The girl who cried murder

By Serialsleeper

4M 168K 79.8K

Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask... More

Prologue
Chapter 1 : The Crimson Ripper
Chapter 2 : Teenage freaks
Chapter 3 : And then there was him
Chapter 4 : The Bad blood
Chapter 5 : Play my game
Chapter 6 : Can you save them?
Chapter 7 : Smells like teenage sht
Chapter 8 : Left for dead
Chapter 9 : Faces of Grief
Chapter 10 : Dead and Gone
Chapter 11 : Never look back
Chapter 12 : Tattle
Chapter 13 : Bloodshot eyes
Chapter 14 : Pointing fingers
Chapter 14 : Pointing Fingers (cont.)
Chapter 15 : Vague
Chapter 16 : How bad the past was
Chapter 17 : A toast
Chapter 18 : The Name Game
Chapter 19 : The end of their story
Chapter 20 : Rippled Effects
Chapter 21 : Hoodwinked
Chapter 22 : The past she begged to bury
Chapter 23 : Her Worst Nightmare
Chapter 24 : The good girl's downfall
Chapter 25 : Her untold misery
Chapter 26 : How to end the game
Chapter 27 : Nice to meet you
Chapter 28 : The Missing Piece
Chapter 29 : Ain't a coward
Chapter 30 : She who cried murder
Chapter 31 : Beguiled
Chapter 32 : The Bloody History of Crimson Lake
Chapter 34 : The Expiration
Epilogue.
Author's Note
Sequel

Chapter 33 : Haywire

95.7K 4.5K 3.9K
By Serialsleeper

Are you ready? wahahahaah

Heto na...

Mahaba-haba siya so dont skip okeee?

hahahaha.

bwahahaha.

MERRY CHRISTMAS PALA HOHOHO

Chapter theme on the side ->

33.

Haywire

Third Person's POV

"D-dustin?" Napako si Tammy sa kinatatayuan at lalong napahagulgol. "No! Dustin anong ginawa mo?! Paano mo nagawa sakin to?!" Labis na nanlumo at nasaktan si Tammy sa nalaman. 

"Kuya okay ka lang ba?" Natatarantang lumuhod ang umiiyak na si Dustin sa harap ni Kirk na namimilipit sa sakit at hindi na makatayo.

"Kirby si Tammy..." Mahinang sambit ni Kirk na para bang alalang-alala kaya tumayo na lamang si Dustin at hinarap si Tammy habang nakayuko ang ulo.

"A-ate..." Panay ang pag-hangos ni Dustin. Ni hindi niya magawang tingnan si Tammy dahil alam niya ang galit na nararamdaman nito.

"Dustin anong ibig sabihin nito? Dustin anong ginawa ko sayo?! Dustin paano mo nagawa sakin to?!" Halos walang lumabas na boses mula sa bibig ni Tammy. Panay lamang ang kanyang hikbi't hagulgol samantalang nakatayo lamang sa likod niya si Quinn na hindi makakilos dahil sa gulat.

"Ate magpapaliwanag ko! A-ate please magtiwala ka lang sakin!" Aligaga, Iniangat ni Dustin ang kanyang ulo nagmamakaawang tiningnan si Tammy sa mga mata. Humakbang siya papalapit pero humagulgol lamang lalo si Tammy at itinutok sa kanya ang hawak na baril.

"Stay away from us! Pare-pareho lang kayo!" Nanginginig ang mga kamay ni Tammy pero hindi parin niya binababa ang baril. Si Quinn naman ay nanatiling nagtago sa likod ni Tammy.

"T-tammy 'wag mo siyang sasaktan!" Suminghap si Kirk at lumunok. Idinaan niya ang palad sa mukha upang mapunasan ang tubig ulang tumatama sa mukha niya, "Tammy ako ang saktan mo 'wag si Kirby! Ako ang may ideya nito!" Giit ni Kirk na pilit itinataas ang dalawang kamay na tila ba kinukumbinsi si Tammy na ibaba ang baril.

Sampung taon na ang nakakaraan, nasa playground ng isang ospital sa Maynila ang mga batang sina Kirk, Kirby at Calix kasama pa ang ibang mga batang gaya nila'y sumasailalim sa mga trauma theraphy at counseling.

"Kuya ayoko!" Pagmamakaawa ng umiiyak na si Kirby at paulit-ulit na umiling-iling. "'Wag mo akong ipamigay, ayoko! Sama lang ako sayo!" Pilit siyang nagsasalita sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

Lumuhod si Kirk sa harap ng nakababatang kapatid. Ayaw niyang makita siya nitong umiiyak kaya itinali na lamang niya ang sintas ng butas at lumang sapatos ng kapatid.

"Kirk sigurado ka ba dito? Kamamatay lang ng tatay niyo! Diba dapat 'wag kayong magkahiwalay?" Giit naman ng batang si Calix na nasa likuran lamang ng magkapatid.

Huminga ng malalim si Kirk at taas-noong hinarap si Calix. Umiiyak man, pilit niya itong tinatago sa pamamagitan ng pag ngiti.

"Sigurado ako. Payag na akong ampunin ng mag-asawang 'yon ang kapatid ko. Diba nga ikaw na mismo ang nagsabi, mabait yung crush mo kahit na hindi nagsasalita at iyak lang ng iyak. Siguro naman aalagaan niya si Kirby." Giit ni Kirk kaya walang nagawa si Calix kundi tumango-tango na lamang.

Huminga ng malalim si Kirk upang mapigilan ang sariling humikbi. Pinunasan niya ang luha gamit ang nakakuyom na kamao at muling humarap sa nakababatang kapatid.

Lumuhod si Kirk upang maging magkapantay sila ni Kirby. Pilitin man niya ang sariling magpakatatag, hindi na niya tuluyan pang napigilan ang muling pagtulo ng kanyang luha.Hinawakan niya ang batok at likurang tenga ng kapatid.

"Kirby makinig ka, hindi kita pinapamigay. Hahayaan lang kitang magkaroon ng magandang buhay kasama ang mga taong makakapagbigay sayo nun. Hindi ka na pwedeng maging si Kirby De Verra kasi huhusgahan ka lang nilang lahat. Nakita mo naman ang ginawa nila kay Tatay diba?" Tuluyang napahikbi ang noo'y 12 na taong gulang pang si Kirk, "Sasabihin mo sa kanilang lahat na wala kang naalala. Na wala kang kapatid. Naw wala kang pamilya. Magpanggap kang wala kang naalala. Kalimutan mo ang impyernong pinanggalingan natin. Pero si tatay." Tinuro ni Kirk ang dibdib ni Kirby, "'Wag na wag mong kakalimutan kung gaano tayo kamahal ni Tatay. Kirby tatandaan mo yan palagi. Pamilya tayo." Giit ni Kirk.

"Saan ka pupunta? Sama ako! Paano yung mga demonyong pumatay kay Tatay? Ipakulong natin sila!" Hagulgol naman ni Kirby.

Hindi na kaya pa ni Calix na panoorin ang magkapatid na nasasaktan kaya hinayaan na lamang niyang mapag-isa ang mga ito at umalis.

"Kirby hindi sila naniniwala satin! Nakita mo ang ginawa nila kay Tatay! Kirby maghahanap ako ng trabaho. Gaya ni tatay magtatrabaho ako ng mabuti. Magpapayaman ako. Gagawin ko ang lahat para maging malakas. Sinaktan nila tayo kasi mahina tayo. Kirby babalikan ko sila. Kapag malakas na ako, makakaganti na ako. Kirby makakaganti rin tayo sa kanila balang araw. Maigaganti natin si Tatay" Paliwanag ni Kirk sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

10 years later...

"Ate mauna ka na sa parking lot. Daan muna ako sa pizza shop. Andun daw kasi barkada ko." Paalam ni Dustin nang magkasama sila ni Tammy na mag grocery sa isang mall.

"Ha?! Dustin naman eh, andami kong dala oh! Di ka  ba naawa sakin? And besides you're grounded matapos kang gabihin last week kasama ang barkada mo. Dustin baka mapagalitan pa ako nila Mommy at Daddy." Nakabusangot na sambit ni Tammy sa kapatid sabay turo sa mga nabili.

"Hindi, ako bahala. Mabilis lang to. Sige ganito, tig dalawa tayo ng bibitbiting supot. Sige na ate please?" Pangungumbinsi ni Dustin gamit ang nangungusap na mga mata at ngiting abot tenga.

Napabuntong-hininga na lamang si Tammy at napangiwi, "Fifteen minutes. Pag-ikaw Dustin natagalan, isusumbong talaga kita kay Mommy." Banta nito pero ngumisi lamang si Dustin at humagikgik.

"You won't do that. I'm your favorite brother." Pagmamalaki ni Dustin sabay akbay sa 'kapatid'.

"You're my only brother... Idiot." Giit ni Tammy saka pabirong inirapan si Dustin at naunang umalis.

Nang masigurado ni Dustin na nakalayo na si Tammy ay dali-dali siyang nagtungo sa Pizza shop.

"Kuya!" Gaya ng dati, sabik na sabik siyang nagtatakbo patungo sa table na kinaroroonan ng totoong kapatid at yumakap sa likod nito.

"Aray, aray, Mabibilaukan ako!" Giit ni Kirk pero tinawanan lamang siya ni Dustin bago umupo sa tapat nito.

"Kuya pasensya na natagalan. Nag-grocery pa kasi kami ni Tammy. Baka kasi di niya ako bilhan ng stick-o pag di ko siya sinamahan dun." Paliwanag ni Dustin atsaka nilamon ang Pizza na bili ng kapatid para sa kanya.

"Kirby, hanggang ngayon ba hindi mo parin siya tinatawag na Ate?" Tanong ni Kirk kaya agad nilunok ni Dustin ang kinakain kahit pa hindi pa niya ito lubos na nangunguya.

"Kuya naman, baka may makarinig sayo. Dustin na ako diba?" Giit ni Dustin at agad na nilibot ang paningin sa pag-aalalang baka may makarinig na nakakakilala sa kanila ni Tammy.

Napabuntong-hininga na lamang si Kirk at ngumisi, "Oo na Dustin." Pagdidiin niya, "Si Tammy pala 'yung kasama mo? Akala ko girlfriend mo." Dagdag pa niya kaya si Dustin naman ang napangisi na tila ba nanunukso.

"Ganda ng kapatid ko diba? Di lang siya maganda, sobrang bait pa. Kainis, andaming nanliligaw sa kanya, mukha namang mga tilapia ang mga lalakeng 'yun. Tiyak paiiyakin lang siya nun.  Sana ikaw ang maging boyfriend niya. Sigurado kasing hindi mo siya sasaktan. Ipakilala ko kaya kayo sa isa't-isa?" Kwento ni Dustin kaya natawa na lamang si Kirk at umiling-iling.

"Napamahal ka na talaga sa kanya." Manghang sambit ni Kirk.

"Palibhasa di pa kayo nagkakausap, pero kuya oras na makilala mo siya, hindi na ako magtataka kung bigla kang nagkagusto sa kanya." Giit ni Dustin.

"Nga pala, kailangan ko palang umalis. Baka matagal na naman tayong hindi nagkita." Paalam ni Kirk kaya agad nawala ang ngiti sa mukha ni Dustin at muli na naman itong nalungkot.

"Kuya almost 10 years tayong hindi nagkita. Last month lang tayo nagkita ulit tapos ngayon aalis ka? Kuya naman di ba pwedeng wag ka na ulit umalis?" Nanlulumong sambit ni Dustin.

"Dustin pangako, babalik rin ako. Tapos pagbalik ko, kukunin na kita. Nakausap ko ang mga kumupkop sakin, sinabi ko sa kanila ang tungkol sayo bago ako bumalik dito sa Pilipinas last month. Dustin gusto ka nilang makilala. Gusto nilang maging parte ka ng pamilya. Dustin magkakasama na ulit tayo gaya ng gusto ni Tatay." Bakas ang tuwa sa mukha ni Kirk habang nagpapaliwanag ngunit kabaliktaran naman ang naging reaksyon ni Dustin. Kung si Kirk masaya, si Dustin biglang naging malungkot.

"B-bakit? Ayaw mo bang sumama sakin? Dustin diba ito yung napagusapan natin noong mga bata pa tayo?" Agad nawala ang ngiti sa mukha ni Kirk.

Umiling-iling si Dustin at matagal bago siya muling nakapagsalita, "Masasaktan si Tammy..."

"Dustin, ako ang kapatid mo." Giit ni Kirk.

"Kapatid ko rin si Tammy!" Giit naman ni Dustin. "Kuya noong mga panahong kailangan ko ng masasandalan. Noong mga panahong halos masiraan ako ng bait sa sobrang sakit... Kuya si Tammy. Hindi ko siya pwedeng iwan. Pare-pareho lang tayong may mga pinagdaanan. Kung iiwan ko siya, wala rin akong pinagkaiba sa mga demonyong pumatay kay Tatay. Hindi ko pwedeng suklian ang kabutihan at pagmamahal niya ng sakit." Paliwanag ni Dustin kaya nasapo na lamang ni Kirk ang sentido.

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni Dustin, "Sa Crimson Lake ba?" Walang emosyon nitong sambit.

Hindi sumagot si Kirk. Sa halip ay umupo lamang ito ng maayos at nanatiling nakatingin sa kawalan.

"Kaya ka ba aalis kasi maghihiganti ka na? Kung babalik ka sa Crimson Lake sasama ako." Ngumisi si Dustin. "Alam kong pareho ang tumatakbo sa isipan natin kasi gaya ko, siguradong hindi rin naalis sa isip mo ang ginawa nila kay Tatay. Kuya, araw-araw naalala ko ang ginawa nila kay Tatay. Kahit kailan di ko yon nakakalimutan. Araw-araw parating sumasagi sa isipan ko ang gumanti. Kuya kung may binabalak ka, isali mo ako. Matagal ko ng pinangarap makaganti sa mga hayop na 'yon." Walang kamalay-malay si Dustin na nayuyupi na pala niya ang hawak niyang kubyertos dala ng matinding galit na nararamdaman.

Few months later...

"Dustin." Nanlaki ang mga mata ni Calix nang muli niya itong makita sa lungsod ng Crimson Lake.

"K-kilala mo ako?" Kinabahan si Dustin. Kakalipat pa lamang nila sa Crimson Lake pero agad na niyang nakasalubong ang kababata ng nakakatandang kapatid.

"H-hindi mo ba ako naalala?" Tanong pabalik ni Calix kaya tumawa lamang si Dustin at pasimpleng naglakad palayo sa kabila ng matinding kabang nararamdaman.

Nang makarating sa palikuran ay dali-dali niyang tinawagan ang nakakatandang kapatid na si Kirk.

"Kamusta diyan sa Crimson Lake University?" Tanong agad ni Kirk.

"K-kuya si Calix. Nagkita kami." Nauutal na sambit ni Dustin.

"Ha? Nakilala ka ba niya?" Tanong naman ni Kirk.

"Parang pero nagpanggap akong di ko siya naalala. Kuya paano nato?" Natatarantang sambit ni Dustin.

"Dustin 'wag kang mag-alala, kilala ko si Calix. Maiintindihan niya tayo." Paniniguro ni Kirk.

"Kuya kasi kelan ka ba pupunta dito? Buti napapayag ko sina Mommy at Daddy na lumipat kami dito sa Crimson Lake." Pangungulit ni Dustin.

"Kailangan muna nating planuhin ang lahat." Giit ni kirk kaya napabuntong hininga na lamang si Dustin.

Two years later.

"Dustin sigurado ka bang kaya mo?" Muling paninigurado ni Kirk nang dumating ang takdang panahon na isasagawa na nila ang plano.

"Para kay Tatay wala akong hindi kayang gawin." Paniniguro ni Dustin. "Handa na ang lahat kuya. Kaibigan na ni Tammy ang mga anak ng demonyo. Mas madali na ang lahat." Dagdag pa nito.

"Si Ford. Diba matalik kayong magkaibigan? Kung hindi mo kaya--"

Malungkot man, pinilit ni Dustin na tatagan ang sarili sa pamamagitan ng pagngiti, "Nag-iisang anak si Ford. Wala siyang ama.Siya lang ang tanging meron ng nanay niya. Kuya, gaya ng sabi ko, kahit mahirap gagawin ko parin para kay Tatay."

Muling naalala ni Kirk ang plano nila kay Tammy kaya muli siyang nag-alala.

"Dustin sigurado ka ba sa binabalak mo? Baka mapahamak ka?" Tanong niya sa kapatid.

"Hindi ako mapapahamak. Mahal ako ni Tammy. Kahit na anong sabihin ko, ayaw mo naman maniwalang hindi niya ako pababayaan kaya papatunayan ko sayo. Makikita mo kuya, hindi niya hahayaang may mangyaring masama sakin." Pagmamayabang ni Dustin kaya napabuntong-hininga na lamang si Kirk dahil sa katigasan ng ulo ng kapatid. “Kuya yung pinag-usapan natin ah? Oras na mapatunayan kong mahalaga nga ako para kay Tammy, papayag kang magpatuloy ako na maging kapatid niya.” 

"Eh si Tammy. Sigurado ka bang gusto mong isali siya dito?" Muling tanong ni kirk.

"Kuya, sa sampung taon kong kasama si Ate wala siyang ibang bukambibig kundi mystery, horror at kung ano-anong adrenaline rush. Buong buhay niya wala siyang ibang ginawa kundi sundin ang gusto nila mommy at daddy kaya heto, bibigyan ko siya ng pagkakataong magawa ang gusto niyang gawin, ang mag-solve ng mystery. At isa pa, malaki ang maitutulong niya. Naniniwala sa kanya ang lahat kaya oras na malutas niya ang 'mystery' at mapatunayan niyang si Quinn ang pumapatay, walang maghihinala satin. Aakalain nga ng lahat na ang malanding si Quinn ang pumapatay. At kuya gaya ng napag-usapan natin... Hindi dapat pisikal na masaktan si Tammy. Nga pala anong naging reaksyon ni Calix nang muli kayong magkita?" Tanong naman ni Dustin.

"Wala. Gusto niya lang layuan ko si Tammy kasi alam niyang masasaktan si Tammy oras na malaman niyang magkapatid tayo at baka umalis ng Crimson Lake. Masyado niyang mahal si Tammy at ayaw niyang mawala ito sa kanya." Paliwanag ni Kirk kaya agad napangiwi si Dustin.

"Kuya sana ikaw nalang naging boyfriend ni Tammy." Nanghihinayang na sambit ni Dustin.

"Si Calix ang mahal. Tanggapin mo na." Biro na lamang ni kirk.

"Nasasabi mo lang yan kasi wala ka pang gusto kay Tammy. Darating ang araw kakainin mo yang sasabihin mo kuya." Biro na lamang ni Dustin. "Pero teka, ibig sabihin kakampi natin si Calix?" 

"Siguro. Pero kilala ko si Calix, maiintindihan niya tayo kung sakaling madiskubre niya ang gagawin natin." Giit ni Kirk

----


"Ate, Ate sorry." Paulit-ulit na sambit ni Dustin habang hamahagulgol. "Hindi ko inakalang masisira ang plano. Hindi ko ginustong saktan ka. Hindi naming sinasadyang masaktan ka. Gusto lang kitang pasayahin kasi alam kong ang pagso-solve ng mystery ang ikasasaya mo. Akala ko matutuwa ka. Akala ko magiging maayos ang lahat oras na pagbintangan mo si Quinn na siyang pumapatay. Hindi talaga dapat aabot sa ganito. Hindi mo dapat madiskubre ang lahat."

Nanlaki ang mga mata ni Tammy at lalo pang sumiklab ang galit na nararamdaman.

"Hindi mo ako ginustong masaktan?! Dustin niloko mo ako! Pinatay mo ang mga kaibigan ko!" Sarkastikong sambit ni Tammy sa pagitan ng kanyang paghikbi.

"Ate masamang tao si Quinn! Hindi ka niya itinuturing na kaibigan! Kung talagang kaibigan ang turing niya sayo, hindi ka niya ipapahamak!" Biglang inilabas ni Dustin ang isang cellphone at iniangat ito sapat para makita ni Tammy ang isang video na nagpapakita kay Quinn na nakatayo sa tapat ng isang upuan kung saan nakatali si Tammy at may piring sa mga mata.

Lumingon ang naguguluhang si Tammy kay Quinn na nakaawang ang bibig.

“Quinn anong sinasabi nila?” Lalong naguluhan si Tammy. “Quinn ano to?!” Muli siyang napasigaw.

Agad umiling-iling si Quinn at tiningnan si Tammy sa mga mata, “Tammy hindi ko sinasadya.” Umiiyak nitong sambit.

"Ate hindi lang ikaw ang pinapadalhan namin ng mga riddle, Pati  rin si Quinn!" Bulalas pa ni Dustin. "Magkasabay naming dinukot sina Ford, Quinn at Stephen nang gabing uminom kayo ng pampatulog nila Ponzi. Ate, andun si Quinn nang gabing mamatay si Stephen. Pinapili namin siya kung ano ang mas matimbang sa kanya; Ang buhay ni Stephen o ang sarili niyang buhay. Pinili niya ang sarili niyang buhay kaya pinatay ko si Stephen! Tammy sinubukan namin ulit si Quinn, pinapili namin kung ano ang kaya niyang gawin para sayo!”

"Tammy pinapili namin ang babaeng 'yan kung aaminin niyang nagsinungaling siya tungkol sa Crimson Ripper noong bata pa siya o papatayin ka niya. Tammy sinabi naming may lason ang panyong hawak niya!" Giit naman ni Kirk kaya naiwang nakaawang ang bibig ni Tammy lalo na nang mapagtagpi-tagpi niya ang lahat sa isipan niya.

Ang panyong naramdaman niyang dumampi sa labi niya… Ang tunog ng takong.. At ang pagkabigla ni Quinn nang makitang buhay pa siya.

"T-tammy hindi..” Nagsimulang humikbi si Quinn at napakagat sa kuko niya. “T-tammy nagsisinungaling sila! Tammy iba ang nangyari! Tammy please maniwala ka sakin!” Pagmamakaawa pa ni Quinn at hinawakan ng mahigpit ang kabilang kamay ng kaibigan.

Hindi kumibo si Tammy. Sa halip ay muli siyang humarap kay Dustin habang nakatutok parin ang baril dito.

“Bakit?” Suminghap si Tammy at marahas na pinunasan ang luha sa pisngi niya. “Bakit?! Dustin sabihin mo sakin bakit mo ginagawa to?!”

Tuluyang tinakasan ng lakas si Dustin at nanlulumong napaluhod sa putikan. “Ate sorry, hindi ko sinasadyang masaktan ka. Nang malaman naming tinangka mong magpakamatay, binago namin ang plano. Ate hindi namin alam na nasa loob ka pala ng kotse kanina. Ate kung alam naming nandun ka, hindi sana namin nilagay ang mga pakong naging dahilan ng pagkabangga ng sasakyan.” Paulit-ulit sa paghingi ng tawad si Dustin samantalang si Kirk naman ay natahimik na lamang.

“Dustin tinatanong kita bakit!” Muling sigaw ni Tammy.

“Si Tatay.” Napahawak si Dustin sa kanyang mga tuhod at iniyuko ang kanyang ulo, “Ate, nagsinungaling si Quinn. Sinabi niyang si Tatay ang Crimson Ripper at naniwala silang lahat. Ate pinatay nila si Tatay sa harap namin ni Kuya. Ate! Binaboy nila ang tatay ko! Pinahirapan, pinahiya, binugbog! Ate sinilaban nila ang buhay ng tatay ko na para bang isang hayop!”

Tila ba tumigil ang mundo ni Tammy nang dahil sa narinig. Nanigas ito sa kinatatayuan at nanatiling nakatitig sa tumatangis na si Dustin.

“Tammy.. Tammy—“

“Totoo ba?” Hindi na hinayaan pa ni Tammy na matapos si Quinn sa kanyang sinasabi.

“Tammy bata pa ako nun!” Iyak ni Quinn at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ni Tammy ngunit agad naman itong iwinakli ng huli.

“Quinn! Paano mo nagawa yon?!” Pandidiri. Ito lamang ang nanatiling nakarehistro sa pagmumukha ni Tammy habang pinagmamasdan ang matalik na kaibigan.

“Oo nga Quinn, ipaliwanag mo! Matagal ko ng gustong malaman bakit mo ginawa yon sa tatay ko!” Galit namang pasaring ni Kirk.

Sa isang iglap, nakatuon na ang atensyon nilang lahat kay Quinn. Hindi ito mapakali. Nangingnig ito sa lamig at takot habang humahagulgol.

“H-hindi ko sinasadya!” Tuluyang bumigay ang sikretong matagal na kinikim ng dalaga. “N-noong bata pa ako m-maghihiwalay na ang mama at papa ko, sabi sakin ni Stephen na baka magkabalikan sina Mama at Papa oras na mabiktima ako ng killer. Alam kong nagbibiro lang si Stephen pero may punto siya! Tammy because of my lie, I gained my mom and dad’s undivided attention!” Giit ni Quinn kaya tuluyang nagliyab ang galit ni Dustin.

“At katumbas nun ang buhay ng tatay ko ganun ba?!” Galit na galit si Dustin. Sa sobrang galit ay muli siyang tumayo, akmang susugurin niya si Quinn pero agad siyang hinarang ni Tammy.

“Dustin ‘wag! Tama na!” Pagmamakaawa ni Tammy. Labag man sa kalooban niya, kinasa niya ang hawak na baril na nakatutok parin kay Dustin.

Nanlaki ang mga mata ni Dustin sa ginawa ni Tammy. Napako siya sa kinatatayuan at napalunok. Hindi ito makapaniwalang mas kinakampihan nito ang kaibigan.

“Tammy nagsisisi na ako ngayon sa ginawa ko, pero kung hindi ko ginawa ‘yon… Hindi mo makikilala si Dustin. Tammy you should’ve seen how poor they were! Baliw ang tatay nila at wala silang magiging future but look at them now! Kung hindi sila naghiganti, may magandang buhay na sana sila! Tammy do the right thing! Tammy please do the right thing!” Pagmamakaawa ni Quinn sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

“Ate…” Hindi makapaniwala si Dustin nang makitang unti-unting nagsimulang maglakad si Tammy palapit sa kanya. Nakatutok parin ang baril nito sa kanya at ngayo’y nasa nakasandal na ang hintuturo sa gatilyo nito.

“Ate mas kinakampihan mo siya kesa sakin?!” Labis na nasaktan si Dustin. Muli niyang naramdamang gumuho ang mundo niya gaya ng pagguho nito nang mamatay ang ama.

“S-sorry… Kailangan kong gawin ‘to para matapos na ang lahat.” Napahagulgol lalo si Tammy. Ni hindi niya magawang tingnan sa mga mata si Dustin.

Naging mabigat ang mga hakbang ng nangingnig na si Tammy. Tila ba sumasabay sa pagluha niya ang malakas na buhos ng ulan. Hirap man, hinawakan niya ang baril gamit ang dalawang kamay.

“Tammy!” Tuluyang napahagulgol si Kirk at napapikit na lamang samantalang si Quinn ay napahawak na lamang sa kanyang bibig dahil hindi nito inaasahan ang ginagawa ni Tammy.

Sa isang iglap, naging magkatapat na sa isa’t-isa sina Dustin at Tammy. Ilang sandaling nagkatitigan ang luhaan nilang mga mata.

“Naiintindihan kita.” Humahangos man, tumango-tango na lamang si Dustin at pinilit ang sariling ngumiti.

“Sorry... Patawarin mo ako…” Nakatulalang sambit ni Tammy at unti-unting itinutok ang baril sa mismong dibdib ni Dustin.

Sa huling pagkakataon ay muling tumango-tango si Dustin. Pinunasan niya ang luhang umagos sa mukha ni Tammy gamit ang sariling kamay.

“Ate sana mapatawad mo ako balang araw.” Unti-unting pinikit ni Dustin ang mga mata.

Huminga ng malalim si Tammy at unti-unting tumingala. Hinayaan niyang sumalubong ang patak ng ulan sa mukha niyang luhaan.

“Sorry.” Unti-unting pumikit si Tammy at huminga ng malalim sa huling pagkakataon.

Sa gitna ng malakas na ulang sinasamahan ng kulog at kidlat, ilang sandaling namayani ang katahimikan. Ang apat, tila ba naghihintay sa magiging hatol ng pangyayari.

Nabasag lamang ang katahimikan nang muling magsalita si Tamara.

 

 

 

“Do what you have to do. This ends tonight.” Bulong nito at hinawakan ang malamig na kamay ni Dustin saka ipinahawak rito ang baril.

Napasinghap si Dustin at agad na napadilat. Hindi siya makapaniwalang hawak-hawak na niya ngayon ang baril.

“What?!” Agad napatili si Quinn na gaya rin ni Kirk ay gulat na gulat.

“Ate…” Hindi makapagsalita si Dustin. Sinusubukan niyang magsalita pero walang salitang nabubuo ang kanyang bibig.

“Make it quick.” Giit ni Tammy at taas-noong naglakad palayo.

Sa kabila ng pagmamakaawa at masasakit na salitang isinisigaw at binibitawan ni Quinn para sa kanya, hindi lumingon si Tammy. Sa halip ay napapikit na lamang siya’t mas binilisan pa ang paglalakad palayo.

Makaraan ang ilang sandali ay naiwan na lamang sina Kirk, Dustin at Quinn sa gitna ng taniman. Tuluyang nahimasmasan si Dustin kaya napatingin siya kay Quinn na nakapako sa kinatatayuan at hanggang ngayo’y hindi parin makapaniwala sa ginawa ni Tammy.

“Paano ba ‘yan Quinn?” Unti-unting napangisi si Dustin.

END OF CHAPTER 33.

THANKS FOR READING

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

Psycho next door By bambi

Mystery / Thriller

4.3M 203K 51
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...
Please Find Me By bambi

Mystery / Thriller

1.9M 101K 41
(FHS #4) Tired of running away from her nightmares, Kirsten returns to Filimon Heights to make peace and start anew. Little does she know, returning...
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...