Loving Her Soul [Book 1 of Lo...

By aroxiah

199K 4.8K 1.6K

Ruhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She... More

Loving Her Soul
01 | The one and only
02 | How did you do it?
03 | Achi
04 | Nostalgia
06 | You, witch!
07 | Oops, sorry
08 | Unnoticed
09 | Girlfriend
10 | Understand
11 | You're joking, right?
12 | Similar
13 | Feelings
14 | Oh, shit!
15 | Rejected
16 | Reason
17 | Eraserheads
18 | Answer
19 | Date
20 | Intervention
21 | None of your business
22 | Go
23 | Memory
24 | You're what?
25 | Sweet home
26 | Too honest
27 | Open
28 | Real date
29 | You're a cheater
30 | I'm sorry
31 | Heard it wrong
32 | Obvious
33 | Probably
34 | Eager
35 | Your friend
36 | Odd one
37 | Uneasy
38 | Love return
39 | Into you
40 | Kin
41 | Exception
42 | Invitation
43 | Traitor
44 | Loving you
45 | Oh
46 | Vulnerable
47 | Encounter
48 | Yesterday
49 | One big chaos
50 | Unresolved
Epilogue

05 | Kill this love

4K 100 16
By aroxiah


05
Kill this love

Tumunog ang timer. Maingay na nakapila sa labas ng classroom ang mga estudyante. Hindi mapakali ang iba sa sobrang kaba. Sa bawat tunog ng bell ay hudyat na papasok ang isa sa loob. Magkakahiwalay ngayon ang barkada sapagkat nakaayos ang pila by alphabetical.

Halata ang kaba sa galaw ni Bryles sapagkat pabalik-balik siya sa pinto para makisilip sa loob pero tinakpan ito kanina gamit ang kurtina. Samantalang ang ibang kaibigan naman ay kampante lang na naghihintay sa gilid.

May mga ibang humahabol pa ng aral sapagkat halos limang minuto lang silang nasa loob ng classroom bago pinalabas para sa kanilang practical exam sa laboratory.

Dalawang babae ang nasa harap ni Bryles bago ang kanyang pagpasok. Si Haniel ay nasa loob na kanina pa. Tahimik lang ako sa tabi ni Achi.

"Di ka kinakabahan?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ako kakabahan? Nagbasa ako kahapon diba." mayabang niyang sabi.

Umusad ang pila hanggang si Achi na ang pumasok. Bumungad sakin ang magkakahiwalay na microscope sa mesa. May mga arrow na nakadikit at papel na katabi nito kung saan dito nakalagay ang limang tanong na dapat nilang sagutan.

Umupo muna siya sa isang bakanteng upuan at humarap sa white board. Bibigyan lamang sila ng isang minuto kada station. Kalmado lang siya buong practical samantalang ang iba ay halos maiyak na. Ang iba ay may blangko sa kanilang papel pero itong si Achi ay may sagot sa lahat.

Nakisilip ako kanina sa isang microscope. Hindi ko alam kung ano iyon pero ang astig. Indeed we can't see things with our naked eyes.

Nang natapos na ang lahat ay pinauwi na din sila ng kanilang prof. Wala na silang next subject so they're free for the rest of the day.

Umalis na sila sa classroom at nagkanya kanyang punta sa kanilang sasakyan. Daan patungong bahay ang aming tinahak habang ang kanyang mga kaibigan ay nakasunod sa likod. Pinasok ni Achi ang kanyang sasakyan sa loob samantalang ang iba ay pinark na lang sa labas.

Sunod sunod silang dumiretso sa hapag at doon ay marami na ang nakahaing pagkain. Takam na takam ako habang sila ay nagsilamunan. Mukang sanay na ang mga kasambahay sa presensya ng mga kaibigan ni Achi.

Dito kaya sila lagi pumupunta kapag natapos na ang kanilang klase?

Siguro depende sa trip nila. Mas kampante ako kapag nandito sila, di tulad noong nakaraang araw na nagpunta silang bar. Akala mo mga nakawala sa hawla kung magsasayaw doon at aakalain mong hindi sila nakainom ng likido sa loob ng ilang araw kung makainom ng alak.

Bilib din ako sa atay nila ha.

Nakarami sila ng inom noon kasi nagsikainan muna sila bago sila magpunta sa bar. Gaya nga ng pagkakarinig ko, matagal daw malasing ang busog. Kaya ayun, nakita ko ang tinatago nilang anyo kapag lasing, ang pagiging sobrang makulit!

"Hindi kayo aalis?" tanong ko kay Achi na ngayon ay kasalukuyang nagbibihis.

"No. Gusto lang ng mga yon tumambay dito."

"Ok. Dito na lang muna ako sa kwarto mo para hindi ko kayo maistorbo." sabi ko sabay dive sa kama.

Hinintay ko ang pagsara ng pinto pero wala akong narinig. Inangat ko ang aking paningin at nakitang nakatayo pa rin sa dulo ng kama si Achi na malalim na nag-iisip.

"Bakit? Problema mo." taka kong tanong.

"I'm torn, I don't know if I should do my sudden naughty idea or I'll just spare their lives by leaving them alone." seryoso niyang sabi.

"What do you mean?" taas kilay kong tanong.

Ano na naman kaya ang iniisip nito? Hindi ko alam kung anong meron pero hindi maganda ang pakiramdam ko dito. Iba ang balak ng isang to.

Bumaba kami at nadatnan naming naglalaro sa cellphone ang kanyang mga kaibigan sa sala. May kanya kanyang pwesto ng higa at nagmumurahan na sila.

I really don't understand their species. Boys are...boys. I can't point out how or what they're thinking. They're unpredictable to be exact.

Well, in their defense, girls are far more complicated than them and I agree with that. I somehow don't understand myself either sometimes so I wouldn't argue in that matter.

Ilang minuto bago natapos ang kanilang paglalaro at nagtungo na sila sa third floor. Nagpadala sila kay Inchay ng popcorn habang sila ay nagkakagulo sa kung anong panonoorin. Sa huli ay nagwagi si Achi sa kanyang napili.

Madilim ang buong silid at ang tanging screen lang sa harap ang nagbibigay liwanag dito. Seryosong nanonood ang magkakaibigan habang ako ay naghihintay ng signal.

Nasa kalagitnaan na ang palabas nang makita ko si Achi na sumisenyas sa akin. Pumuwesto na ako sa baba kung saan hindi nila ako makikita.

Maya maya nang lumapit na ang babae sa screen na para bang lalabas siya ay ang siyang paglabas ko rin. Nakasuot ako ng puting bistida habang nakasuot ng wig na mahaba. Hindi ko alam kung saan niya ito nakuha pero kailangan ko daw ito dahil hindi naman nila ako nakikita.

Sigaw at takbuhan ang narinig ko habang nakayuko. Meron pang tumili na animo'y takot na babae, pero ang lubos na nangibabaw ay ang malakas na halakhak ni Achi.

Tumayo ako at nakitang nakahandusay na ito sa sahig at namimilipit sa kakatawa.

Sinasabi ko na nga ba! Manggagamit talaga ang isang to. At ako namang tong nagpagamit.

Pinagmasdan ko siya at napangiti na lang sa itsura niya. Sana lagi na lang siyang ganito. Masaya at parang walang problema sa mundo na iniitindi. Para siyang bata na masayang naglalaro sa parke.

What I'd give for this version of him. I like this better than the Achi who wouldn't let his guard down.

Bumaba kami at wala na sa sala ang mga kaibigan niya. Nilibot namin ang labas ng bahay pero wala din sila doon. Tinuro samin nung guard kung nasaan sila. Nasa labas sila ng gate at nagtatalo na nang maabutan namin.

"Bakit kayo tumakbo? Ang duduwag niyo naman." mayabang na sabi ni Lucifer kahit na puro pawis ito sa mukha.

"Nakita niyo ba yon?! Nakita niyo?!" di makapaniwalang sabi ni Bryles.

"Hindi naman totoo yon! Pinaprank lang tayo ni Achi." pangungumbinsi ni Haniel.

"Bumalik tayo para magkaalaman." suhestyon naman ni Matteo.

"Nakita niyo yon?! Lumabas yung babae sa screen! Pucha. Miski buhok ko sa baba tumaas nang dahil don!" si Bryles.

"Mga bakla. Wala pala kayo e, parang yun lang nagsitakbuhan na agad kayo " natatawang sabi ni Achi

"Siraulo ka bruv! Nakasinghot ka na naman ng droga at kami ang napagtripan mo." inis na sabi ni Lucifer.

"Tara na sa loob! Maglaro na lang tayo ng billiard." aya ni Achi.

"No fucking way, Wacky! Di ako babalik jan sa bahay niyo. Mamaya magpakita ulit yung babae no. Doon tayo sa bahay namin!" sabay pasok ni Byles sa sasakyan niya.

Walang nagawa ang iba kaya sumunod na lang sila. Akala ko kukunin ni Achi ang kanyang sasakyan pero nakisabay na lang siya kay Matteo. Ilang bahay lang pala ang pagitan at nandon na agad ang bahay ni Bryles. Malaki ang kabuuan nito pero mas malaki pa rin ang bahay nila Achi kung ikukumpara ito.

Sinalubong sila ng isang may edad na babae. Lahat sila ay isa-isa nitong niyakap at hinalikan sa pisngi. Sana all!

Alas singko na ng hapon at hindi pa rin sila nagkakasawaan sa pagmumukha ng isa't isa?

Talagang tinuloy nila ang pagtambay dito ha. Dumiretso sila sa isang kwarto at doon nagsihigaan ang mga monggoloid.

Naglaro na lang ulit sila sa kanilang cellphone at hindi na nag-usap. Ang boring naman dito. Sana pala nagpaiwan na lang ako sa bahay. Dalawang katok ang aking narinig bago bumukas ang pinto. Niluwa noon ang isang dalagang babae na may hawak ng mga pagkain sa tray.

Kakain na naman sila?

"Uy, Lianne! Aga mong umuwi ah." bati ni Haniel.

"Sus. Di ka pumasok no." pang-aasar ni Bryles.

"Tulad mo pa ko sa'yo kuya! Di gaya mo, diretso agad ako sa bahay pagtapos ng school no." sabay irap sa kapatid.

"Kapal mo, pumapasok ako no! Tanong mo pa sa kanila."

"Nagcutting yan kanina, di nga namin alam san nagpunta yan e." sabi ni Lucifer

"Siraulo! Maniniwala yan, pag ako pinagalitan ni mommy bugbog ka sakin." sagot ni Bryles.

"Whatever. Uhm, ito oh blueberry cake." nahihiyang alok ni Lianne kay Matteo.

"Oy ano yan! Bakit kami wala?!" reklamo ni Bryles.

"Kumuha ka ng iyo! Isa lang nadala ko e." mataray na sabi ni Lianne.

"Sus. Landi landi nito! Laging special treatment kapag si Matteo samantalang ako na kapatid mo di mo man lang maalok kahit tubig." dagdag pa ni Bryles.

"Ewan ko sayo , bwisit ka!" inis na sabi ni Lianne bago umalis ng kwarto.

"Tsk. tsk. Alam mo namang may gusto yang kapatid mo kay Matteo tapos ginaganyan mo pa. Panira ka ng diskarte." sabi ni Achi.

"Sus. Magtapos muna siya ng highschool bago magjowa at ikaw Matteo subukan mo lang. Hmp." masungit na sabi ni Bryles.

"Guillado, di ko type kapatid mo. Mas gusto ko mas matanda sakin." paliwanag ni Matteo.

Talaga ba? Hindi halata sa kanya ha. Kung sabagay pwede rin, baka tipo niya mga mature since tahimik lang siyang tao.

Iniwan ko sila doon at sinundan ang babae. Pumasok kami sa isang malinis na kwarto. Simple lang ang ayos nito di tulad ng aking inaasahan. Akala ko puro pink na naman ang bubungad sa akin. Nakasimangot itong bumagsak sa kama habang takip ng unan ang kanyang mukha.

Gigil itong tumili na ikinagulat ko.

"Wala talagang matinong nangyayari kapag nanjan si kuya! Di ko man lang nakausap si Matteo. Kainis." bigla niyang sabi.

So totoo nga. Ano kaya nagustuhan nito doon? Gwapo nga yun pero ang tahimik at seryoso naman.

Tumayo ito at nagsalang ng cd sa player. Inikot ko ang paligid, sa dulo ay may mga instax pictures na nakasabit sa pader. Tingnan ko isa-isa iyon at masasabi kong masaya maging kaibigan si Lianne. Sa bawat litrato ay puro kaibigan niya ang kasama. Masaya sila doon at maraming lugar na silang napuntahan.

Ganito rin kaya ang buhay ko noon? Base sa mga naalala ko iisa lang ang lagi kong kasama. Isang babae na sa palagay kong tinuturing kong kaibigan. Sana ay marami rin akong kaibigan. Sana ay ganito rin ako kasaya noon.

Ilang oras pa ang tinagal namin doon hanggang sa magkayayaan na silang umuwi. Nagawa pa nilang makipagdinner sa pamilya ni Bryles samantalang buong araw na halos silang kumakain.

Imbes na makisabay sa kanila papauwi ay mas pinili na lamang maglakad ni Achi. Di naman kalayuan ang bahay nila kaya malapit lang, at isa pa para na rin daw makabawas sa mga kinain niya ngayong araw. Body conscious lang ang peg?

"Iba rin yung bonding niyong magkakaibigan no?" basag ko sa katahimikan namin.

"Paano mo nasabi?" ganti niya.

"Wala naman. Nakakatuwa lang kasi sobrang close niyo sa isa't isa. Parang alam niyo na ang bagay bagay sa buhay niyo."

"Nagkakilala kaming lahat nung high school kami. Hindi kami nagkakasundo noon. Magkakaiba ang section namin pero magkateam kami sa basketball. Grade nine kami noon at maiinitin ang ulo kaya madalas magtalo." panimula niya.

"Miski naman ngayon nagtatalo pa rin naman kayo." singit ko.

"Kung alam mo lang, mas malala kami noon." sabi niya.

Patuloy siya sa pagkuwento habang ako ay tahimik lang na nakikinig. So Achi's been the silent type of person when they were in high school. He's inactive when it comes to school festivities and such, so when he finally decided to join the basketball club he never expected to meet those four.

Si Bryles ang unang nakapansin sa kanya. Lagi siya nitong nilalapitan na akala mo ay babaeng may gusto sa kanya sa sobrang papansin. Dahilan kung bakit napapasama na rin si Haniel na siyang kaibigan ni Bryles.

Laging nagrereklamo si Bryles tungkol sa iba pa nilang teammates, partikular na si Matteo na sobrang mambara. Sa tuwing magbabangayan sila sa laro ay si Lucifer ang laging umaawat, siya kasi ang captain ball sa grupo nila.

Laging ganoon ang eksena sa tuwing may practice kaya naman lagi silang talo sa kanilang seniors.

Isang beses silang nanalo at sobrang tuwa nila noon. Nagkayayaan sila magcelebrate para sa isang practice game na yon.

Simula noon lagi na silang magkakasama tumambay o gumala sa kung saan man. Napipilitan man si Achi sumama ay nasanay na lang din siya. Sa sobrang pangungulit ba naman ni Bryles sa kanya tuwing may gala ay mapapasama ka talaga.

Marami pa silang ganap sa buhay pero hindi na ito nilahad ni Achi. Hindi niya man ikwento ang lahat ay masasabi kong masyadong malalim na ang pinagsamahan ng magbabarkada.

❇❇❇

Maaga akong gumising at binuksan ko agad ang tv sa mini sala. Hinanap ko ang playlist sa youtube yuong narinig kong pinatugtog kahapon ni Lianne. Nagustuhan ko ang mga kanta nila kahit hindi ko naiintindihan pero kasi ito agad ang unang pumasok sa isip ko pagkagising.

Sa mahinang volume ay pinanood ko ang music video ng bawat kanta nila. Apat silang babae sa grupo at lahat sila ay magaganda! Sa sobrang tuwa ko ay napapagaya na lang ako sa kanilang mga sayaw.

Let's kill this love! Yeah, yeah, yeah, yeah.

Habang sinasabayan ko ng kanta at sayaw ang nasa tv ay biglang sumulpot si Achi na nagkukusot ng mata. Sa gulat ko ay napaupo ako bigla sa sofa dahilan ng aking pagtili.

"What are you doing?" tanong niya.

"Na-nakita mo?" nauutal ko pang tanong.

"Ang alin?" tanong niya rin.

"Y-yung ginagawa ko."

"Ano bang ginagawa mo?" tanong pa niya.

"Ah eh. Wala! Magjojogging ka ba ulit? Hindi ako sasama ha." sabi ko.

"Hindi, umuulan. Sa gym lang ako ngayon." sabi niya habang humihikab pa.

Pinatay ko ang tv at maayos na umupo sa kinauupuan ko. Shit! Nakakahiya yon. Kung nakita niya yon jusko ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko. Char.

"By the way, para kang uod kapag sumasayaw. Wag mo na uulitin." pahabol niya at pumasok ulit siya sa loob.

Umakyat ata lahat ng dugo sa pisngi ko sa sobrang pula nito. Napatakip ako ng unan at doon nagtititili.

Myghad! Hindi na ko makakapag-asawa sa kahihiyang ito. The embarassment I'm feeling right now is beyond the world. Sobrang nakakahiya! Ugh! Gusto ko nang lumayas sa pamamahay na ito, hindi ko kayang harapin ang lalaking nakasaksi sa aking tinatagong talento.

Ilang minuto ang ginugol ko para mabalik ang aking dignidad. Hmp! Ano bang pake niya? Galing ko kayang sumayaw, at yung boses ko..nako! Pang Morisette kaya to. Pakitaan pa kita ng whistle jan nang makita mo.

Lumabas siya nang naka pang workout na outfit na. Sinundan ko siya sa gym at naupo na lang sa gilid. Nagpatugtog ito gamit ang phone at umingay ang buong kwarto. May speaker pala sa taas?

Pinanood ko lang siyang magbuhat ng kung anu-ano doon. Habang tumatagal ay nabuburyo ako, ang ingay pa ng mga pinapatugtog niya. Hindi ko napigilang lapitan ang phone niya at hanapin ang gusto ko sa Spotify.

Nagsimulang tumugtog ang Sour Candy.

Tinignan ko ang lalaking seryoso at walang kiber na naglilift ngayon ng weights. Dahil wala naman itong sinabi ay buong album na ang pinatugtog ko.

Nang natapos siya sa ginagawa ay sumugod na siya sa akin at pinatay ang tugtog.

"You are now banned here!" seryosong sabi niya.

"Ha? Bakit naman?! Di naman kita inaano jan ah."

"San ka nakakita ng lalaking nagwoworkout habang ang tugtog ay kpop. Girls group pa take note." masungit niyang sabi.

"Ahm. Dito lang? Ayaw mo non, para maiba naman." pacute kong sabi na nasuklian ng kanyang pag-irap.

Hindi niya ko kinausap hanggang sa palabas na kami ng kanilang gate. Binuksan ko ang kanyang phone at pinlay ang natitirang kanta sa album. Bago pa tuluyang ito tumugtog ay inagaw na sa akin ni Achi ang kanyang phone at pinatay ang tugtog.

Aangal pa sana ako pero isang masamang tingin lang ang nakaabang sa akin. Para akong isang tuta na umamo sa upuan. Hindi na ko kumibo at nanahimik na lang.

Nang napahinto kami sa daan ay biglang may tumabi sa amin na ang lakas ng music. And guess what?

BLACKPINK IN YOUR AREA!

Hindi na matimpla ang itsura ni Achi nang lingunin ko siya. Oh hindi na ako may pakana niyan ah! Halos isumpa niya ang mga kantang iyon dahil sa buong byahe pa university ay akala mo manununtok ang isang to.

Paano naman ako? Hindi na maalis sa sistema ko ang mga kanta nila. Kasalanan ito ni Lianne e! Sana hindi na lang ako sumunod sa kanya kahapon.

Naglalakad kami sa hallway nang may biglang sumabay sa kanya sa paglalakad. Ano na naman ang ginagawa niya dito? Lagi na lang bang dapat dumikit ng sobra kay Achi kapag nagkikita sila? Hindi na ko natutuwa sayo girl ha!

Kanina pa ko napapagalitan ng lalaking iyon pero sa isang iglap, isang ngiti din ang iginawad niya sa babae.

Bakit ba sa tuwing magkikita sila ay nag-iiba ng anyo itong si Achi?

Anong meron sa babaeng ito?

Mukha namang higad.

Tsaka mas maganda ako sa kanya no!

Hmp. Kainis!

xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...
525K 14.2K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
91.9K 1.7K 41
[FIRST BOOK OF THE MAFIA SERIES] ******* "Ivan." "Queen. I need to tell you someth-" "Its fun playing with you Ivan." "Ivan. I need to end this game...