Loving Her Soul [Book 1 of Lo...

By aroxiah

200K 4.8K 1.6K

Ruhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She... More

Loving Her Soul
01 | The one and only
02 | How did you do it?
03 | Achi
04 | Nostalgia
05 | Kill this love
06 | You, witch!
07 | Oops, sorry
08 | Unnoticed
10 | Understand
11 | You're joking, right?
12 | Similar
13 | Feelings
14 | Oh, shit!
15 | Rejected
16 | Reason
17 | Eraserheads
18 | Answer
19 | Date
20 | Intervention
21 | None of your business
22 | Go
23 | Memory
24 | You're what?
25 | Sweet home
26 | Too honest
27 | Open
28 | Real date
29 | You're a cheater
30 | I'm sorry
31 | Heard it wrong
32 | Obvious
33 | Probably
34 | Eager
35 | Your friend
36 | Odd one
37 | Uneasy
38 | Love return
39 | Into you
40 | Kin
41 | Exception
42 | Invitation
43 | Traitor
44 | Loving you
45 | Oh
46 | Vulnerable
47 | Encounter
48 | Yesterday
49 | One big chaos
50 | Unresolved
Epilogue

09 | Girlfriend

3.4K 90 20
By aroxiah


09
Girlfriend

Kinusot ko ang aking mga mata at ibinalik ang tingin sa harap. May iba na itong pinagkakaabalahan kaya naman napaisip na lamang ako bigla. Namalikmata lang siguro ako o kaya naman nanlabo ang paningin dahil sa pag-iyak.

Ganoon nga siguro dahil hindi na muli ito bumaling sa gawi ko.

Naagaw ng aking pansin ang babaeng nagbibida sa gitna ng komusyon. Naroon si higad na pursigidong pinupunasan ang mga pawis ni Achi. Parang may gusto akong batuhin ng bola ah. Asintado pa naman ako pagdating sa mga ganyan lalo na kung triggered ako.

'Di rin nagtagal ay nagsialisan ang ibang nakisali sa pagbaba. Si higad at ang kanyang mga kampon ay nanatili sa grupo nila Achi. Hindi rin naman sila napapansin ng iba dahil busy ang mga ito mag-usap.

"Uy congrats! Ang galing niyo talaga." sabi ni higad habang pinupunasan pa rin ang leeg ni Achi.

"Oo naman. Hindi kami magpapatalo."

"Lalo na kung may mga cheerleader kami na katulad niyo." sabat ni Haniel.

"Syempre para kay Joachim." pabebeng sabi ni higad. Sarap sabunutan.

"Wacky, iba talaga kamandag mo." si Bryles.

Tuluyan na akong bumaba at lumapit sa kanila. Hindi ko maiwasan mapairap sa tuwing nakikita ko ang ginagawa ni higad. Like hello? Kaya na niya magpunas mag-isa ng sarili niyang pawis. May sariling kamay naman yan kaya hindi mo na kailangan gawin ang bagay tulad niyan.

Tumayo lamang ako sa kanilang gilid at 'di na nakiusosyo pa. Maya-maya ay nagsimula na rin silang gumayak paalis. Plano nilang maligo muna sa kani-kanilang bahay pagkatapos ay magkikita na lang sa isang restaurant kung saan sila kakain para magcelebrate ng kanilang pagkapanalo.

Magkasabay na naglakad patungong sasakyan si Achi at ang higad. Napairap muli ako dahil isa lang ang ibig sabihin nito. Sa likod na naman ang upo ko. Kainis.

Walang pag-aalinlangan na akong naupo sa likod habang sila ay nag-uusap. Umandar ang sasakyan at ibinaling ko na lang ang aking pansin sa bintana hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

Pumasok kami sa loob at napahinto ako ng sumunod si higad paakyat sa kwarto ni Achi. Napansin iyon ni Achi kaya naman sa gitna ng hagdan ay hinarap niya ang higad at sinabihan niya ito na sa sala na lamang maghintay.

Nakita ko pa kung paano nagpumilit ang higad pero hindi naman nagpatalo si Achi kaya sa huli ay wala itong nagawa kung hindi maupo na lamang sa sofa.

Isang irap ang iginawad ko sa kanya bago sumunod kay Achi.

"Buti naman at naisipan mo yon pababain! Sobra naman kung pati sa pagligo mo ay sasama siya sa'yo no." panenermon ko.

"Ganon talaga. Gwapo ko eh."

"Ay mayabang din. Sinasabi ko sa'yo iba ang pakiramdam ko sa babaeng iyon, layuan mo na hangga't maaari!"

"Sinasabi mo lang 'yan dahil nagseselos ka. Sus, don't me." sabay ngisi ng hambog na itlog.

"Ay malala ka na po koya! Bahala ka nga, basta binalaan na kita ha." inis kong sabi.

Naiwan ako sa kanyang kama na nakaupo habang siya ay naliligo. Naiinis ako dahil ayaw niyang makinig sa akin. Ano kaya ang dapat kong gawin para maniwala siya sa akin? Hindi talaga ako panatag na napapadalas na ang pagsama ng higad na iyon sa kanila.

Pinagmasdan ko siya kanina habang nanonood ng game. Puro pagkuha ng litrato kay Achi ang kanyang ginagawa. Minsan ay nakatitig lamang ito ng tahimik na para bang may binabalak itong masama.

Mayroon nga ba? O baka guni-guni ko lang din iyon?

Pero hindi eh! Hindi na normal ang ginagawa niya para sa akin. Nakita ko pa ang palihim niyang tago sa tissue na pinampunas ng kamay ni Achi kanina. Diba ang creepy?! Sinong matinong tao ang gagawa noon?

Kahit siguro gusto ko ang isang tao, hindi naman ako aabot na tipong ganoon na itatago ko ang bagay na ginamit ng taong gusto ko. Biruin mo, ultimong tissue hindi niya pinatawad!

She's acting like an obsessed freak. And that's really creeping me out. I don't want to brand anyone like that but based from my observation she perfectly fits the title.

Ayaw ko naman isumbong iyon kay Achi dahil baka hindi ako lalo non paniwalaan.

Bumaba kami at naabutan namin si higad na nakaupo pa rin sa sofa. Maniwala? Baka may ginawa na naman itong kababalaghan habang wala kami. Nagpaiwan pala ako dapat dito para nabantayan ko ang isang 'to.

Dumiretso na sila sa kanilang pupuntahan. Isang hotel ang aming destinasyon, Cafe bai. Nasa second floor ito at marami na halos ang nandoon, ang buong barkada pati na rin ang iilan sa nakinood kanina. Namangha ako doon dahil may live cooking show akong natanaw. Umikot ang paningin ko sa mga pagkain. From Asian to Western cuisine, just wow! Mukang masarap ang lahat ng pagkain dito.

Nakakatakam ang bawat putahe, sayang lang at hanggang tingin na lamang ako sa kanila. Buffet pa naman ito. Tsk.

Nakisalamuha na sila sa grupo habang ako ay dumiretso sa nagluluto. Wala din naman akong uupuan doon at ayoko namang tumayo na lang habang naiingit sa pagkain nila.

Ang astig talaga ng mga taong marunong magluto. Gusto ko rin sanang matuto kung tao pa sana ako. Kahit natatakot ako sa talsik ng mantika, gusto ko pa rin matutunan iyon. Nainspire kasi ako doon sa napanood kong channel nung nakaraan. Yung master chef ba yun?

Basta ang galing nila. Natutuwa pa ako doon kay Gordon Ramsay. Ang cute niya kasi. Ehe.

Nang natapos ito sa pagluluto ay napilitan na akong bumalik sa lamesa nila. Kumakain pa rin sila habang malakas na nagkukwentuhan. Naupo na lang ako sa bakanteng upuan malapit sa kanila at nakapangalumbabang naghintay sa kawalan.

Ang boring naman. Napahikab ako nang 'di nagtagal. Paglingat ko ay nagtama ang mata namin ni Lucifer. Nanatili ang tingin ko sa kanya dahil baka sakaling mapatingin ulit siya pero hindi na iyon nangyari.

Nagkataon lang kaya iyon? O baka guni-guni ko na naman iyon?

"Uy, paalala ko lang ha. Yung birthday party ko mamaya, punta kayo." sabi ni higad na ikinalingon ko.

"Luh. Ngayon ba 'yon? Happy birthday, Viy!" sabi ni Bryles.

"Oo nga pala! Happy birthday." si Haniel.

"HBD. Hindi man lang sinabi nitong si Joachim samin." panunukso ni Lucifer.

"Happy birthday." napakamot na lang sa ulo si Achi dahil halatang nakalimutan niya ang bagay na iyon.

"Di nga Joachim, nakalimutan mo?" tunog tampo ni higad.

Paalala ko lang, bawal magtampo kung wala pa kayong label! Hmp. Tampo tampo pa kala mo naman bagay. Kairita.

"Ah eh. 'Di naman sa ganon, pero parang ganon na nga. Sorry." si Achi na wala ng masabi.

"Nako, lagot! Away na yan oh." si Haniel. Sarap hampasin nito, talagang gagatungan pa.

"Ayos lang, basta 'wag kang mawawala mamaya ha!" malanding singit ni higad. Tsk.

Ilang minuto pang kwentuhan bago sila nagdesisyong umalis na. Alas singko pa lang ng hapon kaya balak nilang magpahinga muna sa kani-kanilang bahay. Magkikita na lang ulit sila mamaya sa bahay ni higad para sa party nito.

Isabutahe ko kaya ang party niya para hindi na matuloy yon? Gustuhin ko man ay hindi ko kaya iyong gawin. I won't stoop that low just to get what I want. Mamaya bumalik pa sakin ang karma no. 'Wag na lang.

Nasa garahe na kami ng mapansin ko si Lucifer na mag-isang pumasok sa kanyang sasakyan. Hindi ako matahimik sa nangyari ngayon. Kanina ko pa iyon iniisip pero nadidistract lang ako kay higad.

Kaya naman para makumpirma ang bagay na iyon ay kailangan kong gawin ang isang bagay.

"Achi, tatambay ba sa bahay mo yang si hig- este si Viy?"

"Nope. Mag-aayos daw siya doon sa bahay nila para mamaya." bulong na sagot nito. Katabi niya kasi ang higad.

"Buti naman. Sinigurado ko lang dahil may pupuntahan muna ako."

"Ha? San ka punta?"

"Jan jan lang. Sa party na tayo magkita ulit. Byeee." pamamaalam ko kahit na gusto pa niyang humabol ng tanong.

Bago pa umandar ang sasakyan ni Lucifer ay nakahabol na ako. Sa unahan na ako umupo dahil wala naman siyang kasama. Tinignan ko siya pero nakatuon lang ang atensyon niya sa daan.

Nakikita niya kaya talaga ako?

❇❇❇

Buong byahe ako nakatitig sa kanya pero ni minsan ay hindi siya lumingon sa gawi ko. Nagawa pa nga niyang sabayan ng kanta iyong binuksan niyang stereo.

Napahinto ako sa paninitig sa kanya ng nasa pamilyar na kaming bahay. Maliwanag pa at kitang kita ang kabuuan ng lupain nila.

Sinasabi ko na nga ba't sobrang ganda ng mansyon nila eh! Sa driveway ay may nagwawalis ng mga dahong nagkalat galing sa nakapalibot na puno.

Nakadikit halos ang mukha ko sa bintana habang buong galak kong hinangaan ang lugar. Napalapit kami sa malaking fountain at nakita lalo ang kagandahan nito. Malinis na tubig ang umaagos mula sa taas hanggang pababa nito.

Lumabas kami ng sasakyan at sinilip ko ito. I expect it to have some pennies but there's nothing in there. Just water and few dried leaves.

Umaakyat na paloob si Lucifer kaya dali-dali akong humabol sa kanya. Gaya ng inaasahan, wala masyadong sumalubong na tao sa kanya. Expected ko kasi may bubungad na mga kasambahay sa kanya at babatiin siya.

Tahimik lang ang buong lugar. Diretso lang siyang umakyat ng hagdan. 'Di gaya noong nakaraan mukhang malilibot ko ang bawat sulok nito ah.

Halos masampal ko ang sarili dahil hindi iyon ang ipinunta ko dito. Sumunod ako kay Lucifer at napunta kami sa isang malaking silid. May isang malaking higaan ito sa gitna. Nagsimula na siyang maghubad ng sapatos at doon ko napagtanto na kwarto niya ito.

Sobrang laki ng silid na ito para maging kwarto niya lang! Walang wala ang kwarto ni Achi kung ikukumpara dito.

Parang nakakatakot naman dito mag-isa kapag gabi.

Tumayo siya at dumiretso sa isa pang pintuan. Nakita kong naghuhubad na ito ngayon ng polo niya. Syempre, hindi ko siya sinundan no. Disente akong babae kaya hahayaan ko siyang magbihis.

Hinintay ko siya lumabas at nakapagpalit na ito ngayon ng pambahay na damit. Simpleng shorts at black t-shirt lang naman ang suot niya pero parang magmomodel ang peg niya.

Hindi ako magsisinungaling kung sasabihin kong mas gusto ko ang mukha niya kesa sa pagmumukha ni Achi.

Mas detalyado ang mga features ng kanyang mukha dahil sa pagkamoreno niya. Mas lamang din siya ng muscles kumpara kay Achi at mukang mas matino siya kaysa kay Achi.

Teka nga, bakit ko ba ipinagkukumpara ang dalawa? At bakit nasasama ko pa rin si Achi kahit wala naman siya dito? Nako po, masama ito. Bukambibig ko na halos ang itlog na iyon ah.

Hmm. Well, kung ako tatanungin, kahit na lamang itong si Lucifer kay Achi..

Kay Achi pa rin ako uuwi.

Yieeee, ang landi ko don!

Charot. Syempre siya ang unang tao na nakakita sa akin no. Tsaka kahit papano nasanay na ko na lagi siya ang aking kasama.

Oh bakit ako nag-eexplain? Muntanga lang.

Nahiga lang sa kama si Lucifer habang nakatutok ang mga mata sa kanyang cellphone. Sinilip ko kung ano ang ginagawa niya, at nakitang naglalaro lang ito ng kung ano. Ito rin yung nilalaro nila nung nagpunta sila kina Achi.

Ilang minuto bago ako nabagot panoorin siya. Mukhang wala itong plano gawin kundi ang maglaro lang sa cellphone niya.

Kaya naman lumabas na ako ng kwarto niya at naengganyo na lumibot sa palasyo niya. Paglabas ko pa lang sa pinto ay may nakita na akong dumaan na babae na may hawak na panlinis. Sinundan ko siya at nagtungo ito sa isa pang kwarto sa dulo.

Malaki rin ang silid pero 'di gaya ng kay Lucifer ay mas marami ang bagay na narito. May isang malaking frame ang nakasabit sa harap ng kama. Painting ng isang babaeng na nakasuot ng saya. Nakapusod ang buhok at litaw na litaw ang kagandahang taglay nito.

Halos luma na ang mga bagay na nandito pero makikita mo na naaalagaan ito ng mabuti dahil maayos pa rin ang kabuuan nito.
Habang naglilinis ang babaeng kasambahay ay nilibot ko na ang buong silid. Pumasok ako sa isang pintuan at doon may cabinet akong nakita. Binuksan ko iyon at puro mga saya ang naroon.

Nakaplastic ang bawat isa. Kumuha ako ng isa at halatang matagal na ang mga ito dahil sa lumang disenyo. Sino naman ang gumagamit nito?

Mukang wala naman na pero bakit kaya hindi na lang nila ipamigay? Sayang din at baka mapakinabangan iyan ng ibang tao.

Ibabalik ko na ang aking kinuha pero nasagi ko ang isang box na nakatago sa itaas. Inabot ko iyon at nang aking buksan ay puro mga liham ang laman nito. May kalumaan na ang mga ito pero buo pa rin naman ang mga papel.

Kumuha ako ng isang sobre at binasa ang nasa likod. Sa magandang mga letra ay nakasulat ang..

"Mahal kong Esperanza."

Halos ganoon ang nakasulat sa iba pang sobre. Ibinalik ko iyon sa kahon at iniligay muli sa kung saan ito nakalagay.

Gustuhin ko mang basahin ang sulat ay wala ako sa posisyon para buksan iyon. Hindi ko binuksan ni isa bilang paggalang sa nagmamay-ari nito.

Lumabas na ako at nakitang nagliligpit na ang babae, hudyat na tapos na itong maglinis. Sumama na ako sa kanyang paglisan sa kwarto. Nanatili ako sa pintuan dahil napakahiwaga para sa akin ang nakita sa loob.

A letter from the past? That got me so curious! Basahin ko na kaya at kalimutan na lang ang sinasabi kong paggalang. Tutal multo naman ako, walang makakakita sa akin. Walang magagalit.

I'm really curious. Bihira lang ang makakita ng ganon! Pagkakataon ko na ito pero nakokonsensya ako eh. Paano ba?

Bago pa ako makapag-isip isang tahol ang nagpagulat sa akin. Lumingon ako sa likod at isang galit na aso ang tumatahol sa akin.

Siya na naman? Bakit ba galit na galit ito sa akin.

"Oo na, nakikita mo na ko. Ano ngayon? As if nakakapagsalita ka." sabi ko dahilan kung bakit mas tumahol ang aso.

'Di gaya nung nakaraan hindi ito umatras ng lumapit ako. Bagkus ay mas lalo pa itong lumapit sa akin, ako tuloy ang napaatras. Nang hindi ito tumigil sa paglapit ay unti-unti na akong natakot.

"Oy, jan ka lang. Inaano kita?" kahit na siguradong hindi ako makakagat nito ay nangibabaw pa rin ang takot sa akin.

At nang tuluyan na itong susugod sa akin ay tumakbo ako habang nagsisisigaw. Ang lakas ng amats ng asong 'to! Huhuhu. Ngayon lang ako natakot sa aso.

Hinabol niya ako hanggang sa makaabot kami sa dulo ng palapag na ito. Umikot muli ako at nang nakitang bumukas ang pinto ng kwarto ni Lucifer ay dali-dali akong nagtungo doon. Nakalabas na siya ng kwarto kaya naman nakapasok na ako sa loob ng kwarto niya habang siya ay sinalubong ang kanyang aso.

Pinahinto niya ito at hinimas niya para mapakalma. Tumatahol pa rin ito sa gawi ko pero hindi na siya sumusugod. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"Bud, anong ginagawa mo at sino ang hinahabol mo?" tanong ni Lucifer. Akala mo naman sasagot yan sa'yo.

"Bwisit yang aso mo ha! 'Di ko naman inaano, hinahabol ako." sumbong ko.

"Nakakita ka na naman ba ng hindi maganda kaya ka tumatahol?" tanong niya ulit.

"Excuse me? Anong hindi maganda, ang ganda ganda ko kaya! Nako kung nakikita mo ko sigurado akong maiinlove ka sakin." sagot ko naman.

"Tara na nga at baka nagugutom ka na." hinila niya pababa ang aso.

Sumunod naman ako sa kanila pero ilang metro ang layo ko dahil baka tahulan na naman ako ng aso niya. Pumunta kami sa kitchen nila at doon niya ito pinakain. Nagulat pa nga ako ng kumuha siya ng pagkain sa ref.

Sosyal naman ng aso, steak pa ang pagkain.

Hinintay niya itong matapos at nilabas niya ito sa mansyon. Madilim na ng makalabas kami. Ginala niya ang aso sa kanilang bakuran. Hindi ko alam kung bakuran pa ba ang matatawag dito sa sobrang lawak.

Bukas na ang mga lamp post sa gilid kaya naman kita pa rin ang dinadaanan namin. Nasa likod na kami ng kanilang mansyon at isang maliit na lawa ang nandoon. Woah, imbes na swimming pool, ito ang meron sa kanila?! Kakaiba talaga ang lugar na ito.

Umupo siya sa isang swing na gawa sa isang kahoy at tanging lubid ang nakasabit sa puno. Inugong niya ito habang ang aso niya ay abala sa pag-amoy ng kung ano sa mga damo.

Nakatitig lamang siya sa lawa habang tahimik na nag-iisip.

Ano kayang iniisip niya? Parang ang lungkot niya kasi eh.

"Alam mo kung malungkot ka, pwede ka namang umiyak." sabi ko.

Isang mabigat na buntong hininga lang ang sinagot niya. Sinilip ko ang mukha niya pero ganon pa rin ito. Winagayway ko ang kamay ko sa mukha niya pero parang wala pa rin itong reaksyon man lang.

Ako naman ngayon ang napabuntong hininga.

"Akala ko naman nakikita mo ako. Mukhang guni-guni ko lang pala talaga iyon." sabi ko. Umupo ako sa puno at tumingin na rin sa lawa.

"Alam mo bang dalawang taon na simula ng maging kaluluwa ako. Ang lungkot pala kapag mag-isa ka lang. Wala akong makausap, tapos hindi ko pa alam kung bakit nandito pa rin ako sa lupa hanggang ngayon. Ang hirap din dahil wala akong memorya sa nakaraan ko. Ang dami kong tanong, hindi nasagot. Ang tagal kong naghintay, pasuko na nga ako eh, pero binigay din naman sakin ang sagot...

...Alam mo yon, kung kailan pasuko ka na tsaka naman ibibigay sa'yo yung gusto mo. Ang labo diba. Kaya kung may dinadala ka jan sa loob mo na mabigat, mawawala din yan. Tiwala ka lang, makukuha mo rin ang sagot." lintanya ko.

Natahimik ang buong paligid at ninamnam ko ang kapayapaang nanaig sa gabing ito. Wala ni isa ang kumilos sa amin. Tanging ingay lang ng kulilig ang maririnig.

Naputol lang ito ng umingay ang kanyang cellphone sa isang tawag. Nahagip ng tingin ko ang pangalan na nasa screen at nakitang si Achi ito.

"Oh?" sagot ni Lucifer.

"Tinatamad na akong pumunta eh." dagdag pa niya. Hindi ko marinig ang usapan nila kaya lumapit ako kay Lucifer at dinikit ang tainga sa cellphone.

"Ha? Anong tinatamad, hindi pwede! Pumunta ka dito." malakas na sabi ni Achi. Halatang nakainom na ang isang 'to.

Napatingin ako sa relo ni Lucifer at nakitang alas dies na pala. Luh! Hindi ko namalayan ang oras pero ang aga naman yata nilang uminom?

"Anong oras na rin, ayoko ng lumabas." sagot ni Lucifer.

"Hindi nga pwede, kailangan mong iuwi sakin yan."

"Ha? Anong iuwi? Wala naman akong hiniram sa'yo ah." takang tanong ni Lucifer.

"Ah basta! Dalian mo." sabay patay ng linya.

Napakamot na lang ng batok si Lucifer at tinawag na ang kanyang aso. Pinasok niya ito sa loob ng mansyon at pumasok na sa sasakyan niya. Sumakay na lang din ako sa kabilang upuan.

Balewala pala ang punta ko dito. Akala ko naman may bago na akong makakausap. Guess I'm stuck with that idiot Achi, huh. That stupid drunk! Ano kaya ang mga pinaggagawa non ngayon?

Madami na ang nakapark sa labas ng bahay nila higad. Pumasok kami at nagkakagulo na sa loob. Puno ang labas dahilan kung bakit kami nahirapan makapasok sa loob.

Bumungad sa amin ang nagsisigawan na dalawang babae. Sa gitna ng bilog na kumpulan ay ang nakatayong si higad na dinuduro ang babaeng hindi ko kilala.

"Get the hell out of my house, bitch! And don't you dare touch my man." sigaw ni higad.

"Your man? Assumera ka girl? Sa pagkakaalam ko single si Joachim."

"Hindi ka ba updated? Kami na!"

What the hell? Hinanap ko si Achi at nakaupo lang ito sa couch habang umiinom sa kanyang pulang cup.

"Weh? Galing magjoke ah. Porket birthday mo magjojoke ka? Funny ka." sagot ng lasing na babae.

"Shut up. I'm his girlfriend! Get it? Now get the hell out of here."

What?! Girlfriend?

Masama ang tingin ko kay Achi ng magtama ang aming mata. Napatayo siya bigla at papunta na sa kinatatayuan ko. Nanggigigil lang akong naghintay sa kanya.

Tara dito dali! Para mahampas kita ng bongga.

Ano na naman ba 'tong pinasok mo.

Ang sarap mong batukan ha!

xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

462 98 8
(Collection of One-Shot Stories) || Each life has its own story to tell.
71.5K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
616 65 14
A compilation of my personal suggestions for the best Christian-Spiritual stories here in Wattpad. Here I will give the: - Title of the Story - Name...
186K 2.8K 27
Can you bring back the PAST? Why don't you look for the LAST? Is it hard to let go? Coz I'm definitely HURT... SILENTLY.