Thoughts turned into Poetries

Bởi bellutramontu

3.2K 159 20

Welcome to my poetry world! These are random thoughts, and sometimes memories that makes me just wanna write... Xem Thêm

1. Sorry, Thank you and Stay
2. I Tried but I'm Tired
3. Kung Magmamahal Ka
4. And I'm Okay
5. Okay lang
6. Will you also love me?
7. Simula at Wakas
8. What I have Dreamt of
9. Hindi ka pa Sapat
11. Sa aking Mahal na mga Magulang
12. We Have Heroes on Earth!
13. ME: Then, Now and Tomorrow
14. These Eyes
15. When I Told Him That I Love Him
16. Ipinagtagpo ngunit hindi Itinadhana
17. You are my Yesterday, Today and Tomorrow
18. I'd Still Choose You Everyday
19. "Sorry, nakatulog ako"
20. You are a QUEEN
21. Paalala
22. Miss na Kita
23. Changeover
24. C
25. Twenty-two
26. A Confession

10. Ako'y Iyong Palayain

84 5 0
Bởi bellutramontu

(yr 2017)

Sa simpleng mga galaw, minahal kita
Simpleng mga ngiti, nahulog ako
Simpleng mga salita, napa-oo ako
Oo, tayo na.

Bagay na hindi pala madaling panindigan
Puno ng magulong usapan
Masasakit na pagsasagutan
Hindi alam kung may patutunguhan

Mahal kita, oo, mahal kita
Pero hindi alam kung papaano pa ba
Gulong-gulo na, susuko na ba?
O itutuloy ko pa ba?

Kayo pero parang hindi
Mahal ka pero hindi ka mahalaga
Mahal ka pero bahala ka na
Mahal ka pero mamaya ka na

Teka... tayo pa ba?
Kasi kung oo, bat di subukang iparamdam
Bat di subukang pahalagahan
Bat di punan ang mga kakulangan

Mahal mo pero iyong natitiis
Puso'y parang nililitis
Ano pa bang kailangan?
Mahirap ba talagang panindigan?

Ang mga salitang iyong binitawan
"Mahal kita, hindi kita iiwan."
"Hindi kita sasaktan, hindi kita pababayaan."
Nasaan na ang pagmamahal na ipinangakong magpakailanman?

Hindi ka nga nang iwan
Ngunit puso'y tila pinaglalaruan
Hawak sa iyong mga kamay at paulit ulit ulit ulit na dinudurog
Hanggang sa di ko na makayanan

Ganoon ba ang iyong nais kong maramdaman?
Na sa pagmamahal sa'yo'y kailangan kong masaktan
Pag ibig na puno ng kapangahasan
Tunay na kaligayahan, kalian ko ba makakamtan?

Hindi ko nais ang mawalay sa'yo
Ngunit mahal, palayain mo ako
Sa lahat ng sakit at hinanakit
Kalayaa'y nais ko nang makamit

Palayain mo ako hindi sa paraang iiwan mo ako
Palayain mo ako sa paraang ipapakita mong mahal mo ako
At mahalaga ako, di karapat dapat saktan
Di karapat dapat iwan

Palayain mo ako sa sakit na idinudulot mo
Bigyan ng sapat na pagmamahal at kalinga
Na di man lang sinubukang ibigay noong umpisa
At kung di mapagbibigyan,

Ako'y iyong palayain nang tunay

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

167K 4.5K 77
JN:"LINOLOKO LANG NATIN ANG ISAT-ISA JN:"KUNG MAHAL MO AKO MAGBABAGO KA JN:"PERO MALI AKO GANON AT GANON KA PARIN JK:"PAREHAS LANG TAYO PLAYGIRLS KAY...
45.8K 1.7K 48
This is a story when a highschool student has a crush on a middle schooler Chandrea Sanchez Bryce Allen Valdez Started: Sept 16, 2018 Finished: July...
9.2K 911 57
Ginawa ko ang librong ito para mailabas ang sakit na nararamdaman dulot ng kanyang paglisan. Akala ko masaya pa siya ngunit gusto na pala niyang huma...
279K 793 15
Ito po yung mga tula na ito ay ginawa kapag ako ay nabobored ,,.. sana magustuhan nyo....... ang mga tula na ito ay tungkol sa pag-ibig sa kaibigan a...