Almost Escape (COMPLETED)

By BeenieBean

10.4K 1.5K 506

A simple girl with a simple dream. That's Caina Reign Villamor. Hindi niya pinangarap na maging aktres katula... More

ALMOST ESCAPE
INTRÓ
UNÓ
DÒS
TRÈS
CUATRÓ
CINCÓ
SÈIS
SYÉTE
OCHÓ
NUÉVE
DIÉZ
ONSÉ
DOSÉ
TRESÉ
CATORCÉ
QUINCÉ
DIECISÉIS
DIECIŚIETE
DIECIÓTSO
DIECINUÉVE
VÉINTE
VÉINTE UNÓ
VÉINTE DÓS
VÉINTE CUATRÓ
VÉINTE CINCÓ
VÉINTE SÉIS
VÉINTE SIÉTE
VÉINTÉ OTSÓ
VÈINTE NUEVÉ
TREINTA
TREINTA Y UNÓ
TREINTA Y DÓS
TREINTA Y TRÉS
TREINTA Y CUATRÓ
TREINTA Y CINCÓ
TREINTA Y SÉIS
TREINTA Y SYÉTE
TREINTA Y OCHÓ
TREINTA Y NUEVÉ
CUARENTA
CUARENTA Y UNÓ
CUARENTA Y DÓS
CUARENTA Y TRÉS
CUARENTA Y CUATRÓ
CUARENTA Y CINCÓ
CUARENTA Y SÉIS
CUARENTA Y SIETÉ
CUARENTA Y OCHÓ
CUARENTA Y NUEVÉ
CINCUENTA
CINCUENTA Y UNÓ
CINCUENTA Y DÓS
CINCUENTA Y TRÉS
CINCUENTA Y CUATRÓ
CINCUENTA Y CINCÓ
CINCUENTA Y SÉIS
CINCUENTA Y SIETÉ
CINCUENTA Y OCHÓ
CINCUENTA Y NUEVÉ
SESENTA
SESENTA Y UNÓ
SESENTA Y DÓS
SESENTA Y TRÉS
SESENTA Y CUATRÓ
SESENTA Y CINCÓ
OUTRÓ
PLAYLIST

VÉINTE TRÉS

101 20 9
By BeenieBean

Twenty-three

"SWIMSUIT, check and done!" Kakatapos ko lang mag-impake.

Ngayon ang byahe namin papunta sa Morong. It's currently eight in the morning. Hinihintay ko lang sina Shen dahil susunduin na lang daw nila ako sa bahay.

Bumaba na ako para mag-almusal. I'm wearing a simple floral dress and gladiator sandals. Nakalugay rin ang aking buhok at may sunglasses din sa aking kamay.

Hinila ko ang maletang hawak ko. Pagbaba ko ay naroon na rin sina Ate at Mama.

"Oh ngayon na ba 'yung outing niyo?" si Ate habang hawak ang cellphone niya. Nakabihis na rin sila para magtrabaho.

"Oo 'di ba. Saturday na ngayon. Sa Lunes pa ako uuwi niyan."

"Just make sure, you are safe there. I have to go. Let's just talk when you're back."

Pinunasan ni Mama ang labi niya at saka umalis. Simula noong announcement nila ay hindi pa rin kami nag-uusap ni Mama.

Nagkatinginan kami ni Ate. Napa-buntong hininga na lang ako. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Basta mag-iingat ka roon. Huwag kang pupunta sa malalim! Hindi mo na ako kasama."

Humagalpak ako ng tawa. Am I some kind of baby?

"Ate ginawa mo akong bata! Syempre kaya ko naman ang sarili ko and one more thing, nandoon sila Shen at sina Tita. Hindi nila ako pababayaan."

"Actually I'm happy that you learn how to go outside and live like a normal one. Puro ka kasi bahay nang bahay! Hindi ka ba naiinip?!" nakapameywang niyang sabi.

"Dati hindi, pero ngayon gusto ko na lagi gumala. You know? People change." Nagkibit-balikat ako.

Narinig ko ang busina galing sa labas. They're here.

"Sige na Ate! 'Andyan na sila. Bye! Love you." Humalik ako sa pisngi ni Ate.

Paglabas ko ay naka-abang sa akin si Shen sa labas. She is wearing black shorts and a halter top. She's gorgeous as always.

Gamit ang kanilang black van. Sumakay kami sa may bandang likod.

Pagpasok namin ay agaran ang bati ko sa kanila. Si Tita Ofelia na mama ni Shen ay nasa harap namin habang ang papa niya na si Tito Polly naman ay sa front seat kausap ang kanilang driver.

"Hi Caina! How are you? You look beautiful." Tita smiled at me.

"Okay lang naman po. Kayo din po," nahihiya kong sabi.

"Buti nga napasama ko siya mommy. Kung hindi maboboring talaga ako roon." Bumungisngis si Shen.

"Grabe ka naman Shen!" Mahina ko siyang hinampas sa braso.

"Actually, hindi ka naman talaga maiinip dahil darating din ang tita Divine mo and your cousins. But good thing na rin na nandito si Caina." Tita Ofelia smiled at me.

Napatingin naman ako kay Shen na nanlalaki ang mata. "Omg! Bakit hindi mo sinabi agad mommy?! Ibig-sabihin naroon rin sina Terrence and ate Mae?"

"Yes. Kasama rin daw sina ate Ryzza at kuya Kenneth mo," dagdag pa ni Tita.

Ibig-sabihin, marami pala kami roon. Last time kasi na kasama ko silang nag-outing ay bata pa ako. Wala naman ang mga ibang kamag-anak nila noon kaya hindi ko pa sila kilala.

"Shen kasama mo pala ang mga pinsan mo, nakakahiya," bulong ko.

"Asus! Kasama mo ako. Ipapakilala kita sa mga pinsan ko. Promise! Exciting 'to!"

Nag-stop over kami sa convenience store at Chowking para bumili ng pagkain para sa mahabang byahe.

Walang kaalam-alam si Shen na darating si Ramil mamaya! It's a surprise after all.

"Ma'am nasa Bataan na po tayo." Dinig kong sabi ng driver.

Napamulat naman ako dahil roon. Sinusubukan ko kasing matulog pero pagpikit lang ng mata ang nakaya ko. Nakita kong nagpupunas ng mata si Shen na mukhang kagigising lang.

Tumingin ako sa bintana. Natanaw ko ang mga punong sumasayaw sa hangin. May mga iilan pa akong nakitang unggoy.

"Look Caina! Monkey!"

"Yeah! Nakakita din ako kanina! Kamukha mo!" Tumawa ako. Napa-irap siya pero pagkagano'n ay natawa na rin.

"We're going up!" Dinig kong sabi ni Tito Polly.

"Going up?" nagtatakang tanong ni Shen.

"Yeah. Mas malapit at mabilis kung dadaan tayo sa bundok."

Napansin kong paakyat nga ang sasakyan namin. Paikot-ikot at nakakahilo.

Ngayon naman ay pababa na ang daan namin. After three hours of driving. Nakarating rin kami sa White corals beach resort.

Bumaba kami agad ni Shen. Tanaw ko na ang mga iilang swimming pool roon. Medyo marami din ang tao dahil nga summer na.

"So excited!" Gigil na gigil si Shen.

Nilagay namin ang mga gamit at pagkain sa cart at pumasok na. Napansin ko ang isang place roon na for food catering. May mga foreigners din na kumakain roon.

Narating namin ang aming kuwarto. Pumasok kami at sumalubong sa amin ang isang all white room na may dalawang kama.

Samantalang sina tita at tito naman ay pumasok sa katabing kuwarto.

Humiga kaagad ako sa kama dahil na rin sa pagod sa byahe. Sinindi ni Shen ang air-conditioner at tumabi sa akin sa paghiga.

"Kapagod! Matulog muna kaya tayo?" I yawned and stretched my hands.

Napa-upo naman siya at hinampas-hampas ang hita ko. "No! Nandito tayo para mag-relax at mag-enjoy! Hindi para matulog."

I lazily nodded. "Okay. Pero mamaya na lang natin silipin ang dagat. Tirik pa ang araw."

Alas-dose pa lang ng hapon. Masyado pang masakit sa balat ang araw.

"Sabi ni mommy, may mini bar rito at pwede rin mag-billiards! Pwede rin mag-volleyball. Mamaya pagdating ng mga pinsan ko. Yayain ko sila!" Napapalakpak sa saya si Shen.

Tamad akong tumango at sinilip ang cellphone ko. May missed call galing kay Ate.

I dialed her number para i-update. Pagkatapos ng ilang rings ay sumagot din siya.

"Hello! Kanina pa ako tumatawag impakta ka! Akala ko kung ano ng nangyari sayo!" Maingay sa kabilang linya.

"'Andito na kami sa resort. Halos kadarating lang namin. Medyo pagod pa."

"Pagod? Eh naka-upo ka lang naman buong byahe! Anyways 'yung mga sinabi ko sayo. I-update mo ako lagi. Lumayo ka sa mga lalaki riyan! Magtatrabaho muna ako! Bye!" She ended the call.

"Sino 'yon? Ate Ems?" Nakapagpalit na into white sleeveless dress si Shen habang ini-ikat ang sarili.

"Oo. Nag-update lang ako. Alam mo naman iyon!"

"Ano? Hindi ka pa talaga magpapalit, rest ka muna?"

"Oo, siguro iidlip lang ako. Gisingin mo na lang ako kapag hindi mainit."

"Okay! Pero bagay ko ba?" Pinakita sa akin ni Shen ang naka-fishtail nyang buhok.

"Of course! Ang ganda mo." I smiled.

"Nice! Thank ya! Puntahan ko muna sina mommy." Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya lumabas.

Tumayo naman ako para lakasan ang aircon. Binuksan ko din ang tv para manood muna. Unti-unti namang bumaba ang talukap ng mga mata ko at nakatulog nang tuluyan.

"Caina! Reign! Villamor!" Napahawak agad ako sa tainga ko dahil sa lakas ng sigaw niya.

Hindi ko pa maaninag ang istura niya dahil sa hilo. Dahan-dahan akong umupo at kinusot ang mata ko.

"Alas-kuwatro na! Kanina pa kita ginigising sorry sumigaw na ako." Nag-peace sign siya.

"Napasarap tulog ko." Tumayo ako at tumalon-talon para mawala ang antok ko.

"Nariyan na rin mga pinsan ko. Magbihis ka na dali. Papakilala kita sa kanila. Naroon lang kami sa may kabanya hut seven! Maraming pagkain ang nakahanda roon!"

Lumabas na siya. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Ate na kaagad naman niyang sinagot.

"Hello Ate. Kakain na kami. Nandito rin pala mga pinsan ni Shen. Mamaya na lang ulit."

"Okay sige. Nasa taping pa rin ako. Ingat diyan."

"Okay bye."

I sighed. Naghilamos na muna ako. Kinuha ko ang maleta ko. Iniladlad ko lahat ng mga damit ko.

I just decided to wear my striped v-neck crop cami top with shorts. Medyo litaw ang tyan ko. Nagsuot din ako ng flip-flops. Nilugay ko na lang ang mahaba kong buhok at ginawang headband ang sunglasses kong dala.

Lumabas na ako. Sa oras na ito, kaunti na lang ang tao sa mga pool dahil palagay ko ay nasa dagat sila.

Napadaan ako sa mini bar. May iilang foreigners na napapatingin sa akin roon. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

Nadaanan ko ang mga banana boat na nakatabi sa isang sulok. Sa harap nito ay ang mga naglalaro ng volleyball. Umapak na ang mga paa ko sa artificial white sand.

Hinanap ng mga mata ko sina Shen. Naroon sila sa may isang kabanya hut. Habang ang mga hindi pamilyar na mukha ay naroon din.

Hindi ko alam kung paano ako lalapit dahil sa hiya. Naaninag ako ni Shen at kumaway sa akin.

"Caina! Dito!" sigaw nya.

Lakad-takbo naman akong lumapit sa kanila. Napatingin naman sa akin ang mga naroon. May ibang kumakain habang ang iba ay nag-iihaw.

"Hey everyone! This is Caina. My bestfriend!"

"Hi Caina! I'm Ryzza!" pakilala ng isang petite na naka-braces na babae.

"Hello po." Ngumiti ako.

"You're Brielle's sister right?" sabi noong medyo chubby na babae.

"Yes po," nahihiya kong sabi.

"By the way, I'm Mae! Nice to meet you."

"Kenneth," biglang sabi nung isang lalaki na matangkad at maputi.

"Kapatid siya ni ate Ryzza!" dagdag ni Shen. Tumango-tango naman ako.

"That's Terrence." Turo ni Shen sa lalaking naka-topless habang ang tee shirt ay nasa balikat at seryosong nag-iihaw.

"Hoy Rence!" tawag sa kanya ni Shen.

Napatingin naman sa akin 'yung Terrence. Tumango lang ito at pagkatapos ay bumalik na sa ginagawa.

"Hey! Terrence. You are so rude! Can you just say something?"

Parang wala namang narinig si Terrence. "Okay lang." I slightly laughed.

"Hayaan mo na nga siya! Kumain na lang tayo." Nagsalo-salo naman kami roon. Habang pababa na rin ang araw.

"Nasaan 'yung isang barbecue ko rito?" inis na sabi ni Shen.

"Wait lang, ikukuha kita." Pipigilan niya sana ako kaso ay nakatayo na ako. Pinuntahan ko ang pwesto ni Terrence.

"Hi. May luto na ba?" Tumingin siya sa akin sandali pagkatapos ay umiling.

"Ah sige sasabihin ko kay Shen wala—"

"Uso maghintay," masungit niyang usal.

"Oh. Okay."

Pinapaypayan niya ito. Bigla niyang ibinigay sa akin ang tatlong stick ng barbecue.

"Isa lang, kay Shen lang sana."

Blanko ang ekspresyon niyang tumingin sa akin. "It's yours."

Gulat man ay kinuha ko na lang ito "Salamat." I smiled.

Nag-iwas naman siya ng tingin at masungit na tumango. Bumalik ako sa pwesto namin at inabot kay Shen ang dalawang stick ng barbecue.

" Wow! Thanks Caina... Terrence thank you!" sigaw n'ya sabay lapang sa barbecue.

Pagkatapos kumain ay niyaya kaagad ako ni Shen sa tabing dagat. Tumakbo kami papunta roon habang magkahawak-kamay. Nakasabit naman sa leeg niya ang kanyang camera.

"Caina! Dali, pang-Instagram!"

Naiilang man sa tingin ng mga tao ay pinagbigyan ko si Shen na kuhanan ako ng litrato. Nag-pose ako nang nakangiti, nakatingin sa dagat, at stolen.

"Tayo namang dalawa! Terrence! Picture-an mo kami! Dali!"

Lumapit naman si Terrence at kinuha kay Shen ang camera. Nag-pose kami ni Shen na magka-akbay.

"One, two, three. One more"

Tumalikod naman kami ni Shen at umupo sa buhangin habang nakatingin sa dagat.

"One, two, three. Last one! Candid!" bahagyang sigaw ni Terrence.

"Alam mo, Caina? Nauutot ako!" Tumawa siya kaya natawa rin ako.

"Perfect!"

Kinuha ni Shen ang camera kay Terrence. "Nice shot Rence!" Napatingin naman ako roon. Maganda nga ang mga shots niya.

"I think ikaw na lang ang magiging photographer namin for this night! What do you think?" Bigla namang tumalikod si Terrence.

"Hey! Please! Last na!" pigil sa kanya ni Shen.

Masungit naman na bumalik si Terrence at walang nagawa kung 'di pagbigyan ang pinsan.

Pinanood ko lang silang mag-away dahil hindi daw maganda ang mga kuha nito.

"Ang pangit ng anggulo! Ayusin mo naman Rence! Ang dalang na nga lang natin magkita!" pagrereklamo ni Shen.

"Sino ba ang photographer? Ako 'di ba? Alam ko ang anggulo, hindi mo lang alam paano dalhin ang pose mo!" inis rin na sabi ni Terrence.

"Caina oh! Rence! Come on. Pang-Instagram ko lang! Last na!"

"Fine!"

Naiinis man ay pinaunlakan niya pa rin si Shen. Hindi ko naman mapigilan ang matawa sa dalawa.

After how many shots, natapos rin sila.

"Nice shot bro! Galing mo talaga!" Parang kanina lang ay nag-aaway sila ah!

Umirap lang si Terence na parang babae. "Okay next! Caina it's your turn!" baling sa akin ni Shen.

Agad naman akong umiling. "Hindi na, ayos na ako."

Hindi niya ako pinansin. "Rence! Solo naman n'ya!"

Napatingin ako kay Terrence. "Go," maikling sabi niya.

"Ayun! Ang bait talaga ni Rence!" Tumatawa-tawa pa si Shen roon.

Biglang itinuro ni Terrence ang puno ng buko. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"Huh?"

"Pumunta ka roon. I'll take shots from there," masungit nyang sabi.

"A-ah Okay! Sorry." Pumuwesto ako roon.

"Just do what you want," mabilis na utos ni Terrence at ipinuwesto na ang camera.

"One, two, three." I smiled on the camera. Tinignan muna niya ang shot.

"Another one." Nag-fierce naman ako.

Nakita kong ngumisi siya. "Nice. Another one."

Mag-po-pose na sana ulit ako nang biglang lumapit sa akin si Terrence.

"Tumalikod ka." I confusedly do what he said.

Kinuha niya ang isang kamay ko. Inilagay niya ito sa katawan ng puno.

"Now slightly look at me." Tumingin naman ako sa kanya at ngayon ay parang naka-side na ako.

"Ganyan ba?" Tumango siya at nag-iwas ng tingin.

Lumayo ulit siya at kinuhanan ako ng litrato sa ganoong pwesto.

"Don't smile! Fierce. One, two, three. Perfect!"

Lumapit ulit siya sa akin at pinakita sa akin ang mga litrato. Ang galing niya actually. I'm impressed. He's like a professional photographer.

"Like it?" Ngumisi siya.

Tumatango-tango ako. Hinanap ko si Shen at nakitang bumalik na pala siya sa kabanya hut.

Binalik ko ang tingin ko kay Terrence pero iba ang nahagip ng mga mata ko. Kasama nito si Ramil while Quing is coldly staring at me. His piercing eyes are making my heart beats faster.

"Nice shot," he mouthed. He sarcastically smirked before he looked away and left.

Continue Reading

You'll Also Like

476K 8.5K 50
Aatrox accidentally drank a Lust potion experimented by his friend, but contrary to the name itself, the potion made him impotent. But when he smells...
DARK LOVE By Atash Case

General Fiction

42.7K 2.9K 36
Meet Jianna Martel, she is a poor woman who needs money to finance her needs, education and treatment of her grandmother but for her to have the thin...
72.7K 1.5K 15
Switching position is their cup of tea. Posted: May 2015 - November 2015
6.9K 200 22
"I really hate your face and everything about you, You ruined everything, you ruined my life" -PARIS