LOVE MAZE 'ʲᵘⁿᵍʰʷᵃⁿ

By seoilteru

23.2K 1.8K 1.6K

"Bakit hindi natin pinili ang isa't isa?" ✦ He likes her and she likes him too, but they're both too afraid t... More

✧ Love Maze.
✧ 001
✧ 002
✧ 003
✧ 004
✧ 005
✧ 007
✧ 008
✧ 009
✧ 010
✧ 011
✧ 012
✧ 013
✧ 014
✧ 015
✧ 016
✧ 017
✧ 018
✧ 019
✧ 020
✧ 021
✧ 022
✧ 023
✧ 024
✧ 025
✧ 026
✧ 027
✧ 028
✧ 029
✧ 030
✧ 031
✧ 032
✧ 033
✧ 034
✧ 035
✧ 036
✧ 037
✧ 038
✧ 039
✧ 040
✧ 041
✧ 042
✧ 043
✧ 044
✧ 045
✧ 046
✧ 047
✧ 048
✧ 049
✧ 050
✧ 051
✧ 052
✧ 053
✧ 054
✧ 055
✧ 056
✧ 057
✧ 058
✧ 059
✧ Epilouge.
✧ 06.15.20

✧ 006

425 33 87
By seoilteru

AREUMI'S

"Uy, una na kami ni Jeongwoo ah." pagpapaalam sakin ni Daejung.

"Sige, ingat kayo, lalo na ikaw." tumango naman siya sakin at kumaway habang papalayo.

Naiwan ako dito sa loob ng room, halos nakaalis na ang lahat. Tingin naman ako ng tingin sa labas, hinihintay ko kasi si Junghwan na dumaan. Nakasanayan na kasi naming umuwi ng magkasabay.

Nanatili akong nakasilip sa labas mula sa tabi ng pintuan namin. Grabe, ang daming mag-jojowa dito na magkakasabay umuwi. Edi wow sa inyo.

Nilayuan ko ang tingin sa hallway para mas makita kung paparating na ba si Junghwan o ano.

Agad naman akong napangiti ng maaninag ang presensya niya.

Lalabas na sana ako kaso may napansin akong babae sa tabi niya. Nagtatawanan pa sila..

Psh. Dahyun nanaman.

Patuloy ko lang sila tinignan kahit na naiinis na ako. Well, wala naman akong karapatang mainis diba? Kaibigan lang naman ako.. At kailangan maging masaya ako para kay Hwan.

"Bagay sila.." bulong ko sa sarili.

Hindi naman mai-dedeny ng kahit sino yung sinabi ko, andami kayang nag-shiship sa kanila sa classroom namin. Maganda si Dahyun, gwapo si Junghwan, parehas silang mukhang mabait, parehas ding active pagdating sa mga activities dito sa school or kahit sa mga klase lang nila.

Eh ako? Total opposite ni Junghwan except sa fact na mabait din ako no. I'm just.. Regular, average.

Napabalik ako sa upuan ko ng makita kong malapit na sila sa classroom. Dali-dali akong umupo, pinlug ang earphones ko sa magkabilang tenga at tumingin lang sa labas.

Pumadyak-padyak pa ako ng mahina para kunwari may sounds talaga, hshs.

Hinintay kong tawagin ako ni Junghwan mula sa labas, alam kong dumating na sila parehas dito sa tapat ng room pero tanging bukas lang ng pinto ang narinig ko.

Junghwan?

Napalingon ako ng may naramdaman akong tumapik sa balikat ko.

"Junghwa―Dahyun?" nakangiti siya sakin, ang creepy..

Napatingin ako sa lalaking naghihintay mula sa labas ng room. Ngumiti siya sakin at nag-thumbs up, napakunot naman ang noo ko. Anong meron?

"Areum-ssi." 'ssi'? Kailan pa 'to naging magalang sakin?

"Sorry sa kanina ah? Sorry kung pinagbintangan kita. Sana lang talaga hindi ikaw ang kumuha nung pera." ang sarcastic ng pagkasabi niya sa dulo. Napangisi naman ako.

"Yah, totoo ba ya―" agad akong naputol sa pagsasalita ng bigla niya akong yakapin at oH MY GOD, ANONG JOKE 'TO??

Parang kanina lang ang lakas ng pagka-sampal niya sakin sa cafeteria tapos ngayon may patapik-tapik pa siya sa likod ko habang nakayakap sakin?! Junghwan anong sinabi mo dito? Ew!

"Magpasalamat ka sa bestfriend mo dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ako mapipilitang magpakabait sayo." bulong niya sa likod ko.

Wow ha.

"Bitawan mo na ako, please, nakakadiri." imik ko.

"Nakatingin pa din ba siya?" tanong niya sakin, chineck ko naman si Junghwan at mukhang di pa siya convinced sa ginagawa namin ni Dahyun amputa. Siningkitan niya ako ng mata mula sa labas.

"Oo, hindi pa ata naniniwala."

"Yakapin mo kasi ako pabalik..!" mahinang sigaw niya sakin.

"Hindi mo ba ako narinig kanina? Nandidiri nga ako..!"

"Yayakap ka pabalik o buong hapon tayong ganito?"

"Aish! Bakit kasi―"

"Bilisan mo na lang, nangangalay na ako!" at saka niya pinalo yung likod ng ulo ko.

"Masakit!" iritang bulong ko sa kanya at tuluyang yumakap sa kanya pabalik, pasimple ko siyang kinurot sa likod.

"Ramdam ko 'yon!"

"Duh, malamang alam ko."

Tumingin ulit ako kay Junghwan, at ayon nakangiti nanaman si loko-loko.

Kung hindi lang talaga malakas 'to sakin.

"Ayos na talaga kayo ha? No hard feelings?" pagtatanong sakin ni Hwan habang kumakain ng ice cream.

Naglalakad na kami pauwi, at onti na lang ay maghihiwalay na kami ng direksyon.

"Wala na nga." sagot ko naman, patuloy ding kumakain ng ice cream.

"Ok, good! Ngayon pwede na talaga kami maging close ni Dahyun." napataas na lang ang kilay ko sa sinabi niya.

Wala, diyan siya masaya so paano pa ako magrereklamo diba? Hay.

Napansin niya atang napatahimik ako pagkatapos niya sabihin 'yon dahilan para tumingin siya sakin.

"Mhmhm." at pilit akong ngumiti.

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad at pinag-usapan ang mga bahay na nadadaanan namin. Parehas kaming napatawa sa ginagawa namin, pati mga itsura ng bahay jina-judge namin pft.

I enjoyed the moment. Kahit mga ganitong pag-uusap lang, masaya na ako. Basta nakikita ko siyang tumatawa kasama ako, ayos na ako.

Hindi ko na kailangang magustuhan pabalik ni Junghwan.

Hangga't walang nagbabago sa friendship namin, hindi ko na hahangarin pang magustuhan niya din ako. I'm fine with this.

Mawawala din naman siguro 'tong nararamdaman ko sa kanya..

"Uy, una ka na." imik niya sa akin.

"Hm?" at ngumuso siya sa likod ko.

Ah, liliko na pala ako sa kanto na 'to.

"Sige.. Maglakad ka na din papunta sa inyo." umiling naman siya.

"Mauna ka na nga, para kita pa din kita kahit malayo ka na."

"Psh. Opo, kuya kong maalahanin." pang-aasar ko at saka ginulo yung buhok niya sa harapan.

"Kuya ka diyan, mas matanda ka kaya sakin."

"Ano naman? Parehas lang naman tayo ng year."

"Oo na nga, sige na."

"Hehe, bye! Ingat!"

"Ingat." at saka ako tuluyang naglakad papalayo.

Ng makalayo-layo ay lumingon ulit ako sa kanya at napangiti.

JUNGHWAN'S

Nakakainis talaga pag ginagawa 'yon sakin ni Areum.

Ayoko ng ginugulo yung buhok ko.

At mas lalong ayaw kong nakakaramdam ng kilig pagdating sa bestfriend ko.

ayan, para hindi na masyadong boring AHAHAH
AHAHAH sorry kung mahaba nanaman hay

Continue Reading

You'll Also Like

24.5K 63 6
This is a work of fiction. Not suitable for young readers below 18. Read at your own risk and please do not report🔞
64.7K 4.6K 54
ᥫ᭡ 𝐇𝐀𝐑𝐔𝐓𝐎 𝐖𝐀𝐓𝐀𝐍𝐀𝐁𝐄 ━ ❝ Naglalaro ka ba ng slither.io? ❞ 트레저 series #1 ╰──╮ completed あ : epistolary + short narrations ♡ ً taglish © t...
35.1K 2K 62
"Andami kong nakitang rason para mahalin ka." ✦ He acted like he didn't want her to be around but ended up staying by her side no matter what. ✧ Park...
1.1K 236 15
Doctors Series #1 Grandis Villarosa is an indigent woman whose dream is to become a doctor. Until he met Liandrei Ambrose Cong, the man was rich and...