Officially Yours (COMPLETED |...

By tiramissyoulikecrazy

12.2K 499 30

COMPLETED Meet Leslie Magtrano, a victim of school bullying, but she's a resilient woman. She spends her time... More

Officially Yours
Simula
ANNOUNCEMENT!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Note
Officially Yours Pre-Order

Wakas

376 12 4
By tiramissyoulikecrazy

Phillip's POV

We're heading to the airport. Kasama ko si Raiza dahil uuwi na kami ng Pilipinas. After 5 days of staying here, I guess this is the right time to say goodbye.

Dalawang araw na ang nagdaan mula noong huling bisita ko kay Leslie. The day that I hated the most. The day that I finally let her go. Sobra akong nasaktan nung nakipaghiwalay siya sa akin. Kahit masakit ay kailangan kong tanggapin alang-alang sa ikasasaya niya. That was my first heart break.

Damn! It hurts!

Flashback...

After we talked, lumabas akong luhaan sa silid ni Leslie. Hindi ko akalaing kaya niya akong paalisin nang ganoon-ganoon lang. Ang sakit.

Nasasaktan ako pero alam kong mas nasaktan ko si Leslie. Damn this!

Nakita ko si Raiza sa labas na nakasandal sa pader, si Daphne at kasama niya si Tita Lielina. Agad kong pinunasan ang mga luha ko pero kahit anong gawin ko ay patuloy pa rin ito sa pag-agos.

"Let's go," pagyayaya ko kay Raiza. Pero hindi pa man ako nakakahakbang palayo ay nagtanong si Daphne.

"Sino siya?" Tinutukoy niya ang kasama ko, si Raiza.

Hindi ko siya sinagot at hinila na si Raiza paalis doon. Umiiyak na ako sa sakit. Fuck! Hindi ko kaya ito!

Agad akong napahinto sa paglalakad nang magsalita si Tita Lielina.

"Salamat sa pagbisita, Phillip. Hinintay ka talaga ni Leslie."

Natigilan ako at tahimik na umiiyak. Pinipigilan kong wag humagulgol dito. Dati wala lang sa akin ang salitang "hintay" pero ngayon ay ang sakit-sakit nang  pakinggan ng salitang 'yon. Ang sakit.

Masakit dahil 'yon ang salitang pinanghahawakan ni Leslie habang wala ako sa tabi niya. Ang salitang dumurog sa puso ko.

Hindi ako nagsalita at naglakad paalis. Naramdaman kong tahimik na sumusunod si Raiza sa akin. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari at mabuti na lang nanatili siyang tahimik dahil kung hindi ay hindi ako na alam kung ano ang magagawa ko sa kanya.

"What happened? Why are you crying? Did you talked?" Tanong niya.

"Please, let's not talk about it." Bumuntong-hininga ako at hinihilot ang sintido ko.

"Okay."

Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya (bilang tao) ay ang pagiging masunurin niya.

"Mauna ka nang umuwi." Sambit ko. Napalingon siya sa akin.

"But why?"

"May pupuntahan lang ako. Take a cab, I'll use my car." Sambit ko sabay halik sa pisngi niya. Kahit labag sa loob kong gawin 'yon ay ginawa ko pa rin. Fuck this reasons!

Nang matapos kong ipara ng taxi si Raiza ay agad akong dumiretso sa kotse ko at pinaharurot ito. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong damhin ang pagkasawi ko. Gusto kong bigyan ng oras ang saliri ko dahil sa kanila na lang umiikot ang oras ko.

Pumunta ako sa bar at plano kong magpakalasing ngayon. Kahit ngayon lang...

"One Jack Daniels please," hingi ko doon sa bartender. Agad naman niya akong binigyan at diretsong nilagok 'yon. Ang pait!

Nakailang baso na ako ng alak at namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak habang umiinom ako. Drinks bring back the memories as fuck!

Naalala ko ang mga masasayang araw na kasama ko si Leslie and fuck ang sakit balikan! Parang kailan lang mula noong sinagot niya ako. Parang kailan lang mula noong naging first kiss ko siya. Parang kailan lang mula noong sinurpresa ko siya sa aming first monthsary namin. Parang kailan lang ang lahat.

"Mahal na mahal ko kita eh."

"I have reasons kung bakit ko 'yon nagawa sayo."

"Bakit umabot pa sa ganito?"

"Fuck! Ang sakit pala!"

I sobbed, my lips felt like falling into an uncontrollable pout habang hawak-hawak ko pa ang baso ng alak. Hindi ko maiwasang bumulong mag-isa dahil hindi ko kayang ikimkim 'yon sa puso't isip ko.

Naramdaman kong may kumalabit sa akin. Liningon ko siya at isang blonde'ng americana ang nasa harap ko.

"Hey, young man!" Bati niya. Inismiran ko siya at hindi pinansin.

Napansin kong pababa nang pababa ang hawak niya sa katawan ko. Umabot na ito sa hita ko at malapit na ito sa maselang parte ng katawan ko.

"Fuck off!" Sigaw ko at tinabig ang kamay niya sa hita ko.

Inom lang ako nang inom hanggang sa magsawa at mamatay, tutal wala na rin naman akong silbi rito sa mundo dahil iniwan ako ni Leslie, ang babaeng minahal ko nang sobra. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kung bakit nangyari ito. Kasalanan ko kung bakit umabot kami sa ganito ni Leslie, na umabot hiwalayan.

"Phillip?" May tumawag sa pangalan ko. Ang alam ko wala akong kilala rito pero bakit parang meron?

Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Drake na papalapit sa direksyon ko.

"Oh, bakit ka nandito?" Tanong ko nang maupo siya sa tabi ko.

"Ikaw dapat ang tatanungin ko."

"Tch!" Singhal ko.

"Dahil ba sa nangyari kanina?"

Paano niya nalaman?

Imbis na sumagot ay nilagok ko na lang ang alak sa bibig ko. Ayokong sagutin ang mga tanong nila. Masyadong masakit sa akin kapag pinag-uusapan pa 'yon.

Ako naman ang may kasalanan eh bakit ako iiwas? Tch!

"Hindi namin inaasahan ang pagdating mo. May kasama ka pang ibang babae. Kaano-ano mo 'yong babae?" Tanong niya.

"She's my fianceé." Sagot ko. Habang sinasambit ko 'yon ay mas lalo akong nasasaktan. Parang may bumabara sa lalamunan ko.

"Fianceè? How come? Phillip, naman, bakit dinala mo pa 'yong fianceè mo?"

"I just want to he honest. 'Yon lang."

"Na may kinakasama ka nang iba? Phillip, nasaktan mo 'yung tao."

"Alam ko." Lumagok na naman ako ng alak. Hindi ko na nga nalalasahan ang pait nito.

"Sana hindi ka na lang nagpakita."

Sana nga...

Hindi ako umimik at tinitigan lang ang basong hawak ko. Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko. Mas lalo pang lumalakas ang music sa loob habang palalim nang palalim ang gabi.

"Alam kong may rason ka pero sana pakawalan mo na lang siya." Sambit niya at doon na ako napatingin sa kanya.

"Hindi ko kaya."

Ayan na naman ang mga luha ko. Lintik na luhang 'yan, 'di mawala-wala!

"Hindi mo kaya? Pero sinaktan mo na 'yung tao at masasaktan na naman siya. At sa tingin mo ba makakaya niyang nakikita kang ikakasal sa iba? Kung nasasaktan ka ngayon, mas lalong nasasaktan si Leslie. Kaya pakawalan mo na lang siya."

Hindi ako nagsalita at inom lang ako nang inom. Hindi ko na kaya. Ang sakit-sakit na.

"Ihahatid na kita. Lasing ka na oh," inalalayan niya akong tumayo.

Naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa malambot kong kama.

~*~

Naalimpungatan ako ng gising nang may naririnig akong ingay. Sa sobrang ingay ay parang nasa tabi ko lang nanggagaling 'yon.

Kinakapa ko ang kama ko at nakapa ko ang tumutunog kong cellphone. May tumatawag sa akin. Hindi ko sana sasagutin ang tawag pero parang may nag-udyok sa akin na sagutin 'yon kasi bigla akong kinutuban na parang may mangyayaring hindi maganda. Agad ko 'yong sinagot nang hindi tinitignan ang caller.

"Hello? Phillip, ikaw ba 'yan?" Tanong ng isang babae sa kabilang linya. Pamilyar ang boses niya.

"Yeah, why?" Nababakas ang antok sa boses ko. Ikaw ba namang bulabugin sa gitna ng masarap mong pagkakatulog.

"Si Leslie... inatake na naman ng sakit niya."

Agad akong napabangon at tinignan ang screen ng cellphone ko. Si Daphne pala ang tumatawag.

"What?!" Shit!

"Phillip, pumunta ka rito please. Kahit ngayon lang, para kay Leslie..." narinig ko ang mahinang pag-iyak niya.

"Okay, okay papunta na ako dyan." Pinatay ko na ang tawag at mabilis na tinungo ang daan papunta sa banyo para maligo.

Shit! Not now please!

Matapos kong magbihis ay agad akong lumabas ng hotel at pinaharurot ang kotse ko papunta sa ospital. Tila nawala ang hangover ko nang mabalitaan ko 'yon galing kay Daphne. I need to go there as fast as I could before its too late.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako habang nagda-drive. I can't help it. Nasaktan na siya sa ginawa ko at ngayon ay naghihirap na naman siya sa sakit niya. Hindi niya deserve ang ganitong hirap. Sana ako na lang.

Nang makarating ako sa ospital ay agad kong tinakbo ang emergency room. Nakita ko doon sina Daphne, Drake, Tito Josefino, Tito Lester, at si Tita Lielina na nakaupo sa labas ng emergency room.

"Salamat dumating ka rin."

"Kumusta si Leslie?" Humihingal na tanong ko.

"Tinitignan pa ng mga doctor," umiiyak na sagot ni Daphne.

Nanlambot ang mga tuhod ko at muntik na akong mapaupo sa sahig. Nanghihina ako. Hindi ko kaya 'to.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Napalingon ako kay Tita Lielina nang magsalita siya. Ako yata ang tinatanong niya.

Tumango ako. "Sure, tita."

Inaya niya ako papunta sa chapel nitong ospital. Nagtaka ako kung bakit doon niya gustong mag-usap kami pero sumunod pa rin ako. Sumalubong sa amin ang malamig at tahimik na chapel.

Naupo kami sa dulong bahagi malapit sa may pinto. Matagal bago siya nagsalita kaya napatingin na lang ako sa malaking krus.

"Alam mo bang hinintay ka ni Leslie ng dalawang buwan?" Binalingan ko ng tingin si Tita Lielina nang magsalita siya. Hindi siya nakatingin sa akin at sa malaking krus lang dumapo ang mga mata niya. "At sa dalawang buwan na iyon ay palaging ikaw ang bukambibig niya. Kapag nagigising siya, ikaw ang unang hinahanap niya. Natapos ang surgery at ang unang test niya pero hindi ka nagpakita. Hindi niya tinuloy ang pangalawang test kasi hinihintay ka niyang dumating. Alam mo ba kung gaano ka-importante ang test na iyon?" Sasagot na sana ako pero nagsalita na naman siya. "Doon nakasalalay ang buhay niya. Nag-aalala ako na baka sa susunod na araw ay mawala na siya sa amin. Ayoko pang mawala ang anak ko. Hindi ko kakayanin." Umiiyak na siya. Napayuko tuloy ako.

"I'm sorry."

"Ngayon lang nagmahal ng lalaki ang anak ko—bukod sa mga ama niya at sa kapatid niya. Nakikita kong masaya siya kapag kasama ka niya. Mahal na mahal ka ng anak ko, Phillip. Sa sobrang pagmamahal niya ay handa siyang isakripisiyo ang buhay niya para sa'yo." Ngumiti siya sa akin. Hindi ko kayang ngumiti ng gaya sa kanya dahil nagui-guilty ako. "Boto nga ako sa'yo eh. Pero nung nalaman ko kung bakit umiiyak ang anak ko kahapon, sinira mo ang tiwala ko sa'yo. Iyak nang iyak ang anak ko matapos niyong mag-usap kahapon. Bilang isang ina, ayokong nakikitang nasasaktan ang anak ko kasi nasasaktan rin ako sa kalagayan niya lalo na't nag-aagaw buhay siya... Hindi kita pinipilit pero sana... pakawalan mo na ang anak ko."

Pati ba naman si Tita? Bakit ganito ang mga sinasabi nila sa akin?

"Tita..."

"Alam kong may rason ka kung bakit nangyayari ito at naiintindihan kita. Pero kasi ayokong nakikitang nahihirapan ang anak ko nang dahil sa'yo. Tatanggapin ko naman ang desisyon mo eh at rerespetuhin ko iyon. Para na rin sa ikasasaya niyo pareho. Pakawalan mo na si Leslie."

All of the sudden, ayokong isuko ang lahat. Mahal na mahal ko si Leslie pero ako rin 'yung dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon. I made her cry. I made her suffer. And she doesn't deserve this.

Her heart is too big to be treated small. I deserve this. I ruined everything.

This is the hardest desision that I've made in my entire life. Alang-alang sa ikasasaya namin ay handa kong isakripisiyo ang lahat. Alang-alang para kay Leslie.

"I will..." nahihirapan sambit ko. Nagsisimula na ring lumabo ang mga paningin ko.

Mas masakit 'yung mahal mo pa pero pinalaya mo na.

"Sana maging masaya kayo."

"Yeah, thank you." Pinunasan ko ang mga luhang tumakas mula sa mga mata ko.

"Wag kang mag-alala, boto pa rin ako sa'yo." Ngumiti si tita kaya ngumiti rin ako. Niyakap niya ako nang pagkahigpit-higpit at niyakap ko rin siya pabalik. Tumutulo na naman ang mga luha ko.

"Alis na po ako." Pagpapaalam ko sabay tayo. Nanatiling nakaupo si tita habang nakatingin sa akin.

"Mag-iingat ka."

"I will. Pakisabi na rin kay Leslie na mahal na mahal ko siya."

Kahit ngayon lang... Masakit nga lang kasi hindi ko nasabi sa kanya nang personal. Pero okay na ito kesa hindi ko masabi.

"Makakarating."

"Thank you," ngumiti ako sa huling pagkakataon bago ako umalis doon.

Nang makalabas ako ng chapel ay agad akong napaupo sa sahig at doon humagulgol. I made a great choice. I know you deserve someone better than me. That's why I let you go.

Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon bago ko naisipang umalis. Nagbook ako ng ticket pauwi ng Pilipinas. Uuwi na kami. Tapos na ang role ko rito. Tapos ko nang sabihin sa kanya ang totoo. At tapos na kami.

End ot Flashback...


"Are you ready?" Tanong ni Raiza.

"Yeah." Sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hawak-kamay kaming sumakay sa eroplano.


I'll wait for you. Hanggang sa muli nating pagkikita, mahal ko.


—The End—



Continue Reading

You'll Also Like

37.8K 994 29
GxG Tagalog Story Etong story na to ay pawang mga gawa lang ng aking emahinasyon hindi nangyare sa totoong buhay.. may maseselan parte Ng story na t...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
70.2K 3.3K 34
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
152K 5K 44
Maria Clara is commonly used to symbolize the purity, chastity and innocence of a woman. Pero ano na bang year ngayon? It's already 2017, halos lahat...