Tumingin ako sa labas ng bintana. Halos mabingi ako sa sunod sunod na pagpatak ng ulan. Binalingan ko muli ang orasan. Hindi parin umuuwi si kyl.
I gulp. Nasan nanaman kaya ang babaeng yun? Napabuntong hininga ako bago naglakad papuntang sofa. Immediately grab the remote control. Anong signal na kaya ngayon?
Sobrang lakas ng ulan.
"Damn." Nilingon ko ang pinto nang marinig ko ang mura na 'yon.
"Saan ka galing?" Nakapameywang na tanong ko. Binalingan ko pa ang relo ko. "Anong oras na oh! Tsk. Tsk" Naiiling na saad ko.
Pinagpag ni Kyl ang basa nyang damit. "Tresha is with me—"
"Tapos ano? Ano kyl?" Naglakad ako papalapit sa kanya. "Pariwara ka na ba?"
"E-esha" Natatawang sambit nya.
Tinaas ko ang isang kilay ko. "Ano, ano Kyl? Kailan ka manganganak?—"
Namilog ang mata nya kasabay ng pag-uwang ng labi. "Stop. Esha!" Piniga nya ang laylayan ng damit nya. "Can you hand me the towel?"
I pout. "Mag rerebelde-relbede ka tapos uutusan mo akong kumuha ng tuwalya?"
Napasinghap sya. "Esha. Pag hindi ka pa kumuha ng tuwalya, bumalik ka na sa bahay mo!"
"Bakit?" Sinalubong ko ang tingin nya.
Pilit akong ngumiti nang umarko ang kilay nya. Mukhang seryoso na talaga sya.
"Sabi ko nga Kukuha ako ng tuwalya!"
Agad kong tinangal sa pagkakasampay ang tuwalya na nasa banyo. Hindi na nag bibiro si Kyl. Mahirap na to. Mapapagastos ako. Imbes na libre ang kuryente at tubig ko dito. Mag babayad ako ng sarili ko.
"As I'm saying..." Nilingon ko si Kyl habang tinutuyo ang buhok nya. Kakatapos nya lang maligo.
Humigop ulit ako ng tsaa bago ko muling balingan sya ng tingin. Halata ang pagkaseryoso ng aura nya.
"B-bakit papalayasin mo na ako?" I gulp.
Marahan syang umiling, pag katapos akong irapan.
"Ayoko sanang iwan si Tresha mag-isa..." Pinunasan nya ng tela na binuhusan ng mainit na tubig, kanina ang buhok nya. "—but Risimei is already there so I left. Maaga pa ako bukas ih."
My eyebrows knitted to each other. "Akala ko ba mag papakasal na sila ni Darian?"
She sigh. "Na wrong send lang daw sa kanya—"
Halos maibuga ko ang tsaa ko nang marinig ko 'yon.
"G-gago ba sya?" pinunasan ko ang talsik ng tsaa, buhat ng bigla kong pagtawa.
"It's Darian, the cheater" She sigh. "Tresha seems to forget about that."
Umayos ako ng pagkakaupo. "Wala namang bago." Seryosong saad ko. "Ang hindi ko lang maiintindihan bakit hindi pa sya natatauhan. Matagal narin simula noong lokohin sya nyun ah. At Paulit ulit nya 'yong ginagawa."
She take a sip of her milk. "That's love, they say." Nagkibit balikat sya. She laugh. "Nakakatakot."
I pout. "Baka ikaw kyl!" Dinuro ko sya. "Baka bukas, makalawa kayo na ni Colonel ah!"
Napailag ako nang batuhin nya ako ng basang damit. "H-hoy! Bastos ka ah."
"Wag mo na ngang banggitin 'yon sakin!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw nya.
I smirk. "Wala kang pinagkaiba kay Tresha"
Ilang minuto syang natahimik bago sya maglakad papuntang sofa. Nanatiling nakayuko ang ulo nya. After years. He had the same affect like before, when it comes to Kyl. Kahit pangalan at rank lang ang mabanggit.
"Kamusta ang araw mo?" Malumanay na tanong nya, habang nakapatong ang mga paa sa isa pang couch.
I sigh. "Iniba mo nanaman ang usapan..." Inabot ko ang remote para patayin ang TV. "Well, it's totally fine but something cool happened."
"Did you say hi to Kresnitte for me?" Namilog ang mata ko sa tanong nya.
I slightly smile. "I will call them again. Shiela will send Kresnitte's photo." bahagyang namilog ang mata ko. "Don't worry. You will see Kresnitte-"
"Ano yung 'something cool happened' na sinasabi mo?" Tanong nya bago muling sumimsim ng tsaa.
I pout. "Shiela didn't inform me that the owner of DAL and ofcourse the DIA, is Howard's friend."
Hindi naman nag bago ang expression ng mukha ni Kyl. Pinamilugan ko naman sya ng mata.
"Don't tell me you knew about it?!" Halos napasigaw na saad ko.
She slightly smile. "I didn't. Don't over react." Umayos sya ng pagkakaupo. "May nabanngit saakin si Khaning last time na pinakilala daw sya ni David sa kaibigan nito sa DIA. Eh mukhang same circle sila——"
"Bakit hindi mo sinabi saakin?" I pout.
"Well. I didn't jump into conclusion. Ano ka ba?" Sumimsim ulit sya. "Malay ko bang stewardess yung kaibigan ni David o baka naman piloto. Basta ang alam ko sa DIA nag tatrabaho. Sabi ni Khaning. Mabait naman daw yun-"
"Hindi rin." I chuckles.
"Anong hindi rin?" Namilog ang mata nya. "Why, did you talk to him in person?"
I smirk. "Hinatid nya ako papuntang airport—" Napahinto ako sa pagsasalita nang naibuga nya ang iniinom nya.
Namilog ang mata nya ng balingan ako ng tingin. "J-jowa mo?" She ask.
I glare at her. "Ang bagra mo!" Sigaw ko matapos Kong punasan ang mga Talsik ng gatas. "Doktora ka tapos ganyan ka umasta!"
She laugh. "Madaling araw na pala" Komento nya nang makita nya ang orasan. "But I really want to know why he offer a ride–"
I gulp. "Nakita ko sya sa bahay nila Shiela. Then he offer a ride because of Howard. Ilang ulit kong sinabi na wag na akong ihatid ni Shiela kaya pinilit ni Attorney na ihatid ako ng kaibigan nya." Umayos ako ng upo. "Napilitan lang din siguro sya. Pero wala naman akong kasalanan. I want to take a grab but he insisted. Sayang pamasahe–"
"Masama ugali?" Malumanay na saad ni Kyl. Ang buong atensyon nya ay Nakapako saakin.
Nagtikom ako. "Hindi naman masyado, medyo lang." Nagkibit balikat ako. "The whole ride became awkward."
She sigh. "Naawa talaga ako kay Tresha." Nagiwas sya ng tingin. Mukhang hindi nya na inintindi ang sinabi ko. "She became crazy to the man that drove her there"
I gulp. Bakas ang iritasyon sa pagsasalita nya. "Buhay nya 'yon. Ilang beses na natin syang sinabihan pero ni hindi naman sya nakinig." Nagkibit balikat ako. "Let's hope for the best but expect the worst. It's her decision, after all."
Binalingan nya ako ng tingin. Agad namang kumunot ang noo ko sa biglang pagbabago ng emosyon nya.
"Promise me a thing." She sighed. "You won't become her. I don't want to see you losing control over a man"
Hindi ko maiwasang matawa. "Tell that thing to yourself, Kyl."
Naglolokohan nalang kami dito. Mukhang si Tresha lang ang poproblemahin ng pinsan ko.
"Tara na nga. Matulog na tayo, may aalas dos na ng madaling araw. Kailangan pa natin gumising ng maaga."
"Bumabagyo ah." She hissed. "May flight ka parin?"
Nagkibit balikat ako. "Hindi naman masyadong malakas ih. Maybe it just a delay flight not a cancelled one." Nilapag ko ang mug ko sa lamesa.
"Let's sleep. Future Mrs. Vendez."
Sinamaan nya ako ng tingin. "Tigilan mo ako, Esha" Halata ng iritasyon sa mukha nya, kaya hindi ko napigilan ang pagtawa.
I sigh. "Joke lang. Baka palayasin mo ako dito ih."
"He!" Winasiwas nya ang kamay nya sa ere bago ako tuluyang iwan.
"Wag kang maiinlove sa piloto mataas ang divorce rate nila ngayon!" Sigaw nya bago pumunta sa may hagdan.
I laugh. "Anong sinasabi mo?" Naglakad ako papalapit sa kanya.
"Nightmare ko ang mag Mahal ng sundalo. Imagine. Lagi silang wala sa tabi mo. Ako? Hindi ko naman sinasabing maiinlove ako sa piloto ah." I sigh. "Pero stewardess ako. Lagi ko rin syang kasama. How about you doktora?"
Inirapan nya ako. "Tigilan mo ako." Nagiwas sya ng tingin. "Cut that love topic. It's suffocating me."
I gulp. Inayos ko na ang inuman ko. Dinala ni Kyl ang baso nya sa kwarto nya. Kaya ako nalang ang nag hugas ng baso ko.
"It's a nightmare to be inlove." I yawned.