Lilith

By Jewelplayer

799 113 617

Ano ang kaya mong gawin para maitago ang sikretong iyong pinangangalagaan? Hanggang saan aabot ang galit na m... More

Author's Page
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32

Chapter 5

45 6 39
By Jewelplayer

Chapter 5: Nostalgia

Krisnel's Point of View

"You really like mythologies, don't you?"

Napalingon siya sa akin at muntik nang maihulog ang hawak niyang notebook, hindi ata inaasahan na nasa tabi na niya ako. 'To talagang nerd na 'to, bigyan mo lang ng babasahin magiging unaware na sa paligid.

"Ang interesting lang kasi! Ooh, look at this!"

"Is that an ox...? Wait, what mythologies are you reading?"

"Jewish." Itinuro niya ang printed picture sa page na iyon. "This monster is called Behemoth. Hindi ako makahanap ng mas malinaw na picture kaya ang panget nito. Kainis." Napakamot siya sa likod ng ulo.

Sariling gawa niya ito. Nag-compile siya ng mga nalalaman at na-search niya sa internet na myths. Interesado talaga siya sa mga 'to eh. May nagawa na siya noon, Greek, Norse at Japanese mythologies. Ang daming nakalagay.

Binuklat niya ang isa pang pahina. The first thing I saw was an enormous creature. I cannot determine what exactly it is. All I can say is that it looks scary.

"Leviathan." Basa ko sa pangalan na nakalagay doon.

"Yup! My favorite!" Nakita ko kung paano lumiwanag ang kanyang mga mata habang sinasabi ito. "It's a creature in the form of a sea serpent. According to what I found, it represents the source of evil and a direct challenge to the authority of God." Dagdag niya, accurately reciting what's on her notes. Excitement. Bakas na bakas ito sa boses niya.

"Bakit paborito mo? It's evil."

"Sa tingin ko naman ay ayos lang. Kris, my name is literally the name of a demon." Natawa siya. "Pangangatawanan ko na."

"Hindi ka naman demonyo, 'no. Tingin ko nga lalagpas ka na sa langit sa kabaitan mo eh." Natatawa kong sabi sa kanya na puno ng sinseridad.

Umikot muli ang mga mata niya pero hindi niya maitatago sa akin ang ngiti na sumisibol sa kanyang labi.

"Alam mo... A Leviathan once said... Kahit anong mangyari, gaano man ito kasama, tawagin ko lang ang pangalan niya at darating siya para tulungan ako... Tayo..."

"Huh?" Wala namang nakalagay dito ah?

"Adik ka talaga, Krisnel. Ibang Leviathan kasi." Tumawa siya. Kitang kita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. Napangiti ako ng tipid.

Kung sino man 'tong sinasabi niya... That person surely is lucky to have someone like my best friend admiring him.

"So, alam mo na ha? Kapag kailangan mo ng tulong, isigaw mo lang ang pangalan niya... Kasi ako, hindi sure na matutulungan ka dahil nga... Alam mo na... Pero siya? Sure na sure!"

Nagising ako nang humahangos. Nilibot ko ang paningin ko at napansin na nasa ibang lugar na ako.

Anong nangyari?

"Oh, gising ka na pala." Nilingon ko ang babae na naka-upo sa may table. Nakatingin siya sa akin.

Napagtanto ko kung nasaan ako. Nasa clinic! Agad na dumapo ang mga mata ko sa relo na nakasabit sa dingding. 9:00 AM na!

Teka, sino palang nagdala sa 'kin dito? Kilala ko ang mga kaklase ko, hinding-hindi sila magtatangka na hawakan ako. Teka, hindi kaya siya...?

Para bang nabasa nung nurse ang nasa isip ko. "Dinala ka kanila nung mga kaibigan mo. Raven at Ayie ba 'yun?"

Bumuka ako bibig ko at nagpakawala ng buntong-hininga. Sabi ko nga, hindi na dapat ako umasa.

"Nag-aalala sila eh..." Napalingon muli ako sa nurse nang magsalita siya. "Bigla ka nalang daw bumulagta."

Wala sa sarili akong napangiti nang marinig iyon. Nakakatuwang marinig na may nag-aalala pa pala sa akin bukod sa sarili ko.

Umalis ako sa pagkakahiga kahit na nahihilo pa ako ng kaunti. Napahawak pa ako sa ulo ko nang marating ang table ng nurse.

"Eto ang excuse letter mo..."

"Salamat po," tiningnan ko ang kanyang I.D. na nakasabit sa kanyang leeg. "Ate Tara."

"Sige, 'wag ka nang babalik dito, ah? Mukhang mabait ka pa namang bata."

Nginitian ko na lang siya kahit pilit.

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

Kumatok muna ako sa pintuan bago pumasok. Nakatingin ang karamihan sa akin, dahilan kung bakit ako biglang nailang.

"Uhm... Sir, sorry I'm late." Nahihiya kong sabi sa teacher na nagtuturo sa unahan. Nakayuko akong naglakad papunta sa harap para maibigay sa kaniya ang excuse letter ko.

"It's okay, naipaliwanag na sa 'kin ni Mr. Valenciano ang nangyari. Hindi naman siguro napasama ang bagsak mo?"

"Hindi naman po, sir."

Dumapo ang mga mata ko kay Marcel na seryosong nagsusulat sa kanyang notebook, hindi man lang niya ako pinansin.

"Thank you po, sir." Sabi ko nang kinuha niya ang excuse letter ko at bumalik sa likod para maupo na.

"Ayos ka na ba?" Bungad sa akin ni Raven. Nakakunot ang noo niya na para bang nagtataka kung bakit umalis na kaagad ako sa clinic.

"Oo naman." Sagot ko sa kaniya. "Salamat pala sa paghatid."

"Naman!"

Ngumiti ako sa kaniya nang tipid bago kuhain ang notebook at ballpen ko para makapagsimula na sa isinusulat niya sa board.

"Crap." Bulong ko sa sarili ko nang maihulog ko sa sahig ang ballpen ko. Gumulong ito palayo sa akin.

Yuyuko na sana ako para kuhain ito pero naunahan ako ni Ayie. Binigay niya ito sa akin nang may ngiti sa labi.

"Here."

"Thanks."

Muntik na akong mapamura sa inis nang walang lumabas na tinta sa ballpen ko. Bakit nga ba itong brand na 'to ang binili ko? Nakakainis! Wala pa naman din akong extra.

"Eto oh, blue nga lang."

Napakurap pa ako nang iabot sa akin ni Ayie ang isang blue na gel pen. Nagdalawang-isip pa muna ako bago ito tanggapin sa kaniya dahil nahuhuli na talaga ako sa sulatin.

Ang wirdo sa pakiramdam. Hindi ako sanay nang may ibang tao ang pumapansin at nagmamalasakit sa akin...

Pagkatapos ng klase at tumunog ang school bell, hudyat na break time na ng lahat.

Isusuot ko na sana ang headphones ko nang bigla akong hatakin ni Ayie patayo.

"Tara! Recess na tayo, Kris!" Hindi ko inakala na maririnig ko ulit 'yung mga katagang 'yun. Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa gulat.

"Anong tinda nila dito?" Napalingon kaming dalawa ni Ayie kay Raven. "Suggestion?"

"A-Ah, 'yung siomai ng Canteen, masarap." Nag-aalinlangan kong sagot, hindi pa rin nakakabawi sa pagtatanong nila sa akin.

"Oh siya tara na!" Pagyayaya nito ngunit umiling lang ako.

"Una ka na, Uwak." Nagulat siya nang sabihin nito ni Ayie.

"Ha? Bakit? Antayin ko nalang kayo."

"Una ka na. Tinataboy kita." Tinawanan siya ni Ayie. Madrama namang humawak si Raven sa kanyang dibdib. Napasulyap siya sa akin bago magsalita.

"Sige, ayos lang, sanay naman akong mag-isa... Hay... Mag-isa na naman akong kakain..." Bigong sabi nito at umalis nang ganoon pa rin ang hitsura.

"Arte! Kala mo bading eh!" Pahabol ni Ayie sa kaniya.

Napatingin ako sa kamay niya na nasa palapulsuan ko pa rin. Hinatak ko ito mula sa kaniya at mukhang nagulat siya dahil sa biglaan kong paghila. Napayuko ako, umiiwas sa mga mata niya.

"Ay, sorry!" Taranta niyang bulalas. "Teka, ayos ka lang ba talaga? May masakit pa ba sa 'yo or..."

"Why are you being nice to me?"

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"Kasi kaya at gusto ko?" Sagot niya matapos ng ilang segundo. Mukhang nalilito. "Friends nga tayo 'di 'ba?"

Hindi ko maalala na pumayag ako sa gusto niyang iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako. Bakit ako? Bakit hindi nalang 'yung iba kong mga kaklase?

"Uy, seatmates kaya tayo bakit hindi tayo maging close? Tara na, libre na muna kita since first day naman." Sabi pa niya at hinila ako pero nanatili akong nakatayo sa pwesto ko.

"Stop being nice to me."

Napatigil siya dahil sa sinabi ko. Nawirduhan ata.

"Huh? Bakit naman?" Ramdam ko ang pagkunot ng noo niya. "Pinalaki ako ng mama ko na maging mabuti sa kapwa kaya bakit hindi?"

Hindi ako nakasagot. Narinig ko siyang bumuntong-hininga dahil sa reaksyon na nakuha niya sa 'kin.

"Ang sabi ni Mama... Maging mabait ako sa deserving... At sa tingin ko, deserving ka!"

Wala sa sarili akong napatingin sa kaniya. Nakita ko ang malawak niyang ngiti. Kita ang gilagid at ramdam ko ang pagiging totoo ng ngiting iyon. There's a subtle feeling of familiarity that entered my system when I saw that smile.

Napatulala ako nang may mapagtanto...

"Ano, Krisnel? Tara na! Gutom na 'ko."

Tumawa pa siya ngunit nag-iwas lang ako ng tingin at hindi sumagot. Naramdaman ko ang luha na nagbabadyang tumulo sa mga mata ko ngunit pinigilan ko ang mga ito bago pa may makapansin.

Si Ayie...

Kamukha niya ang best friend ko kapag nakangiti siya ng ganoon.

*

Continue Reading

You'll Also Like

25.9M 642K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...