In a REALationSHIT (Trese Ser...

Od chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH Viac

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [34]

63.3K 2.2K 683
Od chiXnita


-34-

Green Ryder Loriete's POV

PAPASOK NA ako sa hospital nang may biglang sumulpot na pulang BMV sa harapan ko. Tumigil ako dahil pamilyar sa 'kin ang sasakyan. At hindi ako maaaring magkamali. Pagmamay-ari 'yon ni Grant.

Hinintay ko siyang lumabas. Akala ko didiretso siya sa loob para puntahan si Xhai at bawiin ang naging desisyon. Kaso hindi... huminto siya sa harap ko at determinadong nakatingin lang sa 'kin.

Kumulubot ang pagitan ng mga kilay ko.

Hindi ko mabasa kung ano'ng iniisip niya. Wala pa yata siyang tulog. Kahit ako rin naman, pero masyadong halata sa mga mata niya dahil namumula. May maliit na cut din siya sa gilid ng labi. May sumuntok sa kanya? Ano'ng pakay niya? Pero ngayong nakatayo siya sa harapan ko... malamang ako.

Bakit?

Bago pa ako makapagtanong, may kalakasang itinulak niya ang hawak sa dibdib ko. Muntikan na nga akong sumemplang sa sahig. Nagulat kasi ako. Napahawak ako sa inabot niya. Hindi ko alam kung ano 'yon.

What the hell is his problem?

"From now on, Ryder... you are Silver," walang paligoy-ligoy na pahayag niya. Determinado. Ni hindi nga siya kumukurap kaya mas lalo akong naweirduhan.

"Who the fuck is Silver—"

"You and Heather met at the Green Park more than three years ago," hindi siya nagpatinag.

"Teka nga, Grant. Ano'ng pinagsasabi mo, ha?" Wala akong maintindihan sa gusto niyang palabasin.

"She was crying that time. 'Yon ang panahong dumating si Xyrus sa buhay ng mga Roa. That day she accidentally saw me and Xyrene talking... sa kanilang swimming pool. Nandoon ka rin ng araw na 'yon. Hindi mo sinasadyang makita siyang umalis habang umiiyak. You followed her, 'di mo alam kung bakit no'ng una. Pero ginawa mo 'yon kasi mahal mo siya. But you were afraid she'd recognize you, so you decided to wear a silver bonnet mask and brown eye contacts. Nakita mo siya sa Green Park. Nakaupo sa swing. Patuloy pa ring umiiyak. Lumapit ka sa kanya. Inabutan mo siya ng panyo. Natakot siya sa 'yo nun kasi mukha kang kriminal dahil nakamaskara ka. But you started talking nonsense things hanggang sa gumaan ang loob niya sa 'yo. Hanggang sa tumigil na siya sa pag-iyak. Hanggang sa nagkuwento siya kung ano'ng nangyari... kung gaano niya kamahal 'yong gagong lalaki na nagngangalang Grant Turner Loriete."

Saka lang siya natigil sa pagsasalita nang sinuntok ko siya sa panga. Uminit bigla ang ulo ko. Halos umusok ang bunbunan ko sa pagkayamot.

"Gago ka ba? Ako ang pagpapanggapin mong Silver? Tangina, Grant! You gave up Xhaiden. Then, now what... you're going to give up everything? Gago! Ayoko..."

Nagpupuyos lahat ng himaymay sa katawan ko. Nanginginig ako sa inis. Halos mamuti ang kamao ko sa pagkakakuyom. Kanina pa kami pinagtitinginan dito sa harap ng hospital. Pero walang pakialam 'tong gagong nasa harap ko.

Pinunasan niya lang ang dugo sa labi niya. Bumukas ulit 'yong cut sa gilid nito. Wala pa ring emosyon ang mukha. Gago ang pucha! Paano niya nagagawang itago ang totoong nararamdaman?

Ilang taon niyang ginagawa 'yan sa harapan ni Xhai?

Nababaliw na ba talaga siya?

Nagpanggap siyang dalawang tao sa harapan ni Xhaiden? At ano? Ginagawa niyang masama 'yong totoong siya. Tapos lahat ng nararamdaman niya... inilalabas niya roon sa isa. Ngayon bibitawan niya bigla at ipapaubaya sa ibang tao?

Tangina?!

Gusto ko siyang bubugbugin hanggang sa magising siya.

Kaso 'di ko kaya dahil naiintindihan ko siya.

Hindi kami magkasundo madalas pero mas kilala ko siya kaysa sa pagkakakilala ng ibang tao sa kanya. Hanggang ngayon... 'di pa rin siya nagbabago. Kailan ba siya matututong magdesisyon para sa ikakasaya niya? Hanggang kailan niya uunahin ang iba bago ang sarili niya?

Tanga na lang ang hindi makakaalam kung ba't niya nagawang magpanggap na si Silver. At tanga rin siya. Sobrang tanga! Ay pucha... sarap saktan ng gagong 'to.

"After that day, naging magkaibigan na kayo. Daga ang tawag mo sa kanya. Hindi mo kasi kayang bigkasin ang pangalan niya. At mahilig siya kay Mickey mouse..." Natatawa siya na parang ewan. Siguro may naaalala na naman siyang katangahan. "Lahat ng problema niya sinasabi niya sa 'yo. Kapag may pinagdadaanan siya, palagi kang nasa tabi niya. Kapag sinasaktan siya ni Grant... ikaw 'yong iniiyakan niya—"

Muli ko siyang sinuntok. Mas malakas ngayon. Napaatras lang siya. Mukhang ineexpect na niya ang bagay na 'yon. "Tumigil ka na sabi!"

Tumawa ulit siya. Tawang mas nagpakulo ng dugo ko. Huminga ako nang malalim at napasabunot sa buhok. Nababaliw na talaga siya.

"Mahal mo siya, 'di ba?" Natameme ako. Umurong dila ko. Matiim lang siyang nakatitig sa 'kin. Binabasa ang naging reaksiyon ko. Ngumiti siya. Hindi ko alam kung totoong ngiti 'yon o made in China.  "Mahal din siya ni Silver. Sobra..."

Hinatak ko ang damit niya. "Gago ka talaga. Tumahimik ka kung ayaw mong gulpihin kita. Ikaw si Silver. At ikaw ang mahal niya—"

"Ikaw si Silver!" putol niya sa 'kin. Pigil na pigil ko na ang kamaong paliparin ulit sa mukha niya. Tumutulo na kasi ang dugo sa gilid ng kanyang labi. "At hindi niya mahal si Grant. 'Wag mong intindihin ang gagong 'yon. Makakalimutan n'ya rin ang tanginang 'yon matapos ang ilang buwan."

Kinagat ko ang labi nang mariin at inangat ang kanang kamao. Pero hindi na lumanding dahil sa sinabi niya pa. "I'm not doing this for myself or someone else. I'm doing this for Heather, Ryder."

Nag-aapoy ang titig na ipinupukol ko sa kanya. Pero alam kong ako lang din ang matatalo sa lagay na 'to. Unti-unti ko siyang binitiwan. Hindi na ako nakaimik kasi nawalan na ako ng sasabihin. Kahit ano'ng sabihin ko... hindi ko na mababali ang desisyon niya. Lalo na't gulong-gulo ang isip niya ngayon.

Darating ang panahon na pagsisisihan niya ang bagay na 'to. At ngayon pa lang naguguilty na ako.

Tinapik ni Grant ang balikat ko. "Thank you. I know you love her. She's going to love you, too."

Mahigpit ko lang kuyom ang mga kamao. Ipapaubaya niya talaga sa 'kin si Xhaiden?

Oo, mahal na mahal ko si Xhai. Pero bakit naninikip ang dibdib ko ngayon? Ayoko ng ganitong laban!

"Sana makabawi na rin ako sa mga pagkukulang at kasalanan ko sa 'yo." Sobrang sincere ng pagkakasambit niya na gusto kong kumuha ng sinulid at karayom para tahiin ang bibig niya nang 'di na siya makapagsalita.

Wala naman siyang kasalanan sa 'kin. Kung tutuusin, ako ang may kasalanan sa kanya. Pero hindi ko 'yon kayang aminin.

"Wala na rin naman akong kailangang sabihin, 'di ba? Kasi alam kong 'di mo siya pababayaan at sasaktan." Gusto ko nang takpan ang mga tainga pero nanigas na ako sa kinatatayuan, nanginginig ang katawan. "Kung magtanong siya tungkol kay Silver at 'di mo alam ang sasabihin sa kanya... tawagan mo na lang ako. Nandiyan na lahat. Mask, eye contacts at SIM na ginagamit ni Silver."

Gusto kong matawa. Pinaghandaan niya ba 'to mula umpisa? Wala na bang tatanga sa taong 'to? Pucha lang!

Nakaalis na siya sa harap ko pero tulala pa rin ako. Wala na akong pakialam sa mga taong nakatingin pa rin sa 'kin.

Kung hindi pa susulpot sa harapan ko si Xhaiden, hindi ako mababalik sa sarili.

Napakurap ako bigla at napaatras. Nanlaki ang mga mata ko. Nasa harapan ko si Xhai? Nabitiwan ko ang hawak na maskara. Tangina!

Napansin kong 'di pa nakakalayo ang sasakyan ni Grant. Tumigil pa nga 'to. Bumaba ang salamin sa driver's seat pero 'di siya sumilip.

Hindi ko alam kung ano'ng gagawin. Siguro nag-eexpect pa rin ako na bumaba si Grant sa sasakyan at bawiin ang lahat ng mga sinabi niya sa 'kin at harapin si Xhaiden. Pero nanatili siya sa loob ng lecheng BMW niya.

Wala ako sa sariling huwesyo para pag-aralan ang naging reaksiyon ni Xhai nang makita niya ang maskara. "I-Ikaw si Silver?" Muntik na siyang matumba. Mabilis siyang inalalayan ni Brix na hindi ko napansin na katabi niya pala.

Unti-unting sumara ang salamin ng pulang sasakyan at umalis. Humigpit ang pagkakakuyom ko sa mga kamao't mariing napapikit.

You're so stupid, Big Bro!

--
Tweet me your reactions #IAR #InaREALationSHIT @chiXnita. Kausapin n'yo ako sa twitter. ^^


Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
19.6K 559 17
If the magic fades away, will you still believe?
11.7K 305 8
What's meant to be will always find a way