Craving You

By wwiittyyccuuttiiee

489K 15.2K 2.4K

Historia #1: Bitch and Nobody Ianthe Violet Summerhold Jeremiah Garcia Date started: May 5, 2020 Date finishe... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Not an Update
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 22

12.2K 424 29
By wwiittyyccuuttiiee


"To fall in love and to commit yourself to love means you should make your loved one the one thing you cherish the most."

― Kou Yoneda, "No Touching At All"



JEREMIAH GARCIA





"And here we f-cking go again!"






"I mean... Good Morning Philippines!"







Argh! Napataklob ako ng unan sa mukha ko dahil sa kaingayan nitong kasama ko.




Hindi ba siya aware na natutulog pa ko? Kung makasigaw siya, grabe. Kala naman niya may sunog.




"Hey Jeremiah my friend. Gising na. Tutulog na tayo. Charot! HAHA"




Juskopo! Parang awa niyo na ilayo niyo po sa'kin ang babaeng ito at baka bigla ko nalang siya sampalin pakaliwa't kanan.









"Jeremiah. Anak ni Magdalena, kapatid ni Genesis. Wakey Wake-.."




"Manahimik ka. Ang ingay mo." pagputol ko sa sasabihin niya




Ang gaga, tinawanan lang ako. Nakakabwisit talaga.





"Bumangon kana dyan. Baka malate ka. Sige ka, malalagot ka kay lila mo."




Wala sa sariling napabalikwas ako ng bangon.



Shet! Monday na nga pala ngayon. At isa sa patakaran ni lila ay bawal malate pag Monday. Anak ng tokwa. Sarap sarap matulog ee.




Tuluyan na 'kong bumangon at dumeretso sa banyo. Narinig ko pang humagalpak ng tawa si Abingot. Hmp! Masamid ka sana.




Mabilis ang pagkilos na ginawa ko. Mahirap na at baka mayari pa ko sa babaeng pinaglihi sa sama ng loob.




Nang matapos ako sa cheche buretche ko agad na kong lumabas ng dorm at mabilis na paglakad ang ginawa para makarating agad sa room ko. Napatingin pa ko sa relos ko at halos manlaki ang magaganda kong mata ng makitang limang minuto na kong late. Yari ka talaga Jeremiah na anak ni Magdalena.




Lakad takbo na ang ginawa ko para makarating agad sa pupuntahan ko. At halos malagutan ako ng hininga ng matanaw ko ang pinto ng classroom namin. Juskopo! Napagod ako.



Mabilis ang paghakbang na ginawa ko para tuluyang makapasok sa loob.



I sighed in relief ng makitang wala pang prof sa loob. Ang kaso mo, ang sama ng tingin sakin ni lila my labs.




Napangiwi pa ko ng irapan niya ko.



Yari ka talaga Jeremiah. Magnilay-nilay kana.



Umupo na lang ako sa tabi ni Jaz na busy sa cellphone niya. Napatingin ako sa right side ko. Wala na naman si Laurena. Tssk.




"Psst." tawag ko sa katabi ko




"Hmm?"




"Wala parin si Lau? Nasan ba siya?" tanong ko



Natigilan siya bago humarap sa'kin .



"I don't know." mahinang sagot niya sapat lang para marinig ko.





I sighed. Ano bang nangyayari sa kaibigan kong iyon? Ano? Tinamad na pumasok? Ngayon pa siya tatamarin kung ilang kembot na lang makakaraos na kaming lahat.





Magsasalita pa sana ako ng dumating na si Prof.







Simpleng discussion lang ang ginawa niya at ngayon quiz. Napailing pa ko ng makita ang expressions ng mga kaklase ko. Naghiwalay kami ni Jaz ng upuan. Patakaran naming tatlo, sa tuwing may quiz or exam. Hindi kami magtatabi. Gusto lang namin maging responsible pagdating sa pag-aaral.







Hindi din nagtagal natapos na kami, at tapos na din ang unang subject namin para sa araw na 'to.






Ganun lang 'yun? Pssh. Easy!






Okay. Ang hambog ko na.






"Gosh! I've met a lot of pricks in my life. But that professor, Damn! He's a freaking cactus." rinig kong himutok ni Cassandra






"Tamad ka lang talaga Cass." Juno said






"Juno's right Cass. You are so f-cking dumbbell." Penelope






"Dumbbell your face Penelope!"






Napangiwi naman kami ni Jazmine dahil sa pag-uusapan nila. Hindi naman sa chismosa kami pero rinig na rinig talaga namin sila dahil nakapwesto lang naman sila sa likod namin.






Agad akong humarap kay Jazmine ng may bigla akong naalala.







"Jaz, saan ka pala pumunta kagabi?" tanong ko






Kunot noong tumingin siya sakin. "Sa backstage? Nandoon lang naman ako magdamag kagabi." sagot niya




Umiling ako. "Nakita kita kagabi na lumabas ng Circle. San ka nagpunta nun?"






Kita ko kung paano biglang mamula ang mukha niya na labis kong ikinapagtaka. Hindi naman mainit para mamula siya ng ganyan. Ang lamig pa nga gawa ng aircon.






"Hey. Okay ka lang? Namumula ka ata?" sinalat ko pa ang noo niya.






Agad naman siyang umiwas sakin. "Yeah. Okay lang ako." sagot niya "Nagpahangin lang ako sa labas kagabi." pagpapatuloy niya






Tumango na lang ako. Nagpahangin naman pala.





"Stupid"





Agad akong napabaling ng tingin sa dyosang nakatayo sa harap ko. Wawawiwaw! Wiwit! Ganda naman this gurl.







"Close your mouth stupid. You might catch a fly."







Napairap ako. Ayaw ko na. Binabawi ko na 'yung sinabi ko kaninang maganda siya. "He! Walang fly dito. Hmp!" irap kong sagot







"By the way, why are you late stupid?" pag iiba niya ng usapan





Napalunok ako. Ito na! Sungit mode na naman siya.







"Hehe. Prof? Is that you?" alanganing tugon ko







"Funny stupid. My middle finger salutes you." agarang tugon niya sa'kin.







Napangiwi ako.





Okay. Bad idea ang biruin siya pag ganitong nagiging masungit mode na siya. Lagi mo 'yang tatandaan Jeremiah.






"Oh relax. Nalate lang ako ng gising." pag amin ko






"Tss. Sana di kana lang gumising."







I sighed. Ang sama talaga sakin ng babaeng ito. Wala man lang kaawa-awa.






"Edi namatay ako!" singhal ko






"Exactly, stupid."






Napa facepalm ako sa loob loob ko. Napakasama talaga!







Humawak lang ako sa dibdib ko na akala mo'y nasaktan ako. Although, nasaktan naman talaga ako.





"You're not good in acting stupid."





"But I'm good in bed. Right?" nakangising sagot ko







Gusto ko humagalpak ng tawa ng makitang pulang pula na ang buong mukha niya.






"Lemme correct you stupid. You're good in cave, not in bed. Always remember that." she smiled






Literal na napanganga ako.






Oo na! Cave na kung cave! Hmp!








"You're good in making me happy Jeremiah." dagdag niya







Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.






Totoo? Napapasaya ko siya?








"H-ha?" utal kong tanong







Tumawa siya na lalong nagpakabog ng puso ko. Ang ganda talaga niya. Mas lalo siyang gumanda kapag tumatawa o ngumingiti siya. Walang duda. Hulog na hulog ako sa babaeng ito.







"Does somebody have ever told you, how beautiful you are?" tanong niya








Napalunok ako.








Ganyang ganyan ang tanong ko sa kanya noon.







Nakatitig lang ako sa almond eyes niya na tila hinihipnotismo ako.








I gulped again. "Yes. A lot."








She chuckled. Oh god! That smile. Hinding hindi ako magsasawang makita at marinig ang napaka ganda niyang tawa.








"Conceited ha." she said smiling







I just shrugged. "I'm just stating the fact here." ano ba 'yan! Pati ako napapa-english narin.







"Me, also. I just wanna say the fact here."









Napakunot noo ako.







Ano daw?







Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating na si Prof.







Humarap ako kay kila na matamang nakatingin sakin.






"Later stupid. Rooftop. I'll wait for you." saad niya bago umalis at bumalik sa pwesto niya.







Wala sa sariling umayos ako ng pwesto ko.








Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Hindi ko masabi kung maganda ba o masama ang kahihinatnan ng paguusap namin mamaya sa rooftop.







Pero umaasa ako na sana kahit papaano, masaya ang mangyayari mamaya.








Hay. Buhay. Parang life.







Lutang na tinapos ko ang maghapong klase ko. Nakakapang lambot ang araw na ito. Wala naman masyadong ginawa. Puro discussion lang pero nakakapagod parin. Nakakapagod kayang maupo at magpigil ng antok lalo na kung ang prof mo ay parang nagmimisa kung magdiscuss. Kung anu-ano na ang ginawa ko kanina para lang hindi tuluyang makatulugan ang subject na 'to. Pero in the end, nakarating pa din ako sa dream land.






Kami lang ni Selene ang magkaklase sa subject na 'to. At kahit si Selene, tulog na tulog din kanina hanggang ngayon. Hay. Sino ba kasing hindi makakatulog kung ganun ang klase ng pagtuturo ng teacher niyo dito.






"Hey Selene." pag gising ko sa kanya






Unti-unti din siyang nagmulat ng mga mata niya. Unfair, bakit siya kahit bagong gising maganda padin, samantala ako tulo pa laway. Kadiri! Madali lang naman pala gisingin ang babaeng ito.






"Tapos na ba ang Mass?" tanong niya







Napatawa ako.








Pareho lang pala kami ng iniisip.







"Oo katatapos lang." sagot ko






"Great! I wanna go home na. Lets go Jeremiah?" nakangiting tugon niya








Tatango na sana ako ng bigla akong may maalala. Magkikita pa pala kami ni Lila sa rooftop.









"Ah. Mauna kana Selene. May pupuntahan pa kasi ako."








"You sure?"








Tumango ako. "Yep. Take care." nakangiting tugon ko








"Ikaw din. Always take care. See you tomorrow Jeremiah."







Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon. Nang mawala na siya sa paningin ko agad akong dumeretso sa rooftop.








Habang naglalakad ako sa kahabaan ng hallway, hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Kinakabahan ako. Ano ba kasing agenda ni lila at talagang naisipan pa niyang makipag-usap sakin sa rooftop? Ano? Parang noon lang? Laging meet up rooftop? Hay.







Pagkarating na pagkarating ko sa rooftop naabutan ko pa si lila na nakaupo sa dating naming pwesto kung saan kami nanood ng fireworks.







Natigilan ako.








Hindi lang naman panonood ng fireworks ang ginawa namin noong time na 'yun.





Syempre secret ko na 'yun! Bahala kayo manghula.






"Stupid."







Nabalik ako sa wisyo ko ng tawagin niya ko. Napangiti ako ng wala sa oras. Ang ganda talaga ng babaeng ito. Alam ko ilang beses ko na sinabi 'yan pero hindi ako magsasawang ulit-ulitin ang katagang iyon.








Napaka ganda niya. Sobra.







Agad naman akong lumapit sa kanya at umupo para magkatabi kaming dalawa. Bahagya ko pang naamoy ang pabango niya.






Isa din ang amoy niya sa pinaka nagustuhan ko sa lahat. Minsan may time na naaamoy ko ang natural niyang scent. Siguro nakakalimutan niyang magpabango, katulad ngayon. Alam kong hindi siya nagpabango ngayon dahil natural na amoy niya ang nalanghap ko.









Ang bango amputcha!







Unfair! Kamusta naman akong amoy pawis na? Eww .







"Are you okay?" tanong niya







Tumango ako. "Oo naman"







"Okay. Just, stop arguing yourself stupid. You look crazy."







Napairap ako.








Grabe talaga siya pagdating sa'kin. Puro panlalait ang natatanggap ko. Samantala ako, halos sambahin ko na siya sa papuring sinasabi ko sa kanya! Nasan ang hustisya diba? Tssk!







"Bakit mo ba 'ko pinapunta dito?" pagiiba ko






"I want you to cherish this moment stupid."






Napakunot noo ako.







Hindi na kailangan dahil sa araw-araw na kasama ko siya, napaka halaga na nun para sakin.







"May problema kaba?" hindi ko naman maiwasang hindi mag-alala, para kasing may iba sa kanya ngayon. Hindi ko mawari kung ano 'yon.





Matamang nakatingin lang siya sa'kin na lalong nagpakaba ng husto sa puso ko. Hay lila. Deretsuhin mo na 'ko. Pasuspense pa kasi e.







"You know what, when I'm with I call it, magic." nakatingin sa kawalang saad niya






Napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya. Pero damn! Bakit pakiramdam ko, pareho din kami ng nararamdaman?





Please lang lila...






Sabihin mo na agad kung ano 'man ang gusto mong sabihin. Pinapakaba mo pa ko ee.






"You know what, your voice is my favorite sound."







I gulped.






Juskopolord! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Alam ko pong kinikilig ako sa dahil sa mga pinagsasabi ng babaeng ito pero parang awa niyo na po, patigilin niyo na po siya at baka hindi ko kayanin at bigla na lang ako umirit sa sobrang kilig ko dito. Nagmamakaawa po ako.







"Pwede mo bang sabihin sakin kung paano tayo nagkakilala?" tanong niya









Napalunok ako. "A-ahm.. Alam mo naman ee." nahihirapang tugon ko







"Please... tell me."







Napahinga ako ng malalim. "Sa Mall.. Ahm.. may inaway ka? Tapos tinulungan ko 'yung babaeng inaway mo?" alanganing sagot ko







Akala ko sisigaw na lang siya at bigla akong sasampalin dahil pinamukha ko sa kanyang siya ang nang-away sa babae. Pero laking gulat ko ng matamis siyang ngumiti sakin dahilan para lalong bumilis ang tibok ng puso ko.






Wala na.






Hulog na hulog na ko sa kanya.





"Jeremiah" tawag niya








"Hmm?"










"Do you really loved me?"








Nahigit ko ang paghinga ko dahil sa tanong niyang iyon.









Gosh!







Hindi ko talaga akalain na aamin ako kahapon ng magkausap kami sa cellphone. Bigla ko kasi siyang namiss kaya naisipan kong tawagan siya. Pero wala talaga sa plano ko ang pag-amin sa kanya patungkol sa nararamdaman ko. Kaso kusa na lang nagsalita ang dila ko at sinabi ang bagay na 'yon.









Huminga ako ng malalim. Gaya nga ng sinabi ko kahapon. It's now or never.








Say it Jeremiah.









"Yes Ianthe. I mean it. I really love you." buong puso kong tugon.







Hinanda ko na ang sarili ko para sa pag dapo ng mga palad niya sa maganda kong mukha.









Pero laking pagtataka ko ng walang dumapong palad sa pisngi ko. Imbes nakangiti pa siya ng malaki sakin.








Hindi siya galit?








"Always remember that lights will guide you home." nakangiting turan niya "And because of light, I found my home. I found you stupid." dagdag niya









Literal na napanganga ako. Kung may langaw lang siguro dito, malamang sa malamang may pumasok ng langaw sa bunganga ko.










Ano ba kasing ibig niyang sabihin? Hindi ako manghuhula na nakatengga sa Quiapo para hulaan ang mga pinag sasabi niya.










At saka, baka atakihin na ko dito sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito.






"Listen carefully stupid. 'Cause I don't want to repeat it."








Wala sa sariling tumango ako.








Para akong tanga sa totoo lang.







"I love you stupid. I love you Jeremiah." she sincerely said.








Oh mahal daw niya ko.






Puta! Mahal niya ko?








Mahal niya ko? Hindi nga? Totoo? Tama ba ang narinig ko?









"Stupid ka talaga kahit kailan." natatawang turan niya








Napalunok ako. "Tama ba 'yung narinig ko? M-mahal mo ko?"










Imbes na sagutin niya ang tanong ko, isang matamis na halik ang natanggap ko.








Napapikit ako. Sandali lang ang halik na 'yun pero ramdam ko ang saya sa kaibuturan ko.








"Yes Jeremiah. I really love you."









"Talaga?" hindi paring makapaniwalang tanong ko








"Ayaw mo?"








Mabilis ang pag iling na ginawa ko. Syempre gusto ko. Baka bawiin pa niya ee.






Sa sobrang saya na naramdaman ko, bigla ko siyang kinabig at niyakap ng mahigpit.








Buong akala ko, ako lang nagmamahal sa'ming dalawa. Hindi pala. Totoo pala talaga ang kasabihan na "Maraming namamatay sa maling akala".








"Jeremiah" tawag niya








Ako na mismo ang humiwalay ng yakap sa kanya. "Hmm?"







"Promise me, you'll never leave me, no matter what happen."







Ngumiti ako. "I promised. I will never leave you. Until you wish it to me."








"I will never wish it. You midget!" masungit na tugon niya







Napatawa ako ng malakas dahil sa hilatsa ng pagmumukha niya ngayon. Sobrang sama ng tingin niya sa'kin. Agad kong hinawakan ang pisngi niya at bahagyang pinisil iyon.








Napaka saya ko ngayon.







"I will always love you, no matter what happen." puno ng sinseridad na saad ko.






I kissed her, just peck in her lips. "I love you stupid." she said





Wala na.




Finish na. Hulog na hulog na hulog na talaga ako.







Ang kaibahan lang ngayon, sinalo niya ko.







I promise Ianthe, I will never get tired of you.








I love you so much...

---

Continue Reading

You'll Also Like

113K 190 2
(TCKIMSH) β€’Paano kung maging asawa mo ang campus king na pinapantasya ng lahat? paano kung ang sarili mo, nang asawa ang tumataboy sayu? kakayanin mo...
38M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...
119K 340 9
"come on. Show me where your guts are at, Annie". "shut up before I make you, Draco". Our relationship was always like that. Provocating each other a...