Sapphire Diamond Academy 2: T...

By Sorraya_angel

111K 3.7K 258

The new Legendary twin.. The son and daughter of the long lost princess and now the new Queen Czaquia Dannaya... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Author's Note
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Author's note
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Author's Note!!!
Chapter 18
Characters
Chapter 19
Chapter 20
Announcement?!!
Attention!!!
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Author's Note

Chapter 13

1.9K 79 1
By Sorraya_angel

Chapter 13: Inlove??

'Cristan's pov'

Nag alala na talaga ako sa aking kapatid parang wala siya sa sarili niya. Shit! Hindi niya naman sinabi sa akin ang problema niya. Ramdam ko ang bigat ng dibdib niya dahil sa bond naming dalawa pero hindi ko alam ang laman at dahilan nito!!!

"Ayos ka lang ba, Cris?"- napalingon ako ni Winter ng malumanay itong nag tanong sa akin.

"Hindi. Nag alala na ako kay Cristel."- sagot ko sa kanya.

Andito pala kami sa roof top ng building namin.

"Gusto mo na kausapin natin siya?"- tanong niya at hinawakan ako sa kamay kumabog naman ng mabilis ang aking puso sa ginawi niya. Shit! Nahulog na ata ako sa babaeng ito.

"Huwag na muna. Alam ko na sasabihin niya rin sa akin ang problema niya."- sabi ko sa kanya at hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. Mabuti naman at hindi siya nagreklamo.

"Parang lumayo si Blaze sa atin noh?"- sabi niya kaya napaisip ako. Oo nga hindi kaya may kinalaman si Blaze sa biglaang pag bago ni Cristel? Ano kaya ang ginawa ni Blaze sa kapatid ko? Maghanda ka na talaga Blaze sa oras na malaman ko na ikaw ang dahilan sa lahat ng pag babago ni Cristel.

"Hoy! Ayos ka lang ba?"- shit! Nadala pa ako sa galit...

"Ayos lang.."- sagot ko...

"Hmm parang hindi.. Galit ka?"- hmm babaeng to talaga kay dali mawala sa inis ko pag ito na kasama ko.

"Ayos na ako. Andyan ka eh.."- sabi ko at namula naman siya...

"Sira ka talaga."- aniya at humilig sa aking dibdib na siyang dahilan ng pagkabog nang mabilis nito.

"Ang bilis naman ata ng tibok ng puso mo."- shit!

"Dahil yan sayo."- sagot ko...

"Hahaha cheesy mo."- sabi niya at tumahimik naman...

"Kung manligaw ako sayo.. Ayos lang ba?"- tanong ko sa kanya..

"Mahal mo ba ako?"- deretsong tanong niya.. At humarap sa akin...

"At kung oo ano ang gagawin mo?"- tanong ko... Hamunan pala ha.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinalikan sa labi at sinabing... "Papayag ako.."- natulala naman ako sa sagot niya...

"Hoy! Shock lang ganon?"- natatawang wika niya... Kaya napapikit na lang ako ng maramdaman kong nag-iinit ang aking tainga...

"Hahaha.. Nag blush ka ba?"- asar nito...

"Shut up or else i'll kiss you!!"- banta ko ko sa kanya kaya tumahimik siya hahaha...

"Good girl.."- sabi ko hahaha

"Che!"- sungit nito...

Hays huwag kang mag alala sis kahit may sarili na akong buhay pag ibig hindi kita pababayaan...

'Blaze's pov'

Siguro infatuation lang ang nararamdaman ko kay Flare dahil unti unti na akong nahuhulog ni Freezale- ang girlfriend ko. Naramdaman ko din ang mga pag babago ni Flare pero binaliwala ko na lang ito at tinuon ko na lang ang aking atensyon ni Freezale. Elite student si Freezale at nagkalilala kami one week after nong paglakbay namin.

"Blaze, girlfriend mo ba si Freezale?"- tanong ni Hera. Nandito kami sa room maaga pa kasi.

"Oo, bakit?"- tanong ko.

"Akala ko ba gusto mo si Cristel?"- tanong niya. Mabuti na lang wala pa rito sina Cristel at Cristan.

"Oo pero hindi pa siya handa eh.."- sagot ko at napatango naman siya.

"Mahal mo ba si Freezale?"- tanong niya ulit...

"Unti unti na akong nahuhulog sa kanya. But for now i cared her so much."- sagot ko...

"I see.."- aniya at tumahimik na. Weird hindi naman ganyan si Hera. Lumingon naman ako sa pintuan at nakita ko ang pagtalikod ni... Cristel? Narinig niya kaya ang sagot ko? F*ck bakit kinabahan ako?!

'Cristel's pov'

Ang sakit! Hahahah ito na ba ang babala mo sa akin Dreamy? Kasalanan ko ba kung huli ko nang makita ang naramdaman ko sa kanya? Eh kung totoo yung sinabi niya na mahal niya ako bakit ang bilis naman atang naglaho? Oh shit! Ito na nga ba ang kinakatakutan ko eh...

"Flare? Ayos ka lang?"- napa angat ako ng tingin ng may nagtanong sa akin.. Si Stone pala.

"Ayos lang ako."- sabi ko sa kanya.

"Bakit parang naiiyak ka na?"- kulit nito...

"Wala naman. Sige ha mauna na ako."- sabi ko at hindi na hinintay na makasagot siya kaya nagteleport na lang ako papunta sa paborito kong lugar.

Mabuti pa dito napakatahimik... Hindi na muna ako papasok ngayon nawalan na talaga ako ng gana. Hays... Paano na to?

'Hera's pov'

Hindi ko alam kong magagalit ako kay Blaze.. At naawa naman ako ni Cristel. Alam ko na narinig ni Cristel ang tanong ko kay Blaze at lalo na ang sagot nito. Kitang kita ko rin ang pag guhit sa sakit at pait sa mga mata ni Cristel kanina. Naguguilty tuloy ako...

"Bakit mo ba ginawa yun?"- bulong ni Icy sa akin. Nakita pala niya.?

"Nakita mo pala. Naguilty nga ako eh ng makita ko ang sakit at pait sa mga mata ni Cristel kanina."- sagot ko dito.

"Loka ka. Alam naman natin pareho kung gaano ka hate ni Cristel ang love pero dahil sa baliw nating kaibigan mukhang nagimbal ang pader sa puso ni Cristel.."- pansin rin niya yan?

Natahimik naman ako dahil totoo ang sinabi niya.

Nakita ko naman na pumasok si Stone at umupo sa tabi ni Icy..

"Nakita ko si Cristel galing yun dito. Pero bakit parang namumula ang mata non?"- tanong nito.

"Ewan ko.."- sabay na sagot namin ni Icy... Ayaw naming ipaalam sa kanya.

Tumahimik naman siya...

Lunch time na lang pero hindi pa rin bumalik si Cristel at kita na ang pag alala sa mukha ni Cristan. Samantalang si Blaze ay pumunta na sa Girlfriend niya.

Nandito na kami sa cafeteria ng magsalita si Cristan.

"Wala ba kayong alam kung na saan si Cristel?"- tanong nito sa amin.

"Wala eh.."- sagot namin.. Nakita naman namin na kumuyom ang mga kamay ni Cristan at agad naman itong hinawakan ni Winter...

"Kalma lang. Nagpahangin lang siguro si Cristel."- sabi nito at bahagya namang kumalma si Cristan. Hmmm may something sa kanila. God! Aphrodite pinaglaruan mo ba sila?


'Cristel's pov'

Malapit ng sumapit ang gabi ng magising ako. God! Nag alala na tiyak si Kuya sa akin ngayon!

Mabilis akong bumangon at pinagpag ko ang kumapit na dumi sa aking kasuotan at naglakad na papuntang dorm.

Malapit na ako sa dorm ng matanaw ko si Blaze at Freezale na nagkasama.. Panira talaga!

Binilisan ko na lang ang aking paglalakad ng makita kong hahalikan na ni Blaze si Freezale... Shit! Shit! Meirda!!

Pagdating ko sa dorm ay agad ko itong binuksan at hindi ko na pinansin ang pag tawag nila sa akin at tuloy tuloy akong pumasok sa kwarto at ni lock ito. Shit! Hindi ko na napigilan ang pag buhos ng aking luha!!! Ang sakit pala... Bakit ba ako umasa na hintayin niya ako? Pinaasa ba niya ako? Pero umasa ako eh... Ang sakit. Napakasakit sa dibdib! Oh ! Aphrodite bakit ako pa? Bakit? May kasalanan ba ako? Ano????? Shit ang sakit....

'Third person's pov'

Tahimik lang ang mga royalties sa sala ng hindi sila pinansin ni Cristel at nang makapasok ito sa sariling silid ay ang pag buhos naman sa ulan na yelo...

"Umiyak siya. Nasaktan ang kapatid ko."- bulong ni Cristan pero rinig naman ito ng mga kasamahan nila.

Napalingon silang lahat ng bumukas ang pintuan at pumasok si Blaze at may kasama ito.

"Magandang gabi, Your Highnesses.."- sabi nito sa mahinang boses... Lihim namang napaismid si Hera at Icy.

"Sino siya Blaze bakit siya nandito?"- malamig na tanong ni Cristan.

"Girlfriend ko si Freezale. Dito kuna siya magpalipas ng gabi dahil napakalakas ng ulan sa labas at puro pa ito niyebe.."- sagot nito...

"Hindi mo ba alam kung anong ibig sabihin nito?"- tanong ni Winter at umiling naman si Blaze. Nakalimutan na niya ata... Sa isip ni Hera

"Sige diyaan na kayo. Puntahan ko lang si Cristel."- sabi ni Cristan at tumingin naman kay Cristan si Blaze na nagtatanong ang mga mata pero binaliwala lang ito ni Cristan at umalis na. Napabuntong-hininga naman si Winter at sinundan si Cristan...

Nakita ni Winter si Cristan sa labas ng kwarto ni Cristel.. Kaya nilapitan niya ito...

"Hayaan muna siya, kausapin natin siya bukas. Okay? Pahinga kana."- sabi ni  Winter kay Cristan tumango naman si Cristan sa turan ni Winter...

"Matulog ka na rin.."- sabi ni Cristan at hinalikan sa noo si Winter... Nakangiti na mang pumasok si Winter sa kwarto niya.. Pumasok naman si Cristan sa kwarto niya at napaisip sa kung ano ang dahilan kung bakit umiyak ang kapatid hanggang sa makatulog na ito.

Si Cristel naman ay nakatulog na lamang sa kakaiyak...

-------------
End of Chapter 13

Thank you sa support guys!!!

I love you!! 😍😍😘😘😘

Sorraya_angel

Continue Reading

You'll Also Like

447K 24.6K 166
Featured at Wattpad's Editor Picks list. Luna, an overworked Engineer, had an unfortunate end. Her spirit, feeling wronged, fights Death for a second...
663K 23.9K 200
[FIXED/FAN TRANSLATION] A student who was preparing for the Civil Service examination for 4th year suddenly found himself in an unfamiliar body 3 yea...
637K 19.8K 63
An ordinary girl in the mortal world is just a nobody but she didn't know that she's the lost princess... And the special blue moon necklace is missi...
438K 18.3K 123
SYPNOSIS Reading Purifying Love made Rachelle D'magiba feel very insulted. The ending that the author had written didn't go well with her expectation...