Wicked Witch

By crestnotfallen

31.4K 1.2K 216

"It's easy to say that you're willing to love a person not until the day you've seen her capability to destro... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 27

552 23 3
By crestnotfallen

Weeks after my birthday, the properties, funds, and other inheritance that my mother left me have been transferred under my name.

Ang ibang shares din sa kompanya ng mga Castañeda ay nailagay na sa pangalan ko.

Nagsimula si Lucho na magtrabaho kasama si Daddy. Hindi ko alam kung paano ang kalakaran ng business deal nila ngunit umaasa na lamang ako na bumalik ang lahat sa dati para kay Dada.

After everything that happened, I finished my schooling at Cagayan and fly to New York to study for College. Sumunod ako sa kagustuhan ng ama na kumuha ng Business Management. Kasama kong lumipad si Mamita rito upang makasama rin namin si Dada.

But unlike what my father wanted, imbes na tumira sa bahay na binili niya para kay Dada upang makasama ko sila ni Mamita roon, I requested to have my own place. Mas malapit iyon sa University kung saan ako nag-aaral.

My grandfather is still undergoing rehabilitation from his stroke. Hindi pa rin nito maigalaw ang kalahating katawan nito. Nakakapagsalita ito nang maayos ngunit hindi pa nito naigagalaw ang isang kamay at paa. He's now supported by a wheelchair.

Hindi ko siya kayang tignan. Hindi ko matagalang makita siya sa ganoong kalagayan. Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit sumunod na lamang ako sa kagustuhan ni Daddy. I feel partly responsible of my grandfather's disability.

I started to live in my own unit but my father didn't let me live alone. Dad hired a new maid to live with me and Ate Lala for my security. Dahil lingid sa kaalaman namin ay matagal na palang nakakatanggap ng death threats si Daddy. Saka lamang niya iyon pinaalam sa amin nang maging ako ay makatanggap ng isa simula nang ganapin ang engagement party.

It was said that it started when the scandal about him and Aubrey Ricafort surfaced. That's why he's been into hiding. Ngayon ay patuloy pa rin ang pag-iimbestiga kung sino ang nagpapadala ng mga death threats.

"M-Miss R-Raegan."

Mula sa pagtitipa sa harap ng laptop ay natigilan ako nang marinig ang nauutal na pagtawag sa akin ng bagong maid.

May mahigit na tatlong taon na simula nang manirahan kami rito at mahigit tatlong taon na rin siyang naninilbihan sa akin ngunit palagi ko pa rin itong napapansin na waring takot na takot sa akin.

She even looked familiar but I can't point out who she looks like or when did I see her. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Maybe her face is just too common. Ngunit minsan, hindi ko maiwasang isipin kung saan ko nga ba nakita ang mukha niya.

"H-Handa na po ang h-hapunan sa labas.", pagbibigay alam niya sa akin.

Hindi ako umimik at pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi tuloy nito malaman kung ano ang sunod na gagawin nang hindi ako gumalaw para lumabas at kumain.

She fidgets on my side as she nervously waited for me.

Pinabayaan ko siyang maghintay sa akin doon. Hindi ko kasi mapigilang mairita. She never complete her sentences without stuttering when talking to me.

Naririnig ko naman itong nakakapagsalita nang maayos kapag kausap ang ibang tao. Sa akin lang talaga siya nauutal at laging natataranta sa takot.

Narinig kong may biglang nagbukas nang pabalang sa pinto ko nang ilang sandali pa ay hindi ako kumilos.

"Hindi ka pa ba tapos?", boses ni Ashton iyon.

Dire-diretso siyang pumasok sa kuwarto ko.

I heaved a deep sigh. He is already currently working in the company. He just visits from time to time when he wants to. Lalo na tuwing pagod na pagod ito mula sa trabaho at gustong takasan ang responsibilidad doon upang pumunta rito.

He knows that they'll cut him a slack if he'd say he's going to see me. Isa ito sa mga araw na bigla bigla na lamang siyang darating nang walang pasabi. Ni hindi ko nga alam na nandito na naman siya.

Ginagawa niyang byaheng Cagayan at Manila ang Manila sa New York. The de Veras might have been that wealthy for Ashton to just travel back and forth.

"Lalamig na ang pagkain sa baba. Ako pa naman ang nagluto.", dagdag niya nang makalapit sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Narinig ko na lang na pinauna niya na si Mae na lumabas saka siya umupo sa kama ko nang kami na lang dalawa ang naiwan doon.

"Tigas talaga ng ulo. Ano? Tatayo ka diyan o bubuhatin kita?", tanong niya nang hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa.

"I'll count to three."

"Isa..."

"Dalawa..."

"Tatlo."

Hindi pa rin ako gumalaw. I heard him hissed na parang napupuno na sa akin. Tumayo ito doon at malalaki ang hakbang na lumapit sa akin.

"Don't you dare.", I warned him when he's about to touch me.

Pero hindi siya nakinig. Mabilis na sinikop niya ako doon mula sa swivel chair at walang kahirap hirap na binuhat.

"Ano ba?!"

Pilit akong umalis sa pagkakabuhat niya at hinampas siya sa braso.

"Aray naman!", daing niya.

Mas lalo lang akong nairita nang hindi naman ito mukhang nasasaktan dahil tinatawanan niya lang ako lalo.

I huffed in annoyance.

This happens all the time. Magrereklamo siya sa pagod sa trabaho pero tuwing pupunta siya rito ay hindi naman siya napapagod na inisin ako. Tinalikuran ko siya at bumalik sa laptop ko para i-save ang mga drafts na ginawa ko para mashutdown ko na ang laptop.

Naramdaman ko ang paglapit niya para tignan ang ginagawa ko.

"You didn't wear your ring again.", nawala ang kapilyohan sa seryoso nitong boses nang sabihin niya iyon.

Sumulyap ako sa kaniya at nakitang nakatuon ang mga mata nito sa kamay kong naroon sa keyboard ng laptop.

I averted my gaze and just shut my laptop to walk towards the door.

"I haven't seen you wear it again after the engagement party. Bakit?"

Sumunod ito sa akin papunta sa pinto.

"Even without the ring people already know we're engaged, de Vera.", tipid kong sagot at lumabas na ng kuwarto para pumunta sa hapag.

"Yun ba ang dahilan kaya hindi mo suot? O ayaw mo lang kasi hindi ako ang gusto mong magsuot niyon sa'yo?"

Huminto ako sa paglalakad at nagsalubong ang kilay. Humarap ako sa kaniya.

"Anong gusto mong sabihin?"

Umangat ang dulo ng labi nito habang naninimbang ang seryosong tingin sa akin. Saglit siyang nanatiling ganoon saka niya pinilig ang ulo at natawa.

Lumapit siya at ginulo ang buhok ko.

"Wala, kain na tayo.", saad na lamang nito at nilampasan na ako para unahang pumunta sa dining.

Bumuntong hininga ako at binalewala na lamang iyon.

The three of them talked while we're eating but I remained silent. Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala nang lumabas na salita mula sa bibig ko. Bumalik din ako agad sa kuwarto. Dumeretso ako sa banyo para magsipilyo at linisan ang sarili. Nang matapos at makapagpalit ng pantulog ay saka ako lumabas para ipagpatuloy ang naantalang gawain kanina.

Ngunit nang lumabas ako ay naabutan kong naroon si Ashton na nakahiga sa kama ko. Nakapantulog na rin ito at waring kanina pa naghihintay sa akin.

I furrowed my brows.

"What are you doing here?", iritado kong tanong nang makita na prente siyang nakahiga pati sa unan ko.

Mula sa pagtingin sa kisame ay bumaling siya sa akin. Naroon na naman ang mapaglarong ngiti nito sa labi.

"Get out."

Nagkibit balikat lang siya.

"Make me. I want to see you try.", panghahamon niya habang natatawang itinaas pa ang mga kamay na inuudyokan akong buhatin siya palabas.

Marahas akong bumuntong hininga dahil mas matutuwa lang ito tuwing nakikita niyang napipikon ako.

Naglakad na lang ako palapit sa study table ko at umupo doon para humarap ulit sa laptop ko.

"What do you need?"

Doon lamang ito huminto sa pagtawa at biglang sumeryoso. Bumangon siya at umupo sa kama.

"I just realized how we really haven't talk about each other ever since the engagement. It's just you know...unfitting since we've been engaged for five years now. Two more years after you graduate and we're going to get married pero wala pa tayong alam tungkol sa isa't-isa."

Saglit akong natigilan dahil totoo iyon. Ever since the engagement we never really talked to get to know each other. Usually, people who are bound to get married already know a lot about each other. Samantalang kami, estranghero pa rin kami sa isa't-isa.

I can't blame myself though. I just find it hard to open up to someone again. Kaya kahit ilang taon na ring pakalat kalat si Ashton sa paligid ko ay kahit minsan, hindi niya pa naaakyat ang mas matatayog na pader na nakapalibot sa akin.

And I'm not planning to lower down my walls to anyone again. Kahit tangkain pa ninuman na gibain iyon ay hindi na ako papayag.

The last time I invested myself too much to a person with a bad deal made me go bankrupt. I already learned my lesson. At hindi ko na iyon uulitin.

Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa at parang napipikon na si Ashton sa kawalang interes ko sa sinasabi niya.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga.

"I'm the eldest child of Lucho de Vera from his first wife. My mom left my dad for another man kaya nag-asawa siya ulit. Nagkaroon ako ng tatlong babaeng kapatid sa pangalawa niyang asawa.", panimula niya sa pagkukwento.

Nanatili akong nakaharap sa laptop nang magpatuloy siya.

"Si Daddy, siya nalang ang meron ako. Kahit may bago na siyang pamilya sa bahay pa rin siya umuuwi. He'd still go home because he's worried that I might be alone. He's not perfect, but he's a good father to me. When my mom left him, he became alcoholic, but he worked hard on our company. Lahat ginawa niya para umangat ang kompanya at maibigay lahat ng pangangailangan naming magkakapatid."

"He wants the company to be at its best state para kapag naipasa niya na sa akin ang posisyon niya ay hindi na ako masyadong mahihirapan. He wants to assure my position that's why he wants to merge our company to yours. Matagal nang sinusuyo ng Daddy ko si Sir Richard at Don Ricardo para sa partnership ng kompanya pero laging hindi natutuloy dahil meron ang mga Zardeleja. You know how your grandfather and Don Leonardo are like brothers who back each other up. But when an incident happened which caused Sir Richard to lose his credibility as a businessman and Vince Zardeleja decided to turn his back from you, doon lamang walang nagawa ang Daddy mo lalo na rin sa kalagayan ng Don."

"Gusto ni Daddy na magkaroon ng assurance sa kasunduan dahil alam niyang pwedeng makabangon ulit kayo na hindi na siya kailangan. Kaya ako na mismo ang nagpresinta na maengage sayo bilang katibayan ng kasunduan nila. Dahil kapag nagpakasal na tayo, hindi na uurong si Sir Richard dahil nakatali ka na sa akin. I just didn't think that when I wanted to be engaged, it would be with you. Alam ko na hindi mo gusto ang nangyayari at siguro napilitan ka lang kaya ka pumayag. I'm sorry. It's just that...I wanted to help my father. It's the least thing I can do for him."

Wala akong naapuhap na salita dahil sa lahat ng narinig mula sa kaniya. Nanatiling tikom ang mga bibig ko. It's not as if hearing his explanation would change anything.

At hindi naman nila kasalanan. If there's anyone to blame, it would be my father. Siya ang puno't dulo ng lahat.

Lumingon ako sa kaniya at nakita kong nakayuko ito sa kamay niya. Mistulang marami itong iniisip habang nasa ganoon siyang posisyon.

Saka lang siya tumigil nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Napansin ko ang mabilis na pagdaan ng lungkot sa mga mata niya at inalis niya lang iyon nang magsalubong ang mga mata namin.

"If you still want to know anything, just ask me.", he said while waiting for me to ask him.

Pero hindi ako nagtanong. Nanatili lamang ang blangko kong tingin sa kaniya.

"If you no longer have questions, I'll be the one to ask you then."

He looked at me without any trace of mischief in his eyes. He's weighing my expression as he stared back at me.

"What's between you and Levi?"

Natigilan ako sa tanong niya. I hated how my heart instantly reacted with the mention of his name.

After all these years, it became a silent rule that his name is a forbidden word that no one is allowed to utter. Akala ko ay hindi na rin magtatanong si Ashton tungkol dito magmula nang madatnan niya kami sa hotel room ko noon.

"I never really wanted to ask but if it can skin the shit out of Levi then I'm all ears."

Base sa tono ng boses ni Ashton ay halata roon ang malaki nitong disgusto sa lalaki. I didn't know about their history but the animosity between them is undoubtedly evident.

Nag-iwas ako ng tingin mula sa mapanuri niyang mga mata.

"I'm tired. Matutulog na ako.", pagtataboy ko sa kaniya ngunit hindi ito kumilos doon hangga't hindi nakakakuha ng sagot mula sa akin.

"Are the two of you together before the engagement happened? Kaya ba nang malaman niyang sa akin ka na engaged ay galit na galit siya?"

Pinilit ko ang sariling hindi magpaapekto sa mga tanong niya. Pinilit ko ang sarili na hindi makitaan ng kahit anong emosyon dahil ayaw ko na iyong pag-usapan pa.

"You still have lingering feelings for him don't you?", he probed.

Hindi ako umimik. Dahil sa katahimikan ko ay tumango si Ashton na waring nakakuha siya roon ng sagot.

"So you still have something for him."

"Don't put words in my mouth.", I said through gritted teeth.

Hindi ko sinasadyang magalit sa tono ko ngunit iyon ang kinalabasan.

"You're avoiding the question instead of simply saying no. Ano sa tingin mo ang maiisip ko?"

I faced him again and saw how he's still dead serious while watching me.

"I'll ask you again. Do you still feel something for him?"

Hindi ako nakaimik ulit. Hindi ko alam kung bakit ang dali-dali lang tumanggi pero hindi ko pa rin magawa. I'm avoiding the thought of him all these years that when someone decided to bring it out again make me feel so stupid.

Limang taon na, for fuck's sake. Bakit pa rin ako nasasaktan?

I thought I already went numb. Akala ko dahil hindi ko na siya nakikita at wala nang nagpapaalala tungkol sa kaniya ay maayos na ako. It should be him who's hurting. It should be him who's suffering. That's the reason why I spit everything I said to him before.

Pero bakit kabaliktaran ang nangyayari?

Ilang minuto ang lumipas na nanatili akong walang imik na dahilan ng pagtayo ni Ashton doon at lumapit sa akin.

Hinarap niya ako sa kaniya.

"You love him."

Tinignan niya ako mata sa mata nang sabihin niya iyon para sa akin. Hindi ko maiwasang mairita.

Tinanggal ko ang hawak niya sa akin at tinalikuran siya.

"Silence means yes."

He insisted as I went passed him. Naikuyom ko ang kamao.

"No, de Vera. Silence means I don't need to answer your stupid question."

"Your graduation is imminent. Months from now you're going back to the country with me. You're going to face him again. Kaya kung gusto mong ipakita na wala ka nang nararamdaman para sa kaniya, ngayon palang ay totohanin mo na."

Ipinikit ko nang mariin ang mata dahil sa sinabi ni Ashton. Hindi na ako nagsalita hanggang marinig ko na lamang siyang lumabas sa kuwarto ko mula sa pabalang na pagsarado niya ng pinto.

Damn it.

Continue Reading

You'll Also Like

41.3M 686K 61
Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng buong school yung status mo. Wait, nasabi...
230K 4.4K 44
COMPLETED. MFBB SEQUEL MY FLOWER BOY BROTHER (BOOK 1 ans 2) IS NOW AVAILABLE AT PRECIOUS PAGES STORE FOR ONLY 119 PESOS :) Grab your copy now :) Pa...
179K 572 5
Keila Adrienne Ferrell Montenegro a cold hearted woman but it all changed when she laid her eyes on a hot and sexy conceited man. Will she be able to...
6.9K 530 21
Different personalities... Different stories... One island. Six individuals went to a secluded island to move on from their past lives. As their stor...