Moonlight War (Gazellian Seri...

By VentreCanard

4.9M 341K 135K

Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia... More

Moonlight War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 16

68.2K 5.3K 1.5K
By VentreCanard

Chapter 16

Paghahanda

Hindi man ako lubusang pamilyar sa mga simbolikong lugar sa Interalias at sa mga kakayahang dulot nito sa iba't ibang nilalang sa mundong ito, sapat ng paliwanag ang napiling pamagat ni Haring Thaddeus sa kanyang obra maestra.

Ang mga larawang iginuhit ng hari na nakapalibot sa kubong bulwagan na siyang pinagmulan ng lahat ay pinalilibutan ng hindi pangkaraniwang mga lugar na magdadala sa bawat nilalang na hindi lang sa matinding palaisipan kundi walang katapusang pagsubok sa damdamin.

Ang tulay ng temptasyon...

Nanatiling nakalabas ang kalahati ng katawan ko sa karwahe habang pilit kong pinagsasalikop ang aking mahabang buhok. Ganoon din si Divina na malawak ang ngiti sa kanyang nakikita.

Ang karwahe'y ngayon ay piniling bagalan ang takbo dahil sa unti-unting pagkapal ng usok na siyang nagtatago sa gandang siyang unang sumalubong sa amin.

Nagsisimula na.

Kailangan ko silang makausap lahat dahil alam kong bawat isa sa amin ay may temtasyon... ang mga bagay o kaya'y nilalang na siyang nais naming higit na makita.

Ang inaatake ng ganitong uri ng lugar ay ang mga nilalang na nanghihina...

Pumasok na kami sa loob ni Divina. Inilahad ko ang aking kanang palad malapit sa aking labi at mahina akong umihip dito upang magbigay ng maiksing mensahe.

Dahil hindi maaaring mawalan ng magpapatakbo ng karwahe, sinabi ko na isa-isa na lang muna ang maaari kong kausapin.

Si Hua ang siyang unang nagpakita. Hindi na ako nagulat ng sabihin niya sa akin na may nalalaman na siya sa lugar na ito.

"Isa lang naman ang temptasyong inaalala ko..." nag-iwas ng tingin sa akin si Hua.

Simula ng bata pa lang ako ay siya na ang kasama ko, ngunit hanggang ngayon ay palaisipan pa rin ang kanyang pagkakakilanlan o ang kanyang pinanggalingan.

"Hua..."

"My first master... siya ang hinahangad-hangad kong muling makita."

Hinawakan ko ang kanyang kamay. Matagal ko nang itinatanong sa kanya kung sinong hari o reyna ang kanyang pinaglilingkuran, dati'y akala ko ay sa akin lubos na katapatan, ngunit hanggang ngayo'y ang una niya pa ring pinaglilingkuran.

Minsan sumagi sa isip ko kung ito kina Haring Thaddeus o Reyna Talisha... ngunit hindi ko makita ang kanilang mga koneksyon.

"Huwag kang mag-aalala... alam kong panlilinlang lang ang aking mga makikita. Hindi kita iiwan sa paglalakbay na ito, Leticia. Pangako..." hindi ko napigilan ang sarili kong kabigin si Hua at yakapin ng mahigpit.

Ilang beses kong tinapik ang kanyang ulo. "Maraming salamat, Hua..."

"Thank you, Hua..." sambit ni Divina na nakayakap din sa amin ni Hua.

Sumunod si Nikos. Katulad ni Hua ay hindi rin niya masabi ng diretso sa akin kung ano ang posibleng luminlang sa kanya, ngunit hindi man niya sabihin sa akin ay kilala ko na kung sino.

"Soleilana... my daughter's mother."

Tumabi ako kay Nikos at sa pagkakataong ito'y ang magkabilang pisngi niya ang hinawakan ko. Katulad nina Rosh at Hua, alam ko kung gaano kalaki ang pangungulila ni Nikos sa pinakamagaling na pintor ng Nemetio Spiran.

"Mangako ka sa akin na hinding-hindi ka lilingon pabalik sa tulay... wala kang maririnig na boses. Diretso lang ang tingin mo, Nikos. Hindi si Soleilana ang siyang makikita mo... hindi siya ang tatawag sa pangalan mo."

"I will try... this is Nemetio Spiran's deadliest temptation, Leticia. Kahit ang ilang magigiting na bampira'y hindi nakalampas dito."

Hindi ko masisisi ang mga bampirang nahulog sa bitag ng tulay na siyang dadaanan namin. Ginamit ko ang mata ko bilang isang diyosa at malinaw na malinaw sa aking mga mata ang binatilyong anyo ni Dastan nang una ko siyang makita. Ngunit dahil isa akong diyosa at sanay sa ganitong mahika, hindi na ako lubusang maapektuhan nito.

Mas dumiin ang mga mata ko sa kanya. "Huwag mong subukan, Nikos, gawin mo para kay Naha. Magiging masaya si Prinsesa Soleilana kung makakaligtas ka sa tulay na ito at magbabalik sa Parsua upang magpakilala kay Naha. Matagal ka na niyang nais makilala."

"Aunt Naha is cool, grandfather Nikos. She's also good at painting. She even told me that she'll paint Divina and Prince Rosh together." Kinikilig na sabi ni Divina.

Ngumiti si Nikos sa munting prinsesa. "I will..."

Sinabi ko sa kanila na mas mabagalin muna ang takbo ng karwahe hangga't hindi ko pa sila nakakausap lahat. Ang tagal ng hinintay ko bago pumasok si Rosh na tila hindi nais pag-usapan ang posible niyang kaharapin sa sandaling tumawid na kami sa tulay.

"Prince Rosh!"

"Princess Divine..." pormal na bati niya at tipid na tumango bago lumingon pabalik sa akin.

"W-Will you cast us spell or something?" tanong niya.

Ang mahika ay maaari lamang matalo ng isang mahika. Ngunit ang uri ng mahikang ito'y maaari lang matalo ng sariling presensiya ng nilalang na yayakapin nito.

Sarili nilang isipan... sarili nilang paraan...

Maaari kong gamitin ang mahika ko para protektahan ang aking sarili sapagkat iyon mismo ay manggagaling sa akin, pero iba ito pagdating sa mga bampira. Dahil wala silang mga mahika, kailangan nilang talunin ang temptasyon sa sarili nilang paraan.

Gusto ko man silang tulungan at gumawa na ng proteksyon bago kami tuluyang tumulay ay wala akong magagawa. Ang tanging kaya ko lang gawin ay bigyan sila ng matinding babala sa anumang maaaring mangyari.

"Paumanhin, Mahal na Prinsipe..."

Pansin ko ang matinding pangamba sa mga mata ni Rosh. Sina Hua, Nikos at siya ay halos pareho ang reaksyon nang sabihin kong wala akong panlaban, isa lang ang ibig sabihin niyon, wala silang tiwala sa sarili nilang mga temptasyon.

Dahil silang tatlo... sa lahat ng mga nilalang na nakilala ko ang siyang may pinakamalaking temptasyon na ilang daang taon na nilang ninanais-nais...

Si Nikos at ang pagmamahal niya kay Soleilana na nauwi sa walang katapusang trahedya.

Si Hua at ang kanyang katapatan sa una niyang pinaglilingkuran. Hindi na ako magugulat na maging ang dahilan niya upang manatili sa piling ko'y mula rin sa kagustuhan ng misteryoso niyang sinusunod.

Si Rosh at ang babaeng itinakda sa kanya.

Alam nilang tatlo ang matindi nilang kahinaan at kapahamakan na maaari nitong idulot sa kanila, ngunit hindi man lang sila nag-aalinlangang magpatuloy sa paglalakbay.

"Rosh, mangako ka sa akin na hinding-hindi ka lilingon. Wala kang maririnig..." halos magmakaawa ako sa kanya.

"I will try my best..."

"Don't try, Prince Rosh... Divina's will be sad when you look back." Hinawakan din ni Divina ang kamay ko na nakahawak kay Rosh.

"How about this kid?" tanong ni Rosh sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. "Sa ngayon ay ikaw lang ang gusto ng munting prinsesa, hindi ba, Divina?"

Binuhat ko si Divina at ikinalong ko siya habang namumula ang pisnging nakaharap kay Rosh.

"Yes! I will be safe because you're here... Papa will not get angry because you'll protect Divina. Hindi na rin kita isusubong kay King Dastan na ni-paiyak mo ako. You are forgiven."

Bumuntong hininga lamang si Rosh.

"Goddess of the Moon doesn't have a spell to protect you, but we have other magic! This is super effective! Mama told me..."

Kumunot ang noo ni Rosh. "Kung anu-ano na naman sinasabi niyang si Claret, and I heard about Naha's painting..." naiiling na sabi niya habang pinagmamasdan si Divina na bumubulong sa tenga ko.

Hinayaan kong tapusin ni Divina ang sinasabi niya sa akin habang hinihintay ni Rosh ang sasabihin ng bata. "Oh..."

"Yes, yes! Goddess of the Moon. Lagi namin iyon ginagawa ni Mama kay Papa kapag he's getting sutil na naman or he's tired."

Muling umiling si Rosh na parang hindi na nagugustuhan ang naririnig. "I think I should—"

"Rosh, saglit lang—"

Bago pa man makalabas ng karwahe si Rosh ay mabilis na kaming nakalapit sa kanya ni Divina. Agad nakakalong sa kanyang kandungan si Divina at yumakap sa kanya at marahan akong tumayo at tipid na yumuko sa kanya.

Ang munting mga kamay ni Divina ay marahan niyang itinakip sa mga mata ni Rosh, kasabay nang paglapat ng mga labi namin sa ikalawang Prinsipe ng Deltora.

Si Divina na humalik sa tapat ng kanyang puso at ako na humalik sa kanyang noo.

Kapwa kami nakangiti ni Divina nang humiwalay kami kay Rosh na tulalang-tulala sa aming dalawa dahil sa hindi niya inaasahang halik na matatanggap sa amin.

At sa unang pagkakataon ay nasaksihan ko ang pamumula ng pisngi ng ikalawang prinsipe ng Deltora.

"Aunt Kalla didn't kiss you, Mama didn't kiss you, Aunt Lily didn't kiss you, Aunt Naha didn't kiss you, but Divina and Goddess of the Moon did!"

"Divina loves you, Prince Rosh..."

Mas lalong umawang ang bibig niya bago siya nagmadaling lumabas ng karwahe. Hindi na niya nagamit ang kanyang kapangyarihan dahil malaki niyang binuksan ang bintana at mabilis na siyang tumalon upang iwan kami.

"He's shy..."

Pinisil ko ang ilong ni Divina. "He'll be safe now..."

"You talk like us na rin, Goddess of the Moon..."

"Your grandfather Nikos taught me how in Deeseyadah... hindi lang ako sanay gamitin."

"Aunt Naha is a good teacher too! She's teaching us a lot!"

"Yes. Marami rin akong natutunan sa kanya."

Patuloy sa pagku-kwento sa akin si Divina pero ang isip ko ay nasa labas na ng karwahe. Kailangan kong lumabas ngunit hindi ko nais tanggalin ang mga mata ko kay Divina.

Habang patuloy ang pagtakbo ng karwahe mas lalong kumakapal ang usok na halos hindi na namin makita ang daan. Naglabas na ako ng ilang punyal na kasalukuyan nang umiikot sa palibot ng aming karwahe na siyang nagmimistulang ilaw.

Bumulong muli ako sa palad bago ako umihip dito upang magbigay ng mensahe sa mga lalaking nasa labas. Hindi pa man sila nakakasagot ay binuhat ko na si Divina.

"Kailangan natin silang bantayan tatlo..."

Lumutang ako sa ere habang ang bawat anggulo ko ay tila may buhanging ginto na umaagos.

"Wow!" ani ni Divina.

Nagtungo kami sa unahan ng karwahe. Natagpuan namin sa harapan ang tatlo na abala sa paglalagay ng maliit na bagay sa kanilang mga tenga na tila magagawa niyong pigilan ang boses na bubulong sa kanila sa sandaling tumawid na kami sa karwahe.

Natigil sina Rosh, Hua at Nikos sa paglalagay sa kanilang tenga.

"Divina too!"

"Bakit kayo nasa labas?" tanong ni Rosh.

"It's not safe outside." Dagdag ni Nikos.

"Kaya nga kami narito ni Divina. Bigyan n'yo kami ng espasyo." Dahil mahaba pa ang upuan sa harapan ng karwahe, nabigyan nila kami ni Divina ng pwesto.

Nasa gitna kami ni Divina, katabi ko si Nikos habang si Rosh naman ang kay Divina. Si Hua ang siyang nasa pinaka-unahan.

Hinawakan ko ang tali ng kabayo at pinagliwanag ko iyon at mas pinahaba.

"Hawakan n'yo ang tali. Walang bibitaw... walang lilingon... diretso ang titig natin sa unahan. Maliwanag?" matinding sabi ko.

Isa-isang hinawakan nina Rosh, Hua, Nikos at Divina ang tali na siyang konektado sa akin. Sabay-sabay silang tumango.

"We should name our group, Goddess of the Moon!" ani ni Divine.

"Ano ang nais mo, Divina?"

"Divina and friends and her boyfriend!"

Lahat kami ay napalingon kay Divina. "Boyfriend?" tanong ko.

"Boyfriend... Prince Rosh is my boyfriend. We already kissed." Inosenteng sabi ni Divina.

"Oh my god... oh my god..." usal ni Rosh.

Humalakhak na ako ng pagtawa. Umiiling na lang sina Nikos at Hua.

"Where did you learn that, Divina?!" halos sabunutan na ni Rosh ang kanyang sarili.

"Aunt Naha told me that if we're not married yet, I should call you my boyfriend."

"Oh my god..." paulit-ulit na bulong ni Rosh bago siya marahas na lumingon kay Nikos.

"Nikos! Pagsabihan mo iyang si Naha! Kung anu-ano ang sinasabi sa bata!"

"I am so excited! I will tell to Aunt Naha that Prince Rosh and I already kissed!"

"Oh my god... oh my god..."

Tipid akong sumulyap kay Divina habang mariin na ang pagkakahawak ko sa nagniningning kong tali. Ilang minuto na lang ay dadaan na kami sa tulay.

Sobrang lakas na tibok ng puso ko na halos magawa pa nitong higitan ang masiglang boses ni Divina.

Huminga ako nang malalim at mas inihanda ko ang aking sarili. Dahil sa pagtawid sa tulay na ito, tanging ako lamang ang may kakayahang lumaban.

Mapapasailaim ang mga lalaking ito sa isang mahika na tanging sila lang ang makatatalo. Ang maaari ko lang gawin at suportahan at magtiwala sa kanila.

"I am Prince Rosh's girlfriend."

"Oh my god... I will kill you, Nahara Le'Vaumievos!"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Mas dumiin ang pagkakahawak ko sa tali at nagsimulang mamayani ang kakaibang presensiya na alam kong hindi mapagkakatiwalaan.

Tipid akong sumulyap kay Divina.

At ang matalinong anak ng Prinsipe ng mga nyebe ay tuluyan nang kinumpirma ang aking matagal nang konklusyon...

Sunod kay kina Dastan at Evan... isang Gazellian pa ang pinagkalooban ng kakaibang talino na minana pa nila sa magiting na hari ng Sartorias.

Si Divina.

Ang munting prinsesa'y sinasadyang ikupahin ang isipan ng ikalawang Prinsipe ng Deltora.

Humugot ako ng mas malalim na paghinga at ang aming atensyon ay unti-unting nadako sa unahan.

Sa tulay ng temptasyon.

"Nandito na tayo..."

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 839K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
87.9K 2.8K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
123K 1.9K 29
𝑫𝒆𝒍 π‘­π’–π’†π’ˆπ’ 𝑩𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓𝒔 π‘Ίπ’†π’“π’Šπ’†π’” #02[LΙͺΙ΄α΄„α΄ΚŸΙ΄ Dα΄‡ΚŸ Fα΄œα΄‡Ι’α΄] Maaari nga bang matutunan ang pagmamahal? Maturuan ang puso na magmahal ng iba...