Wicked Witch

By crestnotfallen

30.7K 1.2K 215

"It's easy to say that you're willing to love a person not until the day you've seen her capability to destro... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 11

684 35 3
By crestnotfallen

Kinabukasan, pagbaba ko pa lang sa sasakyan nang ihatid ako ni Kuya David ay napansin ko na kabababa lang din ni Zara at Levi sa sasakyan ng mga ito.

Nagsalubong agad ang tingin namin ng huli.

I silently scolded myself on why did I even arrive just the same time they did. Huli na para makaiwas ako.

Kaya nga ako maaga para hindi madentention at hindi siya makita pero magkasabay pa rin kaming pumasok.

"Raegan! You're too early!"

Zara's annoying voice pointed out.

Hindi ko siya pinansin.

Nagsimula akong maglakad papunta sa classroom namin. Humabol si Zara at sumabay sa akin sa paglalakad.

Isa pa 'to.

I don't really understand her. Hindi ko alam kung bakit hindi ako iniiwasan kahit ako ang dahilan kung bakit hindi na nag-aaral dito ang isa niyang kaibigan.

She would say she hates me pero dikit naman nang dikit sa akin palagi.

Habang naglalakad ay nararamdaman ko ang presensya ni Levi sa likod namin. I know that he's watching me so I restrained myself to look back. Tahimik lang din naman itong nakasunod kahit daldal na nang daldal si Zara sa tabi ko.

He would just greet back when other students greet him, good morning.

Pagkarating namin sa classroom ay naunang pumasok si Zara kaysa sakin. Susunod na sana ako rito nang hilain ni Levi ang kamay ko.

Pinihit niya ako paharap sa kaniya. Napasandal ako sa pader malapit sa pinto.

I look at him irritatingly.

Nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa habang nakatayo sa harap ko. His tall frame was blocking the rays of the sun towards me.

He stared back.

"You still won't talk to me huh?"

I snickered.

He pursed his lips when I remained silent.

Nilibot ko ang mga mata sa paligid nang may mangilan ngilan na estudyanteng tinatapunan kami ng kuryosong tingin.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Aren't you done avoiding me?"

Iritado akong tinignan siya.

"Feeling mo naman. Who are you for me to make great effort to avoid?"

Tumaas ang sulok ng labi niya.

He cleared his throat.

"Did I offend you last time?", he carefully asked me.

Ipinagkrus ko ang mga kamay sa dibdib.

"You tell me."

He released a defeated sigh and scratched the corner of his brow.

"I'm sorry. I didn't mean to make you feel that way..."

Tinaasan ko siya ng kilay, hindi pa rin natitinag.

"...but I mean what I said about loving you though."

Para akong natigalgal sa narinig. Tinanggal ko ang pagkakarus ng mga braso at nasapo ang ulo.

"May sapak ka ba sa utak ha, Zardeleja?"

Hindi siya nagsalita na waring seryosong seryoso sa sinasabi.

"My grandfather is already plotting something behind my back and I know it has something to do with you. What made you think I'd agree to your proposition when the least thing I want is to be affiliated with you?"

"I understand that you hated arrange marriage, dahil ayaw mong magaya sa mga magulang mo. You witnessed how that failed and you don't want history repeat itself. But it's too early for us to be talking about marriage, Raegan.", he deeply sighed. "I'm more concerned on how you are affectionately deprived in here.", turo niya sa puso ko. "...and no. I don't see you as a charity case who needs love donation. I see you as someone who's capable to be loved and that's different."

Hindi ako nakasagot agad dahil sa sinabi niya.

Nag-iwas ako ng tingin. I can't stand the sincere intensity of his stare.

"Levi?"

Nabasag ang tensyon sa pagitan naming dalawa nang may mabining boses na tumawag sa kaniya.

Kapwa kami napalingon doon.

It's Vivienne Ocampo.

I watched as a faint curiosity lingers in her chinky eyes as she exchanged glances between the two of us there.

"Vivienne.", Levi acknowledged her.

Mahinhin itong ngumiti kay Levi. Nang lumipat ang tingin nito sa akin ay kimi rin siyang ngumiti.

"Good morning.", malamyos ang boses niyang bati sa amin.

Binati ito ni Levi pabalik samantalang nanatili lang akong nakatingin dito.

Because of her sudden presence, Levi turned to me and sighed.

"Get inside. We'll talk again later."

Umismid ako saka tumalikod at pumasok na sa loob ng classroom namin.

Nang makita na sumunod ako sa sinabi niya, umalis na rin si Levi at magkasabay sila ni Vivienne na naglakad sa building nila na katabi ng sa amin.

"What did Kuya tell you?"

Pagkaupo ko sa sarili kong upuan ay nag-usisa si Zara.

Magkaharap ang upuan namin. Nakapwesto ako sa likod niya kaya nakalingon siya sa akin ngayon at naghihintay ng sagot.

Hindi ako umimik pero nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"You know, I feel like there's a lot of things on kuya's mind lately. Especially that Lolo visits the house frequently too. I wonder why he also always asks for kuya Levi. It seems like they have secrets that they won't just tell a single soul.", ngumuso ito habang nag-iisip.

"What's the problem kaya? Si kuya rin napansin ko, he's been glued to his phone kahapon pa. I don't know if he's waiting for a call or a text. Basta he kept on checking it kasi. He's extra silent too like always deep in thoughts.", pagpapatuloy niya sa pagdaldal kahit hindi ko siya pinapansin.

Bumuntong hininga ako at inabot ang tumbler ko sa bag para uminom ng tubig. I can feel Zara's gaze on me.

"Teka nga. Binibigyan mo ba ng sakit ng ulo ang kuya ko kaya ganoon siya lately?"

Muntik kong maibuga sa kaniya ang iniinom kong tubig dahil sa tanong niya. Umubo ubo ako kaya dali dali si Zara na inabutan ako ng panyo.

I snapped at her. Hindi ko iyon tinanggap at sariling panyo ang ipinangpunas sa sarili.

"Sorry!"

Paumanhin nito. Akala ko ay hindi na ulit ito magsasalita pero ang dami pa nitong sinabi.

"Wala naman kasing girlfriend si Kuya ngayon so probably, he's not thinking about relationship matters. Ang iniisip ko, baka dahil sa mga students na problema ng Council. I've been seeing him with you a lot of times so baka nga about sa duties niya as SSC President. Because aside from that, what reason pa ba is there for him to talk to you?", saglit na nag-isip si Zara habang nakapangalumbaba sa backrest ng upuan niya.

Kumunot ang noo nito nang may maisip saka madramang suminghap.

"What if kaya ganoon si kuya kasi dahil sa relationship nga? Baka kuya's in love pero hindi ko lang alam? But to whom naman? Do you think it's Vivienne? Nagpapatulong ba sayo kaya kinakausap ka lagi? Meron din si Vivienne sa labas kanina ah. Alam mo ba lagi pa naman silang tinutuksong dalawa dahil bagay raw sila. You know, hindi naman na iyon nakapagtataka because my kuya is really a boyfriend material but he's not bagay to just anyone."

I rolled my eyes on how highly she thinks of her brother. What nonsense.

"You know, Papa always put kuya on a pedestal. Like he has his standards that girls should meet to achieve kuya. Buti na lang Lolo is always cool to whatever kuya Levi wants to do with his life. But he can also be sly at times, same with Don Ric.", she giggled. "Paano pala iyon ano? Lolo and your Dada always wanted to strengthen our family ties. Kaya nga akala nila one of your Aunties will marry one of the Zardelejas men. Pero wala. Kaya siguro they are pushing their luck on our generation. You're the eldest grandchild right? Would you like my kuya Raf or one of our cousins na lang? But pwede rin naman si kuya Levi kung gusto niya."

Nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit ba ang daldal ng babaeng 'to?

Saglit na tumawa si Zara.

"I feel like kuya Raf suits you more. Don't tell anyone ha. But he's my favorite brother so I personally want him for you. For kuya Levi kasi...hay na'ko. Diba nga kuya is really smart? He's really good at almost everything kaya nga sabi nila he's perfect. But kuya Rafael said that in terms of love, kuya Levi is bobo."

Humagalpak si Zara ng tawa nang sabihin nito iyon.

"I'm not really interested on what you're feeding me, Zara. Shut up."

Naiirita kong saway rito ngunit nagpatuloy pa rin siya.

"Pero totoo. That's why I really like it when Kuya's in a relationship and he's stressing out because of his girlfriend kasi doon kami talagang nagkakasundo ni Kuya Rafael. But kuya Levi's past relationships have been so boring lately. Next time sana yung may thrill. He's been dating girls that are so mature so I wish he'd date someone that can really test his patience. Kasi nga diba, in a relationship, it should be balanced? Kuya Rafael and I really wanted someone na nagpapasakit sa ulo ni Kuya Levi."

Nakakunot ang noo ni Zara na parang nag-iisip kung sino ang babagay sa Kuya nito.

"It can't be Vivienne eh. Dapat yung matigas yung ulo to push Kuya to his limits. Lalo na because Kuya is trained to be calm and collected all the time. He never really knows how to let out his emotions. Kahit nga magalit hindi pa namin siya nakikita. He's like a robot. He only acts based on what he's been told. We really wanted him to go all out for once. Kaya bagay talaga siya sa mga girls na may psychopath personality. Yung mga ano...mga...mga tulad mo Raegan, gano'n."

Nagkatinginan kami ni Zara nang matagal dahil sa sinabi niya. Saglit siyang tumahimik habang tinitignan ang reaksyon ko. I let out a sigh.

Humigpit ang hawak ko sa tumbler ko habang nakatingin kay Zara. She watched my hold to the tumbler. When I suddenly raised it to throw at her aiming for her face, mabilis itong tumayo at tumakbo palayo sa akin habang sumisigaw.

"I was just kidding!"

Break time came. Zara stopped pestering me for a moment nang pagbalik nito sa classroom kanina ay malayo na ang inupuan nito mula sa akin, afraid to even breathe near me.

Lumabas na ako sa room pagkatapos damputin ang mga gamit ko. Papunta akong canteen para doon magmeryenda ngayon.

Wala gaanong tao sa loob dahil ang iba ay mas gustong sa labas ng school pumunta. Lalo na at may bagong bukas na coffee shop na malapit sa school last week.

Nakipila ako sa mga nandoon na bumibili. When it was my turn, I ordered some pastries and a chocolate drink before walking to a table located at the corner of the canteen.

Mag-isa lang ako doon habang grupo grupo naman ang mga estudyante sa ibang mga tables sa paligid. Nagsimula akong kumain.

Panatag ang loob ko na hindi pupunta ang ibang Council dito dahil may sariling canteen ang Senior High School. One thing kung bakit nandito ako. Dahil alam kong hindi mapapadpad dito si Levi.

Yun nga lang, napansin ko ang pagpasok ng mga basketball team ng varsity ng school sa loob ng canteen. Nagtatawanan ang mga ito at nag-aasaran. Halata na athletes ang mga ito dahil sa suot nilang varsity jacket na nakapatong sa uniform ng mga ito. Naglilingunan sa kanila ang ibang mga estudyante lalo na ang mga babae. The guys were loving the attention. Iniwas ko na doon ang tingin dahil may nakita.

Inabot ko ang cellphone ko nang magvibrate ito mula sa bulsa ng uniform ko.

Where are you?

Levi texted. Bago ko pa maibaba ang cellphone ay biglang may humugot niyon sa kamay ko.

"Gotcha!"

Pumikit ako nang mariin sa pikon saka dumilat at inangat ang tingin sa lalakeng kasabay ng mga varsity team na pumasok kanina.

"Give that back asshole."

Walang pasensya kong utos kay Grey na nakangisi lamang na umupo sa kaharap kong upuan. Inikot ikot nito ang cellphone ko sa kamay niya.

Inabot ko ito sa kamay niya pero nilipat nito sa kabila iyon. Sinamaan ko siya ng tingin dahil wala talaga ako sa mood makipag gaguhan ngayon. Umupo na ako nang maayos dahil mas mawawalan na naman ako ng pasensya kapag pinatulan ko pa ang pang-aasar niya.

"I told you to fuck off Montilvan, didn't I?"

Nagtitimpi kong saad. Lumingon siya sa mga matang nakatingin sa amin. Nag iwas naman ng tingin ang mga ito nang mahuli sila ni Grey na nakatingin.

"Why? They are bad mouthing you still? Last year pa nung niligawan kita ah. Galit pa rin sila hanggang ngayon?"

Umirap ako dahil sa kawalang alam ni Grey sa dulot niya sa mga tao.

"Ano ba yan. I stopped courting you dahil ayaw mong pinagpyepyestahan ka nila. Kaso ligawan man pala kita o hindi pag uusapan ka pa rin nila rito. Bakit hindi na lang kaya kita ligawan ulit? Besides, whatever I do won't make any difference."

Gusto kong ibuhos ang chocolate drink ko sa mukha ni Grey dahil sa kakapalan ng mukha niya.

Kahit manligaw naman ito ulit, sa tingin niya this time sasagutin ko na siya?

I would rather kiss Zara on the lips that do that.

Napabaling ang tingin ko sa bandang entrance door ng canteen. Bumukas iyon at pumasok ang grupo ng Council. The air in the room suddenly went silent at awtomatikong nagtama ang mga mata namin ni Levi nang pagpasok niya ay inilibot niya ang mga mata sa paligid na waring may hinahanap.

Lumipat ang tingin nito sa kasama ko.

Nagtaka ang iba dahil nandito siya. Hindi ito napapadpad dito kaya nga dito ako pansamantalang pumunta. Lumingon din si Grey sa gawi ng mga ito na naglalakad na rin papunta sa pila para mag order. Nagtaka rin si Grey.

"Levi's here. That's new."

Tinanggal na niya ang tingin sa amin at may kung anong nagbago sa ekspresyon ng mukha niya.

Pumwesto ang grupo ni Levi sa gitna ng canteen. Bumalik ang ingay dahil maging ang mga ito ay nag iingay na rin. Tahimik lang si Levi na nakaupo doon. Walang imik na umiinom ng tubig.

"Aalis na'ko. Give that back."

Binalik ni Grey ang tingin sa akin. Ngumisi ulit ito at dahan dahang umiling.

"Sama ako?"

"Stop being a pain in the ass and give me back my damn phone then go the hell away."

"It's a no then."

"Are you giving that back or I'll crash it on your face?"

Malakas na tumawa si Grey sa akin kaya napalingon ang ibang mga estudyanteng nakaupo malapit sa amin.

Bumuntong hininga ako dahil malapit nang maubos ang pasensya ko sa kakulitan ni Grey.

Tumayo na ako doon at isinukbit ang bag ko sa balikat. Tinapon ko muna ang mga kalat ko bago nagsimulang maglakad papunta sa exit door. Nakasunod naman si Grey sa likod ko. Kinakantyawan ito ng mga kasamahan sa varsity habang ako ay nag aalburoto na sa inis dahil malamang ay pinagchichismisan na naman kami sa paligid.

Blangko ang tingin ko nang madaanan namin ang mesa nila Levi sa gitna. Hindi ito tumingin sa akin at patuloy lang sa pakikinig sa sinasabi ni Vivienne sa tabi niya.

Nilampasan ko sila. Pinagbuksan ako ni Grey ng pinto bago kami tuluyang umalis doon.

Nang medyo makalayo ay hinarap ko si Grey. Ang lawak ng ngiti nito.

"Break time will be over. Akin na yan."

Nang mapansin ni Grey na hindi ako nagbibiro ay tumawa ito saka binigay na ang cellphone ko.

Pinisil nito ang pisngi ko at pinanggigilan iyon.

"Aw!"

Malakas niyang hiyaw nang sapakin ko ang kamay niya palayo.

"Don't touch me with your disgusting hand! Hindi ko alam kung saan saan dumapo yan! Nakakadiri ka!"

Tumaas ang kilay niya sa'kin. Humalakhak na naman ito.

"Improving yang mga panlalait mo sa akin ah."

Tumunog na ang buzzer hudyat na tapos na ang break time.

"Break time's over. Ang dali naman! Anyway, pag isipan mo yung sinabi ko kung pwede ako manligaw ulit----

"No."

"Teka lang! Wala pa ngang ilang seconds basted na agad ako?"

"Hindi ka basted. Dahil bago ka pa manligaw, wala ka nang pag-asa."

Madramang hinawakan ni Grey ang dibdib nito na nasa tapat ng puso nito at waring nasaktan. Inikot ko ang mata sa kaartehan niya.

"Teka lang time's up. Masyado nang foul yang mga sinasabi mo!"

Nilampasan ko na si Grey doon dahil ang lakas lakas ng boses nito, nakakairita.

"See you around, Raegan! Sa susunod mas paghahandaan ko pa mga panlalait mo sa'kin basta prepared ka rin sa mga banat ko ha?!"

Tumatawa niya pang pahabol habang naglalakad na ako palayo sa kaniya.

Naglilingunan sa gawi namin ang mga nakarinig dahil sa lakas ng boses niya. Ang daming nagbulungan pero hindi ko sila pinansin.

Habang naglalakad naman ako papunta sa building namin ay nakasalubong ko na naman ang Council na kagagaling sa canteen kanina. Hindi sinasadyang napatingin ako kay Levi. He's not looking at me. Kausap pa rin nito si Vivienne habang naglalakad sila.

Umirap ako saka dali-daling pumasok ng classroom.

"Is Grey courting you again, Raegan?"

May teacher na nagsasalita sa harapan pero kinakausap na naman ako ni Zara na mukhang nakakuha na ng lakas ng loob kausapin ako. Mula sa pagkabaon ng ulo ko sa armchair, umayos ako ng upo para harapin siya. Nagpangalumbaba ako at tinaasan siya ng kilay.

"San mo na naman nakuha yan?"

Walang emosyon kong tanong sa kaniya. Lumabi ito.

"Huwag mong papayagan si Grey na manligaw sayo."

Seryoso ito. Nagsalubong ang kilay ko.

"Bakit?"

"You should be with either of my brothers because I said so."

Nakalabi niyang turan at tinalikuran ako pagkatapos.

Ano bang sinasabi ng chaka doll na 'to?

Umirap nalang ako at binaon ulit ang ulo ko sa armchair.

Dumating ang largahan. Nagulat ako nang makita na naman sa hindi kalayuan mula sa room ang grupo ng mga varsity players ng basketball team. Nandoon na naman si Grey. Parang may hinihintay silang lumabas sa room namin.

Seriously. Why am I being around of too many assholes today?

Naputol lang ang tingin ko roon nang pumiksi ako nang maramdamang may biglang humawak sa braso ko.

"That irritating Montilvan. Ikaw ang hinihintay niyan. Huwag mo siyang pansinin. Let's go. Let's go! Ihahatid na kita sa car niyo!"

Si Zara ang nagsalita. Nagulat ako nang hilain ako nito papunta sa parking lot. Nahinto lang kami nang makasalubong namin ang grupo ng Council. Huminto rin silang maglakad sa harap namin. Nasa gitna si Levi. Seryosong nakatingin sa amin.

"Si Montilvan paparating. Anong meron?", si Jomarie na nakatingin sa likod namin ni Zara.

Lilingon sana ako pero pinigilan ni Zara ang ulo ko. Sinamaan ko siya ng tingin at tinapik palayo ang kamay niya sa akin.

Nasulyapan ko si Levi na nakatingin sa akin. Tumingin din ito sa mga paparating sa likod namin ni Zara.

His jaw clenched.

Bumalik ang mga mata nito sa akin saka supladong umiwas ng tingin.

I furrowed my brows. What the hell is his problem?

"Raegan!", tawag ni Grey.

Hindi ako lumingon dahil naiirita ako sa mukha ni Levi sa harap ko.

"Lagot. Tara na Raegan!"

Pagpupumilit na naman ni Zara sa akin.

"Anong meron?"

A soft voice asked then Vivienne came to view. Tumayo ito sa tabi ni Levi nang makalapit na ang varsity team sa amin.

Lumingon na ako doon. Kaso paglingon ko, saka nang aasar na tinulak ng mga lalake si Grey sa akin. Napaatras ako sa kinatatayuan at muntik nang madisbalanse kasabay ni Zara na nakahawak sa akin kung hindi lang nahawakan ng nasa likod ko ang magkabilang braso ko.

"Gago! Wag niyo akong itulak!"

Bulyaw ni Grey sa mga kasamahan. Nakahawak din ito sa kamay ko para hilain ako patayo. Naramdaman ko ang pag alis ng mga kamay na nasa braso ko nang gawin iyon ni Grey.

"Sorry. Are you hurt?"

Tanong ni Grey. Hindi ko siya sinagot. Lumingon ako sa gawi ng Council para malaman kung kaninong kamay ang sumalo sa akin kanina. Nakita ko si Levi na nasa harap ko. Nakakapit sa braso nito si Vivienne na nasagi ko rin nang maitulak ako kanina.

Nagtagal ang titig ko sa kamay niyang nakalingkis sa braso ni Levi.

"Careful boys. Hindi naman kailangang manakit para manligaw."

Tukso ni Jomarie sa kanila habang pinagsasabihan ang mga ito.

Narinig kong humingi ng paumanhin ang varsity team.

Nang may isang teacher ang tumawag sa atensyon ng President ng Council ay saglit lamang ako nitong tinapunan ng tingin saka kami nito nilampasan at naglakad na palayo habang hawak pa rin ni Vivienne ang braso niya.

I rolled my eyes at that sight.

Hindi ko alam kung bakit nagngingitngit ang kalooban ko doon. Hindi ko alam kung bakit wala namang ginagawa si Vivienne sa akin ngunit parang gusto ko siyang mabalian ng kamay.

"Rae---

Hindi na natapos ni Grey ang sasabihin nang kusa na akong naglakad palayo doon nang hindi na kailangan ng paghila ni Zara.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 46.3K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
367K 993 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.
7.7M 199K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
4.5M 189K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy