Royals: Misfits

By _aubrstories

1.2K 32 6

Allison Carpio decided to lead a secret team of students in order to take down a group of rebellious teenager... More

author's note
...
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen
chapter fourteen
chapter fifteen
chapter sixteen
chapter seventeen
chapter eighteen
chapter nineteen
chapter twenty
chapter twenty one
chapter twenty two
chapter twenty three
chapter twenty four
chapter twenty five
chapter twenty six
chapter twenty seven
chapter twenty eight
chapter twenty nine
chapter thirty
chapter thirty one
chapter thirty two
chapter thirty three
chapter thirty five
chapter thirty six
chapter thirty seven
epilogue
final notes + trivias

chapter thirty four

14 1 0
By _aubrstories


34: Vital Key


a.n. // trigger warning

~*~

Malakas ang tunog ng musika sa loob ng bahay na iyon. Iba't ibang kulay ang sinag ng ilaw na sumasayaw, tulad ng mga taong wala na sa wisyo at nagkumpulan sa gitna ng sala na nagsilbing dancefloor.

Pagkatapos ng ilang tawag at texts, ay napapayag rin nila Danielle na pumunta si Phoenix sa naturang party. Umabot pa ito sa asaran, tinawag pa ang naturang babae na 'matanda', dahil daw hindi mahilig sumayaw at uminom.

Mas gugustuhin pa niyang magbasa ng mga librong nabibili sa malapit na bookstore keysa uminom at makisalamuha. Hindi naman siya tahimik, pero hindi rin naman ito mahilig sa sobrang ingay at atensyon, 'di tulad ng mga kaibigan nito.

Hindi rin nito maintindihan bakit kaya nakakaya niya ang mga iyon. Ang impluwensiya ng mga naturang tao na iyon sa kanya ay malaki, lalo na sa pakikitungo ng ibang tao sa kanya. Madalas, maraming naiintimida sa presensya nito kahit pa nakangiti siya.

Kadalasan, kapag may taong napa-partner sa kanya sa anumang gawain, ay ayaw nilang magkamali.

Hindi ito nagugustuhan ni Phoenix.

Hindi siya nakipagkaibigan rito para maramdaman ang pagiging mataas sa ibang tao o estudyante. Ngunit, gusto nito maging impluwensya sa mga nasabing kaibigan na nagbibigay sa kanya ng kakaibang epekto sa presensya niya pagdating sa ibang tao.

Pero parang walang nangyayari't matitigas ang ulo ng mga ito.

Kapag dumarating ang mga oras na naiinis siya sa mga ito, laging sumasagi sa isip nito si Allison Carpio.

Ang tanging karibal nito sa rankings. Miyembro ng IT Club. Isang Arguello.

Nakita nito ang sarili sa naturang babae. Ayaw sa atensyon, ayaw sa gulo. Pero kapag may gustong ipaglalaban, lahat ng prinsipyong pinaniniwalaan nito ay babalewalain.

Hindi siya nagkamali noong kausapin niya ito noong unang magkakilala. Halos parehas sila ng hilig, paniniwala at opinyon. Parehas nilang alam ang sikreto ng isa't isa.

Parehas ang lingguaheng sinasalita na sila lang ang nakakaalam.

Kaya ganoon na lang ang takot nito ng malamang kalaban na niya ito mula ngayon.

Sa tagal nilang hindi nag-usap, ay nahiya na itong puntahan pa si Allison. Noong dumating si Dexter, ay parang nawala sa usapan ang babae. Bulong sa hangin na mabilis lang binalewala.

Nabasa niya agad ang galit sa mga mata ng babae nang magkita sa convenience store, at nalamang ipinaghihiganti pala nito ang kaibigan na si Evan Baltazar, at sinabing ito pala ay nag-suicide.

Kaya laking gulat nito nang malaman iyon mula sa babae. Ang sinabi ng mga guro, administrasyon ng school, ay nagpa-drop out na lang ito dahil sa mga problema sa pamilya.

Pero nang kausapin sa personal ang mga kaibigan nito sa swimming team, ay nangamba na ito. At nang makaharap na ang mismong puntod ng lalaki, doon pa lang ito naliwanagan na totoo nga ang sinabi ni Allison.

Na totoong pinagtakpan nanaman si Dexter ng naturang pamilya.

"P*ta ka, Phoenix, pupunta rin pala, dami mo pang reklamo!" bati sa kanya ni Lavender at agad binigyan ng yakap.

"'San si Dex?"

Napahawak agad si Phoenix sa braso ng bigyan ito ng sampal ni Lavender, at humalakhak, habang binabalanse sa kabilang kamay nito ang hawak na red cup. "Girl, would you chill the f*ck up?! Parang ikaw pa yung jowa ng boyfriend ko e! Nandoon lang siya sa taas, probably playing truth or dare or something."

"Kadiri ka, 'di kami talo nun."

Agad iniwan ni Phoenix si Lavender nang pagtawanan lang ito. Sa pamumutla ng mukha nito, halatang lasing na lasing na nga ito. Nahagip pa ng mga mata nito ang pagbalik ng babae sa dancefloor, at may kasayaw na ngang ibang lalaki.

Dali-dali siyang umakyat, at hinanap ang lalaki. Itinaboy pa nito ang iilang mga bisitang naghahalikan na.

"P*nyeta, celebratory party 'to, hindi night club." bulong pa ng babae sa sarili.

Bawat pintong nadadaanan nito ay pilit na kakatukin at tatawagin ang pangalan ni Dexter. Nakailan na siya sa mga ito, ang iba pa'y nairita sa presenya nito, anya nila'y naiistorbo sila sa kanya. Wala namang pakealam ang babae at patuloy sa paghahanap.

Hanggang sa mamataan na nga nito ang pagewang-gewang na katawan nito, tumatawa habang kausap si Allan, na kasama si Danielle. Sila'y nasa mismong harapan ng kwarto na bukas ang pinto.

Hindi ito nag-atubiling bigyan ito ng mahinang sampal sa braso, tama lang para makuha niya ang atensyon nito. Agad yumakap ang lalaki nang makita si Phoenix.

"Nix! Miss na kita!"

Agad umalis sa yakap si Phoenix nang maamoy ang alak mula sa damit ng lalaki. "Parang hindi tayo nagkikita sa school. 'Wag kang masyadong uminom, uy!"

"Chill, Phoenix..." tawag ni Allan sa kanya, at isinampay ang braso nito sa balikat niya. "Loosen up! Masyado kang stressed!"

"How can I? Ako ang magda-drive sa inyo pauwi! Tapos mukhang titirik na ang mga mata niyo sa sobrang kalasingan!"

"Hindi 'yan!" sagot ni Allan na ikinatawa ng dalawa. Kumunot ang noo ni Phoenix at pilit initindi kung anong nakakatawa doon sa sinabi ng kaibigan. Lasing na nga talaga ang magkakaibigan.

Saglit na namasyal ang mga mata nito sa kwarto, hanggang mamataan ang malaking kama, kung saan ay may nakahigang babae. Babalewalain sana niya ito, nang biglang magtaka sa sarili kung bakit mukhang pamilyar ang mukha nito.

"Inom na lang tayo sa baba, Nix. Samahan na'ten doon si Lav. Diyos ko, baka mamaya landiin na nun si Evan." suhestyon nito, at ibinulong pa ang huling sinabi nito.

Napangisi siya. Mukha kasing imposible 'yon dahil bato pa sa bato ang lalaki pagdating sa ibang babae.

Maliban na lang kung ikaw si Allison Marcian Carpio.

Nangiti agad ito nang maalala ang naturang babae. Sumagi agad sa isipan nito na hanapin siya at sa kanya na lang makipag-usap, pero hindi nito alam kung paano kakausapin. Agad siyang pinangunahan ng hiya, kaya napilitan na lang itong sumama kay Danielle.

Panandalian siyang lumingon sa kwarto kung nasaan sila kanina, at naabutang pumasok ang dalawa doon, at isinara iyon.

Magsasalita sana siya ngunit naunahan siya ng hila ng babae papunta sa dancefloor. Nagreklamo ito ngunit nalunod lang ang boses nito sa lakas ng musika sa loob ng bahay. Wala itong nagawa kung hindi makisayaw.

Mga ilang minuto ang lumipas nang sumama rin sa dancefloor ang mga nagwaging swimming team. Iilan sa kanila ay kilala ni Phoenix, lalo na't bilang ng babae kung ilan sa kanila ang nagtangkang ligawan siya.

"Uy! Nix!" bati ni Randy, isa sa kanila na lumapit sa kanya.

"Congrats pala!" pabati naman ni Phoenix na bahagyang naisigaw dahil sa lakas ng musika.

"Salamat! Buti pumunta ka?!"

"Napilitan lang ako, no!"

Napangiti naman ang lalaki. "Nakita mo ba Evan?! 'Di man lang pumunta ng dancefloor! Ang KJ!"

"Hindi naman. Baka kasama niya si Carpio?"

"Yun nga e! Nagtatampo kanina dahil hindi nakapunta si Allison!" tatawa-tawang sabi pa nito.

Natigilan agad si Phoenix sa narinig. Kadalasan kasi ay pumupunta ang babae sa kahit anumang party basta nandoon si Evan. Minsan ay naiisip na rin nito kung may gusto ba ang babae sa kanya, o kahit si Evan sa kanya.

Naisip nitong hanapin si Evan kaya agad siyang umalis ng dancefloor at namasyal para hanapin ang naturang lalaki. Nang hindi makita sa baba, ay agad nito naisipang tumaas para hanapin sa mga kwarto, nang bigla itong nakaramdam ng kakaiba.

Hindi naman ito lasing kaya alam niyang hindi ito guni-guni lang.

Something is not right.

Mas lalong bumigat ang nararamdaman nito sa bawat pintong nilalagpasan niya hanggang marating ang pinakadulong kwarto. Nakasara ang kwarto, at wala rin naman syang naririnig na ingay mula sa loob.

Tumalikod siya, para sana bumaba na.

Nang maalala nito na nandoon sa loob ang kaibigan nito. Tumalikod muli siya'y humarap sa mismong pinto ng kwarto na 'yon at kumatok. Limang segundo ang lumipas pero wala siyang sagot na natanggap.

Kakatok sana ulit siya nang marinig ang pangalan niya.

"Phoenix! Anong ginagawa mo diyan?"

"Elle, 'diba nandito si Dex?"

Kunot-nong tumango ang babae. "Oo naman, bakit?"

"Hindi ba kasama niya si Allan?"

"Nix, calm down, I'm sure there are more. He's just hanging out!"

Sa mga sinabi ng babae, mas lumala ang kaba niya nang maalala ang babaeng nasa higaan kanina.

"F*ck, may babae 'don!"

"So what?!"

"Anong 'so what'?! Pambihira naman... baka kung anong gawin non!"

"Nix, we're not kids so stop acting like a mother!"

Doon pa lang sa tono ng pananalita ni Danielle, nahalata na ni Phoenix ang irita nito. Kung naiirita man ito, mas mabigat pa rin ang kaba na nararamdaman niya. Maraming senaryong pumasok sa utak nito na maaaring nangyayari sa loob ng kwarto. Marami dito ay hindi maganda.

Aabutin sana ulit ni Phoenix ang doorknob, nang sampalin ang mga kamay nito ni Danielle. Gulat siyang napatingin sa kaibigan, na ngayon may matalas na ang tingin sa kanya.

"I'm f*cking serious, Nix." bahagyang bumaba ang boses nito, isang indikasyon na seryoso ito.

"And you think I'm not?!"

"Dexter knows what he's doing. Hindi mo siya laging kailangang gabayan."

Maling-mali ka doon.

Gusto man sabihin 'yon ni Danielle, ngunit tiyak na magagalit lang ang lalaki pag nalamang nag-aaway nanaman sila. Sa lahat ng miyembro ng gamechangers, isa si Danielle sa kanyang pinakamalapit, ngunit isa sa mga taong baligtad sa kanya.

Wala siyang nagawa kung hindi bumuntong-hininga, at nilagpasan si Danielle para bumaba. Dahil wala na rin sa mood para sumayaw at makiinom, pinili nitong pumasok ng sasakyan at matulog na lamang para hintayin ang mga kasama.

Nagising na lang siya sa mga katok na nanggaling sa bintana nito. Nasilayan nga niya agad ang lahat sa kanila. Nagpasalamat na lang ito at ang van ng nanay niya ang dinala.

Akala nito, magiging tahimik ang biyahe pauwi dahil lasing narin ang halos sa kanila (at tulog na rin si Lavender at Crisanto), pero napiling magkuwentuhan ang iba, habang ang drayber na si Phoenix ay nanahimik, at pinapakinggan lang ang mga sa kasama.

Ngunit 'yon yata ang araw na sinimulan na nitong kwestiyunin ang pakikipagkaibigan sa kanila.

Kahit pa maraming dumaan na araw na maraming inapi si Dexter sa loob ng Asplund, ay ibang lebel na ang nagawa nito, sa para na rin niyang inamin sa isang pangungusap.

"Ang likot ng babae kanina! Sumisigaw pa, ayaw naman amining nagustuhan niya!"

Nabigla ang lahat sa biglaang pagpreno ng sasakyan, narinig pati ang pagkuskos ng gulong sa aspalto. Pigil-hiningang tumingin si Phoenix kay Dexter na nasa shotgun seat.

"P*t*ngina Dexter, may ginawa ka ba kanina?!"

"Amp*ta Nix! Masakit yung ulo ko, uwi na tayo-"

"Sagutin mo 'ko't wag mong baguhin yung topic! Ano?!" sigaw pa nito.

Aminadong natakot ang iba sa kanya dahil ni minsan ay hindi niya pinangbubuhatan ng boses ang lider, o sa kahit sino mang kakilala nito. Tulad ni Alli, tahimik lang ito kapag may kasama.

Nanaig ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Nakapikit lang si Dexter, at malalim ang hininga. Pinagmasdan nga ni Phoenix ang kasuotan nito na medyo magulo. Pero agad na nakapukaw ng atensyon nito ang hindi maayos na pagkakabutones ng polo nito.

Nakailang mura siya sa isip sa realisasyon.

Maaaring ang katabi nito'y nakagawa ng isang krimen ngayong gabi.

Nakatingin lang si Phoenix sa daan, mabibigat ang inilalabas na hininga, ngunit mahigpit ang kapit ng mga kamay sa manubela. Iniisip nito na maling ideya ang pumunta sa party, para sana'y hindi na nito pa nalaman ang ginawa ng kaibigan.

Pero mas naisip nito na paano kaya kung hindi ito pumunta ng party. Halatang wala silang intensyong sabihin ito sa kanya.

Matapos ang mahabang katahimikan, ay sinimulan na muli nito ang makina ng sasakyan at umandar. Naging tahimik ang biyahe, dala na rin ng tensyon sa mata ni Phoenix na nakapokus lang sa direksyon ng daan sa harapan nito.

Umuwi ang babae, na may dalang mabigat na pakiramdam sa dibdib nito. Ni hindi nito masabi sa mga kasama ngayon dahil sa labis na inis at galit sa aksyon na kanilang ginagawa. Hinahayaan lang nilang gawin 'yon ni Dexter, kahit alam nilang mali.

Pero matagal na rin namang ganoon ang mga kasama nito, 'diba? Narinig niyang bulong ng kanyang isip.

Gusto niyang kalimutan ang lahat ng 'yon, hanggang sa gisingin siya ng reyalidad, nang makita ang apelyido ng lalaki sa telebisyon, at may kaso: laban sa babaeng 'di umano ay ginahasa ng lalaki.

"Nix, 'wag na 'wag kang magsasalita about this." pakiusap ni Danielle, matapos ang ilang araw na pagproseso ng kaso.

"Why?"

"Just don't! Maawa ka sa kanya!"

Hindi na nanuod pa ng balita si Phoenix sa telebisyon, o kaya't magbukas ng social media apps para makakita ng balita sa kaso ni Dexter. Ayaw na nitong makisawsaw pa sa drama, pero ang bigat ng dibdib nito'y di parin maalis-alis.

Pilit na binalewala ni Phoenix ang biglaang pagusbong ng galit sa loob nito. "May mga tumestigo ba?"

"Si Evan, yung swimmer! E 'diba party nila 'yon?! Baka mamaya, nakikisawsaw lang siya! Lasing kaya 'yon sa party!"

Pagkarinig sa pangalan ng naturang lalaki, hindi na nakapagpigil si Phoenix.

"Sa tingin mo, nag-iimahinasyon pa siya?!"

"Bakit? Hindi ba? Lasing tayong lahat 'don!"

"Hindi ako." Nanlaki ang mga mata ni Danielle sa dalawang salitang 'yon. Agad hinawakan ni Danielle ang dalawang balikat ni Phoenix, at nawala ang kaninang ngiti.

"Phoenix, ako na nagsasabi sa'yo... masisira buhay ni Dexter if you show up there."

"What's the difference? Mas lalo nga niyang sinisira ang buhay niya, 'diba? At least if I do this, maayos na niya ang sarili niya't makakabawi pa siya!"

"No it's not! Kilala mo yung tatay niya, Nix! You know he won't let this go."

At iyon ang tanging balakid sa kanyang plano para ayusin ang buhay ng kaibigan. Ang pamilya nitong sakim sa respeto. Si Hendrix Mariano ang pagsamantalang nakaupong secretary ng Department of Education. Kahit pa nasa ganoong posisyon siya, ay malaki na ang impluwensiya niya sa tao.

Basta nasa pulitika, nag-iiba ang ikot ng mundo.

Hindi tulad ng iba, may imaheng iniingatan si Dexter, o apelyido.

Hindi rin naman sila magkaiba, ngunit ang kailangang ingatan ng babae ay ang reputasyon nito, na hindi galing sa apelyido, kung hindi sa mga gawa't talino ng pamilya niya bilang mga sikat na doktor. Pero hindi tulad ng sa lalaki, umiitindi ang mga ito sa kanya.

Wala silang sinabing dapat maging doktor rin siya. Ang tanging hiling lang nila'y panatilihing mataas ang grado nito para maipasok sa isang magandang kolehiyo at doon mag-aral. Sa totoosin, sinusuportahan pa nila ang pangarap ni Phoenix na maging isang engineer.

Kaya ang tanging katapusan sa komprontasyon na iyon, ay isang buntong hininga, at tango.

It was for the best, she told herself.

Lumipas ang mga araw, hanggang sa malaman nito ang resulta ng kaso. Not guilty... dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya at witness. Ilang araw pa ang lumipas, bago malamang nag-dropout ang nasabing babae.

Si Thea Fuenmayor.

Sumunod na nag-dropout ang nasabing nag-iisang taong witness, na si Evan Baltazar.

Maraming naniwala sa babae at pilit siyang ipinaglaban, ngunit marami ring hindi naniwala at pumanig kay Dexter. Sa mata ng lahat, walang nakakaalam ng totoo, dahil walang nakakita sa kanila... maliban kay Phoenix, na tikom ang bibig sa lahat ng 'yon. Kita sa mga mata ng lalaki ang saya nang manalo siya sa kaso.

Siguro'y ayos na 'yon sa kanya, ang makitang masaya ang kaibigan.

Hanggang sa paglipas muli ng mga araw, ay may bago nanamang kalaban ang dumating sa kanila.

Ang grupo na nagngangalang Royals.

Iba ito sa kanila't pansin na nito ang kakaibang galit ng naturang grupo sa kanila, o kay Dexter. Pilit nila itong binalewala, hanggang nangyari ang insidente sa sound room kung saan hi-nack ng nasabing lider ng grupo ang sound system at nagparating ng mensahe na sila'y makikipag-gera sa kanila.

Hindi naman umayaw si Dexter at pumayag pa.

Si Cosine agad ang unang pinagdiskitahan ng lalaki. Walang nakikitang koneksyon si Phoenix sa kanya, ngunit taka naman ito kung bakit galit na galit ang lalaki sa kanya.

Wala silang lead sa kung sino man ang talagang mastermind, hanggang mangyari ang JS Prom ng Asplund.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, ay nagkita nga ulit sila ng dating kaibigan sa loob ng soundroom. Ngunit gulat ito ng makita ang suot na dress. A black dress to be precise. Nasa sabit sa leeg nito ang headphones, at nakaharap sa computer screen.

"Oh, sa sounds ka rin, Alli?"

Agad napatingin ang babaeng nakaupo, at binati ito pabalik ng may maliit na ngiti sa labi. "Yes, just... an extra credit for my absence last time."

Agad bumaba ang tingin nito sa tuhod nitong may bandage, na nagpaalala sa kanya kung paano siya tinulak ni Dexter matapos nitong aksidenteng matamaan ang extension cord ng computer sa sound room ng theater.

Hindi na nito napiligang tulungan na tumayo si Alli. Iba ang galit na naramdaman nito kumpara sa gabing nangyari noon sa party. Mukhang hindi talaga maganda ang pilay nito ngunit nandoon nga siya sa party at isang DJ. Napangiti ito sa naisip.

"Hardworking ka talaga... pero ang ganda ng pormahan naten ngayon ah? Black really suits you, I mean you look majestic with it. Gives off that charisma of yours..."

Tumango-tango lang ang babae. "Yeah, your dress is nice too."

Agad siyang napangiwi. Kahit kasi ayaw nito ang suot, ay ginawa niya ito para kay Irvin, ang date niya ngayon sa prom at... boyfriend, kung 'yon pa ang itatawag sa lalaki dahil sa ilang linggo nitong biglang hindi pagpansin sa kanya. Kahit papano'y naisip naman nitong gugustuhin niyang makita siyang disente ang suot. Malayo sa nakasanayang polo at pantalon.

"Nah, not really my type, but I have to since eto yung attire, tsaka nandyan si Irvin. I might as well show up like this. Feels like a daydream already."

"Yeah, goodluck."

Akala niya magiging simpleng sayawan lang 'yon, pero isa pala 'yong sayaw, na kagagawan nanaman ng Royals. Biglang dumating ang mga pulis, at bigla siyang nakatanggap ng mensahe sa 'di kilalang tao ng mga screenshots ng naturang boyfriend sa iba't ibang babae.

Alam niyang darating sa ganitong punto. Nararamdaman na rin naman nitong hindi sila magtatagal. Kaya binigyan niya ito ng malakas na sampal sa gitna ng stage, kahit pa makita sila ng mga tao.

Pero mas nawindang siya sa mga nakita ng tumakbo palayo sa lalaki at bumalik sa soundroom kung saan walang katao-tao. Tumungo siya sa main computer kung nasaan si Allison kanina. Naisipan nitong panuorin ang live feedback ng stage, at nakita agad ang kaninang DJ.

Nakatayo ito, at bahagyang nakikita ang isang side ng mukha sa camera, nanonood sa eksena. Unting-unting sumilay sa labi nito ang isang nakakatakot na ngisi, habang titig na titig sa eksena sa harapan nito.

Nanginging na napaurong ang babae. Hindi naman siguro siya ang may pakana 'non 'diba? Tanong pa nito sa sarili, pero lalo lang lumala ang kakaibang kabog sa dibdib nito habang pinapanood ang babae.

Agad sumagi sa isip niya kung sasabihin ba sa lalaki... pero sa hindi malamang dahilan, ay natikom ang bibig ni Phoenix tungkol dito.

Pinilit niyang isipin na wala talaga siyang kinalaman. Baka sadyang natutuwa lang si Allison, dahil nga naman bibihira ang drama sa Asplund. Ayaw nitong pansinin ang pagsikip ng dibdib tuwing pag-uusapan ng mga kaibigan nito ang tungkol sa Royals, at mga plano nila laban sa kanila.

Si Cosine at Alexid pa lang ang naturigan nilang mga suspek. Naplano na ngang gamitin ni Dexter na gawing pain ang babae laban sa tinatawag nilang lider.

Kahit pa labag sa kalooban nito, ay nagawa nitong bugbugin si Alexid kasama si Danielle, tama lang para maghina't mahawakan nina Dexter. Pero hindi pa pala 'yon sapat sa lalaki nang bigyan pa siya ng ilang suntok sa mukha, para pumutok ang kilay nito, pero mukhang hindi na ito pumalag pa.

Doon na nga tumawag ang nasabing lider, at pinilit na palayain ang babae. Hindi nagpatalo si Dexter at nagawa pang suntukin si Alexid.

"Show up or you will see her worst nightmare."

Natahimik ang paligid nang iwan ni Dexter ang mga kataga na 'yon. Hindi na makatayo si Alexid mula sa sahig, at malalalim ang binubugang hininga. Matagal ang mga sandaling 'yon hanggang sa naisip ng grupo na hindi nila maloloko ng lider.

"Baka hindi na iyon lumitaw, Dex." sabi ni Crisanto matapos ang matagal na sandali.

"Seriously, this might not go well. May ma-mi-miss pa niyan tayong seatwork-"

"Just shut the f*ck up, Phoenix!" sigaw nito sa kanya. Wala siyang nagawa, at napapikit sa tigas ng ulo niya. Pero sa isang sigaw, naibuka na lang nito ang mga mata at nakitang may nakatarak na ngang maliit na kutsilyo sa bandang balikat nito.

Lahat ay napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang nakitang armas.

"I told you to let her go."

Halos mawala na yata ang kaluluwa ni Phoenix nang marinig ang pamilyar na boses ni Allison. Nakatayo ang babae, mahigpit na hawak ang telepono sa kanang kamay habang masama ang titig kay Dexter.

Doon na nga nagsimula ang totong gera.

Kahit pa ayaw nito, alam niyang darating na rin sila sa puntong maghaharap sila, lalo na't alam ni Dexter na magkaibigan sila noon. Wala itong nagawa kung hindi sumunod, dahil gustong-gusto na rin nitong makausap ang babae.

Para sila na lang ang tumapos sa gulong ito, para siguro hindi na ito lumala.

Iyon nga lang, pumasok muli sa eksena si Evan.

Hindi nito inaasahang hindi magiging maganda ang usapan nila't napilitan siyang patulugin ang babae. Awang-awa ito nang makita sa warehouse nina Allan ang babae, na nakatali sa upuan, walang malay... sugatan.

Bumalik muli sa reyalidad si Phoenix nang makarinig ang katok sa pinto ng kwarto nito.

"Nix, kakain na!" sigaw ng nakababatang kapatid nito.

Napatingin siya sa hawak nitong iPhone. Nakabukas ang messages, at nakatambad sa screen ang usapan nila ni Allison. Ang huling mensahe nito ay ang numero ng lawyer ni Thea Fuenmayor.

ALLISON

"Okay na tayo 'don! Ayos! Para naman sila rin ang makatikim ng bugbog! Nasisira na mukha ko sa kanila ah!" Alexid agreed, gaining a few laughs from the people on the table.

As soon as we got back up, we had a meeting to plan our next attack. We already have Phoenix as ally at this point. But for safety measures, we had to ensure another plan in case she won't do it. And besides, we have Strikers to take care of too.

Phoenix is a vital key to their downfall, even if that sounds ironic.

We were in the middle of lunch when I received a text message from an unknown number. I was looking forward it was Marie, but the message itself already tells who it is.


Unknown Number

Punta ka sa likod ng Juniors building

Sama mo na sila

Tapusin na natin ito

Walang hiya ka talaga


So, Dexter got tired of this all of a sudden and wants to finish this? Gladly.

"Sino 'yan, Alli?" I heard Alexid ask.

"Dexter. We need to go to the back of the Juniors building."

"Lunch time's almost finished. We're going to miss activities." Cosine spoke up, but Daryll's scoff is too loud to not notice.

"Don't care. They broke my f*cking face, and I really need to give back what they gave!"

"Let's go people!" Alexid led the way for us, just as the school bell rang, signaling the start of afternoon class.

Suddenly, walking around with them felt weird, in a good way. I can't seem to accept the fact that I am now with six other people. It was just surreal to think about. Especially knowing who I was before.

As we expected, the gates through the 'creepy forest' found at the back of the said Juniors building were open, inviting us to come.

No one hesitated to step back, as everyone confidently stepped forward, towards the man who asked to summon us. Alexid even had the guts to look at her phone, not minding that we were going to be tainted with wounds later.

"Guys..." she called us in the middle of our walk. I kept my eyes forward not until she continued.

"New witness na si Phoenix sa kaso!"

I knew you're going to come around. You became my friend for a reason.

No one got to react, probably due to the fact that we were going in on a battle. Not long later, Dexter's figure emerged from our eyes. His own ones focused on me.

He is with his own team, and even has his backups. However, one person is missing among them. We stopped when he suddenly spoke.

"Anong lason bang pinainom mo kay Phoenix? Masaya ka niyan sa ginagawa mo ha?! P*t*ngina ka talaga!"

"Trust me when I say this, Dexter, but she always have wanted to do it."

"Everything was fine, not until you showed up, standing there pretending to be a hero." he said in gritted teeth.

I squinted my eyes. "Am I one? I don't remember."

"Of course, you won't remember... After I put you into sleep, and this time, you will never wake up!"

Continue Reading

You'll Also Like

286K 20.1K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.4M 56.3K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
149K 11.3K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...