The girl who cried murder

By Serialsleeper

4M 168K 79.8K

Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask... More

Prologue
Chapter 1 : The Crimson Ripper
Chapter 2 : Teenage freaks
Chapter 3 : And then there was him
Chapter 4 : The Bad blood
Chapter 5 : Play my game
Chapter 6 : Can you save them?
Chapter 7 : Smells like teenage sht
Chapter 8 : Left for dead
Chapter 9 : Faces of Grief
Chapter 10 : Dead and Gone
Chapter 11 : Never look back
Chapter 12 : Tattle
Chapter 13 : Bloodshot eyes
Chapter 14 : Pointing fingers
Chapter 14 : Pointing Fingers (cont.)
Chapter 15 : Vague
Chapter 16 : How bad the past was
Chapter 17 : A toast
Chapter 18 : The Name Game
Chapter 19 : The end of their story
Chapter 20 : Rippled Effects
Chapter 21 : Hoodwinked
Chapter 22 : The past she begged to bury
Chapter 23 : Her Worst Nightmare
Chapter 24 : The good girl's downfall
Chapter 25 : Her untold misery
Chapter 26 : How to end the game
Chapter 27 : Nice to meet you
Chapter 28 : The Missing Piece
Chapter 29 : Ain't a coward
Chapter 31 : Beguiled
Chapter 32 : The Bloody History of Crimson Lake
Chapter 33 : Haywire
Chapter 34 : The Expiration
Epilogue.
Author's Note
Sequel

Chapter 30 : She who cried murder

81.9K 4.2K 2.7K
By Serialsleeper

PLEASE REFRAIN FROM POSTING/TWEETING/COMMENT-ing SPOILERS ON SOCIAL NETWORKING SITES. MAAWA SA MGA HINDI BA NAKAKAHABOL SA KWENTO. HAHAHAHA. 

PS, Wag naman sana puro "UD na" or any demands. Alam ko namang kailangan kong mag-update eh -_-  natagalan lang talaga Ngayon dahil sa exams. Please use the comment box for posting feedbacks and not demands. 

Nga pala, alam kong super waley and lame ng kwentong to kaya thank you so much sa nagbabasa nito hanggang ngayon. hahaha. I'll try my best to not make it worse. hahaha. Ready na sa twist?

Enjoy :)))

30.

She who cried murder

Tammy


Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang maulinigan ko ang dumadagundong na kulog. Suminghap ako ng suminghap hanggang sa tuluyan akong makaipon ng lakas. 

Napakasakit ng buong katawan ko pero mas pinili ko paring umupo. Nalilito ako, hindi ko maintindihan, bakit may benda ang mga kamay ko? Bakit may band-aid ang noo ko? Bakit may kumot na bumabalot sa buong katawan kong basang-basa parin ng ulan?

Lalo akong mas naguluhan ngayong tuluyan ko ng nakikita kung nasaan ako.

Marumi. Luma. Maliit. Nakakasilaw sa mga mata ang kulay dilaw na liwanag na nanggagaling mula sa maliit na bumbilyang nakasabit sa kisameng tadtad ng mga lawa ng gagamba.

Ang kisame at mga dingding ay gawa sa pinagpi-tagping mga yero at kahoy na hindi magkakatugma. Sa sobrang luma ng mga materyales, parang ano mang oras ay guguho na ang buong barong-barong.

Simple lamang ang mga kasangkapan. Wala akong makitang tv, isang radyo lamang na gutay-gutay at para bang kinumpuni lamang para gumana kahit noong hindi pa ito nililipas ng panahon. Walang sofa o mesa, tanging mga kumot at unan lamang sa sahig na gawa sa mga pinagtagpi-tagping tela. Maraming mga guhit sa dingding, may mga letra ng alphabet at sunod-sunod na bilang ng numero.

Kung sino man ang nakatira dito noon, halatang napakahirap ng naging buhay niya.

****

"Milky?! Quinn?!" Iika-ika man, lumabas ako mula sa barong-barong sa kabila ng tila ba walang hanggang dilim na sumalubong sakin. Para akong bulag na tumatakbo pero wala akong pakialam. 

Takbo ako ng takbo hanggang sa may nabangga ang mga paa ko. Napasigaw ako sa sakit nang bumagsak ang buo kong katawan sa isang napakalamig na bakal. Muli, suminghap ako ng suminghap habang kinikilatis kung ano ang bakal na ito sa pamamagitan ng paghimas dito. Parang walang hanggan ang nahahawakan kong bakal at natatabunan na ito ng damo't putik. Parang alam ko na kung ano ito--Lumang Riles ng tren. Kung tama ang pagkakaalala ko, may lumang train station ang lungsod nato.

Wala na akong ibang mapagpipilian pa kaya tumayo na lamang ako habang ginagamit ang riles bilang gabay. Walang liwanag kaya ito lamang ang makakatulong sakin.

"Quinn?! Milky?!"

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ang pagtakas ng luha mula sa mga mata ko. Hilong-hilo ako at basang-basa sa ulan, napakadilim, napakalamig, hindi ko alam kung nasaan ako pero sa bawat hakbang ko ay bumabaon ang paa ko sa sa malalim na putik. Gusto kong tumakbo pero wala na akong lakas pang gawin ito.

"Quinn?! Milky?! Nasaan na kayo?!" Napahagulgol ako at di kalauna'y napatili na lamang sa sobrang galit. "You son of a bitch! What do you want?! Ayoko na! Gusto ko ng umuwi!"

“Tammy?!”

Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Kirk na buong lakas na isinisigaw ang pangalan ko. Lalong sumisikip ang dibdib ko sa nararamdaman kong kaba. Pilit kong nililibot ang paningin ko sa kabila ng matinding kadilimang bumabalot sa buong lugar.

“Kirk! Kirk nasaan ka?!”

Hindi ko alam kung narinig niya ang sigaw mula sa nanginginig kong labi. Hindi ko alam kung sapat ang lakas ng boses ko upang mahanap niya ako.  

“Tammy takbo! Tammy tumakas ka na! Umalis ka na!”

Muli kong narinig ang boses ni Kirk pero sa puntong ‘to ay nararamdaman ko na ang matinding takot at sakit sa boses niya. Lalong tumindi ang takot na kanina ko pa naramramdaman. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Gusto kong lumaban gaya ng ginagawa namin nitong nakalipas na mga araw pero wala na akong naiisip pang paraan upang matalo ang halimaw na gaya niya.

Paano nga ba namin matatalo ang isang halimaw kung hindi man lang namin alam kung sino o ano ang hitsura niya?

Paano ba namin matatalo ang halimaw na ilang linggo na kaming pinaglalaruan?

Kung masasagot ko ng tama ang palaisipan niya, masasalba ba nito ang buhay namin?

“Tammy takbo!”

Muli kong narinig ang boses ni Kirk, wala na akong ibang magawa kundi sundin siya. Mahirap man, pinilit kong tumakbo sa kabila ng pangangatog ng mga paa ko. Takbo ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako.

Sa isang iglap, biglang kumulog at kumidlat na siyang nagdulot ng pansamantalang liwanag sa paligid.

Sa isang iglap, nasagot ang katanungan ko kung nasaan ako.

Nandito ako sa lugar kung saan nagsimula ang lahat… Sa lumang estasyon ng tren.

Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit kong alalahanin ang huling palaisipang iniwan sa akin ng halimaw…

“Dark as the midnight sky,

Bright as the sun and its ray,

He who suffered shall be praised,

She who lied shall die today.”

 

Natigil ako sa paglalakad at napako ako sa kinatatayuan ko.

Ako ba talaga ang may kasalanan ng lahat?

Kasinungalingan ko ba talaga ang nagdulot ng kamatayan sa kanila?

Ang mga sinabi ni Ponzi kanina....

Now everything’s clear to me…

The answer to The Crimson Ripper’s Riddle and the one who has to die all along is the girl who cried murder...

And I wasn't the girl who cried murder.

 


"Shhhh!" Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa gulat nang bigla kong maramdaman ang malamig na palad na tumakip sa bibig ko. Mapapatili na sana ako nang marinig ko ang impit niyang paghagulgol. Kilalang-kilala ko kung sino ito.

Tumango-tango ako at unti-unti niyang ibinaba ang nanginginig niyang mga kamay na tumakip sa bibig ko. Hindi ko lubos na nakikita ang mukha niya pero siguradong-sigurado akong siya ito.

"Where's milky?" Tanong ko sa pagitan ng mga hikbi ko. Naalala ko pa ang sigaw niya sa pandinig ko pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Maaring buhay pa siya.

"Milky's dead." Bulong niya at muling humagulgol.

Unti-unti akong napaatras at bumitaw sa mga kamay niya. Patuloy ang panginginig ng mga kamay ko, ngunit hindi na ito dahil sa lamig at takot... Dahil na ito sa galit.

"How could you do that to us?" Bulalas ko ngunit hindi siya kumibo. Sa halip ay nagpatuloy lamang siya sa paghagulgol.

"Nagmakaawa ako sayo! Akala ko ba magkakaibigan tayong tatlo? Paano mo kami nagawang iwan ng ganun?" Muli akong humakbang paatras mula sa kanya. Pilit kong tinatatagan ang sarili ko pero pati boses ko'y wala naring lakas.

Lalo lamang siyang humagulgol. Tinangka niyang hawakan ang kamay ko pero sa sobrang galit ko ay iwinakli ko lang ang kamay niya. 

"Tammy..." Humakbang siya papalapit sakin.

Tok tok tok.

Narinig ko na ang tunog na ito kaya kahit madilim man ay ibinaba ko ang tingin sa mga paa niya. Sariwa pa sa alaala ko kung saan at kailan ko narinig ang kaparehong tunog na iyon--noong kinidnap kami. 

Ang tanga-tanga ko! Ba't ngayon ko lang napagtanto na takong ng sapatos ang narinig ko noon?!

"Tammy sorry." Humahagulgol na sambit ni Quinn.

Quinn is my bestfriend. She was like a sister to me. I thought we had each other's backs but it turns out, I was the only one. I can no longer trust her... After all... She was the girl who cried murder.

"Tammy saan ka pupunta?!" Tanong ni Quinn nang umikot ako at magsimulang maglakad pabalik sa daang tinatahak namin kanina pero hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na hindi ko alam kung saan ako patungo.

"I can't be like you Quinn. I can't leave a friend behind. Babalikan ko si Kirk. 'Wag mo akong susundan."

***

"Kirk! Kirk nasaan ka?!" Sigaw ako ng sigaw habang muling tumatakbo. Maya't-mayang kumikidlat kaya naaninag ko ang mga lumang tren at kwarto sa hindi kalayuan. Ito na siguro ang mismong train station.

"Tammy ano ka ba?! Tammy tara na! Iwan na natin siya!" Pagmamakaawa ni Quinn na sinundan pala ako. Sa sobrang takot ko ay hindi ko na namalayang sinundan pala niya ako.

Hindi ko alam kung mababalik pa ang dating pagmamahal at paningin ko sa kanya matapos ang mga nalaman ko.

"I told you not to follow me!" Giit ko.

"Tammy?!" 

Muli kong narinig ang mga palahaw ni Kirk. Susundan ko sana kung saan ito nanggagaling pero laking gulat ko nang bigla na lamang lumiwanag ang buong paligid.

Napasinghap ako't napatakip mukha ko. Masyadong nakakasilaw ang mga bumbilya sa paligid. Ngunit dahil din dito ay lalong tumindi ang kaba ko. Nandito ang mga salarin. Shit.

"Tammy tara na!" Pagmamakaawa ni Quinn na lalo pang mas napahagulgol pero iwinakli ko na lamang ang kamay niya at nagtatakbo patungo sa isa sa mga sirang tren. Sigurado akong dito nanggagaling ang boses ni Kirk.

"Kirk?! Kirk sandali lang!" Sigaw ako ng sigaw.

Wala akong pakialam kung nandito man ang salarin. Ang gusto ko lang ay matulungan si Kirk. Kasalanan ko kung bakit siya nandito. Kasalanan ko kung bakit siya nadamay. Nadamay siya sa pagiging pakialamera ko.

Binuksan ko ang isa sa mga nakayuping pinto at muling bumuhos ang luha ko nang makita ko si Kirk na nakatali sa kinauupuan. Naliligo siya sa sariling dugo at hinang-hina na.

"Tammy...." Umiiyak niyang sambit kaya dali-dali ko siyang nilapitan at kinalagan. Awang-awa ako nang makita ko siya. Mukhang labis siyang pinahirapan ng salarin.

"Tammy bilis!" Sigaw ni Quinn habang inaalayan kong tumayo si Kirk. 

"Okay lang ako, Tammy tara na!" Giit ni Kirk at hinila ako patakbo palabas ng lumang tren.

Namalayan ko na lamang na nagtatakbuhan na kaming tatlo sa gitna ng tatlong naghahabaang tren na kapwa sirang-sira na. Ngayon ko lang lubos na naaninag ang paligid dahil sa mga nakasinding mga ilaw.

"Sandali!" Huminto si Quinn sa pagtakbo. Hingal na hingal ito kaya isinandal muna niya ang mga palad sa tuhod at paulit-ulit na huminga ng malalim.

Hindi ko mapigilang maawa kay Quinn kaya nilapitan ko siya't hinamas ang likod niya.

Nasa harapan namin si Kirk. Nakatalikod ito mula sa amin habang nakahawak sa kanyang bewang. Napakalalim ng iniisip nito habang tinitingnan ang buong paligid. Siguro nag-iisip siya kung saan kami tatakbo o dadaan. 

Its three against two.

Kahit saang anggulo tingnan, kami parin ang dehado sa mga salarin.

Dalawa kaming babae at kapwa pa sugatan. Pati si Kirk ay sugatan rin matapos---

"Tammy?" Tanong ni Quinn pero hindi ko na siya nasagot pa.

Naiwang nakaawang ang bibig ko habang nakatingin kay Kirk na nakatalikod mula sa amin.

Pakiramdam ko ay parang tumigil ang mundo ko dahil sa napagtanto.

Lalong nanginig ang mga kamay at labi ko.

Sa isang iglap, muli na namang umagos ang luha mula sa mga mata ko.

"Kirk... D-diba nabaril ka sa hita? Paano ka nakakatakbo?" Nanginginig at halos walang lumabas mula sa boses ko. Para akong nanigas dahil sa matinding takot.

Bigla na lamang kumulog ng napakalakas at sumunod nito ay ang nakakakilabot na kidlat. Namalayan kong kapwa na kami magkahawak ni Quinn sa kamay ng isa't-isa.

"Damn it Kirk!" Mahinang bulyaw ni Kirk at bigla na lamang humalakhak.

END OF CHAPTER 30.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
76.3K 7.7K 29
Despite fame and success, Louella Starling is in deep melancholy for she believes that she's an impostor. One day she discovered that there's a mysti...
15.5K 1.1K 14
Writer? Fears? Baka para sa 'yo na ito? :D
Psycho next door By bambi

Mystery / Thriller

4.3M 203K 51
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...