2 days later..

Nasa kwarto lang ako buong araw at lumalabas lang kung kakain na. Ayos naman na ang mukha ko, may kaunting cut nga lang ako sa gilid ng labi.

Gagamitin ang phone, kakain, at matutulog. Gagamitin ang phone, kakain, at matutulog. Gagamitin ang phone, kakain, at matutulog. Paulit-ulit ang ginagawa ko.

Pero ngayong oras na'to ay wala akong ibang ginagawa kundi ang tumitig sa ceiling ngayon. Takte, wala akong maisip at tinatamad lang ako sa araw na 'to.

Puro buntong-hininga ang ginagawa ko habang nakahiga sa kama.

Tumayo nalang muna ako at kinuha ang nag-iisang libro dito sa loob ng kwarto ko. May munting library ako na nandito sa ikalawang palapag pero mula dito sa pintuan ng kwarto ko ay may madadaanan munang tatlong pintuan bago ang library ko.

Ang unang madadaanang kwarto ay abandonado, pinupuntahan ko yon minsan at doon natutulog. Ang pangalawa ay play room, medyo may mga gamit ng pambata. Ang pangatlo ay ang kwarto nina Dad. At ang sunod non ay ang library ko na, modern style ang loob non.

Itong nag-iisang libro ko dito ay puro nag-iimbestigahan ang ginagawa. Last year pa yata 'to niregalo sakin ng isang high school best friend ko, walang okasyon at basta nalang akong binilhan nito. Nasa pilipinas yata siya ngayon.

Maya-maya pa nang tapos na ako sa isang chapter nang mapahinto ako, nawawala ako sa mood.

Humiga nalang ulit ako at ibinagsak ang libro sa mukha ko, next time na lang ako magbabasa.

"Ano na?" Pagkakausap ko sa sarili ko.

Kinagat-kagat ko ang labi ko at kaagad na napaupo nang may naalala. Tatawagan ko pa pala ang mga barkada ko. Kinuha ko ang phone kong nahulog kanina at tatawagan sana sila nang biglang nang mag tumawag.

Kalahatilala. Group name namin. Hindi ko alam kung sino ang gumawa.

Kalahati (Kalahatilala) ng aming mga dugo na nananalatay samin ay dugong filipino/filipina. Isa akong Fil-Am ayon kay Daddy. Si mommy ang Pilipina at ang Daddy ay isang Amerikano.

Ang lala naman (Kalahatilala) ay ewan ko. Lala? Siguro yung sa teletubbies, babae yun eh dahil kami naman kasi ay purong babae.

Ewan ko ba kung anong trip nila o mas magandang sabihin ay namin kung bakit namin ginawang ringtone yan. May pa ungol pa namin yan sa huli.

(Limia-Lima, what's up?) Yow.

(Hi five!) Apir!

(Kamusta ka, Limama?)" Okay lang anak.

(Nakahanap kana ng lalaki, Limia?) Hindi ako nakahanap at mas lalong hindi ako naghahanap. Sakin may naghahanap at nahanap na pero yun nga lang, si Daddy yun.

Bigla akong napa-poker face sa sinasabi nila at sa mga sinasagot ko sa isip ko. Seryoso?

(Hey?) Kagigising lang yata ang nag-iisang Sleella Heaxita sa husky ng boses nito.

Vinedeo call ito para naman makita ang mga mukha nila at ganon nalang ang pagkagulat ko nang makita si Ella na hubad.

"Anong?!" Napasigaw ako dahil don. Gagang 'to, may patakip pa eh---

"Shh.. mag-aalas-syete palang dito, girl." Aniya.

"E bakit ka nakahubad?"

"Ayoko mag-damit pag natutulog eh." As always.

Ilang minuto pa kaming naguusap-usap nang mapunta sa akin ang usapan.

"Nakauwi ka na sa bahay niyo?" Si Lliza.

Humiga ako kaso nahulog ang phone ko sa mukha ko. "Aray! Bakit sa labi pa? Sakit."

"Dahan-dahan lang kasi, Five. Para kang tangang tumalbog bigla. Sobrang lambot ng kama mo ha. Akin nalang kaya yan." Aniya. Nag-iisa na nga lang eh.

"Bili ka nalang iyo, Bee. Pero tangek, dapat sa iba nalang tumama ang labi mo." Si Nazrixa.

"Ano, sa lalaki na naman?" Saad ko.

"Oops, wala akong sinasabi ah pero sige sa lalaki nga." Hala sige, suportahan nalang kita dyan.

Napairap ako bago sumagot, "Oo, nandito na ako sa bahay." Tumagilid ako kaharap ang picture frame namin--- family picture.

"Anong sabi sayo ng Daddy mo?" Kumamot ako sa batok ko sa kati ng kung anong meron don.

"Wala naman. Ako lang yata ang nagsalita nung araw na yon."

Ilang segundo pa silang tumahimik nang magtanong si Crai.

"Aalis ka pa ba?"

Nang hindi ako sumagot ay alam na nila kung anong nasa isip ko. Aalis lang naman ako dahil ayokong makontrol, masama ba 'yon? Napaka-selfish ba non?

"Paano na si tito?" Seriana.

Hindi ako nakaimik sa tanong niya. Hindi ko alam, mag-isa nalang siya pero kasi kinokontrol niya pa ako. Ayoko nun atsaka hindi ako nagpapakontrol.

Napabuntong-hininga sila kaya't hindi ko na sila matignan.

"Kung tatakbo ka ulit, saan ka pupunta? Saan ka titira?" Dere-deretsong tanong ng isa sakanila.

"Sa isang bansa na hindi naman nalalayo dito."

Tumango-tango sila at napagpasyahan nang putulin na ang pag-uusap namin.

"See you when i see you!"

Tumihaya ako at ipinikit ang mga mata kasabay ng pag-unat ko. Andyan naman ang mga mahal ko na susuporta sakin, ayos na yun. Tatag ko nalang talaga.

Dalawang araw pa lang ang nakalipas magmula nang inuwi ulit ako ng mga lalaking inutusan ni Dad dito sa bahay nang gagawin ko na ulit ang umulit na namang balak ko.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko kasabay ng pagbukas ng mga mata ko.

"Kumain kana." Si manang--- ang mayordoma dito sa bahay. Wala ang iba pang kasambahay dito dahil day off at umuwi sakani-kanilang condo na binili ni Dad para sakanila kaya si manang lang ang nandito.

Tumayo ako at sabay kaming bumaba na nagtungo sa kitchen para makakain ng dinner. Mga yapak lang namin ang maririnig dito sa bahay naming ang tahimik.

"Bukas ng kinabukasan pa daw uuwi ang Daddy mo galing ng pilipinas." Ang iba sa mga kasambahay dito ay alam ang tagalog.

Napaangat ang tingin ko mula sa pagkakaupo at kumunot ang noo. Wala si Dad ngayon? Halata naman, wala akong kasabay kumain eh.

"Ah.. kumain na ho ba kayo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Busog pa 'ko, tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka." Aniya.

Itinuon ko nalang ang paningin ko sa pagkaing nasa harapan ko kaysa magsalita. Baka naman 'di na umuwi si Dad dahil diyan sa business niyang yan ha.

Minsan iniisip ko, mas mabuti pang pagtuunan ng pansin ni Dad yung business niya kaysa sakin. Why? Para naman hindi ako yung kinokontrol niya pero ayoko rin naman mangyari yun, aish ewan ang gulo.

"'Nay?"

Paalis na sana siya nang tawagin ko. Nakapag-isip na 'ko..

"Aalis po ako."

Umupo siya sa upuang nasa harapan ko habang nakakunot ang noo.

"Saan ka pupunta? Mag-aalas-syete na ng gabi at aalis ka pa rin? Tignan mo lang at baka mapuruhan ka ulit." Aniya.

Umiling-iling ako sa sinabi niyang hindi tugma sa pinapaintindi ko.

"Ayos lang po. Pero ang ibig ko pong sabihin ay tatakbo ako.." Saad ko na ikinatingin niya sakin ng matagal.

"Ano? Na naman? Dito ka nalang, Yuli." Gusto ko naman dito, kontrol ang ayaw ko.

"Nakapagdesisyon na po ako.."

Ilang subo pa ang ginawa ko nang umalis si manang na walang pasabi.

Mapait akong ngumiti at nang matapos akong kumain ay nagpunta ako sa sala. Hinawakan ang picture frame ni lolo habang hawak ang isang basong tubig.

"Lo, aalis ulit ako na hindi nagpapaalam kay Daddy. I miss the old times." Pagkakausap ko sa litrato.

Kaya ko naman ang sarili ko kaya kahit tatakbo ulit ako ay gusto kong maging ligtas ang Dad.

Pagkalagay ko sa kusina ng baso ko ay dumeretso kaagad ako sa kwarto ko at kumuha ng ilan kong mga damit at inilagay sa isang leather bag pack.

"Yuli?"

Napapitlag ako sa gulat nang may kumatok at tumawag sakin. Hinintay kong magsalita pa ito at nang masiguradong si manang ang nasa labas kaya't pinagbuksan ko ito.

Malulungkot na mga mata ang bumungad sakin pagkabukas ko na pagbukas ng pintuan.

"Sigurado kana ba dyan?"aniya.

Sinarado ko muna ang pintuan bago ko siya sagutin.

"Opo, 'nay." Saad ko.

"Hindi mo sasabihin sa Daddy mo? Tiyak na mag-aalala na naman yun sayo."

Umiling-iling ako at umupo sa kama. Ayoko. Para saan pa ang pagtakbo ko kung sasabihin ko sa kanya, hindi ba?

"Yuli.."

Hinawakan niya ang mga pisngi ko at niyakap ako. Dati akala ko hindi ko sila maiiwan pero akala ko lang pala yun at magagawa ko na naman ulit yun sa ngayon.

"Tumawag kang bata ka ha." Aniya.

Tumango-tango ako, "Susubukan ko po."

"Ngayon na ba ang alis mo? Gusto mo bang gamutin ko muna ang sugat mo?"

Lumingon ako sa wall clock na nakakabit dito sa kwarto ko.

07:39 pm

Dali-dali kong kinuha ang back pack ko at isinabit sa likuran ko, "Hindi na po, ngayon na kasi 'yong flight ko. Baka ma-late ako o baka hindi ko na maabutan."

"Ingat ka 'nak ha." Aniya.

Tumango ako at ngumiti. Lumabas kami ng kwarto at todo payo siya sakin kung ano ang mga dapat gawin ngayong mag-iisa na naman ako.

Nang makarating sa labas ng bahay kaharap na may nag-aantay na isang taxi ay huminto ako para harapin si manang.

"Una na po ako." Pagpapaalam ko.

"Pahatid nalang kaya kita. May mga driver naman kayo, di ba? Bakit ka pa sasakay sa taxi?" Aniya.

"Nako, hindi na lo. May taxi na po oh... Alis na 'ko. Mag-iingat po kayo dito."

Kumaway ako sakanya at sumakay sa taxi. Naguguluhan ako kung bakit ako hinahayaan ni manang at hindi ko rin alam kung sasabihin niya ba kay Dad ngayon din na tumakbo ulit ako.

Hindi naman siguro. Ayaw naman kasi ni Nanay ng gulo at alam kong ayaw niya rin itong pag-alis ko ulit pero wala eh.. nangyayari na eh.

I will run away again from my Dad and no one can stop me to do this.


Continue Reading

You'll Also Like

384K 28.6K 15
MY Creditor Side Story ပါ။ Parallel Universe သဘောမျိုးပြန်ပြီး Creation လုပ်ထားတာမို့ main story နဲ့ မသက်ဆိုင်ပဲ အရင် character ကို ရသအသစ် တစ်မျိုးနဲ...
794K 23.4K 63
"Real lifeမှာ စကေးကြမ်းလွန်းတဲ့ စနိုက်ကြော်ဆိုတာမရှိဘူး ပျော်ဝင်သွားတဲ့ယောကျာ်းဆိုတာပဲရှိတယ်" "ခေါင်းလေးပဲညိတ်ပေး Bae မင်းငြီးငွေ့ရလောက်အောင်အထိ ငါချ...
170K 3.8K 25
"I only fuck girls who want to be fucked, flipped over and banged, Sunshine and..." "And that's what I want, daddy. Exactly what I want from you." * ...
4.1M 260K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...