Taming the Heat (La Grandeza...

Av JosevfTheGreat

2.1M 54.2K 31.2K

To transform her family's life from rags to riches, Cari is determined to focus on her studies and set the id... Mer

Announcement
Taming the Heat
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
La Grandeza Series #3
Special Chapter
Special Chapter [Christmas Special]

Kabanata 7

35.7K 1K 435
Av JosevfTheGreat




Do

Tahimik lang si Dino na iniinom ang isang bote ng beer habang nakatingin sa kawalan. Ako naman ay abala lang sa pagkain ng cheese rings at pinapakinggan ang pinaguusapan nina Cassie.

"Kasi, may new friend ako, like hindi naman sa hinuhusgahan ko siya pero kasi medyo ang uncomfortable ng actions niya..." sabi ni Cassie.

"Ano bang ginagawa niya?" sabi ni Natasia.

"Bigla na lang siyang manghahamapas at manunulak. No'ng umiinom ako ay ginalaw niya 'yung tubigan ko, which is I find uncomfortable since hindi pa naman kami gano'n ka-close..." ngumuso si Cassie at sumimsim sa kaniyang cuervo.

"Dino..." napatingin agad sa akin si Dino nang tawagin ko siya. Akala ko kasi nakatulala siya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit ang tahimik mo?" sabi ko.

He licked his lips. "Wala lang, I am not in the mood to talk... why? We can talk kung gusto mo ng kausap... are you bored ba?" umaliwalas ang kaniyang mukha and his voice was soft.

"Oo, medyo, kaso ano naman pag-uusapan natin?" sabi ko kaya humalakhak siya.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin sila sa amin pero binaliwala ko.

"I know. Kaya nga hindi rin ako nagsasalita..." sabi niya habang nakangiti pa rin.

"Ang sweet naman. May sariling mundo!" ani Raflesia kaya nilingon ko siya at kinunotan ng noo.

"Hi Dino... player ka ng UST?" sabi bigla ni Natasia at tuluyang nawala ang ngiti ni Dino.

He nodded at uminom ng beer. Ayaw niya talaga ro'n sa babae...

"May girlfriend ka na?" malambing na tanong ni Natasia.

"Yeah..." tipid niyang sagot habang nakatingin kay Natasia.

"Oh, is she your girlfriend?" turo niya sa akin habang nakangisi.

"She will be."

Natasia chuckled kaya nakitawa na rin sina Raflesia para hindi awkward.

"Pabayaan mo 'yan si Dino. May period kasi 'yan ngayon kaya masungit... mas masungit siya kaysa kay Lucas pero may times na sobrang sungit din ni Lucas, kambal talaga eh..." sabi ni Raflesia at umiling pa.

Natawa kami ni Cassie dahil totoong napakasungit nitong dalawang 'to pero never akong sinungitan ni Dino. Palaging maaliwalas ang mukha niya kapag naguusap kami, parang he never gets irritated with me.

"He's hot... hindi pa naman pala girlfriend e, so may chance pa." Napatingin ako kay Natasia nang sabihin niya 'yon at nakatingin siya kay Dino.

Tumaas ang kilay ni Dino. "No, I am not interested."

"We will see about that, why don't you sit here sa tabi ko?" nakangisi si Natasia nang sabihin niya 'yon.

Dino scoffed. "I am not intereste. Just talk to them..." matigas na pagkakasabi ni Dino kaya nagkibit balikat si Natasia.

"Ang sungit ng kambal mo pero I can say na wala siyang taste sa babae..." ani Natasia kay Lucas.

"Anong sinasabi mo?" nahimigan ko sa boses ni Dino na kapag inulit ni Natasia 'yung sinabi niya ay mas lalo siyang magagalit.

Natasia chuckled. "There we go, gusto ko 'yung mga ganiyan... masungit sa una. Boys are the same, isa lang ang gusto nila kaya just like you... isa lang din ang gusto mo," aniya at ngumisi.

"Yeah it might be, but exclude me. Girls are girls but they are different, you and Cari are too different... and that's why I like her because she's not like you..."

Uminom ng beer si Dino at umiwas ng tingin. Natasia scoffed at tumayo.

"Wow, that was rude... but I am out!" aniya at kinuha ang bag niya at umalis na lang.

Humalakhak sina Cassie at Raflesia kapag ka-alis ni Natasia. Siya 'yung unang nang-provoke tapos si Dino pa 'yung rude?

"Sunog na sunog!" sabi ni Raflesia habang tumatawa.

Umiling si Lucas at natawa na lang din. He knows Dino na kung ano ang gusto ni Dino. Papanindigan niya 'yon and no one can stop it.

Nag-order na si Cassie ng Jack Daniels at nagsimula na rin maki-inom si Dino sa kanila.

Lumipas ang oras na nagiinuman sila at ako ay kumakain lang ng cheese rings. Lasing na si Dino atsaka si Lucas at ako na lang ata 'yung hindi lasing.

"Cari!" sabi ni Dino.

Nandoon na siya sa tabi ni Lucas. Namumula ang kaniyang pisngi at nakangisi pa.

"Mahal kita..." his voice really sounded drunk.

"Lasing ka na, Dino," sabi ko kaya humalakhak siya.

"Ang ganda mo, ang bait mo... I am just so in love with you." Tumuwid siya ng upo at tinitigan ako.

He looks serious pero alam ko lasing na siya. Nakasandal lang si Lucas sa balikat ni Dino dahil kanina pa siya umiinom.

"Girl, sagutin mo na!" napapikit ako sa pagsigaw ni Raflesia sa aking tainga.

"Oo nga!" sabi ni Cassie.

Tumayo si Dino at bahagyang pagewang-gewang na siya. Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako.

"Sa akin ka na lang, Cari... dali na!" aniya at humalakhak.

Nakitawa rin ako sa kaniya at hinawakan niya ang baywang ko. Inilapit niya ako sa kaniya at tiningnan ang labi ko.

"Alam mo, gusto kita halikan dati pa pero baka mandiri ka sa akin e. Sabihin mo, 'yun lang ang habol ko sa'yo..." ngumuso siya at humalakhak.

Hindi siya madalas tumatawa kaya alam kong lasing na 'to. Suminghap ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa aking baywang pero mas humigpit pa ang pagkakahawak niya ro'n.

"Kiss na 'yan!" sabi nina Raflesia.

Si Lucas ay tumba na at nakahiga na sa sofa.

Hinawakan ko si Dino sa balikat niya nang nilalapit na niya ang kaniyang mukha sa akin.

"Dino, lasing ka na... iuuwi ko na nga kayo. Mga bwisit kayo," sabi ko at sinandal si Dino sa back rest ng sofa.

Pumikit si Dino, mukhang nakaramdam na ng pagkahilo. Umiling na lang ako at tiningnan si Raflesia.

"Hoy, samahan mo akong iuwi 'tong mga 'to. Lalo na 'tong kambal na 'to..." sabi ko kaya humalakhak siya.

"Sino ba lagi mong kasama mag-uwi niyan? Ako lang naman... okay pa ko girl. Kaya ikaw na mag-uwi sa kambal at ako na ang mag-uuwi kay Cassie. Gamitin mo 'yung kotse ni Dino at gagamitin ko ang kotse ni Lucas," sabi niya.

"Hindi pa ako lasing!" sabi ni Cassie pero nakahiga na siya.

"Tara na," sabi ko.

Suminghap ako at tiningnan si Dino na nakatitig na ngayon sa akin. Seryoso lang siya kaya napalunok ako. His eyes are much more attractive kapag taimtim ang titig niya sa akin.

"Umuwi na tayo, Dino..." sabi ko kaya ngumisi siya.

"Yes love, uwi na tayo..." aniya at mahinang humalakhak.

Umiling na lang ako at tumayo na. "Asaan na 'yung susi ng kotse mo?" sabi ko.

"Sa bulsa ko..."

"Akin na. Iuuwi ko na kayo ng kambal mo..." sabi ko at nilahad ang aking palad.

He chuckled. "Get it, ingat ka lang baka may iba kang mahawakan..." ngumisi siya.

Namula ang pisngi ko at umirap. "Akin na, ikaw kumuha!" sabi ko kaya mas lalo siyang humalakhak.

Kinuha niya 'yon sa bulsa niya at binigay sa akin. Mabuti ay hindi siya makulit at hindi niya kine-claim na he can drive...

"Raf, bantayan mo muna si Lucas... ihahatid ko lang si Dino sa kotse tapos kukuhanin ko si Lucas," sabi ko.

Tumango siya at hinawakan si Dino sa braso atsaka 'yon inakbay sa akin. Tumatawa si Dino habang naglalakad kami papalabas ng bistro.

He's really drunk. He never laughs this much kaya alam kong lasing na siya at bukas ay ipapa-alala ko sa kaniya 'yung mga ginawa niya.

"Hey Miss, iwanan mo na 'yan sama ka sa amin..." narinig ko ang boses ng isang lalaki sa gilid.

Nasa parking na kami. Hindi ko 'yon pinansin pero nilingon ni Dino.

"Miss, sexy mo naman... tara na..." napapikit ako nang mariin.

"Hoy! Bastos ka ah! Huwag mong binabastos girlfriend ko!" aniya at sinusubukan pumiglas sa pagkakahawak ko.

"Tara pagtulungan natin. Matapang e... tapos kuhanin natin 'yung babae..."

Kumalabog 'yung dibdib ko at binilisan ang paglalakad. Hinila ko si Dino papunta sa Aston Martin atsaka 'yon pinatunog nang natanaw ko.

Mas lalong kumalabog ang dibdib ko nang naririnig ko na ang mga yapak nila mula sa aking likuran.

"Don't worry, I am here..." nilingon ko si Dino at seryoso siya. Parang nawala lahat ng alak sa katawan niya sa ekspresyo niya ngayon.

"No one can hurt you... I will protect you..."

Binaliwala ko 'yung sinabi niya. He's like this at nagagawa naman niya pero iba 'yung pakiramdam ko ngayon kaya mas binilisan ko ang lakad ko.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse patungo sa front seat at iniupo ro'n si Dino atsaka 'yon sinarado.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita ko na sila na pumalibot sa kotse, lima sila...

Mabilis akong umikot sa driver's seat pero hinarang ako no'ng isang lalaki. Nginisian niya ako kaya sinuntok ko 'yung mukha niya, hindi ko alam kung malakas na 'yon pero todo ko na 'yon.

Tinulak ko siya atsaka kumaripas ng takbo papuntang driver's seat pero bago ko pa maisarado 'yung pintuan ay pinigilan 'yon no'ng dalawa pa niyang kasama.

Hinila ako no'ng lalaki kaya napasigaw ako pero bago pa ako mahawakan no'ng isang lalaki ay biglang may sumuntok sa kaniya. Nanginginig na ako sa takot at napapikit na lang ako.

Tanging ang mabilis na pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko habang nakapikit. Unti-unti akong dumilat at nagulat ako nang nakita kong nakatumba na 'yung mga lalaki sa sahig at hindi makatayo.

Tiningnan ko si Dino na nakahandusay rin sa sahig. What happened? Umiling ako at binuhat si Dino na nakahiga sa tapat ng nguso ng kotse.

Ipinasok ko ulit siya sa loob at inilibot ko ang tingin ko. Si Dino ba 'yung nagpatumba nitong mga 'to? I sighed bago isinarado 'yung pintuan ng kotse.

Umikot na ako papuntang driver's seat. Natulala ako sa manibela... I am sure it wasn't Dino, maybe some random guy na napadaan tapos nakitang pinagtutulungan ako... Yeah, it can be.

But I heard the guy cursing habang nakapikit ako. It was like a familiar voice pero... it can't be right? That's impossible.

Pinaandar ko na ang kotse at maluwag na ang kalsada dahil alas dose na ng madaling araw.

Tiningnan ko si Dino na mahimbing na ang pagtulog. Iniisip ko pa rin kung sino 'yung lalaking tumulong sa akin kanina pero hindi naman tama ang iniisip ko 'di ba? It can't be Ross... anong ginagawa niya rito ng madaling araw?

It is just too impossible... pero boses niya ang narinig ko. Yeah, baka guni-guni ko lang... baka kaboses lang ni Ross. He's somewhere but I am sure he's not here in Manila... kasi kung andito siya, we are living in Manila so definitely our paths can cross.

Kapagkarating ko sa condo unit ni Dino ay bigla akong napapikit nang mariin. Where's his card?

Iniupo ko siya sa sahig at sinandal sa pader. Humugot ako ng malalim na hininga bago kinapa sa bulsa niya.

"Where the heck is his card?" bulong ko sa sarili ko habang kinakapa.

Napakagat ako sa ibaba kong labi nang nakapa ko 'yon atsaka ko ipinasok ang kamay ko sa kaniyang bulsa.

Nang nabuksan ko na ang unit niya ay buong pwersa ko siyang binuhat dahil he's heavy! Papagalitan ko 'to bukas, ang hirap maging tagauwi ng lasing na kaibigan...

Sinarado ko ang pintuan at tumunog 'yon na nagpapahiwatig na na-lock na 'yon. Ang bagal ko maglakad dahil sobrang bigat ni Dino.

Hinihingal na ako nang nakarating ako sa kwarto niya. Konti na lang Cari, mararating mo na 'yung kama ni Dino.

Binagsak ko si Dino sa kama niya. Napahawak ako sa baywang ko at ini-stretch ang aking leeg...

Pakiramdam ko nagbuhat ako ng dalawang jug ng tubig. Inayos ko ng higa si Dino atsaka binuhat ang kaniyang ulo papahiga sa kaniyang unan.

"Good night! Bwisit ka! Napagod ako!" sabi ko habang kinukumutan siya.

Tiningnan ko siya bago ako naglakad papalabas ng kaniyang kwarto. Nilapag ko ang kaniyang key card sa center table ng kaniyang living room.

Pumunta muna ako ng kusina niya para maki-inom. Binuksan ko ang ref niya and I saw some protein shakes at puro mga rich in protein ang mga pagkain niya. Ngumuso ako at kinuha ang babasagin na pitchel.

"Ross' refrigerator is just like Dino's, puro mga pang pa-muscle rin..." sabi ko habang nagsasalin ng tubig sa isang baso.

Habang umiinom ako ng tubig ay bigla ay bigla akong napaisip. Andito kaya si Ross sa Manila? Kung andito siya, saang university siya nag-aaral?

Pagkatapos kong uminom ay binalik ko na sa ref ang pitsel at sa lababo naman ang basong ginamit ko atsaka ako tuluyang lumabas ng unit ni Dino.

Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong nag-vibrate at nakita ko ang text mula kay Raf.

Raflesia: Ako na maghatid kina Cassie at Lucas. Umuwi ka na...

I sighed. I am actually tired na rin. Nagtipa ako ng sagot kay Raf.

Cari: Sige, thank you. Ingat kayo...

Nag-text na rin ako kay Kuya na pauwi na ako. Nag-jeep na lang ako pauwi at papikit-pikit na ako sa jeep dahil sa nararamdaman kong antok...

Kapagkarating ko sa bahay ay para akong nagising dahil sa mga sigawan na nagmumula sa loob.

Anong nangyayari?

Kapagkapasok ko ay nakita ko si Papa atsaka si Mama na nag-aaway. Napatingin sila sa akin at napakunot ang noo ko.

"Anong nangyayari?" sabi ko.

"Ang sinasabi ko sa'yo Mel, bakit ka nakikipag kita ro'n? Mukhang balak ka pa ata no'n agawin sa amin!" sabi ni Papa kaya napatingin ako kay Kuya na nakahawak sa sentido niya.

"Hindi ko nga 'yon lalaki! Ang kulit mo! Kung hindi mo ako kayang pagkatiwalaan, mas mabuti pang umalis na lang muna ako sa bahay na 'to at babalik na lang ako kapag natutunan mo na ako pagkatiwalaan..." sabi ni Mama kaya napa-abante ako.

"Ma, ano bang nangyayari? Bakit kayo nag-aaway?" sabi ko habang lukot ang mukha.

"Tanungin mo na lang sa Papa mo, anak... aalis muna ako pero hindi ko kayo iiwanan... magpapalamig lang si Mama, okay?" sabi niya at kinuha ang mga mahahalagang gamit niya.

Wallet, phone, charger at bag. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at pinanood lang namin si Mama na umalis sa bahay.

Mas mabuti pa nga na magpalamig muna siya dahil hindi titigil 'tong away nila.

Napaupo si Papa sa sofa kaya lumapit ako sa kaniya at umupo sa katabing solo chair sofa.

"Ano bang nangyari, Pa?" sabi ko.

"Nakita ko sa phone niya na may ka-text siyang iba at kakauwi niya lang din... nakipag kita siya ro'n sa lalaki niya..." nakatungo si Papa habang sinasabi 'yon.

Kumunot ang noo ko. "Hindi magagawa 'yon ni Mama. Hindi siya manglalalaki dahil masaya naman kayo, 'di ba?" sabi ko kaya tumingin siya sa akin.

Pagod ang mga mata niya at nangingilid ang kaniyang luha sa mga mata. Bumigat ang pakiramdam ko... hindi 'yon magagawa ni Mama...

"Hindi ako nagsisinungaling sa nakita ko, Cari... kung alam ko namang wala 'yon ibig sabihin bakit iba 'yung pakiramdam ko?" sabi niya.

"Baka nagkamali ka lang, Pa. Hindi gano'n si Mama. Hindi niya magagawang sirain 'tong pamilya na 'to..." sabi ko pero nanginginig na ang aking labi.

"Nakita ko rin... she is cheating to Papa..." Napatingin ako kay Kuya nang sabihin niya 'yon.

"No... hindi 'yon magagawa ni Mama! Bakit niyo ba pinagdududahan si Mama? She will never do that! Ang tanging problema lang natin ay financial pero hindi kailanman natin naging problema ang tulad nito..." sabi ko at pagod na tumingin si Kuya sa akin.

"She is cheating, Cari... nakikipag-sex siya ro'n sa lalaki na 'yon para bayaran siya... how bad is that?" sabi ni Kuya at bakas sa kaniyang boses ang lungkot at pagkadismaya.

Nalukot ang mukha ko at tumayo. "Hindi 'yon magagawa ni Mama! Hindi gano'ng tao si Mama. Oaano mo nasasabi 'yan Kuya?!  Hindi maduming babae si Mama..." tumulo na ang luha ko at pumiyok na ang boses ko.

Padabog akong pumasok sa kwarto ko at sinarado agad ang pintuan. Pumunta agad ako sa kama ko at niyakap ang sarili ko...

She will never do that...  I trust my Mama, she won't do that.

Fortsett å les

You'll Also Like

13.3M 258K 66
If you ever thought that you already have that perfect love story you've always dreamed of, think again. Everything in this world is not what it seem...
7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
199K 2.9K 12
Serendipity Series I: Alex lost her parents in an unfortunate car accident when she was still a baby. Hindi naman siya lumaking mag-isa dahil kinupko...
1.2M 42.3K 56
Born in a strict and ambitious family, Syerana cannot handle the pressure that her family gives. As her family tries to control every decision she ma...