Loving Her Soul [Book 1 of Lo...

By aroxiah

200K 4.8K 1.6K

Ruhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She... More

Loving Her Soul
01 | The one and only
02 | How did you do it?
03 | Achi
04 | Nostalgia
05 | Kill this love
06 | You, witch!
07 | Oops, sorry
08 | Unnoticed
09 | Girlfriend
10 | Understand
11 | You're joking, right?
12 | Similar
13 | Feelings
14 | Oh, shit!
15 | Rejected
16 | Reason
17 | Eraserheads
18 | Answer
19 | Date
20 | Intervention
21 | None of your business
22 | Go
23 | Memory
24 | You're what?
25 | Sweet home
26 | Too honest
27 | Open
28 | Real date
29 | You're a cheater
30 | I'm sorry
31 | Heard it wrong
32 | Obvious
33 | Probably
34 | Eager
35 | Your friend
36 | Odd one
37 | Uneasy
38 | Love return
39 | Into you
41 | Exception
42 | Invitation
43 | Traitor
44 | Loving you
45 | Oh
46 | Vulnerable
47 | Encounter
48 | Yesterday
49 | One big chaos
50 | Unresolved
Epilogue

40 | Kin

3.7K 118 147
By aroxiah

40

Kin

Sa bawat segundo na lumilipas, kaba ang tanging nararamdaman ko. Kaba dahil sa kabila ng katahimikan na bumabalot ngayon sa aking paligid ay alam kong anumang oras ay nasa aking tabi na si Achi.

Sa totoo lang, ayaw ko siyang makausap ngayon. Ang makita ng dalawang mata ko ang scenario nila kanina sa baba ay tumatatak pa rin sa aking isip.

I know I don't have the right to act this way but I really thought we had an understanding about these feelings of ours.

But I guess I thought wrong because even if he won't admit the fact that Jesca's still in his heart, I don't think my feelings will matter to him anymore. Even if he explains to me those actions  earlier, it won't validate that I have a place in his life.

"Bakit nandito si Luper? Kanina pa siya dito? Bakit parang magkausap kayo? Nakikita ka niya?" sunod na sunod na tanong niya na kinairap ko.

Akala mo talaga  concern sa akin. Akala mo 'di nakipaghalikan sa ibang babae kung makapagtanong sa akin.

Sa iritadong tono, "Pake mo. Ano bang ginagawa mo rito?"

Saglit siyang napatitig sa akin kaya 'di ko napigilang tignan siya gamit ang matalim na tingin.

"Galit ka ba?" maingat niyang tanong.

"Tingin mo?" malamig kong tanong pabalik.

Kumunot ang noo niya bigla sa inasal ko habang ako masama pa rin ang tingin na binibigay sa kaniya. Bumuka  ng kaonti ang kaniyang labi para magsalita pero agad din niya itong sinara, tila naghahanap ng magandang salita dahil nakaramdam siguro siya na kung hindi ay bubugahan ko siya ng apoy.

Sa maamong tinig tinanong niya, "May nagawa ba kong kasalanan?"

Napapoker face naman agad ako sa tanong niya. Hindi ako kumibo at tinitigan lang siya.

Sige, isipin mong mabuti kung ano ang ginawa mo. Bahala ka diyan! Animal ka.

Nang napagtanto niyang hindi ako sasagot ay napaiwas siya nang tingin at dumako ang mga mata niya sa tanawin.

Aba! Siraulong 'to. Nag-isip nga!

Mas lalong kumulo ang dugo ko sa ginawa niya pero nanindigan pa rin ako na hindi kumibo.

Mga limang segundo ang nakalipas nang bumaba ang tingin niya sa baba at parang may light bulb na nagpop up sa ulo niyang tumingin sa akin.

"Nakita mo kami sa baba kanina?" agad na tanong niya sa akin.

Inirapan ko siya nang dahil doon, "Ay hindi! Nakita ko si Superman na lumilipad sa langit tapos pagkalanding niya, saktong naglanding din yang nguso mo kay Jesca." gigil kong sabi.

Natahimik naman siya sa sinabi ko.

Ano ka ngayon? Guilty ka? Pasampal ka sa hangin.

Sa inis ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Tapatin mo nga ako. May nararamdaman ka pa ba kay Jesca? Mahal mo pa rin siya?" may hinanakit kong tanong pero hindi ko pinahalata sa kaniya.

Ilang beses ko na 'tong natanong sa kaniya pero hanggang ngayon hindi ko makuha ang sagot na hinihintay ko.

Gusto kong marinig ang sagot sa kaniya pero nang hindi siya kumibo at tahimik lang na napatitig sa kawalan ay mas lalo ko lang nakumpirma ang bagay na iyon.

"Mahal mo pa siya." sabi ko.

Kahit hindi mo sabihin, isinisigaw na iyon ng kilos mo. Kahit itanggi mo, kitang kita ko kung paano mo isiwalat ang nararamdam mo sa kaniya. Nasasaktan ako sa katotohanang ito pero hindi ko na kailangan sabihin iyon sa kaniya dahil alam kong alam niya sa sarili niya ang bagay na iyon.

"Yes, I think I still like her." mahina niyang sabi.

Tangina.

Inamin nga.

Mas ayos pala kung hindi na lang niya sinabi. Mas masakit pala kapag sa kaniya mismo galing.

"I didn't know that she still hold something inside me. I didn't realize it at first but not until she opened up to me. I was overwhelmed with the changes that I saw when we met here, but then I also saw that she didn't change that much. She's still the same vulnerable Yumi that I know."

And so are you, stupid! How can you be so insensitive? Sa tingin mo ba, gusto kong marinig ang mga salitang iyan? Sa tingin mo ba, gusto kong marinig kung ano ang tunay mong nararamdaman kay Jesca?

Siguro nga kaya kong makinig pero hindi ko kayang hindi masaktan habang pangalan ng ibang babae ang binabanggit mo.

"..And I can't help but to be there for her. Even if she won't ask for my presence."

Edi dun ka na.

Ano na palang role ko sa buhay mo kung handa ka naman na palang manatili sa tabi niya? Hindi ko tuloy maiwasang hindi matawa ng mapait dahilan kung bakit napasulyap siya sa akin.

"May boyfriend siya." paalala ko sa kaniya.

Napabuntong hininga naman siya, "I know, but that won't change my mind. As long as she needs me, then I'll be use of her."

I snorted. As long as she needs you? More like, as long as you need her. You simply got smitten all over again with just a glimpse of her. Just fucking admit that you're really not over her.

"Kaya ba hinalikan mo siya kanina? To seal what you're determined to do." diretso kong sabi.

Napaiwas siya ng tingin sa akin, "That..that was impulsive move of mine." he admitted. 

I doubt that.

"She's crying and I felt the urge to comfort her."

Piece of shit. If you want to comfort someone, you can always offer a hug. Not a kiss.

Sa inis ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko, "Then what about me? Saan ako lulugar sa buhay mo?"

Napabaling na siya nang tuluyan sa akin, "What about you? Of course, you'll stay with me." seryosong sabi niya.

Nagbibiro ba siya? O mali lang ako nang narinig.

"Are you serious? You know that I have feelings for you. Seeing you both together would only torture me." I honestly said.

Hindi naman ako ganoon ka masokista para saktan ang sarili ko. Mauunawaan ko naman ang kung anumang mayroon sa kanila pero hindi naman ako ganoon katanga para manatili at masaksihan ang bagay na magdudulot sa akin ng sakit.

Natameme naman siya sa sinabi ko.

"Ano ba talaga ako sa'yo?"

"Just say it to me, so I would know."

Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata. I can't pinpoint his emotions. Parang mismong siya ay naguguluhan sa simpleng tanong ko. Madali lang naman sagutin iyon. Kung wala talaga akong puwang sa puso niya, matatanggap ko..

Hindi magiging madali pero kakayanin kong tanggapin.

"Ano? Sagutin mo ang tanong ko." pilit ko sa kaniya nang makitang tulala na siya sa kawalan.

In a hesistant voice, "I want you with me.."

"Bakit mo gusto?"

"B-because I'm already used with your presence." naguguluhan niyang sagot.

"Iyon lang?" sabi ko sa naiinip na tono.

Napalunok naman siya, "B-because I'm comfortable when you're around."

"And?"

"B-because, I just want you with me! Kailangan ba talaga ng rason?" napipika niya nang sagot.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko." puna ko sa kaniya.

Napaiwas ulit siya ng tingin sa akin, "Sinagot ko naman na." sabi niya.

Sagot na ba iyon?! He gave me vague reasons that doesn't answer my question.

"Alam mo, hindi kita maintindihan. You can't have me while you're choosing her. I'm a soul that keeps wandering around this world, but that didn't give you a chance to be selfish." pangrerealtalk ko.

I may sound harsh but he needs it. A wake up call where he needs to know his shits in life. I may be someone in disposal but I won't allow him to do that when he's not even sure with what he wants.

"Joachim." basag sa katahimikan ng isang boses.

Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan noon at doon nakatayo sa malayo si Jesca.

"Can I talk to you?" tanong nito.

Sinulyapan ako ni Achi bago siya tumango kay Jesca.

Lumapit siya sa kinatatayuan namin. Maglalakad na sana ako paalis nang marinig ko si Achi, "Don't go."

Nagkatitigan kami at hindi ko matimbang kung ano ang dapat kong gawin. Sa huli, sumunod na lang ako at hindi muna umalis. Ano bang gusto niyang mangyari? Talagang sadista rin ang isang 'to.

Ako naman itong uto-utong sumunod naman sa kaniyang sinabi.

"I'm sorry about earlier. Hindi ko sinasadya." sabi ni Achi.

Hindi ko dapat ito marinig dahil labas ako sa usapang ito. Desidido na akong umalis nang marinig ko si Jesca.

"I'm sorry too. I shouldn't breakdown like that. Naalala ko lang ulit si Ruhee dahil nababanggit ko siya nitong mga nakaraang araw. I can't help but to let it all out." malungkot nitong sabi.

Isang sulyap ang iginawad sa akin ni Achi bago ibinalik ang tingin kay Jesca, "Like what I've said, stop blaming yourself. Hindi mo kasalanan."

"If only I was there when she needed me, then I might've help her."

"She wouldn't jump off the building if only I was with her."

Wait, what? I did what?

Bakit ko naman gagawin iyon?

"I ignored her when she needed someone to listen with her problems. I was busy with my own problems that I didn't notice how much she's suffering that time."

I remember drinking pills.

...the sound of the ambulance.

...the loud cries.

...the white ceiling.

...the dextrose hanging.

...the stairs.

...the buildings.

Puting bestida ang umaagos sa malakas na hangin. Ang buhok na tinatabunan ang aking paningnin. Maliwanag na maliliit na ilaw ang aking tanaw. Mga busina na iba't ibang sasakyan na maririnig kahit abot langit na ang aking kinatatayuan.

Nakatayo ako sa isang sulok kung saan hangin na ang susunod kong tatapakan. Walang makakapitan. Tanging hanging lang ang karamay ko sa mga sandaling iyon.

Naalala ko kung paano ko dinamdam ang hangin na pinipilit akong itaboy salungat sa gusto kong tahakin.


Nakatitig lang nang mariin sa harap ko. Walang luha na umaagos sa aking pisngi. Sadyang blanko ang aking itsura kasabay ang walang buhay na sarili.

Napangiti ako ng mapait. I had it rough, huh.

Guess, life wasn't that good to me. How ironic..

Kung kailan kaluluwa na lang ako tsaka ako naghahangad ng buhay pero noong buhay pa ako kamatayan naman ang hinahabol ko.

Hindi ko alam na ganoon pala ako kaduwag.

I'm too coward that the only option that I had in mind was to end my life.

If only I could only go back in time and convince myself to fight back..sana hindi ganito. Masyado yatang naging malupit ang buhay sa akin dahilan kung bakit ko nagawa iyon. Alam kong hindi biro iyon pero ang tanga ko.

Ang tanga ko para sayangin ang buhay na binigay sa akin.

Kaya siguro hanggang ngayon pinaparusahan ako kasi hanggang sa huli kong hininga ay gumawa ako ng kasalanan.

"And again, I'm sorry for putting you into this. I thought I buried this inside of me but truth is, I guess I'm just running from it." naluluhang sabi ni Jesca.

"I'm sorry for the kiss. That was unintentional." sabi ni Achi.

"That's okay. My fault, I brought up our past so it may have triggered something and I know my effect on you so that's understandable." she said trying to light up the conversation.

"Kumapal na rin pala yang mukha mo no." si Achi.

"Ikaw lang naman hindi nakakamove on satin, e." pang asar ni Jesca.

"Hindi pa nga siguro." natatawang sabi ni Achi.

🎇🎇🎇

Sa gitna ng init ng panahon, malakas na hangin ang sumalubong sa amin pagbaba ng eroplano.

Parang kailan lang noong dito ako napadpad. Ang nostalgic lang dahil ganito rin ang panahon noong unang tapak ko rito. Ang kaibahan lang, kakilala ko na ang iba sa mga bababa na pasahero.

"Woah. Namiss ko ang Cebu!" sigaw ni Bryles.

"Siraulo, isang linggo ka lang nawala. Dinaig mo pa yung halos dalawang taon na nawala dito." si Haniel.

"Pasensya na ha, God bless." sabay irap ni Bryles.

Natawa naman itong nasa harap ko, "Nakakamiss naman talaga ang Cebu." sabi ni Jesca.

Oo, kasama namin siyang umuwi dito sa Cebu. Hindi nga lang siya mag-isa dahil kasama niya rin ang boyfriend niya.

Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat basta napag-usapan yata nilang dito magbakasyon.

Tutal puro sembreak na sila, dito na lang nila ibubuhos ang oras nila.

Isang van ang sumundo sa amin. Buti na lang at nagkasya kami doon kahit na puno na nang gamit ang loob.

Ang dami kasing pinamili ng mga itlog. Akala mo galing ibang bansa para magshopping doon.

Patungo kami sa bahay nila Achi dahil doon napagkasunduan magpalipas ng oras bago tumulak sa kung saanman.

Doon na rin sila maglulunch kaya naman tumawag kanina si Achi sa bahay para magpaluto.

As usual, ang ingay na naman. Nakikisabay naman kahit papano si Mavin sa biruan kaya mabilis din nilang nakasundo ito.

Bakit ganon, ang bilis magkaunawaan kapag mga lalaki.

Sa babae kasi, hindi agad nagkiclick kasi magpapakiramdaman pa.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi matigil sa corny jokes si Bryles. Halos itulak na siya palabas ng van kanina sa sobrang kakulitan niya.

Napapailing na lang kami habang papasok ng bahay.

Agad kong napansin ang ibang presensya ng bahay. Tinignan ko si Achi pero parang hindi naman niya naramdaman dahil tuloy tuloy lang siyang pumasok sa bahay.

Babalewalain ko na sana kaso nagtaka ako dahil pagkapasok nila ay nawala ang ingay. Ako ang nasa likod kaya hindi ko agad nasaksihan ang pangyayari.

Sa harap, nakita ko ang matindig na pagkakatayo ni Achi. Huminto siya 'di kalayuan sa pintuan dahilan para matigil din ang nasa likod niya.

Sinilip ko mula sa likuran ang dahilan kung bakit hindi kami tuluyang nakapasok.

At doon naaninag ko ang isang bulto ng tao.

"What the hell are you doing in here?" mariin na tanong ni Achi.

"Is that a new way to greet me now, son?"

xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 56.2K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
1.2M 53.8K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
2.6K 370 23
I would like the world to know that I'm a mess without You. © SoulWinnerWP Date Started: May 19, 2020