Loving Her Soul [Book 1 of Lo...

By aroxiah

200K 4.8K 1.6K

Ruhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She... More

Loving Her Soul
01 | The one and only
02 | How did you do it?
03 | Achi
04 | Nostalgia
05 | Kill this love
06 | You, witch!
07 | Oops, sorry
08 | Unnoticed
09 | Girlfriend
10 | Understand
11 | You're joking, right?
12 | Similar
13 | Feelings
14 | Oh, shit!
15 | Rejected
16 | Reason
17 | Eraserheads
18 | Answer
19 | Date
20 | Intervention
21 | None of your business
22 | Go
24 | You're what?
25 | Sweet home
26 | Too honest
27 | Open
28 | Real date
29 | You're a cheater
30 | I'm sorry
31 | Heard it wrong
32 | Obvious
33 | Probably
34 | Eager
35 | Your friend
36 | Odd one
37 | Uneasy
38 | Love return
39 | Into you
40 | Kin
41 | Exception
42 | Invitation
43 | Traitor
44 | Loving you
45 | Oh
46 | Vulnerable
47 | Encounter
48 | Yesterday
49 | One big chaos
50 | Unresolved
Epilogue

23 | Memory

3.2K 88 34
By aroxiah


23
Memory

Isang hakbang pa at wala na akong kawala sa kaniya. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kaniyang mga mata dahil naasiwa na ako sa ngiting ibinibigay niya.

My gosh, this is so embarrassing. Why did I blurt it out so suddenly? Is that really necessary, Ruhee? Tignan mo ngayon ang nangyari. Wala sa plano ang pag-amin sa kaniya ngayong araw!

Paano ko ngayon ito tatakasan?

"Can't you hear me? I said, I want you to say it again." sabi niya.

Kinalma ko ang aking sarili pero nanatili pa rin ang kaba sa aking loob, "Hear you?! E, ikaw nga 'tong hindi namamansin buong araw jan!" pasungit ko pang sabi kahit na halos nanginginig na ang tuhod ko sa lapit namin.

"Don't change the topic. I've clearly heard what you said just a while ago."

Napairap naman ako, "Narinig mo naman pala. Bakit mo pa pinapaulit?"

Parang tanga!

"I just want to make sure if I heard it right."

Shuta! Narinig niya nga talaga. Lord, pwede mo na ko kunin ngayon. Hiyang hiya na ako dito sa harap ng itlog na 'to. Please lang, oh.

"Correct me if I am wrong, well, not that I'm wrong anyway, but sabi mo "mahal kita", and you are referring to me, right?" Nakangisi na niyang sabi.

Mas lalo akong kinilabutan sa pagmumukha niya. Wala talaga siyang balak na tigilan ako.

"H-hindi ah. Sabi ko maharlika! Y-yung ano, palabas yun dati diba? Di mo tanda?" nauutal kong palusot.

Wow, that's a lame excuse I can think of, huh. Just wow.

And that's majika, not maharlika! So bobo naman this girl!

"I heard it loud and clear. So mahal mo ko...Anong gagawin mo ngayon?" Nanghahamon niyang sabi.

Ay iba rin. He already claimed that I love him, leaving no questions behind about that matter. Bilib din talaga ako sa taas ng confidence niya ngayon. 'Di man lang ba siya nahihiya sa kabulgaran niya?

Tuluyan na nawala ang kaba na aking nararamdam at pinantayan ko kung ano man ang ipinapakita niya ngayon.

"So? Ano ngayon kung mahal nga kita? No big deal. It's not like I want you for myself or anything, I just love you. That's all." mataray kong sabi.

Mas lalong napangisi siya ngayon. "Thanks for admitting it, I appreciate it a lot." pilyong sabi niya.

Oh, shoot! 'Di ako makapaniwalang nahulog ako sa bitag niya.

Handa na sana akong bumanat pa nang sumulpot na sa gilid namin si higad na may dalang cocktail sa kamay. Oh great! Nice timing higad, bakit ngayon mo lang naisipang umepal kung kailan ako may sasabihin sa itlog na 'to.

Kinuha ni Achi ang para sa kaniya at paakbay na umalis siya kasama ni higad. Just what the heck?

Ganon na lang 'yon? Pagkatapos niyang malaman ang bagay na iyon ay lalayasan niya ako? He's so unbelievable! Ugh! Remind me again why I fell for that kind of guy.

Hindi pa naman huli ang lahat diba, pwede pa naman siguro akong magback out?

Pinagpatuloy nila ang pagtatampisaw sa tubig. Habang ako ay nakahalumbaba lang na nakaupo sa gilid ng pool. 'Di gaya kanina na hindi ako pinapansin ni Achi, ngayon hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na siyang sumusulyap sa akin.

Titingin sa akin tapos makikipagtawanan kay higad na para bang ako yung pinagtatawanan nila. Napapairap na lang ako sa tuwing gagawin niya iyon.

Hindi ko tuloy alam kung mas mabuting hindi na lang niya ko tinatapunan ng tingin o ganyan na nang-iinis na sulyap ang ibinibigay niya sa akin. Ang sarap niyang lunurin!

Lunurin sa pagmamahal..

I sighed.

Makire ka talaga, Ruhee!

Sumapit ang alas tres ng hapon at napagdesisyunan na nilang bumalik sa kwarto na nireserved sa kanila ng ina ni higad. Wala naman silang balak matulog dito pero ginamit na rin nila iyon para may paglagyan ng kanilang mga gamit.

Naunang pumasok si higad sa banyo at doon nagbanlaw, habang si Achi naman ay umupo muna sa couch at nagpapatuyo muna ng katawan gamit ang tuwalya. Sumalampak ako sa kama at hindi na siya pinansin. Bahala siya jan! Hindi ko siya papansinin.

Hindi na rin naman niya ako kinibo kaya hindi ko na rin napigilang makatulog.

"Ruhee! Guess what?" sabi ng pamilyar na babae.

"What?" sagot ko habang nililigpit ang mga papel sa aking kama.

"Allan will ask you out tomorrow." kinikilig pang sabi nito.

"Ask me where?"

Napairap naman siya sa'kin, "On a date, duh!"

"But why? I mean, hindi naman niya ko kilala at iba ang department niya sa atin." taka kong tanong.

"Anong why? Malamang may gusto sa'yo yung tao. And he's a friend of Mavin."

"Jesca, I'm still dwelling about the fact na kayo na ni Mavin. I don't want to be involve with anyone related to him." mahinahong sabi ko.

"Whatever. I just told you because I know you'll freak out tomorrow. I gave you a warning dahil ayokong mapahiya si Allan." maarteng sabi niya.

▪▪▪

Bumaba ako sa sasakyan at bumungad sa akin ang nagpapasukang mga tao na nakasibilyan na may nakasabit na  ID lace na nakasabit sa kanilang leeg. Tuloy tuloy ang pasok ko at kitang kita doon ang pangalan ng papasukan ko.

De La Salle University

Naglakad ako patungo sa isang building habang may binabasang papel na aking hawak. Napatigil na lang ako sa aking paghakbang nang may huminto sa harap ko dahilan para iangat ko ang tingin sa bulto nito.

"Hi, Ruhee." bati ng isang lalaki.

May kaputian ito, malaki ang pangangatawan at may ngiting nakaalay para sa akin.

"Yes?" tanong ko.

Nahihiya itong natawa ng kaunti, tinatago ang kaba na halatang halata sa kaniyang itinuturan.

"I'm Allan, by the way." pakilala nito sabay lahad ng kamay sa akin.

Tinanggap ko ito kahit na kilala ko naman na siya, "I know you. Allan Perez, right?" ganti ko.

Ngumiti ito ng malapad sa sinabi ko. "Yeah. Uh, you're friends with Jesca so I kinda know you too." nahihiya pa ring sabi nito.

Tumango na lang ako, "Do you need something from me because I have to go or else I'll be late in my class. May reporting pa naman ako." I grunted with thought of my report, totally forgetting that I"m still taking to someone.

He chuckled, "Uh. If you want, we could talk again after your class, perhaps?"

Tumango ako kahit na alanganin sa sariling desisyon. Nagpaalam na ako at isang kaway ang iginawad niya sa akin bago ako tuluyang mawala sa paningin niya.

Nagising na lang ako bigla nang may ingay akong narinig kung saan. Napatingin ako sa paligid at walang nakita ni isa sa dalawang taong kasama ko kanina. Nataranta naman ako dahil wala na ang araw at ako na lang ang mag-isa sa kwarto.

Bumaba agad ako sa kama at napahinga ng maluwag nang makita ang gamit nilang nasa lapag pa.

Akala ko naman iniwan na nila ako.

Si higad matatanggap ko pa, e. Pero kung si Achi ang nang-iwan sa'kin dito ay ibang usapan na iyon.

Naagaw ng aking pansin ang ilaw na nagmumula sa isang lamesa. Nilapitan ko iyon at nakita ang bagong text message mula sa phone ni Achi.

Kita mo nga naman. Sa sobrang okyupado kay higad ay nakalimutan niyang dalhin ang phone niya.

'Di naman siya masyadong excited na lumabas kasama si higad no? Isang irap ang ginawa ko sa isipang iyon.

Ilalapag ko na sana ang hawak ko nang maalala ko ang aking panaginip. Dali-dali kong binuhay ang screen at tinype ang password niya doon.

*angpogiko*

Halos mandiri ako sa pagtipa ng bawat letra no'n. Kahit kailan ay iba rin ang tama ng isang iyon. Nakakaloka.

Pinindot ko ang google app at doon hinanap ang mga lugar sa aking panaginip. Una kong hinanap ang paaralan na pinasukan ko pero napakamot na lang ako sa ulo dahil marami pa lang brach ito.

Inisa-isa ko ang ang bawat branch at hinanap na rin ang bukod pang mga lugar na napaginipan ko.

At doon, napagtagpi-tagpi ko ang mga piraso kung saan talaga ako posibleng nakatira. Napatulala na lang ako sa kawalan dahil sa wakas nagkaroon na rin ako ng lead sa dati kong buhay. Para akong binagsakan ng milagro ng langit sa natuklasan.

Madami agad ang pumasok sa isip ko, hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin sa sobrang gulo nito.

Naputol lamang ang pag-iisip ko nang bumukas ang pinto at niluwa noon si higad at Achi na may dala-dalang mga paperbags.

Napataas bigla ang kilay ko sa kanilang dalawa. Nagawa pang magshopping ha?

Isang hikab ang nakawala sa bunganga ni higad na agad nilingon ni Achi.

"Fix your things, I'm checking us out." sabi niya.

Tinanguan lang siya ni higad at dumiretso na palabas ng pinto. Hinabol ko siya habang tamad siyang pumasok sa elevator.

"Buti naman at may balak pa kayong umuwi, akala ko dito na kayo titira, e." pagtataray ko.

"At bakit niyo ko iniwan? Sana ginising mo ko para nakasama ako." dagdag ko pa.

Kumibit balikat naman siya, "Mukhang masarap tulog mo, nakakahiya naman kung gigisingin kita." pang-inis niyang sabi.

"Sus, ang sabihin mo, gusto mong masolo si higad kaya hindi mo na ako sinama! Sana sinabi mo na lang para umuwi na lang ako." nakahalukipkip kong sabi.

Ngumisi naman siya, "I just want to focus on her." sabi niya.

Parang may tumusok na kung ano sa aking dibdib sa sinabi niya, "Ah, ok. Don't worry 'di na ko sasama sa inyo next time." matabang kong sabi.

"Mas mabuti na nga siguro kung ganon." Nakangisi pa rin niyang sabi.

Natahimik na lang ako at walang imik na sumunod sa kaniya. Does he think of me as a nuisance? Bakit hindi niya pa ako diretsuhin? Napairap naman ako.

Kasalanan ko ba na hindi niya ako pinagbawalan sumama sa kanila? Siya pa nga minsan ang nagpupumilit na sumama ako kapag may lakad sila tapos malalaman ko na nakakaistorbo na pala ako.

Iba rin.

'Di naman masakit.

Nakagayak na sila at handa nang umalis samantalang ako ay parang robot na nakasunod sa kanila.

Hindi ko maiwasang magdamdam sa araw na ito. Clearly, I've been rejected by Achi who's now happily talking to caterpillar in front of me.

Truth be told, I was expecting something else from Achi after blurting out my feelings for him. But it seems like my confession was neglected and not even acknowledged by the guy in front of me.

I sighed.

Well, I guess it's time.

Nakarating kami sa bahay ni higad at hinatid niya hanggang sa loob ito. Alas nuebe na ng gabi at may mga ilaw na nakabukas sa labas ng bahay nila.

Nanatili naman ako sa sasakyan at hinintay na lamang si Achi mula sa kinauupuan ko.

Pumasok si Achi sa driver seat at nilingon ako. Nagtataka siguro kung bakit hindi ako lumipat sa harap gayong sabik ako lagi umupo doon. Ipinagwalang bahala na lang niya iyon at tuluyan na kaming nakarating sa bahay nila.

Naupo ako sa couch ko, malalim na nag-isip kung papaano ko ilalabas ang mga salitang nabubuo na sa aking utak.

Ingay ng mga gamit ang tanging naririnig ko sa loob ng kaniyang kwarto habang hinihintay ko siya matapos.

Nang makaramdam ng katahimikan ay huminga ako ng malalim at tumayo na nang may buong determinasyon. Ilang mantra muna ang ginawa ko bago tuluyan siyang harapin.

"Achi." tawag ko sa kaniya.

Sinilip niya muna ako galing sa pagkakahiga at nang hindi ko dinugtungan ang aking sasabihin ay umayos siya paupo.

"What's with the serious face?" takang tanong niya.

"I need to go."

Nalukot agad ang mukha niya, "Saan ka na naman pupunta?"

Napayuko naman ako, "I-I really need to go." ulit ko pa.

Inis naman siyang bumalik sa pagkakahiga at tinalikuran ako, "Bahala ka! Doon ka na kila Luper. Diba mas maganda kamo doon. Edi do'n ka na." sabi niya.

Napakunot noo naman ako sa mga pinagsasabi niya. Anong kinalaman ni Lucifer sa pupuntahan ko? At bakit naman nasama si Lucifer sa usapan?

"Huh? Pinagsasabi mo?" tanong ko.

"Sige na pumunta ka na do'n. 'Wag ka na lang magsabi kung uuwi ka dito mamaya kasi hindi mo rin naman iyon gagawin." tuloy-tuloy na sabi niya na mas lalong nagpagulo sa isip ko.

Seriously, anong pinuputok ng butsi ng isang ito?

Hindi ko na lang siya pinansin at nagfocus na lang sa sasabihin ko, "Uh, about that. Baka hindi na rin ako bumalik dito kung sakali."

Napabangon naman siya sa pagkakahiga sa sinabi ko. Sa nanlalaki at mapang-akusang mata ay sinabi niyang, "At talagang mas pinili mo magstay doon kaysa dito? Alam kong mas malaki ang bahay nila Luper pero paalala ko lang sa'yo, ako lang ang nakakakita sa'yo. Ako ang una mong nakilala kaysa kay Luper!" galit na usal niya.

Okay, now I'm lost.

Nawala na ako sa momentum at naglaho na ang natitira kong pasensya sa kaniya.

"What the hell are you talking about?!"

"Akala ko ba ako mahal mo? Bakit sa kaniya ka lumalapit?" galit pa rin niyang sabi.

Napamaang na lang ako sa nangyayari.

I can't believe this is happening right now?

Is he for real?

xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

24.9K 1.8K 94
[BOOK 1 OF 2] In her 15 years of existence, Mirai Akarui lived a normal life. She attends a normal school, lives in a normal town, and encounters nor...
3.2M 43.7K 77
UY MAHAL KITA BOOKS 1-6 available na po sa Precious Pages, National Bookstores and Pandayan! :) Bili po kayo! HEHE. Salamat :* "Dear Crush, Alam kong...
462K 3.6K 17
This story is just a Fanfiction from I Love You Since 1892 written by Binibining Mia. Within this story can be read the second story or second love o...
55.7K 2K 28
[Wattys 2021 Winner] After discovering that her mother was alive and that she has an older sister, Candida Graciela Cordova, the proud owner of Avian...