Dress and Bones ✔ (Zodiac Pr...

Door CrabLamb

82.6K 3.5K 519

[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb... Meer

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Denouement
Writer's note

Chapter 30

2.4K 102 3
Door CrabLamb

Parang may pumutok na baril sa pagitan namin ni Gareth.

Katulad ng inaasahan ko ay hindi man lang natinag ang postura niya.

Ang tanging maririnig lamang sa buong bahay ay ang hampas ng malakas na hangin sa bintana at ang tunog ng wall clock.

Kung kanina lang rin ay halos bumaliktad ang sikmura ko sa sobrang kaba na pumunta dito, ngayon naman ay hindi ko na malaman dahil magkahalong kaba at tapang ang nasa loob ko.

Sa unang pagkakataon ay nanalo ako sa titigan namin ni Gareth. Tumayo siya at naglakad sa isang sulok ng kanyang sala.

May itinaas siya na plastic na takip ng kung ano man na hindi ko mawari, ngunit nang lumaganap ang isang klasikong musika sa buong sala ay napagtanto kong isa iyong phonograph.

"Do you like the music, Isabella?"

Nanatili lamang akong nakatulala sa kanya.

Dumiretso si Gareth sa kusina.

"Matagal ko na napapansin na kahit nasa bahay ka ay naka pormal ka," pagbubukas ko ng tapika. "Ito ba ang isa sa mga sinasabi mong family values ng mom mo?"

Hindi siya sumagot.

Tumayo ako sa kinauupuan at sinundan si Gareth sa kusina. Naabutan ko siyang tumitingin sa kanyang ref.

"Pinag-mukha mo akong tanga kakahanap sa Maynila!" sigaw ko sa kanya."You knew all along? Pinaglaruan mo ako?"

Hindi pa rin siya sumagot at kumuha ng isang hotdog na hilaw pa. Napakunot ang noo ko habang pinapanood siyang balatan iyon.

Nang saktong haharap siya ay lumapit ako sa lagayan niya ng kutsilyo at kumuha ng isa. Napatigil siya nang itapat ko sa kanya ang hawak ko.

"Kilala mo na ako sa simula pa lang, tama? Aksidente ba talaga na nilapitan ako ng aso mo?"

Kumuha siya ng isang kawali na nakasabit. Napakunot ang noo ko nang isalang niya iyon sa kalan at nilagyan ng mantika.

"Gareth!"

Kasabay ng pag tawag ko sa pekeng pangalan niya ay ang pagbagsak niya ng hotdog sa kawali. Lumikha ito ng kaunting ingay dahil sa kulo ng mantika sa balat ng karne.

Nagbalak akong humakbang, pero nanginig ang tuhod ko.

Maya-maya ay pinatay na niya ang kalan at ginamit ang kanyang tinidor upang kunin ang niluto.

Tila naman naubos na ang natitira kong pasensya sa katawan.

"Pinatay mo ang Lolo ko, hindi ba?"

Nasubo na ni Gareth ang kanyang niluto pero natigilan siya sa sinabi ko. Iyon lang siguro ang tanging paraan para makuha ko ang atensyon niya.

Sa nobela pa lang na isinulat ni Lolo ay kitang-kita ang progreso niya.

Napalunok ako nang maisip ko ang isang posibilidad.

"Ikaw ba ang serial killer na gumagala dito? Hindi si Wojtek?"

Unti-unting inalis ni Gareth ang pagkakatusok ng tinidor sa kanyang hotdog at naiwan itong nakasabit sa pagitan ng mga ngipin niya.

Halos lahat ng patayan dito sa barangay ay malapit saakin. Mula doon sa nanloob sa pharmacy, kay Kuya Fred, sa gobernador, kay Nathalie, sa pagkakakulong kay Wojtek, sa ama ni Darwin hanggang sa mga magulang ko.

Lahat ng iyon ay nangyari malapit sa araw na nakilala ko si Gareth.

Hindi sumagot si Gareth sa ibinintang ko.

Ibig sabihin ba noon ay tama ako?

"Anong nagawa ko sa iyo?"

Sa unang pagkakataon ay pinakitaan ako ni Gareth ng ekspresyon. Nagmukha siyang demonyo sa harapan ko at humakbang palapit sa akin.

Bawat mabibilis na hakbang niya ay siya namang takot na atras ko. Mabilis din naglaho ang pagkain sa bibig niya dahil para niya itong hinigop papasok ng kanyang bunganga.

Napasinghap ako nang tumama ang likod ko sa pader.

Nang mapagtantong na-corner na niya ako ay idinikit ko sa tapat ng aking dibdib ang hawakan ng kutsilyo. Sakto namang tumigil si Gareth sa tapat ng talim nito.

"Kanina pa kita binibigyan ng pagkakataon, Isabella."

Nilakasan ko ang loob ko na salubungin ang demonyo niyang tingin.

"Na ano?"

"Na patayin ako."

Bumaba ang kanyang tingin sa kutsilyong nakatapat ang talim sa kanya.

"You've been spitting the truth for the last thirty minutes."

Halos mapasigaw ako nang mabilisan niyang hinawakan ang kamay ko at itinapat ang kutsilyo sa mismong gitna ng dibdib niya.

"Enumerating the crimes that I've committed will not kill me, Isabella," Nanginginig ang mga mata ko na tumingin sa mga mata niya, "but a knife can. You can."

Napansin kong bahagya pa niyang idinikit ang sarili niya sa kutsilyo kaya napahawak ako sa balikat niya para pigilan siya.

"Huwag, Gareth."

Sinubukan ko namang hugutin ang kutsilyo pero tinaliman niya ako ng tingin.

"Try to withdraw and I'll pierce myself on it."

Pilit ko pa rin siyang tinutulak palayo sa kutsilyo.

"A—ayokong pumatay."

"You'll die if you don't."

Napailing ako sakaniya.

Sa totoo lamang ay kayang-kaya niya akong talunin ngayon, pero sa puwersa na binibigay niya ay nakikita kong ipinapatas niya lamang ito sa lakas ko.

"Gareth!"


Ang mga hayop ay nakakaamoy ng panganib.


Hindi ko alam pero nanumbalik ang mga laman ng nobela ni Lolo sa aking isipan.


Kabanata tatlo, pangalawang pahina.

May tatlo silang puwedeng pamiliaan.

Ang una ay ang tumakbo, dahil may umaasa na babalik sila.

Pangalawa ay ang magtago, dahil ang pagtakbo ay pagliban lang ng kanilang kamatayan.


Tinignan ko si Gareth. Wala pa rin itong emosyon habang pinupuwersa ang sarili na isaksak ang kanyang dibdib sa hawak kong kutsilyo.


At pangatlo ay ang humarap sa mismong panganib, dahil walang maidudulot na maganda ang pagtakbo at walang naghihintay sakanila na umuwi.


Binitawan ko ang kutsilyo. Sinundan iyon ng tingin ni Gareth hanggang sa lumikha ito ng maliit na ingay sa buong kusina.


Kabanata labing lima, unang pahina.

Paano ko nga ba nakita ang katotohanan kay Daxon bago mawala ito?

Ah, dahil nakita ko siyang magalit.


Hinaplos ko ang pisngi ni Gareth gamit ang kaliwa kong kamay upang mapatingin siya pabalik sa akin.

Para naman siyang kuting na umangkla dito habang pungay ang mga mata na tumitig saakin na parang nalason siya.

Na parang natalo siya.


Kabanata labing lima, ikatlong pahina.

Nang itarak niya sa leeg ng sarili niyang ama ang kutsilyo ay galit na galit siya.

Lahat ng laman ng kanyang katawan ay tila bumuhos paalis sa kanya.

Walang natira.

Kaya naman nang martilyuhin niya ang palad, braso at mga binti nito ay panay ang tawa niya nang pagak.


Kabanata labing pito, unang pahina.

Katulad ng isang manika na walang buhay, naniniwala si Daxon na ang naglagay ng bulak sa kanyang katawan ang siyang kanyang Diyos.

Walang iba kung hindi ang kanyang ina.


Isinunod ko ang kanang kamay ko at ikinulong ang mukha niya sa dalawang palad ko. Hindi ko napigilan na mapaiyak habang nakatingin sa kanya.

"Anong ginawa nila sa iyo?"


Huling kabanata, ikalimang pahina.

Sino nga bang may sabi na mabait ang lahat ng Diyos?

Kasalanan nga ba talaga ni Daxon na hinulma siya ng kanyang Diyos ng ganito?

Kasalanan nga ba ni Daxon na sa mga moral niyang paniniwala ay nagawa niyang dungisan ang kanyang mga kamay?


Hinimas ko ang noo ni Gareth para maalis ang mga hibla ng buhok na hinaharangan ang kanyang mga mata.


Bakit nga ba binibigay ang mga anak sa magulang?

Marahil sa nangyaring pag-aako ko ng krimen ay pakiramdam ni Daxon na inabandona ko siya.

Malayo man siya ay alam kong makakagawa siya ng paraan upang makabalik sa akin.

Ngunit hindi ako sigurado kung buhay pa ang katauhan niya.


Tumingkayad ako upang abutin ang labi niya. Wala na siguro akong pakialam kung papatayin niya akong ngayon.

Nang ilang segundo na ang dumaan at hindi pa rin siya tumutugon sa halik ko ay umatras ako ng dahan dahan.

"I didn't kill your grandfather," sabi niya. Halos magkadikit pa rin ang mga labi naming. "He killed himself for failing to save me."

Tumingin ako sa mga mata niya habang nakikinig.


Sinungaling si Daxon.

Nakikita ko kung paano niya ako pai-ikutin sa roleta habang may hawak siyang isang daang kutsilyo kapag kami ay nagkita muli.


Napakuyom naman ako ng labi habang nakasabit na ang mga braso ko sa leeg niya.

Tanggap ko na siguro kahit kailan ay hindi siya magsasabi ng totoo, na kahit mukhang kapani paniwala iyon ay sobrang layo na ng nasisid niya sa kadiliman.


He was far too gone.


Tahimik kong pinagmasdan ni Gareth sabay tango.

Hinawi niya ang buhok ko palikod at pinagmasdan ang aking leeg. Tinignan niya ang kagat na ibinigay niya sa akin sa Maynila. Nabura na siguro ang concealer gawa nang nakipagsapalaran ako sa ulan.

Bahagya akong napadaing nang haplusin niya iyon.

Nahugot ang aking hininga nang yumuko siya pabaon sa leeg ko. Binigyan niya ng isang mabilis na halik ang balat kong kinagat niya, sabay lihis ng halik sa ibang parte ng leeg ko.

Bahagya kong iginilid ang ulo ko upang bigyan pa siya ng pagkakataon na makapag lakbay.

Akala ko ay ipagpapatuloy niya ang ginagawa niya pero matapos niya akong gawaran ng halik sa pinaka talim ng aking panga ay bahagya siyang bumaba at ibinuka ang mga binti ko pakapit sa bewang niya.

Naglakad siya na karga ako palabas ng kusina at dumiretso sa sala.

Napatingin naman ako sa kapeng tinimpla niya kanina na hindi ko nagalaw. Paniguradong lumamig na iyon.

Narinig kong isinarado na ni Gareth ang takip ng phonograph, hindi ko alam kung kailan iyon tumigil sa pagtugtog dahil nang lumabas kami ni Gareth ay ang malakas na ulan lamang mula sa labas ang maririnig.

"Ma—may bagyo ba?" naiilang na tanong ko.

Sa halip na sagutin ay iniyakap niya ang kanyang kanang braso papulupot sa akin upang idiin ako lalo sa katawan niya.

"Ka—kaya kong maglakad, Gareth!" reklamo ko nang magsimula siyang umakyat sa ikalawang palapag.

Hindi niya ako sinagot.

Kumidlat nang malakas at kasabay noon ay ang pagkawala ng kuryente sa buong bahay. Akala ko naman matitinag na ang may buhat sa akin pero hindi man lang siya natigilan at nagtuloy-tuloy sa pag-akyat.

Nang marating namin ang ikalawang palapag ay may bigla akong naalala.

"Ikaw ang naglapag sa akin sa veranda?" halos pabulong na tanong ko, kasabay ng pagbubukas niya ng isang pintuan.

Halos mahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan nang ibagsak ako ni Gareth, pero malambot ang binagsakan ko kaya agad kong napagtanto na nasa kama ako.

Nagulat ako nang mula sa dilim ay pasunggab niya akong hinalikan. Sa lakas ng epekto ay napahiga ako at madali siyang pumaibabaw sa akin.

Nagpumiglas lang ako nang hindi na ako makahinga. Pinilit ko siyang itulak pero parang papel lamang ang mga hampas ko. Sinubukan ko rin na ilihis ang labi ko palayo pero agad niyang pinirmi ang baba ko gamit ang mga kamay niya at hinigop ang kaunting hangin na nasagap ko.

Nang hindi pa rin niya ako pinakawalan ay pinilit kong isingit sa pagitan namin ang kanang kamay ko at pinindot ang sugat niya sa dibdib.

Pinakawalan niya ang labi ko at halos lumiyad ako para humigop ng hangin.

Napaubo pa ako habang nakatagilid sa ilalim niya, "Papatayin mo ba ako?!"

Napalunok ako nang kaswal niyang inangat ang aking pang-itaas..

"Because you keep asking for a kiss," bulong niya sa tainga ko, at walang kaingat-ingat na hinablot paalis ang damit ko.

Muli niyang dinala ang labi ko patungo sa labi niya. Nagkaroon rin ng pagkakataon ang libre niyang kamay na alisin ang hook ng bra ko

Napasinghap ako nang himasin niya ang dibdib ko. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at tuluyan na akong natulak pahiga ulit.

Habang abala siya sa leeg ko ay kinapa ko ang dibdib niya palihis sa mga butones nito. Triny kong alisin lahat, pero bigla niyang sinampal ang kaliwang parte ng dibdib ko, bagay na kinasinghap ko.

"Masakit!"

"Hmm?" malalim niyang sabi, halatang nakangisi.

Mula sa silweta sa dilim ay nakita kong bumaba ang kanyang ulo sa parteng sinampal niya. Naramdaman ko ang pagluwag ng skinny jeans na suot ko at ang paghila niya pababa nito hanggang tuhod ko.

Ibinaon niya ang kanyang mukha sa pinakadibdib ko at paulit-ulit na huminga na parang kinukuha niya ang amoy ko.

Sinubukan kong alisin ang ulo niya dahil nahihiya ako, pero hindi siya nagpatinag. Patuloy pa rin ang pagsinghot niya sa amoy ko kahit pa nagsisimula na akong mag pawis dahil walang kuryente.

"Isabella..."

Parang naman malalaglag ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Umahon na siya mula sa pagitan ng dibdib ko at tumapat muli sa mukha ko.

Bumagsak ang panga ko ng bahagya nang maramdaman nag pasok siya ng isang daliri sa aking pagkababae.

Isang malalim na paghinga ang hinugot ko nang simulan niyang ilabas-masok iyon. Napakapit ang dalawa kong kamay sa balikat niya at napapikit nang mariin sa hapdi..

"Gareth!" hasik ko sa kanya nang mag dagdag pa siya ng isa sabay abot ng kamay niya upang pigilan, pero agad naalarma ang kamay niyang nasa batok ko at kinandado ang dalawa kong pulsuhan sa ulunan ko.

Wala akong nagawa kung hindi ang sumigaw at umarko. Ginamit niya rin itong pagkakataon upang matikman at mahalikan ang dibdib ko.

Dinig na dinig ko ang paghalo ng bilis ng daliri ni Gareth sa nilalabas kong likido. Manginig nginig akong nilabasan makaraan lamang ng ilang minute. Parang biyolin namang nilaro ng daliri ni Gareth ang kaselanan ko matapos noon.

Hindi niya ako ginawaran ng sampung segundo para makapag pahinga dahil bahagya siyang tumayo at hinawakan ako sa magkabilang balakang.

Napatili ako nang baliktarin niya ako.

Narinig ko ang tunog ng pagbaba ng zipper mula sa aking likuran kaya mahapdi akong napalunok.

Naramdaman kong hinawi niya ang buhok ko sa isang banda at sinimulan akong halikan sa balikat patungo sa batok. Napapikit ako at kasabay ng pag-yuko ko ay ang paninindig ng aking mga balahibo.

Nang dumagan siya sa akin sa pagkakataong ito ay napagtanto kong wala na siyang saplot. Sinipa niya paalis sa aking tuhod ang pantalon ko kasama ang natitira kong pangloob.

"Tell me, Isabella, how many times can lions mate in a day?"

Napakurap ako nang i-angat niya ng kaunti ang aking bandang pwetan at pinaplakda ang baywang ko.

"H—hindi ko alam."

Halos mapatili nanaman ako nang maramdaman ko ang pagkalalaki niya sa entrada. Sinadya niyang hindi ipaalam sa akin ang laki niya. Kanina ko pa napapansin.

Gamit ang manipis niyang labi ay pahalik niyang iginuhit ang aking gulugod paakyat sa aking batok.

"You don't need to know," pang-aasar niyang bulong sa tainga ko at idinikit ang dibdib niya sa likuran ko.

Napahigpit ang pagkakakapit ko sa bedsheet nang ipasok na niya ang kaniyang pagkalalaki saakin.

Mariin akong napapikit at pinilit na huwag sumigaw kahit pa sobrang hapdi ng nararamdaman ko. Naramdaman ko rin ang mabigat na paghinga niya sa aking leeg.

"Gareth..." pikit kong pagsuko. Umiling-iling pa ako habang hindi siya gumagalaw.

Mas lalong humigpit ang pagkakaakap sa akin ni Gareth nang idulas niya ang kanyang kabuuan sa aking loob.

Natakpan ni Gareth ang bibig ko bago pa man ako makasigaw, pakiramdam ko ay punong-puno ang kaselanan ko.

Napahampas ako sa kama sa hapdi. Nasundan naman ang mga sigaw ko nang magsimula na siyang gumalaw.

Sinubukan kong umarko patayo, pero plinakda niya lamang ako pabalik dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko at sa leeg.

"Gareth!" sigaw ko nang matamaan niya ang dako kung saan ako nakikiliti. Lalo tuloy akong nag-init nang sunod-sunurin niya ang pagtama sa lugar na iyon.

Sa sobrang tuso niya ay kinagat niya ako muli sa balikat habang lumilikha ng mga nanggigigil na tunog.

Napaawang ang labi ko. Hindi ko na dama ang sakit na dala ng kagat niya dahil nagagambala ako sa tunog ng nagsasalpukan naming kaselanan.

Nalipat niya ang kamay niya mula bewang ko patungo sa pisngi ng aking pang-upo. Tagaktak na rin ako ng magkahalo naming pawis.

Hindi rin naman nagtagal ay naabot ko ang rurok. Sumunod lang din siya pagkatapos sa aking loob.

Hindi na ako tumumpik na ipikit ang mga mata ko habang hinahabol ang aking hininga. Naramdaman kong bumagsak si Gareth sa tabi ko at inayos ako ng pagkakahiga.

Inalis niya ang lahat ng hibla ng aking buhok na nakatakip sa aking mukha.

Binuksan ko ang aking mga mata.

"Bonsoir."

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil wala na akong lakas na intindihin. Nagpalamon na lang ako sa kadilimang kanina pa ako nililigaw.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

91.6K 2.5K 34
Majestic Five (2) Out of curiosity, Yasha Rodriguez became involve with Devon Au the man who have an issue about being abusive and violent towards hi...
15.7K 834 34
[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpected childhood traumas and unhealthy copi...
101K 3.9K 55
A hundred nights. A hundred women. A hundred sins. Lust is bullshit. Lust is a bastard. Lust is the demon prince who is now using me as his puppet to...
5.3K 536 40
What happens when a wizard in training summons a succubus? Orphaned at a young age, Merlin wanted nothing more than to avenge his brother. Now that h...