Estrella Cruzada ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮

By Exrineance

171K 7.6K 6.9K

A princess whose past is shrouded in mystery, yet she shares a timeless love story. Despite being overlooked... More

꧁ ρгơƖơɠơ | ʂɬąг ƈгơʂʂєɖ
꧁ ąгƈ ı | ıʄ ʂɧє ɬųгŋʂ ıŋɬơ ą Ɩıє
꧁ ı | ųŋơ
꧁ ıı | ɖơʂ
꧁ ııı | ɬгєʂ
꧁ ıѵ | ƈųąɬгơ
꧁ ѵ | ƈıŋƈơ
꧁ ѵı | ʂєıʂ
꧁ ѵıı | ʂıєɬє
꧁ ѵııı | ơƈɧơ
꧁ ıҳ | ŋųєʋє
꧁ ҳ | ɖıєʑ
꧁ ҳı | ơŋƈє
꧁ ҳıı | ɖơƈє
꧁ ҳııı | ɬгєƈє
꧁ ҳıѵ | ƈąɬơгƈє
꧁ ҳѵ | զųıŋƈє
꧁ ҳѵıı | ɖıєƈıʂıєɬє
꧁ ҳѵııı | ɖıєƈıơƈɧơ
꧁ ҳıҳ | ɖıєƈıŋųєʋє
꧁ ҳҳ | ʋıєŋɬє
꧁ ҳҳı | ʋıєŋɬıųŋơ
꧁ ҳҳıı | ʋıєŋɬıɖơʂ
꧁ ҳҳııı | ʋıєŋɬıɬгєʂ
꧁ ҳҳıѵ | ʋıєŋɬıƈųąɬгơ
꧁ ҳҳѵ | ʋıєŋɬıƈıŋƈơ
꧁ ҳҳѵı | ʋıєŋɬıʂєıʂ
꧁ ҳҳѵıı | ʋıєŋɬıʂıєɬє
꧁ ҳҳѵııı | ʋıєŋɬıơƈɧơ
꧁ ҳҳıҳ | ʋıєŋɬıŋųєʋє
꧁ ҳҳҳ | ɬгєıŋɬą
꧁ ҳҳҳı | ɬгєıŋɬą ყ ųŋơ
꧁ αяƈ ıı | нσω нє вєƈσмєѕ тнє тяυтн
꧁ ҳҳҳıı | тяєιηтα у ᴅσѕ
꧁ ɢʟᴏꜱᴀɾɪᴏ | ɢʟᴏꜱꜱᴀɾʏ

꧁ ҳѵı | ɖıєƈıʂєıʂ

2.3K 213 101
By Exrineance

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

Ang halos lahat ng nakarinig ay napalingon sa isang ginang na puno ng kolorete ang mukha at ang buong katawan. Mahahalata na ang edad nito dahil nag-uumpisa ng mangulubot ang kanyang balat.

Hindi ko na sana ito papansinin ngunit sa amin siya nakatingin— o mas magandang sabihing kay Crispin siya nakatingin.

"Anong ginagawa ng paslit na iyan dito? Hindi na nahiya sa kawalang hiyaan ng kanyang ina!" nagpupuyos sa galit na sigaw ng ginang sa amin habang matalim na nakatingin kay Crispin.

Agad namang nagtago sa likod ko ang bata at mahigpit na humawak sa aking saya habang nakatungo.

(What a dirty beggar you are!)
"Hampas lupa! Qué sucio mendiga eres!" panglalait pa nito kay Crispin.

Kumunot ang aking noo habang tumatagal dahil hindi ko na nagugustuhan ang lumalabas sa bibig ng ginang. Hindi tama na ipahiya niya ang isang bata sa harap ng maraming tao at tawa-tawagin ito sa kung anu-anong ngalan.

"Tumuloy na lamang tayo, Albino," pagbaling ko kay Albino bago kuhain ang kamay ni Crispin na nakakapit sa aking saya upang pisilin.

Huminga ako ng malalim nang maramdaman ko ang nakakasuyang sensasyon sa aking katawan. Ngunit pinili ko itong tiisin para kay Crispin.

Hindi ko alam kung anong atraso niya sa ginang ngunit labis na ang panghihiyang ginagawa nito sa bata. Ayoko namang gumawa ng eskandalo lalo pa't nasa ibang bayan kami at wala si Juan Vicente rito.

Alanganin namang ngumiti at sumunod si Albino habang palihim na sumusulyap sa nagbubunganga pa ring ginang.

(Stop! Where are you going?)
"Parar! A dónde vas? Hindi pa ako tapos sa aking pananalita. Mga walang galang sa nakakatanda! Pare-parehas kayo ng batang iyan na nagmana sa kanyang mga magulang!" natigil kaming muli dahil sa paglapit ng ginang sa amin.

"Ano pa bang sadya ng batang iyan dito kung hindi magkalat na naman ng kahihiyan! Tulad ng nakatatanda niyang kapatid na mapahangas na nagnakaw sa kaban ng simbahan! Maski ang walang kwenta niyang ama na walang ginawa kung hindi magpakalulong sa cerveza at ang ina niyang nagpapakamartir sa kahangalang pagsinta! Isang pamilya na walang silbi!" maaanghang na aliktya ng ginang na halatang ipinaririnig pa ang kanyang mga tinuran sa ibang tao.

Aliktya : Insult

"Mawalang galang na ho pero hindi naman yata nararapat na hamakin mo ang isang musmos na walang kalaban-laban," hindi ko na mapigilang magsalita.

Napatigil ang ginang matapos na siyang napataas ang kanang kilay. Bumaling sa akin ang mapanghusga niyang mga mata at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Hmmm... Isang makapal na mukhang binibini ang nagsalita sa aking harapan. Anong alam mo sa bayan ng San Diego? Wala! Wala kang karapatang pagsabihan ako, nena!" Idiniin niya ang salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay little girl.

"Kayo ho ang nagsimula nito kaya wala akong kasalanan sa masasabi ko kapag hindi mo pa itinikom ang iyong bibig, señora. Sino sa atin ang nag-aastang bata at nakikipagbuno sa taong wala namang kalaban-laban sa kanya?" laban ko sa pangmamaliit ng ginang sa amin.

Alam ko kung kailan ako tatahimik at kung kailan ako lalaban. Ilang beses ko ng hinayaan ang panghahamak niya sa amin. Hindi ko na hahayaang mamihasa pa ang ginang na ito na siya namang unang pumutak sa amin.

Narinig ko ang pagsinghap at pagkagulat ng mga nanonood. Hindi nila siguro inaasahan ang aking pagsagot.

Hindi ako isang maria clara na tulad nila. Nagmula ako sa makabagong panahon kung saan palaban ang lahat ng tao.

Nanlaki ang mga singkit na mata ng ginang at napapaypay sa kanyang dalang abaniko na may mga nakaburda pang maliliit na dyamante sa gilid.

Maaaring mestiza o insulares ang ginang na ito.Ikapapahamak ko ang pagsagot sa kanya pero wala na akong pakialam doon. Hindi ko naman hahayaang alipustahin niya si Crispin.

(Bitch)
"Aba! Isa ka rin palang walang hiya! Napupuno na ba ang bayang ito ng mga cabrona na mga walang galang?!" panghihimutok niya habang napapairap.

Akala ba niya hindi ako nakakaintindi ng Espanyol at nilalait niya ako sa ganoong lengwahe upang hindi ko malaman?

Mas matindi pa ang matandang ito kaysa sa nakaalitan kong mag-ina sa handaan ng alkalde noon sa Santa Cruz.

Marami ngang naggagandahang kolorete at alahas ang nakasabit sa kanyang katawan ngunit hindi nito maitatago ang kapangitan ng ugali ng ginang.

"Binibini, mas mabuting huwag n'yo na lang patulan ang pangdudusta ng doña. Hindi makakabuti sa inyo ang pagsagot sa kanya," bulong sa akin ni Albino habang abala ang ginang sa pagbubunganga sa amin.

Kung kilala ni Albino ang ginang na ito ay hindi nga lang basta-basta ang pagkakakilanlan nito. Nagsisisi man ako na pinatulan ang panlalait niya ay hindi ako aatras sa gusot na pinasukan kong ito.

Tumango ako kay Albino na siya namang nakahinga ng maluwag sa pag-aakalang hindi ko na papatulan ang ginang.

Nagkakamali siya. Na-bash na ako noon sa kolehiyo ng marami kong ka-schoolmate. Iisang babae lang 'tong kaharap ko ngayon. Susukuan ko pa ba 'to?

(Then introduce yourself to me if you want to gain my respect. Who are you?)
"Entonces presénteme si quiere ganar mi respeto. Quién eres?" seryoso at taas noo kong tanong sa ginang na ikinatigil naman ng pagputak niya.

Nanlalaki na naman ang mata niyang napatingin sa akin habang nanginginig ang kamay na madiing nakahawak sa kanyang abaniko.

(W-Who are you?! You! Did you just use an informal word to me?)
"Q-Quién eres?! Tú! Acabas de usar unapalabra informal para mí?" nanggagalaiting tanong sa akin ng ginang matapos niyang isara ang abaniko't iduro-duro sa akin.

Hindi ako sumagot at nanatiling taas noong nakatingin sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghila ni Crispin sa kamay kong nakahawak pa rin sa kanyang kamay upang iparating ang pagpigil niya sa akin.

Nanginginig na naman ang aking katawan dahil sa pagkakaroon ko ng haphephobia pero pinilit kong tiisin ang aking takot para kay Crispin.

Nabalik naman ang atensyon ko sa ginang ng malakas itong tumawa habang nakatakip ang nakabuka niyang abaniko sa ibabang parte ng kanyang mukha.

"Binibini—"

"Walang hindi nakakakilala sa akin dito sa San Diego, nena. Nakakatawang nakatagpo ako ng isang mestizang hunghang!" hindi pa rin matapos-tapos ang panglalait niya sa akin.

Huminga na lamang ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili't huwag magalit.

Humarap siya at humakbang ng dalawang beses palapit sa akin habang nakatakip pa rin ng abaniko kanyang mukha.

"Nakakahiya man sa iyo, binibini, ay hayaan mong ipakilala ko ang aking sarili sa hangal na tulad mo," tumigil siya sa pagsasalita at sandaling tumingin kay Crispin bago bumalik sa akin, "Ang ngalan ko ay Doña Alicia Rualez y Concolacion, nena. Ngunit hindi tayo magkapantay. Napakababa mo upang tawagin ako sa aking ngalan."

Alam kong ngumiti siya pagkatapos dahil kumorte ang kanyang mga mata. Lumayo siya sa akin at ginaya ang ginawa ko kanina. Taas noo niya akong tinitigan.

(Understood?)
"Dapat mo akong tawaging Doña Concolacion, entendido?" pagmamalaki niya sa akin.

Natigilan ako't nanlaki ang mata. Hindi dahil sa napagtantong dapat ko nga siyang respetuhin kung hindi dahil sa pangalan niyang binanggit.

Doña Concolacion...

Tinitigan kong mabuti ang ginang na nasa aking harapan mula ulo hanggang paa. Puno ng kolorete ang kanyang mukha at ang barumbado niyang pag-uugali ay talagang nakaka-agaw pansin.

Pamilyar ang pangalan ng doña sa akin. Tumatak ang karakter ni Doña Consolacion sa aking pag-iisip dahil sa masama nitong ugali sa Noli Me Tangere na pinag-aralan namin noong kolehiyo.

What the hell is happening?! Is someone shitting on me? This is insane!

Hindi ko na naman mapigilang mapa-Ingles dahil sa pagkalito.

"Nena, bakit napaamang ang iyong bibig nang malaman mo ang aking ngalan?" nang-aasar niyang tanong sa akin ngunit hindi ko ito pinansin.

Crispin, San Diego, Don Santiago at si Doña Concolacion. Mga karakter at lugar sa nobelang Noli Me Tangere. Anong malay ko kung hindi lang pala sila ang mga tauhan sa nobela nakahalubilo ko na.

Ang katotohanang naglakbay ako pabalik sa panahon ng mga Kastila ay nakakahibang na para sa akin. Ngunit ang ideyang ang mga tauhan sa nobela ni Dr. Jose Rizal ay buhay at nakakausap ko ngayon ay nakakasira ng ulo.

"Ikaw ba si Doña Concolacion na asawa ng a—"

Naudlot ang katanungan ko nang lamunin ng mga yabag ng kabayo ang aking tinig.

Ang mga manonood ay nagmadaling umatras upang iwasan at bigyang daan ang paparating.

Isang lalaki na nakakulay kapeng unipormeng pangmilitar ang nakasakay sa paparating na kabayo.

Tumigil siya sa harap namin ngunit hindi siya bumaba mula sa kabayo bagkus ay pababa kaming tinitigan.

Matipuno at mukhang mas bata kay Doña Concolacion ang bagong dating at mukhang may hinala na ako kung sino ito.

(Greetings, alperes.)
"Saludos, alperes," matikas na pagsaludo ni Albino sa ginoong bagong dating. Sandali siyang pinagtuunan ng pansin ng alperes bago bumaling kay Doña Concolacion.

"Concolacion! Kay taas ng sikat ng araw pero putak na naman ng putak 'yang bunganga mo. Ano ba ang iyong idinadaing?" baritonong tanong ng alperes sa kanyang asawa na siya namang humalukipkip sa kanyang pagdating.

"Ang dalawang ito ay winalang hiya ako! Anong magagawa ko kung hindi dipensahan ang aking sarili!" pagalit na pagdadahilan ni Doña Concolacion at masama niya kaming tinitigan ni Crispin.

Agad namang bumaling sa amin ang alperes at sinamaan kami ng tingin. Ngunit nang makita niya si Crispin ay umiwalas ang kanyang mukha.

"Crispin, muli kang nagbalik dito sa San Diego," bungad ng alperes kay Crispin na mabilis namang bumitiw sa akin at yumuko bilang pagbati sa kanya.

Matapos niyang tingnan si Crispin ay bumaling ang alperes sa akin saka tinitigan ako ng mabuti. Naalala ko si Fujiwara Seiji sa paraan ng pagtitig ng alperes sa akin kaya naman hindi ko mapigilang magitla at mapa-atras.

"Siya ba ang binibining mestiza na nabanggit ni Señora Marqueza na nagmula pa sa Bagong Espanya?" tanong ng alperes habang patuloy akong tinititigan.

Agad naman akong tumungo dahil naiilang ako sa kanyang pagtitig. Na mukhang iniisip ng alperes na pagbibigay galang ko sa kanya.

"Tama po kayo, alperes. Pansamantala pong nanunuluyan ang señorita sa familia Marqueza habang naririto siya sa Filipinas," kompirma naman ni Crispin.

Umangat ang aking tingin nang wala akong marinig na tugon saka ko lamang nalamang nakatingin pa rin ang alperes sa akin.

"Wala kang dapat ikabala, binibini," hindi nakangiti ang kanyang labi ngunit ramdam ko ang mabuting intensyon ng alperes nang sabihin niya ito.

Bumaling naman siya kay Crispin habang iginigiya niya ang kanyang kabayo.

"Nakatagpo ko si Señora Marqueza sa tarangkahan ng pamilihan at kami'y nagkausap saglit. Nabanggit niya ang tungkol sa binibini at inihabilin niyang kapag nagkita tayo ay iparating kong tutuloy na ang señora sa tahanan ni Kapitan Tiyago," salaysay ng alperes.

"Kapitan Tiyago?" hindi ko mapigilang itanong sa alperes na napabaling sa akin.

"Don Santiago Delos Santos, cabeza de barangay ng San Diego, binibini," maikling pagpapakilala ng alperes kay Kapitan Tiyago bago magpatuloy sa pagsasalita, "Palagay ko'y naroroon na ang señora sa tahanan ng kapitan at pinagdidiskusyunan ang tungkol sa planong plantasyon ng lambanog dito sa San Diego. Humayo kayo't tumuloy na roon."

Agad namang sumaludo si Albino habang sabay kaming yumuko ni Crispin bilang tugon.

"Aba teka! Dapat silang maparusahan dahil sa kapangahasang ginawa nila sa akin!" pasigaw na singit ni Doña Concolacion nang magsimula kaming lumakad palayo.

Palihim ko siyang binigyan ng masamang tingin upang hindi makita ng alperes bago inismiran at tuluyang lumayo.

Narinig ko ang pagpupuyos nito sa galit ngunit mukhang hindi siya pinapansin ng alperes.

(Shut up!)
"Cállate!" rinig kong sabi ng alperes bago kami tuluyang makalayo sa kanila, "Sila'y mahalagang panauhin ayon sa Gobernadorcillo kaya't dapat lamang na palampasin mo na ang nangyari."

Maya-maya lang din ay nakarinig uli kami ng mga yabag ng kabayo kaya lumingon kami't nagbigay daan. Ngunit huminto ang alperes sa tapat namin.

"Bago ako tuluyang lumisan ay pinaaalahanan ko kayong dumalo sa imbitasyon ng kapitan sa kanyang munting salu-salo sa susunod na linggo. Bagamat sasabihin din ito ni Kapitan Tiyago sa pagkikita nila ni Señora Marqueza," muling sabi ng alperes sa amin bago tuluyang umalis at hindi na hinintay pa ang tugon namin.

Habang tinatanaw namin ang papalayong alperes ay nakaisip ako ng kapilyuhan. Nilingon ko si Doña Concolacion at nakita ang kanyang nakabusangot na mukha.

Nang magtagpo ang aming mata ay mapang-asar ko siyang nginitian bago tinalikuran. Narinig ko na naman ang pagpupuyos niya ng galit. Ang sarap pakinggan ang pagkapikon ng doña.

Akala ba niya hindi ako palaban? Hinawaan yata ako ni Yuan sa kanyang kapilyuhan. Nakangiti kong hinawakan ang aking kuwintas kung saan nakasabit ang singsing na binigay niya sa akin.

"Ipagpaumanhin mo, binibini, ang aking pananahimik at hindi pagpagitna dahil si Doña Concolacion ay asawa ng alperes na siyang nakakataas sa akin," paghingi ng tawad ni Albino nang tuluyang maglaho ang anino ng doña sa paligid namin.

"Kadalasan ay kamatayan ang kinahahantungan ng mga taong nakakalaban ng doña. Maswerte na lamang tayo at dumating ang alperes," dagdag pa nito.

Hindi naman iyon ang iniisip ko. Sa katunayan nga ay wala naman akong pakialam kung hindi pumagitna si Albino dahil kayang kaya ko namang makipagtalastasan sa ginang na iyon.

"Wala iyon, Albino. Iwaglit mo na lamang sa iyong isipan ang nangyari," tugon ko habang nakangiti.

Ang gumugulo sa aking isipan ay ang mga taong nakasalamuha ko nitong mga nagdaang araw.

Para ba akong nasa loob ng isang nobela at nararanasan ang mga pangyayari sa likod ng pinilakang tabing.

Idagdag pa ang kakaibang nangyari nang dumating kami rito sa San Diego. Lalo iyong babae sa kampanaryo at ang pagiging papel ng paligid.

Sa dinami-dami ba naman ng kakaibang naranasan ko mula ng mapadpad ako sa taong 1888, hindi na ako magugulat kung may makikita pa akong mga kakatwang bagay-bagay.

Nagpasya kaming dumiretso sa bahay ni Kapitan Tiyago. Gusto ko ring makumpirma kung iisang tao nga lang ba ang Kapitan Tiyago rito sa Kapitang Tiyago na naiisip ko.

Nang sabihin ni Albino na malapit na kami sa tahanan ng mga Delos Santos ay saktong nakarinig naman ako ng kalembang ng kampana.

Napatigil ako at pinakinggan ang pagkuliling ng kampana ng simbahan. Muli na naman akong inaakit nito upang lumapit sa sadradong tahanan ni Diyos.

"Señorita?" takang tawag ni Crispin sa akin nang mapatigil ako sa paglalakad.

"Ibig kong sumaglit muna sa pagsimba, maaari ba?" paghingi ko ng pahintulot kay Albino na siya namang pumayag na samahan ako.

Ilang kilometro lang ang layo nito sa bahay ni Kapitan Tiyago kung susumahin mo ang makailang beses naming pagpasok at pagliko sa makikipot na kalye.

Pagdating namin sa simbahan ay kapansin-pansin ang maraming kababaihang labas masok sa simbahan. Ang ilan pa sa kanila ay nakabelo at may mga hawak na bibliya't rosaryo.

Tumuloy kaming pumasok sa simbahan hanggang magpaalam sa akin si Crispin.

"Señorita, maghihintay na lamang ako rito sa labasan," pamamaalam ni Crispin. Nagtataka man ay hindi na ako nagtanong at bumaling na lamang kay Albino.

"Ibig kong samahan mo siya rito sa paghihintay, Albino," pag-uutos ko sa kasama naming guardia civil.

"Ngunit—"

"Sandali lamang ako at sinong maglalakas loob na gumawa ng masama sa loob ng tahanan ng Panginoon?" pagputol ko sa mahigpit na pagtutol ni Albino sa akin.

Ilang segundo siyang nag-alinlangan bago nagdesisyong pumayag.

"Malapit si Crispin sa simbahang ito. Bago siya mapadpad sa familia Marqueza ay dito siya nanuluyan kasama ang nakatatanda niyang kapatid," pagkukuwento ni Albino na mukhang nahulaan ang pagtataka sa aking isipan kanina.

Dahil binuksan niya ang paksang iyon ay hindi ko maiwasang maitanong ang dati pang bumabagabag sa aking isipan.

Kapag ang sinagot niya sa aking tanong ay kaparehas ng naiisip kong pangalan, tatanggapin ko na ang posibilidad na nasa loob ako ng isang kuwento.

Huminga ako ng malalim bago lumapit kina Crispin at Albino. Nasa gilid sila ng malawak na pintuhan ng simbahan upang hindi maka-abala sa mga papasok at lalabas ng simbahan.

Tumingin ako sa mga mata ni Crispin at muling napahinga ng malalim.

"Nasaan na ngayon ang iyong nakatatandang kapatid?" panimula ko kay Crispin.

Pumaitaas naman ang tingin niya na para bang nag-iisip bago muling tumingin sa akin.

"Wala na po akong balita sa aking kapatid magmula ng mapunta ako sa hacienda. Ibig ko nga pong kumustahin sila ni ina sa ating pagtungo rito," malungkot na sagot ni Crispin habang magkasaklop ang mga kamay sa kanyang harapan.

Tumingin naman ako kay Albino upang magtanong sana kung nasaan ang kapatid ni Crispin. Pero hindi siya nakatingin sa akin kung hindi sa kasama naming paslit. May bahid ng panghihinayang at pighati ang mga mata ng guardia civil habang nakatuon sa bata.

Mukhang may alam siya sa nangyari sa kapatid ni Crispin ngunit hindi ito mabuting balita. Minabuti ko na lamang na i-sarili ang katanungang iyon at nag-isip na lamang ng panibagong katanungan.

"Anong ngalan ng iyong ina? Ibig ko siyang banggitin sa isa sa mga madreng maaari kong makausap dito at ipahanap," sunod kong tanong na nagbigay ng ngiti sa labi ni Crispin.

"Narcisa po ang kanyang ngalan. Balingkinitan, mahaba ang itim na buhok at bilugan po ang kanyang mga mata. Iyan po ang hitsura ni ina ng huli ko siyang makita," masiglang pagsasalaysay ni Crispin tungkol sa kanyang ina.

Narcisa...

Tumango na lamang ako habang iniisip kung saan ko na naman narinig ang pangalang iyan.

"Ibig ko rin pong banggitin ninyo ang aking nakatatandang kapatid na si Basilio, labing dalawang taong gulang na po ang aking kapatid," dagdag pa ni Crispin na nakapagpatigil sa aking pag-iisip.

"Basilio?" pag-uulit ko sa pangalang binanggit ni Crispin na agad naman niyang tinanguan.

Magtatanong pa sana ako nang sabihan na ako ni Albino na malapit nang magsimula ang susunod na misa. Baka mainip na si Doña Soledad kina Kapitan Tiyago.

Basilio at Crispin.

Natatandaan ko kung anong nangyari sa kanila. Napagbintangang magnanakaw si Crispin ng salapi ng simbahan at nabugbog hanggang sa mamatay. Naging mahalaga rin ang papel ni Basilio sa Noli Me Tangere lalo na sa El Filibusterismo.

Nakaramdam ako ng awa sa sinapit nila sa nobela kaya naman hindi ko mapigilang hawakan si Crispin sa kanyang ulo. Marahan ko itong hinaplos kahit na dumadali na naman ang panginginig ng aking kalamnan.

Sa tingin ko ay hindi umabot ng dalawang numbero ang edad ni Crispin sa nobela bago siya mamatay. Isa ring batang lalaki si Crispin doon samantalang batang babae ang Crispin na kilala ko rito.

Malabo pa sa akin ang lahat at hindi nagtutugma ang mga bagay-bagay para masabi kong nasa loob nga ako ng nobela.

Inalis ko na sa aking isipan ang mga alalahaning ito upang hindi na ako mabagabag pa. Saka ko na lamang masusing susuriin ang mga nangyayari kapag may sapat na akong oras makapagmuni-muni.

"Sandali lamang ako rito upang magdasal. Marami akong ibig iparating sa Panginoon ka—"

Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang mapadako ang aking tingin sa likuran ni Albino.

Agad akong mapasinghap sa nakita habang nanlalaki ang mga mata.

May isang pulubing bata ang naglalaro sa gitna ng kalsada. Abala siya sa pagsisipa ng mga maliliit na bato sa mabuhanging lupa kaya hindi niya napapansin ang papalapit na kalesa hila-hila ng isang puting kabayo.

"Binibini, anong—" simulang pagtatanong sa akin ni Albino ngunit naputol ito nang mabilis akong tumakbo't lumampas sa kanya.

Malapit na ang kalesa nang mahagip ko ang bata't mahila sa gilid ng daan. Sa lakas ng aking pwersa ay napadaing ang bata. Nawalan ako at ang bata ng balanse hanggang sa sabay kaming matumba sa malupang daanan.

Narinig ko ang gulat at pagsinghap ng mga tao na nakapansin sa amin. Pati ang kabayo ay nabigla rin kaya't napatigil ang kalesa.

"Binibining Mirasol!" agad na dumalo sa akin si Albino upang alisin sa unahan ko ang batang umiiyak. Saka siya naglahad sa akin ng kamay upang tulungan akong tumayo.

"Señorita!" kasunod niya si Crispin na may pag-aalala sa mukha.

Humawak ako sa braso ni Albino kung saan may manggas at saka tumayo. Agad ko din namang binitawan guardia civil sapagkat mabilis niyang pinasadahan ang aking buong katawan upang hanapin kung may mga natamo akong galos. Si Crispin naman ay agad na pinagpag ang baro kong puti pa naman na ngayon ay may mga bahid na ng dumi.

"Ipagpaumanhin mo ang aking kalabisan, binibini," paghingi naman agad ng tawad ni Albino sa ginawa niyang paghawak at pagtitig sa akin. Umiling na lamang ako sa kanya habang nakangiti at bumaling sa batang pulubi.

"May masakit ba? Kumusta ka, munting bata?" pangungumusta ko sa bata. Hahawakan ko na sana ang kanyang kaliwang pisngi upang pahidan ang kanyang mga luha nang manginig na naman ang mga kamay ko.

Hindi sumagot ang bata bagkus ay lalo pang umiyak.

"Ayos lang ba ang bata?" isang malamyos at mahinhing tinig ng babae ang aking narinig.

Agad akong napatingala at nakita ang isang marilag na binibining nag-aalalang nakatingin sa batang umiiyak.

Mahaba ang may kulot-kulot nitong kulay kapeng buhok na nakalugay hanggang sa kanyang baywang. Pinapalamutian ito ng maririkit at maliliit na brilyanteng sipit sa magkabilang gilid ng kanyang buhok.

Ang mga mata niyang nangingislap sa tila nagbabadyang luha ay nakakapukaw ng damdamin. Matangos ang ilong ng binibini na bumabagay sa mapupula at manipis na labi nito. Ang maliit na hulma ng kanyang mukha ay akma sa mahagway niyang pangangatawan.

Mahagway : Slender

Nakasuot siya ng simpleng baro't saya na kulay abo. Tinernuhan niya ito ng kulay puting belo sa ulo.

Sa lahat ng binibining nakasalamuha't nakita ko sa panahong ito ay walang makahihigit sa kariktan ng dalaga na nasa harapan namin ngayon.

Tinitigan ko ang mukha ng binibini sapagkat may naaalala ako sa kanya. Ang mga mata at ang hulma ng kanyang mukha ay katulad na katulad ni—

"Ugh!" biglang ungol ko nang pumintig ng malakas ang sentido ng aking ulo. Sobrang sakit at ang kirot ay talagang nakakabiyak ng bungo.

Ngunit bago pa makabawi ay nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib habang tinititigan ang binibini. Ang mukha niya ay may pagkakahawig sa hindi ko makakalimutang mukha na una kong nakita sa aking pagdilat noon.

"Mmm..." sinubukan kong sambitin ang pangalan ng kahawig niya ngunit tanging ungol lang ang kumawala sa aking labi.

"Humihingi ako ng kapatawaran sa sinapit ng munting paslit at sa pagkaabala sa iyo, Ginoong Albino at sa inyo mga binibini, " nakahahabag na paumanhin ng binibini habang nakayuko sa amin.

Tila na-estatwa naman si Albino habang namumula't hindi maalis ang mata sa bagong dating. Ganoon din si Crispin at ang halos lahat ng taong malapit sa amin.

Hindi naman kataka-taka ang mga reaksyon nila. Walang halong biro't pangbobola pero napakaganda nga ng binibining kasalukuyang nakayuko pa rin sa amin.

Nasa binibini ang buong atensyon ng lahat ng nasa paligid sa amin. Kaya hindi namin napansin ang ginang na kasama nito na nasa kanyang likuran hanggang sa ito'y magsalita.

"Kumusta ang bata, Maria?" nag-aalala rin nitong tanong.

∙∙·▫▫ ≍ ⋟⋟۵ ⋟⋟۵⋞⋞ ▫≼≽▫ ⋟⋟۵⋞⋞ ۵⋞⋞ ≍ ▫▫·∙∙

Updates will be change from every second and fourth Saturday of the month into indefinite schedule.

Ang kuwentong ito ay hindi pulido at maaaring makakita ng wrong spelling of words, wrong grammar in a sentence at typographical errors. Maaari akong itama sa bawat pagkakamaling makikita ninyo. Salamat sa pag-unawa.

Paalala na ang iba ay maaaring taliwas sa katotohanan. Sinasadya iyon ng manunulat dahil sa napakatinding rason.

彡Exrineance

𝘈𝘙𝘊 𝘐╹𝘜𝘯𝘭𝘰𝘤𝘬╻𝘐𝘧 𝘴𝘩𝘦 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘴 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘢 𝘭𝘪𝘦

Continue Reading

You'll Also Like

Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.2M 73.2K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
48.1K 2.8K 144
"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sin...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
52.7K 2.5K 29
Clover Gil was a highschool student girl who did nothing but to make a trouble, break the rules and make fun of others. Her grade in English subject...