Craving You

By wwiittyyccuuttiiee

490K 15.2K 2.4K

Historia #1: Bitch and Nobody Ianthe Violet Summerhold Jeremiah Garcia Date started: May 5, 2020 Date finishe... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Not an Update
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 28

11.2K 360 21
By wwiittyyccuuttiiee


JEREMIAH GARCIA



Mariin akong nakatingin dito sa kasama kong kanina pa nakayuko na tila may kausap na ilalim ng mesa. Pagkatapos kong pumayag sa kanya na mag-uusap kami, dito niya ko dinala sa coffee shop malapit sa Hospital. At mula ng dumating kami dito, wala akong ibang ginawa kundi ang titigan ang kasama habang siya naman nakayuko lang.





Napahinga ako ng malalim. Nauubos ang oras ko sa kanya sa totoo lang.







"Jason" tawag ko.







"J-jeremiah." nauutal niyang tugon






Napairap ako. Naiinip na ko. Kanina pa kami dito. Halos magdadalawang oras na kaming nakatengga dito. Naubos ko na 'yung kapeng inorder. Habang ang sakanya ay kasing lamig na ng bangkay.







"Tila naputol na ata ang dila mo Jason." saad ko







Huminga naman siya ng malalim. "S-sorry.. Hindi ko kasi alam kung paano magsisimula."







"Sabihin mo sakin lahat." seryosong tugon ko "Lahat lahat" dagdag ko pa







He inhaled deeply. "I'm sorry Jeremiah." he gulped. "Nagsinungaling ako sayo." dagdag niya








Napakunot noo ako. "Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong




Mataman siyang tumingin sakin. "H-hindi totoong binalak ng kapatid ko na ipalaglag ang bata. Ni isang beses hindi hindi sumagi sa isip niya na gawin ang bagay na 'yun. Gawa-gawa ko lang ang lahat ng sinabi ko sayo."







Napamaang ako.








Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya. Unti-unting namumuo ang galit sa buong sistema ko.







Sobrang nagalit ako kay lila. Nakapag bitaw pa ko ng masasakit na salita ng dahil sa kasinungalingan ni Jason.







Galit na galit ako sa sarili ko ngayon. Sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko. Ang kapal ng mukha ko para sumbatan siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa.







Damn you Jeremiah! Wala ka talagang kwenta.






"I'm sorry Jeremiah. H-hindi ko ginusto ang nangyari." garalgal niyang saad








Hindi ako makapag salita. Tila ako naman ang naputulan ng dila sa'ming dalawa.







"Ayaw ko gawin ang bagay na 'yun sa inyo ng kapatid ko, Jeremiah. Napilitan ako ako. I'm sorry." dagdag pa niya








"B-bakit?" nahihirapan kong saad "Bakit mo ginawa ang bagay na 'yun? May nagawa ba kong kasalanan sayo? Ano?" dagdag ko pa








Unti-unting na siyang umiyak sa harapan ko. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang tingnan kung gaano kalungkot ang mga mata niya. Baka hindi din ako makapag pigil at tuluyan na din akong maiyak dito. Ayaw kong mangyari 'yun.









"D-dad.." umiiyak na tugon niya "H-he's blackmailing me.. He's the one who told me na sabihin sayo ang bagay na 'yun." dagdag niya. "He doesn't like you for my sister."







Naiyukom ko ang palad ko.








Hindi ko akalain na may mas malala pa pala kay itay. Hindi ko akalain na magagawa niya ang bagay na 'yun at sa sarili pa niyang anak. Ano bang nagawa kong mali sa kanya para magawa niya sa'kin ang bagay na 'yun? Sa'min ng anak niya?









"Wala akong nagawa. Pumayag ako." he sighed. "Ang babaeng mahal ko, tinago niya sa'kin ang babaeng mahal ko, Jeremiah. Ang babaeng minahal ko buhat noon. Ang babaeng matagal ko ng hinahanap." mataman siyang nakatingin sakin habang sinasabi ang katagang iyan. "Kung gagawin ko ang gusto niya, makakasama ko ang babaeng mahal ko. Makakasama ko si Mace." he sobb







Napayuko ako.








Gusto kong magalit sa ama niya pero hindi ko magawa. Gusto kong alamin ang lahat. Lahat lahat. Kung anong dahilan at nagawa niya sa mga anak niya ang bagay na 'yun.








"Nagmahal lang ako Jeremiah. Ano bang mali dun?" umiiyak na tanong niya sa'kin.








Napalunok ako. Wala Jason. Walang mali sa pagmamahal. Sadyang nabulag ka lang.








Hindi ako sumagot. Tahimik lang ako habang nakatitig sa basong nasa harapan ko na walang laman. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Nasasaktan ako, sobra. Pero mas masakit ang nararamdaman ni Ianthe ngayon, lalo na't hindi ko 'man lang siya nadamayan.








"I'm sorry Jeremiah. Sana, sana mapatawad mo ko."









Huminga ako ng malalim. "Alam na ba ng kapatid mo ang lahat ng ito?" mahinang tanong ko









Tumango siya. "Oo. Sa kanya ko unang sinabi ang lahat." pag-amin niya








Napahinga ako ng malalim.





Isa lang ang gusto kong gawin ngayon.






Gusto kong itama ang lahat ng pagkakamali ko. Gusto kong ayusin ang gusot sa'ming dalawa ng babaeng mahal ko.







Mariin akong tumingin sa lalaking nasa harap ko na nagpupunas ng luha niya.







"Dalhin mo ko sa tatay mo." buong pasya kong turan








Mabilis na napatingin sakin si Jason at gulat ang rumehistro sa buong mukha niya. Gusto kong matawa pero hindi ito ang tamang oras para sa bagay na 'yun.





"S-sigurado ka ba?" gulat na tanong niya






Mabilis akong tumango. "Gusto kong makausap ang tatay mo." sagot ko






"Pero Jeremiah. I-iba si Dad, I mean, baka hindi kana makalabas ng buhay sa mansion."





Ngumiti ako. "Walang problema. Sabihin mo na lang sa kapatid mo na mahal na mahal ko siya kung sakaling hindi nga ako makakalabas ng buhay." nakangiti kong sagot







Ngayon lang ako naging ganito kasigurado sa tana ng buhay ko.





Ipaglalaban ko si lila, kahit buong mundo pa ang tutol sa'ming dalawa.






He inhaled deeply. "Are you really sure about this Jeremiah?" tanong niya









Tumango ako. "Ayaw mo bang ipaglaban ko ang kapatid mo?" tanong ko








Mabilis naman siyang umiling sakin. "Hindi naman sa ganun. Nag-aalala lang ako."










Ngumiti ako. It's now or never Jeremiah.







She's my first girlfriend.





She's my first love.





She's my world.






She's my everything.








She's my dream.








I want to spend the rest of my life with her.






Ngayon paba ko susuko?







"Wala kang dapat ikapag-alala. Kung ang kapatid mo ngang saksakan ng sungit, napalambot ko. Ang tatay mo pa kaya?" panghahamon ko







Isang ngiti ang pinakawalan nitong kasama ko. Sa lahat ng lalaking nakita kong umiyak, siya lang gwapo. Ibang klase talaga kapag ginto ang genes mo. Tss. Ang unfair lang.







"Tara na. Dalhin mo na 'ko sa tatay mo." saad ko








Tumango lang siya bilang tugon at agad kaming lumabas ng coffee shop.








Tahimik lang kaming dalawa sa buong byahe. Wala ni isang nagsasalita sa'min. Nagiisip ako ng malalim. Iniisip ko kung ano bang word of wisdom ang sasabihin ko sa ama nila para naman lumambot. Tss.







Pero hindi ko maikakaila na kinakabahan ako ngayon. Well, meet the parents lang naman ang peg ko ngayon, ano paba aasahan ko? Kulang na lang magkaroon na ko ng heart attack dito sa sobrang kaba ko. Pero hindi ako papatalo sa takot. Ipaglalaban ko ang sa tingin ko ay tama. Aayusin ko ang lahat sa'ming dalawa. Ipaglalaban ko si lila, kahit sa ama pa niya. Kahit buong mundo pa ang kalaban ko, ipaglalaban ko siya.






Makalipas ang mahigit isang oras na biyahe namin, nakarating na din kami sa mansion nila. Wala parin namang pinagbago. Kung ano ang reaksiyon ko ng unang beses kong makita ang mansion na 'to, ganun parin hanggang ngayon.







"Tatanungin ulit kita, sigurado kaba talaga? Wala ng urungan?" tanong niya







Nahigit ko ang paghinga ko. "Tara na." sagot ko








Napailing na lang siya sa'kin bago kami pumasok ng tuluyan sa loob. Lahat ng kabang nararamdaman ko kani-kanina lang sa biyahe, naging doble na. Argh! Anak ng teteng! Talagang sakit ko na ang laging padalos-dalos. Tssk.








"Nasa office siya. Tara." saad niya









Agad naming tinungo ang office na sinabi niya. Di rin naman nagtagal at nasa harap na kami ng office na sinasabi ni Jason. Saglit pa siyang tumingin sa'kin na ginantihan ko lang ng tango. Napahinga ako ng malalim ng pumasok sa loob si Jason.








Nanatiling nakabukas lang ang pintuan ng office daw ng dad niya kaya malaya kong naririnig ang usapan nila sa loob.









"Dad" rinig kong bati ni Jason





"Jason. What brings you here?"







Napalunok ako ng marinig ang baritonong boses ng ama niya. Juskopo! Bakit hindi niyo naman sinabi sa'kin na ganito pala katikas ang boses ng babaeng mahal ko. Boses palang, nakakapanindig balahibo na.







"May gustong kumausap sayo Dad."







"Papasukin mo."








Napalunok ako dahil sa narinig. Ang hilig ko talaga laging magtapang tapangan. Napatingin na lang ako kay Jason na lumabas na pala.







"Come in." nag-aalalang saad niya









Napahinga ako ng malalim bago sumunod sa loob.








Mataman akong tumingin sa ama ng babaeng minamahal ko na nakatingin din sa'kin. Sa tingin ko, mukhang inaasahan niya ang pagdating ko.







Hindi ko maikakaila na kahit may edad na, mababakas parin sa kanya ang pagiging magandang lalaki.






At bukod dun, may isa pa kong napansin na talagang ikinagulat ko..
sobrang kamukha niya si lila. Para silang pinagbiyak ng bunga.







"Jason, you may leave." Mr. Summerhold said







Tiningnan pa ko ni Jason, tumango na lang ako bilang tugon. Mas mabuti nga sigurong kaming dalawa lang ang mag-uusap.






Kahit ayaw nung isa, lumabas si Jason.







Ngayon na kaming dalawa na lang, masasabi ko na ang gusto kong sabihin sa kanya.







"Inaasahan ko ang pagdating mo." panimula niya.







Mariin lang akong nakatingin sa kanya. Oo, natatakot ako ngayon pero hindi ako nagpapakita ng kahit anumang takot sa kanya.








"Alam ko po, Sir." tugon ko.








Umangat ang gilid ng labi niya. "What brings you here? Ms. Garcia." pormal na tanong niya. "Oh by the way, have a sit." iminuwestra niya pa ang upuan sa harap niya.









Walang nagawa kundi ang umupo na lang ako. He stared me intently na aakalain mong may ginawa akong masama sa kanya.









Wala akong ginawa, pero siya syempre meron.








"I guess, Jason already told you." he started








I inhaled deeply. "Yes Sir." sagot ko. "Why? Why did you that?"







"Because, I don't like you for my daughter." mabilis na sagot niya







Pakiramdam ko binagsakan ako ng langit at lupa dahil sa naging sagot niya. Aaminin ko, masakit. Masakit malaman na hindi ka gusto ng pamilya ng taong minamahal mo. Hindi ba pwedeng maging masaya na lang siya sa'min ng anak niya?








"Katulad ka din ng mga taong nagbigay ng atensyon sa anak ko, wala kang pinag-kaiba." dagdag niya









Napalunok ako. "Mahal ko po ang anak niyo sir." sincere na sagot ko








He shook his head. "I don't believe you. Now, tell me your price. How much do you want?"






Naiyukom ko ang palad ko dahil sa narinig kong sagot niya. Pakiramdam ko, tinapakan ang dignidad ko. Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko.









"Mawalang galang na Mr. Summerhold, pero hindi ko 'ho kailangan ang pera niyo." nakita ko namang natigilan siya saglit. "Your daughter is only one I want. Hindi mapapantayan ng kahit anong halaga ang pagmamahal ko para sa anak niyo Sir. Sayong-sayo na po ang pera niyo. Hindi ko kailangan 'yan." matapang kong sagot







Lahat ng takot na nararamdaman ko kanina, biglang naglaho na parang bula. Mas lalo akong naging desperada para ipaglaban kung anong meron sa'min ni lila. Ayaw kong sumuko. Gusto kong patunayan sa ama niya, na iba ako sa mga taong inaakala niya.







"You are the only one who have guts to say to me like that Ms. Garcia." sagot niya. "Hindi ka nararapat sa anak ko."








"Sino 'ho bang nararapat para anak ko niyo? Si Aries? Na hindi naman mahal ng anak mo." matapang na tugon ko "Ni minsan ba nakita mong masaya ang anak mo?"









"Buong buhay ni Ianthe, ginawa niya ang lahat para maging mabuting anak sa inyo. Ginawa niya ang lahat ng gusto mo kahit na labag sa kalooban niya. Even Jason, tatanungin ko kayo Mr. Summerhold. Masaya kaba na malayo ang loob sayo ng bunso mong anak? Masaya kaba na nakikita silang nasasaktan? Masaya kaba na nakikita silang nagdudusa?" dagdag ko pa "Namatay ang anak namin, ang apo niyo. Sana masaya kayo sa nagawa niyo. Sana nakuntento na kayo."









I bit my lip para pigilan ang luhang gusto ng pumatak sakin. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa kanya. Ayaw kong isipin niya na mahina ako.








"Wala kang karapatan para sabihin sa'kin ang lahat ng iyan. You're just a nobody."










I nodded. "Yes Sir. I'm just a nobody, who wants to be with your daughter. I love her. Mahal na mahal ko ang anak niyo. Siya ang buhay ko. Siya ang pahinga ko." and now, I started crying.









"Gaya ng sinabi ko kanina, hindi siya nararapat para sayo. Just let go my daughter."









"I can't.." nahihirapang tugon ko. "My life is like a chess board game. No matter what happen, I will not give up my queen." I said in a determined voice.








We looked at each other eyes. Hindi ako nagpatinag at nilabanan ko din ang titig na binibigay niya.







Nasa ganon kaming posisyon ng bigla siyang ngumiti sakin na ikinapagtaka ko. What's with the smile?








"Okay Ms. Garcia." he smiled








My brows furrowed. What is he talking about?








"Fight for your love. Fight for my daughter." he paused.








Teka lang. Wag niyang sabihin sa'kin na.









"Pag napasagot mo anak ko, then welcome to the family. Are you deal with it?" nakangiting dagdag niya sa'kin.







Nahigit ko ang paghinga ko. "Deal sir." nakangiting tugon ko






Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa. Hindi ko akalain na magiging tagumpay ang pagpunta ko dito. Hindi ko lubos akalain na magiging ito ang kahihinatnan ng pakikipag-usap ko sa kanya.








"You can go now. Goodluck." he said








I nodded my head. "Thank you Mr. Summerhold."







Paalis na sana ako ng biglang akong tawagin ni Mr. Summerhold. Nagtatakang humarap ulit ako sakanya.








"Call Jason, I want to talk to him." nakangiting tugon niya








I smiled and nodded my head before leaving his office. Agad kong nabungaran si Jason na matamang nanghihintay sa'kin. Mukhang inip na inip na ang gago.








"Hey Jason the Great." pagtawag ko









He shocked. "Jeremiah! Buhay ka pa!" exaggerated na tugon niya







Napairap ako. Gago talaga. Tssk.







"It's your turn boy." nakangising saad ko








Napakunot noo naman siya dahil sa sinabi ko. Napatawa na lang ako. I tapped his shoulder.







"Pano, maanuna na ko sayo. May kailangan pa kong asikasuhin." paalam ko







"Ihahatid na kita."






Mabilis akong umiling. "Wag na. I can manage. Nga pala, bago ko makalimutan. Tawag ka ng Daddy mo." nakangiting saad ko








His eyebrows met. "Bakit daw?"






I shrugged my shoulder. "He wants to talk to you." I said. "Alis na ko. Thank you Jason, and Goodluck! HAHA"








Tatawa tawa kong iniwanan siyang gulat na gulat. Siguro naman may clue na siya kung bakit gusto siyang kausapin ng tatay niya. Napailing na lang ako sa loob loob. Nakakapagod ang araw na ito.








Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Jazmine. Ilang ring lang din ang narinig ko bago niya sagutin ang tawag.







( "Nice Miah. Buti naman nagparamdam kana." ) she sarcastically said






Napakamot ako sa tungki ng ilong ko. Naiimagine ko ang hilatsa ng mukha niya ngayon. Tssk.







"Sorry naman agad." sagot ko







( "Tss. San kaba nanggaling? Alam mo bang halos minu-minuto kang hinahanap sa'kin ng jowakels mo? Hindi ko alam ang isasagot sa kanya dahil hindi ko naman talaga alam kung nasaan ka." ) mahabang lintana niya.








Napahinga ako ng malalim. Hindi ko akalaing ganun pala ang paghihirap ni lila noong wala ako. Mas lalo lang akong nainis sa sarili ko ngayon.







( "Naputulan kana ng dila dyan. Oh ano bang sadya mo at napatawag ka?" )







"Ano. Jaz, pwede ko bang mahiram ang kotse mo?" tanong ko






( "Saan mo gagamitin?" )







"Basta.. Pahiram na lang ako. Please."






Nako Hasmina! Pumayag ka. Minsan lang ako humirit sayo ng ganito. Narinig ko namang napabuntong hininga siya na naging dahilan para mapangiti ako ng malaki. Sabi na nga ba. Hindi niya ko matitiis.






( "Fine. Basta sisiguraduhin mong sa magandang itensyon mo gagamitin ang sasakyan ko." )







Napangiti ako. Buti na lang talaga may kaibigan akong ganito kabait at sobrang understanding. Naalala ko si Lau.





Hindi ko alam kung papaniwalaan si lila sa sinabi niyang si Lauren ang humahabol sa kanya. Hindi kayang gawin ni Lau ang bagay na 'yun. At kaibigan ko siya, bestfriend ko siya.






I sighed. Nakakastress.






"Promise Jaz. Hayaan mo pag binalik ko sayo ang sasakyan mo, kasal na ko. Syempre charot lang! HAHA." biro ko








Narinig ko namang tumawa din siya dahil sa katangahan ko. ( "Ulaga ka talaga. Oo na! Kunin mo na lang dito sa bahay." )









Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Thank you Jazmine."







( "Always welcome Miah. See you! Muah" )









I smiled. "Yeah. See you."






Siya na mismo ang nagbaba ng tawag. Napahinga na lang ako ng malalim. Paniguradong mahaba-habang gabi din ito.






Napangiti pa ko ng makita ang wallpaper ko. Ang ganda talaga ng dyosang 'to. Kahit na laging nakakunot ang noo niya, nag-uumapaw parin siya sa ganda. Napailing na lang ako.







Mahal na mahal nga talaga kita lila.

---

Continue Reading

You'll Also Like

144K 4.3K 49
A princess but abandoned by her own family. A would be wife but abandoned by her own would be husband. A sister but doubt and hated by her own real...
12K 439 28
(A reboot to my first ever story) Fei Yue Ping, a red fox, is Po's adopted sister and works alongside him at their dads noodle shop. While she is lov...
113K 190 2
(TCKIMSH) β€’Paano kung maging asawa mo ang campus king na pinapantasya ng lahat? paano kung ang sarili mo, nang asawa ang tumataboy sayu? kakayanin mo...