Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow

1.4K 45 6
By aefanfiction

"TODAY, we are gathered here to celebrate the most important day on the lives of our soon to be husband and wife."

Hindi mapigilang tumulo ng mga luha ko nang marinig ko ang linyang iyon.

Ilang taon di naming hinintay ang pagkakataon na 'to at sa wakas ay nangyari na.

Ilang taon ding sinubok ng tadhana.

Minsan nang pinaglayo pero bumalik pa rin sa isa't isa.

Kaya nga naman, hindi ko akalain na sa dinami rami ng problemang pinagdaanan nila, ay darating rin pala kami sa puntong ito.

Dahan dahan kong pinunasan ang mga luhang unti-unting tumutulo mula sa mga mata ko.

Nakakahiya, hindi pa nga nag uumpisa ay umiiyak na ako.

Masisira ang make up ko, sayang naman ang halos apat na oras ng pag aayos sa akin nila Nanay Bianca diba?

Inayos ko naman ang color blue na gown na suot ko at ang bouquet na hawak ko.

Tumingin na lang muli ako sa pari at ngumiti.

Ang sarap pakinggan ng bawat salitang binabanggit niya. Tunay na talagang ang kasal ay para sa mga taong nagmamahalan ng totoo at wagas.

"Ang saya nila 'no Ge? Buti na lang talaga nagkatuluyan sila." napalingon naman ako kay Ate Kyla na nasa tabi ko dahil sa ibinulong niya sa akin.

Tumango na lang ako habang diretso lang na nakatingin.

Naiiyak kasi talaga ako.

"Wag kang mag alala Ge, sa susunod ikaw naman. Magiging masaya ka rin kagaya niya." sabi naman ni Yenggay at tinapik ang likod ko.

Hindi ko na lang sila pinansin. Tama naman sila.

Akala ko talaga noon, ang sunod na pupuntahan kong kasal ay kasal ko na pero nakakatawa lang dahil sa muling pagkakataon, bridesmaid pa rin ako.

Pero alam kong balang araw, ako naman.

Then, I looked at the man I truly love. Doon, nagtama ang mga mata naming dalawa.

His eyes can tell me more than what words could ever say.

I smiled at him and he smiled back.

Ang sarap makitang nakangiti siya habang nakasuot ng black tuxedo na talaga namang bagay na bagay sa kanya.

Kitang kita ko rin ang kasiyahan sa mga mata niya habang nakikinig sa mga pari.

Malamang, ganitong tagpo talaga yung talagang pangarap niya.

Kahit na ang daming tao, siya pa rin ang pinakagwapo sa paningin ko.

Kaso nga lang, wala siya ngayon dito sa tabi ko.

Marami akong gustong sabihin pero mas pinili ko na lang na huwag itong bitawan dahil alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon.

Hindi kung kailan nandoon siya.

Hindi kung kailan malayo ako sa kanya.

"I love you." I saw Erik mouthed at me bago siya muling humarap sa altar.

Gustong gusto kong sumagot rin sa mga sinabi niya pero hindi maaari.

Gusto kong sabihin na mahal ko rin siya.

Pero hindi pwede.







Siguro mamaya na lang.







Ayokong maki agaw ng eksena dahil sa kasal na 'to, hindi naman ako ang bride.










Dahil hindi naman namin 'to kasal ni Erik.






Hindi naman kami ang nasa altar.







"Today, we are about to witness the exchange of vows of Kristine Zhenie Tandingan and Titus John Monterde."

I smiled when I heard those names. Sobrang saya ko rin talaga.

Ngayon ay ang araw ng kasal nila Kaze at TJ.

Akalain niyo ba naman na naunahan pa nila kaming dalawa ni Erik? Nakakaloka talaga. Pero kagaya nga ng sabi ko, wala naman yan sa kung sino ang mahuhuli at mauuna.

Kagaya namin ni Erik, hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan nilang dalawa. Pero kagaya rin namin, hindi rin sila bumitaw sa isa't isa.

Siguro, swerte talaga tayo kapag ibinigay tayo ni Lord sa taong willing tayong ipaglaban hanggang sa huli at masasabi kong isa ako sa maswerteng tao na yun.

---------------------

THE WEDDING went really well. Naging masaya rin ang reception.

Masaya kami na nakasama namin ang mga naging kaibigan namin sa showbiz.

Syempre,kumpleto kaming apat na magkakagrupo at kasama rin namin ang ibang mga katrabaho namin. Kumanta rin kami ni Ate Kyla at Yenggay kanina para kay KZ. 

Ito yung isa sa mga bagay na hindi namin nagagawa ni Erik noong hindi pa alam nang lahat ang tungkol sa amin.

Dati, sanay kaming magtago na lang. Pero ngayon, masaya kami na naeenjoy namin ang mga ganitong pagkakataon nang magkasama.

Nang matapos na ang reception ay kaagad na kaming nagpaalam kay Kaze at TJ. Kasama rin namin si Ate Kyla at syempre sina Yenggay na kasama rin ang kani kanilang mga asawa.

"Oh paano ba yan, ang next nating bonding kasal nanaman." birong sabi ni TJ at tumingin sa aming dalawa ni Erik.

Sabay-sabay din silang nag-ayie na parang mga teenager.

Enebe, nahihiya tuloy ako.

"Oo nga! Naku, excited na rin kami Gege at Erik! Kayo na ang susunod na maga-I Do." sabi naman ni Ate Kyla na parang kinikilig pa.

Halata nga, ang totoo nyan para ngang mas excited pa sila. Si Yenggay ang kasa kasama ko minsan sa mga inaasikaso ko para sa kasal. Si Ate Kyla naman ang madalas na tanungan ko tungkol sa pagiging nanay kay Arki kagaya kapag nagkakasakit ang anak ko na madalas ay nagpapanic na ako yun pala ay tinutubuan lang pala ng ngipin. At si KZ naman ang madalas na kakwentuhan ko tungkol sa wedding jitters.

Sobrang halaga ng tatlong 'to sa buhay ko.

Natawa na lang ako at napatingin kay Erik na nakaakbay sa akin.

"Ay paano yun e wala kaming reception." sagot naman ni Erik. "Diretso na kaming honeymoon, diba Love?"

Nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ni Erik.

I rolled my eyes at him. Kahit kailan talaga wala siyang matinong nasasabi, palagi na lang yan ang nasa isip niya.

"Oh siya una na kami, susunduin pa namin si Arki eh." sabi ko naman.

Iniwan lang kasi namin ang anak namin kay Nanay Litz. Gabi na rin kasi talaga.

"Nakakapanibago naman. Parang dati lang pagkatapos ng mga ganitong ganap kayong dalawa yung huling umuuwi tapos magddate pa sa mall pero ngayon kita mo naman." biro ni KZ.

"Parents na eh, ganon talaga. Imbes magdate, magtitimpla na lang ng gatas."

Priorities do change. Kung dati, ay kami lang ni Erik ang iniisip naming dalawa, ngayon may Arki na. Siya na ang priority naming makita araw-araw.

Nagpaalaman na kaming lahat.

Kailangan na rin naming umuwi dahil bukas ay panibagong araw nanaman.

Panibagong araw para maghanda sa pinakahihintay naming araw sa lahat.

-----------------------

*knocks*

"ANGGE!!!"

"GEGE!!!"

Dahan dahan akong napamulat dahil sa malakas na boses na narinig ko.

Ano ba yan, ang aga aga, ano bang isinisigaw ni Yenggay?

"Inaantok pa ako." sabi ko sa sarili ko at muling pumikit para matulog.

*knocks*

"ANGELINE, YUNG ANAK MO!!!"

Anak ko?

Doon lang ako biglang natauhan nang muli akong makarinig ng malakas na sigaw na sinabayan ng matitinding pagkatok sa pintuan.

"*knocks* ANGELINE!!! ANO BA GUMISING KA NANG BRUHA KA!!!"

ANO BA---

OH MY GOD.

NANAMAN

"MYGAHD YENGGAY!!!"

Dali dali akong bumangon sa kama para pagbuksan si Yenggay na kanina pang sigaw nang sigaw sa labas ng hotel room ko.

"ANGELI---- HOY BRUHA KA! PAOS NA KO KAKATAWAG SAYO BUTI NAGISING KA PA!" bungad niya sa akin pagbukas ko ng pinto.

Pero hindi ko pinansin ang pagtalak niya at kaagad na kinuha ang anak ko na karga karga niya.

"Hala baby pogs ko sorry!" sabi ko naman at inalo ang anak ko na walang tigil sa pag iyak at tinatawag ako nang paulit ulit.

Angge naman, paano mo nakalimutan?

Kaagad namang yumakap sa leeg ang anak ko na medyo kumalma na. Para talagang Daddy niya, clingy din.

Iniwan ko kasi siya kagabi kay Yenggay para maalagaan dahil sabi nila ay kailangan kong magpahinga nang bongga.

"Grabe naman yung tulog mo Ge, limang minuto na kamo kami dito. 'Yang anak mo kanina ka pa hinahanap." reklamo pa ni Yenggay sa akin.

"Sorry baby napasobra yata ng beauty rest ang Mommy." sabi ko naman at tinapik ang likod ng anak ko.

Okay sorry na, kasalanan ko talaga.

Pumasok na kami sa loob ng kwarto. Ibinaba ko naman si Arki sa kama para kunin ang mga bitbit ni Yenggay para ipagtimpla ng gatas ang anak ko.

"Oh nga pala, ipinabibigay sayo."

Iniabot niya ang isang maliit na nakatuping papel.

"Ano 'to?" I curiously asked

Inamoy ko pa yung papel.

Ay prank, bondpaper lang pala, nag expect ako na mabango.

She shrugged "Ewan ko rin, ang korni niyo ha." sabi naman ni Yenggay at umupo sa couch sa gilid.

I opened the message at napangiti na lang ako sa nabasa ko.

Bakit may pa-ganito?

SIGURADO AKO NA IKAW ANG PINAKAMAGANDANG BRIDE NA MAKIKITA KO. I LOVE YOU, SEE YOU LATER WIFE!

-POGS❤

Pogs... A name that would always be a parr of who I am.

Atleast totoo, talagang hindi ako nananaginip.

Sa wakas ay ikakasal na ako sa lalaking mahal na mahal ko.

"Oo nga ang korni." sagot ko naman kay Yenggay habang pinipigil ang ngiti.

Keshe nemen.

Pero ang loka, inirapan pa ako.

"Sus kunyari ka pa e halata namang kilig na kilig ka kaya nga siguro tinanghali ka na." sabi pa ni Yenggay, tumayo at lumapit sa mga gagamitin ko na nakalagay sa may gilid. "Oh ano Ge, uupo ka na lang diyan? Hindi ka na ikakasal ha?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Pero hindi pa man din ako nakakapagsalita ay nakarinig muli kami ng katok mula sa pintuan.

Dali daling lumakad papunta doon si Yenggay at pinagbuksan niya ito.

Sila Nanay Bianca.

Nagtaka naman ako.

"Oh bakit nandito na kayo?" nagugulugang sabi ko.

Alas tres pa ang kasal ko.

"At bakit naman hindi?!" sagot pa ni Nanay Bianca at tinitigan ako. "BAKLA KA NG TAON,HINDI KA PA NALILIGO NAK?"

"Oo. Kagigising ko lang. Bakit anong oras na ba?" sabi ko at kinuha ang telepono ko para makita ang oras.

Nanlamig naman ako at kasabay noon ay ang pagsigaw nila.

"ALA UNA NA!"

"ANO?!"

Dali dali akong napatayo sa higaan at di mapakaling kinuha ang mga damit ko at ang towel at pumasok na sa CR.

Sht.

Anong nangyari?! Jusko naman!

"Nay! Pakitimplahan muna ng gatas si Arki, maliligo na ako." sabi ko pa.

"GAGA KA TALAGA ANGELINE, BILISAN MO!" rinig kong sigaw pa ni Nanay Bianca mula sa labas.

Huwag naman Lord.

Pati ba naman sa sarili kong kasal malelate ako?!

--------------------------

🎼: IKAW

🎶Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig ng puso🎶

Noon marami akong pangarap sa buhay.

Pangarap kong yumaman,

Pangarap kong mabigyan si Mama Bob ng magandang bahay,

Pangarap kong makakain nang masasarap araw-araw.

Sa loob ng maraming taon, naniwala ako na ang tanging misyon ko sa buhay ay ang sundan at abutin ang mga pangarap ko at wala akong dapat na ibang gawin kundi ang piliting abutin ang mga ito.

Takot akong sumugal kasi ang akala ko ito lang ang tanging ibig sabihin ng buhay ko.

Na sa oras na magkamali ako, lahat ng pinaghirapan ko mawawala sa kamay ko.

🎶Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula ng matanto na balang araw iibig ang puso🎶

Akala ko noon mali at hindi ko kakayaning pagsabayin ang pag ibig at pangarap.

Noon hindi ako naniniwala, kasi para sa akin kapag may isa kang hinawakan, may isang mawawala.

Pero, nagbago ang lahat magmula noong dumating siya.

Ang lalaking nagbigay ng kahulugan sa buhay ko.

🎶Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw🎶

I stared at the man whose also staring directly at me while looking into my eyes.

Nakangiti siya sa akin habang dahan dahan akong naglalakad patungo sa kinaroroonan niya.

I still can't believe na sa wakas, tamang panahon na para sa aming dalawa.

We waited, and yes, we won together.

🎶Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pag-ikot ng mundo ngumingiti ng kusa aking puso
Pagka't nasagot na ang tanong
Kung nag-aalala noon kung may magmamahal sa'kin ng tunay🎶

I looked around to see those people na nasa paligid ko ngayon. All of them are smiling while looking at me walk down this long aisle.

Sa Quiapo.

Naaalala niyo naman ang sinabi ko kay Erik noon diba?

Naalala ko pa dati, pangarap ko lang na maikasal dito kasama yung lalaking mahal ko.

Pero ngayon, heto at nagkakatotoo na.

🎶Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw🎶

Nandito lahat. Ang mga piling kaibigan ko, katrabaho, tagahanga at pamilya.

Lahat sila ay may bahaging ginampanan sa kwentong binuo naming dalawa ni Erik.

Si Yenggay, na kasalukuyang kinakanta ang kanta ring sumisimbolo sa buhay nila ng kanyang asawa ay nakatayo sa gilid ng dambana.

She promised to become our wedding singer sa araw na ito and so she really did.

Alam ko na isa siya sa mga pinakamasayang tao ngayon sa oras na 'to para sa aming dalawa.

And then, I saw Mama Bob as part of these amazing crowd. Nandoon siya malapit sa kinatatayuan ni Erik na tila ba wala ring tigil sa pag-iyak.

Napangiti ako, alam kong bukod sa pangarap ko ito ay pangarap din ni Mama Bob na makilala ko ang lalaking mamahalin ako nang buo.

Dahil kagaya ng lahat ng nanay, wala nang ibang hiling si Mama Bob kundi ang makita akong masaya.

At alam niya na si Erik yung kahulugan ng salitang "saya" para sa akin.

I am forever her princess, her one and only child.

Alam ko kung paano siyang nagsikap para palakihin at alagaan ako nang mag isa at utang ko sa kanya ang lahat lahat ng naabot ko sa buhay.

🎶At hindi pa'ko umibig ng gan'to
At nasa isip makasama ka habang buhay🎶

Hindi man ako nanggaling sa kanya, sa kanya naman nanggaling ang lahat ng pangaral at lakas ko mula noon hanggang ngayon.

Dahil sa kanya, alam kong makakayanan kong maging mabuting asawa at ina dahil si Mama Bob, ginawa niya yun nang siya lang mag-isa.

🎶Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw🎶

Nakarating na ako sa dulo ng altar at doon, nandoon siya.

Si Erik Santos.

Kitang-kita ko kung gaano kasaya ang ngiti ng mapapangasawa ko habang nakatingin sa akin.

Karga karga niya si Arki.

Hindi niya na kailangang magsalita, words aren't enough to express how happy we are at this moment.

Pero bago pa man niya ako mahawakan ay niyakap na ako ni Tatay Natz at Nanay Litz, mga magulang niya.

Ganoon din ang ginawa ni Mama Bob kay Erik at narinig ko pang sinabi niyang "Alagaan mo nang mabuti ang anak ko ha? Ipinagkakatiwala ko na siya sa iyo."

"Opo Mama Bob, aalagaan ko po siya. Pangako."

Simpleng mga salita pero alam kong totoo at galing sa puso niya.

"Hi Baby Pogs ni Mommy. I love you." naiiyak na sabi ko naman sa anak namin bago siya ibinigay kay Ate Dhang.

He is our most precious gift.

Nang makarating na ako sa harap niya ay matamis siyang ngumiti sa akin. Pero ewan ko ba at hindi ko pa napigilang hindi matawa.

Inaagawan pa ako ng moment.

"Oh, umiiyak ka?" natatawang sabi ko nang abutin ko na ang kamay niya.

Pasimple naman siyang nagpunas ng luha niya at tumawa.

"Wala 'to napuwing lang." pagdadahilan niya pa.

Balak niya yatang higitan ang kadramahan ko ngayon, hindi siya magpapadaig sa akin.

"Sos, kunyari pa e ikaw pa ba bida bida ka?" sabi ko nang nakataas ang kilay.

"Mas bida bida ka, ang bagal mo maglakad. Inantok na yung mga bisita." sabi niya naman kaya tumawa kaming dalawa at nag-apir pa.

Okay tama na, nakakahiya na sa pari.

🎶Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal biyaya ka sa buhay ko🎶

Saglit lang din ay nilingon niya ako. Ngumiti ako nang makita kong nakangiti siya.

"You're the most beautiful thing in my life." he said and he kissed the back of my hand. "Ang ganda ganda mo ngayon mahal ko, ang ganda mo araw-araw."

"Ikaw rin, ang pogi mo Pogs." I sweetly said.

Matapos noon ay sabay na kaming humarap sa altar bilang hudyat ng pagsisimula ng bagong yugto ng aming buhay nang magkasama.

🎶Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw
Pag-ibig ko'y ikaw...🎶

(A/N: Umaattend naman siguro kayo ng kasal 'no so di ko na kailangang isulat yung buong flow ng misa? Hahaha lezgow)

"ANGELINE, do you take Erik as your lawful wife/husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" 

Tiningnan ko si Erik bago sumagot, mukhang kabado pa siya dahil hindi agad ako nagsalita.

Para bang sinasabi niya na 'wala ka nang choice, um-oo ka na lang.'

Syempre naman, ngayon pa ba ako hihindi?

Itodo na natin 'to!

"I do, father."

"Erik, do you take Angeline as your lawful wife/husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

And ofcourse, he also did and responded the same.

Ang tagal ng reception ay este ng 'Kiss the bride', excited na ko.

"Yes, I do."

----------------------

(A/N: Laktaw ulit tayo hahahaha wedding vows!!!)

"Noon marami akong pangarap. pangarap kong maging dancer, maging singer, maging chef, maging isang CEO ng isang malaking kumpanya. Pangarap kong libutin ang buong mundo, pangarap kong magkaroon ng malaking mansyon sa gitna ng Pacific Ocean, pangarap kong kumanta sa harap ng milyon milyong mga tao, pangarap kong maging maganda ang buhay ko.

Pero 10 years ago, nakilala kita. Hindi ko akalain na yung mga pangarap ko na yun balewala noong dumating ka na. Kasi ngayon, Pogs, iisa na lang ang pangarap ko. Ang makasama ka hanggang sa pagtanda.

Noong bagong magkakilala tayo, hindi pa kita crush noon, tinatawag pa kitang kuya. Hindi ko naman akalain na yung kuya ko na yun magiging jowa ko pala. Umpisa pa lang, you already brought out the best in me noong ikaw yung naniwala noong pakiramdam ko hindi ko na kaya at hanggang ngayon, ganoon pa rin. Ikaw yung palaging nakaagapay sa akin sa tuwing kinakahaban akong kumanta, ikaw yung nagturo sa akin kung ano ba ang mundong ginagalawan nating dalawa. Salamat sa lahat ng pangaral mo sa akin.

Love, thank you for staying kahit na sobrang tagal. Hindi mo ako iniwan, sinamahan mo ako kahit na sobrang hirap na. Akala ko noon mawawala ka sa akin pero Love, kinaya natin anuman ang pilit nilang pagbitawin tayo. Kaya pangako ngayon hindi na ako matatakot at mangingiming ipaglaban at ipagtanggol ka, ngayon, ako naman ang hindi papayag na maagaw ka ng iba.

Salamat sa pag unawa sa akin, mahal ko. We may not have the best story ever, but I know that we had a very magical one. Ilang taon tayong parang tayo pero hindi dinaig pa nga tayo ng suka at toyo, buti pa sila noon may label. Ilang taon din silang nanghula sa kung ano tayo, ilang taon kong hinawakan ang kamay mo kahit na hindi sigurado. Ilang taon din tayong nagtago. May mga pagkakataon na napapagod tayo pero tingnan mo naman kung nasaan na tayo ngayon diba?

You are my deepest secret yet the most beautiful one. Di'ba nga ang sabi natin let them wonder how we've got this far? Ikaw ang comfort zone ko. Ikaw yung taong kasama ko sa mga kalokohan ko, sabi nga nila para daw tayong sasabog palagi kapag magkasama.

Kahit na mag asawa na tayo? Tandaan mo na ikaw pa rin ang pinakamasamang ugali sa showbiz na nakilala ko. Noong ibinigay sa atin si Arki, sobrang natakot ako. Hindi ko kasi alam kung paano natin malalampasan lahat. Halos muntik na nga tayong mawala sa isa't isa diba? Pero lumaban tayo, lumaban ka. Love, hindi naging madali pero tingnan mo? May Arki na tayo. Ikaw yung hindi sumuko kahit lahat sila iniwan na ako.

Pangako kong ibibigay ko ang lahat sayo hanggang sa makakaya ko. Kahit na isang dosenang anak pa yan kagaya ng laging nasa isip mo. Pangarap kong gumising araw-araw na ikaw ang unang makikita ko. Pangarap kong bumuo pa ng mas maraming maliliit Erik at Angeline basta kasama ka. Oh alam mo na ha?

Pogs, pangako ko sayo na kahit na tumanda na tayo, kahit na mahirapan na tayo sa pag akyat sa entablado at kahit na mahirapan na tayo sa pagmemorya ng lyrics ng mga kanta, nandito lang ako para sayo. Ikaw yung singing partner ko, yung bestfriend ko, ikaw si Erik na siyang ama ng anak ko at magiging mga anak ko pa. Let us continue sharing our music with the world, hinding hindi ako mapapagod umawit kasama ka sa harap ng maraming tao. Pogs, habambuhay, we'll stay inlove anuman ang sabihin nila. I love you pogi, and I always will... forever."

------------------------

(A/N: Syempre di magpapatalo yung isa hahahaha Pogs lezgow)

"Si ANGELINE? Ah, siya ang pinakamagandang anak ni Mama Bob. Syempre malamang kasi iisang anak lang naman. Maraming nagsasabi na kapag naririnig nila ang pangalan mo ay talaga naman daw bagay sayo dahil anghel ka. Ikaw yung Angeline na mabait, ikaw yung Angeline na palaging nagpapatawa, ikaw yung Angeline na palaging masaya. Pero hindi nila alam na sa pangalang Angeline, may salita ring line. Yung line na yun, ibig sabihin ang pagiging angel mo ay may hangganan.

Hindi alam nang marami, pikunin ka sa tuwing inaasar kita. Hindi alam ng marami, bungangera ka sa tuwing tanghali akong nagiging sa umaga, Hindi alam ng marami, na duwag kang matulog kapag mag isa. Oh diba tama ako? Pero alam mo ba, hindi rin alam ng marami na ikaw rin kauna-unahang tao na nagparanas sa akin na sabihing "shet ang ganda ng babaeng 'to."?

Kahit na maingay ka, kahit na minsan masungit ka, kahit na palagi mo na lang akong hinahampas kapag naiinis ka, ikaw yung sweet na Angeline na nakilala mula noong umpisa. You are more than just that Angeline na iniidolo ng mga tagahanga mo na isang magaling na singer at mabait na tao. Para sa akin, si Angeline ang ligaya at pag ibig ko.

Noong nalaman ko yung rason kung bakit hindi pa pwede mas lalo akong naniwala na tayo talaga ang para sa isa't isa. God really tested us if we can. Ang daming pagsubok ang sinubukan tayong paglayuin pero wasakin man nila nang paulit-ulit, hindi tayo napapagod na buuin ang isa't isa. You are my greatest and my most beautiful waiting. Dahil sa ilang taon na yun nakilala kita at mas lalong tumibay ang pagmamahal at pagtitiwala natin. Noon sabi mo sa akin kung ayaw ko na, maaari akong umalis at iwan ka.

Pwede akong humanap sa bilyon-bilyong tao ng babaeng tatapatan ka pero hindi, kasi alam ko na no one can ever fill me up aside from you. Sabi mo, pwede kong tuparin yung mga pangarap ko kahit hindi ka na kasali sa mga yun kasi deserve ko pero hindi kasi para sa akin, ikaw ang pinakadeserve ko. Siguro, ikaw kasi talaga ang inilaan ng Diyos para makasama ko, para maging ina ng anak ko at ng magiging mga anak pa natin.

Love, una palang sinabi ko na sayo. Hindi man kita mabigyan ng magandang buhay, bibigyan naman kita ng magandang lahi. Siguro naman ngayon naniniwala ka na? Pero pangako ibibigay ko sayo pareho hangga't kaya ko. Thank you for making me the happiest man the moment that you gave birth to our child kahit na hindi naging madali para sa atin ang salita mula sa iba. Muntik ko pa siyang hindi makilala noon. Pero alam natin na ang palaging mahalaga ay kung ano tayong dalawa. Sa wakas, ngayon lahat ng dates natin hindi na patakas. Sa wakas, lahat ng pictures natin sa phone ko hindi na maagnas.

Finally, I could tell the world that you are now my wife dahil sa lahat ng bagay na inaantay ko, bukod sa kape, sa iyo lang ako hindi nagsawang maghintay. Kumbaga sa fastfood, I am always willing to wait. You are my greatest star. You are my most powerful star in a million dahil ikaw si Star Power at ako si Star In A Million. Kaya nga noon pa lang sinasabi na nila na click daw talaga tayo kasi we compliment each other.

You are the yin to my yang dahil kulang ako kung wala ka, di ako mabubuo kung di kita kasama. I am so glad to say that I really married my friend, my favorite singing partner. Tinuruan mo akong maging masyaa sa mga simpleng bagay. Ikaw yung taong nakapagpalabas ng kalokohan ko sa buhay. Hindi naman ako ganito dati noong wala ka pa, kaya nga ikaw ang pag ibig na hinintay ng puso ko. With you, I can always be that real Erik without any judgments.

I promise to love and to take good care of you until my very last breath. I will always be your number one fan, your ultimate supporter, your partner. I saw you through your good times and bad and I promise to join you forever. Lets spend the rest of our lives together. I love you Angeline, ikaw ang aking nag iisang bituin."

--------------------------

"ERIK, take this ring as a sign of my love and faithfulness in the name of the father, the son and the holy spirit."

"Angeline, take this ring as a sign of my love and faithfulness in the name of the father, the son and the holy spirit."

"AND THE WITH POWER VESTED IN ME, I NOW PRONOUNCE YOU AS HUSBAND AND WIFE! CONGRATULATIONS, YOU MAY NOW KISS THE BRIDE!"

We faced each other with a smile. He held my face na para bang ngayon niya lamang ako natitigan sa sobrang tagal na panahon.

"Ito na, ito lang naman talaga ang inaantay ko kanina pa." malokong sabi niya habang nakatingin sa akin.

Wow, same!

Itinaas baba pa niya ang kilay niya.

"Halata nga eh, lutang ka kasi habang nagsesermon si Father." pabirong sagot ko naman.

"Hmmmn may iniisip kasi ako Love."

"At ano naman yan aber? Di ba makakapag antay yan at talagang inisip mo na kaagad ha?"

"Hindi na. Alam mo ba kung anong iniisip ko?" sabi niya at bahagyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Iniisip ko kung makakailang round tayo."

WALANGYA!

"POGS!" hindi ko napigilang hindi siya hampasin sa sinabi niya.

Nasa simbahan pa lang, chukchakan na kaagad ang nasa isip niya?!

Sorry po Lord, nasa harap niyo pa man din kami. Pagpasensyahan niyo na po ang asawa ko.

"Oh bakit? Nagpaplano na ako. Walang matutulog!" kunyari ay expert na sabi niya.

Natawa na lang ako at umiling.

Pambihira talaga, walang kasawa sawa.

"ANG TAGAL NAMAN NIYAN! KISS NA!"

Sabay kaming napalingon sa mga nasa harap namin. Natawa na lang kami sa ginawang pagsigaw ni Ron.

"Oo nga, ang tagal! Ngalay na kami dito oh!" sigaw pa ni Rudy na nakataas ang kamay at hawak ang cellphone niya.

Mga loko talaga.

"Nagmamadali kayo? Kasal niyo ba to ha?" pilosopong sagot rin naman ni Erik.

Bakit sila ganyan?! Nasisira ang kasal ko! Char.

Lumingon na ulit ako sa kanya.

"Ano na, halikan mo na kasi ako! Ang tagal eh!" sabi ko naman at pumikit na.

I heard him chuckle a little bago ko siya narinig na nagsalita.

"Finally, Mrs. Angeline Quinto Santos. I love you." nakatitig niyang sabi sa akin bago ako masuyong hinalikan sa labi.

"I love you too."

Every moment feels like our first time.

"LADIES AND GENTLEMEN, MR AND MRS.  SANTOS."

Hindi ko napigilang hindi mapangiti habang magkadikit pa rin ang mga labi namin. Ang sarap isipin na sa wakas, hindi na kami ilegal.

"Get ready Mrs. Santos, magkakaroon na ng kapatid si Arkin." he winked and then he claimed my lips once again.

Ayan, ngayon naman nasobrahan na siya.

Tama nga siya, ako ay si Mrs. Santos na.

At kagaya nga sa linya ng paborito naming kanta, now I know that we can have it all, forever...

-----------------------

(A/N: Ayan naaaa kasal na sila hahahaha at ano ang ginagawa kasunod ng kasal? Syempre... reception kayo naman hahahaha but before that, as promised, mas ma-effort kuno ang Wattpad version na ito kesa sa Facebook version so here is the wedding gallery 101 hahaha the some photos used are not mine and some were edited for the sake of this fan fiction story only. Scroll down mo na.)

YOU ARE INVITED!

The Groom

The Bride

The Venue


MR. AND MRS. SANTOS

Ayan hahahaha congratulate niyo naman si Mr. and Mrs. Santos hehez. Labyou kemeruts! Malapit na ulit tayo matapos sheeeet! Tsaka na lang ulit ako mag eedit kapag natapos ko na 'to ulit para matino na siya basahin. Honeymoon na wowerz!

Continue Reading

You'll Also Like

509K 21.2K 57
Meet Porsche Kaligayahan. She's the most angelic, innocent and pure woman you'll ever meet. She's almost perfect. Beautiful, smart, talented, kind...
535K 11.9K 47
Paano ba maiinlove ang isang babaeng ubod ng sungit at ipinaglihi sa sama ng loob at galit sa isang tagilid ang pagkalalaki? Would it be possible? Cr...
5.9K 267 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
199K 8.3K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...