Almost Escape (COMPLETED)

By BeenieBean

10.4K 1.5K 506

A simple girl with a simple dream. That's Caina Reign Villamor. Hindi niya pinangarap na maging aktres katula... More

ALMOST ESCAPE
INTRÓ
UNÓ
DÒS
TRÈS
CUATRÓ
CINCÓ
SÈIS
SYÉTE
OCHÓ
NUÉVE
DIÉZ
ONSÉ
DOSÉ
TRESÉ
CATORCÉ
QUINCÉ
DIECISÉIS
DIECIŚIETE
DIECIÓTSO
DIECINUÉVE
VÉINTE
VÉINTE UNÓ
VÉINTE DÓS
VÉINTE TRÉS
VÉINTE CUATRÓ
VÉINTE CINCÓ
VÉINTE SÉIS
VÉINTE SIÉTE
VÉINTÉ OTSÓ
VÈINTE NUEVÉ
TREINTA
TREINTA Y UNÓ
TREINTA Y DÓS
TREINTA Y TRÉS
TREINTA Y CUATRÓ
TREINTA Y CINCÓ
TREINTA Y SYÉTE
TREINTA Y OCHÓ
TREINTA Y NUEVÉ
CUARENTA
CUARENTA Y UNÓ
CUARENTA Y DÓS
CUARENTA Y TRÉS
CUARENTA Y CUATRÓ
CUARENTA Y CINCÓ
CUARENTA Y SÉIS
CUARENTA Y SIETÉ
CUARENTA Y OCHÓ
CUARENTA Y NUEVÉ
CINCUENTA
CINCUENTA Y UNÓ
CINCUENTA Y DÓS
CINCUENTA Y TRÉS
CINCUENTA Y CUATRÓ
CINCUENTA Y CINCÓ
CINCUENTA Y SÉIS
CINCUENTA Y SIETÉ
CINCUENTA Y OCHÓ
CINCUENTA Y NUEVÉ
SESENTA
SESENTA Y UNÓ
SESENTA Y DÓS
SESENTA Y TRÉS
SESENTA Y CUATRÓ
SESENTA Y CINCÓ
OUTRÓ
PLAYLIST

TREINTA Y SÉIS

122 24 24
By BeenieBean

Thirty-six

NANIGAS ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw habang si Shen ay masama ang tingin sa kanila. Dahil sa sama ng mukha ni Shen ay biglang nagbigay ng daan ang mga naroon. Natakot 'ata.

Mabilis na naglakad papunta sa kanila si Shen. Natauhan naman ako at sinundan siya.

"Akala ko ba ako ang magbibigay sa'yo?" bungad agad sa kanya ni Shen.

Napangiti naman si Ramil at bigla siyang hinapit sa baywang. Dahil may nakaharang sa pagitan nila sa mismong bench at sa upuan ng mga audience ay hindi niya ito buong nayakap. Nakita ko naman ang gulat sa mata ni Jayem at bigla itong nag-walk out.

Nadako ang tingin ko sa court at napansin kong naroon rin si Terrence at pinagpapawisan na din. Hindi ko alam na sumali siya sa basketball. Nagkatinginan kami. Ngumiti ako. Akmang lalapit siya sa akin pero biglang may nagpito at wala siyang nagawa kung 'di bumalik.

"Hey Quing, kunin mo na itong tubig. Pinagpapawisan ka na oh." Nabingi naman ako sa narinig ko.

Napakalambing ng pagkakasabi ni Angela noon.

Dumako ang tingin ko roon. Akmang pupunasan ni Angela si Quing sa noo pero umiwas ito at naglakad patungo sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa kong paghalik sa kanya kanina!

Nagkatinginan kami ni Quing. Ngumuso siya parang napipigil ng ngiti.

"Hey," sabi niya nang tuluyan siyang makalapit.

Tumingin ako kay Angela. Nakakuyom ang mga kamay niya at masama ang tingin sa akin at katulad ni Jayem ay nag-walk out din ito.

Tsk! Wala pa nga kaming ginagawa! Paano pa kaya kung mag-yakapan na kami rito.

Joke lang. Syempre bawal iyon. Eh 'di malalaman ng lahat na may something sa amin.

Inabot ko sa kanya ang gatorade. Kinuha niya naman ito habang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa akin. Lumingon ako sa likod. Gulat din ang mga mata ng nakakakita. May ibang halata ang pagka-inggit. Pero ang iba ay kinikilig. Hindi sa amin kung 'di kina Shen.

Ang PDA nila. Nakayakap pa rin si Ramil sa baywang ni Shen habang si Shen ay nakahawak sa kanyang batok at nakatingala kay Ramil at err... nagpapa-cute.

Napa-iling na lang ako at tumingin ulit kay Quing na umiinom. Sinusundan ko ang pagbaba-taas ng adam's apple niya. Napalunok ako. Siguradong hindi lang ako ang napalunok sa ginawa niya.

"Ah shit! Ang hot talaga ni Barron!" Dinig kong sabi nila sa likod ko.

"Shet! I want him now!" Napahawak ako sa railings dahil sa narinig. Want him for what?

Tumingin ulit siya sa akin pagkatapos uminom. Mas lalong nahalata ang mapula niyang labi dahil sa basa nito.

Pinagpapawisan na nga ang kanyang noo. I badly want to wipe it but I can't! I mean not today or not here!

Ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa harang dahilan para mas lalo siyang makalapit sa akin. Bahagya naman akong lumayo. Kumunot ang noo niya, nagtataka sa naging kilos ko. Nag-iwas ako ng tingin.

"What's the problem?" I bit my lower lip. I looked at him again.

"Lumabas ka. Pumunta ka sa likod ng gym. Susunod ako," mahina kong sabi pero nananatili siyang nakatayo roon at seryosong nakatingin sa'kin.

"Please. I will tell you something." Bumuntong-hininga naman siya at sinunod ako.

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago siya sinundan. Hindi na ako nagpaalam pa kay Shen dahil ayoko silang istorbohin sa paglalandian. Este— paglalambingan.

Lakad-takbo ang ginawa ko. Naabutan ko siyang nakasandal sa pader habang nakahalukipkip at seryoso ang mukha.

"Quing." Pumunta ako sa harapan niya. Hindi nagbago ang ekspresyon niya at nag-iwas lang ng tingin sa akin.

"Anong sasabihin mo?" Umayos siya ng tayo pero nananatiling naka-krus ang mga kamay.

Inilabas ko ang panyo ko at dahan-dahang inilapat sa kanyang noo. Nakatingala ako sa kanya habang ginagawa iyon. Gulat ang kanyang mga mata. Nang matapos ako ay pinagsalikop niya ang kanyang labi at nag-iwas ng tingin.

"G-galit ka ba?"

"No."

"Galit ka eh," pilit ko pa.

He sighed. "Why are we here?"

This is it! I will tell him to keep our status for now.

"Huwag ka munang magpahalata na nililigawan mo ako," mabilis kong sabi.

Kumunot naman ang noo niya. "What?"

"Let's keep it for a while. Everything about us. Ipakita natin na m-magkaibigan lang tayo... sa ngayon. Hanggang sa maging puwede na." Kinagat ko ang labi ko.

"You want me to show them that you are just my friend?"

I nodded then slighty smiled. "Hindi naman magtatagal."

"How's that? Paano kita liligawan kung ipapakita kong kaibigan lang kita?" He chuckled without humor.

"You can still court me. Pero 'yung hindi halata. Basta magkaibigan lang muna tayo pero nililigawan mo ako." Napa-awang na ang bibig niya. Maski ako ay hindi na rin maintindihan ang sinasabi ko.

"I can't understand. Ano 'yon? Friends with benefits?" 

Huminga ako nang malalim. Hindi kami magka-intindihan. "Okay, ganito. Private. Tayo lang ang nakaka-alam. Private mo ako ligawan... we can uh... be sweet kapag tayong dalawa lang," nahihiya kong sabi. Napayuko na lang ako. Nag-iinit na naman ang pisngi ko.

Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko siyang tumawa. Bigla niya akong hinila at niyakap.

"You're so cute baby love." Bumilis ang tibok ng puso ko. Kahit na pawisan na siya ay ang bango-bango pa rin!

"I'm sorry. M-makakapaghintay ka ba?"

Tinignan niya ako habang yakap-yakap pa rin ako. "I told you. I'll wait for you..."

I can't help but smile. Pinalo ko siya sa dibdib. "Akala ko, galit ka."

"Hindi ako magagalit sa'yo..." Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Inilayo ko naman ang mukha ko at tumingin sa paligid.

"There's no one here," malambing niyang sabi at mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa baywang ko.

Shit! He'll kiss me here?!

Palapit nang palapit ang mukha niya sa akin.

"Caina kanina pa—"

Mabilis akong humiwalay sa pagkakayakap ni Quing sa akin. Napatingin ako kay Shen na nasa bibig ang kamay. Sumulyap ako kay Quing. Nasa batok ang kamay niya habang namumula ang tainga.

"Sorry. Naistorbo ko yata kayo... Caina, naka-post na raw ang result sa bulletin board b-baka g-gusto mong silipin." She awkwardly laughed. "Sige ituloy n'yo na ang ginagawa n'yo." Pagkagano'n ay mabilis siyang nawala sa harapan namin.

Tinignan ko si Quing sa gilid ng mga mata ko.

"Shall we continue?" Matalim ko naman siyang tinignan. He just chuckled. Hinila niya ulit ako at hinalikan sa noo.

"Let's go back. You should see the results. Magkita na lang tayo mamaya pag-uwi..." He smiled. Tumango naman ako.

"Okay." Nauna na akong naglakad at bumalik sa gym.

"Hey Shen! Sasamahan mo ba ako o dito ka na muna?"

Umiling naman siya. "Sasamahan kita! I want to celebrate with you!" masaya niyang sabi.

"Loka-loka! Hindi pa nga natin nakita ang resulta!"

"Ah basta! Sure na akong nandoon ka!"

Nagpaalam naman si Shen kay Ramil at sinabayan ako sa paglakad. Siya naman ang pagpasok ni Quing sa gym. Ngumiti ulit siya sa akin at kumindat. Biglang napuno ng tilian ang gym. Natatawa akong umiling.

Ang guwapo ng manliligaw ko! Kailangan ko nang masanay sa pagkahumaling nila sa kanya.

"Akala mo nakalimutan ko na 'yung naabutan ko kanina? Nagkakamali ka Caina!" Pagkatapos ay humalakhak siya.

Hinampas ko naman siya sa braso. "Shh. Huwag ka maingay!"

Tumingin muna ako sa paligid kung may nakatingin sa amin nang makitang wala ay niyugyog ko si Shen.

"Ayun! Lumabas din ang tunay na kulay," nakangiwing sabi ni Shen.

"Syempre, we want to keep it private muna. Hindi naman namin kayo katulad na PDA!" Umirap ako.

"Tse! Gagawin n'yo rin 'yan! Baka nga mamaya malala pa kayo sa amin," pang-aasar pa niya.

Naaninag ko na ang bulletin board na kung saan ang daming taong nagsisiksikan. Dinaluyan ako ng kaba. Biglang nanlamig ang mga kamay ko.

Lord! Please, kahit ito lang.

"Makipagsiksikan ka na kaya?" tanong sa akin ni Shen. Umiling ako.

"Hintayin ko na silang matapos." Medyo nanginig ang boses ko dahil sa kaba.

Paano kung hindi ako makuha? Ugh! I'm being paranoid again. Huminga ako nang malalim nang medyo nabawasan na ang mga tao. Lumapit ako sa bulletin board. Naka-post roon ang results. Nagsimula ako sa itaas.

Wala ang pangalan ko. Pinasadahan ko pa ng tingin ulit. Si Elliene ay nakapasa... number thirty-one na, wala pa rin. Nawawalan na ako ng pag-asa. Tumalikod na ako.

Malungkot akong ngumiti kay Shen. "Wala. Wala ako."

"Hinde! Nariyan ka! Ako ang titingin!" Mabilis na naglakad papunta roon si Shen. Masugid niyang tinignan ang papel na nakadikit roon.

Hindi nagtagal ay bigla itong nagtitili. Lumapit siya sa akin at bigla akong yinakap.

"Gaga ka talaga! I told you kasali ka! Tapusin mo kasi 'yung pagtingin! Go see for yourself!" Tinulak niya ako.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa bulletin board. Kapag wala ako rito, hindi ako makakasali sa last step.

Pinasadahan ko ito ng tingin at gano'n na lang ang saya ko nang makitang naroon ang pangalan ko sa kahuli-hulihan ng papel.

Oh my gosh! I made it! Tumingin ako kay Shen at nakitang malaki ang ngiti niya. Lumapit ako sa kanya at hinampas siya sa braso.

"Aray naman! Bulag ka din ano? Kaagad nawawalan ng pag-asa!" Umirap siya pero pagkagano'n ay ngumiti.

"Congrats Caina! Oh. You should go. Para sa last step... I know you can do it!" Ngumiti ako.

"Thanks Shen! I should go! See you later!" Tinakbo ko na agad ang daan patungo sa painting class.

Bawat hakbang ko ay dumadagundong ang kabog ng puso ko. This is the last step. It's not that this is the only chance that I can take to achieve my dreams, but this is the nearest way. It's an opportunity that I can't lose. It's now or never.

"Sir, can I come in?" hinihingal kong sabi.

Naka-upo si Sir Thowron habang nakahalukipkip. Nagtinginan naman sa akin ang mga naroon. Dinaluyan naman ako ng hiya.

Ngumisi si Sir. "Yes, you can Caina. Hindi pa naman kami nagsisimula."

"Thank you, Sir." Bahagya akong yumuko at pumasok. Pumuwesto na lang ako sa pinakadulong upuan.

"Complete na ba?" tanong ni Sir sa mga members. Tumango naman sila.

Napayuko ako. Ako na lang pala ang hinihintay. Pa-importante naman ako masyado.

Pumalakpak si Sir. "Okay! So, actually, madali lang itong last step namin. One on one talk. This is the best way to know the personality of everyone. It's like a question and answer pero mas pinagaan lang at walang pressure." Ngumisi si Sir. 'Yung ngising may halong kalokohan.

Ang akala ko ay magpipinta na naman. Narinig ko ang hagikgikan ng mga members roon. Anong meron?

"Hindi ako o ang mga members ang magtatanong kung 'di... sila." Biglang napuno ng hagikgikan at tili ang kuwarto.

Nanlaki ang mata ko. Sila? Shit!

Ayos na ayos na sila. Nakapagpalit na at fresh na fresh. Sina Brian at Simon pati na si Jake ay narito. Habang nakangisi naman si Ramil sa tabi ni Quing na seryoso lang ang mukha. Ngumiti naman si Terrence sa akin. Mayroon din silang ibang kasama pero hindi ko na sila kilala.

But they are all good-looking men! I think I know the reasons. They will test if lalabas ang tunay na kulay mo kapag sila ang kausap mo.

Tsk!

"Okay, stop na girls! Nako! Wala pa nga eh ganyan na ang ipinapakita niyo. Now, sila ay magbubunutan kung sino ang kakausapin nila. Bali mahahati sa dalawa dahil hindi kasya lahat dito, so 'yung isang twenty sa kabilang room okay?"

"Yes Sir!" sabi nila at pagkatapos ay nagtilian na naman.

Una nang bumunot si Brian kaya todo tilian na naman sila. "Carla," basa ni Brian roon at biglang nagtilian ang nasa likod ko.

Gano'n din ang ginawa ng iba at halos pare-pareho lang ang reaksyon nila. Wala. Mga guwapo eh.

Sunod naman ay si Simon. Napuno ng katahimikan ang kuwarto.

"Caina."

Ngumiti siya sa akin. I smiled back. Nadako ang tingin ko kay Quing na nagtiim-bagang.

Nang siya naman ang sunod na bubunot ay mas lalong nagtilian ang lahat. Umaasang sila ang mabunot.

Napasigaw naman ang nabunot niya sa kilig. Ang iba naman ay parang nalungkot. At kung suswertihin nga naman siya... si Elliene ang nabunot niya.

"Nice! Lahat ng nabunot na first twenty ay sa kabilang room, mag-stay dito 'yung mga huling nabunot at kayo boys tabihan niyo na sila." Lumapit naman sila sa kanya-kanyang kakausapin habang may hawak na papel na siguro ay ang mga itatanong.

Hagikgikan, tilian pa rin ang naririnig ko. Nagsilabasan na rin ang iba.

Bumuntong-hininga na lang ako sa ingay nila.

"Hi Caina. Kamusta?" Umupo siya sa kaharap na upuan.

"Hi Simon. Ayos lang, ikaw?" I smiled.

Bago pa man siya makasagot ay biglang may tumikhim sa gilid namin. Dahil busy ang lahat, nakakuha si Quing ng tsansa na lumapit sa akin.

"Behave, baby Love. That boy likes you," he whispered before he goes back to his partner as nothing happened.

Continue Reading

You'll Also Like

564K 40.3K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1.1M 29.8K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
2.1K 55 5
You can read the [The Coverage] full version on my dreame account. -typemehard
136K 5.6K 45
When a gay meets his match-a badass lady bodyguard with a pretty cheeky brain. - Fourth Misuaris, one of the handsome men in the Misuaris Clan, is an...