10 Steps To Be A Lady

By Khira1112

11.7M 232K 32.6K

First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish... More

10 STEPS TO BE A LADY
CHAPTER 1 : BET
CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT
CHAPTER 3 : THE STEPS
CHAPTER 4 : THE BLACKMAILER
CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR
CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS
CHAPTER 7 : THE BEHOLDER
CHAPTER 8 : PIQUE
CHAPTER 9 : CEASEFIRE
CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE
CHAPTER 11 : THE GENTLEMAN
CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE
CHAPTER 13 : STARTING POINT
CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION
CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION
CHAPTER 16 : RETURNING BUDDIES
CHAPTER 17 : KILL
CHAPTER 18 : NOT SO GOOD
CHAPTER 19 : NIGHT AND DAY DIFFERENCE
CHAPTER 20 : TONS OF REMINDERS
CHAPTER 21 : NOTES AND LISTS
CHAPTER 22 : WITH HIM
CHAPTER 23 : PILLOW VS PUNCHING BAG
CHAPTER 24 : ENEMIES TO PERFECTION
CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE
CHAPTER 26 : MATURITY
CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE
CHAPTER 28 : WHEN NO ONE IS AROUND
CHAPTER 29 : ASSURE YOU
CHAPTER 30 : TWO IN ONE
CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE
CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES
CHAPTER 33 : GETTING SERIOUS
CHAPTER 34 : MISMATCH
CHAPTER 35 : THE KISSING MONSTER
CHAPTER 36 : NAUGHTY SIDES
CHAPTER 37 : SECOND TEST
CHAPTER 38 : LAST QUESTION
CHAPTER 39 : RESULT
CHAPTER 40 : LEVEL UP
CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE
CHAPTER 42 : STYLE
CHAPTER 43 : WEIRD
CHAPTER 44 : DATE
CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS
CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET
CHAPTER 47 : EXTRA LESSON
CHAPTER 48: KEEP YOU AWAY
CHAPTER 49 : COLD TREATMENT
CHAPTER 50 : NOODLES
CHAPTER 51 : FAIR FIGHT AND ELEVEN GIFTS
CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE
CHAPTER 53 : JUST TELL
CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE
CHAPTER 55 : STEP FOUR
CHAPTER 56 : REST DAY
CHAPTER 57 : DO THIS
CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY
CHAPTER 59 : FIFTEEN
CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY
CHAPTER 61 : LET ME KNOW YOU
CHAPTER 62 : FORGOT
CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS
CHAPTER 65 : INITIATE
CHAPTER 66 : DONE NOTHING
CHAPTER 67 : KISS MARK
CHAPTER 68 : BITTER
CHAPTER 69 : WAIT
CHAPTER 70 : HEADLIGHTS
CHAPTER 71 : MORE THAN MOST
CHAPTER 72 : RINGTONE
CHAPTER 73 : BARBIE
CHAPTER 74 : HELL IN MY HANDS
CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE
CHAPTER 76 : STEP 6
CHAPTER 77 : LET IT OUT
CHAPTER 78 : INVITATION
CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER
CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING
CHAPTER 81 : BREAK
CHAPTER 82 : STEP 7 AND 8
CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU
CHAPTER 84 : CHAT
CHAPTER 85 : FINISHED
CHAPTER 86 : PART-TIME JOB
CHAPTER 87 : WORKMATES
CHAPTER 88 : HOW I WISH
CHAPTER 89 : TREASURE AND PRECIOUS
CHAPTER 90 : GIRL OR LADY
LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 64 : MOON

110K 2.2K 396
By Khira1112

CHAPTER 64 : MOON

This chapter is dedicated to Kylle Zyrene Orcino Carual. Thank you sa pagsali sa game. Haha. Lovelots!

If you want dedication , sali po kayo pag may games sa KHIRA'S STORIES group in fb.

-

RHEA POV

Ilang beses na akong napahikab. Kinurap ko ang aking mga mata at pilit itong idinidilat ng malaki para intindihin ang mga sinasabi ni Shai.

"Since mukhang na-explain na ni Harris sayo ang Step 4 at sabi niya sa akin ay practice at test na lang ang kulang sayo, do'n na tayo mag-b-base. May idadagdag lang ako sa daily lessons niya. Once na maiwasan mo na ang maka-offend ng ibang tao through cussing, sarcasm o kahit anong offense na magmumula sa bibig mo, step by step tuturuan kitang sumagot ng magalang , sakto, tama at walang nasasaktan."

Napakamot ako sa aking ulo. Pumangalumbaba ako at tumingin sa kanya gamit ang inaantok kong mga mata.

"So, in short, tuturuan mo akong sumagot na tila isang beauty queen? Yung puro cliche at kabaitan na lang lagi? Yung parang nambobola lang ako ng tao? Parang mga buwayang politiko na mababait pag kailangan ng boto? Gano'n?" Hindi ko mapigilang maging sarcastic. Ngayon ko lang napagtanto ito. Nung si Delgado ang nagtuturo sa akin, puro magagandang side ang nakikita ko. Sabi kasi ng kumag maging positive lagi. Eh, ako naman sira ang tutok at medyo nauto.

Naiintindihan ko naman kaya lang, juicecolored! Hindi naman ako santa! At hindi ko ata kayang magpanggap man lang na gano'n. Gusto ata nila ay pumasok ako ng kumbento at magpakabanal. Hindi perpekto ang bawat salitang lumalabas sa bunganga ko, alam ko 'yon. Pero kahit may method para maging perpekto ako, parang mas gugustuhin ko pang lumihis ng landas. Gosh. Wala namang perpektong tao, di ba? Wala namang taong hindi nakakasakit gamit ang kanilang bibig, di ba? Dapat minsan ay nakakaranas tayo ng kaabnormalan para maramdaman nating tao tayo. Wow, ang lalim no'n, ah.

At anong pinaglalaban ko rito? Wala naman. Nagisip ko lang.

"Hey, walang masama kung matuto kang iparating ang gusto mong iparating sa way na wala kang nasasaktan. May masama ba sa pagiging beauty queen at politician? Wala naman, eh. Nagiiba lang ang impression natin sa kanila kapag minsan, iba ang kanilang pinapakita sa kanilang mga sinasabi. Hindi 'yan puro cliche. Kakulangan mo ba kung pakitang tao sila? Hindi naman, di ba? Yung mga gano'ng klase ng tao dapat ang kinakaawaan. Libre na nga ang magpakatotoo at maging mabuti, hindi pa magawa."

Ah, wait. Parang dumugo ata ang ilong ko sa sagot ni Shai.

"Remember this, ang 10 steps ay hindi way to perfection. It's a way to be a better person. Hindi lang basta-bastang babae kundi para maging tunay na babae. Alam mo, naniniwala kasi ako sa kasabihan na walang bagay na hindi mo kayang matutunan kung gugustuhin mo talaga. Mind over matter lang. You set your goal, you work hard and strive to make it possible." Punung-puno ng energy ang boses niya. Mukhang siya ata ang humigop ng engergy ko kaya wala akong gana.

Napakamot ako sa aking kilay. Parang kanina lang ay naglilitanya siya kaugnay ng step 4 pero ngayon mukhang ibang topic na 'tong binuksan niya. Napatingin ako sa clock na nasa side table. Mag-a-alas dos na. Anong oras kaya kami matatapos? Inaantok ako sa mga sinasabi niya.

Humalukipkip siya at ngumuso. "Hindi mo naman ata iniintindi ang mga sinasabi ko, eh."

"Oy. Iniintindi ko po. Hindi ko lang talaga maintindihan." Kinuha ko ang throw pillow at niyakap iyon sabay pikit. "Shai, inaantok ako."

"No! Hindi ka pwedeng matulog dahil importante ang briefing bago tayo magproceed sa pagpaplano."

Napaungol ako. My God. Briefing lang pala ito. Akala ko nagsisimula na kaming magplano.

Napadilat ako nang yugyugin niya ako. "Rhea, matatagalan tayo matapos kapag hindi ka nakinig sa akin. Ikaw rin. Hindi ko na uulitin 'to. Bahala ka." Nahimigan ko ang marahang pagbabanta sa kanyang boses kaya dinilat ko ang aking mata gamit ang mga daliri ko.

"Game. Continue." Pinitik ni Shai ang kamay ko na nakahawak sa tuklap ng aking mata.

"Rhea, puro kalokohan."

"Hindi ako nagloloko. I told you. Inaantok talaga ako."

Mula sa pagkakahalukipkip ay nilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang. Donya Facunda, is that you?

"Anong oras ka ba natulog kagabi at mukhang ndgpuyat ka ata."

"Sisihin mo yung pinsan mong punung-puno ng kakornihan sa katawan. Hindi ako pinatulog ng maayos."

"Though, I wonder kung anong ginawa niyo magdamag, I don't think it's my business." Napakamot ng kilay si Shai. "Step 1, Rhea. Hindi mo na ba naaalala ang notes and list na iniwan ko sayo noon? Di ba sabi ko ay huwag magpapa-stress at matulog ng maaga para sapat ang beauty rest?"

Napairap ako pataas. Magaling. Pati iyon ay talagang natandaan niya. Wala na talaga akong kawala. Naubusan na rin ako ng ipapambara. Wala na akong masasagot sa maipalusot sa matatalinong sagot ni Shai. Ang tindi.

"Sorry na." Nag-sorry na lang ako para matapos na. Pero si Delgado talaga ang may sala ng lahat. Puro kalandian kasi sa text ang alam.

"Huwag na sana maulit 'yon." Pabuntong hiningang sabi ni Shai. "Back to step 4, hindi madali ang masanay. Pero nadadala 'yan sa practice. Yung curse jar muna ang magiging basehan natin ngayon."

Humikab ako at inabot ang curse jar na nasa side table. Ang hirap ng step 4. Pinakamaharap ngunit pinakachallenging. Mukhang ma-f-fail ko ata ito. Ang hirap talaga, eh. Do'n palang sa pag-iwas na mapamura, nangamngapa pa rin ako. Hindi na lang muna ako aasa.

"This will be an extra-challenge for you. For the first time ay ipagsasabay mo ang pagpa-practice ng dalawang step. Watch every word you will say habang itinuro ko na sayo ang step 5."

"Tungkol saan ba ang step 5?" Kinuha ko ang kontratang medyo lukot-lukot na. "Always. . .poised? Keep your composure and smile?" Tumingin ulit ako kay Shai, kunot-noo. Hindi ko mapagdesisyunan kung dapat ko bang itanong sa kanya ang ibig sabihin ng salitang 'poised.' Sorry naman. Hindi masyadong malalim ang pagkakaintindi ko sa salitang 'yon.

Pumalakpak si Shai. Mukha na naman siyang excited. "'Yan ang dapat mong matutunan! Ang magkaro'n ng konting elegance sa katawan. Pati pagngiti. You'll become prettier kapag lagi kang ngumingiti. Pero dapat unahin natin ang posture mo dahil malaking factor yun sa pagsisimula natin."

"Ahh, okay." Hindi ko talaga magawang ma-excite kahit nagrerelease na ata siya ng sarili niyang energy para i-share sa akin. "So, kailan tayo magsisimula? Ngayon na?"

"Mamaya." Kumindat siya sa akin. "Hindi pa tayo tapos magbriefing."

Briefing. Briefing. Walang katapusang briefing.

Sandali akong humingi ng break. Nagpaluto ako ng merienda kay Yaya Martha. Light meal lang dahil hindi ako pinayagan ni Shai. Strict siya sa diet ko. Kahit nangatwiran ako na magd-double time sa pagwo-work out ay hindi talaga siya pumayag sa gusto ko.

"Rhea, hindi lang ako body conscious. Health conscious rin ako. I don't eat meat regularly. As much as possible, iniiwasan ko ang pagkain ng karne. I also don't like too much sweets."

Napangiwi ako. "Ba't mo naman iniiwasan?"

"Hindi 'yon maganda sa katawan. Mas masustansya pa rin ang vegetables and fruits."

"Myghad. Hindi ko kinakaya ang lifestyle mo. Hindi ka na normal sa paningin ko. Vegetarian? Tss."

"Uy, okay kaya maging vegetarian. We save the animals." Mukhang proud na proud pa siya ro'n. Pakialam naman ng animals sa kanya?

"Kung sinasalba niyong mga vegetarian ang mga hayop, ba't niyo kinakain ang pagkain nila?" Sumubo ako ng malaki at napailing siya sa akin.

"Ang tigas talaga ng ulo mo."

Ghad. Nung si Delgado ang trainor ko, hindi naman niya ako pinagbawalan kumain ng marami basta kaya kong i-burn ang calories na nakuha ko sa araw na iyon. Tsaka hindi naman ako yung tipong tabain. Itong si Shai , may pagka-OA.

Pero sa huli ay nakonsensya ako nang tumahimik siya. Kaya hindi ko natuloy ang balak kong kumain ng maraming merienda. Mamaya na lang ako babawi sa dinner kapag umuwi na siya.

"Sorry na, Shai. Ito na nga, oh. Konti lang kinain ko." Napakamot ako sa aking ulo.

"Good!" Bumalik ang pagka-engergetic niya. Napasimangot ako. Tactic lang ba niya 'yon? Napabuntong hininga ako. "Uy, sorry. Hindi kasi ako sanay sa ganito. I mean, nung yung pinsan mo ang nag-t-train sa akin , lagi niya akong nababara kaya hindi ko magawang magreklamo. Nagrereklamo ako na mahirap pero hindi ko pinagkailang tama siya,"

Tumango-tango si Shai. "Okay nga 'yun, eh. At least , nalilinaw mo sa akin ang point mo. Hindi ko naman sinasabing mali iyon, kaya lang di ba, ikaw ang nagpilit na ituloy ang steps? So, as much as possible, hangga't kaya kong ituro lahat 'to sayo, kailangan maging attentive ka at seryosohin mo ang lahat ng 'to. I won't mind kung magrereklamo ka minsan. Part talaga 'yon."

"Boring kapag laging seryoso."

Ngumiti siya. "Sino naman kasi nagsabi sayong lagi lang tayong seryoso?" Tumabi siya sa akin at tinignan akong mabuti. "Tell me, ano ang pinakarason kung ba't gusto mong ituloy 'to kahit hindi na kailangan."

Napalunok ako. Hindi masiguro kung dapat ko ngang sabihin sa kanya. Nahihiya ako!

"Di ba ang sabi mo, hindi ka nakakapag-voice out pag si Harris ang nagtuturo sayo? Siguro kasi naiilang ka. He's a guy. Pero ako, you can talk to me everytime. You can share things with me at hindi mo kailangang mailing. We're both girls. Mas maiintindihan kita lalo na ngayong may boyfriend ka na." Kumislap ang kanyang mata na tila tuwang-tuwa.

Napanguso ako at namula ng bahagya ang mukha. Nahihiya pa rin ako.

"Come on, Rhea. I'm waiting." Pakanta niyang sabi. "Bakit gusto mong ituloy 'to?"

Lumunok ako at umiwas ng tingin. "Nanghihinayang ako, eh. Sayang naman. Step 4 na tapos ititigil pa. Kahit hindi ko mapasa, at least kahit papaano may natutunan ako."

"Pero mas maganda kung kakasanayan mo. Sayang yung effort at time kung hindi. Hmm, meron pa ba?" Mukhang may hinihintay siyang sagot sa akin. Mas namula ang mukha ko nang mapagtantong hindi nga iyon ang pinakasagot.

"Okay fine!" I give up. Mapagkakatiwalaan ko naman 'to, eh. "Para kay Ren, okay? Ayokong magmukhang masmaton sa aming dalawa."

Natawa siya sa sagot ko. Tinapik-tapik niya ang aking balikat. "You're so funny. Sweet na sana, eh." Bigla siyang tumili ng matinis. "Pero kinilig pa rin ako!"

Napairap ako sa kawalan. OA talaga niya.

"Okay. Babawasan ko ang pagiging strict but I want you to be attentive. Pag may reklamo ka, just tell me. Masama yung may kinikimkim. Tell me your thoughts and I'll tell you mine. As simple as that. Iwasan mo lang magsabi sa nakaka-offend na paraan para mapasa mo ang step 4."

"Simple ka dyan. Hindi naman simple 'yon, eh." Humalukipkip ako. "Madaling sabihin , mahirap gawin."

Tumayo siya at hinila niya ako. "Rhea. Rhea. Rhea. Mas humihirap gawin ang isang bagay kung sa isip palang, dinidiscourage mo na ang sarili mo."

Napasimangot ulit ako. Siya na lang lagi ang tama. Mali na naman ako. Yoko na. Joke. Nagdadrama lang ako. Hindi pala bagay sa akin.

"Isipin mo para kay boyfriend 'to." Nakangising sabi ni Shai. Parang gusto kong sumuka.

"Yuck." Bulong ko. Tumawa ng malakas si Shai.

"Ibang klase ka talaga. Kung hindi ko lang na-confirm na kayo na. Iisipin kong binibwisit pa rin ninyo ang isa't-isa."

"Oy, forever siyang pambwisit sa buhay ko. Wala atang balak magbago yung pinsan mo."

"At least, ikaw lang ang binibwisit niya at siya lang ang nambubwisit sayo. Ang sweet niyo talaga!" Nagmistulang kiti-kiti na naman si Shai.

"Geez. Umayos ka nga. Saan banda ang sweet 'don?" Umiwas ako ng tingin para itago ang pamumula ng mukha ko. Ghad. Mukhang dadagdag pa siya sa listahan ng mga taong pambwisit sa buhay ko.

"Tama na nga 'to. Let's start again para matapos natin ang briefing ngayon at makapagsimula na tayo sa posture."

Nagsimula kami ulit. Nag-explain siya at nakikinig ako. Yes, nakikinig ako. Though, yung ibang sinasabi niya ay hindi ko maikonek sa pinakatopic. Ang dami niyj kasing segwey.

Anyway, nagamit ko na ang planner.

"Magiging useful 'yan sayo." Tinuro niya ang pader kung saan nakadikit ang mga papel n2 may kinalaman sa 10 steps. "You don't have to do this. Dyan mo na sa planner i-t-take note ang mga dapat mong gawin at matutunan. Clear?"

Tumango-tango ako. "Let's start from. . ."

Nasa step 4 pa rin kami kaya nilagay ko ang mga sinabi niya kanina. Tinanong ko siya kung magkano ang laman na pera nang jar.

"Twenty thousand. Sa bawat pagkakamali mo, one thousand ang mawawala."

Nawindang ako. "One thousand?! Ang laki naman!"

"Kaya dapat hindi ka magkamali para twenty thousand ang mai-donate natin!"

"Saan galing yung perang 'yan?"

"Nalikom 'yan ni Harris sa academy niyo. Ang totoo ay donation 'yan ng mga estudyante. Meaning, pinapagamit niya sayo."

"What?! Bakit iyon ang ipapagamit niya? Anong klaseng charity ba 'yan?"

"Yung Day Care na kumukupkop sa mga bata na namamaltrato at hindi maka-afford na pumasok sa desenteng paaralan. Si Harris ang nagsuggest nito kasi raw nakapunta na kayo ro'n ng isang beses. Para raw mainspire ka."

Yeah, yeah. Nainspire at na-pressure na naman for the nth time. Hindi pala sariling pera iyon! Ang laki masyado at galing sa iba't-ibang tao. Patay ako nito.

Sumulat ako sa planner.

'STEP FOUR. Twenty thousand na donation. Bawat mistake, isang libo mababawas. UMAYOS KA, RHEA! HUWAG MO SAYANGIN ANG ONE THOUSAND! HINDI 'YAN NANGGALING SAYO!'

'STEP FOUR. HUWAG KANG MAGMUMURA. HUWAG KANG MAGMUMURA. HUWAG KANG MAGMUMURA. HUWAG NANG MAGMUMURA. REPEAT INFINITY.'

'STEP FOUR. BAWAL MANG-OFFENG NG IBA! IWASAN ANG MAGING SARCASTIC! HUWAG BIRA NG BIRA! SA UTAK KA NA LANG MAMBARA.'

'STEP FOUR. Mamatay ka sa konsensya kapag naubos mo ang donation.'

Tawa ng tawa si Shai nang makita niya ang mga sinulat ko.

"Bakit ka tumatawa? Mali ba?"

"Ibang klase ka gumamit ng planner. Pero approve ko 'yan." Nagthumbs siya sa akin. "Kakaiba lang talaga 'yang sayo."

Tinignan ko ang sinulat ko sa planner. Pangit ba ang sulat ko? Hmp. Basta naiintindihan ko, okay na. Ako lang naman makikinabang sa planner na 'to. Kailangan gawin ko ang lahat para mainspire ako.

Sinulat ko rin ang mga sinabi ni Shai kanina para sa Step 5.

'STEP FIVE. Iba ang yabang sa 'good' self-confidence. Bawasan ang kahanginan sa katawan. Huwag paliparin ang sarili. Tao ka na nakatapak sa lupa. Hindi ka ibon. Huwag kang feeling may pakpak. Hindi ka lobo. Wala kang helium. LALIM. WORDS OF WISDOM NI MASTER SHAINGHAI.'

'STEP FIVE. Don't be afraid to try various things about elegance. No ones born from it. It can be learned through good influence, good lifestyle and practice. Note to myself : I-search sa google. Hindi masyadong naintindihan.'

'STEP FIVE. Be honest but not blunt. Connected to Step four. In short, magpakatotoo. Huwag pranka. Side comment from me : lol. Parang parehas lang naman.'

'STEP FIVE. Live with your words. Connected to Step four. Blah blah blah blah. Nagrarap na naman si Shai. Akala niya ata si flash ang nagsusulat.'

'STEP FIVE. Huwag magpapadala sa opinion ng iba even if it's a praise or criticism. Side comment : Naguguluhan na ako. Para niya na ring sinabi sa akin na huwag akong makinig sa kanya. Lol. Baliw na Shai.'

'STEP FIVE. Find someone you who will serve as your inspiration. She MUST be a model of elegance. My answer : ANNIELLE MARTIN, my bestfriend from heaven. Hindi 'to kilala ni Shai. Belat. :P '

'STEP FIVE. Correct your posture. Practical later. Side comment from me : K.'

'STEP FIVE. BWISIT KA. SAKIT NA NG KAMAY KO! NOTES NGA SA KLASE, DI KO SINUSULAT. IKAW MEDYO QUOTA NA!'

Hindi matigil-tigil si Shai sa pagtawa habang binabasa ang mga sinulat ko sa planner. Nakasimangot na lang ako sa isang tabi habang pinapanuod siya.

"Sige lang. Tumawa ka lang. Mukhang masaya ka dyan." Matabang kong sabi. Mukhang wala siyang narinig dahil tawa pa rin siya ng tawa. Great.

"Parang naging planner-slash-diary 'to, ah."

"Aba , sorry naman. Hindi ako mahilig sa ganyan. Ngayon ko lang kinonsider 'yan kasi sabi mo kailangan. Tss."

"Ang galing nga, eh." Binalik niya sa akin ang planner nang nakangisi. "Posture na tayo."

Tinuruan niya ako ng tamang pagtayo. Iyon lang ang tinuro niya sa akin pero katakot-takot na lait ang inabot ko. Though, hindi naman talaga niya ako nilait. Feeling ko lang.

"Head up. Chin level to the floor. Chest out Relaxed mo yung shoulder mo. Dapat flat ang lower abdomen."

Sinunod ko yung sinabi niya.

"Hindi ganyan. Masyado ka namang stiff. Para kang sundalo." Inayos niya ang balikat ko. "Ganyan." Tinignan niya akong mabuti. "Ba't ka nagpipigil ng hininga?"

Napilitan akong bumuga ng hangin. "Eh sabi mo flat dapat ang tiyan?"

Napakamot siya sa kanyang kilay at nagbuntong hininga. Pilit na tinatago ang ngiti. "Huwag mo pilitin. Flat naman talaga 'yang iyo. Hindi mo na kailangang magpigil ng hininga."

"Ang labo mo."

"Okay. Head up. Taas mo ang chin mo."

Bumuntong hininga ako. "Para nga talagang pansudalo tinuturo mo,"

Fifteen minutes ang lumipas at ganito ang mga sumunod kong narinig kay Shai.

"Chest out."

Ginawa ko.

"Rhea, chest out."

Steady.

"Chest out na ba 'yan?"

Napatadyak ako. "Oo na! Wala na akong dibdib kaya wala talagang i-a-out." Kainis naman 'tong si Shai, eh! Simple makalait.

Ilang sandali siyang natigagal pagkatapos ay tinawanan na naman ako. Seriously?

Matagal na sandali ang lumipas bago kami nagkaintindihan.

"O ayan na. Tandaan mo yung tinuro ko, ah. Dapat gano'n lagi. Konting adjust lang 'yan kaya hindi ka masyado mahihirapan." Sabi niya. Habang ako naman ay busy sa pagsusulat sa planner.

'STEP FIVE. GOOD POSTURE : Head up, Chin up, CHEST OUT, straight shoulders, flat lower abdomen. Note : NAKAKAMATAY AT MAY HALONG PASIMPLENG PANLALAIT'

"Kanina pa tawag ng tawag ang boyfriend mo. Gusto ka na atang masolo. Papunta na raw siya rito." Dagdag pa niya.

Parang gusto ko sumigaw ng 'yehey.'

Nagpaalam si Shai sa akin. Bumaba naman ako sa entertainment room para hintayin si Delgado. Binuksan ko ang x-box para maglalaro na lang kami. May yumakap sa likod ko at nanigas ako sa aking kinatatayuan.

"Beh."

Ayan na naman ang footspang 'beh'. Napairap ako. "Kakarating mo lang, mambubwisit ka kaagad. Pahinga muna ako, pwede?"

Hinalikan niya ako sa pisngi at hinala paupo sa sofa. "Anong ginawa niyo?"

"Marami." Maikli kong sagot,

"Kwentuhan mo ako." Pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. "Ayaw magpaistorbo ni Shai. Kanina ko pa gustong pumunta. Anong tinuro niya sayo?" Nakita ang hawak kong planner, "Ano 'yan?"

Muntik ko na matapon ang planner. "Wala!"

"Patingin, beh." inagaw niya sa akin ang planner. Hindi na ako nakapalag pa. Sinabayan pa niya nang panakaw na halik sa aking labi kaya sandali akong natigagal. "Thank you!" Ngumisi siya habang binubuklat ang planner. Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko.

Binasa niya 'yon at ilang sandali ay tumatawa-tawa na siya. "Is. . .this some guide or sort of a diary?"

Inagaw ko iyon sa kanya at inirapan siya. "Si Shai ang nakaisip nito. Planner 'to, oh. Plan-ner. 'Yan, oh. Nakasulat." Pinakita ko sa kanya ang cover.

Inagaw niya ulit sa akin 'yon at binuklat. Tinuro niya ang naka-bold letter na 'CHEST OUT.' "What is this? Ba't naka-bold?"

Namula ang pisngi ko. "Kainis kasi pinsan mo! Chest out raw. Chest out ng chest out, eh wala naman akong i-a-out!" Humalukipkip ako. Humagalpak naman ng tawa si Delgado.

"Ang hard mo naman sa sarili mo, beh. Meron naman 'yan."

Tinapunan ko siya ng nakakadiring tingin. "Umiiral na naman ang kamanyakan mo, 'no?"

"What did I say?" Yumuyugyog ang balikat niya kakatawa. "Ang sabi ko ng meron, eh. Kumbaga sa moon, hindi pa full. Crescent palang."

Inabot ko ang kanyang ulo at sinabunutan kn siya. Mas lalo lang lumakas ang kanyang tawa.

"Gusto mo palakihin natin?" Nanunukso niyang tingin.

Sinapak ko na siya sa mukha. "M-manyak!"

Dumaing siya ngunit tumawa ulit paglipas lang ng tatlong segundo. Bigla niya akong hinala at hinawakan niya ang dibdib ko. Literal na nalaglag ang panga ko.

Ngumisi siya sa akin. "Ay, walang atang moon ngayon, beh. Wala akong maramdaman."

He. Is. Unbelievable.

>>next update

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 59.9K 37
May boyfriend ka na nga, mataba at maldita ka pa rin?! SEQUEL TO THE XL BEAUTY. NOW PUBLISHED UNDER SUMMIT POP FICTION.
1.4M 44.7K 48
Halimaw sa banga ang bansag ng makulit na si Anne Reyes sa kanyang guwapo pero grumpy boss na si Hunter dela Merced. Masungkit kaya niya ang puso nit...
5.1K 357 13
PUBLISHED AS PART OF ILYWAMYHAK ANTHOLOGY BOOK UNDER UMPRINTABLES! Isang symposium ang ginanap sa barangay nina Vina. Hindi naman siya iyong tipo ng...
156K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...