She's The Boss // Seulrene

Od caBAEgee

122K 3.6K 749

Kailangan ko lang ng isang rason para manatili sa piling mo pero binigyan mo ko ng dahilan para lumayo at pil... Více

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Chapter Forty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-one
Chapter Sixty-two
Chapter Sixty-three
Chapter Sixty-four
Chapter Sixty-five
Chapter Sixty-six
Chapter Sixty-eight
Chapter Sixty-nine
Chapter Seventy
Chapter Seventy-one
Chapter Seventy-two
Chapter Seventy-three
Chapter Seventy-four
Chapter Seventy-five
BOOK 2

Chapter Sixty-seven

1.1K 42 12
Od caBAEgee

SEULGI'S POV

Napabuntong hininga nalang ako nang hindi ko siya naramdaman sa tabi ko...

Ayos naman na kami diba? Lasing ako kagabi pero tandang tanda ko lahat ng nangyari. Dito na rin naman siya natulog pagkatapos non, so ayos na kami?

Agad akong napaupo sa kama nang lumabas siya ng naka uniform at ready na umalis... Hindi niya nasabi na may pasok na pala sila.

"P-papasok ka?" Iwas tingin kong tanong.

"Yeah.. May event daw sa school, di ko na nasabi sayo... Sorry."

Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganito kami mag usap, ayoko ng may nababago.

Nilakasan ko na ang loob ko at lumapit sa kanya para yakapin siya sa likod na ikinagulat niya. Hindi ako tumingin sa kanya at ibinaon lang ang mukha ko sa leeg niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang hawakan niya ang kamay ko at bahagyang iginilid ang ulo niya para bigyan ako ng access sa leeg niya.

"Ang aga aga napaka clingy mo." Bahagya siyang tumawa..

"Na-miss kita eh.." Bulong ko at hinalikan ang leeg niya.

Agad siyang humarap habang hindi parin kumakalas sa yakap.

"Wag kang ganyan.. Kailangan kong pumasok, para daw yun sa mga med."

"Edi.. Dito ka nalang. Tayo tayo nalang magcelebrate." Sagot ko sabay pout.

Ayoko naman talaga siyang umalis. Kahit ilang oras lang ayoko kase feeling ko antagal naming hindi nag usap mula nung nag Baguio kahit isang araw lang yon.

"Baby... Hindi pwede. Tatapusin lang naman namin yung event then magpapasa ng papers. Uuwi rin agad kami." Tawa niya. Bahagya niyang pinisil ang pisngi ko bago kumalas para kunin ang mga gamit niya.

"Hatid ko nalang kayo." Kamot batok kong sabi. Tangina para kong highschooler na hiyang hiya sa crush niya.

"Kami? Hindi lang ako?" Taka niyang tanong kaya agad akong tumango.

Di ko pasasakayin yong mga kupal na yon dun sa mga sports car sa baba. For Irene pusposes only lang yon.

"Yup! Yung SUV gagamitin ko para kasya kayo."

"Okay!" Napangiti nalang din ako at nagmadaling magsuot ng hoodie.

Pota mamaya na ko maliligo, mas mahalaga baby ko.

"Yan na suot mo?" Tanong niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Why?? Panget ba?" Agad siyang umiling.

"Di naman. Kahit kasi nakaganyan ka lang baka pagtinginan ka parin pagdating mo don." Irap niya.

Di naman siguro kung hoodie at shorts lang suot ko? Paparesan ko nalang ng Nike na sapatos para di naman gaano mukhang pambahay.

"Di yan baby.. Tara na." Sagot ko at hinila na siya palabas. Naabutan namin sina Rubyjane na kumakain kasama sina Suho.

Di naman ako tanga para di mapansin na bigla silang nanahimik nung lumabas kami. Alam ko naman na kailangan kong mag sorry sa nagawa ko..

Tahimik parin sila nang makaupo kami. Pansin ko rin ang tingin nila Suho at Rubyjane kaya napabuntong hininga ako.

"Alright... Uhm, Ayoko ng ganito tayo. I know nag overreact ako kahapon, hindi ko dapat ginawa yon bigla. I'm sorry..." Nanlambot ang mga ekspresyon nila. Agad namang hinawakan ni Irene ang kamay ko at bahagyang pinisil.

"Naiintindihan ko kung hindi pa kayo-"

"Ano ka ba boss? Ayos na yon!" Napatingin ako kay Sehun na nakangiti na ng nakakaloko.

"Wag ka na ma-drama diyan bruha! Baka masira make up ko pakyu!" Dagdag ni Baekhyun na ikinatawa ng lahat.

Napatingin naman ako kay Suho na nginitian din ako.

"Tama sila. Di naman natin pwedeng patagalin to right? Pero di ka naman samin dapat mag sorry." Agad akong tumango.

"I know Suho.. Pupuntahan ko si Chen mamaya."

"Yon naman pala eh! Wag na kayo magdrama diyan, kumain na tayo." Dagdag ni Chanyeol.

Lumipas ang breakfast namin ng puro kalokohan. Ayos na yon kesa sa tahimik sila. Mas gusto kong naggagago sila kesa magmuka silang mga pipeng ulol nakaka-buryo.

"Ihahatid mo kami?" Takang tanong ni Joy.

"Di tayo kasya sa pinakamamahal mong kotse. Si Irene lang naman kasya don." Sarkastikong sabi ni Yeri.

"Sino bang may sabi na yun gagamitin ko? May SUV naman ako diyan, kasya kayo don." Sagot ko.

"Alin don?" Tanong ni Wendy na may halong pang aasar. Isusumbat lang nila sakin mga sasakyan ko, mga hinayupak to.

"Yung Audi na bago. Ayos ka na?" Tawa tawa siyang tumango.

"Tara na! Sulitin na natin to habang mabait pa si gago!" Sigaw ni Rubyjane at hinigit na sila sa elevator. Sinundan nalang namin sila hanggang sa makarating kami sa parking..

Actually di ko alam kung san nilagay nila Suho yung kotse kaya pinindot ko nalang dun sa susi para tumunog.

Nang malaman nila kung saan nanggaling yung tunog, agad silang pumunta don at sumakay. Napailing nalang kami ni Irene at sumakay na rin.

"Hanep Seulgi!" Napatawa nalang ako sa reaksyon ni Wendy.

"Pota ka ba't ngayon mo lang sinabi na may ganito kang kotse?" Tanong ni Joy habang  chinecheck ang loob.

"Di naman kayo nagtatanong."

"Punyeta ka malamang! Di na nga namin alam kung ilan kotse mo dito at ilang yung nandun sa bahay mo." Sarakstikong sagot ni Yeri.

"Teka, si Baek? Hindi niyo ba kasama yon?" Taka kong tanong. Nagtataka lang din silang tumingin sakin hanggang sa makarinig kami ng malakas na katok sa bintana.

"Hoy mga hinayupak kayo! Sino may sabing iwan niyo ko?!"

Agad siyang sumakay at pinagbabatukan sila isa isa. Babatukan niya sana si Irene pero sinamaan ko na siya ng tingin.

"Joke lang eto naman, titingnan ko lang naman kung gaano ka-soft yung hairlalu ni Irene." Sagot niya habang hinihimas himas ang buhok ni Irene.

"Tumigil ka nga, baka may germs yang kamay mo." Sabi ko at tinaboy ang kamay niya.

"Pero pakyu parin kayo. Na-haggard ako kakatakbo leche!" Irap niya.

Di na ko sumagot at nagsimula nang mag drive.

Balik na naman tayo sa traffic. Di ko alam bakit laging ganito dito, di na nawala tong traffic. Kung makasingit pa yung iba sarap butasan ng gulong. Kaya nagkakaron ng mga aksidente eh, kung saan saan pumapasok.

"Ganda ng kotse ni Seulgi noh?" Biglang sabi ni Baekhyun. "Alam niyo ba kung magkano yan?" Bigla akong kinabahan nang bumaling na sa kanya si Irene at nag aabang na rin ng sasabihin niya.

"Magkano?" Tanong niya.

Puta ka Baekhyun. Sarap pumatay ng baklang madaldal.

"Sa pesos ba o dolyar?" Ngisi niya pa.

"Baekhyun.." Pagkasabi ko non ay nanahimik na siya kaya nakahinga ko ng maluwag.

"Ba't ayaw mong malaman namin?" Tanong ni Irene.

"Di naman na mahalaga yon." Hindi ko siya binalingan ng tingin. Ramdam ko naman na masama ang tingin niya, bakit ko pa titingnan.

Lumipas ang ilang minuto na traffic, nakarating na rin kami sa university. May banggaan pala kaya nagkaganon, perwisyo tsk!

Agad akong bumaba at pinagbuksan siya. Bahala na sila don sa likod, malalaki na sila.

Pagkababa niya ang nakarinig na ko ng mga bulong bulungan. Kung kami na daw ba? Ano daw meron samin? Daming tanong mga chismosa.

Nakatungo lang siya nang makababa, busy naman sina Baekhyun na samaan ng tingin yung mga chismosang magbubulong bulungan nalang naririnig ko pa. Mga tanga.

"Hey.." Tawag ko sa kanya. Hindi siya tumingin sakin kaya hinawakan ko siya sa baba para iangat ang tingin niya sakin.

"Huwag mo silang pansinin, inggit lang yan, gwapo girlfriend mo." Ngisi ko.

"Yabang!" Hampas niya.

"Nga pala, anong oras ng event?" Nagtataka naman ilang tumingin sakin.

"Bakit? Pupunta ka?" Tanong ni Wendy.

"Tinatanong ko lang. Para alam ko kung kelan ko kayo susunduin."

"Maya maya pa naman ata, aayusin muna namin yung mga pinapapasa then hanggang gabi yung event." Sagot ni Rubyjane.

Sakto lang pala..

"Alright.. See you later!" Mabilisan ko siyang hinalikan kaya nakarinig na naman kami ng iba't ibang reaksyon galing sa mga chismosang nakatingin samin.

"Pota malupet!" Rinig kong tawa ni Joy nang tumakbo na ko papasok ng sasakyan.

Kahit tinted sasakyan ko kitang kita ko na sobrang pula niya kaya hindi tumitigil sina Baekhyun sa pang aasar sa kanya.

Binuksan ko muna ang bintana bago umalis kaya napatingin ulit sila sakin.

"Bye baby!" Sigaw ko at pinaandar na
ang kotse.

Dadaan muna siguro 'ko sa condo ni Chen.. Kailangan ko siya ngayon.

Dumiretso na ko papuntang Taguig, kung tatawagan ko naman siya siguradong di niya rin sasagutin tawag ko.

Agad kong diniall si Chanyeol habang naka-stop pa.

"Yeol, may alam ka bang gig?"

"May nagsabi sakin last week, kung available daw ba tayo. Itatanong ko pa sana sayo kaso naunahan mo na ko." Tawa niya sa kabilang linya

"Saan yan? Tsaka what time?" Sana dun sa event...

"Bakit? G ka ba? O-oo na ko. Mamaya pa namang hapon."

"Prepare na kayo, sunduin ko si Chen." Ngisi ko.

"Nice! Sige chong sabihan ko sina Suho. Good luck kay Chen hahaha!"

"Gago! Pag usapan natin pagbalik ko diyan, tulungan niyo ko."

"Nice nice, bilisan mo!"

Binaba ko na ang tawag at mas binilisan ang pagdadrive. Tanginang traffic to.

Yung ilang minuto papuntang Taguig inaabot ng oras.

Bumuntong hininga muna ako bago dumiretso sa unit ni Chen. Nagdadalawang isip pa ko kung kakatok ako o iintayin ko nalang siyang lumabas dito.

"Anong kailangan mo?" Agad akong napalingon sa babaeng may kasamang bata.

"Ah.. Si Chen? Nandito ba?"

"Sino ka?"

"Seulgi, Kang Seulgi." Nanlaki ang mata niya at agad na pumasok sa loob.

Naiwan akong parang tanga dito. Nagpakilala lang naman ako?

Bumukas ulit ang pinto. This time, si Chen na ang lumabas. Di ko mabasa itsura niya, malamang galit parin to sakin. Bigla akong nakonsensya nang mapansin ko ang mga pasa niya sa mukha.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang kaemo-emosyon niyang tanong.

"Usap tayo?"

Hindi siya sumagot at mas binuksan ang pinto. Sinenyasan niya kong pumasok.

Asawa niya siguro yung babae kanina and I think... Etong batang babae yung anak niya dahil hawig niya naman.

"Dianne... Mag uusap lang kami." Tumango lang yung asawa niya at kinuha na yung bata paalis.

Umupo lang ako sa couch kaya umupo na rin siya sa harap ko.

"Bakit ka nandito?"

"I'm here to... Say sorry." Nagulat pa siya sa sinabi ko. Ba't ba ganun lagi reaksyon nila pag nagsosorry ako? Bawal ba pag ako?

"Seulgi-"

"Look Chen, hindi ako pumunta dahil kailangan kita para samahan lang kami sa mga laban. Nandito ako as your friend, nagkamali ako sa ginawa ko. Hindi dapat ako nag isip ng ganon tungkol sayo.. Ayokong masira yung pagkakaibigan natin."

"Hindi naman ako galit sayo.. Nakaka-disappoint lang na hindi pa buo yung tiwala mo samin kaya napag isipan mo ko ng ganon. Seulgi ilang beses ka na naming sinamahan kahit na ikakamatay pa namin, sana dun palang alam mo na hindi namin magagawang traydurin ka kase pag ginawa namin yon, hindi lang ikaw kundi lahat masisira."

Naiintindihan ko na siya.. Grabe antanga ko pala.

"Ngayon na pumunta ka pa dito para magsorry, wala naman sigurong dahilan para di ko tanggapin yon?" Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakangiti na.

"Seryoso ka?"

"Oo naman chong! Di ako sanay ng ganyan ka." Sagot niya at tumawa.

"So.. Sasama ka samin mamaya?"

"Saan?"

"Ibabalik natin yung datinng banda."

IRENE'S POV

"Pota teh! Kita mo si Somi kanina? Sarap dukutan ng mata!" Bulong ni Yeri habang papunta kami sa faculty.
Pupuntahan namin si sir Chico para magpasa ng kung ano na namang kaartehan niya.

"Halos umikot mata niya nung hinalikan ka ni Seulgi eh!" Dagdag pa ni Joy.

"Hayaan niyo na yon, mamatay siya sa inggit." Sagot ko na ikinatawa nila.

"Yan ang gusto ko! Yung Irene Bae na sarap tirisin!" Sigaw ni Jennie.

"Hoy babae! Di niyo ba napansin na ang weird ni Seulgi kanina?" Napatingin naman kaming lahat kay Baekhyun.

"Ayusin mo yan bakla, mamaya kung ano na namang lumabas diyan sa bunganga mo buburahin ko yang makapal mong foundation!" Banta ni Joy.

"Chaka mo! Pero eto nga, diba tinanong niya kanina kung anong oras start ng event? Para masundo niya kayo."

"Oh anong meron don?" Tanong ni Wendy.

"Diba dapat ang tinanong niya, anong oras matatapos yung event para masundo na tayo. Bakit yung start tinanong niya?" Napaisip naman kami.

"Pota gulo! Masasayang lang brain cells ko kung iisipin ko pa yan, bayaan niyo na siya!" Sagot ni Wendy.

Pero may point si Baek... Magulo lang pagkaka-explain niya pero may point..

"Nakausap na kaya niya si Chen?"

Sana maging okay agad sila.. Mataas din pride ni Seulgi kaya di ko alam kung paano siya makikipag usap kay Chen.

Di ko pa nga inexpect na magsosorry siya kanina, sobrang rare ng ganung pagkakataon na magsosorry siya ng ganon.

Tingnan mo nga naman nagagawa ng pride... Sarap ipanglaba ni Seulgi minsan.

Pagkarating namin ng faculty, hindi na namin pinatagal ang pakikipag usap kay sir Chico dahil nangangamoy na naman siya. Kung hindi pa namin napigilaan si Baekhyun baka kanina pa nagkalat yun sa faculty.

Binigay lang namin yung ibang kailangan about sa OJT namin para hindi na kami mahirapan sa requirements pag gagraduate na. Usap usapan pa nga na mas madaling gagaraduate yung mga med na nagvolunteer. Pero wala na kaming pake don, I think deserve naman namin yon after ng ilang buwan naming pagtatrabaho sa ospital na halos walang tulog.

"Wala talagang kupas amoy ni sir Chico lintek! Parang iiwan na ko ng ilong ko kanina eh!" Reklamo ni Wendy nang makalayo na kami sa faculty.

"Kawawa naman pala yung ibang prof na nadon pota imagine nagsstay ka sa airconditioned room kasama si sir Chico." Dagdag pa ni Baekhyun.

"Uy may mga booths! Tara muna don bago mag start yung main event." Turo ni Yeri sa iba't ibang booth na nakatayo.

Iwas na iwas pa kami dun sa wedding at jail booth dahil kupal yung pasimuno ng mga yon. Ipartner ka ba naman sa di mo kilala.

Una naming pinuntahan yung kailangan mong makaputok ng tatlong lobo para makuha mo yung pinakamalaking stuff toy.

Buryo den silang umalis don dahil malayo daw yung mga lobo dun sa linya kung san ka magbabato. Pinanood ko lang silang maburyo sa bawat booth na pinupuntahan namin, ayoko nang mastress diyan.

Napahinto ang lahat nang tumunog ang speaker at biglang nagsalita si Ms. Jung.

"Attention students! You may now go to our gymnasium before our main event starts. Please give a warm welcome to our mystery performer, that's all. Enjoy the night!"

Lahat ay nagsialisan sa mga booth. Kahit yung mga nakakulong sa jail booth pumunta na rin sa gym.

"Taray naman pa-mysterious!" Sigaw ni Joy na naka-akbay kay Wendy.

"May nabanggit ba silang artist?" Tanong ni Jennie.

"Pumunta nalang tayo don, di yung puro tanong kayo diyan!" Sagot ni Baekhyun.

"Chaka mong bakla ka! Di pantay foundation ng mukha mo sa leeg mo pota." Ngisi ni Jennie at nilagpasan si Baek. Sinundan na namin siya papuntang gym habang si Baekhyun di maintindihan kung anong punas gagawin sa mukha niya.

"Irene!" Tawag sakin ni Mina nang makarating kami sa gym.

"May upuan na kayo dun sa bandang unahan. VIP daw kayo." Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Pano kami naging VIP?

"Sino may sabi?"

"Lahat daw ng nagvolunteer sa unahan, yung mga epal lang sa event bandang likod." Sagot niya at tumawa.

"Ay bet ko yan Mina girl! Thanks sa PA-VIP!" Sigaw ni Joy at hinigit na kami paunahan.

May mga pangalan bawat upuan. Magkakatabi lang kami, unahang unahan pa.

"Ngayon ko lang sinisimulang mahalin tong school na to pota. Ngayon lang may ginawang pabor satin!" Ungot ni Yeri. May malalakas na tugtog kaya kailangan talaga sumigaw para magkarinigan.

Maya maya pa, lumabas na ulit si Mina kasama si Jinyoung, sila siguro emcee.

"Make some noice future doctors!!!" Sigaw ni Jinyoung at tinapat sa crowd yung mic.

"Mukhang may energy na ulit kayo after ng OJT niyo ah." Tawa niya.

"So we all know that this event is for our medical students who risk their lives during the Pandemic. So kayong mga nasa likod diyan, wag kayong maarte, manood nalang kayo." Sabi ni Mina kaya kung ano anong reklamo ang narinig namin.

"May big screen naman tayo dito, pagtiisan niyo yan!"

"Now! To formally start our event, may we call on Mr. Antonthy Cruz, our school president to give his message to all of us. Let's give him a round of applause!" Sabi ni Jinyoung at binigay sa president yung mic.

Kung ano ano na namang sasabihin niyan, di nalang simulan yung event.

"Oh Lay!" Napalingon ako sa likod ko kung saan umupo sina Lay kasama sina Kai at DO.

"Ba't nandito kayo?" Mataray na tanong ni Joy.

"Bawal ba makiparty Ligaya?" Tanong din ni Kai.

"Tsaka ba't nasa VIP kayo?" Dagdag pa ni Yeri.

"Ewan ko, dito kami pina-upo nun eh." Turo ni DO kay Mina.

"I hope you will enjoy this night!" Humarap na ulit kami nang matapos magsalita yung president.

"Handa na ba kayo?!" Sigaw ni Mina kaya naghiyawan lahat ng nasa gym.

"Siyempre bago natin ilabas yung mystery artist natin, papasayawin muna natin ang dance troupe naten, baka magtampo na naman sila nako! Suki na sila sa student council, suko na ko!" Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Mina.

"Bilisan niyo sumayaw ah! Gusto ko na ring makita yung mystery artist, balita ko kase... Makalaglag panty yong mga yon especially yung bokalista." Tili niya. Nagdilim na ang paligid. Bumukas lang ulit ang iba't ibang kulay ng ilaw nang magsimula silang magperform.

Di naman ako masyadong nanood, di naman ako interesado sa mga ginagawa nila diyan.

Wala pa siyang message sakin, kanina pa. Kada minuto chinecheck ko na yung phone ko pero wala parin. Naka ilang sayaw na sila sa harap. Kulang nalang tumayo sina Baekhyun sa upuan eh.

"Ayos pa ba kayo diyan!!!" Sigaw ni Jimyoung pagkatapos ng sayaw.

As usual, di naman bumababa ang energy nila. Gusto ko ng umuwi kaso tong mga kasama ko di papaawat.

"Jinyoung, sa tingin ko oras na." Baling ni Mina sa kasama niya.

"Oo nga eh, sa tingin ko ready na sila." Sagot naman niya.

"Hawakan niyo panty niyo! Ayokong makatanggap ng reklamo bukas na puro panty ang naligpit ni kuya Philip!" Napatawa naman kami. Sikat si kuya Philip na janitor dito kasi parang lahat ng estudyanteng nakikita niyang nagkakalat, umaabot ng student council.

"Prepare yourselves! Balita ko taken na yung dalawa sa kanila." Sabi ni Jinyoung na sinang ayunan naman ni Mina.

"Actually kanina lang sila nag agree na magperform dito kahit last week pa yung invitation. Ganun kahirap magpabook sa kanila since mga busy sila... Kaya sulitin niyo na to." Sagot naman ni Mina.

"Yung mga may lahing kriminal diyan, behave muna kayo diyan because this band is not just an ordinary band. They're the best lawyers and prosecutors here in the Philippines, kaya kung ko sa inyo manonood nalang ako." Dagdag pa niya.

Teka... Band? Lawyers and prosecutors? May ganun ba? Para namang masyado na silang busy para magbanda pa.

Ay shit! May ganon!

"Irene!" Agad akong napatingin kay Joy na mukhang pareho kami ng iniisip.

Agad akong lumingon kina Kai na naka-ngising aso na.

Bumibilis na tibok ng puso ko shit!

"So tonight, wala ng masamang panaginip kung sila ang papangarapin mo! Let's all welcome, Incubus!!!" Sabay nilang sigaw. Napuno ng malalakas na sigaw ang gym nang lumabas sila.

"Surprise!!" Bulong nila Kai sa likod ko at tumawa.

Kasama na nila si Chen sa harap. Mukhang hindi pa niya ko napapansin dahil busy siya sa pag aayos ng gagamiting gitara.

Hindi siya kakanta? Bakit si Suho may hawak ng mic?

"Ah.. Ah.. Mic test.." Nagtilian ulit sila dahil sa ginawa ni Suho.

Teh hindi pa kumakanta yan?

"Attorney ikulong mo na ko sa puso mo!!!" Sigaw ng babae sa crowd. Napatawa naman sila.

"Sorry, prosecutor ako eh. Pero yon, lawyer yon." Turo niya kay Seulgi na nakangisi lang.

Nagtilian ulit sila. Leche tong mga to, hindi ba napapagod kakatili to?

"Nako, kung ako sayo bakuran mo na baby mo." Bulong ni Baekhyun. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagfocus na sa kanila.

"Ako muna kakanta ngayon. Mamaya kakanta yung pinaka-bokalista namin. Pang main course. Hulaan niyo nalang kung sino sa kanila."

May ibang nagsisigaw ng pangalan ni Seulgi. Malamang siya lang naman kilala nila diyan.

"I think magpapakilala muna kami sa inyo, we're Incubus. Thanks to Ligaya na nagbigay ng pangalan naming yon." Baling niya kay Joy.

"Ligaya your face gago!" Ungot ni Joy pero di na siguro narinig ni Suho yon.

"That's right bitches!!! Ako nagpangalan sa kanila!!!" Sigaw niya sa crowd.

Tumingin ulit ako sa kanya na nakatingin na rin sakin ngayon. Pasimple siyang kumindat kaya nagtilian na naman sila.

Mga assumera putangina! Akin yon!

"We won't use Attorney or Prosecutor tonight so wag niyo kaming tawaging ganon. We're here to enjoy so wag niyong isiping alagad kami ng batas ngayon. I'm Suho, I'm playing the base pero mamaya pa. That's Chen for keyboard, Sehun for Electric Guitar, Chanyeol for drums and Seulgi, all around." Tawa niya. Saglit siyang sinamaan ng tingin ni Seulgi.

"Seryoso ko, all around yang si Seulgi. Pero ngayon... Seungwan! Umakyat ka dito kakanta tayo!"

"Tanginang Seungwan yan!" Ungot ni Wendy.

"Umakyat ka na don teh! Ibandera mo ang ganda mo!" Tulak ni Joy sa kanya.

"Gago nahiya ako bigla!" Sagot niya.

"Puta walanghiya ka tandaan mo yan!" Sigaw ni Yeri kaya wala na siyang nagawa.

"By the way, single pa ko." Ngisi niya kaya mas lumakas ang hiyawan sa gym.

"Eto first song ko.. Para sa mga walang jowa diyan o muntik na magkajowa, Para sa inyo to." Sabi niya habang nagsisimula na sila sa likod.

(Kundiman by Silent Sanctuary)

"Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot na yumayakap
Sa tuwing ako'y nalulungkot

Kaya't wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang maawala"

"Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw" Halos dumagundong ang buong gym kahit nagsisimula palang siya.

Si Wendy naman ng lumapit sa mic.

"Di baleng maghapon mang umulan
Basta't ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan
Lalo na kapag nasisinagan ang iyong mukha
Ayoko ng magsawa
Hinding-hindi magsasawa sa'yo

Kaya't wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang maawala"

"Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw." Sumabay na ang crowd sa kanilang dalawa kaya pero nangingibabaw parin ang boses nila.

"Bahala na, ayoko muna magsalita
Hayaan na muna natin ang daloy ng tadhana.."

Maganda boses nilang dalawa pero di ko talaga maiwasang magfocus sa kanya.. Kung pano niya kalabitin ang bawat string. Napaka-attractive niya lalo na pag focus na focus siya sa ginagawa niya.

"Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin

Dahil ang tanging panalangin

Ay ikaw
Ay ikaw
Ay ikaw.."

Sabay nilang tinapos ang kanta kaya magkahalong palakpakan at hiyawan ang maririnig.

Kakatapos palang ng kanta, nagsimula na ulit silang tumugtog.

"I'm sure maraming broken dito, walang iyakan, mag eenjoy lang tayo." Sabi niya habang nagsisimula na silang tumugtog.

(Halik by Kamikazee)

"Kumupas na
Lambing sa yong mga mata
Nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama
May mali ba akong nagawa? Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita
Bakit kaya?
Parang hindi ka na masaya.." Si Wendy naman ang nagsimula ngayon... Sa pinapakita niya parang informed naman siya na kakanta tong mga to ngayon.

"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng wala man lang paalam
Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis." Lahat ay sumasabay na sa kanila sa chorus. Kahit tong mga katabi ko parang mapuputulan na ng litid.

"Alam ko na
Magaling lang ako sa umpisa
Umasa ka pa saakin
Mga pangakong nauwi lang sa wala
Nasayang lang ang iyong pagtitiyaga
Wala ka nga pala
At puro lang ako salita
Kaya pala
Pag-gising ko wala ka na.."

Puro pangalan ni Suho naririnig ko nung siya ang kumakanta.

"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng wala man lang paalam
Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis!!"

Bigay na bigay silang dalawa pft!

Pero nang dumating ang interlude, halos mapanganga ko habang nasa base si Seulgi. Tama nga si Suho, all around siya. Ibang klase din si Chanyeol sa drums at si Sehun sa electric.

"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis
Ngayon ko lang natutunan
Nasubukang mabuhay ng para bang may kulang
Pag nawala doon lang mamimiss
Paalam sa halik mong matamis!!"

Pareho silang pinagpapawisan nang matapos ang kanta kaya inabutan sila ni Mina ng mga tissue.

"Hanggang dun lang ako, balik base na ulit ako." Sabi niya at lumayo sa mic. Nagtilian sila nung tumayo si Seulgi at binigay kay Suho yung base.

"So.. It's Your time to shine, taga nood muna ako ngayon." Tawa ni Wendy. Mukhang na-gets naman na ng crowd na si Seulgi yung tinutukoy nilang bokalista nila.

Umupo ulit sa tabi namin si Wendy na binigyan agad ni Joy ng tubig.

"Alam mo na tutugtog sila dito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi noh! Gulat nga lang din ako tinawag ako ni kupal eh." Tumango nalang ako.

"WILL YOU MARRY ME!!!" Agad kong hinanap kung sino man yung sumigaw na yon kay Seulgi. Tumawa lang si Seulgi.

"May asawa na ko eh, pano ba yan?" Para naman silang na-dismaya sa narinig nila. Pakiramdam ko sobrang pula na ng pisngi ko kaya walang tigil ang mga katabi ko sa pang aasar.

"SI IRENE!!! IRENE BAE!!! IRENE BAE!!!" Nanlaki ang mata ko nang isigaw nila ang pangalan ko.

Walang ginawa sina Joy kundi tumawa lang.

"Yep, that's right. I'm already taken by Irene Bae right there." Turo niya sakin. Malakas ang tili nila pero mas malakas tibok ng puso ko pakshet.

"These past few days... Di kami okay ng baby ko-" Naputol ang sasabihin niya nang magtilian ulit sila. "May mga misunderstandings kami and gusto ko na bumawi sa kanya ngayon... In short, bawal na ko, pili nalang kayo sa kanila."

Maraming nadismaya dahil sa sinabi niya. Shit kinikilig ata ako.

"Xiumin.." Agad na tumango si Xiumin at nagsimulang tumugtog.

"Mukhang mag aacoustic baby mo, haharanahin ka ata." Bulong ni Baekhyun pero. Hindi ko na siya pinansin.

(Mine by Joseph Vincent)

"You so fuckin' precious when you smile
Hit it from the back and drive you wild
Girl, I lose myself up in those eyes
I just had to let you know you're mine

Hands on your body, I don't wanna waste no time
Feels like forever even if forever's tonight
Just lay with me, waste this night away with me
You're mine, I can't look away, I just gotta say.." Hindi niya pinuputol ang tingin niya sakin kaya di ko rin magawang umiwas ng tingin. Para kong nahi-hypnotize sa tingin niya.

"I'm so fucking happy you're alive
Swear to God, I'm down if you're down all you gotta say is right
Girl anything I can do just to make you feel alright
Oh, I just had to let you know you're fine
Running circles 'round my mind
Even when it's rainy all you ever do is shine
You on fire, you a star just like Mariah
Man this feel incredible, I'll turn you into a bride, you're mine

Hands on your body, I don't wanna waste no time
Feels like forever even if forever's tonight
Just lay with me, waste this night away with me
You're mine, I can't look away, I just gotta say.."

"Baby... Would you mind if you'll join me here?" Tanong niya kaya naghiyawan na naman ang taumbayan.

"Go na girl!" Sigaw ni Jennie.

"Mare akyat na!" Sigaw naman nila Kai.

"Pota bilisan mo marami nagnanasa sa baby mo!" Agad akong napatayo dahil sa sinabi ni Baekhyun. Tumapat sakin ang spotlight kaya halos mabingi ako sa mga sigaw nila.

Lumapit sakin si Jinyoung para i-guide ako paakyat pero knowing Seulgi, inunahan na niya si Jinyoung sa pagkuha ng kamay ko habang paakyat ako sa stage.

"Ano ba to Seulgi? Nakakahiya.." Bulong ko.

Hinawakan niya lang ako sa bewang at ngumisi.

"I just need you to be here, hold my hand while I sing. Ayokong nandun ka lang habang yung kinakanta ko para sayo."

Mabilisan niya kong hinalikan sa pisngi.. Alam na alam niya kung pano paingayin tong mga hinayupak na to.

Binigyan nila kami ng dalawang upuan kaya dun kami naupo ni Seulgi habang katapat niya ang mic at hawak ang kamay ko.

Nagsimula na ulit na tumugtog si Xiumin na sinabayan ni Chen.  Mahigpit lang ang hawak niya sa kamay ko.

(Can't Help Falling In Love by Kina Grannis)

"Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?

Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be
Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you.." Saglit niyang minulat ang mata niya at tumingin sakin.
"Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be
Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you..." Pagkatapos niyang kumanta ay inangat niya ang kamay kong hawak niya at hinalikan.

Immune na ata tenga ko sa mga hiyawan nila.

Hindi parin niya binibitawan ang kamay ko.

"SANA ALL MAY JOWA!!!" Sigaw ng isa sa crowd na ikinatawa ng lahat.

"Don't worry, you'll meet someone soon. Tulad ko, I waited for years again, then I met her. Matagal lang pero pag dumating hanggang dulo na yon." Sagot niya dun sa sumigaw.

Saglit akong tumingin kay Suho na bakas ang lungkot sa mukha. Ganun din si Jennie pero nginitian niya parin ako.

Paker ayokong umiyak sa harap ng buong university dahil inatake na naman ako ng konsensya ko.

"I think this is our last song, actually three songs lang ang napagkasunduan namin but I decided na gawing five because you guys deserve it, after you risked your lives, I think you deserve it." Muli silang na-dismaya since minsan lang sina Seulgi mag guest as band.

"So guys, if you know this song. Sabayan niyo ko."

(Teka Lang by Emman)

"Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang

Sobrang saya dahil nandito ka na
Kahit mamaya lang ay aalis ka na rin agad
'Wag ka sanang mainis, panahon natin, mabilis
Sandal mo muna sandali, 'di naman nagmamadali, 'di ba?"

Naiiyak na ko puta puta puta!

"Dantay ka muna sa 'kin, beh
Sulitin natin ang gabi
Iyong mga problema'y itabi
Labi mo sa akin, idampi

Kahit anong lalim, aking sisisirin
'Di na mabibitin pa sa aking gagawin"

Hindi ko na napigil ang luha ko. Natatawa ko yong pinunasan pero walang epekto.

"Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Ako'y sasayaw sa himig mo, atin ang gabi na 'to
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Takasan natin ang gulo, lilipad papalayo" Humarap siya sakin at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang"

Tumayo siya at niyakap ako. Napatayo na rin ako para magpantay kaming dalawa. Dahan dahan niya kaming ginagalaw kanan, kaliwa habang hawak niya ang mic at kumakanta. Tinago ko nalang ang mukha ko sa leeg niya para matago ako pakshet!

"Dahan-dahan ka lang, ngayon alam ko naman
Hanggang dito ka lang, kalaban ang orasan
Pa'no na 'ko 'pag gabi? 'Di sanay ng walang katabi
Sandal mo muna sandali, 'di naman nagmamadali kaya

Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Ako'y sasayaw sa himig mo, atin ang gabi na 'to
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Takasan natin ang gulo, lilipad papalayo"

Kung kaya ko lang... Kung pwede lang takasan lahat ginawa ko na.

"Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang

Oh, pwede bang magpahinga muna saglit?
(Dahan-dahan lang)
Oh, pwede bang magpahinga muna saglit?
(Dahan-dahan lang)"

Kung alam mo lang... Shit sorry baby!

"Kung gusto mong takasan lahat... Sabihan mo ko, aalis tayo. Iiwan natin ang problema, mamumuhay tayong magkasama... Hanggang dulo, I love you, baby."

Baby....

~~~~~~~~~~
Musta naman?? Chararat lang si Dianne ni Chen hahaha wala lang akong maisip na asawa niya.

Grabe malapit na pala matapos to? Ilang chapters pa, finish na. 😃










Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.2K 164 39
SEASON ONE (COMPLETED) _unedited_ Shannel Altha Plython woke up the next day, knowing that her apartments building is surrounded by zombies. Finding...
53.5K 2K 54
what if i said i'm falling for you?
41.1K 1.4K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
258K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.