Ruthless Casanova #2.1 [COMPL...

Galing kay Mavidzon_1120

45.2K 1K 16

UW SERIES #2: KEVIN PERALTA BTS Park Jimin as Kevin Dale Peralta G-FRIEND Hwang Eunbi as Leanna Agustin A cas... Higit pa

Author's note
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Announcement

Chapter XXXII

603 14 0
Galing kay Mavidzon_1120

MASAYA si Leann habang pinagmamasdan ang mukha ni Kevin. Masyado itong nagulat sa ginawa niya sa binata. Eh bakit niya ba kasi 'yun ginawa?

Alam ni Leann na hindi makapaniwala si Kevin sa ginawa niya, kahit nga siya ay hindi makapaniwala sa nagawa.

"Tsk. Masyado nagulat ha! Bakit hindi na ba pwedeng gumanti?" Aniya kay Kevin.

"Hahalikan mo ba ako ulit kapag nagmura ako?"

Tumikhim siya at sinagot ang binata. "Hmm. Depende"

"Eh bakit namann! Dapat pumayag ka! Ikaw palang ang binibigyan ko ng pahintulot para halikan ako. Tsk" maktol sa kaniya ng binata.

"Na-carried away lang ako kanina kaya kita nahalikan no" aniya at inirapan ito.

"Carried away pa ba ang tawag dun? Eh dalawang beses mo kaya akong hinalikann!!"

Hindi niya mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang mukha ni Kevin. Bakit ba ang cute niyang tignan? Nag mumukha kasi itong bata dahil sa ginawa.

"Eh basta depende 'yun." Sagot niya. "Tara na, baka may teacher na tayo" aniya at hinila na ang binata.

Nagulat siya ng bigla nitong hinawakan ang kamay niya at ginaya habang naglalakad. "Mas masarap ganto maglakad" aniya at itinaas ang kamay nilang magkahawak.

Hindi magawa ni Leann na alisin ang pagkakahawak sa kaniya ng binata. "B-baka may makakita satin" nag-aalala niyang sabi.

"Edi mas maganda" sagot ni Kevin sa kaniya.

Hinayaan ni Leann si Kevin hanggang sa makarating sila ng room. Ewan pero nakakardam siya ng kilig sa ginawa ni Kevin... Masyadong malakas ang kabog ng dibdib niya habang magkataob ang kamay nila.

Binitawan siya ng binata at pumasok na sa loob ng room. "I like you so much, Lena" bulong niya sa tenga nito bago sila tuluyabg makapasok.

*dugdugdugdug*

Hindi mapigilan ni Leann na mamula dahil sa sinabi ng binata sa kaniya. Hindi niya narin alam kung bakit siya apektado kay Kevin..

Bakit siya nakakaramdam ng kilig?

Bakit lumalakas ang kabog ng dibdib niya habang malapit sa kaniya ang binata?

Bakit ang sarap sa pakiramdam na kasama niya ito?

Bakit hinayaan niyang hawakin ni Kevin ang kamay niya?

Bakit hindi niya mapihilan ang sarili kanina at nagawang halikan ang binata?

Marami ang tanong sa isip ni Leann pero hindi niya ito masagot. Kahit siya mismo ay naguguluhan na sa nangyayari.

Hindi niya akalain na makakaramdam siya ng ganun...and worst kay Kevin pa.

Nahulog na ba siya sa binata?

PAGTAPOS ng pang-umagang klase ay kaagad na tumungo si Kevin sa harapan ng QA, Tinext kasi siya ng Tito niyang si Leandro na magkita dun.

Hindi niya alam kung bakit siya nito pinapapunta dun..

Ano kaya ang rason nito? Mabilis siyang tumungo sa Café kung saan nasa harapan ito ng QA. Hinanap niya ang Tito niya at ng mahanap ito ay umupo siya sa harapan niya.

"Tito. Bakit gusto niyo po akong makausap?"

"Nandyan ba si Claire sa loob?" Tanong nito at tinuro ang eskwelahan.

"Yes po, Tito"

"Kevin" sabi ng Tito niya at tinitigan ito ng seryoso. "Pwede ba akong humingi ng pabor sa'yo?"

Ngumiti siya sa dito. "Sure Tito. Ano po 'yun?"

"Pwede bang ihatid mo si Claire mamaya sa bahay? Sasabihin na namin ang totoo ngayon sa kaniya"

Hindi alam ni Kevin kung ano ang mararamdaman niya sa sinabi ng Tito niya. Matatanggap kaya siya ni Leann patapos niyang sinikreto sa kaniya ang nangyari?

"S-sure po Tito" sagot niya.

Pagtapos ng ilang oras ay natapos narin sa wakas ang pang-hapon nilang pasok. Lumilipad ang isip ni Kevin habang hinihintay ang oras na matapos.

Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ni Leann ang totoo?

Kaagad niyang pinuntahan ang dalaga habang nagaayos ito ng gamit niya. "Sabay na tayong uwuwi, Lena" sabi nito.

"Wag na. Magtataxi nalang ako. Ilang beses mo na kaya akong hinatidd!"

"Tsk. Wag kanang magreklamo diyan" aniya at hinila na si Leann papalabas. "Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo"

"As if naman na may magagawa pa'ko?"

Naglakad sila papuntang parking lot at sinakyan ang nakaparada nitong mustang. "Lena"

"Hmm?"

Hindi parin mapakali si Kevin. Ano nalang kaya ang sasabihin ni Leann sa kaniya pagtapos malaman ang totoo? "Please don't hate me" out of the blue niyang sabi kaya napakunot-noo ang dalaga sa kaniya.

"Tsk, bakit naman? FYI lang Kevin. Matagal na kitang kinamumuhian"

"I'm serious, Lena" aniya at tinitigan ang dalaga. "Ayokong nagagalit ka sakin. Please, wag mo na ulit akong kamuhian"

Ngumiti sa kaniya ang dalaga. "Drama mo ha? Epekto ba yan ng kiss ko sa'yo?"

Napangiti siya sa sinabi ni Leann at hinalikan ito ng mabilis sa labi. "Oo. Nakakaadik kasi ang halik mo" aniya matapos ang paghalik.

Nakita niyang namula ang pisngi ng dalaga. "Sumosobra kana!! Hindi naman ako nagmumura ahh!"

Tumawa lang siya at inumpisahin ng buhayin ang makina ng sasakyan. Mabilis silang nakarating sa bahay ng 'Miranda', pagkarating dito ay ipinarada niya ang sasakyan. "Tara na" aniya at lumabas ng kotse.

Mabilis siyang sinundan ni Leann. "T-teka nasaan tayo? Akala ko ba ihahatid moko?" Takang tanong ni Leann sa kaniya.

"Oo. Eto hinatid nakita" aniya at hinawakan ang kamay ni Leann at pumunta sa loob ng bahay.

"T-teka, Kevin. Trespassing tayo! Hindi dapat tayo pumapasok sa bahay ng iba—"

"It's your house, Claire" napahinto si Leann sa pagsasalita ng biglang sumulpot si Tito Leandro, kasama nito ang asawa niyang si Tita Annie.

HINDI maintindihan ni Leann kung bakit siya tinawag na 'Claire' ng lalaking nasa harapan nila. Hindi siya maaaring magkamali, sa kaniya ito nakatitig— teka bakit tinawag siya nitong 'Claire?

"Hindi po ako si Claire. Ako po si Leann" pagtatama niya sa sinabi ng lalaking nasa mid-age na. "Paumanhin po kung pumasok kami rito ng walang paalam. Sorry po" aniya at akmang hihilain si Kevin ng magsalita ito.

"Bahay mo 'to, Lena" sabi ni Kevin sa kaniya kaya napatigil siya sa paghihila dito..

Naguguluhan si Leann kung bakit tinawag siyang 'Claire' ng lalaki at bakit sinasabi nilang bahay niya ito. "H-hindi ko kayo maintindihan" aniya.

"We're your biological parents, Claire" sabi naman nung babaeng kasama nung lalaki. Mukha silang mag-asawa. Pero teka anong sinabi niya?

"I'm Annie Miranda, your mother. And this is your father, Leandro Miranda. Kami ang tunay mong mga magulang, Claire"

Hindi makagalaw si Leann sa kinatatayuan niya.

Biological parents niya ang nasa harapan niya? Impossible! Patay na ang mga magulang niya. "Sorry pero mali po kayo ng sinasabi. Hindi po kayo ang magulang ko, Patay na po sila"

Linapitan siya nung Leandro. "Please, Claire. Maniwala ka samin..Ikaw ang nawawala naming anak. Hindi mo totoong magulang ang kumupkop sa'yo dahil kami ang totoo mong mga magulang"

Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng lalaki kaya tinignan niya si Kevin "A-anong sinasabi niya?" Tanong niya sa binata.

"He's telling the truth, Lena. Sila ang tunay mong mga magulang. Ampon ka lang ng kinalakihan mong mga magulang, They are your true parents, Your biological parents."

Parang napantig ang tenga ni Leann sa sinabi sa kaniya ni Kevin. "I-imposible. K-kahit kailan hindi ko alam na ampon ako. W-wala sinabi sina nanay na ampon lang ako kaya imposible!"

"That's the reason kung bakit hindi mo nalaman at hindi ka kaagad namin nakuha, Claire. Ang buong akala namin ay patay kana pero hindi pala... Ilang beses naming kinausap ang pamilya mo na ibigay ka nila samin pero hindi sila pumayag. Pinagkaitan nila kami ng karapatan sa'yo, Anak"

Napailing siya. "H-hindi. Hinding hindi magsisinungaling ang mga magulang ko sakin"

"Kung ayaw mong maniwala, You can call your sister.. Alam niya na hindi ka niya tunay na kapatid"

P-pati ang ate niya ay alam ang totoo?!

"B-bakit hindi niyo kaagad sinabi sakin?" Aniya at tinignan ang dalawa haggang sa mapatingin siya kay Kevin. "Matagal mo ng alam? Bakit hindi mo sinabi kaagad sakin?" tanong niya sa binata.

"I can't. Wala ako sa posisyon para sabihin 'yun"

"Claire" tawag sa kaniya nung Annie. "Hindi namatay ang kinilala mong mga magulang ng dahil lang sa aksidente"

"W-what do you mean?"

"K-kami ang rason kung bakit naman silang dalawa" dagdag pa nito kaya mas lalo siyang nabigla.

"Ilang beses naming kinausap ang mga magulang mo na ipakilala kami sa'yo pero ayaw nila, wala silang balak na ibigay ka samin kaya naman idinaan na namin ng daddy mo sa rahas."

"Nag-tatrabaho sila sa kumpanya natin at nalaman na mag-reresigne ang dalawa para tuluyan kang ilayo samin. That day may inutusan ang daddy mo na huliin ang mga magulang mo at dalhin sa kulungan...

"Hindi na kasi tama ang ginawa nila. Ilang beses namin silang kinausap pero wala silang ginawa kaya naman napagdesisyunan namin na ipakulong ang dalawa, pero hindi 'yun nangyari dahil nanlaban ang mga magulang mo... Kaya ayun hindi na napigilan ng daddy mo na barilin ang dalawa dahil kung hindi, ang daddy mo ang mapapahamak—

— pinalabas namin na pagsabog ang rason kung bakit sila namatay para hindi makulong ang daddy mo sa nagawa niya"

Hindi na napigilan ni Leann na maluha...

Masyadong masakit ang mga nalaman niya...

Sobra ang galit at hinanakit niya ng malaman na namatay sila pero mas masakit malaman na ang tunay na magulang niya ang pumatay sa kanila...

×××××

Kakawa si Leann:(
Continue reading!💖
#theTruth

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

103K 4.6K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
73K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
371K 11.4K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...