Craving You

By wwiittyyccuuttiiee

463K 14.6K 2.4K

Historia #1: Bitch and Nobody Ianthe Violet Summerhold Jeremiah Garcia Date started: May 5, 2020 Date finishe... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Not an Update
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 20

13K 411 73
By wwiittyyccuuttiiee


JEREMIAH GARCIA




Simpleng skinny jeans na black at polo na red ang sinuot ko. Nagbaon na din ako ng denim jacket dahil paniguradong malamig sa labas.

Nakareceive pa ko kay Jaz ng text na nasa office daw siya. Kaya walang alinlangan na pupuntahan ko siya do'n.





Habang naglalakad ako sa kahabaan ng hallway hindi ko maiwasang mapayakap sa sarili ko. Takteng lamig nga! Ang lamig ng hangin ngayon. Alas syete na ng gabi kaya malamang sa malamang lumamig na.




Hindi naman nagtagal nakarating na ko sa opisina ni Jazmine. Naabutan ko pa si Helen na lumabas ng opisina niya. Isang ngiti naman ang ginawad niya sakin. Nakasuot siya ng cocktail dress na kulay red. Ang ganda din talaga ng babaeng 'to.





"Hey Jeremiah."





"Helen" nakangiting tugon ko.





"Where are you going?"





"Ah kay president. Susunduin ko lang. Para naman may kasa-kasama ako." nakangiting sagot ko sa kanya.






"Ahh" tumatangong tugon niya. "Where's Ianthe?"






Napasimangot naman ako ng marinig ang pangalan ng babaeng 'yun. Ayaw kong makita ang lilang 'yun. Nakakautas siya! Pagkatapos niya kong... argh! Basta!







Bahagyang tumawa naman siya. "I guess, may tampuhan na naman kayo."





"Ewan ko sa kaibigan mong 'yun. Sala sa init, sala sa lamig!" himutok ko





"Understand her Jeremiah." nakangiting sagot niya




Tumangon na lang ako.





Ano pa nga ba? Lagi ko naman iniintindi ang babaeng iyon. Pasalamat talaga siya at labidabs ko siya. Kung hindi, nako!





"By the way, I have to go Jeremiah. See you later." nakangiting paalam niya



Ngumiti na lang ako bilang tugon.




Nang mawala na sa paningin ko si Helen saka lang ako kumatok at nagdere-deretso pasok sa opisina ni donya presidente. Bahagya pa kong natigilan at napanganga ng makita ang itsura niya ngayon. Wow naman talaga. Ang ganda ni donya. Nakasuot siya ngayon ng Strapless dress na kulay black. Ang lusog ng kambal natin ah.





"Alam kong maganda ako Miah. Wag mo naman pahalata. Baka patayin ako ni Ianthe niyan." hambog na saad niya.





Napairap ako. Kapal din talaga ng babaeng to. "Urur! Ngayon ka lang naman naging maganda sa paningin ko. Dugyot ka pa din 'no." pambabara ko





"Kung dugyot ako, ano ka pa?"





"Maganda" taas noong sagot ko





Napairap naman ako ng tingnan niya ko mula ulo pababa. Aba't!




"Baka gwapo kamo." nakangising saad niya




Nako talaga! Kung hindi lang siya maganda ngayon baka naumbag ko na 'to. Nakakapika!





Huminga ako ng malalim. Ayaw ko masira ang gabing 'to kaya dapat relax lang. Relax lang Miah. Huwag mong hahayaang mapatay mo si Hasmina. Relax lang.




"Bakit mo ba ko pinapunta dito?" pag iiba ko





"Oh! May kukwento ako sayo Jeremiah. Gosh! I can't this." tila excited na sagot niya




Napakunot noo ako. Parang tanga 'to si Jaz. Ngiting ngiti na kala mo'y nanalo sa lotto. Napailing na lang ako sa loob loob ko. May sapak na kaibigan ko.





"Ano ba 'yun? Siguraduhin mong importante 'yan ah."





"Gosh Miah! Si Autumn. Nakausap ko si Autumn. Ang guess what? Niyaya niya ko ng date. Oh my gosh!" napapaypay pa siya ng kamay sa mukha niya.




At literal na napatakip ako ng tainga ko ng biglang tumili ang babaeng ito. Grabe! Ayaw ko talaga tumabi sa babaeng ito pag kinikilig. Hindi pa ko nakakapag salita ng bigla niya kong hampasin sa balikat. Putapepe! Ang sakit.





Kayong mga babae. Kailangan manghampas pag kinikilig? Hindi ba kayo naaawa sa mga katabi niyong
bugbog sarado na?


Babae din naman ako. Pero hindi ako nananakit pag kinikilig 'no!





"Oops. Sorry." nakangiting saad niya





Napairap ako. "Totoo? Niyaya ka niya ng date?"





Bigla naman nawala ang ngiti na nakapaskil kani kanina sa mukha niya. "Actually hindi lang ako. Kami ni Abi." bagsak balikat na sagot niya






Napakagat labi ako para pigilan ang tawa na gustong kumawala sakin. Juskodai! HAHAHA






"Nakita ko kasi sila ni Abi na nag-uusap. Tapos 'yun pinakilala ako ni Abi kay Autumn and then boom! Niyaya kami ni Autumn na kumain sa labas. Pero gosh Miah! Hindi parin ako makapaniwala. Sobrang ganda talaga niya." tila kumikinang ang mga mata niya habang sinasabi 'yan.





"Sobrang ganda nga niya." pag sang ayon ko




Kahit nga ako noong unang beses siyang makita sa mall halos mapanganga ako. Nastarstruck aku ei!




"Yeah right." tugon niya "By the way. Tara na. Alis na tayo."




Tumango na lang ako.





Malamig na simoy ng hangin ang sumpal sa 'min ni Jaz pagkarating namin sa field. Sandali pa kong naamaze sa nakikita ko. Punong puno ng magagandang liwanag ang buong field. Wow. Ginawa ba 'to ng mga student councils? Galing ah.





"Laway mo natulo na. Galing kong presidente diba?" hambog na saad niya sakin





Napaismid naman ako. Okay na sana ee. Pupurihin ko na sana ang ginawa nila. Kaso nagyabang pa.





"Mas maganda pa sa loob ng Circle Miah."





Kunot noo akong napatingin sa kanya. "Circle? Anong gagawin natin dun?"





"Tss. Wala kana talagang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid mo. Malamang doon po gaganapin ang event. Sa sobrang talino mo nabobo kana."





Napahawak ako sa dibdib ko at nagkunwareng nasaktan. Grabe ah! Hindi ba pwedeng hindi ko alam na sa circle pala gaganapin? Ang sakit ah. Grabe kung makapag downgrade ng tao.




"Drama Miah. Halika na nga. Tara na sa loob at baka mastress pa ko lalo sayo." dagdag niya




Hindi na ko sumagot at maingat na inalalayan na lang ang babaeng ito. Grabe siya sakin. Parang hindi niya ko kaibigan. Hmp!




At halos mapanganga ako ng makita ang kabuuan ng circle. Tama nga ang gaga. Ang ganda. Mukhang maniniwala na ko na magaling siyang presidente.





Nagpaalam sakin saglit si Jaz dahil kailangan daw silang S.C para mamaya. Tumango naman ako. Kaya eto ako ngayon, naiwang mag-isa. Nasan ba kasi si Lauren? Ilang araw ko ng hindi nakikita ang babaeng 'yun. Huwag niyang sabihin na hobby na niya ngayon ang umabsent at magcutting? Talaga naman oo!




Dumadami na din ang mga estudyanteng dumadating. Napapailing na lang ako ng karamihan sa kanila ay napapansin kong may tama ng alak.





"Jeremiah! You're here!"





Napatingin ako kay Venus na hayok na hayok sa ganda. Naka dress din siya ngayon na hapit na hapit sa kanya. Kaya malamang sa malamang kitang-kita kung gaano kasexy ang babaeng ito.





Magsasalita pa sana ako ng biglang may humila ng mukha ko at may kung anong dumampi sa labi ko.





Anak ng teteng!




"Stupid. Wag mong hintayin na dukutin ko 'yang mga mata mo."





Napalunok ako.





Grabe naman. Dukutin agad? Nakakatakot talaga maging girlfriend si lila. Kulang na lang ako na mismo magpagawa ng sarili kong kabaong para ready to burol na.





"So territorial Violet." nakangising singit ni Cassandra





"Ganun lang 'yun? Yun lang? Just a peck? Hina mo naman Vi." Athena






"Shut up bitch! Wag mo kong igaya sayo."





"Ay weh? Pero may talon scene? Ganun?"






Pakiramdam ko naging kamukha ko na ang tanim na kamatis ni nanay na sobrang pula ko ngayon. Kainis naman. Kailangan ipaalala ang araw na 'yun? Nakita niya kasi kami nung time na nasa talon kaming dalawa ni lila at may kung anong ginagawa ako sa kaibigan niya. Buti na lang at 'yun lang ang nakita niya.





"Anong talon scene?" tanong ni Penelope




"Secret. Just the three of us. Hindi kayo kasali." sagot ni Athena






"Shut up!" Penelope said





Napailing na lang ako. Ang kukulit nila.



Agad naman akong napabaling ng tingin dito kay lila na halos maging kamukha na ang ugat ng puno sa sobrang pagkakunot noo. Grabe 'yung description ko. Nakakadiri. HAHA





Nakasuot siya ngayon ng Black Backless Jumpsuit kaya mas lalong umapaw ang kagandahan niya. Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan. Nakalugay ang buhok niya ngayon ang kaibahan lang kinulot ang dulo ng buhok niya. Hay may gulay. Napaka ganda niya talaga. Walang duda kaya halos lahat ng tao napapalingon sa kanya.






"Matutunaw ako."





"Bakit yelo ka ba?" tugon ko





"Nope. Because, I'm hot as fire." mayabang na tugon niya





Napaismid na lang ako. Bagay sila ni hasmina. Hambog!




Sumunod na lang kami kina Cassandra na naghahanap ng mauupuan. Di naman nagtagal at nakahanap din agad kami. Ayos 'yung pwesto namin, malapit na stage.





"Where's Helen?" tanong ni Venus





"Nasa backstage. Kailangan daw sila dung mga S.C." Athena said



Napalingon ako kay lila na nilalaro ang mga daliri ko. Ano namang trip nito sa buhay niya?





"Hey. Wala kana bang trip na maisip? At daliri ko naman pinag lalaruan mo." saad ko






"Stupid ka talaga." irap niya sakin "You have a long fingers."





"Bakit? Inggit ka? Mahaba din naman sayo ah."





"You have a long fingers and you have a long dick. Wow, gifted." walang kagatol-gatol na sagot niya




Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Agad akong humarap sa mga kasama namin kung narinig ba nila ang sinabi nitong magaling nilang kaibigan. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang busy sila sa pag babangayan.





"Ang bastos ng bunganga mo." bulong ko






"What? Me? Pervert? No I'm not. You're the one who perv here."





"Anong ako? Ikaw nga dyan ang kung anu-ano sinasabi."





"I'm just stating the fact here Jeremiah. Bastos lang ang naiisip mo. You have a dirty mind also."





Napakamot na lang ako sa ilong ko. Hindi talaga ako manalo-nalo sa isang 'to. Lahat na lang ng sasabihin ko, may igaganti siya. Hay juskodai!





"Hindi kaba nilalamig? Labas pa 'yang likod mo." pagiiba ko





"Concerned ka?" nakangising tugon niya





Napairap ako. Bahala ka sa buhay mo. Manigas ka sana sa lamig dyan. Inam ka!





Hayy! Sarap talaga barahin ng babaeng 'to. Kaso takot ako. HEHE baka matuluyan ako ee. Wag naman sana.




"Hindi 'no. Tinatanung lang kita concerned agad?" giit ko





"What if, nilalamig nga ko. Papainitan mo ba 'ko?"






Kung may iniinom lang ako ngayon baka na naibuga ko na kay Penelope na nasa harap ko. Grabe sa pagkaprangka ang babaeng ito. Wala 'man lang kapreno preno sa mga pinagsasasabi.






"Nagugutom kaba? Ikukuha na lang kita ng pagkain baka gutom lang 'yan at kung anu-ano na sinasabi mo."





"What if gutom nga ko, papakain kaba?"





Maang na napatingin ako sa kanya. Ayan na naman siya. Sisimulan na naman tapos hindi tatapusin.





Eto pala gusto mo ha. Sige. Pagbibigyan kita.





"Pag pinakain ba kita, kakainin mo ba?" ganting tanong ko




Kita ko naman kung pano pamulahan ng mukha ang gaga. Napangisi ako sa loob loob ko.






"Damn you stupid! You're so gross. Go, get some food." namumulang tugon niya







Pigil ang tawang ginawa ko. Hanep na malupet! Kita mo 'tong ang galing niyang mang-asar pero siya pala itong pikon.






Dali dali naman akong umalis sa pwesto namin ng makitang ang sama na ng tingin niya sakin. Oo na! Kukuha na. Grabe kung makatingin ee. Akala mo lalamunin ako.






Well... Gusto ko 'yun. Hihi





Yuck! Ang baboy mo Miah. Kadiri ka!





Mabilis akong kumuha ng pagkain ng babaita. Syempre gulay at prutas ang kinuha ko. Mahirap na baka sa'kin pa niya ipaubos pag kumuha na naman ako ng lechong kawali. Nang makakuha ako ng pagkain namin bumalik din ako agad. Naabutan ko pang nakiki-epal na naman si Zodiac. Napasimangot ako. Hindi ba titigil ang tilas na 'to? Ang kati niya ah.





"Hey. Kain kana." bungad ko





Kunot noong tumingin naman siya sa'kin. Napatingin ako sa mapupulang labi niya. Gusto ko siyang halikan ngayon para ipaalam dito sa tilas na 'to na pakilayuan na ang lila ko.





"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya





Hinawakan ko siya baywang at hinapit papalapit sakin. Nakita ko pa sa peripheral vision ko na napakunot noo si zodiac habang nakatingin sa kamay kong nakapulupot ngayon kay lila. Ha! Magsawa ka sana sa kakapanood kung paano kami maging sweet nitong girlfriend ko.








Yiiee sarap naman sa ears.






Pero mas masarap kung totoo. Tsk!







"As long as I'm with you, I'm so much fine." nakangiting tugon ko






Napangiti ako ng makitang ngumiti din siya. Napaka ganda niya talaga lalo na kapag ganitong ngumingiti siya. Pakiramdam ko, mas lalo akong nahulog. Hulog na hulog na.







"Cheesy." nakangiting tugon niya





I pout. Tingnan lang natin kung gagana. Hihi






"Kiss?"





"Kiss your face Jeremiah."





Napakamot ako sa ilong ko. Wala talaga. Ayaw niya.





"Hindi na kita mapipilit pa?" tanong ko pa





Baka magbago pa isip ee. Try and try lang until I succeed.





"Still, no." sagot niya





Bagsak balikat na sinubo ko ang piraso ng apple. Buti pa 'tong mansanas. Hmp! Para kiss lang ee. Damot!








"Jeremiah! Ako na lang kiss sayo. Wala kang aasahan dyan kay Vi. Dalagang pilipina 'yan ee." singit ni Athena





Agad naman akong napabaling sa kanila at nakitang halos mga ngiting aso sila sa'min.





Magsasalita pa sana si lila ng sumabat ako.





"Sorry Athena. Ianthe's lips only I want." nakangiting tugon ko






"Woah! May nanalo na! Uwian na!" Cassandra said







Napailing ako dahil sa mga reaction nila. Naghahampasan sina Penelope at Venus habang nakanganga si Athena at pumapalakpak si Cass. Napatingin ako kay lila na nakangiting nakatuon ang pansin sa pagkain.





Magsasalita pa sana ako ng biglang magsalita ang emcee ngayong gabi.






"Good Evening Brandon students."





Hindi ko na pinansin ang sinasabi niya basta nakatuon lang ang pansin ko sa pagkaing nasa harap ko. Wala naman yan ibang sasabihin kundi enjoy the night and thank you for coming. Bahala siya dyan.






Narinig ko na lang na nagpalakpakan ang mga estudyante. Sandali akong sumulyap sa stage at doon ko nakita si Selene na magandang rumarampa sa gitna. Wow. Ang ganda niya. Naka suot siya ng long gown na pink na bagay na bagay sa kanya. Kaya pala hindi kasama nina lila si Selene dahil kailangan pa niya gampanan ang pagiging Queen of Brandon niya.






"Infairness ah, bagay kay Selene ang pink." puna ni Cass






"Yeah. I agree. Nagmukha siyang maamong tupa." Athena second





Napatingin ako sa kanila na manghang nakatingin sa kaibigan nila. Even lila, kitang-kita sa mga ngiti nila ang pagsuporta kay Selene.






"Hey" pagtawag ko dito sa katabi ko





"Hmm?"






"Matanong ko lang.. Hindi kaba naging kandidato para maging Queen of Brandon?"





Sandali naman siyang tumingin sakin. "Nope." maikling sagot niya





Napakunot noo ako. Bakit naman? Sayang. Dapat sumali na lang siya.





Pero mas maganda na palang hindi na siya sumali. Baka mas lalong dumami ang karibal ko sa babaeng 'to.





"I'm not interested."





Napangiti ako.




Good lila! Tama yan.





"Hello Everyone."






Napatingin ako sa pinagmulan ng boses na 'yun. Nakita ko si Dike na cool na nakaharap sa'min. Wow. Ang cool niya. Nakita ko din si Thalia na nakangiting nakaupo kaharap ang mga drums. Wala sa sariling napangiti ako ng kumaway sa'min si Dike at Thalia. Ang astig nilang dalawa.







"Alam kong kilala na ko ng iba sa inyo, pero magpapakilala ulit ako." panimula niya "I'm Dike Vanessa Owens. A beautiful and lovely vocalist of this band." and she winked






Napailing na lang ako. Napaka pilyo talaga ng babaita. Habang ang mga estudyante dito. Panay ang sigawan na akala mo'y wala ng bukas. May naririnig pa kong sumisigaw ng 'i love you' kay Dike. Mayron din na sinisigaw ang pangalan ni Thalia.





"Enjoy the night Brandon students. This is our night!" dagdag pa niya






Nakatingin lang kami sa kanila na nagsisimula ng tumugtog. Ewan ko ba pero sobrang naaastigan talaga ko sa banda lalo na kung puro babae sila. Katulad na lang ngayon. May tatlo pang babaeng kasama sina Dike at Thalia at talagang naaamaze ako sa nakikita ko.






"Amazing right?" bulong ni lila






Nakangiting humarap ako sa kanya. "Yeah. Pero mas nakaka amaze kung ikikiss mo ko."







Sabi ko naman sa inyo. Try and try until I succeed. Wag sumuko. Laban lang ng laban. Pagdasal na lang natin na bumigay siya. Hihi







"Kiss your ass stupid." natatawang tugon niya







Napanguso na lang ako bago humarap sa unahan. Bahala siya dyan! Kiss lang naman ee.







I won't lie to you
I know he's just not right for you
And you can tell me if I'm off
But I see it on your face
When you say that he's the one that you want






Halos malaglag ang panga ko ng marinig ko ang boses ni Dike. Dang bangis! Akalain mong maganda pala ang boses ni bruha. Wow talaga.








And you're spending all your time
In this wrong situation
And anytime you want it to stop






Napakunot noo ako.






Ako lang ba? Ako lang ba nakakapansin na parang ang lungkot ng mga mata niya? Ako lang ba o namamalikmata lang ako?






I know I can treat you better
Than he can
And any girl like you deserves a gentleman
Tell me why are we wasting time





On all your wasted cryin'
When you should be with me instead
I know I can treat you better
Better than he can







"Tssk. So much martyr." Saad ni lila






"Magpinsan talaga kayo Pen. Mga martyr." segunda ni Cass






"Shut up Cass! Huwag mo kong idamay dyan." pikong ganti naman ng isa.






I guess, hindi lang ako nakapansin. Ibang iba si Dike ngayon sa Dike na kilala ko. Punong puno ng lungkot ang mga mata niya habang kumakanta siya.






I know I can treat you better
Better than he can, oh oh
Better than he can
Better than he can






Napailing na lang ako. Paniguradong may problema ang isang 'to.




"Woah! Grabe. Hindi ko akalain na ganun parin kaganda ang boses ko. Am I right guys?" hambog na saad ni Dike






Kung kanina gusto kong maawa sa kanya, ngayon parang ayaw ko na. Maganda naman talaga boses niya. Hindi na niya kailangan ipangalandakan pa.





"Tsk. Ang yabang."





Napapangiting humarap ako kay lila na busy sa pag inom ng wine.






"Why are you staring at me?" taas kilay niyang tanong









Eto na naman po tayo. Balik na naman siya sa suplada mode niya. Tssk. Hihirit pa naman sana ako ng kiss. Kaso wag na lang. Baka kamay pa niya ang dumampi sa labi ko imbis na labi niya.






"Bawal? Masama?" sagot ko






Sasagot pa sana si lila ng bigla kaming makarinig ng tila malademonyong tawa mula kay Dike.






Kita ko kung pano lumaki ang ngisi ng bruha. Teka. Ano bang mayron?








"So, Brandon students. Wala naman siguro masama kung tatawagin natin ang taong kaisa-isang nagpatibok sa puso ng mataray at ubod ng sungit kong pinsan."






Napalunok ako. Pinagpawisan ako ng malamig dahil sa kalokohang naisip ni Dike. Juskopo. Wala sa plano ko ngayong gabi ang magpasikat. Bwisit ka Dike. Humanda ka sakin.







"No other than, Jeremiah Garcia."







Napatampal ako sa noo ko. Damn it! Ngayon lang ako mapapahiya ng ganito sa buhay ko. Hindi ko pa nararanasang kumanta sa harap ng madaming tao. Kung si Lauren nga, galit na galit pag naririnig ang boses ko, pano pa kaya ngayon? Argh!








"Jeremiah"







Napatingin ako dito sa katabi ko. Pano na?







"Go please. Sing for me." nakangiting dagdag niya








Argh! Nanay! Please help me!






Hindi ba niya alam na anxiety victim ako? Anak talaga ng teteng oh!






Wala sa sariling tumayo ako at naglakad papalapit sa stage. Hindi ko magawang tumingin sa mga estudyanteng nakatingin sakin. Hulaan ko, karamihan sa kanila pinapatay na ko sa isipan nila.






Pasimple kong kinurot sa tagiliran si Dike ng makalapit ako sa kanya. Napaigtad naman siya. Kulang pa 'yan Dike! Makakatikim ka talaga sakin ng sapok.







"Humanda ka sakin Owens." madiin kong saad






Kita ko namang napalunok ang gaga. Humanda ka talaga. Sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha kay Zodiac. Hmp!






"What song Jeremiah?" nakangiting tanong sakin ni Thalia





Sandali akong napaisip. Anong kanta ba?







"Banyo Queen." nakangising sagot ko






Kita ko naman ang biglang paglaki ng mga mata nila. Gustong gusto kong matawa pero pinigilan ko lang. Hinarap ko si Thalia na nakangiti sa'kin. Alam kong magegets ako ng taong 'to. Kinindatan ko lang siya na kinangiti niya.






Agad akong humarap sa mga estudyanteng matamang naghihintay ng gagawin ko. Sandali ko pang sinulyapan si lila na mariing nakatingin sakin. I sighed.






I want you close to me
I want you close, I want you closer

But when you're here with me
It's hard to tell just what you're after

You say, you want all of me today
But tomorrow's not the same
My feelings never change






Kinakabahang simula ko.






Nakita ko pa kung paano ngumiti ng malaki sakin si Jazmine habang nakatutok sa'kin ang cellphone niya. Gusto ko siyang irapan sa pagkakataong ito pero hindi ko magawa-gawa.






Sumulyap naman ako sa pwesto nina lila at ewan ko kung nakanganga ba si Athena at Cass dahil sa pangit ang boses ko o maganda.




What do you want from me?
What do you want? Uh

I need to know
If this is mutual
Before I go
And get way too involved
I want you bad
Can you reciprocate?
No, I don't want to have to leave
But half of you is not enough for me





Napapikit ako.




Shet ang saket!





This inconsistency
What doesn't mean you got me questioning
The way you act and take it back, do I mean anything?
Just tell me honesty

You say, you want all of me today
But tomorrow's not the same
My feelings never change

What do you want from me?
What do you want? Uh





Hinanap ng mata ko si lila. Ganun parin, katulad kanina mariin parin siyang nakatingin sakin. Hindi ko mabasa ang mga tingin niya.




I need to know
If this is mutual
Before I go
And get way too involved
I want you bad
Can you reciprocate?
No, I don't want to have to leave
But half of you is not enough for me





Argh! Bakit ba ko napunta sa pwestong 'to? Dapat pala talaga nagpahinga na lang ako sa Dorm. Nakakahiya ang pinaggagawa kong ito.




Are you playing me
Is this a game?





Please Ianthe. Tell me na hindi na tama ang kanta ito. Sabihin mo sakin na hindi pinaglalaruan ang nararamdaman ko para sayo. Sabihin mo sakin na mahal mo din ako. Please.




When you show up late
Say love at 2 AM
Then tell me you can't say
Girl, yeah




Never in my life na mahuhulog ako sayo. Ni hindi nga pumasok sa isip ko ang tungkol sa pakikipag relasyon. Tapos ngayon, isang umaga pag gising ko ikaw na tinitibok ng puso ko.




What do you want from me?





Ano ba talaga lila? Ano ba talaga ang kailangan mo sa'kin?






Baby ohhh, I need to know
If this is mutual
Before I go
And get way too involved
I want you bad, baby
Can you reciprocate?





Nilabanan ko ang titig na binibigay niya sa'kin.




No, I don't want to have to leave
But half of you's not enough for me






Please Ianthe. Tell me..






Tell me na pareho tayo ng nararamdaman.






Sabihin mo sakin...







Na mahal mo din ako...







Please..
---

Continue Reading

You'll Also Like

59.9K 2.1K 21
Aerin Sandiego Faith Chandra Ramirez Warning: gxg story
884K 32.6K 53
β™”οΈŽπ“π‘πž π‘π¨π²πšπ₯ 𝐀π₯𝐩𝐑𝐚 𝐊𝐒𝐧𝐠 & π“π‘πž πŒπšπ­πžβ™”οΈŽ βπš†πš‘πšŠπš πš‹πš›πš˜πš”πšŽ πš’πš˜πšžπš› πš‘πšŽπšŠπš›πš 𝚜𝚘 πš‹πšŠπš? πšƒπš‘πšŠπš 𝚒𝚘𝚞 πš‘πšŠπš 𝚝𝚘 πšŒπš•πš˜οΏ½...
42K 1.3K 21
I'll only use you Tyler! Ginamit lang kita at alam ng mga kaibigan ko yon! - Zandra Ruiz Mercado I know I'll let you use me baby.... gamitin moko ha...
32.8K 635 55
It's all about the professor and her student, The student Her has been obsessed with and has been chasing since SeΓ±ior high school. when they meet ag...