❇
35
Your friend
"You've changed." utas ni Jesca.
"And so are you." ganti ni Achi.
Napailing si Jesca na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Napalitan ang seryoso niyang mukha na may ngiti sa labi. I don't know how to name the things that I can see in her eyes right now.
Proud? Adoration?
I wonder how does it feel to see someone from your past grew into someone who changed for the better. Who matured enough for you not to recognize the old spitting image of that person.
Nabasag ang namuong maliit na tensyon kanina at napalitan ng mas kumportableng vibes.
"Kamusta ka na? Graduating ka na ba?" tanong ni Jesca.
"Nope. One year internship pa. Ano bang kinuha mo na kurso?"
"Entrepreneurship. At first I was hesitant to take it but then I came to like it anyway. It's surprisingly fun." magiliw na kwento niya.
"Good for you, then. I still have a long way to run."
"So you'll really pursue Med? I thought that's just an impulsive decision of yours way back then. Guess, you already know your path, huh." she said.
Achi nodded, "I've made my decision when life hits me real good."
"How about your friends? Wala na akong balita sa kanila. Although one time, nagkita kami ni Luci last year sa isang bar dito sa Manila. Hindi rin kami masyadong nagkausap no'n."
"Walang nabanggit sa akin si Luper na nagkita kayo and they're also here in Manila."
Nanlaki ang mata ni Jesca sa narinig, "Really? Can I see them? Namiss ko silang lahat. Lalo na si Bryles. Pinagti-tripan niyo pa rin ba siya hanggang ngayon?" excited na sabi ni Jesca.
Achi chuckled, "Of course you can. Though, hindi ko alam kung umalis sila ngayon. Hindi pa naman matahimik sa isang lugar ang mga iyon kapag naiiwan sa bahay."
Papalit palit lang ang tingin ko sa dalawa habang tahimik na nakikinig sa usapan nila. Nakakahiya naman sa kanila kung magpaparamdam ako sa gitna ng pag-uusap nila diba. At tsaka, feel na feel ko kaya ang pagiging third wheel.
Ang sarap sa feeling. Grabe.
Mahaba ang nagins usapan nila at minsan hindi na ako makarelate dahil hindi ko naman kilala ang ibang tao na kanilang nababanggit. Literal na outcast ang nangyari sa akin kaya lubos ang pasasalamat ko nang natapos na sila.
Naunang magpaalam si Jesca na aalis na siya dahil may aasikasuhin pa siya sa school. Nagkasundo naman silang dalawa na magkita na lang muli mamayang gabi para makabonding niya ang mga itlog.
Hindi ko nga alam kung paano ako masisingit sa usapan nila pero sa mga oras na 'to ay nawalan na ako ng pake. Ang mas importante ngayon ay mabantayan ko silang dalawa kapag sila ay magkasama.
Mahirap na at baka magkatotoo ang mga paratang ng mga itlog na yon kay Achi. Kawawa naman ako kung nagkataon. Uuwi akong luhaan.
Hinintay namin makaalis ang sasakyan ni Jesca bago kami pumasok sa loob ng sasakyan.
Umalis na kami sa parking at wala sa amin ang nagsalita. Well, this is awkward. Even if I wanted to start a conversation, I don't know how to begin.
I was tempted to say something so random but ought not to.
Kaya laking pasasalamat ko ng siya ang unang nagsalita.
"So, how was it?" tanong niya.
"Ang alin?" tanong ko rin.
"The talk with Yumi. Any comment? Violent reaction?"
"Uhh, wala naman." sabi ko.
"You sure?"
Napaisip naman ako, "Hmm, nothing really. It's just that, after all these years nakaya niyong mag-usap ng walang hinanakita sa isa't isa." sabi ko.
"That's not nothing. If you have something to say, just say it. Hindi naman kita pinagbabawalan."
Tumango naman ako, "So ayon na nga, usually kasi diba kapag mga ganiyang nagkahiwalay kayo, I mean, without a proper break up then both sides tend to be awkward with each other. Kaya hindi ko inasahan na magkakaroon kayo ng casual talk like nothing happened in the past." paliwanag ko.
"Well, yeah. If nagkita kami noon, siguro months before our separation, I won't be able to hold back myself. Hindi ko makokontrol ang sarili ko na magtanong sa kung anong nangyari sa amin. But in time, people change. Maturity takes over and so is letting go." sabi niya.
Napaisip naman ako doon. I never thought that Achi is capable of saying that.
Tsaka lang naman lumabas ang mga ganyang salita kung dumaan na ang isang tao sa matinding sakit na dulot ng buhay o ng isang tao. Hindi ko akalain na sa kabila ng pagkakilala ko sa niya nitong mga nakaraang buwan ay may itinatago pa rin pala siyang parte sa akin.
Totoo nga na hindi sapat ang ilang buwan para makilala ang isang tao.
Kahit na magkasama kayo ng matagal ay nagbabago ang isang tao kaya hindi mo rin masasabi na ang ugaling mayroon siya ngayon ay dadalhin niya pagdaan ng ilan pang taon.
Nakauwi kami sa bahay at naabutan namin ang mga itlog na lumalangoy na parang mga shokoy sa swimming pool.
Maingay ang paligid dahil sa malakas na music. Puno ang lamesa ng mga pagkain na hindi ko alam kung saan nila nakuha.
Napailing na lang ako dahil nagkaroon ng instant party dito sa bahay nila. Iba talaga mabored ang mga burgis. Kung ano maisipan gawin ay iyon nga ang kanilang gagawiin. Nakakaloka.
Dumiretso si Achi sa kanila habang ako naman ay lumapit kay Erza na nakahiga sa isang pool lounge.
"Erza, anong ganap dito? Bakit bigla na lang nagkaparty dito sa bahay?" tanong ko sa kaniya nang maupo ako sa katabing upuan niya.
Napasulyap siya sa akin bago ako sinagot, "Baby girl, nakauwi na pala kayo. Alam mo naman ang mga batang iyan ay walang magawa sa buhay. Hayaan mo na at mahiga ka na lang diyan. Masarap ang hangin kaya magrelax na lang tayo."
Ay iba rin. Tamang chill lang ang peg.
Sumunod naman ako sa kaniya at nahiga na nga sa lounge. Bago ko pa maayos ang unan ay nakita ko na ang pagtutulungan nila na ihagis sa pool si Achi. Buti na lang at nailapag niya ang kanyang cellphone at susi ng sasakyan sa lamesa bago siya mabasa dahil kung hindi suntok ang aabutin ng mga itlog.
Naglunuran na ang mga itlog sa tubig at hindi ko na lang sila pinansin. Sanay na ako sa kaabnormalan nila.
Napatitig na lang ako sa kawalan habang malalim na nag-isip ng kung anuman.
"Erza, anong naramdaman mo nang nalaman mo na hindi mo na maaaring makausap o mahawakan man lang ang mga mahal mo sa buhay?" sambit ko bigla.
Nakita ko ang bahagya niyang paglingon sa akin bago tumingin na rin sa kawalan na tinitignan ko.
Ilang sandali pa ang lumipas bago siya sumagot, "Noong nalaman ko na kaluluwa na lang ako, natakot ako. Hindi dahil sa patay na ako, hindi rin dahil sa hindi na ako makikita ng pamilya ko. Ang tanging inalala ko lang noon ay kung paano ko mahahagkang muli sa huling pagkakataon ang aking iniibig."
"Hindi ka ba nabahala na malulungkot sila sa pagkawala mo?" tanong ko.
"Baby girl, kailanman hindi magiging handa ang mga tao na mawalan ng minamahal sa buhay. Tanging panahon lang ang makakapaghilom ng kalungkutan na maiiwan natin sa mga taong naiwan natin."
"Natatakot kasi ako na baka kapag nakita ko ang mga magulang ko na nasa hindi magandang kalagayan ay mas lalo akong gumawa ng kung ano para mas lalo ko silang makapiling." sabi ko.
"Hindi tayo maaaring makielam sapagkat hindi natin laban ang buhay nila. Sa mundong ibabaw, tapos na ang kwento natin. Hindi ko alam kung bakit nananatili pa rin tayo rito pero ang tanging magagawa lang natin ay ang sumubaybay sa mga hakbang nila." paliwanag naman niya.
"Ang ibig niyo po bang sabihin ay wala akong gagawin kahit na nakikita kong may masamang mangyayari sa isang tao?"
"Mismo, baby girl. Mangyayari ang dapat mangyari at wala tayong karapatan upang baguhin ang mga bagay bagay sa mundong ito."
Natahimik na lang ako pagkatapos niyang magsalita. Hindi ako pabor sa sinabi niya. Naniniwala ako na may karapatan kaming manghimasok sa kung saang bagay lalo na kung masamang bagay ang nakaantabay sa isang tao.
Hindi ko kayang manahimik lang sa isang tabi at pumikit na parang walang nakita.
Gagawin ko kung ano ang tama.
Dahil ano nga ba ang silbi ko rito sa mundong ito kung hindi ako mapapakinabangan ng ibang tao.
Sumapit ang hapon at napagdesisyunan nilang pumunta ng Tagaytay. May resthouse kasi doon sila Bryles at doon nila naisipan magpalipas ng gabi. Kaya naman patungo kami ngayon sa bahay nila Jesca para sunduin siya.
Gusto rin kasi ng mga itlog na makita si Jesca kaya inanyayahan na rin nila ito. Pumayag naman si Jesca at hindi na siya pinagdala ng sasakyan ng mga itlog.
Isang babae ang sumalubong sa amin. Pinatuloy niya kami sa loob ng bahay habang tahimik lang kami nakamasid sa paligid. Walang ingay na maririnig mula sa loob. Dumiretso kami sa sofa at doon hinintay si Jesca.
Mukhang wala ang magulang niya dahil tanging kilos lang ng kasambahay nila ang maririnig.
"Manang, nandiyan na ba yung bisita ko?" dinig kong sigaw ni Jesca mula sa taas.
"Opo, ma'am. Pinapasok ko na po." sigaw pabalik nung babae.
"Paakyatin niyo po muna sa dito."
Lumingon ang babae sa amin at tinuro ang kwarto na pinagmulan ng sigaw ni Jesca.
"Sir, akyat daw po kayo sa kwarto ni ma'am."
"Hindi po. Dito na lang po ako maghihintay." magalang na sabi ni Achi.
"Nako sir, umakyat na po kayo at matagal mag-ayos yon." huling sabi ni manang bago kami iwan.
Alangan man ay tumayo na rin si Achi sa kaniyang inuupan at naglakad na patungong itaas. Nakasunod lang naman ako sa kaniya at 'di na umapila. Wala naman sigurong malisya kung aakyat siya sa kwarto ng dati niyang kasintahan diba.
Isang katok ang ginawa ni Achi bago namin narinig ang boses ni jesca, "Pasok. Bukas 'yan." sabi niya.
Pinihit ni Achi ang doorknob at bumungad sa amin ang isang duffel bag ni Jesca sa higaan. Naabutan namin siyang naglalagay ng mga damit doon at ng kung anu-ano pa.
Bakit parang good for three days ang gamit na hinahanda niya? Isang gabi lang naman sila magpapalipas doon ah.
"Ang dami mo yatang dala?" takang tanong ni Achi.
"Ah, may pang skin care pa kasi ako diyan. Alam mo naman, girls.." kibit balikat na sabi ni Jesca.
Napakamot na lang sa batok si Achi dahil wala naman siyang magagawa sa kagustuhan ng babae.
"Suit yourself. Maglibot libot ka lang jan kung gusto mo. Konti na lang at matatapos na ko sa pag-iimpake." sabi niya.
Dahil wala namang maupuan si Achi dahil nagkalat ang gamit sa kama ay nilibot na nga lang niya ang kwarto. Dumiretso agad siya sa wall kung saan nakasabit ang mga polaroid. Sumunod lang ako sa kaniya at hindi ko na kailangan ituro ang pagmumukha ko sa litrato dahil iyon agad ang bubungad sa kaniya.
Sinulyapan niya ako na para bang natagpuan niya ang kayamanan na matagal ko ng pinapahanap sa kaniya. Tinanguan ko na lang siya at nakuha naman niya ang gusto kong mangyari.
Achi cleared his throat before saying a word, "Who's this girl? Your friend here in Manila?" kaswal na tanong niya.
Sinulyapan siya ni Jesca pero agad ding binalik ang tingin sa ginagawa, "Yes, my best friend since first year college." sagot naman niya.
"You seem pretty close. Parang hindi ko siya nakita na kasama mo?" tanong ni Achi na nagpatigil kay Jesca.
Natahimik ang paligid bago lumabas ang mga salitang inaasahan ko, "She's gone."
"Where is she, then?" tanong pa ni Achi na ngayon ay nakatingin na sa akin.
Nanatili ang tingin ko sa mga litrato at pilit na pinalalakas ang loob sa susunod niyang sasabihin.
"In heaven. She's dead."
xoxo