Can't You Love Me Again? [Sho...

By PollyNomial

23.3K 585 83

Ross Angeles. Simpleng lalaki, simpleng estudyante. Pero hindi sa mata ng babaeng ilang taon nang nahuhumalin... More

Prologue
ONE//
TWO//
THREE//
FOUR//
SIX//
EPILOGUE [1]
EPILOGUE [2] end...

FIVE//

1.7K 47 5
By PollyNomial

CAN'T YOU LOVE ME AGAIN?

Short Story by PollyNomial

 

 

 

CHAPTER FIVE

February 14, 2011

Valentine’s Day

Senior Prom

 

© HAZELLE AGONCILLO ©          

 

“Hazelle, anak, handa ka na ba?” narinig ko ang nanay ko mula sa pintuan. Kumatok siya at binuksan ko iyon. “Anak, hinihintay ka na niya sa baba.”

 

“Opo, Ma. Patapos na po ako.” Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Maayos ang itsura ko. Ibang iba sa Hazelle na madalas makita ng ibang tao. Naka-make up ako. Maayos rin ang pagkakagawa sa buhok ko. Nakasuot ako ng baby pink na dress at may mga alahas rin na nakasuot sa akin.

                                                        

“Ang ganda naman talaga ng anak ko.” nakangiting sabi ni Mama. “Halika na at baka mainip pa ang kadate mo.”

“Sige po.” Ngumiti rin ako sa kanya. Tumayo na ako at kinuha ang maliit na purse sa nakapatong sa kama ko.

Pababa na ako ng hagdan nang makita ko ang lalaking makakasama ko sa gabing ito.

Napakagwapo niya. Siya pa rin talaga ang lalaking tinitibok ng puso ko. Kahit ilang taon na ang nakakaraan, siya pa rin talaga.

“You look gorgeous tonight Hazelle.” Inilahad niya ang isang kamay sa akin.

“Thank you, Ross…”

Ngumiti ako sa kanya. Hindi na ako kinakabahan ngayon. Wala na rin ang takot sa dibdib ko. Ang tanging nararamdaman ko lang ay masaya akong makita na siya ang lalaking nasa harap ko ngayon.

---

© PAOLO CRISTOBAL ©

Papunta ako sa bahay nila Hazelle ngayon.

Maghapong hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko. Excited ako ngayong araw na ‘to. Kanina nakapagdesisyon na ako.

Tonight, I’m going to confess my feelings for her.

Narealize ko na na hindi ako dapat maduwag. Dahil sa pag-ibig, talo ka kung duwag ka.  Ipaglalaban ko na ang pagmamahal ko kay Hazelle. Naniniwala ako sa sarili ko na mas higit ang nararamdaman kong ito kesa nung kay Ross.

Mas mahal ko Hazelle. Dahil ako, matagal ko na ‘tong nararamdaman sa kanya. Sa sobrang tagal nga ay hindi ko na maalala nga ay hindi ko na maalala kailan ito nagsimula.

So Ross, wala namang ginawa yun kundi saktan siya eh. Pero ako hindi ko magagawa sa kanya yun.

Mahal na mahal ko si Hazelle at hindi ko hahayaan na masaktan siya nino man. Kahit pa ang sarili ko.

Tumigil ako sa harap ng bahay nila. Bago bumaba ng kotse ay kinuha ko muna ang mga bulaklak na ibibigay ko kay Hazelle. May ibibigay rin ako sa kanya na bracelet na pinalagyan ko ng initials naming dalawa. Napangiti ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari ngayong araw na ‘to. Ang alam ko lang ay hindi ako mabibigo. Sasaya din ako.

Kung hindi man ako tanggapin ni Hazelle ay magiging masaya pa rin ako para sa kanya. Ang mahalaga ay nagawa kong sabihin sa kanya na mahal ko siya.

At least alam ko sa sarili ko na hindi ako sumuko. Na napaalam ko sa kanya ang nararamdaman ko. Swerte nalang kung tanggapin niya yun.

Bumaba na ako ng kotse. Nag door bell ako sa gate nila. Siya ang nagbukas ng pintuan.

“Paolo!” ani Hazelle.

“Paolo!” tawag niya ulit sa akin. Napatulala nalang ako sa kanya. She looks gorgeous. Napakaganda talaga ng babaeng mahal ko.

“Huy! Tulala ka na diyan!” winave ni Hazelle yung kamay niya sa muka ko.

“Ah! Sorry. Ganda mo ah! May igaganda ka pa pala.” Biro ko sa kanya. Buti nalang ay nagagawa ko pang magbiro kahit sa kalooblooban ko ay halo halo na ang nararamdaman ko. At nangingibabaw dun ang kaba!

“Ang chaka mo! Sama talaga nito.” Hinampas niya ang dibdib ko. Lumayo naman agad ako. Baka kasi maramdaman niya yung lakas ng tibok ng puso ko.

“Uy, para kanino yan?” tinuro niya ang bulaklak na hawak ko.

“Para sa aso niyo. Asan na ba yun?”

“Adik! Sa akin yan no? Kaw ah. Di mo na kailangan mag-abala pa no.” kinuha niya ang bulaklak sa akin at inamoy niya iyon.

“Oo na. Para sayo na yan. Kinuha mo na eh.”

“Hehe. Thank you, Paolo!” lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Halos lumuwa na ata yung mata ko sa panlalaki nito dahil sa ginawa ni Hazelle.

“Salamat, Paolo ha, thank you talaga. Kung hindi dahil sayo hindi ako magiging masaya ngayong araw na ‘to.”

“A-anong ibig mong sabihin?”

 

Masaya raw siya dahil sa akin. Dahil ba sa pagdating ko kung ba’t siya masaya? Sa mga bulaklak? Hindi kaya… may gusto na rin siya sa akin?

“Oy! Paolo! Pare!” naalis ang tingin ko kay Hazelle nang may tumawag sa akin. Nakita ko si Ross na palabas ng pintuan nila Hazelle. Kasama niya ang nanay at tatay ni Hazelle.

Unti-unti nawawala ang pag-asa ko.

“Oh iho, andyan ka rin pala.” Binati ako ng nanay ni Hazelle. “Napakaganda talaga ng anak natin, Pa. Daladalawa ang date.

Date? Si Ross ang kadate ni Hazelle? Pero wala naman siyang sinasabi sa akin.

Ang alam ko lang…

“Osiya, iiwan na namin kayo diyan. Mag-ingat kayo ha.” Pumasok na ng bahay ang nanay at tatay ni Hazelle. Naiwan kaming tatlo sa labas.

“Paolo, kami na ni Ross.” Hinawakan ni Hazelle ang magkabilang kamay ko. “Salamat, Paolo.”

“Pare, salamat. Kung hindi dahil sayo baka hindi ko na naamin kay Hazelle na gusto ko rin siya.”

“Ka-kayo na?” Yung hawak hawak ko na box kung saan nakalagay ang bracelet na ibibigay ko kay Hazelle ay tinago ko nalang. Inilagay ko iyon sa bulsa ko. Hindi ko na yun mabibigay kay Hazelle. Nawala na ang pagkakataon ko. Nagkunyari akong ngumiti. “Wala yun, pare. C-congrats.”

“Ba’t ka nga pala nandito?” tanong ni Ross sa akin.

“A-ahh, kasi… Akala ko kasi walang kasama ngayon si Hazelle. Sayang nga yung mga nag-aaya ng date sa akin eh. Hahaha. Pero, may kasama na pala siya. Ingatan mo siya Ross ah.” Hindi ko alam kung umeepekto ba ang pagsisinungaling ko. Sana lang. Ayokong makita nila na nasasaktan ako.

“Kita nalang tayo sa hotel ah. Uuna na ko.” nagpaalam ko sa kanilang dalawa. Tumalikod na ako at walang lingon-likod na naglakad palayo sa kanila.

“Paolo! Salamat ulit!” narinig kong sigaw ni Hazelle.

Hindi ako lumingon.

Parang biniyak ang puso ko dahil sa nangyari.

Hindi ko akalaing ako rin pala ang gagawa ng dahilan para maramdaman ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

--

Continue Reading

You'll Also Like

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...