Waves Of Destiny

By archers_libero

11.9K 5.1K 6.2K

Jershey Erfilua is a simple, stunning and smart woman. Dahil sa angking talino ay nakapasok siya sa Archers L... More

Author's Note.
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22- Baguio Escapade
Chapter 23- Baguio Escapade II
Chapter 24- Tug of War
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 Part 1
Chapter 30 Part 2

Chapter 25- Buwisita

61 10 1
By archers_libero

Jershey's POV

Isang linggo na din ang nakalipas simula nang mangyari ang pagpunta namin ni Ace sa Benguet. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari talaga lahat ng 'yon.

Simula no'n, halos hindi na rin nagkikibuan ang mga magkakaibigan. Naging tahimik si Ace kapag nasa classroom, gano'n din si Ian. Sa likod pa rin sila nakaupo.

Aaminin ko, ako ang nahihirapan sa kanilang tatlo. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ni Ian at gano'n ang mga sinabi't ginawa niya? Napaka-immature at irrational niya.

"Mahigit isang linggo nang pumupunta dito 'yan, ah. Ano bang mayro'n?" tanong sa'kin ni Ate Grace.

Martes ngayon at nasa karinderya ako. Napag-desisyonan kong mag-regular na sa kaniya tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

Pinatulan ko na din ang alok na trabaho sa'kin ni Ace. Napag-alaman kong sa kanila pala ang establishment. Kaya pala ako ang hinayaang pumili ng schedule ko at wala ng interview. Tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado naman ako sa kanila.

May kahirapan man at nakakapagod, kailangang pagtiisan. Sinadya ko talaga ang schedule ng mga trabaho ko para kahit papaano'y may pahinga ako.  Fourty minutes kasi ang biyahe mula dito hanggang sa Hotel nila Ace.

"Hindi ko nga din alam, Ate, kung anong trip niya," sabi ko.

Isang linggo na ding pumupunta dito si Ian. Kapag nagtatrabaho ako, maya-maya'y nandito na siya't nakaupo. Wala naman siyang ibang ginagawa kundi'y nakaupo lang. Pumupunta rin dito si Ace pero hindi talaga sila nagpapansinan.

"Hindi kita tinanong last week kung anong nangyari sa inyo pero gusto ko talagang malaman," sabi niya. Nasa kitchen kami ngayon at naghuhugas ako ng mga pinagkainan. "Pa-chismis naman ako."

"Hindi na niya ako serbidor," sabi ko.

"Kaya pala siya malungkot."

"Imposible 'yan, Ate. May ibang drama lang siguro siya sa buhay."

"Hindi ka ba niyan nililigawan? 'Di ba nililigawan ka din ni Ace?"

"Oo, pero si Ian? Hindi ko talaga alam," sagot ko.

I felt guilty dahil nagkawatak-watak sila. Si Kyle kung kani-kanino lang sumasama sa dalawa. Si Ace, masaya pa rin kahit papaano. Si Ian? Lagi na lang naka-poker face.

"Halata namang gusto ka ni Ian. Bakit hindi mo pagsabayin?"

Inihampas ko sa kaniya ang hawak kong plato.

"Siraulo ka!"

"Hoy, baka nakakalimutan mong ako pa rin ang boss mo. Pinapa-suweldo kita kaya umayos ka," sabi niya.

Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko, harap at likod. "Nasaan ang pakialam ko? Nakita mo?" biro ko.

"Seryoso ako," sabi naman niya.

"Alam ko. Sa ating dalawa, ikaw ang mapaghanap ng lalaki."

"Ayaw mo no'n? Kapag silang dalawa ang nanligaw sa'yo may mapagpipilian ka."

"Hindi ko kailangan ng mapagpipilian. Kahit isa lang, masaya na ako."

"At si Ian 'yon?"

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi naman niya ako nililigawan ah?"

"Kaya nga."

"Oh, alam mo naman pala."

"Pero paano kung siya ang naunang nanligaw sa'yo at hindi si Ace, may pag-asa ba?"

Naningkit ako mata ko sa sinabi ni Ate Grace. Iba talaga 'to kapag nangalap ng impormasyon. Lahat ng sulok, hanapan ng detalye.

"Wala," sabi ko at muling naghugas ng plato.

"What?"

"Ba't parang mas nanghinayang ka pa kaysa sa'kin?"

"Look at him," sabi niya at tinignan ko si Ian, sakto ding tumingin siya sa gawi ko kaya dali-dali akong tumingin kay Ate. "He's affluent, good-looking, lean and oozing with hotness and sex appeal. Ano pang hahanapin mo?"

"'Yong pagiging gentle para hindi ako masaktan," sabi ko.

"May consequences talaga ang love. If magmamahal ka, dapat alam mo rin na may possibility na masasaktan ka. Parte ng buhay ang sakit at lahat ng nagmamahal dumadaan diyan."

"Alam ko." Pinunasan ko ang pawisang noo. "Kaya nga hangga't maaari ay dapat kilatisin para maiwasang masaktan. Hindi 'yong dahil may itsura lang, gugustuhin mo na. Dapat 'yong sigurado."

"Ibig sabihin ba ay sigurado ka na kay Ace?"

"Hindi rin. Pero why don't we give a try, 'di ba?"

"Then, you should give Ian a try, too," sabi niya.

Tinapos ko ang hinuhugasan kong pinggan at nagpunas ng kamay. Pero siyempre iwinisik ko muna sa mukha niya para mabadtrip siya.

"Tapos na ako sa shift ko. Alis na ako," sabi ko sa kaniya at lumabas ng kitchen.

Kinuha ko ang gamit ko sa baggage area namin. Nagpaalam na rin ako sa mga kasama ko na mauuna na ako. Inihatid naman ako ni Ate Grace sa labas.

"Ingat kayo," nakangiting sabi niya.

Nagtaka akong tumingin sa kaniya. "Ako lang ang aalis," sabi ko.

"Kasama mo 'to, oh."

Mula sa likuran niya ay lumabas ang isang matangkad na lalaki.

"Ian?" tanong ko.

"Let's go," sabi niya at naunang maglakad.

"Anong mayro'n?" tanong ko kay Ate Grace.

"Uuwi na kayo, bye!" sabi ni Ate pumasok sa loob.

Tumingin ako kay Ian at nakita ko siyang nakatayo sa kanto papunta sa bahay ko. Paano siya uuwi? Wala akong nakikitang sasakyan niya eh.

Lumapit ako sa kaniya. "Paano ka uuwi?" tanong ko.

"And who the hell told you that I'm going home?"

Tinignan ko ang kabuoan niya. Naka-suot siya ng black pants at pulang hoodie. Nakasuot din siya ng black snickers na World Balance ang tatak.

"May dala ka pa talagang bag, huh," sabi ko.

"Overnight at your place. Let's go," sabi niya at muling naglakad.

Hinabol ko siya at iniharang ang dalawa kong kamay sa harap niya. Sa lahat ng ginawa niya sa akin, sa amin ni Ace, hindi ako nagalit. Actually, hindi ko naman talaga ugaling magalit o magtanim ng sama ng loob sa isang tao. Kung may nagawa man sila sa akin, maya-maya'y wala nang epekto. Pero hindi ibig sabihin no'n ay ayos lang na patuluyin ko siya. Nabasa ko kasi sa The Eleven Satanic Rules of the Earth, "If a guest of your home annoys you, treat them cruelly and without mercy." Hindi pa siya nakakapunta roon ay naiisip ko nang hindi magandang ideya ang mangyayari kapag nandoon siya.

"Hindi puwede," sabi ko habang itinutulak siya palabas ng kanto kaso pinipuwersa niya din ang sarili niya pabalik.

"Hindi ka ba naaawa sa guwapong katulad ko?"

Aba, ang kapal naman talaga ng lalaking 'to. "Bakit naman ako maaawa sa'yo?" sabi ko.

"I have nowhere to live at."

"May mansion kayo. Bakit hindi ka na lang bumalik?"

"I want to explore new environment."

"Oh, come on. Not on my place, Ian." Muli ko siyang itinulak palabas pero itinutulak lang niya ang kamay ko.

"You're touching my body too much now, huh."

Napalaki ang mata ko at agad kong inalis ang kamay ko sa katawan niya. Sa bandang abdomen ko kasi siya itinutulak.

"Did you like it?" nakangising tanong niya. Tinignan ko lang siya ng masama.

Wala na. Talo ako sa pagkakataong ito. Kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa bahay ko eh.

"Have you enjoy touching my good physique? Can you describe it?"

"Manahimik ka nga."

"I want to hear it. Come on, spill it. I want to hear some compliment from you."

Ano na naman bang trip ang nasa isip niya? Sabi na nga ba't hindi magandang ideya ang patuluyin sa bahay ang lalaki 'to. Wala pa sa loob, nababanas na ako.

"Ayos lang," walang ganang sagot ko.

"What? You aren't going to praise it?" nakakunot-noong tanong niya.

"Anong pupuriin ko sa'yo kung buto-buto lang 'yong nahawakan ko?"

"I have a good physique, mind you."

"Okay, sabi mo eh," sabi ko.

Hinablot niya ang kamay ko at sapilitang inilalagay sa tiyan niya. Itinaas pa niya ang hoodie niya para mahawakan ko ang abs niya.

"Yuck! Bitawan mo nga ako. Ano bang katawan 'yan?" Hinihila ko ang kamay ko pero mahigpit niya lang na hinawakan. "Ayaw mong bumitaw?"

"I won't," sabi niya. "Maliban na lamang kung hahawakan mo 'tong sariwang laman ko."

Dahil dalawang kamay niya ang nakahawak sa isang kamay ko, ginamit ko ang kabila para kilitihin siya sa tagiliran.

"Fck! Stop hahaha," sabi niya.

Hinawakan ko na rin ang kaliwang baywang niya kaya hindi na siya magkamayaw sa kakatawa.

"D*mn, Jershey hahahhaa. Stop it hahaha."

Hindi ko lubos inakalang may ganitong side rin pala si Ian. Nakakatuwang makita ang mga reaksiyon niya sa mukha habang tumatawa.

"Fresh body at good physique pala ah," sabi ko at sinundot-sundot ulit. "Mabuti pa si JM dahil talagang maganda ang katawan. Tapos ikaw," sabi ko.

"The hell I care about that JM," sabi niya at inalis ang kamay ko. "Mas pogi ba 'yan sa'kin, ha? Mas magaling ba sa suntukan 'yon sa'kin? If not, don't ever mention him in front of me!"

Tinignan ko siya ng masama. Anong pinagsasabi nito?

May narinig kaming mga motor na papalapit sa amin. Hindi ko maaninag kung sino dahil sa lakas ng ilaw ng headlight nila.

"Princess, niloloko ka ba nito?" sabi ng isang lalaki.

Pinatay nila ang mga motor nila kasabay ng pagkamatay ng ilaw at doon ko lang nakita kung sino ang mga 'to.

"Who are you?" tanong ni Ian at pumunta sa harap ko na animo'y pinoprotektahan ako.

"Sino kami?" sabi naman ng isang lalaki. "Baka ikaw ang dapat naming tanungin niyan."

Hinila ko sa braso si Ian at pinapunta sa likuran ko. Baka kung saan pa mapunta ang usapan na 'to.

"Bryan, kayo pala," sabi ko.

Si Bryan ay isa sa mga kakilala ko. Taga-rito din siya sa amin pero sa lahat ng nakatira dito sa lugar namin, siya ang pinakamayaman. At itong mga kasama niya ay mga kasamaan niya.

"Ano, Princess, ginugulo ka ba ng lalaking 'yan?"

Princess ang tawag nila sa akin at hindi Jershey. Lahat ng kasapi sa organisasyon ay tinatawag akong Princess. Ang taray 'no? Ang lakas makamayaman. At ang pangalan naman ng organisayon namin ay Death Rabbit.

"Who the hell are you? Kayo itong nanggugulo sa amin eh!" sigaw ni Ian sa kanila.

"Kumalma ka nga," bulong ko kay Ian at tumingin sa grupo ni Bryan. "Kayo, saan naman kayo pupunta?"

"May lakad lang," sabi niya at lumapit kay Ian. "Hindi mo naman sinabi sa amin Princess na may syota ka na pala."

"Wala akong syota, baliw. Kaklase ko lang 'yan."

"Kaklase daw," hindi naniniwalang sabi niya. Inikotan niya si Ian at tinulak ng bahagya ang braso niya. "Hoy! Kaklase ka lang daw niya? Eh bakit nandito ka pa ng gan'tong oras?"

"Pakialam mo," sagot ni Ian.

"May pakialam talaga kami. Prinsesa namin 'tong pinag-uusapan at lahat kami dito'y sangkot."

Biglang nangunot ang noo ni Ian kaya agad na akong sumingit sa usapan. Baka kung saan pa mapunta ang dalawang 'to.

"Alam niyo, ang kulit niyo," sabi ko kila Bryan. Hinila ko siya palayo kay Ian habang pinipingot ang tainga.

"Aray, aray naman! Princess, masakit na!" reklamo ni Bryan. Lahat naman ng kasama niya ay nagtawanan. "Anong nakakatawa, hah?"

"Tumigil nga kayo dahil baka kayo ang isunod ko," banta ko sa mga kasama niya. "Una sa lahat, kaklase ko nga siya, paulit-ulit? Pangalawa, akala ko ba'y may lakad kayo? Eh bakit inuna niyo pang makipag-chismisan sa amin?"

"You are our gem, Princess. You are our priority over anything," sabi ni Bryan.

"Tss, corny," sabi naman ni Ian sa likod ko.

"Umalis na nga kayo. Kaya ko ang sarili ko. Sa payat ng lalaki 'to, uubra ba siya sa'kin?"

"Hey, I'm not skinny. I'm just sexy!" sigaw ni Ian.

Pinaandar na ulit nila Bryan ang mga motor nila kaya gumilid na ako. Naunang gumalaw ang sasakyan niya at huminto sa harap ni Ian at buong lakas pinabuga ang tambutso diretso sa mukha ni Ian.

"D*mn you, bastard!" Akmang hihilain ni Ian ang sasakyan ni Bryan pero mabilis itong nakaalis.

Mga siraulo.

"Tara!"

Nauna akong naglakad sa kaniya papuntang bahay. Pagdating sa harap ng bahay ko'y hinawakan ako ni Ian sa kanang braso dahilan upang manindig ang mga balahibo ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng kabang nararamdaman ko.

"Huwag mo akong hawakan!" sigaw ko sa kaniya at marahas na itinulak ang kamay niya. Mabilis kong binuksan ang bahay ko't dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.

Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rkn. Kahit anong pilit kong kalimutan ang nakaraan ay patuloy pa rin akong binibisita ng bangungot na hindi ko alam kung kailan matatapos. 

Isang patak ng luha ang kumawala mula sa aking mga mata. Ilang taon na ang dumaan simula nang mangyari ang insidenteng 'yon pero pakiramdam ko'y kahapon lang nangyari. Natatakot ako kapag may hindi inaasahang humahawak sa braso ko ay manginginig at manghihina naman ako kapag may naglalapit ng mukha nila sa akin, kahit na bubulong lang.

Bigla kong pinunasan ang luha ko nang narinig kong magsalita si Ian mula sa may pintuan.

"Is this house safe?" tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "What do you mean?"

Nasa labas pa rin siya at inililibot ang paningin sa loob ng bahay ko. "Are you sure that this is not a haunted house?"

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Seriously? Si Ian Dwight Abellano na kilalang makapangyarihan, maangas, at mainitin ang ulo ay takot sa gan'tong lugar?

Wala namang mali sa bahay ko. It just that, old house style ito dahil minana ko pa kay Tito Bino pero wala namang nakakatakot dito.

"Actually, may nagbabantay dito," biro ko at biglang nanlaki ang mga mata niya. "May babaeng nakatayo diyan sa likod mo."

"D*mn!" Tumakbo siya papasok palapit sa puwesto ko nang may masangga siyang upuan. "F*ck!"

Lumapit ako sa switch at pinindot ito. Hindi ko na naisipang i-switch nang pumasok ako dahil sa naging reaksyon ng katawan ko sa ginawa ni Ian.

Pagkasara ko ng pinto'y may narinig kaming malakas na alulong ng aso ng kapit-bahay ko.

"What the!"

Tinignan ko si Ian at parang nanigas na siya sa kinauupuan niya. Nanlaki ang mga mata niya at ilang beses pang lumunok habang tumitingin sa kaliwa't kanan.

"Takot ka sa multo?"

"Of course not! A perfect man like me will be scared to a ghost? Don't make me laugh."

"Ba't ganiyan ang mga reaksyon mo?"

"It's normal, you know?"

Kung 'yan ang gusto niyang paniwalaan ko, 'di sige. Kunwari naniwala ako sa kaniya. Binigyan ko siya ng kumot at unan niya at pinaghanda ng banig. Sa kuwarto ako matutulog at siya naman sa sala. Wala siyang choice dahil siya ang may gustong matulog dito at malas niyang iisa lang ang kuwarto.

******

Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko'y may kung anong mayro'n dito sa mansion ko.

Inayos ko ang pinaghigaan ko at inihanda ang mga isusuot kong pampasok. Nagulat ako sa nakita ko paglabas ko ng kuwarto. Paanong nangyaring nakalimutan kong may buwisita pala ako kagabi at dito natulog. Oo, buwista talaga. Buwisit na bisita. Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa mumunti kong mansion.

Nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ni Ian sa sahig. Nababalutan ng kumot ang buo niyang katawan.

"Hindi kaya siya naiinitan?" tanong ko sa sarili ko. Lumapit ako at tumayo sa paanan niya.

Guwapo naman talaga itong si Ian at hindi ko iyon ikakaila. Pero dahil sa mga ipinakita niya sa'kin... nawawalan ako ng interes sa kaniya. Hindi katulad ni Ace na may itsura na nga, mabait pa. Inusisa ko pa ang mukha ni Ian. May makapal siyang kilay at nakakurba ang ayos. Okay, hindi drawing. Pasado. Mayroon din siyang mapulang labi pero mas mapula kay Ace. Pasado ulit.

Gumalaw si Ian kaya biglang nanglaki ang mga mata ko. Baka kasi kapag nagmulat 'to at makita ako, paniguradong lalakas ang hangin dito sa loob.

Inalis ni Ian ang kumot sa katawan niya dahilan para umawang ang bibig ko. Napalunok ako sa mga nakikita ko. Walang suot na damit si Ian at kitang-kita ko ang katawan niya. Hindi siya muscular pero hindi din naman siya mapayat. Sakto lang ang hubog ng katawan niya. May saplot naman siya sa ibaba pero isang maiksi at manipis lang na boxershort. What the fudge? Nakakaasiwa naman 'tong bungad sa'kin ng umaga.

Pumunta ako sa cr para magtoothbrush at maligo. Nang akma ko nang itatas ang damit ko ay narinig ko ang kurtina.

"Oh, fvck," rinig kong sabi ni Ian.

Nanlaki ang mata ko at parang nanigas ako sa katotohanang nandito kaming dalawa sa cr at nakataas pa rin ang damit ko. Agad ko itong ibinaba at tinakpan ang dapat takpan kahit na may suot pa naman ako.

"Aaah! Mama! Mama!" sigaw ko.

"What the fvck? Stop shouting!"

"Mama! Mama!" parang batang sigaw ko kahit alam ko namang wala na akong nanay. "You, d*mbass! Lumabas ka!" Kinuha ko ang tabo at ibinato sa kaniya pero mabilis niyang naisara ang kurtina. Buwisita nga talaga!

"Wala akong nakita sa'yo. I haven't seen your breast, okay?"

"Bullshia!" mura ko.

"I only saw your bra. I'm not even sure if you have boobs."

Bastos ka talagang lalaki ka! Para akong nakipagkarerahan sa pagtakbo dahil hanggang ngayon ay hinahabol ko ang hininga ko.

Napahampas ako ng kamay sa noo. Kamuntik na ako roon ah. Mabuti na lang at narinig kong bumukas ang kurtina kung hindi ay paniguradong . . . nevermind.

Wala kasing pinto itong cr. Isang makapal na kurtina lang ang takip. Well, hindi naman na kailangang lagyan ng pinto dahil mag-isa lang naman ako dito sa bahay. Isa pa, laging naka-lock ang pinto sa harap ng bahay kapag nandito ako sa loob. Nagkataon lang talagang may buwisita dito at hindi man lang tumawag kung may tao sa loob!

Lumabas ako saglit ng cr at naghanap ng puwedeng panali sa kurtina. Itinali ko ito sa magkabilang gilid para kahit papaano'y hindi mabuksan ng madalian.

Inumpisahan kong magtoothbrush at maligo. Pinakiramdaman ko ang paligid pero masiyadong tahimik sa labas. Huwag niyong sabihing natulog na naman ang kutong-lupa na 'yon?

Nang matapos maligo ay isinuot ko ang simpleng black jeans at red t-shirt na may tatak na O. Nabili ko lang sa ukay-ukay ang mga 'to. Ayaw kong isuot ang mga binili ni Blythe dati para sa'kin. Saka na lang kung may mga occasion.

Pagkalabas ko ng cr ay nakita ko si Ian sa may hapag-kainan habang nakapalumbaba. Anong mayro'n sa kaniya at bakit mukha siyang tuta na bumait bigla? Ibang-iba sa Ian na kilala at kinasanayan ko.

"Anong mayro'n?" tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo.

"I'm hungry," sabi niya at ngumuso.

Aminin ko man o hindi ay na-cute-an ako sa pagpout niya. Parang ang sarap tuloy sa pakiramdam kapag kinurot ko ang pisngi niya.

"Nasa kusina ka. May mga pagkain naman ako dito kahit papaano. May biscuit diyan sa aparador. Puwede ka ding magluto ng makita mo," sabi ko.

"I don't want biscuit! I don't know how to cook!"

Nag-umpisa na namang tumaas ang tono ng boses niya. Kailan ba matututo ang lalaking 'to sa pagsasalita ng mahinahon?

"Sige, maligo ka muna. Magluluto ako ng kakainin natin."

Tumayo siya at nakita kong gano'n pa rin ang itsura niya kanina no'ng natutulog siya. Wala pa din itong suot na damit pero natakpan ng kaunti ang katawan niya ng tuwalya.

Lumapit ito ng bahagya sa akin.

"You can cook, serve and eat me. Besides, I'm delicious." Dinilaan niya ang labi niya, kinagat ito ng bahagya at kinindatan ako.

Pumunta ako sa lalagyan ng mga plato at inilabas ang kutsilyo.

"Saan natin uumpisahan?" Pinadausdos ko ng bahagya ang daliri ko sa talim ng metal. "Saan ang puputulin ko?" Nakangisi akong tumingin sa kaniya. "Sa kamay, sa paa, sa hita, o sa mukha?" nakangising tanong ko.

"What the hell is with you?" Ang maamong mukha niya kanina'y napalitan ng madilim na awra at kasalukuyan itong nakakunot.

"A knife?"

"Ha-ha, funny, tss. Just cook delicious, okay?" Nag-roll eyes pa siya sa akin bago pumasok sa cr.

Inilabas ko sa aparador, oo, aparador talaga. Wala akong refrigerator eh. Ang pambansang noodles ng bansa—ang lucky me. Sabi naman sa'kin dati ni Ace na hindi sila mapili sa pagkaing magkakaibigan. Siguro ayos lang kay Ian na ito ang ulamin namin.

Kumuha na rin ako ng kalabasa at binalatan ito. Good for breakfast at kahit papaano'y maging healthy kahit na noodles ang kapares. Inumpisahan ko itong igisa para saktong luto na kapag lumabas ang aking buwisita.

"What are you cooking? Ang bango," sabi ni Ian.

"Maligo ka na lang diyan. Dalian mo! 'Wag kang mag-aksaya ng tubig."

"Aaah! Aaah! Aaaah!" ungol niya.

Napatingin ako sa gawi ng cr. Ano na namang kalokohan ang ginagawa niya?

"Gusto mo talagang may putulin ako sa'yo, 'no?" tanong ko.

"Matatapos na," sigaw niya.

"Yuck!"

"I mean, matatapos na akong maligo. Your brain is greeny."

Napa-cringe na lang ako sa narinig ko. Bigla na namang kumabog ang dibdib ko na animo'y nanggaling sa isang karerahan. Napabuntong-hininga ako.

Pagkatapos magluto'y agad akong naghain sa mesa. Bumili na din ako ng yelo at juice sa sari-sari store para may lasa ang iinomin ni Ian. Badtrip 'to! Napagastos pa tuloy ako.

Pero aminin natin 'to. Ugali nating mga Pilipino na kapag may bisita'y magkakakulay 'yong tubig na inumin. At kapag nakakaangat pa sa buhay, lalabas 'yong magagandang plato't kutsara. Masama pa sa loob ng maghuhugas ng pinggan kapag mamantika ang pagkain.

"The water from your system is cold. You don't have a heater here?"

"Seriously, Ian? Nakikita mo namang kurtina lang ang nakatabing sa pintuan ko tapos mage-expect kang may heater sa cr?"

"Saka sa cr mo, nakakatakot. Parang may gagamba."

Ano ba namang klaseng lalaki 'to. Nambubulabog na nga, nagrereklamo pa. Hindi ba niya alam na mga tenant ko ang mga gagambang 'yan? Hindi nga lang sila nagbabayad ng upa. Teka...

"Hoy!" sigaw ko sa kaniya. "Malinis 'tong bahay ko. Lamok lang ang mayro' dito, 'no. Ang dami mong sinasabi. Halika na dito't kumain."

Umupo siya sa tabi ko sa kaliwa. Tinignan ko siya pero nginitian niya lang ako.

"Umalis ka nga diyan. Doon ka sa kabila. May dalawa pang upuan do'n."

Inginuso ko ang upuan sa harap naming dalawa. Ang luwang naman doon pero ba't dito pa siya umupo.

"I want here," sabi niya.

"Ayaw kitang katabi."

"I want to be by your side."

"Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo."

"I'm not tripping you around, okay?"

Iniatras ko ang upuan ko at tumayo pero mabilis na hinila ni Ian ang kaliwang braso ko dahilan upang mapaupo ako.

"I want to be with you . . . forever," bulong niya.

Tumayo ako at lumipat ng upuan—doon sa harap ng inuupuan ko kanina. Nakita ko naman siyang tumatawa. Pinagtitripan talaga ako ng lalaking 'to. Humanda ka sa'kin kapag bumawi ako.

"What's this?" tanong niya habang inuusisa ang kanin.

"Can't you state the obvious?"

"I know this is a rice. What I mean is, ba't gan'to ang kulay?"

"Ano sa tingin mo?" tanong ko.

"You're a gross lady. Are you going to feed me with your menstrual blood?"

Agad kong kinuha ang kutsara ko at inihampas sa kamay niyang may hawak ng sandok.

"Ang guwapo mo pero ang baboy mo."

"You don't need to tell me that. I know I'm handsome." Hinawakan niya ang baba niya at tumingin sa kaliwa't kanan.

"Java rice ang tawag diyan. Nilagyan ko lang ng ketchup."

"Okay." Ibinaba niya ang sandok at hinawakan ang platong nakapatong sa mangkok. Tinakpan ko kasi kanina para hindi lumamig agad. "A noodles?"

"Ayaw mo ba?"

"I like noodles but not this one." Gamit ang kutsara ay itinaas niya ang kalabasa. "I don't eat squash!"

"Masarap 'yan. Subukan mo."

"I won't! Just eat by yourself." Tumayo siya at lumapit sa aparador na pinaglalagyan ko ng pagkain at naglabas ng biscuit. "Finish eating. We'll be late," sabi niya at bumalik sa sala para ayusin ang mga gamit niya.

*****

Kasalukuyan kaming naglalakad palabas sa highway. Kanina pa nakasimangot itong kasama ko na akala mo'y pinagsakluban ng langit at lupa.

Well, 'yong katauhan niya ay literal na combination ng langit at lupa. Bakit? Puwet niyong may rocket? 'Yong itsura niya kasi'y parang anghel—guwapo. Pero 'yong ugali parang lupa—ang gaspang.

"Let's ride a taxi cab," sabi niya.

"Sige, ipaparahan kita."

"Anong ipaparahan mo ako? Tayo ang sasakay."

"Medyo malapit lang naman ang ALU. Lalakadin ko na lang. Isa pa, mahal ang taxi."

"I told you that I want to be with you, didn't I?"

"Hindi ba't sinabi ko din sa'yong ayaw kitang katabi?" sabi ko sa kaniya. Lumakad ako paharap upang mas madaling makahanap ng taxi. "Ayaw nga kitang kasama eh," bulong ko sa sarili ko.

"Tss. I heard you."

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko siyang nakabusangot. 'Yong mata niya'y parang walang emosyon at hindi makapaniwala sa narinig.

Huminga ako ng malalim. "Sorry," sabi ko.

Sinusubukan ko nang hindi magbitaw ng masasakit na salita kahit kanino. Hindi man pansin ng iba pero sinusubukan ko. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong mabadtrip minsan.

"'Wag na lang tayo magtaxi. Mag-jeep na lang tayo," sabi ko at naglakad.

"Hindi pa ako nakakasakay diyan."

"Eh 'di maganda. 'Yong first experience mo'y magiging memorable."

Isang magandang ngiti ang sumilay sa aking labi. May kalokohan na namang namumuo sa isip ko. Hindi nga lang ako sigurado kung gagana ito pero sana, oo. Pambawi ko man lang sa mga ginawa niya kanina.

"Oh, sakay na. Dalawa na lang. Dalawa na lang," sigaw ng barker ng jeep.

Lumapit kaming dalawa ni Ian doon.

"Sakay na kayo, Miss. Kasya pa kayo diyan."

Kuya, alam kong scam 'yang sinasabi mo. 'Wag ako. Tumingin ako kay Ian at tumitingin din siya sa loob ng sasakyan.

"Oh, dalawa na lang, dalawa na lang. Kasya pa."

Inalis ko ang bag ko sa pagkakasuot at hinawakan ito. Akma na akong papasok nang hawakan ni Ian ang pulsuhan ko.

"Miss, pasok na. Aalis na tayo," sabi ng driver.

"Hey, this is full," sabi ni Ian sa likuran ko.

Ako ang pinagtripan mo kanina ah. Puwes, pambawi ko lang 'to sa'yo. Umupo ako sa bakanteng upuan at iniwan si Ian sa labas.

"Bahala ka sa buhay mo. Maghintay ka ng masasakyan mo," sabi ko at pinaandar ni Manong ang makina.

"What the heck?" sabi ni Ian. Nagsimulang umandar ang jeep pero sumisigaw pa din si Ian. "Manong, wait! D*mn! Sasakay pa ako."

Walang nagawa si Ian kundi ang sumabit na lang. Masasabi kong hindi nga siya sanay sa ganitong sasakyan dahil hindi niya alam kung paano hahawak ng maayos.

Nakita ko ang ibang mga babae dito sa loob na pinipicturan siya kaya inilabas ko din ng cellphone ko para picturan. Remembrance lang sa achievement sa buhay niyang makasakay ng jeep.

"Smile!" sigaw ko sa kaniya. Pagkatingin niya sa akin ay agad kong pinindot ang screen. Great job, self. Stolen pic lang naman ang nakuha ko sa kaniya. Mai-sent nga sa kaniya.

Dahil nga hindi naman gano'n kalayo ang school namin sa bahay ko ay agad naming narating ito. Ang ilang mga kasabay ko pa sa jeep ay nagba-bye kay Ian. Tss.

"D*mn! My hair was ruined." Gamit ang screen ng cellphone niya'y inayos niya ito gamit ang mga daliri niya. "Why the heck did you ride that bulok na sasakyan? Puno na nga eh. Pinagsiksikan mo pa sarili mo."

"Atleast sa jeep ko lang ipinagsiksikan ang sarili ko. Hindi sa taong hindi naman ako gusto," sabi ko.

"What?"

"Wala!" Naglabas ako ng alcohol ag nagbudbod sa kamay. "Nagrereklamo ka ngayon, kung puwede ka namang hindi sumakay kanina."

"Why would I? I won't let you go away from me."

Tumawa ako ng plastik. "Corny."

"I told you that I want to be by your side, didn't I?"

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Huminto din siya at tumingin sa akin. Kinuha niya ang alcohol at nagbuhos ng napakadami sa kamay.

"The smell of the metal on my hand is stinking. Tss. I won't ride that kind of car again."

"Wala namang nagsabi sa'yong sumakay ka ah. Hindi ka naman pala kumportable, 'di sana nag-taxi ka na lang."

"Tss, fine!" Ibinalik niya sa akin ang alcohol. "I will do anything just to be with you. Kahit magmukha pa akong sardinas sa gano'ng sasakyan."

Napabuntong-hininga ako ng malalim at napasabunot sa buhok. Nandiyan na naman ang mga magbubulungan sa paligid na nagtatanong kung bakit daw kami magkasama, kung ano daw ang ginawa ko. Tss.

"Seryosong usapan, Ian. Ayaw ko nang makipaglaro sa'yo ngayon."

"Then let's be serious with each other."

"Ano ba!" Napasigaw ako dahil sa iritasyon. Hindi ba niya maintindihan na hindi ako natutuwa sa mga sinasabi niya?

"What? Wala naman akong ginagawa ah."

Badtrip. Kahit kailan talaga isip-bata ang isang 'to. Inilagay ko sa bag ko ang alcohol at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya ngunit bigla niyang hinila ang kanang pupulsuhan ko.

"I told you, I won't let you go away from me."

"Hindi na nakakatuwa."

Tinignan ko ang paligid at marami ng mga estudyanteng nakapalibot sa'min. Ang iba pa'y nakalabas ang mga cellphone at nagpi-picture.

"Can I court you?"

Pagkarinig ko pa lang ng mga salitang 'yon ay parang nag-slow motion ang paligid. Wala akong ibang nakitang maayos kundi ang mukha lamang ni Ian. Nakangiti ito at nakaluhod sa harapan ko.

Wala akong ibang naririnig kundi ang kabog lamang ng puso ko. Hindi gan'to ang naramdaman ko no'ng umamin sa akin si Ace at inaya akong ligawan. Iba ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ako makaramdam ng kakulangan pero hindi rin ako makaramdam ng kasiyahan. Hindi ko alam itong nararamdaman ko. O kung may iba ba akong nararamdaman.

Hinigit ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Nakikita mo ba 'to?" Itinaas ko ang kanang  kamay ko at itinaas ang middle finger. "F*ck you!" sabi ko at naglakad paalis.

"What the . . ."

Sumakay ako sa shuttle papuntang Business Administration Building. Ano bang pumapasok sa isip niya? Kagabi pa niya ako ginugulo. Hindi ko alam kung anong klaseng laro itong ginagawa niya. Pero dapat kong masigurado na hindi ako ang matatalo.

**********

Hi guys!
     Thank you for supporting me😊 Keep on loving my story😘

Please vote,
           comment,
                   and recommend.

Thank you😊😘

Pasok Moira! 'You are my sunshine my only sunshine.'

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 71.2K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.7M 74.5K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...