Loving Her Soul [Book 1 of Lo...

By aroxiah

199K 4.8K 1.6K

Ruhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She... More

Loving Her Soul
02 | How did you do it?
03 | Achi
04 | Nostalgia
05 | Kill this love
06 | You, witch!
07 | Oops, sorry
08 | Unnoticed
09 | Girlfriend
10 | Understand
11 | You're joking, right?
12 | Similar
13 | Feelings
14 | Oh, shit!
15 | Rejected
16 | Reason
17 | Eraserheads
18 | Answer
19 | Date
20 | Intervention
21 | None of your business
22 | Go
23 | Memory
24 | You're what?
25 | Sweet home
26 | Too honest
27 | Open
28 | Real date
29 | You're a cheater
30 | I'm sorry
31 | Heard it wrong
32 | Obvious
33 | Probably
34 | Eager
35 | Your friend
36 | Odd one
37 | Uneasy
38 | Love return
39 | Into you
40 | Kin
41 | Exception
42 | Invitation
43 | Traitor
44 | Loving you
45 | Oh
46 | Vulnerable
47 | Encounter
48 | Yesterday
49 | One big chaos
50 | Unresolved
Epilogue

01 | The one and only

17.9K 271 157
By aroxiah


01
The one and only

Good afternoon passengers. This is your captain speaking. First I'd like to welcome everyone on Rightwing Flight 86A..

Nakaupo ako ngayon sa isang business class seat kung saan ako lagi tumutuloy. Hindi naman lagi ito puno kaya minsan ako nakakahanap ng mauupuan. Kung susuwertihin minsan sa tabi ako ng bintana umuupo. Mahilig kasi ako tumingin sa mga tanawain kapag ako ay nasa byahe.

...I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, sit back, relax and enjoy the rest of the flight.

Ilang sandali pa at tuluyan nang lumipad ang sinasakyang kong eroplano. Tinignan ko ang mga taong nakaupo, may iilan na nililibang ang kanilang sarili sa panuorin, mayroon ding pinili na lamang matulog, at ang iba'y nakaharap sa kanilang mga laptop kung saan patuloy pa ring nagtatrabaho sa gitna ng himpapawid.

Binaling ko ang aking tingin sa bintana at sa ulap itinuon ang pansin. Hindi ko na mabilang kung pang ilan ko na ito ngayong taon. Sa bawat lugar na napuntahan ko iisa lang ang kinahahantungan ko, iyon ay ang hindi pagiging kuntento. Para bang may isang bagay akong hinahanap pero hindi ko matagpuan. Para bang ayaw magpakita sa akin at tila pinaparusahan ako.

Hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari ng upuang ito. Anuman ang dahilan kung bakit hindi ito okyupado ay nilaan na ng kapalaran para sa akin. May mga bagay talaga na hindi natin inaasahan na para bang wala tayong ibang magagawa kundi ang sumabay sa agos ng tubig. Gaano man natin gustong kontrolin ang ating buhay ay hindi maaari sapagkat tanging ang Diyos lamang ang may hawak nito.

Ngayon patungo ako sa isang lugar na hindi ko pinag-isipan. Bigla na lamang ako dinala ng aking mga paa sa eroplanong ito. Napagod na rin siguro ako kaya hinayaan ko na ang kapalaran kumilos.

Nakakapagod magtanong nang magtanong lalo na kung walang sagot ang dumarating sayo. Paulit ulit na umaasa pero paulit ulit ding nabibigo. Pilit ko mang alisin sa aking isipan at magpanggap na ayos lang, may mga araw talaga tulad ngayon na nilalamon ako ng kalungkutan.

Bakit?

Bakit ako?

May nagawa ba akong mali?

Kailan ba matatapos ito?

Pagod na ako.

Ayoko na.

Ilang ulit ko nang sinambit ito ngunit walang nakaririnig. Wala ni isa ang lumingon. Wala ni isa ang sumagot. Wala ni isa ang tumulong. Ako at ako lamang ang aking makakapitan. Kaya sa bawat araw na lumilipas natuto akong tanggapin iyon. Sinanay ang sarili sapagkat lalo lamang akong lalamunin ng kadiliman kung aking hahagkan ang kalungkutan na siya kong kasama sa araw-araw.

We hope you have enjoyed the in-flight entertainment. We are now preparing to land. The bar is closed and we will soon collect your headset. May I remind you to complete your arrival and immigration documentation by the time we arrive.

Ito na ata ang pinakamabilis kong paglalakbay sa taong ito. Kung sabagay hindi ko naman na alam kung saan ako pupunta, mabuti na rin at malapit lang nang sa ganon makapaglibot agad ako. Wala naman akong hindi nagustuhan sa Davao kaya lang mabilis akong naburyo sa lugar na iyon. Isang oras lang ang tinagal namin sa ere at ngayon kami'y nasa Cebu na.

Balita ko maganda raw ang mga tanawin dito, maraming dagat kung kaya't dinarayo ng mga turista. Sa tuwing paglapag ko sa bagong lugar, doon agad ako dumidiretso dahil ang dagat lang ang tanging nagpapakalma sa akin.

Dumiretso agad ako sa labas at nakisabay sa mga turistang sumakay sa isang van. Hindi ko alam kung saan sila patungo pero maghahanap ako ng bus station patungo sa aking destinasyon. Ito ang naging diskarte ko simula nang naglakbay ako. Konting pagmamasid at pakikinig, alam ko na agad kung sa ako pupunta. Gaya ng sabi ko kanina sabay sa agos ang takbo ng buhay ko.

"Daniel, umayos ka ng upo at medyo matagal ang byahe natin." sabi ng isang babaeng nakasumbrero.

"But mommy, I'm playing!" sagot naman ng katabi kong ingleserong bata.

"Stop playing then! Matulog ka na lang at para gising ka mamaya kapag nakarating na tayo sa beach."

Oh. Hindi ko na pala kailangang bumaba sa bus station. Sasama na lang ako dito sa pamilyang to. Pero saan kayang beach sila pupunta? Sana sa Camotes Island. Nabasa ko iyon sa isang magazine nung nakaraan kung saan doon naghoneymoon ang isang mag-asawang artista.

"Honey, ilang room ba ang pinareserve mo don sa hotel? Baka maubusan tayo at marami ang papunta ngayon sa Moalboal." sabi ng babae na parang narinig ang tanong ko.

Moalboal? Hmm. Hindi ko pa nakikita iyon pero kung marami ang pumupunta, ibig sabihin ay maganda roon. Ayoko pa naman ng maraming tao dahil hindi ako makapag isip ng maayos pero sino ba naman ako para umangal gayong nakikisakay lang ako dito.

Isang oras ang lumipas at hindi ko na kinayanan. Gusto kong bigwasan ng malutong ang batang katabi ko. Hindi ko malaman kung kinulang ba sa aruga itong batang to sa sobrang likot. Kung pwede lang kanina ko pa kinagat sa ilong to. Nako! Kung pwede lang talaga!

Lumipas pa ang dalawang oras bago kami nakarating sa aming destinasyon. Sinilip ko ang relo ng babae at nakitang alas singko na ng hapon. Mabuti naman at maabutan ko pa ang sunset. Iniwan ko ang mga turista at nagsimulang maglakad patungo sa dagat.

Hindi ko maipagkakaila na tunay ngang maganda dito. Pino ang mga buhangin at masarap ang simoy ng hangin. Gaya ng inaasahan, marami ang turistang dumayo sa lugar na ito. Patuloy lang ako sa paglalakad, dama ang tubig sa aking paa, humanap ako ng lugar kung saan tahimik at doon na napag-isipang magpalipas ng oras.

Sa bawat hampas ng alon sa lupa, pilit kong inaalala ang mga bagay na magpapabalik sa aking memorya. Ngunit sa bawat pagsisikap na may maalala, tanging mga piraso ng nagdaang dalawang taon ang tanging nakikita ko.

Mula ng nagkamalay ako, isang tanong ang sumibol sa aking isipan.

Sino ako?

Hanggang sa nasundan ng mga tanong na hindi nasagot. Ilang araw ang lumipas laman ang isang babaeng hindi mahanap ang kanyang sarili. Walang makausap, walang mapuntahan. Pilit na hinahanap ang sagot sa mga bagay na nakapaligid hanggang sa mga pag-iyak na hindi matigil.

Umupo ako sa isang sulok at pinagmasdan ang mga taong palakad lakad sa kalsada. Ilang araw bago nagkaroon ng lakas ng loob humarap sa mundong nasilayan, tumayo ako at nagsimulang maglakbay para buoin ang sarili. At sa aking paglalakbay unti-unti kong napapagtagpi tagpi ang mga nawawalang piraso.

Nagsimula ang lahat sa pag-alala ng aking pangalan na labis kong pinanghawakan. Isang araw, may sinundan akong isang babae na nakasuot ng uniporme. Pauwi na siya sa kanilang bahay hanggang sa nakarating kami sa kanyang kwarto. Namangha ako dahil puno ito ng mga bagay na nakita sa telebisyon. Puro poster at figurines ang nandoon. Hinayaan ko ang sarili kong libutin ang kanyang koleksyon hanggang sa mapadpad ako sa isang poster.

Isang grupo ang naroon at marami pang ibang poster ang katulad noon. Sa sandaling iyon napatitig ako at ilang beses kong binasa ang pamagat. Hindi ko maalis ang aking tingin na para bang hinihila ako kung saan. Hanggang sa unting unti may naririnig akong bulong..bulong ng nakaraan.

"Baby, what is it? Why are you crying?" boses ng isang babae na tila hinihele ako.

"Mommy, my classmates are teasing me because of my name!" pamilyar na sumbong ng umiiyak na bata.

"Why? Is something wrong with your name?"

"Tinatawag nila ako na parang goat. "ru he ee ee ee" they pronounced my name wrong. They are so stupid, they won't listen when I correct them. I hope they turn into a goat."

"Baby, that's bad. You shouldn't curse them like that."

"But mommy.."

"Here's little secret. Do you know the meaning of your name?"

"Of course not mommy. Why would a ten years old girl be curious with that?"

"Oh sush! You and your sarcasm self. Tsk. Kanino ka ba nagmanang bata ka. Your name, Ruhee, means "Soul, a flower, who touches the heart."

"What does it mean mommy?"

"It means that you have a pure heart who can melt other people's well-being. You have a special gift that can soften the heart of other people. You can touch it with yours and turn it into something so precious."

"I can do that? So all I have to do is get my heart and touch it with theirs?"

"Uhm. No, silly. What I'm telling you is that you can make people love you without even knowing it. That means your classmates will stop teasing you in no time. Someday you'll understand it when you grow older."

Labis ang pasasalamat ko sa lumikha ng anime na iyon. Ilang araw ako nanatili sa bahay ng babae at nakisabay sa panonood niya ng Soul eater.

Nagpatuloy ako sa paglalakbay at sa bawat hakbang may nakukuha akong mahahalagang bagay. Hindi ko man maalala ang buong pagkatao ko, ayos na sa akin ang mga pirasong nakalap ko. Alam kong darating ang panahon na magbabalik ang lahat ng nawala sakin.

Pinagmasdan ko kung paano lumubog ang araw. Hindi ako kailanman magsasawang panuorin ang pangyayaring ito.

Isang beses ako pumasok sa isang kapilya para makinig ng leksyon. Sa gitna ng aral, nagtanong ang pastor, kung papipiliin ka, ano ang mas gusto mo..bukang liwayway o takip silim?

Sabi niya kung pipiliin daw ang bukang liwayway ikaw ay isang matatag na tao sapagkat ito ay sumisimbolo sa pag-asa. Samantalang, ang takip silim naman ang simbolo ng kahinaan sapagkat sa dilim nagtatago ang mga taong nawalan na ng pag-asa.

Napaisip ako sa kanyang sinabi. Kung ako papipillin, doon ako sa takip silim. Hindi dahil sa pagkawala ng pag-asa kundi sa abilidad nilang itago ang kanilang kahinaan sa dilim.

Naniniwala ako na hindi mo kailangan ipakita sa mundo na naubos ka na, na pagod ka nang lumaban. Kailangan mo itong itago sa dilim para hindi ka nila pagkaisahan. Hindi nila mapagsasamantalahan ang kahinaan mo dahil pagsapit ng bukang liwayway ang taong nagtago sa dilim ay patuloy na lalaban para mapatunayan na kaya niyang lumaban.

Nagpakita man ng kahinaan subalit patuloy paring babangon para harapin ang dagok ng buhay.

Marami na akong natunghayan na buhay ng ibang tao. Hindi kailanman magiging pantay pantay ang tao sapagkat ang mundo'y nabubuhay ngayon sa panlalamang. Gusto ng lahat sa taas. Walang may gusto sa baba kaya kahit ano gagawin ng tao para lang makawala sa putikan.

Sadyang kay gulo ng ating mundo. Dumagdag pa ang kalagayan ko ngayon. In fairness, ang daming time ni Lord.

❇❇❇

Dumilim ang paligid, ako'y sumakay sa bus na papunta kung saan. Tatlong oras bago makarating sa syudad. Saan kaya ako mananatili ngayon? Kailangan ko ng matutulugan. Tinignan ko ang nakapaskil "Limonia St". Naglakad lakad ako para makahanap ng matutuluyan hanggang sa nakarating ako sa isang village. North town homes. Hmm. Pwede na.

Nilibot ko ang aking paningin, puro magaganda at malalaki ang bahay na narito. Karamihan sa napuntahan ko ay parehas lang nito. Well, ito talaga ang hanap ko dahil sino ba naman ang hindi gugustuhin tumira sa ganitong mga bahay.

Sa dami ng pagpipilian, dito ako tumuloy sa isang bahay na may malaking puting gate. Nagustuhan ko ang disenyo ng bahay kaya naman dito ko napagdesisyunang manatili. Gustuhin ko mang libutin ang buong bakuran, ay alam kong hindi ako masisiyahan sapagkat gabi na at di ko makikita ng maayos iyon.

Dumiretso ako sa bukas na pinto at pinagmasdan ang magarbong bahay. Maliwanag ang ibang parte dahil naglilinis ang mga kasambahay dito. Gabi na pero naglilinis pa rin sila? Iba talaga kapag yayamanin!

Tinignan ko ang mga litratong nakadisplay sa sala. Sa isang frame may isang pamilya na tatlo lamang ang bumubuo. Mag-asawa at isang anak na lalaki. Lahat sila nakangiti na tila ba isang halimbawa ng perpektong pamilya.

Sa pangalawang frame, isang pamilya ulit pero puro babae na halos ang naroon. Apat na babae at isang lalaki. Teka? Bakit parang may kamukha yung lalaki don sa naunang frame.

Pinagtabi ko ang dalawang frame at iisa lang nga ang lalaki. Ang padre de pamilya. Ano kayang nangyari? Bakit dalawa na ang pamilya niya ngayon?

Ayaw ko mang panghimasukan, nacurious na ako. Baka isa to sa mga napanood kong drama sa telebisyon. Hmm. Baka magtagal ako dito ng wala sa oras ah.

Iniwan ko ang sala at naglakad ako patungong kusina, doon marami ang kumikilos. Mga naghuhugas ng pinggan, nagwawalis, nag-aayos ng mga pagkain at kung anu ano pa.

Katatapos lang siguro nila magdinner? Pero alas onse na ng gabi ah! Kakaiba trip ng mga bourgeoisie. Umalis ako doon para magtungo sa taas pero nadaanan ko ang kanilang kainan na may pinto sa gitna. Sinilip ko at tama ang hinala ko.

May swimming pool din sila tulad ng mga napuntahan ko na bahay. Umupo ako sa isang sulok at binabad ang aking mga paa sa tubig. Isa ito sa hilig kong gawin kapag may pagkakataon na walang tao.

Pinagmasdan ko ang tubig, gumagalaw ito sa ayon ng paggalaw ng aking mga paa. Di ko man dama ang lamig, at least dama kong nandito ako dahil sa simpleng pagsang-ayon nito sa aking galaw.

Tumingala ako at napangiti na lang sa mga bagay na tanging nakakakita sakin. Mga bituin na laging nandyan kapag kailangan ko ng makakausap. Ang tanging liwanag na gumagabay sa akin sa gitna ng kadiliman tuwing gabi.

"Hi guys! Kamusta naman kayo"

"Kamusta niyo naman ako kay God oh, baka sakaling malapit na akong makalaya sa mundong to. Pakisabi nandito ako ngayon sa Cebu. Hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito pero sana sunduin niya na ako. Napapagod na ako. Gusto ko lang naman maging payapa na ang buhay ko."

"Tho sabihin natin na pabor sakin tong paglalakbay ko. Nakakapunta ako sa mga lugar na gustuhin ko, walang gastos, walang pagod..pero bakit naman ganon? Wala din akong kasama. Wala akong makausap. Gustuhin ko man magpicture sa mga lugar na napuntahan ko gaya ng ibang tao hindi pwede."

"Gusto ko din mamuhay ng normal kung saan may pamilya at mga kaibigan akong makakasama. Mahirap ba yon? Ano ba talaga ang purpose ko dito sa mundo? May dapat ba akong gawin dito?"

"Oo na. Sorry na, puro tanong na naman ako sa inyo. Bigyan niyo naman ako ng sign. Narinig ko sa isang babae kanina na kapag hindi mo alam ang gagawin mo o kaya naman kapag hindi ka sigurado sa gagawin mo ay humingi ka lang ng sign kay God. Give me a sign so I can continue living. If this is still called living?"

"Fine. I'll stop ranting now. I've been feeling blue since this morning. Alam niyo na, tamang drama lang. Sige na, pasok na ko sa loob. Baka kulang lang ako sa tulog."

Pumasok ako sa loob at umakyat na sa pangalawang palapag. Now it's time for hunting the best room! Inumpisahan ko muna sa pinakadulong kwarto. Isang queen size bed at napapalibutan ng kulay pink ang buong kwarto.

Ano to kwarto ni Barbie? Nope! That's a big NO for me.

Moving on to my next hunt. Isang queen size bed na puro violet naman ang makikita.

Kanino naman to? Kay Barney?

Ano ba naman tong napuntahan kong bahay puro may character filling. Ano susunod kwarto ni Spongebob?

Labag man sa loob ko binuksan ko pa rin ang isang pinto sa kabilang dulo. Pagkabukas ko isang maliit na sala ang bumungad sa akin. Taray! Ito siguro ang master bedroom, may pa mini sala e!

Simple white theme with wood accent ang buong paligid. Mocha brown sofa set, with a small center table filled with random things. Nice.

Dahan dahan akong naglakad habang tinitignan mula sa maliit na detalye ang buong paligid.

Napatingin ako sa sahig nang may nakita akong nakakalat na damit. Mula sa shorts, papunta sa ano yon? Panty? Di kalaunan may naririnig akong ingay, more like ungol. Ano yon?! May nanonood ata ng porn dito! Shit. Ako din, panood.

Diniretso ko ang kwarto hanggang sa masilayan ko ang dulong parte ng kama at nang makita ang kabuuan napahinto ako sa aking kinatatayuan. Hindi siya porn. Wow! IT'S A LIVE!!

Patuloy ang paggalaw ng lalaki sa taas ng babae habang ako nakatitig lamang sa matumbok niyang pwet. Sana all may bumpy ass. Napahawak ako sa side table sa sobrang intense ng aking nasaksihan, hindi ko inasahan na may masasagi akong libro dahilan ng pagbagsak nito sa sahig.

Napahinto ang lalaki at lumingon sa akin.

"Sus, sige lang tuloy niyo lang. Di ko sinasadyang maistorbo kayo. Tuloy niyo na, pero panood pa rin saglit ha. First time kong makakita ng live e." sabi ko kahit di naman nila ako maririnig.

"WHAT THE FUCK?! WHO THE FUCK ARE YOU?!" sigaw bigla ng lalaki na nagpagulat sa akin at pati na rin sa babaeng kasama niya. Problema nito?

"I SAID WHO THE FUCK ARE YOU?! Who let you in?!" sigaw pa rin niya. Napatingin ako sa likod ko, may tao ba? Binalik ko ang tingin ko sa kanya at bakit parang sa akin siya nakatingin. Tinuro ko ang sarili ko kahit alam kong hindi niya ako makikita.

"Ako ba?" tanong ko.

"Sino pa ba?! Anong ginagawa mo dito? Magnanakaw ka no. Pwes, kunin mo lang ang mga gusto mong kunin at lumabas ka na dito. Naiistorbo mo kami!" sagot niya.

Sa isang iglap huminto ang oras ng mundo. Mundo kung saan ako lang ang nabubuhay. Mundo kung saan ako lang ang tanging nilalang na malayang nakakagalaw. Mundo kung saan ako lang ang mag-isang lumalaban para sa araw-araw na nilikha ng Diyos.

Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Pinagmasdan ko ang tanging lalaki na kumakausap sa akin ngayon.

The only man on Earth who can see me. Who's screaming his lungs out just to get me out of his room. The only man who noticed me. The only man who can look at me in the eyes and see me as a whole. The only man who can possibly change my life!

Is this the sign?

Is HE the sign?

Sa gitna ng aking pagkakatulala, tumayo na ang lalaki ng hindi na ito nakapagpigil. Napatingin ako sa kanyang baba at..

OH MY GOD! IT'S A PENIS! A LIVE PENIS! AND IT'S FREAKING WAVING AT ME.

I really don't know what to do so I waved back. Why is it so friendly? So unlike the man who's now charging at me.

"Are you dumb? I said get out!" sigaw niya ulit at handa na akong itulak palabas.

Inabangan kong dumapo ang kanyang palad sa aking braso pero hindi ko ito naramdaman. Tumagos lang ito gaya ng dapat mangyari. Napahinto siya at tumingin sa akin gamit ang mga nanlalaking mata. Ilang sandali bago siya natauhan. Tinangka niya ulit akong hawakan pero gaya ng nauna, hindi pa rin ito lumapat sa akin.

"What the hell? Is this for real?" tanong niya sa sarili. Habang ako'y nananatiling nakatitig sa lalaki.

"Babe, what are you doing? Sino kinakausap mo jan? Tara na dito at dadalhin mo pa ako sa langit diba?" malanding sabi ng babae.

"Shut the fuck up or else literal na sa langit kita itatapon at makikita mo agad si Lord." inis na banat ni "babe". Cringe.

"Hindi mo ba siya nakikita?" tanong niya sa babae habang di pa rin makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Alin ba? Wala akong ibang nakikita kundi ikaw lang na parang tanga jan! Alam mo kung ayaw mo ituloy to sabihin mo lang. Hindi yung nagbabaliw baliwan ka para umalis ako." tumayo ang babae at pinulot na ang kanyang mga damit.

"Anong pinainom mo sa akin?! May halong drugs yon no? Kaya pala iba lasa ng mani mo! Walangya ka." inis na sabi ng lalaki.

Totoo ba? Lol. Di ko napigilang tumawa nang dahil don. Nagsagutan ang magkasintahan kaya tumalikod na ako para lumabas. Sabog lang siguro yon kaya akala niya nakikita niya ako. Pinaasa lang ako ng hampaslupang yon!

Akala ko totoo na.

Akala ko sa wakas narinig na ang hinaing ko.

Mukhang umasa lang ako sa wala.

Paalis na ako nang biglang humarang sa harap ko ang lalaki.

"And where do you think you're going?! Pagkatapos mong gambalain ang sexy time ko!" Pahabol niya.

Sa gulat ko napaupo ako sa sahig at hindi makapaniwalang tumingin sa lalaki. Please tell me that this is real. That this is not a dream! Because God knows how I wanted this!

Ilang segundong titigan ang nangyari bago nagsink in sa akin ang lahat. Napatayo ako at nilapit ang sarili sa lalaki! Hinawakan ko ang kanyang kamay. Well, sort of. at buong galak kong sinabi.

"YOU ARE THE ONE!"

"THE ONE AND ONLY!"

xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
28.7K 566 13
Game of Love side story: Played by Fate LOVE is not in our choice but a matter of FATE. "Fate will bring you a worthwhile lesson. It doesn't matter i...
553 165 8
Allena Gorzana had no patience for the notorious Alcarez who loved to create chaos and bully others. Despite his handsome appearance, she saw through...
114K 8.7K 165
"Kahit kainisan mo pa ako, sa akin at sakin kalang mapupunta" Hindi mawala sa utak ng binata ang bawat sinabi sa kanya ng dalaga. Isang napakawierdo...