The Unwanted Girlfriend (Unwa...

By Aimeesshh25

221K 3.6K 308

"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat... More

The Unwanted Girlfriend
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 19

3.9K 82 7
By Aimeesshh25

Chapter 19

JERACE'S POV

Napatitig ako sa kaniya. Nanatili rin sa akin ang kaniyang mga mata. Hindi ko maintindihan ang kaniyang sinabi. Ano raw?

Bakit parang nabibingi ako?

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"A-Akala mo rin?" Halos bulong na lamang iyon. "A-Anong ibig mong sabihin?"

Tinitigan niya ako. Mula sa aking mga mata pababa sa aking ilong hanggang sa aking mga labi. Nahigit ko ang hininga ko. Hahalikan niya ba ako?

Ngunit ang lahat ng mga naisip ko ay taliwas sa kaniyang ginawa.

Iniwas niya ang tingin sa akin at tumingala sa kalangitan. Bumuntong hininga siya. Tila napakalaki ng kaniyang problema. Alam kong may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya tinuloy iyon.

Nilingon niya ako at ang suot ko. "Halika na. Lumalamig na."

Bumagsak ang mga balikat ko. Hindi ko alam pero dismayado ako.

"D-Drain.." bulong ko.

Hindi niya ako pinansin at tumayo na lamang. Inabot niya ang kamay sa akin ngunit iniwas ko ang tingin roon.

Bakit ganiyan siya? Ugali niya talaga iyan eh. Ang iparamdam sa akin na hindi ako ganito ka halaga!

Bakit ba luging-lugi ka?

Pumikit ako ng mariin. Iniisip ko kasi na sasabihin niyang gusto niya na rin ako, na kahit papaano may nararamdaman rin siya sa akin. Kahit katiting na lang, ako na ang bahala.

Tumayo akong mag-isa. Hindi ko inabot ang kamay niya. Bahagya ko pang pinagpagan ang suot kong dress at inayos ang buhok.

"Tara na?" Kaswal akong lumingon at ngumiti sa kaniya.

Nanatili ang tingin niya sa akin. Tinitimbang ang reaksyon ko. Ngumiti ako. Bakit ko hahayaang maging malungkot? At sa harap niya talaga? Ayoko nga!

Ayusin mo sarili mo, Jerace!

"Ah! Nga pala." Nilabas ko ang cellphone ko nang may maalala. Pinakita ko iyon sa kaniya.

Nangunot ang noo niya. "Cellphone?"

Inirapan ko siya at hinila palapit sa akin. Hindi naman siya nagreklamo at sinunod ang gusto ko.

"Picture tayo!"

Nang sabihin ko iyon ay mabilis siyang humiwalay at umiling.

"Ayoko."

"Bakit? Dali na. Isa lang!"

"Ayoko, Jerace."

Tumalikod na siya sa akin. Mabilis naman akong humabol.

"Bakit ayaw mo? Isa lang! Para picture lang eh!" Pamimilit ko pa.

Hindi siya nagsalita at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Ganoon rin naman ako.

"Drain! Please? Isa lang!"

"Ayaw."

Natawa ako. "Bakit ayaw?" Ginaya ko ang boses niya.

"Tsk."

"Dali na! Drain?"

Natigil lamang ako nang makita ko si Axel na tila may hinanap. Ngumuso ako nang mapansin na ang guwapo niya rin ngayon.

"Okay. Edi wag! Kay Axel na nga lang!" Sambit ko at inunahan siya sa paglalakad.

Hindi ko na nilingon si Drain. Sumigaw ako at kumaway kay Axel na nagulat sa akin.

"Ax! " Tawag ko pa at ngiting-ngiti na lumapit sa kaniya.

Tumawa siya at sumulyap sa may likuran ko bago ngumisi.

"Tuwang-tuwa ka naman na makita ako baby girl. Iisipin ko na tuloy na crush mo ako." Biro niya at inilahad ang dalawang braso.

Ngumiwi ako. "Anong gagawin ko diyan?" Turo ko sa dalawang braso niya.

Ngumisi siya lalo at sumulyap sa likuran ko. "Hingi yakap.. Jerace."

Nangunot ang noo ko sa pagbanggit niya noon. Para siyang robot na nang-aasar.

Yayakapin ko na sana siya nang may humawak sa baywang ko at tapikin ang mga braso ni Axel.

"Dream on, Ax." Mariing ani Drain na nasa tabi ko na.

Humalakhak ang kaniyang pinsan.  Ibinaba niya ang parehong braso at tumitig kay Drain. Inilagay niya ang kamay sa baba na kala mo'y nag-iisip.

"Ano? Ayos na ba?" Ngisi niya.

Kumunot ang noo ko at nilingon si Drain na masama na ang tingin kay Axel.

"Ano 'yon?" Takang ani ko.

Napatingin sa akin si Axel at nanlaki ang mga mata bago nilipat kay Drain.

"Hindi pa rin? What the fuck? Pinsan ba kita?" Tumawa siya. "Weak naman dude."

"Stop it, Axel."

"Tae ka talaga!" Tumawa ulit 'to.

Hindi ko na lang iyon pinansin. Hindi ko naman kasi maintindihan ang pinag-uusapan nila. Humarap ulit ako kay Axel at nginitian siya.

"Axel.." malambing na tawag ko.

Parehas silang natigilan sa pagtatalo. Nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin si Axel.

"Oh? B-Bakit?" Sumulyap siya kay Drain.

"Picture tayo?"

Napakurap-kurap siya. Nangunot ang noo ko. Ano ayaw niya rin?

"Wait baby girl, paalam ka muna." Humalukipkip siya sa akin.

"Kanino ako magpapaalam?"

"Sa tabi-tabi."

"What?"

"Tsk!"

Marahas na kinuha sa akin ni Drain ang cellphone ko at inabot kay Axel. Hinigit niya ako papalapit at hinigpitan ang hawak sa baywang ko saka siya tumingin sa unahan.

Hindi ako nakagalaw. Gulat akong napatitig sa kaniya. Napatingin rin siya sa akin. Narinig ko ang panunukso ni ng kaniyang pinsan.

"Tingin na kayo dito!"

Kinakabahan akong tumingin sa unahan at ang nakangising Axel ang bumungad sa akin habang nakatutok sa amin ang cellphone ko.

"Masyado naman kayong malayo. Dikit pa guys!" Iminuwestra niya pa 'yon. Para siyang photographer kung makautos.

Sinunod iyon ni Drain. Halos kalimutan niya na ang personal space at hinigit pa lalo ako. Muntik na akong mabulunan!

"Iyan! Tingin dito! Smile!" Nagbilang siya gamit ang mga daliri saka kami ngumiti. Tiningnan niya ang kuha. Ngumiti siya sa amin. "Perfect!"

"Gago." Bulong ni Drain. Gulat akong napatingin sa kaniya. Simulyap siya sa akin at tumaas ang kilay.

"Isa pa! Iyong magkatinginan kayo." Si Axel. 

"What?" He grinned at me.

"W-Wala."

Umilaw ang cellphone ko kaya alam kong nakuhanan niya na kami.

"Isa pa! Ibang pose naman!" Sinenyas ni Axel na pumunta ako sa unahan ni Drain. Hindi ako nakagalaw. Ano? Susundin ko iyon?

Kumunot ang noo niya at lumapit na sa amin. "Huwag kayong magkahiyaan guys!" Inilipat niya ako sa harap ni Drain. "Iyong braso mo, iyakap mo sa kaniya. At ilagay mo ang ulo mo sa balikat niya." Utos ni Axel. Mukhang seryoso yata talaga siya.

"What the fuck, Axel?!"

"Sus! Alam kong gustong-gusto mo ito, Drain." Ngumisi si Axel.

"Tsk."

"Sige, tumanggi ka?" Hamon pa nito. Hindi na nakapagsalita si Drain kaya tumawa ulit siya at pumunta na sa unahan.

Sinunod iyon ni Drain. Dahan-dahan niyang ibinalot ang parehong braso sa 'kin.

"Can I?" He whispered.

Kumalabog ang puso ko. Hindi agad ako nakapagsalita. Sinilip niya ako at nginuso ang balikat ko. Tila humihingi ng permiso.

My gosh! Bakit kailangan niya pang ngumuso? Aware ba siya na malapit lamang ang mukha namin? Paano kung masapian ako ng kalandian at halikan ko siya bigla?

"Jerace.." napapikit ako sandali sa kilabot na dulot ng pagtawag niya sa pangalan ko.

Nababaliw na nga yata ako.

"Y-Yeah..i-ipatong mo na."

Umangat ang gilid ng labi niya.

"Alright. Ipapatong ko na." He chuckled.

Nangunot ang noo ko. Para bang may nakakatawa siyang narinig. Inisip ko tuloy ang sinabi ko. Ipatong mo na? Seriously?

Nag-init ang pisngi ko nang natanto. Tumingin agad ako sa harap. Nakangisi na si Axel na kanina pa pala kaming kinukuhanan ng picture.

Ipinatong ni Drain ang baba niya sa aking balikat. Naramdaman ko ang hininga sa bandang leeg ko. Halos mamilipit ako sa kabang nararamdaman ko at syempre sa kilig! Punyeta!

Tumikhim si Axel at umayos ng tayo.
Tiningnan niya kami  saka siya ngumisi. "Whoa! Ang intense! "Tumawa siya. "Smile guys! Kaya natin 'to! Let's do this!"

Natawa ako nang pagkatapos noon ay lumuhod pa siya at seryoso talagang kinuhanan kami ng picture. Kung ano-ano ang mga pinagawa niya sa amin. Nakita ko si Chenny na bigla na lamang sumulpot at kunot-noong napatingin sa amin. Saka siya ngumisi at nanood katabi si Axel.

"Ay may pictorial pala ang mga model."  Tudya niya sa amin.

"Okay! Break muna!" Si Axel at pinagpagan ang pants niya.

Tumawa ako dahil sa kalokohan niya. Narinig ko pa ang mura ni Drain sa kaniya. Binitawan  niya ako at iginiya palapit kina Axel upang tingnan ang mga pictures.

"Alam ko na tuloy kung ano ang magiging trabaho ko." Si Axel saka tumawa at hinigit si Chenny sa baywang na ikinagulat naman nito. Kahit ako. "Langya. Napagod ako roon. Tara na, kanina pa tayo hinahanap nila."

Nagsimula na kaming maglakad. Nauuna sila sa amin. Nilingon ko ang cellphone ko na hawak ni Drain.

"Ah.. cellphone ko?"

Hindi niya ako nilingon. "Sa akin muna."

Napalunok ako. Anong gagawin niya roon?

"Ah okay. Wala akong katext or kachat diyan. Kung iyon ang inaalala mo babe." Ngumisi ako, inaasar siya.

Akala ko magrereklamo siya gaya ng ginagawa niya ngunit humigpit lang ang hawak niya sa baywang ko. At nilapit ang mukha sa tainga ko.

"Mabuti kung gano'n."

Nakaupo na ako sa upuan kung nasaan sila Mommy at Daddy. Mahaba itong table na ito dahil dito na nagsama-sama silang magkakaibigan.

Nasa malayong bahagi si Drain ngunit panay naman ang sulyap ko sa kaniya. Katabi ko si Chenny na tahimik na sinasabi sa akin kung gaano kaguwapo at kabait si Axel.

Tahimik lamang akong kumakain ng dessert. Kanina pa kami natapos at ito na ang kinakain ko. Abala  sina Mommy sa pagkukuwentuhan. Umiinom na lang sila ng wine at paminsan-minsan ay kumakain rin.

"Bakit ba hindi mo dito pag-aralin si Louie?" Tanong ni Tita Erin kay Tita Carla.

Ngumuso ito. "Gusto ko nga. Ewan ko ba kina Mommy at ayaw na ayaw mawalay sa kaniyang apo! Iyan tuloy pabalik-balik kami roon."

Humalakhak si Mommy. "Hayaan mo na. Hindi naman masakit iyan sa bulsa ninyo."

Ngumisi si Tita Carla." Aba oo! May sugar daddy ako!"

Tumawa si Tita Erin, Mommy at Tita Abby sa sinabi ng kaibigan. Palihim rin kaming natawa ni Chenny.

"Gaga ka talaga, Carla!" Tita Erin.

"Gaga pero maganda!" Sagot nito saka uminom ng wine.

Tumawa si Mommy. "Luhan may sugar daddy pala itong asawa mo eh!"

Napatingin sa kanila ang mga lalaki na busy sa kaniya-kaniyang pinag-uusapan.

Kumunot ang noo ni Tito Luhan. "What? Anong sinabi mo, Kate?"

Tumawa si Tita Carla at pabirong hinatak ang buhok ni Mommy.

"Gaga ka, Kate!" 

"May sugar daddy raw itong si Carla, Luhan!" Si Tita Abby saka tumawa.

Dumilim ang tingin ni Tito Luhan. Lalo pa nang tinawanan siya ng mga kaibigang lalaki.

"What? Sugar daddy?" Si Tito Drake habang nakangisi.

"Mga gaga kayo! Manlalaglag!" Ngumuso si Tita Carla bago lumingon sa asawa. "It's nothing honey. Don't mind them"

"Tsh. Let's talk later."

Lalong humagalpak sina Mommy, lumakas rin ang asaran ng mga lalaki. Halos malaglag naman sa upuan si Tita Erin.

"Luhan! Ikaw kasi iyon!" Ngumuso ulit si Tita Carla na natatawa naman.

"Tae! Sugar daddy ka pala!" Tumawa si Tito Darren.

"Hindi ako papayag ng ganiyan, Luhan." Biro ni Daddy.

Tumaas ang kilay ni Mommy." Really, Jay?"

"Oh lagot!" Si Tito Darren.

Nailing na lamang ako. Ang saya nilang pagmasdan pag nagsasama-sama. Napasulyap ako kay Drain na nakatingin na pala sa akin. Nginitian ko siya. Wala naman siyang reaksyon saka umiwas ng tingin.

"Ay teka! Nga pala! May palaro ngayon!" Tumayo si Tita Abby habang kinakausap ang emcee.

"Anong laro?" Tumayo si Tita Carla.

"Para sa mga bata 'yon!" Si Tita Erin.

"Ay punyeta! Bakit may palaro ka, Darren?  Hindi naman si Daisy ang may birthday no?" Tumawa silang lahat. Ngumuso si Tito Darren.

Bumalik si Tita Abby sa table. Humupa rin ang tawanan. Nakangiti na siya agad.

"Mga teens ang kailangan! Kaunti lang kasi ang mga batang dumalo eh." Tumingin siya agad sa amin. "Puwede sina Jerace."

Nangunot ang noo ko. Nilingon ako ni Mommy at nginitian.

"Sali ka baby."

"Mom."

"Teens raw ang kailangan."

"Sali na tayo." Kinurot ako ni Chenny. "Sasali rin yata sina Drain oh."

Nag-angat ako ng tingin. Nakita kong hinihila na ni Tita Erin ang anak. Natawa ako nang makitang ngumuso pa ang ina habang nakakunot ang noo ni Drain.

"Sali ka, Axel!" Si Tito Darren. "Talunin mo si Drain!" Saka siya tumawa.

"Teka, hindi ba tayo puwede?" Si Tita Carla.

Tumayo na ako nang hilahin ako ni Chenny papunta sa gitna. Nakangiti na ang mga ibang matatanda sa amin. Tahimik lamang sila habang nakaupo sa kanilang mga table. Napansin ko nga na wala masyadong mga bata.

Lumapit sa amin sina Mommy na nasa gilid lamang. Sumunod rin ang iba pa.

Pumalakpak si Tita Erin at tumabi kay Tita Carla. "Go Drainy ko!"

"Ano ba ang laro?"

" Paper dance yata." Si Mommy.

Napatingin tuloy ako sa mga babaeng naglalagay ng diyaryo sa malinis na bermuda grass. Napalunok agad ako.

"Ngi? Paper dance? Bakit hindi body shots!" Humagikhik si Tita Carla.

"Gaga ka! Mga bata ang maglalaro no!" Si Tita Erin.

"Ayaw mo no'n? Para matuto agad si Drain!"

Nag-init ang pisngi ko sa naririnig sa kanila. Bigla tuloy pumasok sa isip ko iyon! Gosh!

"Lapit na kayo girls!" Sambit ng baklang emcee.

Tiningnan ko ang unahan at nakahilera na roon ang makakapartner. Apat sila. Si Drain, Axel at ang dalawang binata na hindi ko kilala. Katabi ko naman si Chenny na katabi si Daisy at ang babaeng hindi ko rin kilala pero maganda.

Alam ko na agad kung sino ang partner ko kaya napangisi agad ako.

"Lapit na kayo boys sa inyong magagandang partner!"

Nakagat ko ang labi ko nang magsimulang lumapit sa akin si Drain.

Come to me baby!

"Ang ngisi mo abot langit." Kinurot ako ni Chenny.

"Panty mo, hawakan mo." Asar ko sa kaniya kaya nagtawanan pa kami.

Nakalapit na sila sa amin. Inilahad agad ni Drain ang kamay niya kaya nakangiti ko 'yong tinanggap.

"Hoy! Ayusin mo kamay mo ah."

Nadistract lang ako nang marinig si Axel na kausap ang kapartner ni Daisy.

"Babantayan ko ang kamay mo sa kapatid ko."

"Kuya, stop it." Si Daisy.

"Stop it. Umayos ka, Daisy ah?"

Natawa ako. Ganoon rin si Chenny. May ibinulong ito kay Axel kaya nanahimik. Wow?

"Eyes on me, Jerace."

Nagulat ako nang hawakan ni Drain ang baba ko at igiya sa kaniya.

Napanguso ako upang mapigilan ang kilig!

"Oh ito na." Tinitigan ko siya. "Possessive naman ng baby ko."

Wala siyang sinabi at hindi man lang nagreklamo. Feeling ko tuloy gustong-gusto niya ang sinabi ko.

"Okay, let's start! Music!"

Tumugtog ang music. Nagsimula kaming umikot habang sumasayaw. Naririnig ko ang tawanan nila Axel.

"Giling pa Drainy!" Sigaw ni Tita Erin.

Tumawa ako. Ngumuso si Drain.

"Giling pa raw baby." Pang-aasar ko.

Sinamaan niya lang ako ng tingin. Bigla akong kinabahan nang tumigil ang tugtog!

Mabilis kaming naglapit at pumatong sa papel. Naghiyawan ang iba nang natagtag iyong isang pares. Hindi kasi sila magkakilala kaya nagkahiyaan pa.

"Aww! Babye guys! Isa pa! "

Tinupi namin ang papel. Medyo maliit na agad.Umere ulit ang music. Nagsimula ulit kami sa pagsayaw. Tatlo na lamang kaming pares.

"Hoy! Ginagalingan mo talaga ah? Magpatalo na kayo. Baka buhatin mo pa iyang kapatid ko." Rinig kong sambit ni Axel sa kapares ng kapatid niya.

Tumawa si Drain. "Gago talaga."

"Ang sweet nga e."

Napatingin siya sa akin. Ngumiti ako. Iniwas niya ang tingin at sumayaw na lamang. May naisip tuloy akong ideya. Hinawi ko ang buhok ko at inayos ang sayaw. Narinig ko ang tawa ni Tita Carla habang tinuturo ako.

"Whoah! Mana talaga kay Kate!" Tawa niya kaya napatingin sa amin sila.

"What are you doing?" Si Drain na bahagyang napatigil.

"Dancing?"

"Stop it, Jerace."

"What? Ang alin?" Tumawa ako nang bumaba ang tingin niya sa baywang ko. Ayun! Huli ka!

Aasarin ko pa sana siya kaya lang tumigil na ang music. Hindi pa ako nakakagalaw nang buhatin ako ni Drain!

"Drain!" Gulat na sambit ko nang higpitan niya ang hawak sa likod ng binti ko at sa may likod ko.

"Kumapit ka." Bulong niya. Kaya kumapit ako sa batok niya. Mabilis siyang nakatuntong sa papel.

Naghiyawan sila Mommy sa may gilid namin. Rinig ko ang asaran nila Tita Carla.

"Wow! Buhat agad ah?" Si Chenny habang magkahawak kamay sila ni Axel at tig-isang paa lamang ang nakatuntong sa papel.

"Yiee! Kilig ako, dude!" Si Axel.

Natanggal sila Daisy kaya masayang-masaya si Axel habang nakaturo pa sa kapartner ng kapatid.

Dalawa na lamang kami. Lumingon sa amin si Chenny na tinuturo ang kamay niyang hawak pa rin ni Axel. Natawa ako. Ang harot talaga.

"Handa na ba kayong matalo?"

Nagulat ako sa sinabi ni Drain. Nakangisi siya kay Axel. Humalakhak ang pinsan niya.

"Yabang nito ah! Porque nakabuhat na!"

Tinupi namin ang papel kaya lalong lumiit. May sinabi pa ang emcee kaya nagtawanan ang mga nanonood. Tumugtog ulit ang music kaya sumayaw ulit kami.

And this time akala ko maaakit ko ulit si Drain ngunit taliwas ang nangyari. Buong guwapo na iginalaw ni Drain ang kaniyang katawan habang nakatingin sa akin.

Oh my gosh...

Ngumisi siya nang napansin ang reaction ko saka kinagat ang labi.

"Gosh! Red! Ang anak mo!" Si Tita Erin. Nagtawanan ang mga lalaki.

"Ang hot ni Drain!" Si Tita Carla.

"That's my son!"

"Honey ang bibig mo, itikom mo!" Si Mommy habang tumatawa kaya uminit ang pisngi ko.

Ngumuso ako at halos hindi na makasayaw sa nararamdaman. Nagkakabuhol-buhol ang mga bituka ko dahil sa kilig!

"A-Ano 'yan?" Pabulong kong tanong, hinihingal.

"I'm dancing, Jerace.." at gumiling ulit siya! Punyeta!

___________
T H A N K S!

Continue Reading

You'll Also Like

750K 26.2K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...