Dress and Bones ✔ (Zodiac Pr...

由 CrabLamb

82.6K 3.5K 519

[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb... 更多

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 29

1.3K 79 6
由 CrabLamb

Mahigpit ang pagkakakapit ng dalawang kamay ko sa isa't isa habang nakadikit ang mga ito sa noo ko.

Si Darwin ay kasalukuyang hinahagod ang likod ko dahil kanina pa ako hindi mapakali, alam niyang mas nagpa-panic ako kapag tahimik at hindi makapag salita.

"Malakas si Ate Jane," pag papalakas ng loob saakin ni Darwin, "Makakayanan niya iyon at ng baby niya."

Hindi ako sumagot sa sinabi ni Darwin, nananatili akong nakapikit habang taintim na dinadasalan lahat ng Santo na kilala ko.

Bakit niya kailangang gawin iyon? 


"Papel."

"Bato."

Halos malaglag ang puso ko papunta sa sikmura nang malaman kong nanalo ako.

Napatawa si Rona sa kabilang linya, "Nakakapikon na kahit sa ganitong larangan ay napaka swerte mo."

Napalunok ako ng mahapdi bago siya sagutin.

"Tumupad ka sa usapan."

Matagal naman na hindi sumagot si Rona sa kabilang linya, nanumbalik naman ang labis ng kaba sa dibdib ko.

"Ang sabi ko tumupad ka sa usapan!"

"Pasensya na, nay mga bagay talagang hindi patas, Isabella."

Bumagsak ang panga ko sa narinig ko, napakurap din ako ng maraming beses nang mapagtanto ang kaniyang sinasabi.

"Rona!"

"Panalunin mo ako Isabella, kahit ngayon lang."

Halos magsisigaw ako sa loob ng sasakyan ni Darwin, kinagat kagat ang aking kamao habang naririnig ko ang mga daing at ingay sa kabilang linya.

Naiyakap ko na lang ang cellphone ko habang nangawa, nakita ko si Darwin na awang awa habang lumuluha na tumitingin sa gawi ko.

"Tumawag na ako ng pulis, papunta na raw sila doon."

Naitakip ko ang aking mga palad sa aking mukha, bakit nangyayari ang mga ito? Nananaginip ba ako?

Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang itinakbo namin ni Darwin, ang alam ko lang ay pagkadating na pagkadating namin sa eskinita kung saan ako nakatira ay may mga pulis at ambulansya nang naka parke.

Pagkababa ko ng pick-up ni Darwin ay dali dali akong tumakbo papunta sa bahay, may crime scene tape din na nakaharang sa gate kaya hindi ako agad nakapasok.

"Miss, bawal pong pumasok."

Pinanlisikan ko naman ng mata ang nangharang saakin, "Dito ako nakatira. Nasa loob pa ang Ate at magulang ko!"

"Nasa ambulansya po si Ms. Jane," lumuwag naman ang ekspresyon ko sa aking narinig, "Dinudugo siya nang maabutan namin."

"Yoong nanloob?"

"Nasa ambulansya rin po, may tatlong saksak." 

Kung ganoon ay nanlaban si Ate? 

Nasa isip ko nang pumunta sa ambulansya nang makita kong may inilalabas na dalawang bangkay mula sa loob ng bahay.

Nang makalagpas ito sa crime scene ay tumigil ang mga nagtutulak sa harapan ko, tinitigan rin nila ako na para bang binibigyan nila ako ng pagkakataon na tignan ang mga magulang ko.

Lumunok ako at unti unting hinila ang nakatakip na puting tela sa mga bangkay.

Halos bumaliktad ang sikmura ko nang makita ko ang itura ni Papa, may gilit siya sa leeg.

Bahagyang naka bukas ang mga mata nito at ang kaniyang labi, noong huli ko siyang makita ay puno ng buhay ang mukha niya, nagsasalita at nang-aasar.  

Kumunot ang buo mukha ko dahil pinipilit kong huwag umiyak, pero para akong nalulunod sa kailaliman ng dagat sa sakit ng ilong ko.

Napahikbi ako ng hindi tumutulo ang luha habang nanginginig na hinahaplos ang buhok ni Papa, kagaya ng ginagawa niya saakin noon kapag dinadalaw ako ng bangungot.

Hindi ko na siya kayang titigan ng matagal kaya ibinalik ko na ang pagkaka takip ng tela sa buo niyang katawan, naramdaman kong may humagod ng likod ko kaya napaharap ako dito at napayakap.

"Shhh," tapik ni Darwin sa likod ko, hindi niya ininda na nababasa na ang damit niya dahil sa tuloy tuloy na bagsak ng luha ko, "Paalis na ang ambulansya nila Ate Jane, tara na."

"Kausap ko pa siya kanina Darwin..."

Naramdaman ko na sobrang nahahabag saakin si Darwin at niyakap na ako.

"Inaasar pa niya ako kanina..."


Napatayo kami ni Darwin nang lumabas si Doctor Francis mula sa Emergency Room. Nasa Global kami kaya pamilyar ako sa mga tao dito.

"Kumusta po ang Ate ko?" hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong.

"She's out of danger, ililipat na namin siya sa ICU," sagot saakin ni Dr. Francis, tila naman naka hinga ako ng maluwag sa unang bahagi na narinig ko.

Pero agad rin iyong napawi nang marinig ko ang ICU, "Po? Bakit po siya sa ICU mag s-stay?"

Napalunok naman si Dr. Francis sa aking sinabi, sa totoo lamang ay may ideya na ako pero mas gusto kong marinig mula sa bibig niya.

"Yoong baby po niya?" wala sa sarili kong tanong.

Naging diretso ang linya ng bibig ng Dr. Francis sa tinanong ko.

"I'm sorry, we did our best."



"SIGURADO ka ba teh?"

Hindi ko sinagot ang tanong ni Darwin, tuloy tuloy lang akong pumasok sa kwarto ni Rona at inutusan siyang maging look out sa labas ng kwarto.

Nang makalapit at makita kong tulog si Rona ay pinagkrus ko ang dalawang braso ko habang nakatingin sa nakapikit niyang mga mata.

Ngayon talaga ay masasabi kong kapag masamang damo ay mas matagal ang buhay. Hindi ko alam kung paano dinepensahan ni Ate ang sarili niya para masaksak ang hayop na ito ng tatlong beses, pero imbis na ang babaeng ito ang nasa ICU ay si Ate Jane ang naroon dahil nakunan siya.

Ilang minuto ang dumaan at nakamasid lang ako sa mukha ni Rona. Tanging tunog ng aircon at ng wall clock lamang ang maririnig sa buong kwarto.

Bakit? Bakit at paano niya nagawa ito?

Sa ginawa niya ay tatlong buhay ang nawala sa isang iglap, hindi ko akalain na pwedeng mangyari ang mga iyon saakin.

Yoong mga kwentong naririnig ko lang kay Ate Jane at kay Darwin nitong mga nakaraan ay parang sabay sabay na pumapasok sa buong kaluluwa ko.

Naningkit ang mga mata ko nang mapansin kong gumagalaw ang mata ni Rona habang natutulog, panay rin ang sirko ng labi niya na tila iniiwasan na huwag ngumiti.

Agad nanlisik ang mga mata ko nang bigla siyang tumawa at unti unting dumilat.

"Hindi ko talaga kayang magtulog tulogan," ani niya sabay dantay ng tingin saakin, "Oh may bisita pala ako? Nakaka flatter naman."

Naging hugis bato ang kamay ko habang nanginginig, pero kahit pa sobrang dami nang nangyari ay isinantabi ko iyon.

Pinagsalikop ni Rona ang dalawa niyang kamay habang tuwang tuwa na pinagmamasdan ako, "Musta si Mama at Papa?"

"Dead."

"Sad. Sabagay, leeg kagad eh. Parang baboy lang," pang-aasar saakin ni Rona at lumikha ng tunog ng baboy.

Marahan akong napapikit dahil kinakalma ko ang sarili ko.

Baliw siya. Literal.

"Bakit mo ito nagawa?" matigas na tanong ko, "At huwag mo saakin isagot na dahil lang ito sa kumpetisyon na ikaw lang naman ang nagpauso."

Umatras naman ang mga ngiti ni Rona, nakita ko ring naging seryoso ang kaniyang mukha.

Nag iwas siya ng tingin saakin, nasa kaliwa niya ako kaya sa kanan siya bumaling.

Hindi naman iyon nagtagal at bumalik muli ang atensyon niya saakin.

"Naranasan mo na ba maging talunan buong buhay mo, Isabella?"

Hindi ako sumagot sa tanong niya, pinagmasdan ko lang siya kung seryoso ba siya sa tinanong niya.

Umiling siya saakin, "Hindi, buo kasi ang pamilya mo. May nanay ka na pinagluluto ka ng pagkain, may kapatid kang matatakbuhan mo kapag may problema ka, tapos may tatay ka na hindi ka binababoy."

Lumuwag ang ekspresyon ng mukha ko sa aking narinig.

Pinagsasamantalahan siya ni Tito Ronald?

"Oo Isabella!" tumatawang sabi ni Rona, "Kinantot lang naman ako ng sarili kong tatay, hindi lang isa, hindi lang dalawa! Maraming beses!"

Napaiwas ako ng tingin sakaniya nang sumenyas pa siya ng sampung daliri saakin. Kahit naman malaki ang kasalanan ni Rona saakin ay babae rin ako, hindi ko kayang makarinig ng ganoon.

Tila naman naaliw si Rona sa naging ekspresyon ko kaya inalis niya ang kumot na naka taklob sa kaniyang paa at bahagyang umusod palapit saakin, napatingin naman ako sakaniya dahil naalarma ako.

"Masarap pero nakakadiri!" parang naiiyak na bahagi ni Rona saakin sabay haplos ng sarili niyang katawan, "Kahit anong pagmamakaawa ang sabihin ko sakaniya ayaw niyang tumigil, alam mo na bang nabuntis na niya ako pero siya pa mismo nagpakaladkad sa akin sa Doktor para magpalaglag?"

"Tama na Rona."

"Hindi!" nakangiting tanggi ni Rona na may kasama pang iling, "Maging magkaibigan muna tayo kahit ilang minuto lang, pwede?"

Hindi ko alam kung posibleng mangyari iyon, pero hindi ako umimik.

"Kotang kota na ako, inisip ko na nga magpakamatay," kamot leeg na bahagi muli ni Rona, "Kaso nga lang dumating si Mike sa buhay ko."

Nanginig ang mga mata ko sa aking narinig, napangisi si Rona sa aking ekspresyon, "Oo, si tangang Gov. Ikaw naman, parang hindi mo pa nabalitaan!"

"Alam kong naging kabit ka niya," matapang na sagot ko sakaniya, "Hindi ko lang alam kung bakit mo saakin binabahagi ang parte na ito?"

Malakas naman na napabuntong hininga si Rona na tila gusto akong sukuan, "Mahirap bang intindihin na mag pretend tayong magkaibigan ng ilang minuto lang?"

"Oh? Pasensya na ha," sarkastika kong sabi, "Hindi mo kasi ginilitan ang magulang ko at pinatay ang pamangkin ko."

Bumagsak naman ang panga niya sa narinig, hindi niya siguro inaasahan na makukunan si Ate Jane dahil siya ang nasaksak at hindi ang Ate ko.

Hindi naman nagtagal ang reaksyon niyang iyon at napatawa siya ng pagak. Hindi ko makita kung saang banda ng sinabi ko ang nakakatawa dahil kahit papaano ay naranasan niyang mabuntis.

Pumalakpak si Rona bago magsalita, "Tang ina, wala na akong malay noon ha? Na stress siguro ang Ate mo kaya nakunan!"

Umigting naman ang panga ko sa aking narinig, yoong paningin ko ay nagkakaroon rin ng maiitim na tuldok.

Tumayo siya sa harapan ko, hinawakan  ang sabitan ng kaniyang dextrose at tinapik ako sa balikat.

"Sabihin mo kay Jane, marami pang lalaki sa mundo. Magpa donate na lang ulit siya," suhestyon niya, "Ihi lang ako."

Hindi ko siya hinayaang makalagpas saakin dahil malakas ko siyang sinampal.

Malakas iyon kaya nang makabawi siya ay hindi na ako nagulat na putok ang labi niya.

Hindi ko siya hinayaang makabawi at ginamit ang kamao ko para puruhan siya sa kaliwang pisngi.

Sa lakas ng epekto ay napadapa siya hospital bed, naka konekta sakaniya ang dextrose kaya kasama niyang tumumba iyon.

Napasinghap ako nang may lakas pa siyang tumawa.

"Tang ina Isabella! Pang Ginoo ang suntok mo eh!" sabi ni Rona at humilata sa kama ng palihis, napansin ko ring palinga linga ang ulo niya na tila nahihilo, "Hayop ka, nakakahilo!"

Isinakay ko naman ang tuhod ko sa hospital bed at pinaibabawan siya, sa sobrang pandidilim ng mata ko ay kusa nang pumalibot ang kamay ko sa kaniyang leeg.

"Ack!" 

Gigil kong hinigpitan ang pagkakakapit sa leeg niya, naglakbay naman ang mga kamay niya patungo sa kamay ko pero masyado akong desidido na patayin siya.

Napaubo na siya ilang segundo lang, "Ack! Hindi kasing higpit ng kay Papa pero pwede na, choke me Isabella!"

Lalong sumiklab ang galit ko dahil sa pang-aasar niya, halos sumigaw pa ako sa sobrang galit.

Nagsimula na namang mawalan ng dugo ang mukha ni Rona nang biglang pumasok si Darwin para pigilan ako.

"Sab!"

"Hayop! Mamamatay tao!" 

Panay lamang ang ubo ni Rona, nakita ko pa siya rumolyo kaya natintahan ng dugo niya sa labi ang hospital bed.

Mayamaya lamang ay may mga nurse na nag assist kay Rona, si Darwin naman ay hinila ako palabas.

"Nababaliw ka na ba?!" panimulang sermon saakin ni Darwin nang maiupo niya ako sa malapit na upuan.

Hindi ko siya sinagot dahil nasapo na ng kamay ko ang noo ko upang takpan ang bandang mata ko, nagsimula na rin akong humagulgol.

Panay lang ang ngawa ko ng ilang minuto, hindi na rin naituloy ni Darwin ang panenermon saakin dahil sa sobrang tindi ng pag-iyak ko.

Mas lalo pa iyong lumakas nang lumabas ang mga imahe sa utak ko, ang pagsusungit ni Mama, ang mga ngiti ni Papa at ang galak sa mukha ni Ate nang malaman namin ang kasarian ng nasa sinapupunan niya.

Sa isang iglap, lahat ng mga iyon ay hindi na mauulit.

Naagaw ang atensyon namin ni Darwin nang may matanaw kami na palapit sa aming pwesto.

Napatayo ako nang tumigil si Ginang Eva sa aking harapan, agad kong pinunasan ang mga luha ko bago siya batiin.

Hindi katulad ng nakasanayan na namin nitong mga nakaraang buwan ay hindi na siya nag-abalang yakapin ako.

Kumurap naman siya at napakuyom ng labi.

"Gising na ang Ate mo."

Hindi na naman ako nag patumpik tumpik pa at dali dali na siyang nilampasan para mahabol ang elevator pababa.

Nakaharap sa hallway kung nasaan ang entrada papasok ng kwarto ni Rona ang elevator kaya nagkaroon pa ako ng pagkakataon na makitang pumasok si Ginang Eva doon.




NAIPIKIT ko na lamang ang aking mga mata habang naririnig ang pagwawala ni Ate Jane.

Ilang nurse na rin ang pumipigil sakaniya pero ayaw niyang magpaawat, sinubukan ko na rin siyang kausapin kanina pero panay lamang ang iyak at pagwawala niya nang malaman niyang wala na ang batang nasa sinapupunan niya.

"Yoong baby ko..."

Hindi ko napigilan na mapayuko at umiyak muli habang nakasandal sa pader katabi ng kwarto ni Ate Jane, kung nasasaktan ako ay doble ang nararamdaman ni Ate Jane. 

Hindi ko naiwasang kwestyunin ang lahat ng Santo na pinagdasalan ko, anong nagawa ni Ate Jane? Anong nagawa ko para maranasan ang lahat ng ito?

Pinauwi ko na si Darwin dahil magba-bandang alasdos na ng hapon, ang laki ko nang abala dahil bukod sa wala pa kaming tulog ay pinasakit ko pa ang sentido niya kanina.

Hawak hawak ko pa nga ang biscuit at inumin na iniwan niya para saakin dahil hindi pa ako nag aalmusal at nag  tatanghalian.

Napatingin ako sa aking gilid nang lumabas na ang mga nurse sa kwarto ni Ate.

"Pinatulog na lang po muna namin siya," sabi saakin ni Shaun, isa sa mga kilala kong Nurse, "Pwede ho kayong pumasok kung gusto niyo."

Tumango na lamang ako bilang sagot. Nagpaalam na naman sila na aalis na.

Unti unti kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Ate Jane. Nakapirmi na siyang nakahiga ulit sa Ospital bed, ang nakakunot niya noo kanina ay maluwag na ngayon, pero ang mga luha niya ay hindi napunasan.

Kinuha ko naman ang puti kong panyo sa bulsa at pinunasan ang mga pisngi ni Ate. 

Habang ginagawa ko iyon gamit ang isang kamay ay panay ang hikbi at pagpupunas ko ng pisngi dahil sobra akong naaawa sa kaniya.

Ang mawalan ng katuwang sa buhay, magulang at ngayon ay anak. Paano niya tatanggapin ang lahat ng iyon?

Kami na lang ni Ate ang magkasama sa buhay ngayon, ngunit sa nangyari ay mas malakas ang puro sakaniya at ako ang malakas.

"Anong gagawin ko Ate?" umiiyak kong sabi dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Nanginginig kong ibinaba ang pagkakapunas ko sa pisngi niya, napatukod ako sa hospital bed na hinihigaan niya. Wala na akong pakialam kung mababasa ko ng luha ang kutson.

"Ate, anong gagawin ko?"



WALA sa sariling binuksan ko ang pintuan ng kwarto nila Mama at Papa.

Para akong patay na naglakad sa loob at inupo ang aking sarili sa malambot nilang kama.

Napahiga ako at binaluktot ang sarili ko. Nahampas ko ang kama at nagsimula na naman akong umiyak. Mas pinarusahan ko pa ang sarili ko sa pag-tingin ng mga photo album na nakabalandra sa isang cabinet sa kuwarto. Ilan pa nga doon ay mga picture ni Papa noong kabataan nila ni Mama.

Bahagya akong natawa nang makita ang litrato ni Baby Ate Jane at ni Papa. Nakangawa kasi si Ate at ginagaya siya Papa.

Sa mga sumunod na litrato ay ako naman, karga-karga ni Mama sa ospital.

Nakapikit ang sanggol na ako habang si Mama ay nakatingin sa akin nang puno ng pagmamahal.

Naantig ang puso ko sa litrato kaya ipinatong ko ang makapal na photo album sa isa kong kamay at aalisin sana ang madikit na plastic gamit ang isang ko pang kamay para makuha iyong picture.

Hindi ko nabalanse ito ng maayos at nalaglag ito sa sahig. Napakamot tuloy ako ng sentido at lumuhod upang pulutin ito.

Aangat na sana ako nang may mapansin akong litratong nalaglag.

Dahan-dahan kong pinulot ito at inilapit sa aking mukha.

Napakunot ang noo at lumakas ang tibok ng puso ko.

Paano ito napunta dito?

Hindi ako puwedeng magkamali ito 'yong litrato na nakita ko sa ilalim ng unan ni Lolo, 'yong nasa drawing ko!

Napatingin ako sa makapal na photo album na sinusuri ko kanina pa, tinago ito ni Mama?

Naramdaman ng daliri ko na may nakasulat sa likod ng litrato kaya binaliktad ko ito.



KATULAD ng nakagawian ay hindi pinaabot ni Gareth ng ilang segundo ang pagkatok ko.

Nakita niya ako na basing-basa dahil sa ulan.

"Isabella."

"Shit happens," panimula ko at napakuyom ang labi."Can I have a coffee? Sabi mo puwede akong pumunta para doon."

Matagal niya akong tinitigan. Saglit niya akong iniwan dahil ikinuha niya ako ng malinis na tuwalya.

"I'll prepare your coffee."

Hindi na niya inantay ang sagot ko at dumiretso na sa kusina.

"I heard what happened," sabi ni Gareth mula sa kusina. "Is Jane okay?"

Kumurap ako ng isang beses at umiling.

"No. She lost her child."

Narinig ko ang pagkuha niya ng tasa at kutsarita para sa kapeng hinahanda.

"I'm sorry."

Hindi na ako sumagot.

Maya-maya lang rin ay bumalik si Gareth sa sala at nilapag sa lamesa ang kapeng inihanda."Here."

Pinagmasdan ko ito. Katulad ng hilig ko, black coffee iyon.

Sa gilid ng paningin ko ay nakita ko siyang umupo sa upuan taliwas sa inuupuan ko, nakasalikop ang dalawa niyang kamay habang nakatingin saakin.

Ako naman ay nanatiling nakatingin sa hindi ko pa ginagalaw na kape. Dinig na dinig ko ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng bahay.

Perpekto kung papasok sa sistema ko ang mapait na hinanda niyang inumin sa ganitong panahon.

Pero iba ang pinunta ko dito.

"You look awful," puna ni Gareth. Bumaba ang tingin niya sa suot ko. Ito pa rin ang suot ko nang makauwi kami galing sa Maynila kahapon. "You haven't slept?"

Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Napaka-elegante niya tignan. Kahit nasa bahay siya ay naga-abala pa siyang magsuot ng pormal. Ang buhok niya ay naka-ayos na tila may pupuntahan, may suot siyang panibagong relo na ngayon ko lang nakita at sapatos na halos kuminang na sa kintab.

Tumagilid ang ulo ni Gareth nang mapansin niyang sinusuri ko siya.

"Isabella?"

Bumalik ang titig ko sa mga mata niya.

"Daxon Ross."

Kitang-kita ko ang pagdiretso ng labi niya sa narinig.

Bahagyang umangat ang baba ko sa kanya.

"Iyon ang tunay mong pangalan, tama?"

繼續閱讀

You'll Also Like

10.3K 794 42
What the fuck am I doing here?
2.7K 263 38
Set in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileg...
98.9K 6.9K 59
Hallienia, ang babaeng limang taon ng may crush kay Fire Gabis. Sa kagustuhan niyang mapasa-kaniya ang binata, ginamitan na niya ito ng dahas. Nagtun...
5.3K 536 40
What happens when a wizard in training summons a succubus? Orphaned at a young age, Merlin wanted nothing more than to avenge his brother. Now that h...