Badidang(Gay Story)

By Cavs34

351K 8.4K 1.3K

"Ang pagmamahalan ay wala sa kasarian.Bakla ka man,lalaki,o babae.Basta nagmamahal ka,ni kahit sino o ni kahi... More

My Love For You
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
ANNOUNCEMENT
About BOOK 2
MALAKING PASABOG

Chapter 47

4.7K 123 39
By Cavs34

Medyo napabilis ang update ko ngayon haha ang gaganda kasi ng comments sa previous chapter.Sana patuloy kayo sa pagsupport,malapit na nating maabot ang ending,konting hinga na lang.Sana magustuhan niyo ang chapter na ito at hinabaan ko ito para makabawi naman.Hindi ko na papahabain,enjoy !

----------------------------------

Tuloy-tuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko noong nakita ko ang galit na galit na ekspresyon ni tita matapos niya akong sampalin sa kanang pisngi ko.Nakakatakot siya,ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit.

“Tita bakit po?Bakit niyo po ako pinagbabawalang makita si Tristan?”naluluha kong tanong kay tita kasi hindi ko alam ang nagawa kong kasalanan para gawin niya iyun

“Pinagkatiwalaan kita sa anak ko.Kahit na ayaw ko sayo pinagkatiwalaan kita kasi mahal ka ng anak ko pero anong ginawa mo?Nasaktan lang siya dahil sayo!”sigaw sa akin ni tita na dahilan para mas mamuo pa ang mga luha sa mata ko

“Tita...”yan na lang ang nasabi ko kasi hindi ko alam ang sasabihin ko.Natatakot ako sa kanya ngayon,sa matatalim niyang tingin sa akin.

“Malas ka sa anak ko!Sinasabi ko na nga ba eh,dapat hindi kita pinagkatiwalaan!Dapat noong una pa lang tumutol na ako sa relasyon niyo!”sigaw sa akin ni tita.Matapos niyang sabihin iyun,parang biglang sinaksak ang puso ko.Akala ko gusto niya ako para sa anak niya,akala ko payag siya sa relasyon namin,hindi pala,nagkamali ako.

“Tita aksidente po ang nangyari.”naluluha kong sabi kay tita

“Anong aksidente?Nalaman ko na ang dahilan kung bakit yun nangyari sa kanya.Sinaktan mo siya,iniwan mo siya,matapos ng pagmamahal niya sayo nagawa mo pa yun?Ang kapal din naman ng mukha mo!”sigaw sa akin ni tita “Hindi ka bagay sa kanya,hindi kayo para sa isa’t-isa.Ang lalaki para lang sa babae!Itatak mo yan sa utak mo.”sigaw sa akin ni tita na dahilan para manghina ako

“Tita tama na po.”pagmamakaawa ko kasi hindi ko na talaga kaya ang bawat matatalim na salita na binibitawan sa akin ni tita

“Masakit ba?Wala pa yan sa sakit na naramdaman ng anak ko!Hindi ka para sa kanya tandaan mo yan!”sabi sa akin ni tita “Simula ngayon hindi mo na pwedeng lapitan si Tristan!Masamang impluwensya ka sa kanya.”sabi sa akin ni tita na dahilan para manghina ako

“Tita please huwag niyo pong gawin ito,hindi ko po kakayanin kapag ginawa niyo ito sa amin ni Tristan.”pagmamakaawa ko kay tita habang hawak hawak ang kamay niya

Tinaggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya “Pwede ba?Huwag mo nga akong hawakan!Umalis ka na dito hindi ka namin kailangan!”sigaw sa akin ni tita

“Pero tita mahal ko po ang anak niyo.”naluluha kong sabi kay tita

“Mahal mo siya,ikaw mahal ka ba?”mataray na tanong sa akin ni titan a dahilan para matigilan ako “Umalis ka na dito kasi kahit kailanman hinding hindi mo na makikita ang anak ko!”sigaw sa akin ni tita saka isinara ang pintuan ng kwarto ni Tristan

Bigla akong napaupo sa malapit na upuan na malapit sa kwarto ni Tristan dahil sa sobrang panghihina.Patuloy ako sa pag-iyak,gusto kong isigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko,gusto kong pumatay ng tao.Bakit lagi na lang akong nasasaktan?Sadya na ba talagang nakakabit sa pangalan ko ang mga salitang sakit,pagdurusa,iyak?Wala ba akong karapatang lumigaya?Sumaya?Magmahal?

Habang lumuluha ako,naramdaman ko na lang ang isang yakap,isang napakahigpit na yakap.Napatingin ako sa kanya at nakita ko si Chaera.Mas napaluha ako ng makita ko siya.Pakiramdam ko nakakaawa ako ngayon,pakiramdam ko mukha akong naaapi.

“Tama na,huwag ka ng umiyak.Shsss.”bulong sa akin ni Chaera habang umiiyak ako

Niyakap ko din siya ng napakahigpit,napakaswerte ko talaga sa kaibigan kong ito “Salamat Chaera.”naluluha kong sabi sa kanya “Salamat kasi matapos ng pagmamataray ko sayo noon,nandyan ka pa din sa tabi ko,sinasamahan ako.Salamat talaga.”sabi ko sa kanya habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko

“Kaibigan mo ako,hindi kita iiwan kahit na ilang beses mo pa akong tarayan tandaan mo yan.”sabi sa akin ni Chaera na dahilan para mas mapaluha ako “Hindi kita iiwan.”sabi niya sa akin habang niyayakap ako ng mahigpit

“Salamat Chaera,maraming maraming salamat.”sabi ko sa kanya

“Shsss tama na,huwag ka ng umiyak.”sabi sa akin ni Chaera

Napakalaki na talaga ng utang na loob ko sa babaeng ito.Matapos ng mga ginawa ko sa kanya noong mga kasamaan,still nandito pa din siya at dinadamayan ako sa lahat ng mga problema ko.Totoo nga ang sabi nila,isa sa mga pinakamahalagang yaman na maaring magkaroon ka ay ang mga kaibigan.Simula ngayon I’ll treasure all of them.Pahahalagahan at mamahalin ko na sila na parang isang tunay na kapamilya.Kaya ikaw mahalin mo lahat ng mga kaibigan mo dahil sila lang yung mga taong maasahan at dadamay sayo sa tuwing may mga problema ka kahit na gaano pa kaliit o kalaki iyan.

---------------------

Nandito ako ngayon sa bahay ni Kim at katabi ko ngayon ang lumuluhang si lola.Nakakaawa siya,sobra siyang nasaktan ng malaman na ang kaisa-isa niyang apo ay namatay na.Niyakap ko siya ng napakahigpit para maramdaman niya na may kadamay siya sa mga problema niya,na nandito ako,na hindi siya nag-iisa.

“Lola tama na po,huwag na po kayong umiyak.”sabi ko kay lola habang yakap yakap siya

“Apo ano bang nangyari kay Kim?Bakit siya nabaril?”naluluhang tanong sa akin ni lola

“Lola matagal ko na po itong gustong sabihin sa inyo pero ngayon lang po ako nagkaroon ng pagkakataon kasi nag-aalangan po ako kung sasabihin ko pa sa inyo.”sabi ko kay lola saka huminga ng malalim “Lola kasangkot po ang apo niyo sa isang sindikato.”sabi ko kay lola

“Ano?Pa...paano?Bakit?”naguguluhang tanong sa akin ni lola

“Matapos niya pong mag-ospital,bigla siyang nawala.Hinahanap natin siya ngunit hindi natin siya makita.Pero isang araw,habang naglalakad po ako ay nakita ko siya,nakita ko siyang pumapatay ng isang babae.”naluluha kong sabi kay lola

“Ba..bakit?Bakit pumapatay ang apo ko?”tanong sa akin ni lola

“Kasi galit daw po siya sa sarili niya,galit siya kasi nawala sa kanya ang taong pinakamamahal niya.”naluluha kong sabi kay lola

“Si Misty na naman ba ito apo?”tanong sa akin ni lola

Umiling ako ng marahan saka sinabing “Lola ako po,ako po ang tinutukoy niyang mahal na mahal niya.”naluluha kong sabi kay lola

“Pero paano?Akala ko ba ay yung Misty ang mahal niya?”tanong sa akin ni lola

“Ginamit niya lang daw po si Misty para mawala ang nararamdaman niya para sa akin pero hindi daw po yun nawala,mas lumala lang daw po ang nararamdaman niya sa akin.Hanggang sa nasaktan niya ako ng sobra na dahilan para iwanan ko siya.At nagsisi siya kasi nasaktan niya ako,nakahanap ako ng ibang lalaki na magmamahal talaga sa akin at iyun ang dahilan kaya siya pumapatay,kasi nagsisisi siya kasi naging duwag siya,kasi hindi niya naipakita at naiparamdam sa akin ang totoong nararamdaman niya.”sabi ko kay lola

Hindi nakaimik si lola matapos kong sabihin sa kanya ang dahilan “Lola sorry po.”naluluha kong sabi kay lola

Napatingin siya sa akin at sinabing “Bakit ka humihinga ng tawad apo?”tanong sa akin ni lola

“Kasi ako po ang dahilan kung bakit siya namatay,kung sana hindi ko siya iniwanan,hindi sana mangyayari ito sa kanya.”naluluha kong sabi kay lola

Bigla niya akong niyakap “Hindi mo kasalanan ang nangyari apo,hindi mo kasalanan kung nagsawa ka na lang talaga,hindi mo kasalanang mapagod na masaktan.”sabi sa akin ni lola na dahilan para mas mapaluha ako

“Lola mahal na mahal ko talaga kayo.”sabi ko kay lola kasi ang saya lang sa pakiramdam na pinagkakatiwalaan ka niya,na hindi ka niya sinisisi sa mga nangyari.

“Mahal na mahal din kita apo,kahit hindi kita totoong apo,mahal na mahal pa din kita.”sabi sa akin ni lola

“Awww!Nakakatouch naman po kayo.”sabi ko kay lola

“Joke lang apo,naniwala ka naman agad.”sabi sa akin ni lola na dahilan para matawa ako.Si lola talaga kahit ang seryoso na ng mga nangyayari,nagagawa niya pa ding magpatawa.

“Haha si lola talaga!”sabi ko sa kanya

“Arte mo apo ha!Pakalalaki ka nga.”sabi sa akin ni lola

“Ayoko lola,habang buhay na akong magiging ganito.”sabi ko kay lola

“Hayaan mo apo,bakla ka man o lalaki,mamahalin at mamahalin ka pa din ni lola.”sabi niya sa akin na dahilan para mapangiti ako

“Mahal na mahal ko din po kayo lola.”sabi ko kay lola “Nasaan nga po pala ang bangkay ni Kim?”tanong ko kay lola

“Napagdesisyunan ko na lang na ipa-crimate na lang ang bangkay ng apo ako.”sabi sa akin ni lola

“Bakit po?Para pwede pong dito na lang ang abo niya sa bahay niyo?”tanong ko kay lola

“Hindi,ang mahal kasi kapag dito pa ibinurol apo.Maganda yung abo abo na lang,wala ng gastos.”biro sa akin ni lola

“Hahah si lola talaga!”sabi ko kay lola

“Hindi pero seryoso apo,ipinacrimate ko siya kasi hindi ko pa siya kayang pakawalan,gusto ko na pakiramdam ko kasama ko pa din siya sa bahay na ito.Hindi ko siya kayang pakawalan apo.”sabi sa akin ni lola

“Naiintindihan ko po kayo lola.Mahal na mahal niyo talaga ang apo niyo ano?”tanong ko kay lola

“Oo naman apo,ako na kasi nag-alaga dyan simula pagkabata niya.”sabi sa akin ni lola

“Ahhh nakakamiss po pala talaga si Kim ano?”nalulungkot kong tanong kay lola

“Sobra apo,miss na miss ko na siya.”naluluhang sabi sa akin ni lola

Niyakap ko na lang si lola bago pa siya muling mapaluha,ayoko ng makakita ng umiiyak.Gusto ko ako na lang ang luluha,masakit makita na lumuluha ang mga kapamilya mo kaya ako na lang ang magtitiis,gusto ko ako na lang ang dumanas ng sakit.Sanay na naman kasi ako,sanay na ako na parating nasasaktan.

-------------------------

Matapos kong bisitahin si lola at tingnan ang pinacrimate na katawan ni Kim ay pumunta ako ng hospital kung saan nandoon si Tristan.Gusto ko siyang puntahan,gusto ko siyang makita.Kahit na alam kong hindi ako papayagan ni tita,susubukan ko pa din.Sana payagan niya akong makita si Tristan,kahit konti lang,kahit mabilis lang,basta makita ko lang siya sasaya na ako.

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni Tristan,agad kong binuksan ang pinto at nagulat ako kasi wala na siya doon,wala na si Tristan.Nagtanong tanong ako sa mga nurse doon at napag-alam ko na kalalabas lang pala ng hospital ni Tristan.Okay na daw siya at tanging pagpapahinga na lang ang kailangan.Nang malaman kong nasa maayos na siyang kalagayan,parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

Gusto ko siyang makita,gusto ko siyang makamusta kaya napagdesisyunan kong puntahan siya sa bahay nila.Sana payagan ako ni tita,sana bigyan niya ako ng kahit katiting na oras lang,kahit konti lang,basta makita ko lang siya at maka-usap.

“Tita!Tita!Buksan niyo po itong pinto.”pagkatok ko sa pintuan ng bahay nina tita “Tita si Patrick po ito.”sabi ko habang patuloy sa pagkatok

Katok ako ng katok pero hindi pa din ako pinagbubuksan ni tita.Please nagmamakaawa na ako,kahit mabilis lang,kahit konti lang sana hayaan ako ni tita.

Kumatok ulit ako at nagbabakasakaling bubuksan ang pinto ni tita “Tita please hayaan niyo po akong makausap si Tristan.Gusto ko lang po siyang makausap.”sabi ko kay tita at nagulat na lang ako ng maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng bahay nila

“Ano bang kailangan mo?”galit na galit na tanong sa akin ni tita

“Gusto ko lang pong makamusta si Tristan,sabi po ng nurse sa akin ayos na daw po siya?”tanong ko kay tita

“Ayos na siya.Ano namang pakialam mo?”mataray na tanong sa akin ni tita “Bakit ka ba nagpunta dito?”tanong sa akin ni tita

Huminga ako ng malalim saka siya sinagot sa tanong niya “Pumunta po ako dito para makamusta at mabisita si Tristan.Please bigyan niyo po ako ng oras kahit mabilis lang.”pagmamakaawa ko kay tita

“Tulog siya ngayon,huwag mo siyang istorbohin.”sabi sa akin ni tita

“Please tita kahit mabilis lang po.”pagmamakaawa  ko kay tita

“Ano ba?Ang kulit mo ha!Sabi ng tulog nga sya ngayon eh!”sigaw sa akin ni tita

“Ahhh ganun po ba?Sorry po kung nagiging makulit na ako.Pwede po ba na kapag pwede na po siyang makausap tawagan niyo po ako?”tanong ko kay tita at umaasa na papayagan niya ako

Tumingin siya sa akin ng matalim saka nagsalita “Hindi ka pa din talaga titigil ano?Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo na siya pwedeng makita?Hindi ka ba talaga nakakaintindi?”sigaw sa akin  ni tita

“Pero tita nagmamakaawa po ako,kahit ngayon lang,pagkatapos nito pangako hindi ko na po talaga siya lalapitan.”sabi ko kay tita habang naluluha na

“Hindi pwede!Umalis ka na nga dito!”sigaw sa akin ni tita

“Pero tita..”naluluha kong sabi kay lola

“Aalis ka na o mapipilitan akong dalhin si Tristan sa ibang bansa?Anong mas pipiliin mo?”mataray na tanong sa akin ni tita

Napaluha ako ng malaman iyun.Ayoko,ayokong mawala sa akin si Tristan,hindi ko kakayanin.Napaluha ako habang nakatingin sa matatalim na mata ni tita.Napatungo na lang ako saka tumalikod at naglakad na palayo.Mas pipiliin ko pang ako na lang ang masaktan kaysa malayo sa akin si Tristan,hinding hindi ko kakayanin iyun.

--------------------------------

“Fishball ako ito si Patrick..”naluluha kong sabi kay Tristan

“Anong Fishball?May sarili akong pangalan!”sigaw sa akin ni Tristan “Sino ka nga ulit?Hindi kita kilala!Hindi kita matandaan!”sigaw sa akin ni Tristan

Tuloy tuloy sa pagpatak ang mga luha ko at napatingin sa kanyang mga mata “Tristan ako ito,si Patrick.Diba mahal mo ako?Nakalimutan mo na ba ako?”naluluha kong tanong sa kanya

“Sorry pero hindi talaga kita matandaan.”sabi niya sa akin saka naglakad palayo

Hinabol ko siya at niyakap sa may likuran niya at nagmakaawa “Please alalahanin mo ako,please tandaan mo ako Tristan.Diba mahal mo ako?Bakit nalimutan mo na agad ako?”naluluha kong tanong sa kanya

Nagulat na lang ako ng tinanggal niya ang pagkakayakap niya sa akin at bigla akong tinulak na dahilan para mapa-upo ako sa may sahig.Tinitigan niya ako ng matalim saka siya nagsalita.

“Pwede ba?Ikaw mamahalin ko?Hindi ako pumapatol sa bakla!Tumigil ka na kung ayaw mong masaktan.”sigaw niya sa akin

“Tristan...”naluluha kong sabi sa kanya

“Hindi kita kilala !”sigaw niya sa akin saka naglakad palayo

“AHHHHHHHH !!!!!”sigaw ko atsaka bumangon sa kama ko

Panaginip lang pala ang lahat,hindi pala iyun totoo.Salamat naman.Pero bakit pakiramdam ko totoo?Bakit pakiramdam ko mangyayari talaga?Sana hindi,sana naaalala niya pa din ako.Hindi ko kakayanin kapag nalimutan niya ako,hindi ko na alam ang gagawin ko.

Bumangon na ako saka hinanda ang sarili para pumasok sa school.Nandito muna ako ngayon kina Chaera,dito muna ako pansamantala nanunuluyan.Napakalaki na talaga ng utang na loob ko sa babaeng ito.Sana balang araw makabawi ako sa kanya.

“Myloves okay ka lang ba?”tanong sa akin ni Chaera kasi tulala lang ako at hindi ginagalaw ang pagkain sa harapan ko

Nandito kami ngayon sa canteen at nagrerecess kaming dalawa ni Chaera,may pinuntahan lang sandali si Philip.Dati anim kaming magkakasama,naging lima,hanggang sa naging apat,at ngayon tatlo na lang kami.Bakit patuloy kaming nauubos?Ano bang meron sa grupong ito?Sana wala ng mawala,sana magkakasama pa din kami hanggang huli.

“May napaginipan kasi ako kanina,napaginipan ko na nalimutan na daw ako ni Tristan.”nag-aalala kong sabi sa kanya

“Ano ka ba hindi yan!Huwag ka ngang nega dyan.”sabi sa akin ng kumakaing si Chaera

“Pero hindi ko pa din maalis sa akin ang mag-alala.Paano kung nagka-amnesia na nga siya?Paano kapag nalimutan na niya tayo?Ako?Hindi ko alam ang gagawin ko.”naluluha kong sabi sa kanila

“Tama na nga,huwag ka na ngang umiyak dyan.Balita ko papasok na daw ulit bukas si Tristan,bukas malalaman natin ang totoo.”sabi sa akin ni Chaera habang hinahagpos ang likuran ko

Bigla akong nabuhayan ng loob ng marinig ang balitang iyun sa kanya “Talaga?Papasok na siya bukas?”natutuwa kong tanong sa kanya

“Oo nga!Excited lang?”tanong niya sa akin

“Oo naman!Syempre gustong gusto ko na ulit siyang makita.”sabi ko sa kaniya “Saan mo nga pala nalaman ang balita?”

“Kay Philip.”sabi niya sa akin

“Ayieee kayo ha nagiging close na din kayo!Akala mo hindi ko napapansin ha!”sabi ko sa kanila

“Hahah huwag ka ngang maingay dyan myloves,baka may makarinig sa atin.”sabi niya sa akin at nagtingin-tingin sa paligid

“Eh bakit ka kinikilig?Ikaw ha lumalandi ka na din ngayon.”sabi ko sa kanya

“Syempre naman,idol kaya kita.”sabi niya sa akin

“Haha gaga ka talaga!Anong nangyayari sa inyo ni Philip?Bakit nagustuhan mo na siya?”tanong ko sa kanya

“Hindi ko nga alam kung paano ko siya nagustuhan eh,basta isang araw na lang pagkagising ko naramdaman ko na lang ito,na crush ko na pala siya!”kinikilig niyang sabi sa akin

“Kyaaaaaaaah!Ang harot mo!”kinikilig kong sabi sa kanya

“Ang totoo nga nito medyo bumabait na din siya sa akin.Hindi na siya masyadong nang-aasar.”kinikilig na sabi sa akin ni Chaera

Nagulat na lang kami ng biglang tumabi sa amin si Philip na may dala-dala ding pagkain.Nagkatinginan si Philip at Chaera at nagulat na lang ako ng biglang kinindatan ni Philip si Chaera.Anong ibig sabihin noon?

“Kyaaaaaaah!Kinikilig ako sa inyong dalawa.”bulong ko sa kanya

“Huwag kang maingay myloves baka mahalata tayo.”nagpipigil sa kilig na sabi sa akin ni Chaera

“Ehem.”sabi sa amin ni Philip “Chaera kumain ka na ba?”tanong ni Philip sa kanya

“Ahhh oo.”nahihiyang sabi ni Chaera

“Akala ko kasi hindi ka pa nakakain,ibibili sana kita.”sabi ni Philip kay Chaera habang ako ay nagpipigil ng kilig sa may sulok

“Hahahah thank you na lang.”nagpipigil sa kilig na sabi ni Chaera

“Kyaaaaaah!Hindi ko mapigilan ang kilig sa inyo.”sabi ko kay Chaera

“Haha huwag ka nga dyan!Ang hirap kayang magpigil ng kilig.”sabi sa akin ni Chaera

“Sorry naman hindi ko lang kasi talaga mapigilan.”sabi ko kay Chaera

Buti pa sila masaya,buti pa itong mga kaibigan ko nagkakadevelopan na.Masama mang sabihin pero naiinggit ako sa kanila.Gusto ko na ding makita si Tristan,gusto ko na siya muling makasama,gusto kong ipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal.Totoo nga ang sabi nila,saka mo lang malalaman ang value ng isang bagay kapag nawala na siya sayo.Sana pala ginawa ko na ang lahat noon,sana pinakita ko na sa kanya kung gaano ko siya kamahal.Nakakapagsisi,nakakapanghinayang.

Nandito ako ngayon sa tapat ng locker ko at umaasang may letter si Tristan para sa akin.Dahan-dahan ko iyung binuksan at nadismaya ako sa nakita ko sa loob,wala na nga talaga siyang letter,wala na nga talaga si Tristan.Nakakamiss yung pagbibigay niya sa akin ng mga letter na may kasama pa minsang mga bulaklak,namimiss ko na siya.Tristan please,bumalik ka na.

Matapos kong kumuha ng mga libro ko ay napaupo ako sandali sa may mga upuan malapit sa garden ng school namin.Hindi ko maiwasan ang maluha sa tuwing naaalala lahat ng mga nangyari sa amin noon ni Tristan.Paano ko magagawang kalimutan siya kung naging parte na siya ng pang-araw araw kong buhay?Hindi ko na siya kayang kalimutan,tumatak na siya dito,sa puso ko.

Nagulat na lang ako ng sa gitna ng pagdadrama ko dito ay may mga lalaking tumawa sa akin.Tinatawanan nila ako kasi nagdadrama daw ako.Pakialam nila?Edi magdrama din sila!Mga pakialamero.

Noon may nagtatanggol sa akin sa tuwing may nang-aapi sa akin,ngayon wala na,wala na si Tristan.Miss na miss ko na talaga siya,sana matapos na ang araw na ito.Gusto ko ng magbukas,gusto ko na siyang makita.

------------------------

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko,ito na ang araw kung kalian dadating si Tristan,ang araw kung kalian makikita at makaka-usap ko siya.Excited na excited na ako pero at the same time kinakabahan.Paano kung hindi na niya ako matandaan?Paano kung?Ay tama na nga !Dapat maging optimistic lang ako,tama na ang pag-iisip ng mga negang bagay.

Kasalukuyan akong kumukuha ngayon ng mga gamit ko sa locker.Wala pa siya dito,wala pa siyang letter na inilalagay sa locker ko.Wala nga ba talaga siya dito o nakalimutan na niya lang talaga ako kaya wala na siyang letter na nilalagay dito sa loob ng locker ko?

Dahan-dahan ko ng sinarado ang locker ko at na-estatwa na lang ako sa kinatatayuan ko ng nakita ko siya,nakita ko siyang naglalakad.Pinapalibutan siya ng mga estyudyante habang naglalakad habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya ng malayo.Nginingitian niya lahat ng mga estyudyanteng bumabati sa kanya,ibig sabihin noon kilala niya pa kami!Kyaaaaaaaaah!

Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay unti-unti ng lumalapit sa akin.Bakit ang bilis ng kabog ng dibdib ko?Kinakabahan ba ako o sobrang excited ko lang?Gusto ko na siyang makausap,gusto ko na siyang kamustahin.

Napanganga na lang ako ng nakita siyang nakahinto sa harapan ko,nakatitig siya sa akin habang nakangiti.Gusto kong magsalita,gusto ko siyang batiin pero hindi ko magawa,napipipi ako.Nginitian niya lang ako saka muli naglakad palayo.Nakakainis ka Patricia!Bakit hindi mo siya binate?Bakit hindi ka man lang nag-hi sa kanya?Baka akala niya galit ka pa din sa kanya !Kakainis ka talaga.

Pumunta na agad ako ng room namin  para magbakasakaling maka-usap siya pero nagulat na lang ako ng nagsisimula na pala ang klase.Napagalitan pa tuloy ako ng teacher ko kasi late na daw ako,nakakahiya tuloy kay Tristan.Nakakainis ka na talaga Patricia!Umayos ka nga,baka maturn-off sayo si Tristan!

Umupo na lang ako at nagkunwaring nakikinig sa klase kahit na ang totoo,hinihintay ko lang ang recess para makausap ko siya.Ang tagal naman ng recess!Kainis nakakainip na.

Nang dumating ang oras ng recess,agad ko siyang tiningnan sa likuran ng room kung saan siya nakaupo.Nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin.Kainis ka Tristan huwag mo akong titigin ng ganyan!Baka matunaw ako ng hindi oras.

“Tristan...”kinakabahan kong sabi sa kanya

“Bakit?”tanong niya sa akin

Napatitig na lang ulit ako ng bigla siyang ngumiti sa akin.Grabe bakit hindi ako makapagsalita kapag nginingitian niya ako?Natutulala na lang ako bigla at napapatitig sa kanya.Sobra ko ba talaga siyang namiss at naging ganito na lang bigla ang epekto niya sa akin?

“Kung wala kang sasabihin aalis na lang muna ako.Sige magrerecess muna ako.”paalam niya sa akin habang nakangiti

Natauhan na lang ulit ako ng namalayang wala na siya sa harapan ko!Nakakainis ka talaga Patricia,napakashungers mo talaga.Bakit hindi mo pa ginamit yung oras na binigay sa inyo para makausap siya?Ang gaga mo talaga!Nakakainis ka na talaga,ang sarap mo ng sabunutan.\

Naglakad lakad na lang ako habang oras ng recess namin at iniisip ang mga oras na pinalagpas ko kanina at kung gaano ako kagaga.Habang naglalakad ako,may nakita akong lalaki na nasa taas ng rooftop.Tinitigan ko siyang mabuti at hindi nga ako nagkakamali,si Tristan nga iyun!Ito na ang time na binigay sayo ng Panginoon Patricia kaya lubusin mo na,huwag ka ng gaga dyan!

Agad akong pumunta sa rooftop at kinakabahan ako ng nakita siya sa may rooftop habang nakatingin sa malayo.Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya at huminga ng malalim saka nagsalita.

“Tristan..”sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya at niyakap siya ng napakahigpit,yakap na namiss ko. “Gusto kong sabihin na sorry.Sorry kung nasaktan kita noon,sorry kung ako ang dahilan kung bakit ka naaksidente,sorry.Gusto ko lang sabihin sayo na napatawad na kita at mahal na mahal kita.”naluluha kong sabi sa kanya habang yakap yakap siya

Hindi siya nagsaita.Bakit kaya?Panandalian akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya para magpunas ng mga luha ko atsaka ulit tumingin sa kanya. “Sana mapatawad mo pa ako Mr.Fishball.”naluluha kong sabi sa kanya

Nagulat na lang ako at parang nanghina ng dahil sa mga simpleng salitang binitawan niya “Sino ka?”tanong niya sa akin

Bigla akong nanghina kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.Napailing ako,napailing ako kasi hindi pwede ito,hindi maaring nalimutan na niya ako.Hindi ako papayag!

“Sorry pero hindi kita maalala.”sabi niya sa akin habang halatang naguguluhan sa mga nangyayari

Umiyak ako ng umiyak.Bakit nangyayari ngayon ang napaginipan ko?Mangyayari din ba sa akin ang itutulak ako ni Tristan at sisigawan niya ako?Hindi ko kakayanin,hindi ko matatanggap.Kaya bago ko pa iyun maranasan ay dahan-dahan na akong naglakad palayo.Ang sakit,ang sakit na yung taong mahal mo,nalimutan ka na,hindi ka na maalala.

Patuloy lang ako sa paglalakad palayo pero bago pa ako tuluyang makaalis,nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa braso ko at nakita ko si Tristan,bakit?Hinila niya ako ng mas malapit sa kanya at nagulat na lang ako sa sinabi niya na dahilan para mas mapaluha ako “Maari ba namang malimutan kita?Mrs.Kikiam?”nakangiti niyang sabi sa akin

Hinampas ko siya sa dibdib niya.Nakakainis siya!Akala ko nakalimutan na niya ako,akala ko hindi na niya ako matandaan.Nagbalik na nga talaga siya,nagbalik na si Tristan.Ang taong mahal ko,ang taong nakilala ko,ang taong namiss ko.

“Nakakainis ka!Akala ko nalimutan mo na ako.”sabi ko sa kanya

“Hinding hindi kita malilimutan Mrs.Kikiam,ikaw kaya ang mahal ko!”sabi niya sa akin habang pinapakita ang nakakalusaw niyang mga ngiti “Paano?Tayo na ba ulit?”tanong niya sa akin

“Aba sineswerte ka!”sabi ko sa kanya

“Bakit ayaw mo ba?Ayaw mo ata sige hahanap na lang ako ng iba.”sabi niya sa akin

“Nakakainis ka talaga!”sabi ko sa kanya at hinampas ulit ang dibdib niya “Sige na nga,oo na.”sabi ko sa kanya habang nakangiti

“Anong oo na?”tanong niya sa akin

“Oo na!Tayo na ulit!”nahihiya kong sabi sa kanya

“Talaga?Tayo na ulit?”masayang masaya niyang tanong sa akin

“Oo nga!”natatawa ko ding sabi sa kanya

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong binuhat kasabay ng pagsigaw niya “Yes!Kami na ulit ng Kikiam ko!Whooo !”sigaw niya

“Huwag kang maingay Fishball nakakahiya sa mga tao.”sabi ko sa kanya

“Hayaan mo sila.”Masaya niyang sabi sa akin “I love you Mrs.Kikiam.”Masaya niyang sabi sa akin

“Mahal din kita Mr.Fishball.”masayang masayang sabi ko sa kanya

Namalayan ko na lang na unti-unti na siyang lumalapit sa akin hanggang sa naramdaman ko na lang ang malambot at masarap niyang labi.I love you Fishball,pangako hindi na kita papakawalan,pangako hindi na kita muli pang sasaktan.

-------------------------------------

Alam kong nakakabitin at masanay na kayo dyan.Dedicated ito kay jhecksebreros kasi relate na relate daw sya sa story ko haha thank you.Please ilabas niyo lahat ng nararamdamn niyo ngayon about this chapter,ang may pinakanakakatuwang comment,siya yung next na pagdedecate-an ko.Thank you for reading and keep on supporting!

Continue Reading

You'll Also Like

53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
995K 41.2K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
20.1M 839K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...